Anda di halaman 1dari 17

MAKATOTOHANANGPANGYAYARINGNAGAGANAP SAMGAPANGUNAHINGTAUHANSAMGAPILINGMAIKLINGKWENTONI LIWAYWAYA.

ARCEO:ISANGPAGSUSURI
PamelaG.Dalman

1.0 Panimula Isa si Liwayway Arceo na isang kwentista ang nagpahayag sa isang masining na paraan ng kanyang damdamin, pananaw, kakayahan, kahusayan at kadakilaan. Ang mga panulat niyang maikling kwento ay maihahanay sa masining na likha. Dito naibahagi niya ang kanyang mga karanasan at ang mga pangyayaring makatotohanang nagaganap sa lipunan na ginagalawan. Sa mga akdang ito masasalamin angsarilingbuhayupangmaginghuwaranparasakabutihangnaibabahaginitosabuhayngtao. Ang mga makatotohanang pangyayaring ito ay masasalamin sa mga piling maikling kwento ni Liwayway Arceo.Samgakwentongsinulatniyaaysinuringmabutiangmgainilahadnapangyayariatinilarawansa pamamagitan ng mga ginamit na diyalogo, upang mabigyan ng tamang patunay na ang mga pangyayaring natagpuan sa kwento ay nadarama, nakikita at totoong nagaganap sa kasalukuyang panahonsaatinglipunangginagalawan. Ang malawak na pagpapakahulugan ng realismo ay wastong representasyon ng realidad na maituturing na isang pamaraang pampanitikan na ginagamit ng maraming paaralang sumusulat ng pananaliksik. Inilalahad sa pananaliksik na ito ang mga teorya na ginagamit upang maging gabay sa tinatahaknalandasintungosaisangmatagumpaynapagsusuri. Isa sa mapagkakatiwalaang teorya na natagpuan ng mananaliksik ay ang ibinigay ni Reyes (1992) aniya: Sa pananaw na realismo ay nakapaloob ang paniniwalang may taglay na kapangyarihan ang teksto at ang manunulat ng akda na susuriin ay masalimuot na realidad at gagamitin ang mga ito sa paglikha ng mgaakdanasatinginniyaayrepresentasyonngrealidad. Upang higit na maging makatarungan ang ginagawang pagsusuri ay idinagdag ang teorya mula kay Cassanova (2001) na nagsasabing ang pamaraang realismo ay naglalarawan sa paraang siyentipiko at hindi namimili ng mga bagay na nadarama at napagukulan ng pagmamasid. Inilalarawan ang buhay sa katunayannitoatwalangidealismo. Sa teoryang ito, ipinahayag ang paglalarawan ng ibat ibang kalakaran ng realismo at inilalarawan sa anyong pampanitikan ang kalagayan ng lipunan sa makatotohanang pamamaraan. Sa pamamagitan nito naipakita ang makulay na mundo ng tao. Ang ibat ibang damdamin ng tao ay nababasa, napapakinggan atatingnapapanoodsaisangmalikhaingbatayanngpanitikan. ParanamankayReyes(1992),angmasmalinawnadoktrinangrealismoayisangimpirikalsapagunawa sa mundo kung saan ipinalalagay na ang panitikan ay nagtataglay ng kapangyarihang hulihin, ilarawan

ang karanasang bumuo ng buhay sa kanyang partikular na kakayahan. Sa pagaaral na ito ni Reyes ay nakatutulong upang maging lunsaran para sa mga makatotohanang pangyayari sa mga kwento ni LiwaywayA.Arceo. Kinilala ng mananaliksik ang mga makatotohananng pangyayari ayon sa kamalayang sikolohikal, ispiritwal at emosyunal na dulot sa mga pangunahing tauhan. Inilahad din ang mga implikasyon nito sa lipunangginagalawansakasalukuyangpanahon. Ang pagaaral ay nakatuon sa pagsusuri sa mga makatotohanang pangyayaring inilahad sa mga pagbabagong nakikita sa mga tauhan ayon sa mga kamalayang sikolohikal, ispiritwal at emosyunal sa mga piling maikling kwento ni Liwayway A. Arceo at sa naging dulot na pagbabago sa mga pangunahing tauhan. Ito ay sumasaklaw sa sampung (10) maikling kwento: Uhaw ang Tigang na Lupa (1943), Ang Nanay ni Iking, Ang Buhok ni Pilo, Doon sa Looban, Kalapati, Ang Tagapayo, Iro: Sabungero, San ang Lakad Mo Ngayon, Ma?, Ikaw Pala, Misis BrownKumusta? at Ang Puso Niya ay Isang Rosas. Angpananaliksikayisinagawangayongtaong20092010sapaaralanngSt.MichaelsCollege,Lunsodng Iligan. Angpagaaralnaisinagawangmananaliksikaynaglalayongmakapagambagngimpormasyontungkolsa mgamakatotohanangpangyayarinamatatagpuansaakdangpampanitikannamagbibigaygabaysamga mambabasa. Ito ay makadaragdag sa kanilang kaalaman ng mga guro ng panitikan, makapagbigay ng ideyasaparaanngpagtuturo. Maragdagan ang kaalaman ng mga magaaral tungkol sa realidad ng buhay. Maipaabot sa kanilang pusot isipan ang katotohanan ay kailangang maintindihan tungo sa makabuluhang pamumuhay sa lipunang kanilang kinabibilangan. Ang papel na ito ay makatutulong nang malaki sa mga mambabasa upang maunawaan nilang mabuti at maintindihan ang kabuuan ng mga nasusulat na mga maikling kwento. Makapagbibigay ang pananaliksik na ito ng sapat na impormasyon upang lumawak ang kaalaman tungkol sa mga paksang tinalakay ng mataas na paaralan at kolehiyo at makatutulong sa kanilang isasagawangpananaliksiksamgarealismongpananawnanapapaloobsaibapanganyongakda. 2.0Metodolohiya Gumamit ang mananaliksik ng Pamaraang Palarawan (Descriptive Analysis) at Pangnilalamang Pagsusuri (Content Analysis) sa mga Piling Maikling Kwento. Sinikap ng mananaliksik na matukoy ang mga piling maikling kwento na isinulat ni Liwayway A. Arceo na kasasalaminan ng realismong pananaw, ang realidad na pangyayari na nagaganap na tinataglay ng mga tauhang ginamit ng mayakda sa kanyang

