Anda di halaman 1dari 1

Ang Buhay ni Gatan at Vangan

Noong unang araw may dalawang magkapatid na lalaki at babae at namatay ang kanilang ina. Ang kailang ama ay nakipag-asawa ulit. Isang araw inutusan sila ng kanilang ama na pumunta sa bukid upang bantayan ang kanilang pananim na palay na malapit ng anihin. Dahil kung hindi ito mabantayan uubusin ng mga daga at maliliit na ibon. Inihanda ng kanilang madrasta ang kanilang baon. Ngunit magkaiba ang laman nito. Ang baon ni Vangan ay bagong luto, samantalang kay Gatan ay ang tira nilang pagkain ang laman ng baon nito. Pagkakakuha ng kanilang baon ay nagtungo ang magkapatid sa magka-ibang lugar. Pagkalipas ng isang buwan, umuwi si Vangan sa kanilang bahay. Nag aalala sina Vangan at ang kayang ama dahil hindi umuwi si Gatan. Nagboluntaryo si Vangan na puntahan ang kanyang nakakabatang kapatid at upang dalhin din ang baon nitong pagkain. Nang makarating siya sa bukid, agad niyang hinanap si Gatan ngunit sa ilang oras niyang paghahanap ay hindi niya matagpuan ito. Kaya naman siyay nagpahinga at dahil din sa gutom nagpasya siyang kainin ang baon. Nagulat siya sa kanyang nakita dahil sa laman ng baon. Naisip niya na napakasama ng ugali ng kanilang madrasta. Hindi niya lubos maisip na hindi pantay ang pagtrato nito sa kanilang magkapatid. Nagpasya siyang umuwi sa kanilang bahay. Pagdating niya sa kanila, ikinuwento niya sa kanilang ama ang kanyang natuklasan, At sa sandali ding iyon pinalayas ng kanilang ama ang kanilang madrasta. Bumalik ang kanilang ama sa bukid upang hanapin si Gatan, Ngunit pagdating niya ay nagulat siya sa kanyang nakita dahil hindi na tao ang kanyang anak kundi isa nang ibon, Lumipad palayo ang ibon at nakarating sa Ginsadan sa tabi ng ilog.Nakita siya ng isang matandang lalaki at hinuli ito, ini-uwi sa kanilang bahay. Pagdating sa kanilang bahay ay bumalik ang katawan ni Gatan at muli siyang naging tao. Ipinagkasundo sila ng matanda sa dalaga nitong anak na magpakasal sila. Kaya naman pinauwi si Gatan sa kanilang lugar upang ipaalam sa ama nito. Pagdating sa kanilang bahay ay tulog pa ang mga tao kaya nagtungo siya sa silid ng kanyang ama upang gisingin ito. Ikinuwento niya sa kanyang ama ang mga nangyari. Sa araw ding iyon itinakda ang kasal nina Gatan. Masaya ang mga tao para sa kanila. At namuhay sila ng masaya.

Anda mungkin juga menyukai