Sa pagsuko ng huling Pilipinong heneral sa mga Amerikano, ang mga sumunod na nakibakang mga rebolusyonaryo ay itinuring ng mga dayuhan bilang mga bandolero, tulisan at magnanakaw.
Mapaminsala ang digmaang Pilipino-Amerikano. Sa yugtong ito ng kasaysayang Pilipino, maraming buhay ang nasawi at maraming mga ari-arian ang nasira.
Kahindik-hindik na pagpapahirap:
Water cure: pagpapainom ng maraming tubig sa isang bihag at pagkatapos ay kanilang uupuan o tatadyakan ang tiyan nito. Rope cure: sa pamamagitan naman nito ay nagmistulang isang paggarote ang buong proseso. Ang matinding pambubugbog ay naging karaniwan sa mga panahong ito.
BALANGIGA MASSACRE
Ito ay ang pinakamatinding pagkatalong naranasan ng mga Amerikano sa panahon ng digmaan. Matapos ang pamamaslang na isinagawa ng mga Pilipino sa mga Amerikanong sundalo noong umaga ng Setyembre 28, 1901, ipinag-utos ni Hen. Jacob Smith ang pagsunog sa Bayan at ang malawakang pagpatay sa mga taga-Balangiga.
Mula 1901 1902, ang pangyayari sa bayan ng Balangiga sa Samar ay isang kahindik-hindik na halimbawa kung saan natunghayan ang kabuktutan ng digmaan.
Tinatawag din itong Simbahang Aglipay. Oktubre 1898: hinirang ni Aguinaldo si Gregorio Aglipay, isang pari ng Arsobispado ng Maynila, bilang Vicar-General ng Hukbong Pang himagsikan. Isinulong ang paghihiwalay ng Simbahan at Estado. Layunin: palayain ang Simbahan sa mga gawaing sibil.
Naglathala siya ng sirkular para sa mga paring Pilipino na humikayat sa mga ito na suportahan ang himagsikan at humandang manungkulan bilang mga kura paroko na papalit sa mga paring Espanyol sa mga parokya. Pinili ni Aglipay na maging Pilipino muna bago maging pari Ang patakaran ng diskriminasyon ang nagbunsod sa pagkakabuo ng isang simbahang Pilipino.
WAKAS! =)))