Anda di halaman 1dari 23

Ang pag-aaral ng akdang pampanitikan anoman ang anyo nito ay naglalayong magbigay ng mabuting bisa sa kaasalan ng tao tulad

ng pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa sa pamamagitan ng magandang uri ng pagpapahayag.

Isa sa itinuturing na matandang anyo ng panitikan ang karagatan at duplo.Tinatawag itong tulang padula sapagkat ang mga ito ay nasusulat nang patula at ginagampanan ng mga tauhan. Tinatawag din itong dulang pantahanan sapagkat karaniwang idinaraos sa loob ng bahay o bakuran ng namatay. Nagiging parangal din ito sa namatay. Alamin natin kung paano ipinahayag ng ating mga ninuno ang kanilang sariling pananaw, saloobin at damdamin sa kanilang kapanahunan. Gayundin, kung masasalamin ba ang kultura ng mga Pilipino sa mga ganitong uri ng akdang pampanitikan?

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagpapahayag ng iyong sariling pananaw, saloobin at damdamin tungkol sa kaugaliang Pilipino sa kasalukuyan gamit ang wika ng kabataan. Maaari mo nang gawin ang kasunod na mga gawain. GAWAIN 1.2.1.b: PICK-UP LINES Tunog-Makata

Ang paglalaro ng pick-up lines ay nagtatampok sa pagiging malikhain ng kabataan, maging ng nakatatanda sa kasalukuyan. Subukin mong sagutin ang ilan sa pick-up lines na kasunod. Gawin ito sa ikaapat na bahagi ng papel. Marahil ay ganito ang iyong isinagot. 1. 2. 3. 4. 5. Bangin ka ba? Bakit? Kape ka ba? Bakit? Nahulog kasi ako sayo. Ninenerbiyos kasi ko sayo e. Kasi, I cant smile without you.

Pustiso ka ba? Bakit?

Kumain ka ba ng asukal? Bakit? Ang tamis kasi ng ngiti mo. Surgeon ka ba? Bakit? Kasi ikaw lang ang nakapagbukas ng puso ko.

Nakatutuwa di ba? Simple pero may dating, sabi nga. Sa ganitong paraan, mabisa mo kayang maipararating sa iyong kapwa ang nais mong sabihin? Paano? Bakit hindi mo subuking gumawa ng sarili mong pick-up lines. Isulat mo ito sa papel. Gayahin ang kasunod na pormat. To... Cc... Subjec t:

SEND

Ang iyong ginawa ay ilan lang sa mga paraan kung paano ka makapagbibigay ng iyong pananaw, saloobin at damdamin. Samantala, sa Panahon ng Espaol, paano nga ba ipinahayag ng mga Pilipino ang kanilang pananaw, saloobin at damdamin?

Matutunghayan mo sa susunod na pagtalakay ang mga gawaing paraan ng pagpapahayag ng mga Pilipino sa nabanggit na panahon.

nagpapakita ng katangian at

GAWAIN 1.2.1.c : SINING: Karagatan at Duplo Nais kong unawain mong mabuti ang mga katangian ng karagatan na iyong matutunghayan.

Ang Karagatan 1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula. 2. Ang kuwento nito ay batay sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat. 2. Pakakasalan ng dalaga ang binatang makakakuha ng singsing. 4. Sa larong ito, hindi kinakailangang sumisid sa dagat ang binatang nais magkapal ad sa dalagang nawalan ng singsing. 5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay. 6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sarisaring pagkaing-nayon. 7. Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga. 8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro. 9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyan ng dalaga ng talinghaga. 10. Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan ng tabong may tandang puti. 11. Bibigkas muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang sagutin

ang talinghaga.

Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et. al

Babasahin 1: ANG KARAGATAN


Kalakip 1.2.1.a
Halaw sa Panitikang Pilipino nina Pineda, G.D at Ongoco, T.C

Basahin at unawain. Ang iyong mababasa ay unang bahagi ng pagtatanghal ng Karagatan ng Sulo ng Inang Wika noong ika-19 ng Disyembre 1967, sa Ika-19 na Pagkakatatag ng Unibersidad ng Manuel L. Quezon. ANG KARAGATAN (May isang mesang nakalagay ang mga paninda-mga garapon ng pagkain at mga de-bote. May dalawang dalaga at apat na binata sa paligid ng mesa. Maraming tao sa paligid. Isang matanda ang lalapit sa ponda.) Tandang Terong: Humm tila matagal nang nakasalang ang sinaing ay di pa nagagatungan. Isang Manonood: Kailangang gatungan ang sinaing nang malutot tayoy makakain. Maring: Ang kahoy na panggatong kaya di masindihan ay higit na marami ang nasa kalan kaysa kailangan.

Isa pang manonood: Tama si Maring. Ang isay malungkot kayat naghahanap; dalawahay angkop at siyang anong sarap; ngunit pag nagtatloy isa na ang kalabisan.Kung di matiyak ni Neneng kung sino sa kanila ang kakausapin, mga kanayon anong kailangan? Lahat: Ingkong Terong: Neneng: Tanging paraay ang karagatan. Ayos ka na ba, Neneng? Tumanggi man po akoy walang mangyayari. Kagustuhan

rin ninyo ang masusunod. Ingkong Terong: Apat na Lalaki : At kayong apat? Opo.

Ingkong Terong:

Akin na, Neneng ang iyong singsing. (Aabutin sa dalaga ang singsing at ihuhulog sa tubig na nasa garapon). Kayong apat ay magpapalabunutan kung sino ang unang sisisid sa singsing na inihulog ni Neneng. (Palabunutan). At ikaw Berting ang unang sisisid sa dagat ng pag-ibig upang makuha ang singsing. (Palakpakan) Pagbutihin mo, binata at si Neneng ay marami nang nailunod na talisuyo sa karagatan. Magandang gabi sa inyong lahat Mga nariritong kanayon ni Neneng At sa iyo mutyay muling nagpupugay. Ipinangangakong nahulog mong singsing Aking sisirit sa iyoy ibibigay Tanda ng pag-ibig na walang hangganan. Dahilan sa akoy siyang nakabunot Ng palitong itong nagpapahintulot Ako ay sumisid sa dagat ng nais At ang iyong singsing ay aking makamit Ay katunayan nang Diyos ang pumili Na ako ngang itoy siya mong itangi. Sumisid sa singsing na aking hinulog Subalit di upang siyang maging irog Kundi idaan lang muna sa pagsubok Kayat sisirin mo ang tanong kong ito

Mga Tao: Isang Tao:

Berting:

At singsing kong ito ay nang maangkin mo Ang singsing na itong linsot walang bato Turan mong simula at ang dulo nito. Berting: Tila ang bugtong moy sinlalim ng dagat Na di matatarok ng isip kong pahat. Kayat iyong singsing nais mang makuha Isa pang pagsubok ay hiling ko sinta.

Kulas:

Ang pagkakataoy isalin sa iba Nang di masabing ikaw ay buwaya Akong nabunot ng pang-ikalawa Inaangkin hirang kanyang karapatan Sumisid sa dagat ng singsing mong bugtong Na siyang panumbas sa iyong pag-irog. Kung gayon, o, Kulas, iyo nang sisirin Ang lalim ng punot dulo niyang singsing. Singsing, aking Neneng, walang punot dulo Mayroon ngang simula at may wakas ito Ang simulay bilog nito na panloob At ang katapusay panlabas na bilog. Ganyan kung gawin, singsing ng pag-ibig Hayat nasisid ko singsing mong nahulog. Iyan ang tanong diyan kay Lamberto Kayat heto naman ang para sa iyo; Nang ikay parito, pamula sa kanto Ilang bahay, Kulas, ang naraanan mo? May ilaw ay ilan, iyo sanang turan Tingnan ko ang tibay pang-alaala mo? Salamat Neneng kot iyang katanungan

Neneng:

Kulas:

Neneng:

Kulas:

