Anda di halaman 1dari 14

Ang Pagkilala sa aking Paaralan Pag-isipan Ano-ano ang mga mahahalagang impormasyon ang masasabi ng mga mag-aaral tungkol

sa kanilang paaralan? Gawain 1 Anyayahan ang punong guro ng inyong paaralan na maging tagapagsalita sa inyong klase. Hilingin na magbahagi siya tungkol sa mga batayang impormasyon ng inyong paaralan. Paalalahanan ang iyong mga mag-aaral na makinig nang mabuti at maging magalang sa pakikipag-usap sa punong-guro. Gabayan sila sa pagtatanong ng mga sumusunod. 1. Ano ang pangalan ng ating paaralan? 2. Bakit ito ang pangalan ng ating paaralan? 3. Kailan itinayo ang ating paaralan? 4. Saan ito matatagpuan? 5. Sinu-sino ang mga taong bumubuo sa ating paaralan? Gawain 2 Ipaguhit sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan sa kanilang kwaderno o sa isang malinis na papel. Sabihin sa kanila na gawing makulay ang larawang iguguhit. Matapos iguhit ng mga mag-aaral ang kanilang paaralan, maaari ring hikayatin sila na ibahagi sa klase ang kanilang gawa. Ipalarawan din sa kanila ang kanilang iginuhit batay sa pisikal na anyo nito tulad ng lawak ng paaralan, dami ng silid-aralan, bilang ng palapag at iba pa. Gawain 3 Ipabuo sa mga mag-aaral ang graphic organizer na makikita sa ibaba upang maipakita ang mga batayang impormasyon tungkol sa kanilang paaralan. Ipagawa ito sa kanilang kwaderno o isang buong papel. Matapos ang pagbuo ng graphic organizer, itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod: a. Sa kasalukuyan, ilang taon na ang ating paaralan? b. Sa inyong obserbasyon, anu-ano ang bahaging ginagampanan ng mga taong bumubuo sa ating paaralan? Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon

Tandaan: Mahalagang makilala mo ang paaralang iyong pinapasukan. Ito ang nagsisilbing iyong ikalawang tahanan.

Aralin 1.2 Ang Papel na Ginagampanan ng Paaralan sa Aking Buhay Pag-isipan: Ano ang mabuting nagagawa ng paaralan sa mga mag-aaral? Gawain 1: Basahin ang kwentong pinamagatang Celia Studious and Conrad Cat na isinulat ni Regina S. Fernandez. Maaari itong isalin sa wikang sinasalita ng mga mag-aaral upang maging mas madali ang kanilang pag-unawa sa kuwento. Matapos basahin ang kwento. Itanong sa mga mag-aaral ang sumusunod: a. Saan pumupunta si Celia araw-araw? b. Anu-ano ang mga ginawa ni Conrad para hikayatin si Celia na huwag nang pumasok sa paaralan? c. Bakit hindi nahihikayat ni Conrad si Celia na lumiban sa pagpasok sa paaralan? d. Ano ang natuklasan ni Conrad sa paaralan ni Celia? e. Anu-ano ang mga masasayang karanasan ni Celia sa kaniyang paaralan? f. Ano kaya ang naramdaman ni Conrad noong siya ay napasama sa paaralan ni Celia? Bakit ito ang kaniyang naramdaman? g. Kung ikaw si Conrad, sasama ka pa ba kay Celia sa paaralan? Bakit? Gawain 2 Itanong sa mga mag-aaral. Anu-ano ang mga masasayang karanasan mo sa iyong paaralan? Papiliin ang mga mag-aaral ng tatlong masasayang karanasan nila sa paaralan at ipaguhit ito sa loob ng mga bilog. Ang Masasayang Karanasan ko sa Paaralan

