www.seasite.niu.edu/Tagalog/modules_in_Tagalog/mga_pagdiriwang_s
a_pilipinas.htm - 25k -
Maraming pagdiriwang sa loob ng isang taon. Ang mga pagdiriwang
sa Pilipinas ay mga pambansang pagdiriwang, mga pansibikong pagdiriwang at
mga pagdiriwang na panrelihiyon.
Bagong Taon
Tuwing unang araw ng Enero
ipinagdiriwang ang Bagong Taon.
Masayang sinasalubong ito bago
maghating-gabi ng Disyembre 31.
Masayang sama-samang kumakain at
nagkukuwentuhan pa ang mga kasapi ng
mag-anak. Nag-sisimba, nagbabatian, at nag-iingay pa sila nang buong sigla sa
pagsalubong nito. Ginagawa pa nila itong family
reunion. Dito ipinapakita ang pagbubuklud-
buklod ng pamilya.
Araw ng Kagitingan
Ang krus sa tuktok ng Bundok Samat sa Bataan ang
nagpapagunita hinggil sa mga matatapang na sundalong
Pilipino na lumaban sa mga Hapones noong Ikalawang
Digmaang Pandaigdig. Dambana ng Kagitingan ang tawag sa
bantayog na ito. Ginugunita ng bansa ang Araw ng Kagitingan
tuwing sasapit ang Abril 9. Ipinakita rin dito ang pakakaisa
laban sa mga dayuhan.
Araw ng Mangagawa
Ipinagdiriwang tuwing Mayo 1 ang Araw
ng Manggagawa. Pinahahalagahan ang mga
manggagawa dahil sa kanilang mga paglilingkod sa
lipunan. Sila ang tumutulong sa atin sa pagtugon sa
ating mga pangangailangan. Tumutulong sila upang
tayo'y may pagkain araw-araw, maayos na tirahan,
iba-ibang kagamitan, at iba pang bagay.
Araw ng Kalayaan
Tuwing Hunyo 12 ng bawat taon ginugunita at
ipinagdiriwang ng mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan mula sa
España. May parada at pag-aalay rin ng mga bulaklak sa bantayog
ni Rizal. Nag-aalay rin ng mga bulaklak sa iba pang mga bayani.
Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com
Itinataas pa ng pangulo ng bansa ang watawat ng Pilipinas sa Rizal Park.
Marami pang inihahandang programa, konsiyerto, at kasayahan sa pagdiriwang
na ito. Sama-sama ang mga Pilipino ipinagdiriwang ang okasyong ito.
Balik sa simula
Araw ng mga
Ina/mga Ama
Mga
pagdiriwang na
pansibiko ang Araw
ng mga Ina at Araw
ng mga Ama.
Tuwing ikalawang Linggo ng Mayo ang pagdiriwang para sa mga ina at tuwing
ikatlong Linggo ng Hunyo ang sa mga ama. Ginugunita natin sa mga araw na ito
ang kabutihan ng ating ina at ama.
Linggo ng Wika
Marami paligsahan tuwing sasapit ang buwan ng Agosto. Ito'y mga
patimpalak sa pagtula, pag-awit, at pagsusulat ng sanaysay sa wikang Filipino.
Karaniwang ipinagdiriwang ito sa ika-19 ng Agosto. Ito ang kaarawan ni
Pangulong Manuel L. Quezon, ang Ama ng Wikang Pambansa. Karaniwang
nagkakaisa ang buong bansa sa okasyong ito. Binibigyang-diin ang pagmamahal
sa ating wika. Pinahahalagahan at pinayayaman pa natin ito. Nakikiisa ang mga
Pilipino sa paggamit ng Filipino sa pagpupulong, sa pagsulat, at sa talakayan.
Araw ng mga Nagkakaisang Bansa
Linggo ng Mag-anak
Ito ang araw na ginugunita ng mga Pilipino
ang kahalagahan ng mag-anak at ang pagmamahalan at
pagkakaisa ng bawat kasapi nito.
Balik sa simula
Ati-atihan
Ito ay pagdiriwang sa Kalibo, Aklan. Tatlong araw
ito ng pag-awit at pagsayaw sa mga daan. Nagpaphid ng
uling o anumang itim na pangkulay sa buong katawan ang
mga sumasali sa parada. Nagsusuot pa sila ng makukulay na
kasuotan habang nagsasayaw sa saliw ng tugtog ng mga
tambol sa kalsada. Hawak ang imahen ng Santo Niño ng
isang ati habang sumsayaw. Sumisigaw naman ng "viva" ang
iba sa kanilang pagsasayaw. "Mahabang buhay' ang kahulugan ng salitang viva.