Kay daling sagutin kayat aking masasabing Akoy tanging mahal; Heto ang tugon ko: Bahay, pito lamang at sa mga itoy Aking natandaan, apat ang may ilawItoy patotoong isip koy malinaw. Neneng: Kulas, ikay mali sa iyong katugunan Kayat isasalin itong aking tanong Sa sinong ikatlong sa tubig lulusong At siyang sisisid, sa singsing kong bugtong. Ako ang ikatlong dapat subukin mo Kayat iyong dinggin ang tugon koy: Pamula sa kanto at hanggang sa rito Walang bahay ni ilaw akong natandaan Kundi itong ponda ni Neneng kong mahal. (Palakpakan at kantiyawan) Kung gayon ito naman ay tugunin Pang-una sa ikatlong iyong sasagutin Bakit ba ang tubig sa bilog na mundo Hindi tumatapon walang ligwak ito? Sa abot ng isip narito ang tugon: Tubig, batot tao, at lahat sa mundo Ay di tumatapon dahil sa ang globo Ay isang malakit mabisang magneto; Hinihigop nito ang lahat ng narito At sa kalawakay di tayo tutungo. Magaling! Mabuhay si Nardo! Pangalawang tanong,heto nat pakinggan Paanong buwang sa langit ay tanglaw Aking mahihipot mapaglalaruan? Itoy pangarap nang akoy musmos pa lamang Kung talagang ako ay sadyang mahal mo Paiirugan mo ang hiling kong ito.

Nardo:

Mga Tao: Neneng:

Nardo:

Mga Tao: Neneng:

Nardo:

Salamat, O, Ina, sa pag-aaruga mo, Noong akoy muntit pinalalaki mo. Isang paboritot ibig kong kuwento Ay siyang panugon sa tanong na ito. Sa pamamagitan ng isang salamin Minumutyang buwan ay pabababain Kahit sa kandungan ng mutya kot giliw Mapaglalaruang buwang hinihiling. Magaling! Iyan ang binata namin!... Pakinggan natin ang tanong na ikatlo. Akoy nakahanda sa pangatlong tanong Singsing na nahulog aking sisisirin Sukdang ikapugto ng hiningang tangan Kung puso ng mutyay aking maaangkin.

Mga Tao:

Nardo:

Neneng:

Akoy nangangamba, akoy natatakot Na ang huling tanong kaniyang masagot Itong karagatan isang laro lamang Ngunit paglalarong birong totohanan Ayoko na yatang ito ay ituloy Baka sa sagutan akoy maparool.

Ingkong Terong: Ituloy mo, apo, bahala na ako. Neneng: Kung gayon, Leonardo, tugunin mo ito. Kung tayoy makasal, ay nanaisin ko Na magpulot-gata sa bayang Mindoro Na ating sasakyay binalsang kawayan Na bigkis ng lubid na pawang hinabi Sa buhanging pinot ikaw ang pipili. Neneng, aking mahal, sadyang mahal kita Kayat imposibley pag-aariin pa Lubid na buhangin, aking pipiliin

Nardo:

Kung pababaunan ng aking pagkain Bawat isang linggong kakailanganin Sa sang dahong ipil iyong babalutin. Neneng: Di bat ang hiling sa akin nanggaling Bakit ngayoy ako ang pasusulitin? Pagkat paniwalang di ka sinungaling Ano ang batayan ng iyong pasaring? Salamat kung gayon, mutya ko at giliw Ikaw ay may wikang tapat at matining Nang iyong sabihin tayoy kakasalin Inakalang tapat ikaw sa paggiliw Kayat sa problemang aking Kahati ka sa tuwat sa ligaya gayoy din Ang buhanging lubid ay kaya kong gawin Kung sa hirap nitoy kasalo ang giliw.

Nardo: Neneng: Nardo:

Neneng:

Ayokot di tama! Di pala kasal, Ni walang sintahan ay mag-aasawa na. Di nga mag-asawa ngunit may pagsinta! Ay sayang! Sayang na pag-ibig Sayang ang singsing kong nahulog sa tubig Kung ikaw rin lang siyang sisisid Mahangay hintin kong kumati ang tubig.

Nardo: Neneng:

Tandang Terong: Sa unang pagkakataon ay nagkaganito ang apo ko. Ako ang hahatol. Tama si Nardo. Ang karagatay simula lang ng kuwento Mula ngayon, Nardo, sa bahay pumanhik At doon mo ihibik ang iyong pag-ibig.