maikling kwento at upang maipakita ang mga pagbabagong nasasalamin sa mga pangunahing tauhan bataysamgakamalayangSikolohikal,IspiritualatEmosyunal. Sa pamamagitan ng mga pamaraang ito naipakita ng mananaliksik ang paraan ng pagpapahayag sa pamamagitan ng paggamit ng diyalogo at mga sitwasyon kung paano ang mga makatotohanang pangyayariaynagaganapsakwento. Nagkakaron ng krayterya ang mananaliksik sa pagpili ng kwentong susuriin. Bago ito ginawa ng mananaliksik kanya munang binasa at pinili ang mga maikling kwento. Ang mga maikling kwento ay isinulat ni Liwayway A. Arceo. Ang mga ito ay nakikitaan ng mga ibat ibang realidad o mga makatotohanangpangayayariangmgamaiklingkwento.Maymgadiyalogoomgapangyayarinaginamit angmanunulatupangipakitaangmakatotohanangpangyayarinanagaganapsamgatauhanngmaikling kwento. 3.0Paglalahad,PagsusuriatPagpapakahulugan BuodngMaiklingKwento Uhaw ang Tigang na Lupa. Itinuturing na panulukangbato ng makabagong maikling kuwentong Tagalog ang akdang ito ni Liwayway Arceo. Itoy kwento ng isang dalagitang nagkaroon ng mga magulang na kailanman ay hindi niya kakikitaang naglalambingan. Hanggang matuklasan nito na may mahalpalangibaangamaatmatagalnanitonginililihimsapamilyanangmabasanitoangtalaarawan ng ama. Dito nagsimulang magalit ang dalagita sa ama ngunit ang ina sa kabila nang natuklasang pagtataksil ng asawa ay hindi nito ipinakitang siyay nasasaktan sa harap ng anak. Patuloy pa rin niyanginalagaanangmaysakitnaasawa. Ang Nanay ni Iking. Ang kwentong ito ay nauukol kay Iking na nobyo ng dalaga na nagkaroon ng matinding paghanga sa sarili nitong ina. Walang bukambibig ang binata kundi ang kanyang napakabuting ina. Dahil dito ay naramdaman ng dalagang wala nang hihigit pang mahalaga para sa nobyo kundi ang kanyang ina. Kaya may pagkakataong naninibugho siya sa ina nito. Ngunit ang pagiging malapit ng nobyo sa ina ang siyang dahilan upang lubos niyang makilala ang binata at matuklasankunganoanggustoatayawnitonggagawingpagaalagaatpagmamahalsakanya. AngBuhokniPilo.Itoaytungkolsainangnatutuwangmakitaanganaknalabindalawangtaon(12)na sa kabila ng pagiging hikahos nito sa buhay ay marunong itong magayos sa sarili lalo na sa kanyang buhok. Ngunit ang ganda ng pagkakaayos ng buhok nito ay nawala nang minsang mapagtripan ng lasenggong ama nang umuwi itong lasing at gupitin ang buhok nito sa likod ng pagtutol ng asawa at anak. Sa tuwing lasing ang lalaki ay walang magawa ang asawa na pigilin ang ninanais nitong gawin kahitnaikasasamapaitongloobnganak.

Doon sa Looban. Ang kwentong ito ay tipikal na paglalarawan sa buhay sa nayon kung saan isang lugar ang pinagtitipunan ng mga magkakapitbahay ay ang Ponda ni Aling Barang, samutsaring kwento ang naririnig sa bawat isa. Ngunit ang pinakasentro ng bawat usapan ay ang buhay ni Turne na bukas na aklat para sa lahat. At sa tuwing itoy nagugutom tanging ang ponda ni Aling Barang ang pinupuntahanupangmakakainkahitwalangibabayad. Kalapati. Itoy kwento sa buhay ng magkaparehang kalapating inalagaan ng magasawang Remy at Tinoy at ng kanilang anak. Inilarawan dito ang pagkakahawig ng tao sa ugali ng kalapati kung pagibig ang paguusapan. Gaya ng nangyari sa alagang mga kalapati nang makakita ng ibang kalapati ang isa ay iniwan ang una at sumama sa iba. Na siyang dahilan upang mawalan ng buhay ang huli dahil hindi namulingnagbalikangkasamanito. Ang Tagapayo. Ang kwentong ito ay tungkol sa isang manunulat na si Neneng na minsan ay naging tulala at hindi napalagay ang pagiisip sa pagsusulat nang pagsabihan siyang hindi na dalaga dahil sa galing nitong magpayo hinggil sa pagaalaga ng anak. Dahil ditoy naapektuhan ang kanyang pagsusulat dahilan upang pagsabihan at pangaralan siya ng kanilang patnugot. Dito nalaman ng kanilangpatnugotanghindimagandanghahangarinngnobyosadalaga. Iro; Sabungero. Itoy nauukol sa isang pamilya na nabubuhay sa pagiging sabungero ng ama at tagapayo ng ilan sa mga sabungerong katulad niya. Walang araw na hindi nagiging magulo ang buong bahay dahil sa bunganga ng maybahay nito na inihahalintulad sa radio na laging nakabukas sa tuwing walangpasokatnandoonangmgaanaknamagugulorin.Sakanyalahatumaasaangbuongmaganak kaya nang bigla itong namatay ganon na lamang ang panlulumo ng lahat. Hindi malaman ng asawa kung ano ang gagawin gayong marami itong naiwang anak at sanay siyang ang asawa ang nagpapalakadsabuongpamilya. San ang Lakad Mo Ngayon, Ma? Ang kwentong ito ay nauukol sa isang anak na dalaga na si Loly na laging naiiwan sa kanyang yaya Idad dahil laging wala sa bahay ang ina na si Ditas na isang sikat na lidersibikoatmangangalakal.Maagangnaulilasaamakayaangyayanaangkinamulatangkasamasa buhay dahil sa walang panahon sa kanya ang ina. Nakapagisip na sumama sa maling barkada at nakilala ang lalaki na siyang dahilan upang malulong ito sa masamang bisyo. At ito rin ang sanhi ng kanyang maagang pagkamatay nang maoverdose sa gamot habang nagdadalantao. Hindi natanggap nginaangkinasapitannganakngunithulinaanglahatparamagsisiito. Ikaw Pala, Misis BrownKumusta? Ang kwentong ito ay ukol sa dalawang magkaklase na kapwa may pagtingin sa iisang lalaki. Si Lina ang matalino at si Salud ang walang hilig sa pagaaral. Si Lina ay naging simpleng guro ngunit hindi nagasawa nang malamang ang lalaking minahal niya ay sumama kay Salud na hindi rin nagtagal ang pagsasama. Hindi na pinatawad ni Lina ang binata nang minsang humingi ito ng tawad sa kanya. Habang si Salud ay halos hindi na nakikilala dahil bumata ito at yumaman at nakapagasawa na ng kano. Ngunit taliwas ang nangyari sa kanyang inaasahan, si Salud sakabilangwalangpinagaralanayitopaangnagingmayamanatmasayasabuhay.

