Anda di halaman 1dari 66

DULA

ni:

Rubie Ann Macaspac

Isang kathang may layunin ay ilarawan sa tanghalan sa pamamagitan ng kilos at galaw ang isang kawil na mga pangyayarin na nagpapahayag ng isang kapanapanabik na bahagi ng buhay.

Isang sining ang dula. Magiging malikhain at mapanuri ang isang tao kung mabibigyan siya ng pagkakataong makibahagi sa pagtatanghal nito, anuman ang papel niya dahil sa bawat elemento nito ay dapat mabuo nang may kasiningan upang maging buhay na buhay at makatotohanan ang paksang inilalarawan na karaniway batay sa karanasan at pangyayari sa buhay ng tao.

Ang kasaysayan ng Dulang Pilipino ay isinilang sa lipunan ng mga katutubong Pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang mananakop. Ayon kay Casanova, ang mga katutuboy likas na mahiligin sa mga awit, sayaw, at tula na siyang pinag-ugatan ng mga unang anyo ng dula.

Patula

ang usapan ng mga tauhang magsisiganap. Ginaganap kaugnay ng mga seremonya sa pananampalataya at pagpaparangal sa kanikanilang mga pinuno at bayani.
MGA

HALIMBAWA :

Wayang Orang at Wayang Purwa -ng mga


Bisaya- tumutukoy sa pagmamalupit ng mga Sultan sa kanilang aliping mga babae.

Embayoka at Sayatan ng mga Muslim sa Hulo at Lanaw- dulang pagtutula kahawig ng Balagtasan ng mga Tagalog. Kinapapalooban ng sayawan at awitan.
Bulong- ginagawa o ginaganap sa tunay na buhay kaugnay s panananpalataya, pamahiin o paniniwala at panggagamot.

TATLONG

URI NG DULA

Pantahanan- isinasagawa sa tahanan.


Halimbawa nito ay ang Pamamanhikan.

Panlansangan- isinasagawa sa
lansangan. Halimbawa nito ay Panunuluyan atbp.

Pantanghalan-isinasagawa sa loob
ng tanghalan.

Paksa

ng mga Dulang ipinapalabas

Pangkagandahang

Asal Pangwika Panrelihiyon

Halimbawa ng Dula

Duplo-

tulang patnigan na ang pinapaksa ay tungkol sa nawawalang ibon ng Hari. Ito ay kalimitang isinasagawa sa malawak na bakuran kung may namatayan sa isang nayon.

isang

Karagatan-

isinasagawa rin ito tuwing may namatayan sa nayon. Itoy hango sa alamat ng prinsesang naghulog ng singsing sa gitna ng dagat at ang sinumang binatang makahanap nito ay kaniyang papakasalan.

Panunuluyan- prusisyong ginaganap tuwing

bisperas ng Pasko. Ito ay paghahanap ng bahay na matutuluyan ng Mahal na Birhen sa pagsilang kay Hesukristo.

Tibag- pagsasadula

ng paghahanap ng Krus na pinagpakuan kay Kristo nina Reyna Elena at Prinsipe Constantino. Ginaganap tuwing Mayo sa mga lalawigan ng Bulacan, Nueva Ecija, Bataan, Rizal.

Panubong-

mahabang tulang paawit bilang handog at pagpaparangal sa isang dalagang may kaarawan. Itoy laganap sa Marinduque. Mula ito sa salitang Tagalog na pamutong na ang ibig sabihin ay lalagyan ng putong o korona ng mga mga bulaklak ang dalagang may kaarawan. Nahahati ito sa tatlong bahagi.

dulang ang mga nagsisiganap ay mga tau-tauhang karton. Pinapagalaw ang mga ito sa pamamagitan ng mga nakataling pising hawak ng mga tao sa itaas ng tanghalan. Ang mga taong nagsasalita ay nasa likod ng telon. Madilim kung palabasin ito sapagkat ang nakikita lamang ng mga tao ay kanilang mga anino.

Karilyo

Cenakulo-

isang dulang naglalarawan ng buong buhay hanggang sa muling pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo. Ang usapan ay patula. Sinulat ng paring Pilipino. Ang Pasig, Morong at Pasay ang mga kilalang pook na pinagtatanghalan nito.

Moro-moro-

paglalaban ng mga Muslim at mga Pilipinong Kristiyano. May magaganda at makukulay na kasuotan. Ang usapan dito ay patula at karaniwan ay totoong mataas ang tono ng mga nagsasalita, laging mag taga-dikta sa mga nag-uusap sapagkat hindi totoong naisasaulo ng mga gumaganap ang kanilang papel. Mas magara at maganda ang pagpapalabas nito sa Bisaya.

