Anda di halaman 1dari 1

APRIL 17, 2013

NR # 3076

Adult education
Isusulong ni Rep. Magtanggol Gunigundo (2nd District, Valenzuela City) para sa pagsasabatas ng panukalang maghihikayat sa mga manggagawa na kumuha ng adult education habang sila ay nagta-trabaho. Sabi ni Gunigundo, isa sa may akda ng House Bill. No. 1453, dapat malaman at maliwanagan ang mga manggagawa sa kanilang karapatan at kalagayan, tungkulin at responsibilidad na maaaring makatulong sa kanila mag-ambag sa pag-unlad ng bansa. Hinihikayat ng panukalang batas ang mga employers, trade unions at labor organizations, sa pamamagitan ng tulong ng gobyerno na magbigay ng free education seminars sa lahat ng manggagawa. (30) eg

Anda mungkin juga menyukai