Anda di halaman 1dari 2

Stephen A.

Bautista

BSIT 1-1

Ang Aking Talambuhay

Ikapito ng Setyembre 1995 sa isang lugar sa Maynila ako isinilang sa ganap na ika-lima ng hapon. Kahit doon ipinanganak, Taguig pa rin ang kinilala kong bayan dahil ditto na namulat ang aking pagkatao. Noong akoy apat na taong gulang pa lamang ay nag-aaral ng ako ng kinder sa Nueva Vizcaya na probinsya ng aking amang si Felix Bautista. Tanging lola ko lamang aking aking kasama sa probinsya kayat dumating ang panahon na mismong ang aking mga magulang ay hindi ko kilala. May panahon na akoy hindi na kayang alagaan ng aking lola dahil sa siyay matanda na kayat akoy iniuwi na sa Taguig kasama ang pamilya ko. Sa panahong yaon ay muli kaming nagkapiling ng aking ina na sabik sa bawat isa. Bata pa lamang ako ay alam ko na ang ibig sabihin ng kahirapan. Panganay ako sa anim na magkakapatid. Naalala ko pa nung akoy nasa ungang baytang pa lamang, kinakailangan kong umuwi ng maaga upang alagaan ang aking mga kapatid at alalayan ang aking inang bagong panganak. Taong 2008 ay nakapagtapos na ako ng Elementarya sa Silangan. Ipinanganak nuon ang ikalima sa aming magkakapatid. Noong unay akala ko ay ayos lang ang lahat pero tatlong buwan na ang kapatid kong si Ayessa ay nadiskubre naming siyay may kapansanang Cerebral Palsy. Masakit mang isipin pero ang Diyos ang may plano nito. Nasa unang baytang na sana ngayon ang aking kapatid kung hindi lang dahil sa kanyang kapansanan. Ako na halos ang nag-aruga sa kanya simula ng ipinganganak na siya. Masakit mang Makita na naghihirap ang aking kapatid ay kailangang tibayan ko ang aking loob upang mapagtagumpayan ko ang pagsubok na iyon. Minsan ay naiisip ko kung bakit pa siya hinayaan ng Diyos na mabuhay kung gayoy nahihirapan naman siya. Nakapag-aral ako ng sekondarya sa Upper Bicutan National Highschool noong ngunit makalipas lamang ang ilang buwan ay inampon ako ng Heavens Door Christian Acadeny kung saan ako nagtapos. Pribvado man ang nasabing paaralan ay ni sentimo ay wala akong binayaran sa matrikula gawa ng Gobyerno na daw ang nagbabayad ng lahat ng ito. Ikatlong Taon pa lamang ako ay tumutulong na ako sa akong mga magulang upang matugunan ang pangangailangang pinansyal ng pamilya.minsan akong naging konstrakyon, tindero, at madalas kasama ang aking ama sa mga gawaing elektrikal o electrician kayat nagkaroon ak ng kakayanan ng aking ama. Ang perang aking kinikita ay inaabot ko sa aking ina o di kayay pang bili ng mga pangangailangan sa eskwela at mga

Stephen A. Bautista

BSIT 1-1

proyekto. Pagod at kawalan ang konsentrasyon sa pag-aaral ang ibinunga nito. Sa kabila nito, nagtapos ako ng may karangalan. Ngayong anim na kaming magkakapatid, panibagong yugto at higit na pagsisikap upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok na inilaan ng Diyos sa akin. Ngayong akoy nasa kolehiyo, pagsusumikapan kong makatapos upang ang aking mga kapatid ay matulungan ko sa kanilang pag-aaral. Hindi ko pinapangarap na yumaman bagkus ay makaahon kami sa hirap at lumaki ang bawat isa sa amin na may magagandang pamumuhay.

Anda mungkin juga menyukai