Pepito: Mga Tao:

(Iiling-iling at magkikibit ng balikat.) Mabuhay si Ingkong Terong! Mabuhay! Mabuhay ang karagatan, aliwang Pilipino! (Palakpakan) W A K AS
Halaw sa Panitikang Pilipino nina Pineda, G.D at Ongoco, T.C

Subukin natin ang naging pag-unawa sa iyong binasa? Maaari mo nang sagutin ang kasunod na mga tanong.

Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang paksa ng binasang karagatan? 2.Paano ito binigyang-buhay ng mga tauhan? Ano-ano ang papel kanilang ginampanan? 3.Bakit sinasabing hindi kinakailangang sumisid ang binatang nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing? Alam mo ba? Alam mo ba na Ang Matalinghagang Pahayag ay mga pahayag na gumagamit ng mga salita na hindi pahayag tuwirang Ang matalinghagang ay mga pahayag na inihahayag ang tunay na kahulugan nito. Karaniwan gumagamit ng mga salita na hindi tuwirang inihahayag ang tunay itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na na kahulugan nito. Karaniwan itong ginagamitan ng nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa.

paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga mambabasa.

1.

Ano ang matatalinghagang pahayag na binigkas ni Neneng? Paano tinugon ng mga binata ang kaniyang talinghaga? Itala mo ito sa sagutang papel. Gayahin ang kasunod na pormat.

MATATALINGHAGANG PAHAYAG NA BINIGKAS NI NENENG

TUGON NG MGA BINATA

2. Sa iyong palagay, ano ang angkop na pamagat ng binasang karagatan? 3. Ilahad ang mga pag-uugali o kasanayang napaunlad ng mga Pilipino batay sa larong karagatan? Matutukoy mo kaya ang pagkakatulad at pagkakaiba ng karagatan sa duplo? Tunghayan mo naman kung ano ang duplo.

PAGALALARO NG KARAGATAN

Matutukoy mo kaya ang pagkakatulad at pagkakaiba ng karagatan sa duplo? Tunghayan mo naman kung ano ang duplo.

ANG DUPLO: Ang Ibon ng Hari

Hari:

Simulan na ang laro. Bumilang kayo.

Mga Bilyaka: Una, Ikalawa, Ikatlo. Mga Bilyako: Una, Ikalawa, Ikatlo. Hari: Lahat: Hari: Tribulasyon! Tribulasyon! Estamos en la Buena composicion.(Titindig) Ang komposisyon ng tanan ay paglalarong mahusay! Ang magulo ay mahalay Sa mata ng kapitbahay. Mga binibini at mga ginoo, Matatandat batang ngayoy naririto, Malugod na bati ang tanging handog ko sa pagsisimula nitong larong duplo. Ang hardin koy kubkob ng rehas na bakal, Asero ang pintot patalim ang urang; Ngunit at nawala ang ibon kong hirang, Ang mga bilyaka ang nuhat nagnakaw!

Mga Bilyaka: Hindi kami ang nagnakaw. Hari: Bilyako 1: Sino ang nagnakaw? Kagabi po, hari, maliwanag ang bwan; May isang aninong aking natanaw; Hindi sinasadya, nang aking lapitan Isang babae po, iyang natagpuan. At kitang-kita kong ikinubli niya. Siyay naririto at nasa tribuna, Nagnakaw ng ibon ay isang bilyaka!

Hari:

Diyatat bilyaka? Sino sa kanila? Sa unang hanay po. Hwag paniwalaan. Siyay bulaan! (Magkakaingay) (Sa lahat) Katahimikan! (Sa Bilyako 1) Mapatototohanan? Akoy nalalaan! Kung kagabi lamang ang sinabi niya, Hindi maaarit kamiy magkasama; Kamiy namamasyal ng irog kong sinta, Panong mananakaw ang ibon sa hawla? Kung hindi nga siya, sabihin kung sino At pakaasahang parurusahan ko. Ang nuha ng iboy sa ikalawang hanay, Doon nakaupo nang buong hinusay, Walang iba kundi kanyang kasintahan (Ituturo.) Kung hindi ay bakit ipinagsasanggalang? Pinararatangay hindi umiimik, Tila nga may salat dilay nauumid. (Mag-iisip) Sapagkat may sala Heto, palmatorya! (Akmang papaluin) Kaiingat kayo, O mahal na hari, Mag-isip-isip kat baka magkamali. (Titigil ng pagsasalita bago magpapatuloy) Nalalaman ko po kung sinong nagnakaw.

