Anda di halaman 1dari 1

Ang Kurikulum na Filipino: Saan Patutungo sa Hamon ng Globalisasyon?

Filipinas Nirebisa ng sistema ng edukasyon sa Filipinas ang (tersyaryang) kurikulum sa (wikang) Filipino upang ang pagkatuto ng estudyante ay lalot higit pang makatugon sa mga pangangailangan ng isang lokal/global namamamayan.Sinusuri ng papel na ito kung hanggang saan ang kurikulum sa Filipino ay nagagawang makatugon sa mga pangangailangan ng bawat estudyante kaugnay ng pagkatuto at paggamit sa Filipinobilang isang pambansang wikang nagpapasigla sa literasi, pag-unlad, at pambansang pagkakaisat identidad.Ang rebisyon sa kurikulum ay isang positibong hakbang upang ang ating pambansang wikang Filipino ay makasabay sa mga nasyonal/global na isyu, konsern, at hamon. Philippine Education undertook a revision of the (tertiary) Filipino (language) curriculum to maximize student learning and meet the more complex demands of local/global citizens. This paper examines the extent to which the Filipino curriculum is able to answer the needs of each student in learning and using Filipino as a national language to promote literacy, development and progress, and national unity and identity. Curricular revision takes a positive direction as our national language Filipino keeps apace with national/ global issues and concerns and challenges. Mga susing termino: BEC Kurikulum, wikangFilipino, Makabayan, higher education. Marami nang nailimbag na pag-aaral tungkol sa pagtuturo at pagkatuto sa ibat ibang larangan mga pag-aaral na siyang nagbigay-sigla sa risertser na ito na tukuyin ang mga kahinaan at kalakasan ng isang kurikulum, at kung ano ang mga pangangailangan upang higit na maging angkop sa kaalaman, kasanayan at kaugalian ng isang estudyante, lalong-lalo na sa panahon ng globalisasyon. Ang kurikulum ay ang kabuuang nilalaman ng pag-aaral ng aralin, mga karanasan at mgakagamitang sadyang pinili, binuo, at isinakatuparan para sa adhikain ng isang institusyon. Dahil dito,dapat nating paunlarin ang kurikulum gaya ng ginagawa ng ibang bansa para maging globally competitive ang bawat estudyante; kung hindi man kahit papaano ay may sapat na kakayahan at kasanayan siya namagiging kapital niya sa pagsuong sa landas na tatahakin. Ang kurikulum ang pinakapuso ng sistema ng edukasyon kung kaya dapat itong pag-ukulan ng oras at pansin. Kailangang siguruhing nakasasapat ito sa mga pangangailangan ng mga estudyante at kung ito ay tumutugon sa kalagayang pangkalikasan, panlipunan, pang-ekonomiya, panteknolohiya at pandaigdig. Layunin ng papel na ito na ilahad ang kahalagahan ng kurikulum na Filipino, na nasuri ng mga susing tao sa sistema,at ang tugon nito sa pangangailangan ng estudyanteng Filipino. Isang paglalahad din ito ng estado ngFilipino sa kurikulum ng Filipinas. Sinasagot nito ang mga katanungan:Ano ba ang kurikulum na Filipino?Ano ang mga batayan sa pagkakaroon ng kurikulum na Filipino?Bakit ito mahalaga bilang isang kurikulum sa elementarya, sekondarya at sa tersyarya?Ito ba ay tumutugon sa pangangailangan ng bawat mag-aaral upang magkaroon ng sapat at mabisang kaalaman sa Filipino bilang wikang pambansa?At ito rin ba ay tumutugon sa pangangailangan nila upang magkaroon ng kompetitibong kaalaman sa makro-kasanayang Filipino?Angkop ba ang paraan sa pagpapaunlad sa kaalaman ng mga mag-aaral?

Anda mungkin juga menyukai