AngPusoNiyaayIsangRosas.ItoykwentohinggilkayElsaatsabossnasi MissSolano naubodnang sungit, walang nakakasundo at kung tawagin ng kanyang mga kasamahan ay suwangit dahil hindi ito kakikitaan ng kagandahan dahil na rin sa paguugali nito. Biglang nagbago ang lahat nang makilala nitoangKuyaniElsa.AngbuongakalaniElsaaypaaamuinlamangngkanyangkuyaangdalagangunit nagkamali siya dahil umibig na rin ang binata na siyang nagpabago sa boss nito. Sinimulan sa kunwaring pagkagusto ng kuya sa kanyang boss na nagtapos sa totohanang pagmamahalan na hindi niyasukatakalainghumantongsapagigingtunaynapagmamahalanngdalawa. MgaTemangMaiklingKwento Madalas na Ipinamalas ng Anak ang Pagiisip sa Dahilan ng Hindi Pagkikibuan ng mga Magulang. Tahasang inilahad ng anak sa kwento ang kanyang pangungulila sa ama, taliwas sa naging karanasan ngibangkaraniwanganaknanagingmagandaangugnayanngmgaitosakanilangmgamagulang.Ang pangunahing tauhan ay nakaramdam ng pagkabagot sa buhay. Isang malaking salik ang relasyon ng mga anak sa magulang upang ang mga anak ay magrebelde at napapariwara sa buhay. Hindi maipagkaila na maramdaman ng anak ang pangungulila kung ang mga magulang ay wala nang oras parasamgaanak. Ipinakita ng Anak ang Kanyang Pagaaruga sa Amang Nakaratay. Ipinakita ng anak na babae ang pagaalala sa kalagayan ng amang may sakit. Sa ginawang ito ng anak, ay naipadama niya sa Ama ang kanyang pagmamahal at pagalala sa kalagayan nito. Isa itong makatotohanang pangyayari na ginagawa ng sinumang anak na may pagmamahal sa ama. Na lalong ipinadama ng kahit sinong miyembro ng pamilya ang pagmamahal at pagaaruga sa alinmang kapamilya lalot ito ay nagkakasakit. Hindi Nakatulog sa Buong Magdamag at Pinaraan ang Gabi sa Pagluha. Pagseselos ang kalimitang nararamdamannginasatuwingnalalamangangkanyangbinataaymayroon ngnapupusuangdalaga. Kung minsan ay takot ang nararamdaman ng mga magulang na masaktan ang anak sa dahilang mula pagkabataayipinakitanasaanakangpagkalingaatangpagmamalasakitathigitsalahatmakapiliang anakng manugangnakanilangmaipagmamalaki.Madalas nanagingkaribalsapusong babaeangina ng lalaki lalo na kung nakikita nito ang labis na pagmamahal ng ina sa nobya o di kayay pagpapakita na malapit ito sa isat isa. Ito ay tahasang ipinakita ng nobya na kanyang nararamdaman sa ina ng kanyangkasintahan. Laging Sinasaktan ng Asawa sa Tuwing Ito ay Nalalasing. Ang tao ay nagkakaroon ng bisyo, tulad ng paginom ng alak o di kaya ay pagsusugal. Ginagawang dahilan ng mga nagkakaroon ng ganitong bisyo, ang kahirapan para lamang maibsan ang kalagayan at ilagay sa limot ang kalagayan sa buhay. Sa halip na tulungang makabangon sa kahirapan ay lalo pang ibinabaon ang pamilya sa mahirap na kalagayan. Sa ipinakitang ito ng lasenggong asawa ay pati kinabukasan ng pamilya ay untiunti nitong pinadidilim.

Naging Tampulan ng Tsismis ng mga Kapitbahay Dahil sa Pagkakulong ng Anak. Ang kaganapang ito ay isang makatotohanang pangyayari sa isang tao sa nagiging bukas na aklat ang buhay sa mga kapitbahayatkakilala.Ganitoangikinikilosngmgataosakwentong,DoonsaLooban,parangbukas na aklat ang buhay ng mga tao. Naging tampulan ng tsismisan sa tindahan ni Aling Barang at ang kasamahan nitong sina Pamboy Barbero, Miyang Huweteng at iba pa. Mababakas ito sa arketipal o ispiritwal na pananaw na bahagi na o bahagi na sa ating kapwa ang makikialam sa buhay ng may buhay. Nakikita ang mga Ikinikilos ng mga Kalapati na May Pagkakahawig sa Tao. Tahasang ipinakita sa kwento na hayop man ay may damdamin ding nasasaktan gaya ng pagkakatulad ng kalapati sa tao. Maramingkatangianangtaonamaihahambingsakalapati.Gayahalimbawangpagigingmaramdamin at pagiging maselan sa anumang bagay lalunglalo na sa kanilang mga inakay. Maliban dito may ugali ang tao katulad ng kalapati kung pagibig ang paguusapan gaya sa naging kalagayan ng kalapati nang makitang may ibang naging tagasuyo ang kapareha nitong kalapati. Katulad ng tao ay may ibat ibang pagtugonkungpaanolabananangproblemangkinasasangkutanngbawatisa. Gulonggulo ang Isipan nang Sabihin ng Nobyong Magsama Muna Bago Magpapakasal. Ang pagbibigay ng isang kapasyahan ay humahanap ng tamang dahilan bago sumuong sa dapat na kalagyan. Nagaganap ang pangyayaring ito kapag nagiisip ang tao kung ano ang nilalaman ng kanyang kalooban. Kapag ito ay may makitang dahilan na siyang magiging balakid sa susuonging buhay lalo na sa pagpili ng makakasama sa buhay. Dumarating ang pagkakataong nagaalinlangan sa ibibigay na kapasyahan at nagkakaroon ng pagdadalawangisip na maaaring makapagbago sa damdamin. Para sa isang babae napakahalaga ang pangangalaga sa dignidad kaya kung ito ay nagkakaroon na ng lamat mahirap ng ituwid ang sarili. Sa larangan ng mga kalalakihan ang pagkakaroonngasawangbirhenayisangmalakingregalomulasababaingpakakasalan. Maraming Lumalapit sa Kanya Upang Humingi ng Payo sa Pagsasabong Dahilan Upang Maging Bilib ItosaSarili.Angtaoaymaykanyakanyangtaglaynakatangiannamaaaringkakaibaonangingibabaw sa iba. At dahil sa katangiang ito, may mga nagtataglay nito na nagiging hambog at pinapaparangalan sa madla ang naturang kaalaman. Dahil sa hindi matanggap sa sarili na hindi sa lahat ng pagkakataon siya ay tama dahil nagbabago rin ang timplada ng kaisipan, at umaabot sa pakikipagaway at pakikipagalitan,namaliitnabagaylamangsiyangpinagmulanngpagtatalo. Naging Trabaho at Buhay na ang Pagsasabong. Si Pedrong Maglake ay isang ehemplo ng tipikal na Pilipinong naninirahan sa baryo. Isang uri ng karakter na nagpapahiwatig na ang Pilipinas magpasahanggangngayonay may natitiraparing bakasgaling samgaKastilanaisasamgaito ay ang interessapagsasabong.SiPedrogayanginilalarawansakwentoaynapapaligiranngibatibanguring tao sa lipunan na pumupunta sa kanya kaya nararamdaman nitong siya ay mahalaga sa lipunang kanyangkinagagalawan.Naramdamanniyangsiyaymahalagasalikodngkanyangpagkukulangbilang haligi ng pamilya na dapat magbigay at pumuno sa pangangailangan ng maganak na hindi inaasa kungkailanmananalosasugal.

