Anda di halaman 1dari 1

Ang buhay daw ng tao ay puno ng makukulay na karanasan.

Mga karanasan na hindi basta bastang malilimutan, kung minsan ay masaya at puno ng tawanan at kung minsan naman ay malungkot at puno ng pagdadalamhati. Kaya nga itinuturing na gulong ng palad ang buhay ng tao kung minsan ay nasa ibabaw at halos nakukuha ang lahat ng luho sa mundo at kadalasan ay nasa ilalim na halos lahat ng pasakit sa buhay ay nasa atin na, at nag uudyok sa karamihan na kitilin ang kanilang buhay. Kalimitan sa atin ay nasa ordinaryong pamumuhay, makakain lamang ng tatlong beses isang araw ay kagalakan na sa kanila. Pero sa kabila nito ay may mga ilan parin sa atin na hirap sa buhay isang kahid isang tuka raw sila kung ituring, paano nga naman isang pamilyang may anim mahigit ang anak at ang padre de pamilya nila ay isa lamang magbobote o nagkakalkal ng basura paano nga naman mairaraos ng isang ama ang kanyang pamilya kung ganung klaseng pamumuhay lamang ang meron siya. Minsan ay naitatanong nila sa kanilang sarili kung bakit ganun sila kahirap. Sino nga ba ang dapat sisihin? Kung sila ang inyong

may pahabol pa ang gobyerno ang dapat pananagutin kung bakit sila naghihirap. Gobyerno?? Bakit gobyerno ang siyang sisisihin, oo

nga may kinalaman ang gobyerno sa ating pamumuhay ngunit kasalanan parin ito ng bawat indibidwal. Kung kanilang iisipin ay mali na nagparami sila ng anak na alam naman nila ang hirap ng buhay. Dapat isa alang alang ng bawat magpaplano ng pamilya ang istado ng kanilang pamumuhay hindi ang gagawa sila ng mga hakbang na maari nilang pagsisihan sa bandang huli. Sinasabi na sa bawat sampung bata (10) ay anim (6) sa kanila ang nagugutom kalimitan dito ay anak ng constraction worker, tricycle driver, magbobote, nagtitinda ng dyaryo sa lansangan, vendor sa palengke at kung ano ano pang trabaho na pangkaraniwan lamang sa isang mamamayan. Hindi sapat ang kanilang kinikita sa pang araw araw upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

tatanungin ay kakulangan ng hanapbuhay ang kanilang isasagot at

Anda mungkin juga menyukai