Anda di halaman 1dari 29

tula

Ang tula ay isang kamalayang napasagisag (heightened consciousness). Alejandro G. Abadilla Ang tula ay isang panggagagad. Katulad daw ito ng panggagagad ng pinto ng manlililok at ng artista sa dulaan. Fernando Monleon

Pagbabalik Jose Corazon de Jesus


Babahagya ko nang sa noo nahagkan, Sa mata koy luha ang nangag-unahan, Isang panyong puti ang ikinakaway Nang siyay iwan ko sa tabi ng hagdan!... Sa gayong kalungkot na paghihiwalay, Nalulumbay akot siyay nalulumbay! Nang sa tarangkahan ako makabagtas, Pasigaw ang sabing umuwi ka agad! Ang sagot koy oo, hindi magluluwat! Nakangiti ako, luhay nalalaglag! At akoy nagtuloy, tinunton ang landas, Na kabyakn ang pusot naiwan ang kabiyak

Maikling Kwento
Maituturing na pinakaanak-isip ng pagsasamang Pilipino at Amerikano.
Edgar Allan Poe Ama ng maikling kuwento Ang kauna-unahang lumikha at nagpakilala sa anyong ito ng pagsusulat sa panitikan sa Amerika.

Deogracias A. Rosario Ang ama ng maikling kuwento rito sa Pilipinas.

Katuturan ng maikling kuwento


Masining na anyo ng panitikan. Itoy isang paggagad ng realidad. Sa maikling kuwento ang ginagagad ay iyong isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Itoy nag-iiwan sa mga mambabasa ng isang kakintalan o impresyon na mahirap makalimutan.

Mga Uri ng Maikling Kwento


Kuwento ng tauhan Inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng mambabasa. Halimbawa: ALOHA ni Deogracias Rosario

Kuwento ng tagpuan
Kung ang tagpuan ay ginagawang pangunahing salik at pag-iikutan ng mga pangyayari sa kuwento. Itoy parang isang tauhang saksi sa mga pangyayari. Halimbawa: Kinagisnang Baon ni Andres Cristobal Cruz.

Kuwento ng banghay
Binibigyang-diin ang pagpapakita sa madulang pangyayari. Halimbawa: Ang Pusa Sa Aking Hapag ni Jesus Arceo

Kuwento ng isipan
Ang kuwento ay inilalahad sa pamamagitan ng pagpapakita kung ano ang nangyayari sa isipan ng isang tauhan. Ito ay isa ring tekniko sa pagsusulat ng dula o nobela. Halimbawa: Apat na Kandila ni Ludivina C. Marin

Kuwento ng katutubong buhay


Itoy naglalarawan ng mga bagay-bagay hinggil sa mga pangyayaring nagaganap sa isang lugar, sa nayon o sa lalawigan. Ang mga salitang ginagamit sa paglalarawan ay naaayon sa masasaksihan sa sinasabing pook ng may-akda. Halimbawa: Ang Yungib Sa Bundok Gidday ni Reynaldo A. Duque

Mga bahagi ng maikling kuwento


Pasimula dito matatagpuan ang tauhan, tagpuan, panahon at ang suliranin.
Paunlad na Pangyayari mga kawing-kawing na pangyayari patungong kasukdulan. Kasukdulan ang pinakamaselang pangyayaring inilalarawan sa kuwento, ang tutunguhin ng mga tauhan, kung tagumpay o kabiguan.

Kakintalan - Ito ang impresyong naiiwan sa isipan at damdamin ng mababasa. Wakas ang nagpapahiwatig na bahagi hinggil sa damdamin at kahatulang igagawad ng mambabasa, kung masaya, malungkot, makatarungan, di-inaasahan o ipinauubaya na lamang sa mambabasa ang maaaring kahinatnan ng pangunahing tauhan.

Mga sangkap ng maikling kuwento


Tagpuan ang pinangyayarihan ng kuwento. Tauhan ang mga taong may kaugnayan sa isat isa. Banghay ang mga pangyayaring nagaganap o magaganap sa kuwento umpisa sa simula hanggang sa wakas.

Pananalita ang buhay at diwa ng tauhan at ng mga pangyayari.


Tema ang kausapang hangad na ibahagi sa mambabasa ng manunulat. Damdamin ang kulay sa kuwento na nagbibigay-kintal at nag-aantig-loob ng mambabasa.

Pananaw ang pamamaraang ginagamit ng may-akda ayon sa panauhing tinitingnan. Simbolo ang mga bagay na di-lantarang pumupukaw kintal ng mambabasa.

Ang nobela ay isang akdang pampanitikan na nagtataglay ng maraming ligaw na tagpo. Ang nobela (salitang galing sa Latin Novelus) ay masasabing supling o kaugnay ng Kasaysayan o Istorya pagkat dito nagmula.