Ipagawa ito sa kanilang kwaderno o isang buong papel. Ipabahagi sa klase ang kanilang mga iginuhit na larawan. Itanong din sa kanila ang mga sumusunod: a. Bakit ito ang napili ninyong masasayang karanasan sa paaralan? b. Sinu-sino ang mga kasama ninyo sa mga karanasang ito? c. Natutuwa ba kayo sa pagpasok sa paaralan araw-araw? Bakit? Gawain 3 Ipakita sa mga mag-aaral ang tsart na naglalaman ng mga larawan ng mga ginagawa at natutunan ni Celia sa paaralan. Ipaguhit sa kanila sa kabilang kahon ang mga ginagawa at

natututunan nila sa kanilang paaralan. Ipaguhit ang mga sagot ng mga magaaral sa kanilang kwaderno o sa isang buong papel. Ang mga ginagawa at natututunan ni Celia sa Ang mga ginagawa at natututunan ko sa aking paaralan. paaralan

Maaari ring ipagawa sa klase ang gawaing tinatawag na think-pair-share. Matapos iguhit ng mga mag-aaral ang kanilang mga ginagawa at natutunan sa klase, hikayatin silang ibahagi ang kanilang mga iginuhit sa isa sa kanilang kamag-aral. Bigyan ng sapat na oras ang magkakapareho na magbahaginan ng kanilang mga ginawa. Sabihin din na ihambing nila ang kanilang mga iginuhit. Tanungin kung mayroon bang pagkakaiba at pagkakatulad ang kanilang mga ginawa. Kapag tapos na ang pagbabahaginan ng dalawang mag-aaral, atasan naman silang ibahagi ang kanilang mga napag-usapan sa apat pa nilang mga kamag-aral. Ipaulit ang ginawang paghahambing ng mga iginuhit na larawan sa napili nilang apat pang kaklase. Sa huling bahagi ng gawain, gabayan mo ang klase sa pagtalakay ng kanilang mga ginagawa at natutunan sa paaralan. Itanong ang mga sumusunod sa mga mag-aaral: a. Marami ba kayong ginagawa at natutunan sa paaralan? b. Ano ang naramdaman ninyo matapos ang ginawa ninyong pagbabahagi ng inyong ginawa sa inygong mga kamag-aral? Bakit ito ang naramdaman ninyo? c. Alin sa inyong mga iginuhit ang pinakagusto ninyong gawin at matutunan? Bakit? d. Kung mayroon kang kaibigan na katulad ni Conrad Cat na yayayain kang maglaro kaysa pumasok sa paaralan, ano ang gagawin mo? Sasama k aba sa kanya o hindi? Bakit? Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon.

Tandaan: Ang paaralan ay isang lugar kung saan marami kang makikilalalang mga bagong kaibigan na iyong makakalaro, makakasama mo sa pagbabasa, pagsusulat, pagguhit at iba pang mga gawain para matuto. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng paaralan sa iyong buhay.

Aralin 2: Ang Kuwento ng Aking Paaralan Panimula:

Aralin 2.1: Ang mga Bagay na Nagbago at Nagpatuloy sa Aking Paaralan

Pag-isipan Anu-ana punan ng impormasyon ang tsart na makikita sa ibabano ang mga bagay na nagbago at nagpatuloy o hindi nagbago sa paaralan ng mga mag-aaral?

Gawain 1 Hikayatin ang mga mag-aaral na magtanong sa punong-guro o sinumang tagapagsalita na iyong inanyayahan upang magbahagi sa tungkol sa pinagmulan ng inyong paaralan Narito ang mga tanong na maaaring tanungin ng mga mag-aaral sa tagapagsalita: a. Ano po ba ang hitsura ng aming paaralan noong itinatag ito? b. Nagbago po ba ang laki at sukat nito? c. Mas marami po ba ang mga mag-aaral na unang pumasok sa aming paaralan kkung ikukumpara sa bilang ng mga mag-aaral sa aming paaralan sa ngayon? d. May uniporme ba sila? e. Ano po ang mga itinuturo ng mga guro? f. Anu-ano po ba ang mga nagbago rito?

