Anda di halaman 1dari 7

Aralin 4

Lunes ng umaga. Ang klase nina Christian Lloyd ay siyang nangasiwa sa seremonya ng watawat. Inawit nila ang Pambansang Awit at binigkas ang Panatang Makabayan. Hanggang sa makapasok na sila sa silid-aralan ay parang nadarama pa nila ang init ng pagmamahal sa bayan. Para Sa talakayan nila sa umagang iyon, isinulat ni Bb. Santos sa pisara ang katanungang Ikinararangal mo bang ikaw ay Pilipino? Bakit? Ito ang siyang naging lunsaran ng kanilang aralin. Tinawag ng guro si Christian Lloyd at ito ay tumayo. Aniya, Opo! Ikinararangal ko na ako ay isang Pilipino. May nagsabi nga pong isang manunulat na tayo raw pong mga Pilipino ay pili na, pino pa. Nangiti ang lahat.

Nagpatuloy si Christian. Sa totoo po lamang,

Christian. Tumayo si Arnold, sabi niya, Naniniwala po ako sa sinabi ni Christian. Kaya lamang po, iyon ang Pilipino noon. Ngayon kaya, ganoon din?

tayong mga Pilipino ay lahing marangal, magalang, tapat, at maginoo. Noon po, walang manlolokong Pilipino, sa pakikipagkalakalan ng mga ninuno natin sa mga negosyanteng Tsino, iniiwan daw po ng mga Tsino ang paninda sa mga Pilipino. Sa pagbabalik sa ikaanim na buwan ay walang ni isang nawawala sa mga paninda na nasa baybaying dagat. At iyong mga Pilipinong may pagkakautang sa mga Tsino ay bumabalik upang magbayad ng mga kinuhang paninda. Walang listahan at walang kontratang ginawa, pero wala raw pong nawawalan sa panig man ng Tsino at sa panig ng Pilipino. Iyan po ang Pilipino, matapat, ang mahabang paliwanag ni

Arnold, sabi ni Christian. Nahihiwatigan ko ang iyong ibig sabihin. Mayroon ngang ilang mamayan na tila hindi na maginoo at tapat. Pero, iyan ay ilan lamang, higit na maraming Pilipino pa ang matatapat at maginoo. Naupo ang dalawa. Tinawag ng guro si Nita. Ikaw, Nita ano ang masasabi mo tungkol sa tanong na nasa pisara? tanong ni Bb. Santos. Ikinararangal ko po na ako ay Pilipino, kabilang sa lahing magiting. Marami po tayong dapat ipagmalaki sa pagiging Pilipino. Kinikilala po sa daigdig ang galing ng Pilipino, sabi ni Nita. Sang-ayon po ako sa sinabi ni Nita, ani Mary Ann. Ang galing ng Pilipino sa iba-ibang larangan ay unti-unti nang nakikilala sa daigdig. Sinu-sino ang nakilala na, mga kamag-aral? tanong pa.

Si Agapito Flores, tubong Guiguinto, Bulacan ay siyang nagbigay sa daigdig ng fluorescent lamp na kinuha sa pangalan ni Ginoong Flores, ang sabi bi Bryan Angelo. May isang Pilipino ring nakagawa ng malaking ambag sa aeronautics. Ang moon buggy na ginamit nina Neil Armstrong sa paglalakbay sa buwan ay hango sa ideya ni Inhinyero Eduardo C. San Juan. Kabilang si Inhinyero San Juan sa maraming proyekto ng U.S. Strategic Defense Initiative. Karangalan siya ng ating bansa, ang sabi ni Teresita. Sinasabi rin pong hinahangaan sa ibang bansa ang ating mga OFWs, o mga Overseas Filipino Workers, dahil sa kanilang angking talino at kakayahan; Matapat, maginoo at marunong makipagkapwa-tao, sagot ni Armando. Sa larangan man ng sining ay kilala rin ang Pilipino. Hindi ba kinilala ng daigdig si Lea Salonga sa kanyang magaling na pagganap sa Miss Saigon? ang sabi naman ni Cynthia.

Natutuwa ako at alam ninyo ang mga ito at ikinararangal ninyo na kayo ay Piliipino. Batid kong maawit din ninyo ito nang madamdamin, ang sabi ni Bb. Santos. Natapos ang madamdaming pag-wait ng klase. Halos maluha si Nita sa nadarama niyang damdaming ikarangal ang pagiging isang Pilipino. Nagkatinginan ang lahat. Tila iisang damdamin ang kanilang nadarama sa sandaling iyon.

Sinu-sinong mga Pilipino ang nabanggit na nagbibigay karangalan sa bansa? Marami pang Pilipino ang nagbibigay karangalan sa bansa. Magbigay ng ilan. Ano ang ipinahiwatig na ideya sa sinabi ni Arnold? Anong kalakalang Tsino- Pilipino ang tinutukoy sa sagot ni Christian? Ipaliwanag ang barter o baligyang paraan ng pagbibilihan. ikinararangal mo bang ikaw ay isang Pilipino? Ipaliwanag.

Anda mungkin juga menyukai