Anda di halaman 1dari 5

Pagsusuri sa Maikling Kwento WALANG PANGINOON NI: Deogracias A.

Rosario Panimula:

Talambuhay ni Deogracias a. rosario Ipinanganak noong 17 Oktubre 1894 sa Tondo, Maynila, si Deogracias A. Rosario ay ang Ama ng Maiikling Kwentong Tagalog sa bansa. Sumusulat din siya sa ilalim ng mga alyas na Rex, Delio, Dante A. Rossetti, Delfin A. Roxas, DAR, Angelus, Dario at Rosalino. Isa nang manunulat sa gulang na 13, una siyang nagsulat para sa Ang Mithi, isa sa tatlong naunang pahayagan sa bansa na nakatulong nang husto sa pag-unlad ng maikling kwentong Tagalog. Karera:Naging manunulat siya ng "Ang Democracia" noong 1915 at nang kinalaunan ay nagsulat din siya para sa Taliba, na naglulunsad ng buwanang patimpalak para sa tula at maiikling kwento. Sa Taliba, tumaas ang kanyang posisyon bilang katulong ng patnugot at sa huli, ay naging patnugot. Nagsulat din siya para sa Photo News, Sampaguita at Lipang Kalabaw. Kasama sina Cirio H. Panganiban, Amado V. Hernandez, Arsenio R. Afan at iba pa, si Rosario ay isa sa mga pangunahing taga-ambag sa Liwayway. Naging myembro rin si Rosario ng iba't ibang asosasyon ng mga manunulat. Kabilang dito ay ang Kalipunan ng mga Kuwentista, Aklatang Bayan, Katipunan ng mga Dalubhasa at ang Akademya ng Wikang Tagalog. Nagsilbi siya bilang pangulo ng Ilaw at Panitik, na may mga prominenteng kasapi tulad nina T.E. Gener, Cirio H. Panganiban, at Jose Corazon de Jesus.

BUOD: Ito ay kwento ng isang lalaking nagngangalang Marcos na sukdulan ang galit sa mayamang asenderong si Don Teong. Si Don Teong ang kontrabida sa buhay ng pamilya ni Marcos. Siya ang dahilan kung bakit namatay sa sama ng loob ang ama, dalawang kapatid, at kasintahan ni Marcos. Ang kasintahan ni Marcos ay si Anita, anak ni Don Teong. Ilang beses nang tinitimpi ni Marcos ang kaniyang galit kay galit kay Don Teong, kung hindi lang dahil sa ina niya ay matagal na sanang wala sa mundo si Don Teong. Para kay Marcos ang pang-aapi ni Don Teong ay hindi lamang simpleng pang-aalipin sa pamilya nila kundi pagyurak na rin sa kanilang dangal at pagkatao. Sina Marcos ay pinagbabayad ng buwis para sa lupang kanilang sinasaka kahit na ito'y kanilang minana sa kanilang mga ninuno. Dahil sa walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang karapatan, napipilitan silang magbayad sa kanilang sariling pag-aari. iyan ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang ama at dalawang kapatid. Namatay silang punung-puno ng sama ng loob kay Don Teong na matagal nilang pinagsilbihan. Lalong sumidhi ang galit ni Marcos kay Don Teong nang malaman niyang ang ahilan ng pagkamatay ng kaniyang kasintahang si Anita ay si Don Teong. Sinaktan ni Don Teong si Anita na siyang ikinamatay nito. Sa dami nang mga nawalang mahal sa buhay ni Marcos, hindi katakatakang takot siyang marinig ang animas, ang malungkot na tunog ng kampana. Hidni pa aman humuhupa ang galit niya, siya namang pagdating ng isang kautusan ng pamahalaan na sila ay pinaaalis na sa kanilang tahanan, ngayon pang malago na ang kanyang palayan dahil sa dugo at pawis sa maghapong pagbubukid. Binigyan sila ni Don Teong ng isang buwang palugit upang lisanin ang lupang kanilang tinitihan. Alam niyang ang mga nangyayaring iyon sa buhay nila ay kagagawan ng mapangsamantalang si Don Teong. Dahil sa galit na nararamdaman ni Marcos kay Don Teong, nag-isip siya ng paraan kung paano siya makakapaghiganti dito. Nagbihis si Marcos nang tulad ng kay Don Teong at kaniyang pinahihirapan ang kaniyang paboritong alagang kalabaw. Ginawa niya iyon upang magalit ang kalabaw sa imahe ni Don Teong. Pinag-aralang mabuti ni Marcos ang bawat kilos ni Don Teong at inabangan niyang mamasyal sa bukid si Don Teong nag hapong iyon. Pinakawalan niya ang kaniyang kalabaw at hinayaang suwagin ang kaawa-awang si Don Teong. Kinabukasan, huling araw na pananatili ng mag-ina sa bukid, habang nagiimpake na sila ng kanilang mga gamit, mabilis na kumalat ang balitang patay na si Don Teong. Mahinahong pinakinggan ni Marcos ang malungkot na tunog ng kampana, hindi tulad ng dati na ayaw na ayaw niya itong marinig. Sa halip na ipanalangin niya ang kaluluwa ng namatay na si Don Teong ay mas inisip pa niya ang kaniyang matapang na kalabaw.

BANGHAY:
Kasukdulan

Nakasuot ng pulinas, gora at switer (na tulad ng pananamit ni Don Teong) at may dalang latigo na katulad kay Don Teong, pinahirapan ni Marcos ang kaniyang kalabaw hanggang sa ito masaktan at makaramdam ng galit. Nakita ng kalabaw si Don Teong isang hapon at agad itong sinuwag ng kaniyang mga sungay.

