Anda di halaman 1dari 5

Pagsusuri ng Koridong Ibong Adarna

Ipinasa ni: Rose Anne C. Espallardo

Ipinasa kay: Gng. Sta. Catalina

I. Kaligirang Kasaysayan ng Koridong Ibong Adarna Ang Ibong Adarna ay isang pasalaysay na tula na ang buong pamagat ay Corrido at Buhay na Pinagdaanan nang Tatlong Principeng Magcacapatid na Anac nang Haring Fernando at nang Reina Valeriana sa Cahariang Berbania. Walang tiyak na petsa ang tula, at nananatiling lihim ang awtor nito, bagaman may ilang naniniwala na ang nasabing tula ay isinulat ni Huseng Sisiw na palayaw ni Jose de la Cruz. Si Huseng Sisiw, ayon kay Julian Cruz Balmaseda, ang nagturo umano kay Francisco Balagtas kung paano sumulat ng tula.

II.

Pagkakaiba ng awit at korido

Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo: 1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit 2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa "allegro", samantala ang awit ay may labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya "allegro" 3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa korido ang ikinawiwili ng mga mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob dito Mga Halimbawa ng Korido: Ibong Adarna, Don Juan Tioso, Don Juan Teoso, Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay, Mariang Alimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz, Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla, Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas Mga Halimbawa ng Awit: Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz, Salita at Buhay ni Mariang Alimango, Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clariana

III.

Pagsusuri A. Pamagat (angkop ba ang pamagat?) Masasabing angkop ito dahil una sa lahat, ito ang gamot sa sakit ng hari ng Berbanya. Pangalawa, ito din ang pilit na pinagpunyagihan ng magkakapatid na hanapin upang hulihin. Ito din ang naging suri upang mahayag ang kataksilan nina Don Pedro at Don Diego, ito din ang nagpatunay na si Don Juan ang tunay na nakabihag sa kanya. Samakatuwid, ang ibong Adarna ang naging susi upang malaman ang tunay na karapat-dapat sa trono ng hari.

B. Tagpuan (Ilarawan) Sa tahimik at masaganang Kaharian ng Berbanya.

C. Tauhan Si Haring Fernanado na isang mabait na ama at makatarungang hari ng Berbanya, si Donya Valeriana na asawa ni Haring Fernando na isang mabuti at ulirang ina sa kanyang tatlong anak. Si Don Perdo na isang sakim at masamang kapatid tulad ni Don Diego na isa ding taksil at sakim na kapatid kay Don Juan. Si Don Juan naman ay mabuti, mapagmahal at maawaing anak, kapatid at kapwa sa iba. Siyay may busilak na puso. Si Haring Salermo na isang masama at mahilig manubok na hari sa kanyang kapwa at mga nasasakupan, ang kanyang anak namang si Donya Maria na isang maawain at makapangyarihang dalaga. Si Donya Leonora na isang tapat at maawaing kasintahan kay Don Juan. Si Donya Juana na isang maganda at maawaing babae. Ang ermitanyo na may ibat-ibang katauhan na naging matulungin kay Don Juan at higit sa lahat, ang Ibong Adarnang kaakit-akit ang kaanyuan at tapat na saksi sa mga kataksilan ng magkapatid na Don Pedro at Don Diego.

D. Buod Noong unang panahon sa kaharian ng Berbanya, may isang haring nagngangalang Haring Fernando na dinapuan ng isang misteryosong sakit na pawang isang mahiwagang ibon lamang ang makakapagaling. Sa paghahanap ng tatlong anak ng hari sa Ibong Adarna, ang dalawa sa kanila ay naging bato, sina Don Pedro at Don

Diego samantalang ang bunso namang si Don Juan ay nagtagumpay sa paghuli sa ibong ito ngunit ang kanyang dalawang kapatid ay pinagtaksilan siya sa kabila ng pagliligtas ni Don Juan sa kanila sa pagiging bato. Ngunit nabunyag din ang katotohanan na si Don Juan ang tunay na nakabihag sa naturang ibon. Ngunit dahil sa ginawang pagpapakawala ng dalawang taksil na kapatid ni Don Juan sa Ibong Adarna, napilitang umalis si Don Juan at magtungo sa Kabundukan ng Armenya at doon niya natagpuan ang magkapatid na sina Donya Juana at Donya Leonora. Ngunit muling nagtaksil ang kanyang dalawang kapatid at hinulog si Don Juan sa balon at pilit na pinakasalan ni Don Diego si Donya Juana habang si Donya Leonora naman ay nanatiling naghihintay kay Don Juan. Sunod na tumungo si Don Juan sa Reino De Los Cristal at dito niya natagpuan si Donya Maria at ang ama nitong nagbigay ng maraming pagsubok. Sa huli, tumakas ang dalawa at nagtungo si Don Juan sa Berbanya nang mag-isa. Nang maglaon, nakalimutan ni Don Juan si Donya Maria na kanyang iniwan sa isang nayon. Sa mismong araw ng kasal nina Don Juan at Donya Leonora, dumating si Donya Maria bilang Emperatris at ipinaalaala ang kanilang wagas na pagmamahalang tila nalimot ni Don Juan. Naalala ni Don Juan si Donya Maria at pinakasalan ito at namuhay silang masaya at masagana sa kahariang kanilang nakamit.

E. Banghay 1. Simula Sa kaharian ng Berbanya, may isang haring nagngangalang Haring Fernando na dinapuan ng isang misteryosong sakit na pawang isang mahiwagang ibon lamang ang makalulunas. Bago nito, makailang beses ng pinagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan. Una, iginiit nilang sila ang nakahuli sa Ibong Adarna. Pangalawa, nang pakawalan nila ang Ibong Adarna na naging dahilan ng pag-alis ni Don Juan at panghuli, noong inihulig nila si Don Juan sa balon sa pamamagitan ng pagputol ni Don Pedro sa lubid na nakatali kay Don Juan. Bago nito, natagpuan ni Don Juan ang magkapatid na prinsesa na sina Donya Juana at Donya Leonora. Ngunit pilit na pinakasalan ni Don Diego si Donya Juana habang nananatiling naghihintay sa pagbabalik ni Don Juan si Donya Leonora.

2. Kasukdulan Nang maglaon, si Don Juan ay sunod na naglakbay sa Reino De Los Cristales, sa tulong ng Ibong Adarna at ng ermitanyo. Dito niya nakilala si Donya Maria at ang ama nitong si Haring Salermo. Nagbigay ang hari ng maraming pagsubok kay Don Juan at sa huli ng malaman ni Donya Maria na ibig ipapatay ng kanyang ama si Don Juan, napilitang silang tumakas.

3. Suliranin Mga pagtataksil kay Don Juan ng mga kapatid niya at ang tangkang pagpatay kay Don Juan ni Haring Salermo.

4. Tunggalian Tao vs. Tao

5. Wakas Nagpakasal sina Don Pedro at Don Diego kina Donya Juana at Donya Leonora at kinoronahan si Don Pedro bilang hari ng Berbanya. Nagpakasal naman sina Don Juan at Donya Maria at silay bumalik sa kaharian ng Reino delos Cristal at doon kinoronahan si Don Juan bilang hari ng naturang kaharian.

Anda mungkin juga menyukai