Anda di halaman 1dari 11

Grupong ATAKE

2nd year-Vanda

Oktubre 29,2012

Isles Rouie Caceres Lider Carl Ivy Flores Tagakuha Jorzyl-Kaye Cobacha Tagasulat Jamie Monique Balanag Tagasuri John Michael Sayson - Tagabantay Noel Bravo Tagaoras at Tagapamayapa Ang Nawawalang Perlas

MgaTauhan: Reyna Elena Jamie Monique Balanag Mabait, Mahinhin, Mapagkumbaba, Ina nina Haring Mikaelo at Haring Elno 1. Kahariang Izon Haring Mikaelo Sebastian - John Michael Sayson Mabait, Magaling na pinuno, Madaling magalit, Mapagmahal na ama PrinsesangMikay Sebastian - Jorzyl-Kaye Cobacha Mahinhin, Masayahin, Palakaibigan Isabella Isles Rouie Caceres Misteryoso, Tahimik, Diyosa na nagpanggap bilang alagad 2. Kahariang Rhavou Haring Elno Sebastian - Noel Bravo Masungit, Matulungin, Strikto Prinsesang Freya Sebastian Carl Ivy Flores Madaling mairita, Mabait, Palakaibigan, Malikot Monika Jamie Monique Balanag Masayahin, Madaldal, Diyosa na nagpanggap bilang alagad Tagapagsalaysay: Sa kalagitnaang bahagi ng mundo, matatagpuan ang isang bansang nagngangalang Lindo. Ang bansang Lindo ay pinamumunuan ni Reyna Elena Sebastian kasamaang kanyang mga anak na sina Haring Mikaelo Sebastian at Haring Elno Sebastian. Noong mga batat binata pa ang mga hari, hindi sila magkasundo sa mga bagay kahit itoy maliit lang. Nung lumaki na sila ay pinagaawayan nila kung sino ang dapat mamuno sa bansang Lindo ngunit sa isang di inaasahang pangyayari, magbabago ang lahat. Ang kanilang ina, si Reyna Elena, ay may malubhang sakit. TAGPO 1

Tagpuan: Sa silid ni Reyna Elena. Reyna Elena:*nakahiga* Mga anak ko hindi ko na kaya pang manatili sa mundong ito. Haring Mikaelo: *nakaluhod sa tabi ng Reyna* Pero Inang Reyna . . paano na. . Haring Elno: *nakatayo sa likod ni Haring Mikaelo* Paano na kami ? Paano na ang bansang ito ? Sino ang mamumuno ? Reyna Elena: Huwag niyo na yang ikabahala. Nandito ang aking kanang kamay. *Tumingin sa may kanan* Babasahin ni Isabella ang aking huling habilin. Sanay matanggap niyo ang aking kahilingan nang buong puso. Haring Mikaelo: Tatanggapin naming ito ng buong puso para sa iyo, Inang Reyna. Isabella: *naka tayo sa may kanan ng Reyna* Mga mahal na Hari, sisimulan ko na ang pagbasa ng huling habilin ng Mahal na Reyna. Haring Elno: *sumasang-ayon* Simulanmonaangpagbasa, Isabella. Isabella: *sumang-ayon* Sisimulan ko na. Ang huling habilin ng Mahal na Reyna Elena Sa aking pagpanaw, sana kayo ay magkaayos na at upang ito ay mangyari, aking napagpasya ang bansang ito, ang bansang Lindo, ay mahahati dalawang teritoryo; sa hilaga at timognabahagi. Nahahati ito ng Ilog Hepam at inuugnay ng isang malaking tulay. Pinangalanan ko na ang dalawang teritoryo at ang bawat isa sa inyo ang mamumuno sa mga kaharian. Sa hilagang bahagi ang Kahariang Izon naipapamana ko kay Haring Mikaelo Sebastian, ang aking panganay na anak. Sa timog naman ang Kahariang Rhavou napamumunuan ni Haring Elno Sebastian, ang aking bunsong anak. Ang bawat kaharian ay may itinatagong hiyas na dapat pangalagaan at ingatan. Sa Kahariang Izon, nakatago ang Putting Perlas na sumisimbolo ng kabutihan at karangalan sa buong bansa. Sa Kahariang Rhavou naman nakatago ang Gintong Perlas na sumisimbolo ng karangalan at kayamanan sa buong bansa. Pangalagaan at huwag niyo hayaang mawala ang bawat hiyas sa bawat kaharian. Pantay at maayos ang pakakahati sa mga aking naiwang kayamanan para sa inyong dalawa. Sanay maayos ang inyong pamumuno sa bawat kaharian. Sana hindi na kayo magtatalo, pagusapan ninyo ang mga di pagkakaunawaan. Naway gabayan kayo ng Diyos, ang tagalikha ng Langit at Lupa. Wala man ako sa inyong tabi, akoy mananatili sa inyong pusot isipan. Paalam na aking mga anak. Reyna Elena: *Nawalan ng hininga* Haring Mikaelo, Haring Elno at Isabella: *Umiiyak*