Gawain 2 Bumuo ng pangkat na may limang kasapi. Atasan ang bawat pangkat na punan ng impormasyon ang tsart na makikita sa ibaba. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kuwaderno o isang buong papel. Ngayon Pangalan ng iyon paaralan Lokasyon na Paaralan Laki o lawak ng paaralan Mga kasapi ng paaralan Bilang ng mga mag-aaral Uniporme ng mga mag-aaral na pumapasok sa paaralan Mga itinuturo sa paaralan Noon

Batay sa mga impormasyong nakuha at naisulatng mga mag-aaral, tanungin sila kung ano ang mga bagay na nagpatuloy o hindi nagbago sa paaraln

Gawain 3 Ipaguhit sa mga mag-aaral ang kanilang paaralan sa mga kahong nasa ibaba. Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kuwaderno o sa isangbuong papel. Ang aking paaralan ngayon Ang aking paaralan noon

Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusuno: a. Marami bang mga bagay ang nagbago sa ating paaralan? b. Sa iyong palagay, bakit nangyari ang mga pagbabagong ito? c. Kung papipiliin ka, anong mas gusto mo, ang paaralan natin noon o ang paaralan natin ngayon? Bakit? Bigyang-diin ang mga kaisipan na nasa loob ng kahon. Tandaan May mga bagay na nagbabago at may mga bagay na nagpapatuloy o hindi nagbabago sa iyong paaralan. Ang mga desisyon o pagpapasya ng mga kasapi ng isang paaralan ang nagdudulot ng mga pagbabago o pagpapatuloy.

Aralin 3: AKO BILANG MAG-AARAL Panimula: Aralin 3.1 Ang Aking Mga Gawain sa Paaralan Pag-isipan Ano-ano ang mga ginagawa ng mga mag-aaral sa paaralan? Gawain 1 Atasan ang mga bata na pagsunud-sunurin ang mga larawan ng mga gawain ng mga mag-aaral sa paaralan. Ipasulat ang bilang 1-5 sa loob ng bilog, 1 ang pinakaunang pangyayari at 5 naman ang pinakahuli. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang buong papel. Matapos ang gawain, itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: a. Nadalian k aba sa pag-aayos ng pagkakasunod-sunod ng mga larawan? Bakit? b. Bakit mahalagang malaman mo ang pagkakasunod-sunod ng mga gawain sa paaralan?

c. Ginagawa mo rin ba ang mga gawaing nasa larawan? Gawain 2 Magpagawa ng isang timeline na nagpapakita ng mga gawain ng mag-aaral sa kanilang paaralan sa loob ng isang araw. Ipaguhit ang mga ito sa loob ng kahon. Sabihin sa mga mag-aaral na kulayan ang kanilang gawa. Ipaguhit ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang buong papel. Ang Aking Mga Gawain sa Paaralan sa Loob ng Isang Bago Magsimula ang Klase Habang nagtuturo ang Aking Guro Oras ng Pagkain o Recess Bago Mag-uwian ang Klase

Pabalikin ang timeline na ginawa ng mga mag-aaral sa Gawain 2. Papiliin sila ng kanilang paboritong gawain na ginagawa sa paaralan at ipabahagi ito sa kanilang mga kaklase. Itanong sa mga mga mag-aaral ang mga sumusunod: a. Mayroon ba kayong kamag-aral na nagsabing paborito rin niya ang paborito ninyong gawain? b. Bakit ninyo ito naging paboritong gawain? Ano ang nararamdaman ninyo sa tuwing ginagawa ninyo ang paborito ninyong gawain sa paaralan? Gawain 3 Ipakita sa mga mag-aaral ang mga larawan na nasa ibaba. Pakulayan ang mga larawan na nagpapakita ng iyong mga itinuturo sa kanila at mga natututunan nila sa paaralan. Gawain 4 Sabihin sa mga mag-aaral na sumulat ng isang liham ng isang-pasasalamat sa kanilang mga guro. Maaari silang sumulat ng liham para sa iyo o sa iba pa nilang guro kung mayroon. Ipaalam sa kanila na maaari rin silang humingi ng tulong sa kanilang mga magulang o tagapag-alaga upang punan ang mga patlang sa kanilang isusulat na liham. Mahal na ___________________________ (Pangalan ng iyong Guro) Maraming salamat po sa inyong walang-sawang pagtuturo sa akin. Sa ating pag-aaral sa klase, natutunan ko pong mag-______, mag-_____, at mag- _____. Nangangako po akong _________________. Lubos na gumagalang, ________________ (Isulat ang iyong buong pangalan) Bigyang-diin ang mga kaisipang nakatala sa loob ng kahon.

