Anda di halaman 1dari 3

AM+DG

Group 3 2N Leader: Mig Ponco Pagninilay-

Araling Panlipunan

1. Batay sa kanyang mga sagot sa aming panayam, maraming pagkakatulad ang kanyang mga naging mga karanasan sa mga naging karanasan ng mga OFW sa ibat ibang sulok ng mundo tulad ng sa Malaysia at karatig na bansa. Una, dito siya nagkaroon ng trabaho bilang isang guro at ganoon din ang ating mga OFW na kung saan pumupunta sila sa malalayong lugar tulad ng sa Europa at Amerika, para makaipon ng pera para sa pamilya at makukuha lamang ang ipong iyon kung mayroon silang mabuting trabaho gaya na lamang ng pagiging guro. Ikalawang positibong pagkakatulad ay ang pagkakaroon ng anak. Madalas ang mga nangingibang-bayan ay walang asawa o gustong makaipon para sa kanyang mga magulang at dahil wala pang kasama sa buhay, maaring makahanap ang isang tao ng tunay na pagmamahal sa bansang pinuntahan niya. At kung mangyayari ito, malamang na magkakaroon sila ng anak bunga ng matamis na pagmamahalan at dito liligaya ang isang OFW, tunay na positibong pangyayari sa buhay ng isang immigrant. Negatibo naman, ay una. Nanakawan ang aming kinapanayam sa Filinvest 2, Quezon City at tulad ng isang OFW, madalas silang manakawan palibhasay nag-iisa sa bansang malayo. Hindi ito nawawala kaninuman kung hindi nag-iingat sa gamit. Isa pa ay may 26% and mga OFW na naghihirap sa ibang bansa o naii-stress o napapagod imbis na nagsasaya. Ibig sabihin na madalas silang mapagod kaysa nakakapahinga dulot ng trabaho. Isang halimbawa ay madalas na inuutusan ng amo ang mga domestic helper kaysa pinagpapahinga kapag tapos na ang isang gawain. Kaya dapat na maging maingat at mapanuri tayo ng makaiwas sa mga hindi inaasahang pangyayari. 2. Gaya ng sinabi ni Mrs. Rosita Yi, aming kinapanayam na maraming magagandang tanawin o tourist spots dito sa Pilipinas. At marami tayong pwedeng gawin upang mapanatili ang kalakasan ng lipunang Pilipino sa larangan ng turismo. Una, kahit sa simpleng mamamayang Pilipino ay may magagawa bastat may puso para sa bayan. Maaari nating itapon ang nakita nating mga kalat sa ating silid-aralan lalo na sa mga tourist spot kung dadalaw tayo kahit na hindi natin pag-aari ang basurang iyon. Kailangan din nating matutong magbukod ng basura, nabubulok man o hindi nabubulok, magagawa natin iyan bilang isang mag-aaral. Maari rin tayong gumawa ng kampanya, kahit simpleng paraan lang gaya ng paggawa ng tula, upang maisulong at mapreserba ang ating mga tanawin dito sa Pilipinas. Isa pa ay dahil mahilig na ngayon ang mga kabataan sa Computer ay maaari nating ipakalat sa mga Social Networking sites ang kagandahan ng ating mga tanawin upang malaman kahit ng mga ordinaryong mamamayan ang tunay na halaga ng bawat isa sa atin, ang pangalagaan ang ating kalakasan bilang isang Pilipino, ang pangangalaga sa ating mga tanawin. Sa huli, mas malaking tulong ang magagawa ng pamahalaan kung sila ang mangunguna sa mga kampanya kung nanaisin nilang mapabuti ang bansa sa turismo. Tulad ng NoToMining in Palawan para mas dumami ang turistang pupunta sa Palawan at hindi mangangamba sa pagmimina na maaring magdulot ng sakuna.

AM+DG

Mga larawan: KALAKASAN NG PILIPINAS

Isang halimbawa ng mga kampanyang ipinakakalat sa mga Social Networking sites.

Mga halimbawa ng tanawin sa Pilipinas, ang Banaue Rice Terraces sa Ifugao at Boracay Beach sa Aklan

Halimbawa ng datos ng pagtaaas ng turismo sa bansa sa mga partikular na destinasyon sa Pilipinas. Ito ay mula Enero hanggang Mayo ng Taong 2009 2010

3. Tulad ng sinabi ng aming kinapanayam na magulo ang transportasyon sa Pilipinas, marami ring hakbang ang maaring isagawa nang sa gayon ay umunlad ang Pilipinas sa larangan ng transportasyon. Maaari tayong magkaroon ng mgashift para mabawasan ang magulong trapiko sa mga lansangan partikular sa mga lungsod tulad ng Maynila. Isang halimbawa, tuwing Lunes ay dapat walang pumapasadang sasakyan na may numerong isa at dalawa sa kanilang mga plaka. Dapat na tuunan ng pansin ng pamahalaan ang ganitong sitwasyon. Magpatayo ng mga flyovers, overpass at mga karagdagang lansangan gamit ang pondong labis sa mga ibang pinapagawang batas at proyekto. Dahil karamihan sa mga lungsod ay maraming sasakyan, ito dapat ang tugunan ng pamahalaan dahil maraming naapektuhan sa mga trapiko at mga aksidenteng dulot ng trapiko tulad ng banggaan ng mga sasakyan. Dapat din na unahin ng pamahalaan ang kanilang mga sarili sa pamamagitan ng pagpapatupad ng makatarungang batas at pagsasaayos sa ating bayan lalo na sa transportasyon.

AM+DG

Mga Larawan: KAHINAAN NG PILIPINAS

Halimbawa ng pampublikong sasakyan na madalas matatagpuan sa lansangan. Isa itong jeepney, pinoy na pinoy.

Mga halimbawa ng problema sa transportasyon trapiko at aksidente sa lansangan

Isang diagram ng sasakyan na kung saan madalas ang makina ang dahilan ng magulong trapiko dahil sa aksidente. Madalas na nawawalan ng preno dahil sa malfunctioning ng mga makina.

SOURCES: http://www.authorstream.com/Presentation/rusdi06-1353933-ang-paglaki-populasyon-sa-mundo/
http://www.abante-tonite.com/issue/may2412/news_story09.htm http://www.gmanetwork.com/news/story/131927/ulatfilipino/pinoytrivia/pinakaligtas-na-kalsada http://skrapananaliksik.blogspot.com/

Anda mungkin juga menyukai