Tagasalaysay: Simula noon, ang bansang Lindo ay nahati ito sa dalawang teritoryo; sahilaga at timog na bahagi kagaya ng nakasaad sa huling habilin ng Mahal na Reynang Elena. Ilang taon na ang nakalipas, nakabuong sariling pamilya ang mga hari. Ang Kahariang Izon na pinamumunuan ni Haring Mikaelo Sebastian kasama ang kanyang nag-iisang anak na si Prinsesa Mikay Sebastian. Ang asawa ni Haring Mikaelo ay namatay dahil sa isang malubhang sakit. Ang Kahariang Rhavou na pinamumunuan naman ni Haring Elno Sebastian kasama ang kanyang anak na babae na si Prinsesa Freya. Namatay naman ang asawa ni Haring Elno dahil rin sa isang malubhang sakit. Halos magkapareho na ang pinagdadaanan ng magkapatid na hari. TAGPO 2 Tagpuan: Silid-tulugan ng Prinsesang Mikay Haring Mikaelo:Mikay, meron akong sasabihin sayo na tiyak naikakatuwa mo. *hinahawakan ang ulo ni Mikay* Prinsesa Mikay: Oh ano iyon, Amang hari ?*natutuwa* Haring Mikaelo:Pinakamamahal kong anak na prinsesa, malapit na ang iyong ika-18 nakaarawan. Tayoy maghahanda at iimbitahan natin ang mga mamamayan at ang mga nasakabilang kaharian. Maraming dadalo sa iyong kaarawan. *ngumiti* PrinsesaM ikay: *Umupo sa kanyang kama* Oh talaga, Amang hari ?! *hawak ang dalawang kamay na may ngiti sa kanyang mukha* Haring Mikaelo:*Umupo sa tabi ng Prinsesa* Tama ang iyong narinig, anak ko. Lahat ay makikisalo at tutulong maghanda para sa iyong kaarawan. Isabella: *kumakatok sa pinto* Haring Mikaelo: Maaring pumasok. Isabella: Pasensya na po sa abala, Mahal na hari. Nakahanda na po ang karwahe *yumuko* Prinsesa Mikay: Karwahe ? Aalis tayo ? Saan tayo pupunta ? *napayamot* Haring Mikaelo: Aalis tayo para sapag balik natin ay nakahanda na ang lahat para sa iyong kaarawan. *ngumiti* PrinsesaMikay: Eh saan rin tayo pupunta ? *nagtataka*

