Anda di halaman 1dari 2

ARALIN 15: ANG EMPERYONG ISLAM Islam- ay itinatag ni Muhammad noog ikapitong siglo C.E.

Tinawag na islam ang pananampalatayang ito na ibig sabihin ay pagsasailalim sa kalooban ni Allah. Muhammad-siya ang nakatanggap ng banal na bagbubuyag upang siya ay maging sugo ng kaisa-isa at tunay na diyos, si Allah. Hegira- ang tawag asa paglikas ni Muhammad sa Medina noong 622 C.E. ito ay tinuturing na simula ng kalendaryong muslim. 630 C.E.- itinanghal ni Muhammad ang Kaaba sa Mecca bilang sentro at banal na dambana ng islam. Sa pagkamatay ni Muhammad noong 632 C.E., ang Islam ay laganap na sa halos lahat ng bahagi ng tangway ng Arabia. ANG PAGKABUO NG EMPERYONG ISLAM Ang malakas na pananampalataya ay isa lamang sa mga dahilan ng mabilis na paglaganap ng Islam. Ang isa pa ay ang pananakop ng mga lupain dulot ng malaking popullasyon sa Arabia na nakaranas ng matinding tagtuyot noong ikapitong siglo. Umayyad Caliphate Sa kasaysayan ng ng Islam, tatlong mahahalagang emperyo ang naitatag: ang Umayyad, Abbasid, at Ottoman Caliphate. Caliphate- ay isang sisteman ng pamahalaan ng mga Muslim. Ang pinuno nito ay ginawaran ng titilong Caliph na nangangahulugang deputy o kinatawan. Siya ang kahalili ni Muhammad. 636 C.E. - sinimulan ng nga hukbing arabo na salakayin ang Syria, Egypt, Iraq, at malaking bahagi ng Persia. 661 C.E.- itinatag ang Umayyad Caliphate sa kabisera ng Damascus sa Syria. Mga naunang apat na caliph: Abu Bakr (632-634 C.E.) Omar (634-644 C.E.) Uthman (644-656 C.E.) Ali (656-661 C.E.) Sa pagkamatay ni Ali, nahati sa dalawa ang ummah o pamayanang Muslim. Shia- (Shiite ang tawag sa tagasunod nito) ay naniniwala na ang tanging may karapatan na magiging caliph ay ang mga anak, inapo, at kamag-anak ni Ali. Ayaw tanggapin ng mga Shia ang mga Umayyad na humalili kaya Ali.

Sunni- ay naniniwala ang caliph ay isa lamang political na pinuno at hidi dapat mag mula lamang sa kamag-anakan ni Ali. Sa pagpasok ng ika walong siglo, tinawid ng mga Muslim ang Strait of Gibraltar patungong Spain. Tinalo nila ang kahariang Visgoth dito. Tinawid nila ang bulubunduking Pyrenees patungong France. Subalit sila ay tinalo malapit sa bayan ng Tours ng France NNG 732 C.E. ni Charles Martel, pinuno ng mga Franks. Mahalaga ang pagkatalong sinapit ng mga Muslim sa Labanan sa Tours. Pinigilan nito ang pagpasok ng mga Muslim sa Europe. Kontrolado ng mga Muslim ang malaking bahagi ng Iberian Peninsula (na binubuo ng Spain at Portugal) sa kalagitnaan ng ikawalong siglo. Subalit may mga kaharian sa hilagang Spain na nanatiling Kristyano. Inilunsad nila ang pag bawi sa kabuuang Spain mula sa kamay ng mga Muslim. Reconquista- ang 500 taong pakikipaglaban ng Spain laban sa mga Muslim. Ika-11 siglo- naguna ang kaharian ng Castille sa pakikipagdigma sa mga Muslim. Tanging ang Granada na lamang ang hawak ng mga Muslim sa pagpasok ng ika-13 siglo. Ngunit tuluyan din itong nabawi ng Spain. Umayyad Caliphate- ay nagsagawa ng mga hakbang upang pagtibayin ang pamamahala ng isang emperyo. Mga hakbang na isnagawa ng Umayyad Caliphate: 1. Pinatupad nito an gang paggamit ng wikang Arabo bilang pangunahing wika. 2. Nagpagawa ito ng pera na tanging iikot at gagamitin sa buong imperyo. 3. Nagpatayo ito ng malaking gusali upang ipadama sa mga Muslim na ang kanilang imperyo ay magtatagal o mananatili hanggang katapusan. Isa na ditto ang Dome of the Rock na itinayo sa lokasyon ng lumang temple ni Haring Solomon sa Jerusalem. Nagpatayo rin ng magagarang moske sa Aleppo, Medina, at Cordoba.

Anda mungkin juga menyukai