Tandaan: Mayroon kang ibat ibang gawain sa paaralan. Nakatutulong ang mga ito upang matutunan mong magsulat, magbilang, magbasa, gumuhit at magkulay ng larawan, makipagkaibigan at iba pa. Pahalagahan mo ang iyong pag-aaral. Aralin 3.2: Ang Aking Mga Tungkulin sa Paaralan Layunin Pag-isipan: Anu-ano ang mga dapat gawin ng mga bata sa paaralan bilang mga mag-aaral? Gawain 1 Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng batang si Len. Sabihin sa kanila: Si Len ay isang mag-aaral sa Baitang 1. Anu-ano sa palagay mo ang mga dapat gawin ni Len sa paaralang kaniyang pinapasukan? Ipasuri ang mga larawan at ipatukoy ang nagpapakita ng mga tungkulin o mga dapat gawin ni Len bilang isang mag-aaral. Tahimik at maayos na pumipila tuwing flag ceremony Bumabati sa kaniyang guro Nakikipag-usap sa kaniyang katabi Habang nagtuturo ang guro. Hindi tinatapos ang mga gawaing Ibinibigay ng guro at sa halip ay inuuna niya ang kaniyang paglalaro Tinatapon ang mga ginamit na papel Sa silid aralan.

Inililigpit ang pinagkainan matapos ang recess

Itanong ang mga sumusunod: a. Bakit ito ang napili mong mga larawan? b. Ano ang mangyayari kapag ginawa ni Len ang mga gawaing iyong napili? c. Ano naman ang mangyayari kapag ginawa ni Len ang mga gawaing hindi mo napili? Gawain 2 Ipakita sa mga bata ang tsart na naglalaman ng mga larawan ng ibat ibang tungkulin ng magaaral sa paaralan. Itanong sa kanila kung alin sa mga ito ang ginagawa nila sa bawat araw. Palagyan nito ng tsek. Ipagawa ito sa kwaderno o sa isang buong papel. Mga Tungkulin ng Mag-aaral Lunes Pumapasok sa paaralan sa wastong oras Nakikinig sa guro habang siya ay nagtuturo Tinatapos ang mga gawaing ipinapagawa ng guro sa klase Inililigpit ang pinagkainan matapos ang recess Mga Araw na May Pasok Martes Miyerkules Huwebes Biyernes

Itinatapon ang basura sa basurahan Ginagawa ang takdang-aralin Binabati ang nakakasalubong na guro sa daan (Sumangguni sa Learners Manual Aralin 3.2 Gawain 2 para sa mga larawan) Matapos lagyan ng tsek ang mga larawan na nagpapakita ng kanilang mga ginawa, itanong sa mga magaaral ang mga sumusunod: a. Marami ka bang nailagay na tsek sa tsart? b. Ano ang naramdaman mo matapos mong malagyan ng tsek ang mga tungkuling nagagawa mo bilang mag-aaral? c. Sa iyong palagay, bakit mahalagang gawin mo ang iyong mga tungkulin sa paaralan? Gawain 3 Ipakita at ipasuri sa mga mag-aaral ang mga larawan sa titik A at titik B. Ipatukoy ang mga larawang nagpapakita ng posibleng mangyari sa huling bahagi ng ipinapakitang sitwasyon. (Sumangguni sa Learners Manual Aralin 3.2 para sa mga larawan) A. Pumasok si Jun sa kanilang silid aralan Tahimik siyang Umupo sa kaniyang Upuan at nakinig sa Kaniyang guro a. Mataas ang makukuhang marka. B. Oras ng recess ng Klase ni Liberty. Masayang nagkainan Sina Liberty kasama ng Kaniyang mga kaibigan Nagbigay ng pagsusulit ang kaniyang guro