Mahal na Araw
Isang napakahalaga at natatanging
tradisyon ito ng mga Katolikong Pilipino.
Nagkakaisa ang ito sa pagdaraos nito.
Karaniwang makaririnig ng pabasa sa baryo,
Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com
kapilya, at pati na sa mga tahanan na ikinukuwento ang buhay ni Cristo.
Penitensiya naman ang tawag sa ginagawa ng mga Pilipinong nagpapasakit o
namamanata tuwing Mahal na Araw, Kanilang pinahihirapan at pinarurusahan
ang sarili sa pagdadala ng krus o pagpalo at pagsugat sa
kanilang mga katawan. Isang prusisyon ng mga rebulto ni
Cristo at iba pang santo ang inilalakad sa mga
pangunahing daan ng baryo o bayan tuwing Biyernes
Santo. Maingay at masayang naririnig ang kampana ng
lahat ng simbahan tuwing Linggo ng Pagkabuhay upang
ipabando o ipahayag ang muling pagkabuhay ng ating
Panginoon.
May isa pang
gawaing isinasagawa tuwing Mahal na Araw. Ito ang
Moriones ng Marinduque. Isang makulay na
kaugalian pang-Mahal na Araw ito. Nagsusuot ng
damit ng mga Romanong sundalo at makukulay na
maskara ang mga namamanata.
Pahiyas
Isang tradisyon din ito. Pinararangalan dito
ang santo ng mga magsasaka na si San Isidro de
Labrador. Nagkakaisang nagsasabit ang mga taga-
Quezon ng mga produktong-bukid at katutubong
pagkain sa pintuan at mga
bintana ng kanilang bahay.
Pista ng Peñafrancia
Isang kapistahan ang idinaraos tuwing Setyembre 17 sa
Lungsod ng Naga, Camarines Sur sa
rehiyon ng Bicol. Isang prusisyon sa ilog
ng mapagmilagrong imahen ng Birhen ng
Peñafrancia ang dinarayo sa pagdiriwang
na ito. Isinasagawa ang prusisyong ito sa
Ilog ng Naga at kalalakihan lamang ang lumalahok.
Magandang nilagyan ng palamuti ang trono ng birhen na
nasa isang kasko.
Ramadan
Isang buwang pagdiriwang ito ng ating mga kapatid na Muslim sa
Timog tuwing Marso hanggang Abril. Sama-sama at nagkakaisa rin sila sa
Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com
pagdiriwang ng okasyong ito. Mahalagang pagdiriwang ito sa kanila. Idinaraos
ang kaugalian at tradisyong ito ng mga tagasunod ng Islam sa buong mundo.
Nagsusuot ng mahabang belo sa kanilang mukha ang mga babaing Muslim
kapag nagtutungo sila sa kanilang mosque. Nangingilin or nag-aayuno ang lahat
ng mga Muslim sa mga pagdiriwang na tulad nito. Nagdarasal sila kay Allah na
kanilang Panginoon. Ginugunita nila ang pakakahayag o rebelasyon ng Koran
kay Mohammmed, ang propeta ng Islam. Nagbabasa pa sila ng Koran. Ang
Koran ay banal na aklat ng mga Muslim.
Balik sa simula
Maikling Pagsasanay:
2. Araw ng Maynila
5. Pista ng Peñafrancia
Parol
Belen
Maliban sa pagsasabit ng Parol, tradisyon na rin ang paglalagay ng Belen sa mga tahanan.
Ang Belen ay tila isang tableau na nagpapakita ng eksena ng kapanganakan ni Hesus, katabi
ang amang si Santo Jose at inang Birheng Maria. Malimit ay ito'y isang pinaliit na replika ng
nasabing eksena, ngunit may ilan naman na gumagawa ng makatotohanang anyo nito at
inilalagak sa hardin.
Simbang Gabi
Mga Kakanin
Paghaharana
Awiting Pamasko
Noche Buena
Aguinaldo
Sanggunian
http://karwaskil.multiply.com/journal/item/34
Mula noon hanggang ngayon, hindi natutupad ang gasgas nang pangako
na ang pagdaragdag sa matrikula ay mangagahulugan daw sa pagtaas ng
sahod ng guro't kawani, mahusay na pasilidad, libro at kagamitan sa pag-
aaral.
Ano pa'ng maaasahan ninyo? Kung tutuusin, hindi naman interes ng ganid
at suwapang na mga kapitalistang edukador ang paunlarin ang kalidad ng
ating edukasyon.