Hindi Nakakasama ang Ina sa Tuwing may mga Lakad na Kailangan ang mga Magulang sa Paaralan at mga Espesyal na Okasyon. Sa mga kabataang napapariwara sa buhay ay madalas nagiging dahilan ay dahil sa mga magulang na laging walang oras para sa mga anak dahil abala sa pagpapalakad ng negosyo at iba pa. Tahasang ipinapakita sa kwento ang mga dapat naging pananagutan ng mga magulangsaanakupangitoayhindimalulongsamasamangbisyoomgamasasamangbarkadalalona sapaggamitngipinagbabawalnagamot. Nakadama ng Inggit at Pagseselos Nang Nakipagtanan ang Nobyo sa Iba. Ang pagkainggit sa kapwa ang siyang madalas na dahilan upang ang tao ay hindi magiging masaya sa buhay. Nagkaroon ng pagkaawa sa sarili na hahantong upang hindi magiging makulay ang mundo nito. Ipinakita ng pangunahing tauhan ang kanyang nakatagong damdamin sa kapwa guro dahilan upang mararamdaman nitong siyay napagiiwanan na ng kanyang mga kasamahang guro. Ipinakita sa kwento ang pagpapahalaga sa edukasyon na siyang nagpapabago sa estado sa buhay ng tao. Ngunit marami pa rin sa kasalukuyan ang nahihirapang iangat ang buhay dahil walang panggastos sa pag aaraldahilsahirapngbuhay. Mahigpit sa Kanyang mga Sinasakupan. Gaano man kasungit ang tao may pagbabago rin sa kanyang puso dahil hindi likas na masama ang tao, may taglay at tinatago rin itong kabutihan. Katulad ng pangunahing tauhan sa kwento, hindi niya nakakasundo ang halos lahat na kanyang mga kasamahan satrabaho.Ngunitdahilmaynagpapakitasakanyangpagpapahalagaatpagmamahalnagbagorinang pananawnitosabuhayatpaguugali. Hindi Inaway ang Asawa nang Matuklasang Nagtaksil ito sa Kanya. Sa kwento, tahasang ipinakita ng lalaki ang pagmamahal nito sa kanyang kalaguyo kahit na ito ay nagaagaw buhay na. Masakit isipin namasbinibigyanghalagangisangnaghihingaloangmalingpagibig.Bilangisangmabutingkristiyano angpakikiapidayisasaipinagbawalngSampungUtosnasiyangginawanggabaysabuhayngtao.Ang pangangaliwanglalakiobabaemanaylaganapnasangayonsalipunan.Hindilamangsamgakwento o anumang anyo ng panitikan ito nangyayari kundi sa tunay na buhay. Sa panig naman ng maybahay, likasnasakulturangPilipinoangpagigingmapagsilbisakanilangmgaasawa. Ipinapakita ang Pagaaruga sa anak Hanggang sa Paglaki sa Pamamagitan ng Paghahanda ng Paboritong Pagkain at Damit na Isusuot ng Anak. Isang emosyunal at ispiritwal na kalagayan ang ipinapakita sa kwento tulad ng pagkalinga ng isang ina sa anak ay maliwanag na inilarawan. Ang pag aarugang ito ng ina ay nakapagdudulot kay Iking ng isang napakagandang adihikain sa kanyang puso na lalong mahalin ang kanyang ina. Ang pagmamahal na ipinakita ng ina ni Iking ay isang magandang halimbawa ng mabuting pagaaruga sa mga anak. Sa ipinakitang ito ng ina ay masasabi ng mananaliksiknanagingmabutinginaangnanayniIking.Dahilsapagmamahalatpagaaruganginasa anakayhindilamangkapakanannganakanginiisipngisanginaomagulangkundimagingangpagpili ngbabaengmamahalinnganak. Pagtawag sa Panginoon sa Gitna ng Paghihirap sa Kamay ng Asawang Lasenggo. Ang pagtawag sa Panginoon lalonglalo na sa gitna ng kagipitan ang una at madalas na ginagawa ng tao. Hindi