Haring Mikaelo: Malalaman mo rin. Hali nat aalis na tayo. Naghihintay ang karwahe sa labas. *tumayo* Prinsesa Mikay: Sige po, Ama. *tumayo* TAGPO 3 Tagpuan: Sa labas ng palasyong Kahariang Izon Mamamayan1 (Ivy):Napakabongga na ang paghahanda sa kaarawan ng Prinsesa. *habang pinipintahan ang pader* Mamayan2 (Noel): Kaya nga. Ika-18 na kasi ito na kaarawan ng Prinsesa. *habang inuukit ang pader* Guwardiya (Jamie): *Biglang sumingit* Oh, tama na ang ligawan diyan. Isusunud niyo pa ang kabilang pader. *Tinuro ang kabilang pader* Mamamayan1: Ligawan ? Hmm. *nakayamot* Mamamayan1at2: Masusunod po *Sabay na sinabi* Tagasalaysay: Abalang-abala ang mga mamamayan sa paglalagay ng mga dekorasyon, pagpipinta at pag-uukit sa mga pader. Lahat ay naghahanda para sa kaarawan ni Prinsesa Mikay. TAGPO 4 Tagpuan: Palasyo ng Kahariang Izon Tagasalaysay: Ilang linggo na ang nakalipas, dumating na ang gabi ng kaarawan ng Prinsesa. Nakahanda na ang lahat, may mga dekorasyon, makukulay na ilaw at may mga ibat ibang kulay ang nakapinta sa mga pader. May mga nakaukit din na mga disenyo sa mga pader. Mga Tao: *Naghihiyawan at nagsisigawan* Malagiyang pagbalik, Mahal na Hari at Prinsesa ! ! Whoooo~ *Maririnig ang mga yabag ng mga kabayo* Tumigil ang karwahe sa harap sa geyt ng palasyo. Bumukas ang geyt at pumasok ang karwahe. Bumaba ang hari at ang Prinsesa sa harap ng pintuan ng palasyo. Haring Mikaelo: *Tumingin sa mga tao at kumaway* Mraming salamat sa inyong pagdalo ! Salamat sa aking mga mamamayan na tumulong sa paghahanda para sa kaarawan ng aking pinakamamahal na anak, si Prinsesang Mikay. Sanay matuwa kayo sa pagsasalo na ito. Tayoy magsaya ! Simulan na ang selebrasyon ! Mga tao: *Pumalakpak at naghiyawan* Masayang kaarawan para sayo, Mahal na Prinsesa ! !

Tagpuan: Sa loob ng palasyo. Kumakain ang mga tao. Haring Mikaelo: Nasaan na kaya ang aking kapatid ? Bakit ang tagal niya dumating ? *lakad nang lakad* Prinsesa Mikay: *lumapit sa Amang Hari* Oh, Ama ? Bakit mukhang nababahala ka ? May problema ba ? *nagtataka* Haring Mikaelo: Ahh, nandyan ka pala, anak. *nagbuntong-hininga* Nag-aalala lang ako kasi hindi pa dumarating ang iyong tiyo, si Haring Elno at ang iyong pinsan, si Prinsesa Freya. Prinsesa Mikay: Darating din sila, ama. Halinat kumain na tayo. *ngumiti* Isasayaw mo pa ako mamaya. *Tumatawa* Haring Mikaelo: *Tumawa* Haha. Oh, sige na nga. Dumating sina Haring Elno at Prinsesa Freya.

Haring Mikaelo: *habang lumalapit kay Haring Elno* Kapatid ! Haring Elno: Oh, kapatid ! *Niyakap si Haring Mikaelo* Kamusta na ? Prinsesa Mikay: *lumapit* Haring Elno: *Ngumiti kay Prinsesa Mikay* Oh, Mikay ! Maligayang kaarawan. Prinsesa Freya: Maligayang kaarawan, Mikay ! *niyakap si Prinsesa Mikay* Prinsesa Mikay: Salamat po *natutuwa* Haring Mikaelo: Halina kayot kumain.*niyaya sila Haring Elno at Prinsesa Freya* Haring Elno; Oh, sige, kapatid. *tumingin kay Prinsesa Freya* Halina, Freya. Prinsesa Freya: Hintay lang, ama. May sasabihin ako kay Prinsesang Mikay. Haring Elno: Hindi ka kakain ? Prinsesa Freya: Busog pa po ako. Haring Elno: Oh, sige. Huwag kayong magtatagal. Haring Mikaelo: Huwag din kayong lalayo. Prinsesa Mikay at Prinsesa Freya: Masusunod po *ngumiti at umalis* Pumunta ang dalawang hari sa isang mesa.