II. MASMIDYA
Matapos ihayag sa isang interbyu nitong Agosto na alam nila kung sino
ang nagpapatay kay Arnnel Manalo, nakatanggap ng pagbabanta sa buhay
at pagmamanman ng mga di-kilalalang lalaki ang isang katrabaho ni
Manalo. Samantala, napilitang magtago nang ilang araw ang isa pang
taga-midya.
Ang mga pahayag na ito ng mga nasa awtoridad at ang kawalan nila ng
aksyon sa lumalalang panggigipit at pamamaslang sa mga tagamidya, ay
patunay lang na ang demokrasya at kalayaan sa pamamahayag ay
mistulang ilusyon. Ang estado mismo ang sumusupil sa kalayaan sa
pamamahayag para protektahan ang interes ng mga naghaharing uri sa
ating bayan.
resisted the cracking soil. It would be sacrilege on my part to do so. Besides, I read for
pleasure first, for curiosity second, and for necessity last. So I indulged my senses, I trusted
my gut, I laughed.
But what is funny to me? A better question would be: who could tell what makes a line funny
or not? Who could tell why to some, Shakespeare's Falstaff, Mark Twain's nomads, Jane
Austine's ironic heroine, Moliere's miser, or Cervantes's eccentric rider, is, to some, funny, and
Perhaps I could apply the objective eyes of Hobbes (we laugh at the defects of others as well
as our past selves, providing we transcend it - we feel superior to those we laugh at), Kant
(we laugh because our expectation is frustrated - because unrelated objects are mixed), or
Freud (we laugh to vent our repressed feelings - to outwit the censors). But I didn't and
wouldn't - humor for me, is an art, and not science - prying and poking at the innards of the
Doubtless there are those who will cry "trash" to a topic such as this, these are the types who
label the likes of Oscar Wilde and Woody Allen as unimportant clowns, branding their comedic
wits as trivial pursuits. To dislike this list is the prerogative of the reader, and as such I would
respect the taste of each and every individual, but to state that writing comedy is insignificant,
is for me an invalid rhetoric. As F. Sionil Jose introducing his fellow National Artist (the short
story comic Alejandro Reyes) implied: making the tears fall is as hard in tragedy as it is in
laughter.
There is nothing trivial about writing comedy - the writers risk the most in channeling the
truth of emotions through mirth. As the reaction of the radical Muslim mob over Danish
protest through laughter is a hit-or-miss affair. But such is the power of humor that a well-
delivered comedy has more impact than any litany and sermon that can emanate from long-
winded diatribes (e.g. a single comic strip of Dilbert or a single episode of The Office, has
workers).
During a family gathering, I told a story of a superstitious friend who has a habit of spewing
one-liner clichés. He is a tall person, and being that way, was prone to bumping his head on
low entrances. One such afternoon, witnessing the bump, I blurted to him: "Okay lang 'yan,
malayo naman sa bituka" ("It's okay, it's nowhere near the intestine").
As the laughters swirled around the dining table, my teenage sister, in an abrupt tone, cut the
revelry: "kuya hindi naman joke 'yan, kasi totoong nangyari" ("brother it's not a joke, 'cause it
truly happened"). Everyone's eyes glanced at mine, to which I, smiling at my sister, replied:
"Ang joke, kahit na gaano kabaliw at kababaw ay may bahid ng katotohanan." ("A Joke,
BOBONG PINOY
Bobong Pinoy. Dahil dito, sa kabutihang o kasamaang palad (depende na sa kung sino ang
lamang malaman kung ano na ang susunod na isusulat ng webmaster ng Bobong Pinoy.
Aksidente nga ba? O gaya ng sabi ni Einstein, walang aksidente? Sa paghahanap ko ba'y,
Halos mag-iisang dekada na rin ng una kong naisip na: 'sakto ang timing ng mga patawang
nakatapak sa lupa, at napakaitim ng background. Nang taon ding iyun, naging usap-usapan sa
lang sa mga Pinoy. Umugong din ang mga bali-balitang maisasali ang mga kathang may
Si Bert ng Sesame Street ay madalas ko ng mapanood bilang kontrabida kay Ernie. Palatawa
at masayahin si Ernie, si Bert nama'y seryoso, ayaw ng naiistorbo. Madalas nang kinukulit ni
Lumaki ako sa panood ng Sesame Street. Kung mapapanood ko ang mga lumang episode ng
Sesame Street ngayon, malamang hindi na ko tablan sa paulit-ulit na skit ni Bert at Ernie.
