Anda di halaman 1dari 6

Elemento ng isang Efektibong Pagtatalumpati

ni Roberto Ampil

"Kalahati ng mundo ay binubuo ng mga taong may gustong sabihin subalit di ito maipahayag; ang natitirang kalahati ay yaong walang masabi subalit patuloy sa pagsasalita.

Kahit sino ay maaaring makapagbigay ng isang talumpati. Subalit, iilan lamang ang efektibong nakapagpapahayag. Sa pagbibigay ng isang efektibong talumpati may anim na elemento na dapat na ikunsidera.

Maging Handa ang pagiging handa ay ang pinakamahalagang elemento. Makailang beses mong sinasanay ang iyong talumpati? Sa pangkalahatang tuntunin, kailangan mong gumugol ng 30 oras ng paghahanda at pagsasanay sa bawat oras na ikaw ay magsasalita. Gumamit ng tape recorder at video tape upang masuri mo ang iyong sarili. Ibigay ang iyong sarili Gumamit ng personal na mga halimbawa at kuwento kung kinakailangan. Tiyakin na ang kuwento ay makatutulong upang bigyang tuon at suportahan ang pangunahing kaisipan o punto. Ang kuwento ay kailangang nauugnay sa mensahe ng talumpati. Gumamit ng mga halimbawa ng iyong personal at propesyunal na buhay upang maipahayag ang iyong punto. Sa ganitong kalagayan, ibinibigay mo ang iyong buhay sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong sarili sa iyong mga awdyens.

Manatiling Relaks - Upang manatiling relaks ay kailangang maging handa. Gayundin, mag-fokus sa iyong mensahe at hindi sa iyong awdyens. Gumamit ng mga pagkilos, gaya ng paglalakad. Sanayin ang iyong pambungad na talumpati at ihanda kung papaano mo ito ipapahayag. Hinuhusgahan ka ng iyong awdyens sa unang 30 segundo, pagkakita sa iyo. Gumamit ng natural na pagpapatawa Huwag subukin maging komedyante. Gumamit ng natural na pagpapatawa sa pamamagitan ng iyong sarili gaya ng mga nabanggit mo o ng iyong ikinilos. Tiyakin na hindi ang awdyens ang iyong ginagamit o pinatutungkulan. Magkaminsan, natatawa ang mga awdyens kapag pinagtatawanan mo ang iyong sarili subalit limitahan lamang ito.

Paghandaan ang posisyon ng iyong katawan at kamay Sa oras ng iyong pagsasanay, tukuyin kung saang bahagi ng iyong talumpati ang gagamitan ng pagkilos. Maglagay ng tatlong posisyon kung saan ka tatayo at sanayin din kung kailan at saang bahagi ka ng iyong talumpati maglilipat ng posisyon. Kunin ang tatlong posisyon, isa sa gitna ng entablado, isa sa iyong kanan, at isa sa iyong kaliwa. Huwag magtago sa likuran. Habang naglilipat ng posisyon, huwag alisin ang kontak sa mga awdyens. Bigyan pansin ang lahat ng mga detalye Tiyakin na may tamang lokasyon (paaralan, hotel, silid at oras). Tiyakin kung papaano ka makararating sa lugar. Tanungin kung gaano karami ang mga awdyens na dadalo. Tiyakin din na dala-dala ang lahat ng mga pantulong na viswal at kopya ng talumpati. Dumating nang maaga upang matiyak kung saan ka magtatalumpati upang makagawa ng ilang pag-aangkop.

Mahalaga din na mabigyang pansin ang kahit na maliliit na detalye. Tandaan, Ang sinoman na hindi nakapaghanda ay naghahanda ng kanyang pagbagsak"

Anda mungkin juga menyukai