Anda di halaman 1dari 13

Fort Santiago Rizal

January 4 ,2013 nag tungo ang aming grupo sa isa sa pinaka makasaysayang lugar ng pilipinas ang piitan kung saan nanatili si rizal bago siya dalhin sa dapitan ang FORT SANTIAGO. Ika 5 ng umaga ng mag kita kita kami sa terminal ng complex. Ang aming grupo ay binubuo ng pitong miyembro.

April Vergara, Ann- gelline Fernandez, Gemmelyn Borito, Wendelyn Bayangat, Perlita Amarante, Joyce ann Lumbera at ang nag iisang lalaki ng aming grupo si Gradave Punelas. Sabi nga nila hindi kumpleto ang isang lakad kung walang abirya. Una na rito ay ang hindi namin pag kakaunawaan sa oras ng pag alis namin na siyang naging dahilan ng pag kaantala ng aming maagang pag alis. Sa kabilang banda dumating ang lahat bago pumatak ang ika 8 ng umaga at naka sakay kami ng bus patungong Fort Santiago ng 8:05 ng umagang iyon. Ang lahat ay excited at the same time kinakabahan sa pag punta namin doon kasi wala ni isa sa amin ang nakakaalam ng mismong lokasyon ng tanyag na piitan ng maynila. Trapik at sobrang lamig, mas lalong nadadagdagan ang tensyon na nararamdaman ng bawat isa hanggang sa isa-isang antukin at makatulog na sa byahe malamang ay dala na rin ng puyat ng maagang pag gising at mahabang pag iintay. Pag sapit namin ng maynila nag lakad kami patungong terminal kung saan ang sakayan patungong FORT SANTIAGO, maraming gusali ang aming nabigyang pansin tulad ng PABANSANG AKLATAN at ang mataas na gusaling nakapaligid dito. Ilang pedestrian lane ang aming binagtas at talaga namang ang lahat ay maiingat at naninibago sa paligid. Pula ,orange at berde paulit ulit hanggang marating namin ang TERMINAL. Sa wakas HEHEHE!

Sa sasakyan nakakatuwa kasi lahat kami doubtful kung saan kami bababa. Salamat kay manong driver at nakarating kami ng maayos as bungad ng aming destinasyon. Sa labas palang wala kaming pinalampas na pagkakataon, lahat ng tanawing bago sa aming paningin ay aming kinuhanan ng larawan.

Larawang kuha sa FORT SANTIAGO

ANG KABAYO hehehe..

Una naming nakita yung kabayo na

nakaparada sa gilid ng kalsada, mapag samantala sapagkat habang nag papahinga ang kabayo ay kumuha din kami ng larawan sa kanya at sa isang malaking luntiang pader na tila isang malaking bintana.

SA LABAS NG FORT

Pagkatapos ng masayang pag tatalakay at pag kuha ng larawan, nag tungo kami sa loob ng Piitan ni Dr. Jose Rizal sa fort santiago. Bago namin sapitin ang mismong piitan marami pa kaming nadaang mga makasaysayang rebulto at estatwa ng ating pambansang bayani. Natagpuan din namin sa paligid ng Fort santiago ang isang malaking simbahan ngunit noong araw na iyon ay nakasarado dahil sa pansamantalang itong inaayos. Isang malaking SAYANG dahil nais sana naming makita ang loob ng simbahan. Sa kabila nito ang kagustuhan naming malaman ang pasikot sikot ng lugar ay hindi napigilan ng mga kakulangang ito.

Mga larawang kuha sa bungad ng FORT SANTIAGO..

Ang inaantay ng lahat ang ENTRANCE. Lahat ay nag bayad ng 50 pesos para sa entrance fee, labis na ticket??? Nakagawa kami ng good deed ng isinauli namin ang labis na ticket. Pag pasok pa lang namin kumuha na kaagad kami ng mga larawan habang pinag mamasdan ang mga kalesang nag lalaman ng mga turistang nag lilibot sa lugar. Nag eenjoy ang lahat at sinusulit ang pagkakataon ng pananatili sa Piitan ng pambansang bayani.

Sa pag lilibot huminto muna kami upang kumain. Lahat ay may dalang pag kain maliban sa isa kung kaya kinailangan nilang humanap ng mabibilhan ng pag kain habang ang iba naman ay kumukain na sa kabilang banda ng pasyalan. Ilang minuto na ang nakalipas subalit hindi pa rin sila nakakabalik, pag katapos kumain muli na kaming nag libot sa lugar. Maraming mga turista ang naabutan namin sa lugar hindi pa man kami pumapasok sa rizal shrine, sa labas pa lamang namangha na kami sa laki at lawak ng lugar, may mga koreano, amerikano at may mga negro sa lugar ng mag tungo kami. Nakakatuwa kasi makikita mo na kahit ang mga

banyaga ay maakit sa ating mga makasaysayang lugar. Napansin din namin na may mga pamilyang namamasyal sa lugar. Makailang sandali pa ay nagtungo na kami sa loob ng piitan ni Dr. Jose Rizal ayt talagang mas lalo pa kaming humanga sa lugar.