Panahon ng Amerikano

Isang bagong pangkat ng mananakop ang nagdala ng mga pagbabago sa panitikan ng Pilipinas. Ipinakilala ang mga bagong anyo ng literatura gaya ng malayang taludturan (sa mga tula), maikling kwento at mapamunang sanaysay (critical essay). Ang impluwensya ng mga Amerikanong mananakop ay nanatili kaalinsabay ng pagtatalaga sa Ingles bilang wikang ginagamit sa lahat ng paaralan sa bansa gayundin ng paglinang sa masining na kamalayan ng mga manunulat batay sa modernong panitikang dala ng mga mananakop.

Maliwanag na ambag ng panahong ito ang pelikula. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapanonood ang mga Pinoy ng mga larawang gumagalaw. Binigyang-daan ng imbensyong ito ang pag-ungos ng kulturang popular.

Dito unang kauna-unahang kinilala ang DULA o drama. Sa unang bahagi ng ika-20 siglo ang mga dulay tungkol sa MAKABAYAN subalit noong 1920 ang karamihan sa dulaan ay nagupo mula sa makabayan napalitan ito nga MAKATOTOHANAN at MAROMANSA. Dito sa panahong ito pinanghina ang Moromoro ng SARSWELA subalit di rin ito

tumagal ng mahabang panahon at itoy naigupo naman ng bodabil, Burlesque at sine na dala rin ng mga dayuhan,

SARSWELA-

dulang musikal o isang melodramang may 3 yugto na ang mga paksa ay tungkol sa pag-ibig, panibugho, paghihiganti, pagkasuklam at ibat iba pang masidhing damdamin. 1844 ng ipalaganap ni Narciso Claveria (Governador ng Pilipinas) ang komedya. Unang tatlong komedyang ipinalabas: a. La Conjuracion de Venecia b. La Bata de Cobra c. La Reduma

1852, tatlong komedyang komedyang itinanghal ng samahang Lopez at Asiya. a. Isabel La Catolica b. Diego Corrientes c. El Trio Camilletas Pagkakaiba ng Sarsuwela sa Moro Moro. a. Buhay Pilipino ang tinatalakay.

b. Ang kasuotan ng nagsisiganap ay damit Pilipino. c. May kasamang katatawanan na laging ginagampanan ng mga katulong sa dula. d. Ang usapan ay tuluyan. Isa sa mga sumikat sa dulang ito ay ang Walang Sugat ni Severino Reyes.

DALAWANG BAHAGI NG TAONG NAKAPALOOB SA DULA A. IMPESARYO- nag-aayos, pumipili sa mga magtatanghal sa palabas. Kinabibilangan ito nina Severino Reyes at Hermogenes Ilagan na nagtatag ng Compania Ilagan. B. MANUNULAT- mga tagapagsulat ng mga dula.

Severino Reyes

Ipinanganak sa Sta. Cruz, Maynila noong Pebrero 12,1861. Ikalima sa mga anak nina Rufino Reyes at Andrea Rivero. Mas kilala sa tawag na Don Binoy. Itinuturing na Ama ng Makabagong Dulang Tagalog.

Nakasulat siya ng humigit 40 na dula. May- akda ng Mga Kwento ni Lola Basyang. Mga Halimbawa ng mga Dula: a. Walang Sugat b. Ang Kalupi c. R.I.P d. Cablegrama Fatal (1903) -nagpakilala ng walang katarungang paglilitis kay Rizal.

e. Puso ng Isang Pilipina (1919) f. Bagong Fausto g. Filotea, o Ang Pag- aasawa ni San Pedro

h. Opera Italiana i. San Lazaro * Maituturing ding Ama ng Dulang Filipino. * Naging manunulat din ng Liwayway. *Nagtatag ng unang samahan sa dula, Gran Compania de Zarzuela Tagala.

Aurelio Tolentino

Kapampangang kapanahon nina Don Binoy at Patricio Mariano. Mas kahanga-hanga kumpara kina Don Binoy dahil sumulat siya gamit ang ibang wika kaysa katutubong wika.

Sumama sa paghihimagsik ng mga Pilipino kung kaya ilang ulit syang nabilanggo. Siya ang pumulot sa salitang Dula mula sa Bisaya at ginamit ito sa Tagalog sa kahulugang drama. Ang kanyang Dula ay lipos ng diwang makabayan at panunuligsang panlipunan.

a. b. c.

d. e. f. g.

Mga Tanyag na Dula Sumpaan 3 yugto Filipinas at Espanya 2 yugto Rizal y los Dioses operang Tagalog na puno ng mga sagisag na bansa. Sinukuan 3 yugto at pampulitika. Ang Makata 1 yugto La Rosa 1 yugto Manood Kayo awit at mga pangyayaring pinag ugnay ugnay sa 3 yugto.

h. Bagong Kristo panlipunan

i. Luhang Tagalog pangkasaysayan at pinalagay na kanyang obra maestra. j. Kahapon, Ngayon, Bukas 3 yugto, may himig paghihimagsik, protesta sa pamamalakad ng mga Amerikano at dahilan ng kanyang pagkbilanggo. Pinakamahusay niyang Dula.

