Anda di halaman 1dari 11

Pagsasabi ng mga Nagaganap na Pangyayari sa Bansa

Aralin 4 Nakikilala ang mga sugnay na bumubuo sa tambalan at hugnayang pangungusap

Mahirap lamang si Bonifacio ngunit ang pagmamahal niya sa bayan ay higit pa sa kanyang sarili

Sa Tondo siya ipinanganak at doon siya nagsimulang magsikap tungkol sa pagtatanggol sa bayan

Si Bonifacio, kahit na mahirap, ay nagsikap na mag-aral bumasa at sumulat

Tuklasin
Sa pag-uusap tungkol sa mga nangyayari o nakikita sa paligid at sa ating bansa, gumagamit tayo ng mga pahayag na kaiba sa mga paraan na inilahad sa naunang mga aralin. Natuto ka nang bumuo ng ibat ibang uri ng pangungusap ayon sa gamit tulad ng pasalaysay, patanong, padamdam, pautos, at pakiusap. Ngayon, pansinin ang mga pangungusap na ginamit sa usapan sa bungad ng aralin. Paano binuo ang mga pangungusap? Kaiba ba sa mga naunang pangungusap na binasa mo? Ang mga pangungusap na ito ay binubuo ng dalawang bahagi na parehong masasabing pangungusap.

TAMBALAN - Nagpapahayag ng dalawang magkaugnay na kaisipan. Pinag-uugnay ang dalawang bahagi ng pangatnig na (at, pero, o, ngunit at habang) Hal. 1. Ang Florante at Laura ay isinulat ni Francisco Balagtas at ang Noli me tangere ay isinulat naman ni Jose Rizal. 2. Si Jose Rizal ay magaling sa Espanyol ngunit si Marcelo H. del Pilar ay sanay naman sa Tagalog.

Halimbawa: Ang nanay niya ay isang guro at ang kanyang tatay ay isang doctor. Gusto kong kumain ng ice cream pero wala akong pera. Sasama ka sa palaruan o pupunta ka sa palengke?

. Hugnayan pangungusap na binubuo ng isang buong diwa o sugnay na makapag-iisa at isang hindi buong diwa o sugnay na dimakapag-iisa. (SM + SDM) SM sugnay na makapag-iisa SDM sugnay na di makapag-iisa Kadalasan ginagamitan ito ng mga pangatnig na dahil, kasi, sapagkat, kapag, pag, kaya, upang, at para . Halimbawa: Umiiyak ang bata dahil nadapa siya. Sugnay na Makapag-iisa (SM) Umiiyak ang bata.

Sugnay na Di-Makapag-iisa (SDM) dahil nadapa siya Pangatnig DAHIL Upang siya ay lumusog, umiinom ng gatas si Sandino araw-araw.

Sabihin kung tambalan o hugnayan ang sumusunod na pangungusap. Maysakit ang matanda pero nagtatrabaho pa rin siya. Ang aso ay kulay itim at ang pusa ay kulay puti. Gumising ng maaga si Daniel upang pumasok sa paaralan. Umiinom ng softdrinks si Adrian habang nagluluto ng ulam si Allen.

Isulat kung tambalan o hugnayan


Ang saya ng Family Sportfest kaya hiniling ng marami na maulit ito sa isang taon. Upang maging ganap ang kasayahan ng mga palaro, nagdala ng pagkain ang bawat pamilya. Ang mga manlalaro ay nagpakita ng galing kaya nagbunga ang kanilang pagsisikap. Maganda ang samahan ng bawat pangkat, at naging maayos ang idinaos na palaro. Kailangan ang pagtutulungan at magandang teamwork upang manalo. Noong panahon ng Martial law naputol ang kalayaan ng mamamayang Pilipino kaya lumaban sila sa pamahalaang Marcos. Hiniling ng mga mamamayan na tanggalin ito ngunit nagmatigas si Marcos.

Dahil sa EDSA I, ang rehimeng Marcos ay natapos. Kinilala sa buong mundo ang kabayanihan ng sambayanang Pilipino nang magtagumpay ang EDSA I o People Power. Napakahusay mag-bowling ni Paeng Nepomuceno at mabait siyang manlalaro.

Takdang Aralin
Sumulat ng isang pangungusap na tambalan at Isang pangungusap na hugnayan.

Anda mungkin juga menyukai