naihihiwalay ng tao ang pananalig sa Diyos ano man ang estado nito sa buhay. Katulad ng pangunahing tauhan sa kwento sa kung saan ang pagdarasal ang siyang tanging paraan upang maibsan ang takot na nararamdaman. Ginagawang dahilan ng mga nagkakaroon ng bisyo ang kahirapan para lamang maibsan ang kalagayan at ilagay sa limot ang kalagayan sa buhay. Sa halip na tulungang makabangon mula sa kahirapan ay lalo pang ibinabaon ang pamilya sa mas mahirap na kalagayan. Laging Pagsisimba. Isa sa magandang ipinakita sa kwentong Doon sa Looban na kahit na puno tayo ng problema at kahirapan sa buhay ay hindi tayo nakakalimot sa Poong Maykapal. Ito ay tahasang ipinakita ng tauhang si Miyang Huweteng na hindi nakalimot magsimba bago pumunta sa pondahan ni Aling Barang. Isa sa ating obligasyong pangispiritwal ay ang pagsisimba at pakikinig sa banal na salita ng Diyos dahil ito ay pinaniniwalaang nakapagbigay ng katiwasayan at katahimikan sa ating buhay. Pagpapahalaga sa Kabanalan ng Kasal. Ang pagmamahalan sa pagitan ng lalaki at babae sa kanilang ugnayanaynagsimulangmabuopagkataposngkasalathindibagonito.Itoangnagingpaninindiganni Neneng at dahilan kung bakit nagaalinlangan ito sa nais ng nobyo na silayy magkaniig bago ang kasal. Tahasang ipinapakita ni Neneng ang pagpapahalaga sa kanyang pagkababae at kahalagahan ng kasal. Ipinakita lamang ni Neneng ang kanyang pagpapahalaga sa kabanalan ng kasal para sa isang babae at ang ipinakita ng nobyo sa kanya ay hindi tunay. Ang tamang desisyon ng tao ang tunay na nagdadala sa tao sa tamang landas na tatahakin kasabay ang pananalig sa Diyos na siyang lubos na nakakaalamkunganoangtunaynanagbibigaysataongkaligayahan. Lubos na Pagsisisi sa Pagkamatay ng Anak. Sa pagkakataong nanghihinayang ang isang tao sa kanyang mga nagawang kamalian sa buhay, madalas ay nasasabi nitong hindi na pweding ibalik ang nakalipas na siyang nangyari kay Ditas. Nagkulang si Ditas ng panahon upang ipadama sa anak na mahal na mahal niya ito at siya nitong pinagsisihang mabuti. Mahirap mang ibalik ang nakaraan o balikan ang nakaraan ang lubos na pagsisisi at paghingi ng kapatawaran sa Diyos ang pinakamabisang nararapatgawinngisangtaongnagkasalasakapwamagingsamahalsabuhay. Ipinapakita ang Mabuting Pakikitungo sa Kapwa. Si Rosendo ang isa sa nagpabago sa damdamin ni Miss Solano dahil sa kanyang mabuting pakikituno sa dalaga. Pinapakita ni Rosendo ang kahalagahan ng mabuting pakikitungo sa kapwa ay nagsasaad ng kagandahang asal. Dahil naniniwala si Rosendo, kayatnagbabagorinangdalagakapagnakitaniyangmaynagpapahalagarinsakanya.Kungmaganda angpakikitungosaatinngmgataoaywalangdahilanupanglagitayongnagagalitsalahatngoras.Ito ang nangyari kay Miss Solano nang naging sila na ni Rosendo ay nagbago na rin ang pakikitungo nito samgakasamahansatrabaho. Laging Nakikitang Abala ang Ama sa Pagsusulat. Tahasang ipinakita sa kwento na kung gaano nangungulila sa pagmamahal ang anak sa magulang. Bukod sa responsibilidad ng mga magulang hindi maipagkakailang ang mga anak naman ay may responsibilidad din. Sagutin nila ang mahusay na pag aaralatangpagtulongsabahaykatuladngatingpangunahingtauhankungsaankahitnanagtaksilang

ama sa ina ay patuloy pa rin nitong minahal at inalagaan ang ama na nakaratay. Marami sa mga magulangangnagingabalasapaghahanapngmagagandangbuhayparasapamilyanakungminsanay humantongsakakulanganngorasupangmaipadamasamgaanaknaangginawanilaayparanarinsa kanilangkapakanan. Umiiyak at Hindi Nakatulog Buong Gabi nang Malamang May Nobya na ang Anak. Pagseselos ang kalimitang nararamdaman ng ina sa tuwing nalalamang ang kanyang binata ay mayroon ng napupusuangdalaga.Ibaibaangnagingdamdaminnginakapagdumaratingnasabuhaynaanganak ay natuto nang magmahal. Kung minsan ay takot ang nararamdaman ng mga magulang na masaktan anganaksadahilangmulapagkabataayipinakitanasaanakangpagkalingaatangpagmamalasakitat higit sa lahat makapili ang anak ng manugang na kanilang maipagmamalaki. Sa punto ng mga babae, kung saan halos mararamdaman nito ang pagseselos sa ina ng lalaking kanilang iniibig. Dahil kung minsan may pagkakataong ikukumpara ng lalaki ang pagmamahal ng ina sa pagtrato ng nobya sa kanyanasiyangdahilanupangmaramdamannitonghindisiyatanggap. NaghihirapangKaloobanDahilsaAsawangLasenggo.Anginaangsiyangilawngtahananhabangang ama ang siyang haligi ng tahanan na siyang pundasyon upang magkaroon ng matibay na pamilya. Sa kwento ipinakita ng ama ang kanyang pagiging mahina. Nadadaig ng kanyang pagiging lasinggo ang mabuting katangiang dapat ipakita sa asawa at anak. Naging mahirap para sa isang ina ang pagtaguyod ng pamilya kung nagiisa lamang siyang nagaaruga sa anak at pagpapatakbo upang ang buongmaganakaymagingmatagumpaysapagdatingngpanahon.Ipinapakitalamangsamgakataga ng isang maybahay kung gaano ang nadaramang paghihirap sa buhay sa piling ng eresponsabling ama nadapatkaagapayniyaupangitaguyodnangmabutiangpamilya. Naghihirap ang Kalooban Dahil sa Utang at Nangyari sa Anak. Isa sa makatotothanang pangyayari angipinakitasakwentoayangpagigingproblemadoniTurnedahilnababaonnaitosautang.Hindipa nababayaran ang utang ay uutang na naman. Ang lahat ng ito ay dahil sa maling pamamalakad ng buhay at paggagamitan ng pera. Hindi natin lubos na masisisi si Turne kung bakit lalo itong nagigipit dahil sa maling diskarte sa buhay. Ang labis na paggasta para sa sariling kapakanan at ang maling pagdisiplinasamgaanakangsiyangdahilankungbakitmaslalongnabaonsautangsiTurne. Nalungkot at Nagalit ang Kalapating Lalaki (may batik na itim sa ulo) nangMakitang Sumama sa iba ang Kasamang Kalapati. Tahasang ipinakita sa kwento na hayop man ay may damdamin ding nasasaktan gaya ng pagkakatulad ng kalapati sa tao. Maraming katangian ang tao na maihahambing sa kalapati. Gaya halimbawa ng pagiging maramdamin at pagiging maselan sa anumang bagay lalong lalo na sa kanilang mga inakay. Maliban dito may ugali ang tao katulad ng kalapati kung pagibig ang paguusapan gaya sa naging kalagayan ng kalapati nang makitang may ibang naging tagasuyo ang kaparehanitongkalapati,itoaynapapatunayansaipinakitanitongreaksyonngkalapati. Pagdadalamhati sa Pagkamatay ng Asawa. Hindi tahasang sinabi sa kwento kung ano ang tunay na nangyari kay Pedro at kung ano ang dahilan ng kanyang kamatayan. Upang iiwan sa mga mambabasa kung gaano kasakit kapag ang pinagkukunang lakas ay nawala na sa kanya. Ipinakita ni aling Kadya