B. Mababa ang makukuhang marka. Nang magsimula na uli ang klase, itinapon nina Liberty sa sahig ang kanilang mga Mga pinagkainan

a. Magiging marumi ang paaralan b. Mapapanatili ang kalinisan ng paaralan Matapos ipatukoy ang mga larawan, itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: a. Alin sa dalawang larawan o sitwasyon ang nagpapakita ng paggawa sa tungkulin ng isang magaaral? b. Bakit ito ang mga napili mong huling pangyayari sa ipinakitang sitwasyon? c. Bakit mahalagang gawin ng mga mag-aaral ang kanilang mga tungkulin? Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon. Tandaan: Mayroon kang ibat ibang tungkulin sa paaralan. Mahalagang gawin mo ang iyong mga tungkulin bilang mag-aaral upang mapanatili ang kaayusan sa iyong paaralan. Makatutulong din ito upang mapabuti ang iyong pag-aaral.

Aralin 4. Ang Pagsunod sa mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan Panimula:

Aralin 4.1: Ang Mga Alituntunin sa Aking Silid-Aralan Pag-sipan Anu-ano ang mga ipinatutupad na mga alituntunin sa inyong silid-aralan? Gawain 1 Atasan ang klase na bumuo ng isang graphic organizer na nagpapakita ng ibat ibang alituntunin na ipinatutupad sa loob ng inyong silid-aralan. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang buong papel. Bago magsimula ang klase Habang nagkaklase Tuwing recess Bago mag-uwian

Matapos ang gawain, itanong sa kanila ang mga sumusunod: a. Bakit tayo mayroong mga alituntunin sa ating silid-aralan? b. Sinusunod ba ninyo ang mga ito? Bakit? Gawain 2 Basahin sa mga mag-aaral ang mga sitwasyong nakatala sa ibaba. Itanong sa kanila kung ano kaya ang mangyayari o magiging bunga kapag ginawa nila ang mga ito. Kung nagsusulat na ang mga magaaral, ipasulat sa nakalaang bahagi ng graphic organizer ang kanilang sagot sa bawat sitwasyon. Maaari ring ipaguhit ang kanilang mga sagot kung wala pang sapat na kasanayan ang mga mag-aaral sa pagsusulat. Maaaring ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno o sa isang buong papel. A. Tahimik na hinihintay ang iyong guro bago magsimula ang klase B. Nakikipag-kwentuhan ka sa iyong katabi habang nagtuturo ang iyong guro C. Isinisigaw mo ang iyong sagot kahit hindi ka pa tinatawag ng iyong guro para sumagot D. Pumipila nang maayos E. Hindi nagpapasa ng takdang-aralin sa napagkasunduang araw ng pasahan F. Tinatapos ang gawaing ipinapagawa ng guro sa takdang oras/araw ng pasahan Gawain 3 Pabalikan sa mga mag-aaral ang kanilang ginawang graphic organizer. Itanong sa kanila ang mga sumusunod: a. Alin sa mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod sa mga alituntunin ng inyong silid-aralan? b. Alin naman sa mga ito ang nagpapakita ng hindi pagsunod sa mga alituntunin? Ipasulat sa mga mag-aaral ang titik ng sitwasyon sa loob ng angkop na kahon. Ipasulat ang mga sagot ng mga mag-aaral sa kanilang kwaderno. Pagsunod sa Alituntunin Hindi Pagsunod sa Alituntunin

Tanungin ang mga mag-aaral: a. Ano ang nagiging bunga ng pagsunod sa alituntunin? b. Ano naman ang naging bunga ng hindi pagsunod sa alituntunin? c. Sa iyong palagay, bakit mahalagang sundin ang mga alituntunin?