Hermogenes Ilagan

Isinilang si Hermogenes Hagan sa Bigaa, Bulacan. Nag-aral siya sa Ateneo de Manila. Siya ang ninuno ng mga Ilagan na kinikilala sa larangan ng pagtatanghal sa radio, pelikula. Kinilala sa tawag na KA MUHING.

at telebisyon -sina Robert Arevalo, Jay Ilagan, Liberty Ilagan at ang noo'y sumikat na si Eddie Lat Ilagan. Mga Dulang isinulat: a. Dalagang Bukid Dulang nagpabantog sa kanya na tungkol sa isang taga bukid na si Angelita. b. Dalawang Hangal c. Lucha Electoral d. Despoes de Dios, el Dinero e. Biyaya ng Pag- ibig

Julian Cruz Balmaceda * Isinilang sa Orion,

Bataan noong Enero 28, 1895. Nag-aral siya sa Colegio de San Juan de Letran. Natapos siya ng dalawang taong pagaaral ng Batas sa Escuela de Derecho.

Sa gulang na 12 sya naging taga sulat ng mga liham pag ibig sa Udyong, Bataan. naging sarhento sa gulang na 13 sa Bacood, Cavite. Mambabalarila, mananaysay, makata, manunuring pampanitikan, kuwentista, mangangathambuhay at higit sa lahat mandudula. Patnugot ng Suriang ng Wikang Pambansa

Mga Akda o Tanyag na Dula a. Sugat ng Puso kinatha niya sa gulang na 14 na taon b. Ang Piso ni Anita nagkamit ng unang gantimpala sa Bureau of Posts. Ito ay hinggil sa pagtitipid, isang drama musikal na may 3 yugto. c. Sa Bunganga ng Pating panunuligsa sa mga usurero. Ito rin ang nagdala sa kanya ng karangalan at kabantugan

d. Budhi ng Manggagawa e. Dugo ng Aking Ama f. Kaaway na Lihim g. Dahil sa Anak isa sa pinakapinaggigiliwang tula

Naglingkod sa Senado ng Pilipinas

Patricio Mariano

kung kayat tinalikurang ang kanyang pag ibig ang Pagsusulat Ang kanyang istilo ay maromansa at punong puno ng simbolismo. 1901-1934 nakasulat siya ng 45 na tula.

a. Anak ng Dagat 1922, 3 yugto, obra


maestra at naipasok karanasang personal bilang manghihimagsik, mamamahayag at pandudula. b. Lakambini Trahedya, 3 yugto, salaysaying batay sa unang pagsapit ng mga Kastila sa Maynila at ipinapalagay ding kanyang obra maestra.

Mga Akda

c. Tulisan d. Buhay Dapo e. Luhat Dugo f. Ang Dalawang Pag ibig g. Ang Unang Binhi h. Deni i.Ang Pakakak j. Silanganan k. Akoy Iyo Rin l. Si Mayumo

*1941-1945, sinakop ng Hapon ang Pilipinas Nabalam ang umuunlad na panitikang Pilipino. Ang lingguhang Liwayway ay inilagay sa mahigpit na pagmamatyag ng mga Hapones. Ipinagbawal ang mga babasahing naklimbag sa wikang Ingles. Isinalin sa Tagalog ang mga nasa Ingles na babasahin. Buhay Lalawigan- pangunahing pinapaksa sa mga panitikan.

IBAT IBANG TEATRO NA NAGLABASAN SA PANAHONG ITO

Avenue Theater

b. Life Theater c. Manila Grand Opera Theater

Mga Manunulat

A.Jose Ma. Hernandez Panday Pira B.Jose Villa Panganiban- Utak Habang Panahon C. Wilfrido Guerrero D. Clodualdo del Mundo at Mateo Cruzsumulat ng Bulaga noong Pebrero 23, 1943 E. Alfredo Pacifico LopezSankuwaltang Abaka F. Francisco Soc Rodrigo- Sa Pula. Sa Puti

Bagong Panahon

Muling sumigla ang panitikang Pilipino ng tuparin ni MacArthur ang kanyang pangako at natalo ang mga Hapon. Nagkaroon ng ibat ibang patimpalak sa larangan ng pagsusulat gaya ng mga ss:

Palanca Memorial Award in Pil. & English Lit. Gawad ni Balagtas Award Republic Cultural Award Taunang Gawad na Surian ng Wikang Pambansa

Tuluyang namatay ang sining ng dulang pandulaan.

Dahilan:
a. Pamamalasak ng pelikulang Tagalog at pelikulang dayuhan. b. Kawalan ng samahang magmamalasakit sa sining na ito. c. Kapabayaan ng pamahalaan

Anda mungkin juga menyukai