angpagdadalamhatinang mamatay angasawanito.Itoangmadalas nanararamdamanngmgataong iniwan ng kanilang pinagkukunan ng lakas at inspirasyon at kung minsan ay nakakaramdam pa ng kawalannginteresnamabuhay.Masakitisipingnawalanaangtaongsiyanatingpakpakupangtayoy makalipad katulad sa naramdaman ni Aling Kadya nang mawala ang asawang siyang sinasandigan ng buongmaganak. Nakadama ng Pagkabagot sa Lahat ng mga Gawaingbahay. Ang maybahay na nananatili sa tahanan buong maghapon ay kadalasang kakikitaan ng pagkabagot at ugaling di kanaisnais kaya mahilig magbitaw ng mga maanghang at masakit na pananalita. Lalo na kapag napapaligiran ng mga magugulo at pasaway na mga anak. Nakikita ito sa katauhan ni Aling Kadya na asawa ni Iro Sabungero. Madalas ito ang bukambibig ng mga ina na laging nasa bahay at walang ibang ginagawa kundiangmagalagangmgaanak,maglinissabahayatmagasikasosaasawa. Nakaramdam ng Pagkahiya at Galit nang Matuklasang Nakikianib ang Ina sa Ama ng Nobyo. Nasaktan at napahiya ang pangunahing tauhan sa kwentong San ang Lakad Mo Ngayon Ma? Nang matuklasan nitong naging kalaguyo ang ina ng ama ng kanyang nobyo. Bilang isang mabuting kristiyano ang pakikiapid ay isa sa ipinagbawal ng Sampung Utos na siyang ginawang gabay sa buhay ng tao. Sa ispiritual na pananaw ang pakikipagrelasyon ng babae o lalaki sa iba ay labag sa mata ng Diyosatmatangtaogayangsinabisabanalnaaklat.Masakitisipinnailansamgakalaguyoaynaging kasabwat at bahagi ng katiwalian ng ilan sa mga nasa katungkulan. At kadalasan siya pa itong nagtatamasangkarangyaanatluhosabuhaykaysatunaynapamilya. Nasaktan ang Damdamin Dahil sa Ginawang Pagtataksil ng Kasintahan. Nahirapan si Linang kalimutan ang mga karanasan sa pagibig nang minsan ay masaktan ng lalaking tanging itinitibok ng kanyangpuso.Angkaranasannaito angnagtulak upangmagingmanhidangpuso at nagingsarado sa iba pang pagkakataon. Ang masaklap na karanasan sa pagibig ang naging dahilan upang ituon ang kanyang pagiisip sa pagaaral kaya nakatapos si Lina. Ang sinasabi ng ibang tao ay may malaking epekto upang ang kasalukuyang nararamdaman nito ay magbabago. Katulad ng naging damdamin ni Linasakwentokungsaanpunonghinanakitangnagingkapalitngnararamdamangpagmamahal. LagingNagagalitatHindiMarunongPumurisaKakayahanngIba.Hindimasyadongpinahahalagahan ni Miss Solano ang panlabas na kaanyuan dahil naniniwala siya na mas higit ang katalinuhan kaysa kagandahanatpaguugalingtao.DahilsapaniniwalangitoniMissSolanoayhindiniyanabibigyanng pagkakataon ang sarili na makibagay sa mga kasamahan. Pinapahalagahan nito ang angking talino kaysa kagandahan kaya hindi nito pinapahalagahan ang kakayahan ng iba. Sa buhay ng tao ay napakalaki ang nagagawa ng pagibig may mabuti at mayroon ding hindi magandang naidudulot, katulad ng kwento kung saan naging maganda ang nagawa ng pagibig sa buhay ng pangunahing tauhankungsaannabagongpagibigangpangitnaugalinito.

4.0KonklusyonatRekomendasyon Ang pagaaral na ito ay pinamagatang Makatotohanang Pangyayaring Nagaganap sa mga Pangunahing Tauhan sa mga Piling Maikling Kwento ni Liwayway A. Arceo: Isang Pagsusuri. Ang mga makatotohanang pangyayari na natuklasan ng mananaliksik sa kamalayang sikolohikal, ispiritwal at imosyunalngmgatauhanmulasamaiklingkwentoayangmgasumusunod: UhawangTigangnaLupa: Makatotohanang Pangyayari: Madalas na ipinamalas ng anak ang pagiisip sa dahilan nang hindi pagkikibuan ng mga magulang, Ipinakita ng anak ang pagaaruga sa Amang Nakaratay, Hindi inaway ang asawanangmatuklasangnagtaksilitosakanya Pagbabagong Dulot sa Kamalayang Sikolohikal: Nagtataka kung bakit nabibilang lamang sa daliri kung nakikitanamagkasamaangmgamagulang PagbabagongDulotsaKamalayang Ispiritwal:Nagingmapagkumbabasakabilangginawangpagtataksil sakanya PagbabagongDulotsaKamalayangEmosyunal:Nakadamangpagkabagotsabuhay AngNanayniIking Mga Makatotohanang Pangyayari: Hindi Nakatulog sa buong magdamag at pinaraan ang gabi sa pagluha, Ipinapakita ang pagaaruga sa anak hanggang sa paglaki sa pamamagiutan ng laging paghahanda ng paboritong pagkain at damit na isusuot ng anak at Umiiyak at hindi nakatulog buong gabinangmalamangmaynobyanaanganak. PagbabagongDulotsaKamalayangSikolohikal:Nagingmainitinanguloatnagseselossanobyanganak PagbabagongDulotsaKamalayangIspiritwal:Nagingisangmabutinginasaanak PagbabagongDulotsaKamalayangEmosyunal:Nagingmatampuhinatmadalingnagagalit AngBuhokniPilo Mga Makatotohanang Pangyayari: Laging sinasaktan ng asawa sa tuwing ito ay nalalasing, Pagtawag sa Panginoon sa gitna ng paghihirap sa kamay ng asawang lasinggo at Naghihirap ang kalooban dahil sa asawanglasinggo. Pagbabagong Dulot sa Kamalayang Sikolohikal: Natuto na itong sumagot sa tuwing nalalasing ang asawaatsinasaktansiyanito

