Anda di halaman 1dari 1

Kasaysayan ng Barangay Bulacao

Ang Barangay Bulacao ay isa sa mga sub-barangays ng Barangay Pardo. Matagal nang kabilang ang Bulacao sa Pardo kaya kung mapapansin ninyo, ang mga tao ay palaging sinasabi na, Bulacao- Pardo sa pagsulat ng kanilang address.

Alamat ng Barangay Bulacao


Ang pangalan ng barangay ay nagmula pa sa panahon ng mga Kastila. Sa panahong ito, ang mga taong naninirahan sa lugar na ito maiitim,walang relihiyon at puro matatapang. Isa sa mga mandirigma ay nagngangalang Bulacao. Mahusay lumaban si Bulacao laban sa mga Kastila at palagi niya itong natatalo. Hindi rin siya natatablan ng bala hanggang sa ginamitan siya ng kanyon ng mga Kastila. Natamaan siya pero hindi niya ito ininda. Pero hindi niya makayanan ang usok mula sa kanyon kaya tumakbo siya patungo sa ilog na kanyang nasasakupan at doon natagpuan ang kanyang malamig na bangkay. Mula noon, ang lugar ay ipinangalan kay Bulacao bilang pagkilala sa kanyang katapangan.

Anda mungkin juga menyukai