Anda di halaman 1dari 2

DAGDAG KAALAMAN

MGA DAPAT GAWIN

PANINIGARILYO
ISANG MAUSOK NA USAPAN

Huwag magsimula. Kung naninigarilyo na, huminto agad. Humingi ng tulong at suporta sa pamilya sa desisyon mong huminto. Huwag pumasok sa kwartong may naninigarilyo. Kung hindi tuluyang maihinto ang paninigarilyo, kumunsulta sa smoking cessation clinics.
ISIPIN!
Isipin mo na lang ang kapakanan ng iyong pamilya at mga taong nakapalibot sayo, itoy mabigat na dahilan na upang itigil ang paninigarilyo Kahit hindi sila naninigarilyo, kung nalalanghap nila ang usok sa paninigarilyo mo ay dinadamay mo ang iyong pamilya sa mga panganib na hatid ng paninigarilyo.

GROUP 19 BSN IV - 5
Angeles University Foundation
COLLEGE OF NURSING
HABANG MAAGA PA, TIGILAN NA ANG PANINIGARILYO !!!

Kapag ang mga magulang ay naging modelo ng masamang gawain, maari itong magpadala ng maling mensahe sa kanilang mga anak.

ASLAG 2013

ANG PANINIGARILYO
PARA SA MAS MARAMING IMPORMASYON SA LUNG CANCER, HUWAG TITIGILAN ANG PANINIGARILYO ANG SIGARILYO
Ang sigarilyo ay naglalaman ng mahigit 4,000 kemikal na pumipinsala sa kalusugan at kapaligiran Napatunayang 43 sa mga kemikal na ito sanhi ng kanser. Ang nicotine na laman ng sigarilyo ay sanhi ng pagka-addict dito. Ang usok ng sigarilyo ay mayroong carbon monoxide na siya ring ibinubuga ng mga tambutso ng sasakyan. Ang tar sa sigarilyo ay nagpapadilaw ng ngipin at mga daliri.

MGA DULOT NG PANINIGARILYO


Kanser sa baga

Kanser sa bibig at lalamunan, kanser sa pantog, kanser sa bato, kanser sa tiyan, kanser sa matris Nagpapapataas ng probabilidad na magkaroon ng atake sa puso (heart attack) at iba pang uri ng sakit sa puso at mga ugat ng dugo

MGA STATISTICS
Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang manigarilyo sa edad na pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13 hanggang 15 taong gulang.

TITIGAN AT IKUMKPARA ANG BAGA NG ISANG MALUSOG NA TAO NA HNIDI NANINIGARILYO AT ANG ISANG BAGA NG ISANG MAHILIG MANIGARILYO. PAREHONG EDAD, NGUNIT MAS MAAGANG BABAWIAN ANG ISA

Sanhi ring ng COPD, isang malubhang sakit sa baga na may sintomas ng ubo, plema, hapo, hirap sa paghinga, at panghihina Ang paninigarilyo habang buntis ay maaaring makasira sa pagbubuntis at panganganak; maaaring maagasan o mapaaga ang pangangak ng sanggol at magdulot sa kanyang kamatayan Low birth weight at birth defects ng sanggol sa sinapupunan; at katarata at pagkabulag Maaaring magdulot sa pagkabaog, kawalan ng abilidad na patigasin ang ari (impotence), at kanser ng ari ng lalaki Nakakapagsanhi rin ng mabahong hininga at madilaw ng ngipin Iisa ang mabigat na mensahe ng lahat ng katotohanang ito: Tigilan na ang paninigarilyo!

ISANG TAO KADA 13 SEGUNDO, O ISANG MILYONG KATAO TAUN-TAON, ANG NAMAMATAY DAHIL SA PANINIGARILYO.

Anda mungkin juga menyukai