Anda di halaman 1dari 1

Ang Ibong Adarna ay isang korido na isinulat ni Francisco Balagtas (kinilala rin na Francisco Baltazar) [1] noong panahon

ng Kastila na ngayon ay bahagi na ng Panitikan atMitolohiyang Pilipino . Noong panahon ng pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas, kilala ito sa pamagat na Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina [2] Valeriana sa Cahariang Berbania . May mala-epikong istilo ng pagkakasalaysay ang Ibong Adarna na tumatalakay sa kabayanihan, pag-ibig at kababalaghan. Nakasentro ang kwento sa Adarna, isang ibon na nagtataglay ng mahiwagang kapangyarihan na nakapagpapagaling ng anumang karamdaman sa sandaling umawit at marinig ang tinig nito. Umiikot din ang kwento sa pakikipagsapalaran ni Don Juan, isang prinsipe ng Kahariang Berbanya sa kanyang paghahanap sa Ibong Adarna, paglalagalag sa iba't [3] ibang lupain at pakikipag-ibigan kina Donya Maria Blanca at Donya Leonora . May ilang mga [sino?] kritiko ang nagsasabing maaaring ang sumulat ng Ibong Adarna ay si Jose dela Cruz o kilala sa tawag na Huseng Sisiw

Anda mungkin juga menyukai