PagbabagongDulotsaKamalayangIspiritwal:LagingpagtawagsaPanginoonsalahatngoras PagbabagongDulotsaKamalayangEmosyunal:Nagingmasmalapitsaanak DoonsaLooban Mga Makatotohanang Pangyayari: Naging Tampulan ng Tsismis ng mga Kapitbahay Dahil sa Pagkakulong ng Anak, Laging Nagsisimba at Naghihirap ang Kalooban Dahil sa Utang at pagkakulong ng anak. PagbabagongDulotsaKamalayangSikolohikal:Konsintedorsamasamangginawanganak PagbabagongDulotsaKamalayangIspiritwal:Bagodumatingsapondahanaynakapagsimbanaito Pagbabagong Dulot sa Kamalayang Emosyunal: Ginawa ang lahat na paraan upang matulungan ang nakakulongnaanak Kalapati Mga Makatotohanang Pangyayari: Nakikita ang mga ikinilos ng mga kalapati na may pagkakahawig sa taoatNalungkotatnagalitangkalapatinglalaki(maybatiknaitimsaulo)nangmakitangsumamasaiba angkasamangkalapati Pagbabagong Dulot sa Kamalayang Sikolohikal: Ginawang halimbawa sa kanilang pagsasama ang katangianngkalapatinghindimapagiisanalagingmagkasamasaanumangoras. PagbabagongDulotsaKamalayangIspiritwal:WalangnakikitangpagbabagosakamalayangIspiritwal PagbabagongDulotsaKamalayangEmosyunal:Nawalanngbuhaynanghindinabumalikangkasamang babaingkalapati AngTagapayo Mga MakatotohanangPangyayari: Gulongguloang Isipannang SabihinngNobyonaMagsasamaMuna Bago Magpapakasal, Pagpapahalaga sa kabanalan ng kasal at Hindi naipasa sa tamang oras ang mga artikulongisinulat PagbabagongDulotsaKamalayangSikolohikal:Nagingmaingatsakanyangnagingdesisiyon PagbabagongDulotsaKamalayangIspiritwal:Natotongmagpahalagasadangal

PagbabagongDulotsaKamalayangEmosyunal:Naapektohanangtrabaho IroSabungero Mga Makatotohanang Pangyayari: Maraming lumalapit sa kanya upang humingi ng payo sa pagsasabong dahilan upang maging bilib sa sarili, Pagdadalamhati sa pagkamatay ng asawa, at Ang mga anakangpinagbuntunannggalitsadamingtrabahosabahay. Pagbabagong Dulot sa Kamalayang Sikolohikal: Laging naniniwalang siya ang tama at Namatay na naiwanangasawaatmgaanaksakawalan. PagbabagongDulotsaKamalayangIspiritwal:WalangIspiritwalnapagbabago Pagbabagong Dulot sa Kamalayang Emosyunal: Nakaramdam ng pagaaalinlanagan kung kaya pang buhayin ang mga anak ngayong wala na ang asawang inaasahan at Naging mabunganga sa loob at labas ngbahay. SaanangLakadMoNgayon,Ma? Mga Makatotohanang Pangyayari: Hindi Nakakasama ang Ina sa Tuwing may mga Lakad na Kailangan ang mga Magulang sa Paaralan at mga Espesyal na Okasyon, Lubos na Pagsisisi sa Pagkamatay ng Anak at Nakaramdam ng pagkahiya at galit nang matuklasang Natuklasang Nakikianib ang Ina sa Ama ng Nobyo PagbabagongDulotsaKamalayangSikolohikal:Nalulongsaipinagbabawalnagamot PagbabagongDulotsaKamalayangIspiritwal:Nagsisisahindipagbibigayngorassanagiisanganak Pagbabagong Dulot sa Kamalayang Emosyunal: Sumama sa maling barkada at natotong gumamit ng ipinagbabawalnagamot IkawPalaMrs.BrownKumusta? Mga Makatotohanang Pangyayari: Nakadama ng pagseselos at Inggit nang nakipagtanan sa iba ang nobyo; Malimit na magkagalit sila ni Salud, Naniniwalang ang mabait ang siyang nagtatagumpay at Mabutingpakikitungosakapwa Pagbabagong Dulot sa Kamalayang Sikolohikal: Lalong pinagbubutihan ang kanyang pagaaral at Hindi pinansinangpambubuskangkaklasingsiSalud PagbabagongDulotsaKamalayangIspiritwal:WalangIspiritwalnaPagbabago

