Anda di halaman 1dari 3

Karangalan at mga Pribilehiyo

Ang mga ginagawaran ng Orden ng Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas ay kikilalanin bilang mga Pambansang Alagad ng Sining, at tatanggap ng natatanging medalyon at premyong salapi. Bukod dito, magtatamasa rin sila ng iba pang mga pribilehiyo tulad ng buwanang pensyon, benepisyong medikal,at benepisyong panseguruhan (kung kwalipikado).

Mga Pamantayan
Maaaring inomina upang tumanggap ng gawad ng mga samahang pangkultura, institusyong pangakademiko, at pribadong samahan ang mga alagad ng sining na nakaaabot sa sumusunod na pamantayan: 1. Mga nabubuhay na alagad ng sining na mamamayang Pilipino sa panahon ng kanilang nominasyon gayundin sa mga namatay pagkatapos ng pagkatatag ng gawad noong 1972 nguni't mamamayang Pilipino sa panahon ng kanilang kamatayan; 2. Mga alagad ng sining na nakapag-ambag sa pagbubuo ng damdamin ng pagkabansang Pilipino sa pamamagitan ng kahulugan at anyo ng kanilang mga likha; 3. Mga alagad ng sining na sa pamamagitan ng pagpapasimula o pangunguna sa pagpapakilala ng isang paraan ng malikhaing pagpapahiwatig o istilo ay nakilala at nagkaroon ng mahalagang impluwensya sa mga sumusunod na salinlahi ng mga alagad ng sining; 4. Mga alagad ng sining na dahil sa pagkakaroon ng makahulugang katawan ng likha at/o palagiang pagpapamalas at pagpapanatili ng kahusayan sa pagsasagawa ng kanilang anyo ng sining ay nakapagpayaman ng makasining na pagpapahiwatig o istilo; at 5. Mga alagad ng sining na nagtatamasa ng malawakang pagtanggap, na pinatutunayan pagkakamit ng mga prestihiyong pambansa at/o pandaigdigang pagkilala, mapanuring paghanga at/o pagsusuri ng kanilang mga likha, gayundin ng mataas ng pagtingin ng kanilang mga kaalinsabay.

Dadaan sa masusing pagsusuri ng lupong binuo ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining ang mga nominasyon, at pagkatapos nito ay isusumite ng nasabing lupon ang tala ng mga napili nominado sa pamunuan ng dalawang ahensiya para sa pinal na pagsusuri. Matapos nito, ang tala ay ihaharap sa Pangulo ng Pilipinas, na, sa pamamagitan ng Kautusang Pampanguluhan, ay magpapahayag ng mga napiling gagawaran ng parangal.

Tala ng mga Pambansang Alagad ng Sining


Arkitektura

Pablo Antonio Juan Nakpil Leandro Locsin Ildefonso Santos

Disenyong Pangmoda

Ramon Valera

Musika

Antonino R. Buenaventura Levi Celerio Ernani Joson Cuenco Felipe Padilla De Leon Jovita Fuentes Lucrecia R. Kasilag Jose Maceda Antonio J. Molina Lucio D. San Pedro Andrea O. Veneracion

Panitikan

Francisco Arcellana Virgilio S. Almario N. V. M. Gonzalez Amado V. Hernandez Nick Joaquin F. Sionil Jose Bienvenido Lumbera Alejandro R. Roces Carlos P. Romulo Edith L. Tiempo Jose Garcia Villa

Panitikang Pangkasaysayan

Carlos Quirino

Pelikula

Lino Brocka Ishmael Bernal Gerardo de Len Fernando Poe, Jr. Eddie S. Romero

Sayaw

Francisca Reyes Aquino Leonor Orosa Goquingco Ramon Obusan Lucrecia ReyesUrtula

Sining Biswal

Napoleon V. Abueva (Iskultura) Fernando C. Amorsolo (Pagpipinta) Benedicto R. Cabrera (Pagpipinta) Victorio C. Edades (Pagpipinta) Carlos V. Francisco (Pagpipinta) Abdulmari Asia Imao (Iskultura) Jose T. Joya (Pagpipinta) Ang Kiukok (Pagpipinta) Cesar Legaspi (Pagpipinta) Arturo R. Luz (Pagpipinta) Vicente S. Manansala (Pagpipinta) J. Elizalde Navarro (Pagpipinta) Hernando R. Ocampo (Pagpipinta) Guillermo E. Tolentino (Iskultura)

Teatro

Daisy H. Avellana Lamberto V. Avellana Salvador F. Bernal (Disenyong Pantanghalan) Honorata Dela Rama Wilfrido Ma. Guerrero Severino Montano Rolando S. Tinio

Anda mungkin juga menyukai