Mga layunin ng nobela:


Magbinhi ng mga simulain o aral na hangad na pagbungahin ng sumulat o magdulot ng aliw sa mga mambabasa.
Nagbibigay kagandahang-asal na magiging puhunan sa pamumuhay sa bayang kahapishapis. Nakapagpapaalab ng damdamin ng isang naapi.

Uri ng Nobela
Nobela ng tauhan dito nangingibabaw ang mga pangangailangan, kalagayan at hangarin ng mga tauhan. Nobelang makabanghay ang pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang siyang pinalulutang sa nobelang ito. Nobela ng kasaysayan Tinatawag na nobela ng kasaysayan ang isang nobela na ang bigat ng kuwentoy nasa kasaysayan.

Nobela ng romansa tumutukoy sa pagiibigan.

Nobelang masining binibigyang-diin ang mahusay na pagkakahanay ng mga pangyayari at paglalarawan ng pagkatao ng mga tauhan gayundin itoy umaantig sa damdamin ng mga mambabasa.
Nobela ng layunin itoy madaling maturol pagkat ang bigat ay nasa mga layunin at simulaing mahahalaga sa buhay ng tao.

Nobelang Isinulat ni
Dr. Jose Rizal

Katuturan
Ang dula ay isang pampanitikang panggagaya sa buhay upang mapamalas sa tanghalan. Ginagawa sa dula ang buhay ng tao na sadyang pabagu-bago at paiba-iba ang takbo.

Uri ng dula
Komedya kapag masaya ang tema, walang iyakan at magaan sa loob at ang bida ay laging nagtatagumpay.
Trahedya kapag malungkot at kung minsan pay nauuwi sa isang matinding pagkabigo at pagkamatay ng bida.

Melodrama o soap opera - kapag magkahalo naman ang lungkot at saya, at kung minsay ekseherado ang eksena, sumusobra ang pananalita at ang damdamin ay pinipiga para lalong madala ang damdamin ng mga manonood nang silay maawa o mapaluha sa nararanasan ng bida. Parsa kapag puro tawanan kahit walang saysay ang kuwento, at ang mga aksyon ay Slapstik na walang ibang ginawa kundi magpaluan o maghampasan at magbitiw ng mga kabalbalan.

Parodya kapag mapanudyo, ginagaya ang mga kakatwang ayos, kilos, pagsasalita at pag-uugali ng tao bilang isang anyo ng komentaryo o pamumuna kayay pambabatikos na katawa-tawa ngunit nakakasakit ng damdamin ng pinauukulan. Proberbyo kapag ang isang dula ay may pamagat na hango sa mga bukambibig sa salawikain, ang kuwentoy pinaiikot dito upang magsilbing huwaran ng tao sa kanyang buhay.

Katuturan
Pagsasalaysay ng isang sanay ayon kay Alejandro G. Abadilla. Ang sanaysay ay isang genre o sangay ng panitikan na nasusulat sa anyong tuluyan at pumapaksa tungkol sa lahat-lahat sa kapaligiran tao, hayop, pook, pangyayari, bagay at gunigunihan na kayang unawain ng damdamin at abot ipaliwanag ng isip.

Dalawang uri ng sanaysay


Maanyo o pormal
- Maanyo ito kung pangkaisipan. - Nagpapabatid ng mahahalagang kaalaman sa lohikal at masining na paglalahad ng mga impormasyong dito ay tinatalakay. - Itoy obhektibo sapagkat ang mananaysay ay hindi rito nagpapakita ng personal niyang damdamin at pananaw.

Pamilyar o impormal
Tinatawag ding personal na sanaysay. Karaniwan at ayon sa gusto lamang o hilig o karanasan ng mananaysay ang mga paksa nito. Ang tono ay mistulang nakikipag-usap lamang bilang kaibigan ang may-akda sa mambabasa. Madali itong unawain dahil ang ginagamit na mga salita ay pang-araw-araw, kolokyal pa magkaminsan, kaya pamilyar din ang modo nito. Sariling paniniwala at damdamin ng may-akda ang pinaiiral o iginigiit dito kaya napakasubhektibo o mapangatig.

Layunin ng maanyo o pormal na sanaysay:


Magpaliwanag at magturo para sa kagalingang-isip

at moral ng mga mambabasa.

Layunin ng pamilyar o impormal na sanaysay:


Manguha ng simpatya o empatya, tuloy manghikayat ng pananalig ng mga mambabasa. Nanggaganyak din ito ng tuwa, nanunudyo sa mga kakatwa at nang-uudyok ng galit sa madla.

...

Anda mungkin juga menyukai