Prinsesa Freya: *tumingin sa dalawang hari* Halika, Mikay. Prinsesa Mikay: Saan tayo pupunta ? Akala ko ba may sasabihin ka lang. *nagtataka* Prinsesa Freya: May sasabihin at may ipapakita *ngumiti*

Prinsesa Mikay: Saan ? *napayamot* Prinsesa Freya: Basta. *lumakad at hinila ang kamay ni Mikay* Sumunod ka na lang. Nandito lang din naman sa palasyo niyo eh. *ngumiti* Prinsesa Mikay: *napatigil* Talaga lang ha ? Prinsesa Freya: Magtiwala ka nga. Magpinsan diba tayo. Haha. *Tumawa* Prinsesa Mikay: Oh sige na nga. Dapat hindi tayo mapapahamak sa gagawin mo ha ? Naalala mo pa yung dati mong ginawa ? Napagalitan tayo nang sobra noon.*binabalaan si Freya* Prinsesa Freya: *tumingin sa ibaba* Eh pero. *tumingin kay Mikay* Matagal na iyon , Mikay. Atsaka, mga bata pa tayo nun. Halika na. Di ba ang sabi hindi tayo magtatagal ? Prinsesa Mikay: Oh sige na nga. Hindi tayo magtatagal ha ? *naninigurado* Prinsesa Freya: Ang kulit mo. *hinila ang kamay ni Mikay* Halika na kasi. Umalis ang dalawang prinsesa.

Haring Elno: Kapatid, alam nab a ni Mika yang tungkol sa Puting Perlas na nandito ? *habang may sinusubo na pagkain* Haring Mikaelo: *nagbuntung-hininga* Hindi pa pero pinaplano kong sabihin sa kanya pagkatapos ng gabing ito. Hmm. Eh si Freya, alam niya ang Gintong Perlas sa kaharian niyo ? Haring Elno: Hindi ko sinabi dahil siya mismo ang nakaalam. Haring Mikaelo: Eh paano ? *nagtataka* Haring Elno: Dahil sa kanyang kalikutan, sinundan niya ako at natagpuan niya ang nakatagong silid na pinaglalagyan ng Gintong Perlas. Pumunta siya sa akin at itinanong kung bakit may gintong perlas sa isang napakatagong silid sa aming palasyo. Wala na akong magagawa kundi sabihin nalang sa kanya ang kwento. Haring Mikaelo: Tss. Hindi madaling alagaan ang perlas. Kailangan itong panatilihing malinis at mahirap makahanap ng isang alagad na tapat na lilinisin ito tuwing linggo. Haring Elno: *sumang-ayon* Kaya nga, kapatid. TAGPO 5 Tagpuan: Sa loobang parte ng palasyo ng Kahariang Izon. Prinsesa Mikay: *natatakot at hindi mapakali* Nasaan na ba kasi tayo ? tungkol sa

Prinsesa Freya: Halos magkatulad ang estruktura ng palasyo niyo sa amin. Prinsesa Mikay: Hindi mo naman sinasagot yung tanong ko eh. *napakamot sa ulo* Prinsesa Freya: Pasensya na pero hindi ko alam. Prinsesa Mikay: *nagulat* Sinasabi ko na nga ba eh. Eto *Iniabot ang nakatuping papel* Prinsesa Freya: Ano to ? *binuksan ang papel* *nabigla* Hindi mo naman sinabi na dala mo ang mapa ng inyong palasyo. *nainis* Prinsesa Mikay: Akala ko kasi hindi mo na kailangan iyan. Hay naku ! Magpasalamat ka na palagi kong dala iyan. *nang-aasar* Prinsesa Freya: Salamat. *pekeng ngiti* Prinsesa Mikay: *tumawa* Walang anuman ! Lumakad nang lumakad ang dalawang prinsesa. Hanggang. . .

Prinsesa Freya: Sakto nagbanyo ang mga gwardiya. Eto na ata ang silid. *ginamit ang mahiwagang susi upang mabuksan ang pinto* Prinsesa Mikay: *sumisilip* Bumukas ang pinto.

