Anda di halaman 1dari 2

Ang Buwan ng Wikang Pambansa

Odylon P. Villanueva
Guimba East Central School Guimba, Nueva Ecija

Ano nga ba ang wikang pambansa? Naisip nyo ba kung gaano ito kahalaga sa atin? Ang wikang pambansa ay ang wika ng ating sinapupunan; ang wikang Filipino. Ito ay napakahalaga sa lahat ng mga mamamayang Pilipino dahil ito ang wikang ginagamit natin sa pang-araw-araw na pagsasalita at pakikisalamuha sa ibat-ibang uri ng tao sa ating lipunan. Napakahalagang gamitin ng ating wikang pambansa. Dahil sa iisang wika nagkaisa at nagkaunawaan tayong mga Pilipino na ipagtanggol ang ating bansa laban sa lahat ng mapang-aping dayuhan na dito ay napadpad. Tuwing buwan ng Agosto, ipinagdiriwang ng mamamayang Pilipino ang Buwan ng Wikang Pambansa. Ito ay paraan ng pagpapakita ng bawat Pilipino ng paggalang at pagmamahal sa sariling wika. Naipapakita ito kasabay ng pagdiriwang sa lahat ng mga pribado at pampublikong paaralan sa ating bansa. Sa pagsapit ng buwan ng Agosto naghahanda ang mga paaralan ng mga gawain para sa mga mag-aaral patungkol sa pagdiriwang ng wikang pambansa. Isa na rito ang paligsahan sa balagtasan, pagsulat ng sanaysay, paggawa ng kartelon, na pawang ukol sa Buwan ng Wika. Ang ilan naman sa atin ay ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng pag-iwas sa paggamit ng mga banyagang salita sa pakikipag-usap sa loob ng paaralan simula sa pagpasok ng buwan ng Agosto, maliban sa sarili nating wikang Filipino. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng pagkakaroon ng paminsan-minsang pagaaway at gulo tayong mamamayang Pilipino ay nagpapakita ng tunay na pagmamahal at paggalang sa ating wikang pambansa. Panatilihin sana natin ito sa ating pusot isipan dahil itoy isang tunay na yaman ng ating kultura. Matuto sana tayong mga

Pilipino na ipagmalaki ang sarili nating wika saan mang panig ng mundo tayo mapadako. Bawat isa sa atin ay Pilipino at dapat na matuto ng sariling wika dahil itoy isang obligasyon sa bansang Pilipinas. Huwag natin itong ikahiyang bigkasin mapunta man tayo sa ibang panig ng mundo. makakasalamuha. Ipagpasalamat natin ang pagkakaroon ng wikang pambansa sa dating pangulong Manuel L. Quezon. Siya ang taong nagtadhana na ang wikang Tagalog, dahil sa mas higit ang bilang ng mga taong nagsasalita sa kapuluan at sa angkin nitong katangian na mas madaling maunawaan ng lahat ang siyang naging batayan upang maging wikang pambansa. Dahil dito, si Manuel L. Quezon ang Wikang Pambansa. Sagisag ng ating lahing Pilipino ang pagkakaron ng isang wika. Sa pamamagitan nito ay madali tayong nagkakaunawaan. Ito ang dahilan kung bakit sa ating mga kurikulum na mula elementarya hanggang kolehiyo ay mayroong asignaturang Filipino. Malayu-layo na rin ang ating narating sa pagpapayaman ng ating wika. Hindi maikakaila ang ating malalim na pagpapahalaga sa biyayang ito ng pagpapahayag. Ang Buwan ng Wika ay isang selebrasyong nauukol sa ating tunay na pagiging tinaguriang Ama ng Gamitin natin ito sa bawat Pilipinong

Pilipino . Isang pamanang-lahi maitatangi at patuloy na dadaloy sa ating pusot kaluluwa at maipapasa sa mga darating na henerasyon. Wika nga sa isang kawikaan , Wikang Filipino ay sagisag ng Bayan ko ikararangal ko kahit na kanino , mananatili sa puso ko saan man ako magtungo.

Anda mungkin juga menyukai