Mga larawang kuha sa piitan

Totoo pala na talagang napaka makasaysayan ng lugar. Napakaraming larawan at rebulto ni rizal ang aming natagpuan.

Ang Rizal Shrine


Isa ang rizal shrine sa mga pinaka masaganang lugar na

kapupulutan ng impornasyon para sa aming mga mag aaral. Makikita ang maraming katauhan ni rizal sa loob ng sagradong lugar. Maaaring kumuha ng larawan subalit ipinag babawal ang flash lights, ang pag kain at iba pa. Pag pasok pa lamang namin napansin na agad namin ang isang malaking larawan ni rizal noong siya ay binaril, ang mga inukit na pigura ni rizal, ang mga librong kanyang sinulat, ang mga hayop na ipinangalan sa kanya at napakarami pang iba. Hindi man kami na bigyan ng pagkakataong makakuha ng video ngunit binigyan kami ng pag kakataong nasilip ang kwartong pinag piitan kay rizal at ang mismong lugar kung saan siya nanatili. Ang lugar sa ikalawang palapag ang nag pakilala sa amin sa napakaaming larawan ni rizal. Mapapansin din ang mga larawan nina O sei san at ng ina ni rizal.

Dito rin matatagpuan ang ilang mahahalagang gamit ni rizal. Ilan sa mga ito ay ang bahagi ng buto ni rizal na nag sisilbing dahilan upang mapanatiling sagrado ng lugar. Ang mga damit panlamig ni rizal, mga libro ,mga tungkod at ibat- ibang mga inukit ni rizal noong siya ay nag aaral pa.

Mga larawan sa sagradong gusali

RIZALSHRINE

Napakaraming magagandang bagay sabi nga nila swerte at pag sisikap daw upang maging karapat dapat ka daw tulad ni rizal. Sa bilanguan ni rizal makikita ang isang rizal na rebulto, bilang bahagi ng matatandang paniniwala kailangan mo daw humiling ng taos puso doon kasabay ng pag hahagis ng barya bilang alay. SANA MATUPAD ANG HILING NAMING LAHAT. Binilang din namin ang foot steps ni rizal mula sa kulungan. Enjoy tlaga kaming lahat. Bawal mag interview so inubos na lang namin ang aming oras sa patagong pag kuha ng mga pangyayari at sa pag kuha ng larawan.

Mga larawan mula sa paligid ng Rizal Shrine

Napaka rami pang maaaring matagpuan sa piitan .

Noong araw na nag tungo kami sa piitan ipinag bawal na

mga interview sapagkat maraming turista noong

araw na iyon kung kaya kami ay kumuha na lamang ng mga larawan sa ibat ibang bahagi ng FORT SANTIAGO. Nakakatuwa sapagkat kahit yata libutin namin ang lugar ay kulang ang buong mag hapon sa pag sasaliksik.

Naka pagod mag saliksik, kung kaya kami ay nag pasyang kumain muna ng panang halian. Pag kayapos naming kumain. Nag pasya kaming umuwi na at ng maayos na maka pag pahinga. Ang lahat ng larawan ay aming itinago bilang bahagi ng lakbay aral na aming ginawa. Bilang pag tatapos ng araw kaming lahat ay naging masaya sa pag sasaliksik, ang lahat ay naging abala sa pag sisiyasat bagamat maraming mga pangyayaring hindi inaasahan at maraming mga turista ng araw na yon lahat kami ay maging masaya sa pag punta sa piitan ni

Dr. Jose Rizal-ang pambansang bayani ng pilipinas.

Nang mag pasya kaming umuwi na hindi namin inaasahan na maglalakad pa ulit kami ng malayo mula fort santiago hanggang rizal park lahat ay nag rereklamo na masakit ang paa subalit alam naming iyon ay parte ng aming lakbay aral. Matiwasay kaming naka uwi na dala ang magagandang pangyayari sa buong mag hapon. Thank god!

At dito na nag tatapos ang aming kwento ng isang mahabang araw ng pag sisiyasat.

FORT SANTIAGO

APRIL VERGARA ANN-GELLINE FERNANDEZ GEMMELYN BORITO WENDELYN BAYANGAT PEARLITA AMARANTE JOYCE ANN LUMBERA GRADAVE PUNELAS