Prinsesa Mikay: *nagulat* Ang ganda ! Napakalaking puting perlas. Prinsesa Freya: Halika, Mikay. Lapitan natin. *lumalapit sa isang mesa* Prinsesa Mikay: Paano mo nalaman na merong puting perlas sa aming palasyo ? *nagtataka* Prinsesa Freya: Meron ding perlas sa aming palasyo pero ginto lang ito. Ikiniwento rin sa akin ng aking ama ang tungkol rito. Prinsesang Mikay: Ahh. Pero bakit kaya hindi sinabi ng aking ama ang tungkol dito ? *nababahala* Prinsesa Freya: Malay natin. Namatay bigla ang lahat ng ilaw. Nagulat ang mga tao. Nagyakapan ang dalawang prinsesa. Bumalik ang ilaw. Prinsesa Mikay: Hay salamat ! Bumalik na rin ang ilaw. Salamat, Freya. Prinsesa Freya: *ngumiti* Walang anuman. Nakakagulat. *tiningnan ang pinaglalagyan ng puting perlas* *nagulat* NAWAWALA ANG PUTING PERLAS !

Prinsesa Mikay: *tining tiningnan ang pinaglalagyan ng puting perlas* HALA ! NAWAWALA NGA. *gulat na gulat* Prinsesa Freya: *nag-aalala* Patay ! Ang sabi sa akin ni Ama na hindi ito pwedeng mawala ang mga perlas. Prinsesa Mikay: Kailangan natin ito ipaalam kahit managot pa tayo. Prinsesa Freya: *nababahala* Eh pero. . *naiiyak* Prinsesa Mikay: Tahan na. Huwag kang mag-alala Umalis sila at isinara ang silid.

TAGPO 6 *flashback* Monika: Mukhang maganda na nag pagsasama ng mga hari. Naiisip mo ba ? Isabella: Ano naman ang naiisip mo na naiisip ko ? Pagkain ? Anong klase ? Monika: Ano ka ba, hindi iyan ! Ang layo mo naman. Akala ko alama mo na. Isabella: Magtatanong pa ba ako kung alam ko na ? Monika: Oh sige na nga, sasabihin ko na sa iyo. *ibinulong kay Isabella* Naiintindihan mo na ba ? Isabella: Oo, naiintindihan ko na. Hindi kaya sila magkagulo nito ? Monika: Pagsubok nga di ba ? *nang-aasar* TAGPO 7 Tagpuan: Sa parte ng palasyo kung saan nagsalu-salo Tumatakbo ang dalawang prinsesa habang papalapit sa kanilang mga ama.

Haring Mikaelo: *Galit na galit* SAAN KAYO GALING ? ALAM NIYO BANG NAMATAY ANG MGA ILAW ? Haring Elno: Nag-aalala kami sa inyo. Bakit ba ang tagal niyo nakabalik ? *nababahala* Prinsesa Mikay: Pasensya na po, ama at tiyo. Pero may sasabihin po kami. Prinsesa Freya: *nakayuko* Patawad po kasalan ko po kasi ito. *naiiyak* Haring Mikaelo: *nagtataka* Ano ba ang iyong sinasabi, Freya ? Prinsesa Mikay: Ama, patawad pero. . . nawawala po ang putting perlas. Haring Mikaelo: *gulat na gulat* PAANO MO NALAMAN ANG TUNGKOL SA PUTING PERLAS ?