PagbabagongDulotsaKamalayangEmosyunal:Nanatilingdalagaathindinamulingumibigpa AngPusoniyaayisangRosas Mga Makatotohanang Pangyayari: Mahigpit sa kanyang mga sinasakupan, Mabuting pakikitungo sa kapwaatLagingnagagalitathindimarunongpumurisakakayahanngiba Pagbabagong Dulot sa Kamalayang Sikolohikal: Nagbago ng pakikitungo sa kapwa nang malamang may nagpapahalagarinsakanya PagbabagongDulotsaKamalayangIspiritwal:Naniniwalanaangtaokungnadaramaniyangsiyaaymay halaga rin sa daigdig, hindi lamang bilang tao makalilimutan niya ang mainis at mayamot sa maraming bagay Pagbabagong Dulot sa Kamalayang Emosyunal: Nang dahil sa pagibig ay nagkaroon na ito ng pagkakataong makipagkwentuhan sa mga kasama at marunong nang pumuri sa magagandang nagawa ngibasakasalukuyan Napatunayan ng mananaliksik na ang mga maikling kwento na ginamit sa pagaaral na isinulat ni Liwayway A. Arceo ay naglalaman ng mga makatotohanang pangyayari, dahil ang natagpuang pangyayari ay nakikita, nararanasan at malinaw na nagaganap sa kasalukuyang panahon. Ipinapakita ni Liwayway A. Arceo kung paano nakipaglaban ang mga tauhan sa agos ng buhay. Hindi naging hadlang angkahirapanupangangtaoayhindimabuhayatlumigayasagitnangkawalannasiyanamangugalina nakikitasabuhayngmgaPilipino. Kung isipin walang pagkakalayo ang mga pangyayari sa kwento na sinuri ng mananaliksik sa mga kaganapan sa kasalukuyang lipunan na ating ginagalawan. Gaya ng hatid sa atin ng kwentong Iro: Sabungero na naglalarawan sa kulturang Pilipino kung saan ang ilan mga kababayan ay na nalulong sa sugalmayamanmanomahirap.KagayarinngkwentongIkawPalaMrs.BrownKumustaayisangtipikal na paglalarawan sa buhay ng isang babaeng Pilipina kung saan inilarawan kung paano nakipaglaban upang mabago ang mukha ng kanilang buhay. Si Lina na nagpapahalaga sa edukasyon ngunit hindi naging masaya ang buhay dahil nakalimutan nito na kailangan ding pahalagahan ang sarili. Si Salud na nagpakita ng tapang upang hamunin ang kahirapan kahit hindi nakatapos sa kanyang pagaaral siyay naging matagumpay at yumaman sa buhay. Ilan lamang ito sa mga kwento na naglalarawan sa ibat ibang uri ng tao sa ating lipunan at ang hatid nito para sa mga mambabasa upang maging gabay at kapupulutanngaral. Rekomendasyon Ayon sa kinalabasan ng pagaaral na ito ay nabuo ng mananaliksik ang mga sumusunod na mga rekomendasyon:

1. Inaasahang ang mga akdang isinulat ni Liwayway A. Arceo ay magiging huwaran at instrumento ngmgaguroatmgaestudyantesaaralinnatumatalakaysamgamakatotohanangpangyayarisa lipunan. 2. Magsagawangmgasymposiyaatseminarsnatumatalakaysamgapamaraangpampagtuturosa PanitikangPilipinoupangmapaunladangkakayahanngmgagurongnagtuturongpanitikan. 3. Inaanyayahang magpatuloy ang mga manunulat sa pagsulat ng mga kathang naglalahad at naglalaman ng mga realidad na pangyayari upang ipagpatuloy ang pagyabong ng panitikang Filipino. 4. Pahalagahan at tangkilikin ang mga babasahing nagtataglay ng mga magagandang aral/valyu na nakapalaoobsaPanitikangPilipinoupangmaginggabaysapangarawarawnabuhay. 5. Gamiting lunsaran ang maikling kwento sa pagtuturo ng asignaturang Filipino upang mas lalong magigingmakulayatmapagaanangpagtuturongpanitikanoanumangaralinatasignatura. 6. Maipasok sa makabagong Teknolohiya ang lahat na mga akda ni Liwayway A. Arceo upang mas maramiangmakababasanito. 7. Maglalagay ng mga karagdagang babasahing pampanitikan sa loob ng silidaklatan upang magamitngmgaestudyanteatmgagurosakanikanilangaralin. 5.0Bibliyograpi MgaAklat Arceo, Liwayway, S. (1991). Uhaw ang tigang na lupa atbp., Loyola Heights, Quezon City, Manila, Philippines. Casanova,ArthurP.etal.(2001).PanitikangPilipino,RexBookstore. Gonzales,LydiaF.S.(2005).RealismongPananaw. Holland,Danny,(2007).Reachingteensintheirnaturalhabitat.p.49. Mabanglo,Ruth,S.(2006).FamilyresourcekitngUH.ManoaCenteroftheFamily. Magatas,RosarioG.(1994).Panitikangkayumanggipangkolehiyo.MetroManila24K,PrintingPress. Reyes,SoledadS.(1983).Kritisismo.ShawBoulevard.PasigMetroManila. Reyes, Soledad S. (1992). Kritisismo Mga teorya at antolohiya para sa epektibong pagtuturo ng panitikan.Pp.3953. Sauco,Teofilo.(1992).Angmagmamani.Manila:MayonPub.Co.,1933.Pp.160.

MgaTesis Abdul, Junairah A. S. (2008). Realidad sa Nobelang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos: Mindanao State University. Baybayon, Glorilyn. S. (1995). Pagpapahalagang Moral sa Nobelang Daluyong. Mindanao State University,MarawiCity. Cabana, Grace A. (1999) Ang Kalagayang Realismo sa mga Piling Nobelang Pilipino. Mindanao State University,MarawiCity. Dipatuan, Saima L. (2009). Ang Realsimo sa Nobelang Dugo sa Bukang Liwayway ni Rogelio R. Sikat. MindanaoStateUniversityMarawiCity. Jumalon, Rodson, E. (2008). Mga Pagpapahalagang Moral sa mga Piling Maikling Kwento ni Genoveva EdrozaMatute.St.MichaelsCollege,IliganCity. Mangoda, Naifa L. (2007). Realismo sa Nobelang Daluyong ni Lazaro Fransico Mindanao State University,MarawiCity. Masbud, Sittie Jalilah D. S. (2005). Ang Realismo sa Nayon at Lunsod ng Nobelang Anak ng Lupa ni DomingoLandicho:MindanaoStateUniversity. Mullanida,Pilmore.(19951996).MgaElementongHistorikalsaNobelang:DugosaBukangLiwaywayni RogelioR.Sicat. Journal TheEncyclopediaofPhilosophy,InternationalEdition,NewYork.AmericanCorporationVol.7(2005). Chua,AnthonyT.S.(2009).PhilippineMabuhay,NewsMalatsaKabataan.Vol.17no.46(Nov.1319). Villamin,A.M.(Aug.2003).OnValuesEducation,GraftandCorruption.PhilippineJournalofEducationp. 96. Diksyunaryo AmericanWebsterDictionary,NationalBookstore. TagalogEnglishDictionary,RexBookstore.

Internet dr.holmesmargie.www.com.twothousandnine www.teenstodaytopicssitemapcharacteristics PertandNitaCurry.www.ninetyanddime.com.2003

Anda mungkin juga menyukai