Anda di halaman 1dari 2

Favorite Pet: Aso Alam niyo ba na sa panahon ng Mesolitiko nag-umpisa ang ideyang pag-aalaga ng aso?

Oo, sa panahong ito nagsimula. Kaya naman sa mga sumusunod pang panahon ay natuto rin silang mag-alaga ng iba pang hayop.

Isa sa mga hilig ko ay ang mga cellphone na touch screen, at napapadali ang paggamit nito sa pamamagitan ng Stylus. Na inimbento naman ng mga Sumerian, ginagamit ito ng mga iskriba nung panahon nila upang magsulat sa luwad na tableta.

Hilig ko rin ang magcomputer, madaming nagagawa dito. Dito pumapasok ang konsepto na ginawa rin ng mga Sumerian, ang pagkakagawa ng Calculator, na may kalakip na Fraction at Square root.

Paramore. Rock yang mga yan, isa sa mga paborito kong banda. Kung tutuusin, pwede naman akong mamili ng kung ano ang papanigan kong hilig, marami kasing uri ng musika, parang nung panahon ng mga Persiano, maaari silang mamili ng landas na gusto nilang tahakin --Kabutihan o Kasamaan, ito ang konsepto ng Zoroastrianismo.

Pagbabasa ng mga libro, halos sumakit na ang mata ko sa pagbabasa ng mga yan dahil hilig ko talaga. Kaya naman nagpapasalamat ako kay Ahurbanipal dahil siya ang kauna-unahang nagpatayo ng aklatan sa panahon ng mga Assyrian na mayroong 200,000 tabletang luwad.