Bilyako 1: Bilyaka 2:

Hari:

Bilyako 1: Bilyaka 2:

Hari:

Bilyaka 2:

Hari:

Bilyako 2:

Aking ibubulong kung pahihintulutan. Hari: Bilyako 2: Hari: Nagpapahintulot! (Lalapit at bubulong) Ipakakaon ko, talaga bang tunay? (Siyang pagdating ng abay ng reyna) Mahal na hari po, iboy aking dala, Isasauli ko sa kinunang hawla; Kagabi po itoy kinuha ng reyna Siya ay nag-aliw sa pangungulila! Kung gayon ay walang dapat parusahan! Ibalik ang ibon sa hawlang kinunan. Kung uulitin pay ipagbibigay-alam Nang huwag ang iba ang mapagbintangan. Pinagbigay-alam sa inyong gwardya, Baka nalimutan at nalingat siya. Maraming salamat, bilyakat bilyako, Ngayoy tinatapos itong larong duplo. Paalam sa lahat, salamat sa inyo, Muling magkikita pag naglaro tayo.

Abay ng Reyna:

Hari:

Aba ng Reyna:

Hari:

WAKAS
Halaw sa Talindaw nina Abueg, E.R. et al.

Mga Gabay na Tanong:

6. Makatuwiran pa rin kaya na gawin ang

larong duplo sa mga lamay sa patay sa kasalukuyan? Bakit? 5. Sa iyong palagay, ano-ano ang mabuting epekto ng dupluhan? 4. Paano ipinagtatanggol ng mga bilyako at bilyaka ang bawat isa? 3. Paano nilalaro ang duplo? 2. Sino-sino ang tauhang gumaganap sa duplo?

1. Tungkol saan ang binasang duplo?

Batay sa mga impormasyong iyong binasa, magiging daan ito upang maunawaan mo na ang mga katangian ng karagatan at duplo bilang mga akdang pampanitikan.

GAWAIN 1.2.1.d :

SURIIN: PAGKAKATULAD AT PAGKAKAIBA

Batay sa mahahalagang tala na iyong nabasa tungkol sa karagatan at duplo, itala ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito batay sa mga elemento ng mga ito. Gawin sa sagutang papel. KARAGATAN Mga Elemento DUPLO

Paksa

Mga Tauhan

Hakbang ng Pagsasagawa Palitan ng Pangangatuwiran Hatol PAGKAKATULAD 1. Paksa: ___________________________________________________ 2. Mga Tauhan: ______________________________________________ 3. Hakbang ng Pagsasagawa: __________________________________ 4. Palitan ng Pangangatuwiran: _________________________________ 5. Hatol: ____________________________________________________

Mga Gabay na Tanong: 1. Sa tulong ng karagatan at duplo, paano mailalarawan ang mga Pilipino batay sa sumusunod:

pagbibigay-parangal sa namatay

pag-aliw sa namatayan

pagpapahayag ng intensiyon na makapanligaw

paraan ng pagpapahayag

paggamit ng mga salita

Sa pagkakataong ito ay inaasahan kong malinaw na sa iyo ang mga tiyak na katangian ng karagatan at duplo bilang mga akdang pampanitikan na lumaganap sa Panahon ng Espaol at naging instrumento ng pagpapahayag ng pananaw, damdamin at saloobin ng mga Pilipino sa panahong iyon.