Haring Elno: *nabigla* Paano nawala ? Haring Mikaelo: May mga bantay naman ang silid na iyon eh. Prinsesa Mikay: Napakahabang kwento, ama. Kailangan natin gawin ngayon ay hanapin ang nawawalang perlas. Haring Mikaelo: Mga gwardiya ! ! ! Maghalughog sa buong kaharian. Walang magpapalabas na bisita. Isarado ang mga gate at kung anu man labasan. Hanapin ang PUTING PERLAS ! Sinunod ng mga gwardiya ang utos ng hari. Naghalughog sila sa buong kaharian. Ikiniwento naman ni Prinsesa Mikay ang nangyari sa mga hari. Ilang oras ang nakalipas. . . . Prinsesa Freya: Patawad na po. Hindi ko po sinsasadya. *umiiyak* Gwardiya 1: *biglang dumating* Hindi po naming mahanap ang perlas. Haring Mikaelo: Anong hindi mahanap ? *nagagalit* Haring Elno: *nababahala* Hanapin niyo ulit. Haring Mikaelo: *biglang sumigaw* KASALANAN ITO NG ANAK MO, ELNO EH ! Haring Elno: *nabigla* Maghinay-hinay ka sa mga sinasabi mo, Mikaelo ha. Hindi nga diba sinasadya. Planado ito. Haring Mikaelo: PLANADO NGA KASI IKAW ANG NAGPLANO NITO. Diba gusto mong ikaw ang mag-isang mamuno sa buong bansa ?!?! Haring Elno: Bakit ?! Hindi mo rin ba pinangarap iyon ?!?! *galit na galit* Haring Mikaelo: Pero mas sakim ka ! Gusto mo kasi iyo na lang ang lahat. Haring Elno: Huwag mo akong pagsasalitaan ng ganyan, Mikaelo ! ! Prinsesa Mikay: *sumigaw* Huwag na po kayo magtalo ! Aksidente ang lahat. Tama po si tiyo, planado po ito. Hindi po naming sinasadya kung naroon kami sa silid. Sana naman nakalimutan niyo na ang alitan niyo noon. Akala ko magiging maganda ang kaarawan kong ito. Sayang ang lahat ng paghahanda. *naiiyak* Prinsesa Freya: *umiiyak* Pasensya na po talaga. Haring Mikaelo: Hindi ito nangyayari ! ! Aaahhhhhhhh ! Nakaupo sila nang ilang oras. Walang umiimik.

Isabella: *biglang dumating* Mahal na haring Mikaelo, pasensya na po at hindi niyo agad ito nalaman. Haring Mikaelo: Ano na naman ito ? *nagtataka at naguguluhan* Haring Elno: Oh, monika ! *naguguluhan* Bat nandito ka ? Monika: May karapat dapat kayong malaman. Haring Mikaelo: Bago pa namin iyan malaman. Gusto kong humingi ng tawad sa aking kapatid.*tumingin kay Haring Elno* Nangako tayo kay Ina na hindi na magtatalo. Haring Elno: Patawad din, kapatid. Hindi dapat masira an gating pangako sa ating Mahal na Ina. Haring Mikaelo: Pinapatawad na kita. Pasensya sa mga salitang aking nabitawan dala ng galit. Haring Elno: Pinapatawad na kita. Pasensya kung ikay aking pinatulan. Sina Isabella at Monika ay nagbagong-anyo. Mula sa pagiging alagad sila ay naging mga diyosa. Hawak-hawak nila ang mga perlas. Haring Mikaelo, Haring Elno, Prinsesa Freya at Prinsesa Mikay: O___O Isabella: *hawak ang putting perlas* Kailangan na naming bawiin ang mga perlas. Salamat sa pag-aalaga niyo sa mga ito Monika: *hawak ang gintong perlas* Sa pagbawi nito, ginamit rin namin itong pagkakataon upang masubok kayong dalawang hari. Haring Mikaelo: Sa ganitong paraan ? *nagtataka* Isabella: Sa ganitong paraan. *ngumiti* Gusto naming humingi ng patawad sa dalawang prinsesa. Monika: Patawad, Prinsesa Mikay dahil sa iyong kaarawan pa namin ito ginawa. Prinsesa Mikay: Pinapatawad ko na kayo. Wala na ba kasi ibang iskedyul ? *ngumiti* Isabella: *ngumit* Patawad, Prinsesa Freya dahil sa pagsisi sa iyong sarili. Prinsesa Freya: Maling pagkakataon kasi eh, *pinupunasan ang mga luha* Isabella at Monika: Patawad po sa inyo. Monika: Kailangan na naming umalis. Pinapabalik na kami sa amin. Monika: Kasama sa aming pagbalik ang mga perlas. Pero huwag kayong magaalala. Gagabayan namin kayo.. . .

Isabella: Bilang isang bituin. . Umalis na ang mga diyosa.

Prinsesa Mikay at Prinsesa Freya: Parang panaginip lng.

~ WAKAS ~

Anda mungkin juga menyukai