Tunggalian Nakatanggap ang mag-ina ng kautusan galling sa korte na kung saan na sila ay dapat umalis sa lupang sinasaka at tinitirahan. Ang kautusan na iyon ay kanilang tinanggap dahil sa kanilang kawalang kakayahan na bayadan ang buwis nito. Lalo na nag-aapoy ang galit ni Marcos kay Don Teong dahil alam niyang ito ay pakana na naman ng asenderong iyon.

Kakalasan Nang umaga ay handa nang umalis ang mag-ina sa kanilang tinitirhan, umalingasaw naman sa buong bayan ang balita tungkol sa pagkamatay ni Don Teong. Ikinagulat ito ng ina ni Marcos ngunit ito naman ang kinatuwa ng binata.

Katapusan

Simula

Si Marcos ay nanghihina dahil sa ayaw niyang marinig ang animas na naghuhdyat sa paggunita sa kaluluwang yumao na kabilang ang kaniyang ama at ng kanyang dalawang kapatid.

Walang nahuling kriminal sa pagkakamatay sa mayamang si Don Teong dahil sa ang naging sanhi naman ng kaniyang pagkasawi ay isang kalabaw lamang. Simula nito ay hindi na naiinis si Marcos sa tuwing maririnig ang animas dahil sa napahiganti na niya ang kaniyang mga nawalang mahal sa buhay.

TAUHAN Marcos: Ang pangunahing tauhan sa kwento at ang binatang punong-puno ng galit sa asenderong si Don Teong Don Teong: Ang mayamang asendero na sinisisi ni Marcos sa pagkamatay ng kanyang ama, dalawang kapatid at ang babaeng kanyang minahal na si Anita. Ina ni Marcos: Ang taong laging nagpapakalma sa galit na nararamdaman ng kaniyang anak kay Don Teong. Anita: Ang anak ni Don Teong na inibig ni Marcos ng tapat at wagas, sarili niyang ama ang pumaslang sa kaniyang buhay at sa pagmamahalan ng dalawa. TAGPUAN: Kabukiran: Ang lupain na tinitirahan ni Marcos at ng kaniyang ina na pilit inaangkin ni Don Teong TUNGGALIAN : Tao laban sa kapwa tao Kahit na mismong nakatalo o nakapatay kay Don Teong ay ang kalabaw, ang tunggalian parin ng kwentong ito ay ang Tao laban sa kapwa tao. Sa simula pa lamang ng kwento alam na agad ng mambabasa ang tunggalian ay pagitan nina Marcos at Don Teong. Upang makaganti si Maros sa lahat ng masamang nagawa ng asendero nag-isip siya ng paraan kung paano niya ito patutumbahin ito na hindi siya napaparusahan, at doon ay ginamit niya ang kalabaw upang makapaghiganti rito at umasa siyang matutupad ito at hindi siya nabigo rito. URI NG KWENTO: PANGKATAUHAN Ang kwentong ito ay naiuri o naihanay sa kwentong pangkatauhan dahil sa ugali at katangian ng mga tauhan na nagbibigay ganda at kulay sa kwento. Ang pagiging agresibo ni Marcos; ang mapang-api na si Don Teong at ang matimpiin na ina ni Marcos. Nagsimula ang lahat ng ito sa pang-aapi ni Don Teong at hanggang umabot na ito sa sasukdulang galit ni Marcos ngunit nandiyan parin ang kaniyang ina para siya pakalmahin. BISA BISA SA ISIP hindi ko malubos maisip kung paano nangyari kay Don Teong na mapaslang ng kalabaw dahil hindi naman ganoon kabaluktot ang sungay ng kalabaw para ito ay makapanuwag ng tao.

Masyadong maemosyonal ang kalabaw na ito upang magalit ng ganun nalang at sa paggammit pa ng isang sungay para ito sambutin. BISA SA DAMDAMIN ang bawat indibidwal ay may mga nararamdamang poot at galit sa ating mga puso na kinakailangang ilabas upang gumaan ang ating kalooban. Sa pagpipigil ng galit ay nakakabuti ngunit kung itoy mapupuno ay kaya nito gumawa ng hindi mga inasahang mga bagay. BISA SA MORAL dapat tayo matutong magpatawad; kung ang Diyos ay nagagawang magpatawad tayo pa kayang nilikha niya. Ating pagkaisipin ang magiging resulta ng ating desisyon at gagawin sa buhay sapagkat ang oras at panahon ay hindi na maibabalik. TEORYANG PAMPANITIKAN DULOG teoryang markisismo=Ang Teoryang Markismo ay inuuwa ang akda batay sa kalagayan ng mga tauhan. Hinahanapan ang akda ng patunay ng mga naglalabasang lakas sa pagitan ng mahina at malakas, matalino at mangmang, duwag at matapang, mahirap at mayaman. Dito nakapaloob ang mga tauhang bida at kontrabida. May suliranin ang bida at ang gumagawa nito ay ang kontrabida. Sa teoryang ito, di padadaig ang naaping tauhan, babalikwas ito upang madapi ang nangaaping lakas. PANANAW teoryang realism=Ang teoryang ito ay tumatalakay sa katotohanan sa lipunan. Karaniwan nitong pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. Madalas din itong naka pokus sa lipunan at gobyerno. Mahalaga din sa nagsusuri ng mga akda na sinusuri sa teoryang ito na maiugnay ang mga pangyayari sa akda o teksto sa lipunan.

Anda mungkin juga menyukai