GAWAIN 1.2.1.e: PAGPAPAHAYAGSARILING REPLEKSIYON Masasalamin pa rin ang katayugan ng pag-iisip at pagiging masining sa pagsasalita na mahalagang sangkap sa pakikipag-ugnayan sa kapwa na bibigyang pansin ng susunod na gawain. Batay sa sumusunod na sitwasyon, paano mo ipahahayag ang iyong panig? SITWASYON 1. Nasa elementarya ka pa lamang ay hilig mo na ang maglaro ng aral-aralan dahil pinapangarap mo sa buhay ang maging guro sa hinaharap. Ngayong ikaw ay nasa hayskul na pinaaalalahanan ka ng iyong magulang na kumuha ng ibang kurso. Paano mo sasabihin sa kanila na ang iyong kursong ibig pag-aralan ay pagiging guro? 2. Isa sa mga aktibong organisasyon sa inyong paaralan ang Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SAMAFIL). Hinihikayat ka ng iyong mga kaibigan na sumali sa nasabing samahan ngunit buo na ang iyong pasiya na ikaw ay lalahok sa Ang Tinig, ang opisyal na pahayagang pampaaralan sa Filipino. Ano ang iyong sasabihin sa kanila? SARILING PANIG

3. Nakatakda kang mag-ulat sa inyong klase sa Araling Panlipunan. Subalit sa araw na iyon ikaw ay nahuli dahil may isang matanda sa kanto na iyong tinulungan. Naramdaman mo ang makahulugang tingin ng iyong mga kaklase. Paano mo ipahahayag ang iyong panig? 4. Madalas kang biruin at tuksuhin ng iyong kaklase na totoo namang ikinaiinis mo. Nais mo siyang kausapin upang patigilin sa ginagawang panunukso sa iyo. Ano ang sasabihin mo sa kaniya?

5. Isa kang mag-aaral na buo ang loob para sabihin ang iyong nadarama sa kaklase man o sa guro. Isa mong bagong kaklase ang iyong hinahangaan. Paano mo sasabihin ang iyong paghanga? Ang ibat ibang sitwasyon sa buhay ay humahamon sa tao na manatiling maayos sa kaniyang pakikipag-ugnayan sa kapwa. Napakahalaga ng paggamit ng angkop na salita sa pagsasaalang-alang sa damdamin ng iba. Sadyang ang salitang ginagamit ng tao ay tunay na repleksiyon ng sariling pagkatao. Alam mo ba na maraming paraan para mapaganda at maging katanggaptanggap ang mga pahayag? Tunghayan mo ang susunod na talakayan. GAWAIN 1.2.1.f.: EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG ISAALANG-ALANG PAGPAPAGANDA NG PAHAYAG Batay sa obserbasyon ang mga Pilipino ay pangkat ng mga tao na mapagpahalaga sa uri ng wika na ginagamit. Pansinin ang sumusunod na impormasyon.

1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa: a.paksa ng usapan b.taong sangkot sa usapan c.lugar 2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na nagpapahiwatig lamang.

Ugnay-Wika

3. Gumagamit ng talinghaga para di tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap. Sa kalahatan, umiisip ng magagandang salita o pahayag na kilala sa tawag na eupemismo. Ang paggamit ng magagandang pahayag ay naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba. Sa halip na sabihing: 1. patay 2.nadudumi 3. iniwan ng asawa 4. katulong Gumagamit ng: sumakabilang buhay tawag ng kalikasan sumakabilang bahay kasambahay

Ang pagsasalita ay isa sa likas na gawain ng tao. Naipakikilala mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng mga salitang iyong ginagamit. Sa layuning hindi makasakit sa damdamin ng iba, sinisikap nating gumamit ng magagandang pahayag. Basahin ang mga salita at sikapin mong tumbasan ang mga ito ng eupemismo.

4. sugarol 3. tsimay 2. maarte

5. mayabang
1. pakialamero

Natapos mo na ang bahagi ng Paunlarin para sa araling ito. Handa ka na sa mga gawaing tutulong sa iyo na palalimin pa ang iyong kaalaman. Sa bahaging ito ng iyong pag-aaral, ang mga gawaing inihanda ay naglalayong pagtibayin ang mga

nabuong pag-unawa at kasanayan. Marahil, unti-unti mo nang nakita ang bakas ng nakaraan, ang naging paraan ng mga Pilipino sa kanilang pagpapahayag noon at ang paraan naman ng pagpapahayag sa kasalukuyan. Pareho itong nagpapakita ng bahagi ng kulturang Pilipino.