d. May iba ka pa bang naiisip na alituntunin na maipatutupad para sa ikabubuti ng inyong samahan sa silid-aralan? e. Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon. Tandaan: May ibat ibang mga alituntuning ipinatutupad sa inyong silid-aralan. Mahalagang sumunod sa mga alituntunin upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa paaralan. Makabubuti rin ang mga ito sa pagpapanatili ng mabuting samahan ninyo ng inyong mga kamag-aral at ng inyong guro Aralin 5: Ang Aking Pagpapahalaga sa Aking Paaralan Panimula: Aralin 5.1: Ang Kahalagahan ng Aking Paaralan Pag-isipan: Bakit mahalaga ang paaralan para sa mga mag-aaral? Gawain 1 Sabayan ang mga mag-aaral na awitin o bigkasin ang Bata pa Ako na isinulat ni Julia Abueva. Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: a. Ano ang nararamdaman mo habang inaawit o binibigkas ninyo ng iyong mga kaklase ang nilalaman ng Bata pa Ako? b. Ano sa iyong palagay ang karanasan ng bata sa inyong inawit o binasa? Nag-aaral kaya siya? c. Ano-ano kaya ang mayroon ka ngayon na wala siya? d. Ano kaya ang nagagawa mo ngayon na gusto rin niyang magawa o maranasan?

Gawain 2 Ipakita sa mga mag-aaral ang larawan ng ibat ibang tao na nakapag-aral at hindi nakapag-aral. Itanong sa mga mag-aaral ang mga sumusunod: a. Ano kaya ang mangyayari sa mga bata sa kanilang pagtanda kung hindi man lang sila nakapagaral sa isang paaralan? b. Alin sa mga larawan sa ibaba ang nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga taong nakapagaral? c. Alin naman ang nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga taong hindi nakapag-aral? Ipatukoy sa mga mag-aaral ang titik ng mga larawang nagpapakita ng maaaring mangyari sa mga taong nakapag-aral. Magpakita sa mga mag-aaral ng halimbawa bago ito ipagawa sa kanila. Narito ang halimbawang makikita ng mga mag-aaral sa kanilang module: Nilagyan ng arrow ang larawan ng guro papunta sa larawan ng paaralan. Gawain 3 Ipaguhit sa mga mag-aaral ng isang larawan na nagpapakita ng kahalagahan ng kanilang paaralan. Ipagawa ito sa kanilang kwaderno. Sa tulong mo o mga magulang o tagapag-alaga ng mga mag-aaral, papunan ang patlang na nagpapahayag kung bakit mahalaga sa kanila ang kanilang paaralan.

Mahalaga ang aking paaralan dahil ____________________________________ Bigyang-diin ang mga kaisipang nasa loob ng kahon. Tandaan: Mahalaga ang paaralan sa buhay ng batang tulad mo. Sa tulong ng paaralan, mapapaunlad mo ang iyong mga angking kakayahan at mga kaalaman. Malaki ang pag-asa mong mapaunlad ang iyong buhay kung pumapasok ka at nag-aaral nang mabuti sa isang paaralan. Sa huling bahagi ng yunit 3, tulungan ang mga mag-aaral na sagutin ang ebalwasyon ng kanilang mga nagawa at natutunan. Matapos nila itong gawin, sagutan ang hanay para sa ebalwasyon mo sa kanilang mga kasanayan at kaalaman. Nagamit ko ang mga kasanayang ito: 1. 2. 3. 4. 5. 6. 7. 8. 9. Mag-aaral Guro

Nasusunod ko ang mga panuto Nagamit ko ang aking mga kasanayan sa sining Nagbahagi ako ng aking kwento sa aking kamag-aral Nakinig ako sa kwento ng aking kaklase Nasuri ko ang ibat ibang mga bagay Nakapaghambing ako ng ibat ibang bagay Natukoy ko ang mga bagay na nanatili at nagbago sa aking paaralan Nakapag-isip ako ng maaaring mangyari ng isang sitwasyon Napahahalagahan ko ang aking paaralang kinabibilangan

Anda mungkin juga menyukai