GAWAIN 1.2.1.g:

MAGTAGALOG WALANG SAKITAN

Subukin mong bumuo ng pangangatuwiran sa paksang nasa loob ng kasunod na graphic organizer. Gamitin ang pamaraang palinya o pataludtod na bubuuin ng lima hanggang anim na saknong. Maaaring may sukat o wala. Gawing gabay ang kasunod na mga saknong.

Ang pagtatalo ay isang laro ng isipan Walang sakitan ng katawan pati ng kalooban Ingatan ang salitang bibigkasin at bibitawan Dahil ang totooy paksa lang ang pagtatalunan. Subuking sagutin ang isyu ngayon Ako ay nasa panig ng pagsang-ayon Samantalang ikaw ay lubos na di- umaayon Pagkakaiba ng mga pananaw sa mundoy nagpapayabong.

PAKSA Ang paghahanapbuhay ng mga ina ng tahanan ang sinasabing dahilan sa pagkaligaw ng landas ng maraming anak/kabataan. SALUNGAT

NG-AYON

Sa pagkakataong ito, sinikap mong makapagpahayag nang may sining sa isang paksa. Tulad ng karagatan at duplo, sinikap mong humabi ng mga taludturan na ginamitan ng mga salitang higit na nakabubuti kaysa nakapananakit. Mahusay na napagsama-sama mo ang iyong kaalaman sa tula, paraan ng pagpapahayag at paggamit ng magagandang pahayag.

GAWAIN 1.2.1.h:

BUUIN: KONSEPTONG NATUTUNAN

Dugtungan ang mga pahayag na nagpapakita ng kabuuan ng paksang tinalakay. Ang karagatan at duplo ay mga _________________________________ Ito ay nagpapakita ng _________________________________________ Makikita sa kulturang Pilipino ang _______________________________ Sa pagpapahayag, mahalagang isaalang-alang ang ___________________ Maaaring magkaroon ng pagtatalong _____________________________ Sa kasalukuyan, itoy yamang ___________________________________

Binabati kita! Pinatunayan mo sa iyong mga sagot na ikaw ay maaari nang sumubok sa pangwakas na gawain.

GAWAIN 1.2.1i :

NAIIBANG FLIPTOP

Marahil ay nakapanood ka na ng fliptop sa telebisyon, sa inyong komunidad, sa youtube, o sa iba pang social networking site. Ano-ano ang iyong napansin? Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang kasunod na pormat.
Mga Napansing Positibong Mensahe at Paraan ng Paggamit ng Wika Mga Napansing Negatibong Mensahe at Paraan ng Paggamit ng Wika

1. FLIPTOP 2.

1.

2.

3.

3.

Alam mo ba na isa sa kinagigiliwan ng maraming kabataan ay ang pagtatalo gamit ang fliptop? Ito ay isang pagtatalo tungkol sa anumang napapanahong paksa sa paraang makabago. Sinisikap ng magkatalong panig na gumamit ng mga tugmaan at talinghaga upang higit na paghusayan ng magkatunggaling panig gayundin kung paanong hihikayatin ang mga tagapanood na karaniwang nagbibigay ng hatol sa pamamagitan ng kanilang hiyawan at palakpakan. Kaugnay nito, magdaraos ng paligsahan ng fliptop sa inyong komunidad, at ang mga kalahok ay ang kabataan. Bilang paghahanda, ikaw ay gagawa ng iskrip ayon sa paksang ibinigay ng mga tagapamahala. Presentasyon ito upang makapagtanghal at makipagtagisan ka ng galing sa entablado. Ayon sa pamantayan, kinakailangang kakitaan ito ng sumusunod:

Pamantayan

Bahagdan

1. kabuluhan ng paksa 2. kalinawan ng paninindigan 3. kahusayan sa paggamit ng mga eupemismong pahayag 4. wastong gamit ng mga salita 5. ideya ng pagtatalo KABUUAN

25 20 25 15 15 100

Anda mungkin juga menyukai