Ginamit ni Dino ang isa sa mga haligi ng komedya, ang eksaheradong pagtukoy sa mga
normal, upang maipakita kung bakit at ano nga ba nakakatawa kay Bert. Gamit ang computer,
pinagdikit-dikit ni Dino ang mga kuha ni Bert at mga lumang larawang sumasalamin sa
Nariyan ang "ebidensiya" kung saan nakatayo si Bert sa gilid ng isang parada bago mabaril si
JFK; nariyan ang kamay ni Bert sa singit ng batang si Michael Jackson; meron ding
magkasama sila ni Hitler; at sino nga bang makakalimot kay Kevin Cosner at Bert na
…This shot is taken on the set of "The Postman" when Costner was taking advise from bert on
Hinangaan at binigyan ng parangal ng mga hurado ng 1998 Webby ang ginawa ni Dino (Bert is
Evil). Noong taong ding iyun, na kung saan nabuo ang Philippine Web Awards (iba pa ang
pangalan noon), nakuha ni Dino ang pa-premyo para sa mga website na may nakakabaliw na
tema.
Evil. Marami-rami ang nagsulputang kopya, ginaya at dinagdagan ng mga panibagong litrato,
ngunit gaya nga ng kasabihang pinoy, "iba pa rin ang orig." At dahil sa isang may masamang
balak na Arabong naglabas ng napakalaking poster ni Bin Laden, na kung saan nakasingit si
Bert (nakuha daw niya sa Internet, pero sa aking pakiwari'y kakilala din ng Arabong iyun ang
ang Twin Towers, ay lalo pang sumidhi ang kagustuhan ni Dino na tuluyan ng alisin ang
Bagama't gaya ni Dino, may pagka-graphic artist din ako, mas nagustuhan ko ang Bobong
prutas naman talaga ang Bert is Evil sa Bobong Pinoy. Si Dino, gag ang style ng patawa
(naalala ko tuloy iyung ibang pelikula ni Woody Allen - ipinatong ang bagong film footage sa
luma), kay Bob Ong nama'y socio-political satire. Pareho pa rin silang panalo, si Dino sa mga
may-alam na hurado, si Bob Ong nama'y sa botohan ng mga tao (ang People's Choice).
Hindi ko alam kung mabagal lang talaga ang koneksiyon ko noon (kapanahuhan kasi ito na
lang talaga ang mga bumibisita dahil sa People's Choice, pero parang Edsa pag oras ng uwian
'Di kalauna'y lumipat na rin ang katha ni Bob Ong sa bobongpinoy.com. Pero 'di ko ba alam,
mabagal pa rin ang pasok. Nakaisip tuloy ako, tuwing lunch o uwian na lang sa opisina ako
sisilip (nakakabit kasi sa mismong ISP 'yung PC ko sa opisina). Ilang beses ding hindi na-
update ang bobongpinoy.com, hanggang isang araw hindi na ni-renew ni Bob Ong ang
naturang site(dahil siguro alam na ng lahat na maglalabas siya ng libro. Mahirap na nga
namang umatras sa bagay na naipangako mo na). At di nga 'rin nagtagal, bigla na lang
nawalang parang bula ang bobongpinoy.com (huwag mo ng balaking pasukin ngayon, pag-aari
na ito ng isang kumpanyang taga-Estonia). Lumitaw din ang Paboritong Website ni Hudas,
iyan ang alam kong kauna-unahang blog ni Bob Ong, pero mas maikli pa ang buhay nito sa
bobongpinoy.com.
raw." Kung mamarapating niyo akong magdagdag ng opinyon: kung madulas pa sa ahas ang
pagtuklas sa tunay na katauhan ni Bob Ong, ito marahil ay dahil sa gumagamit siya ng nom
de plume (Ang Bob Ong na pangalan para sa akin, ay biniyak na salitang Bobong, na nagmula
Pilipino).
Pero bakit pa kailangang gumamit ng Alias? Pag tinanong mo ang tanong na ito, malamang
hindi mo alam ang sagot - kabaliktaran kasi ng tanong ang balak gawin ng pseudonym: si
Jose Rizal ginamit ang pen name na Dimas Alang (Dimasalang na ngayon), sa kanyang satire
(ang sobrang kakatwang La Vision del Fray Rodriguez o The Vision of Fray Rodriguez o Ang
(Touch me Not o Huwag Mo Akong Salingin). Magkahalong gulat at halakhak ang bumalot sa
akin ng una kong mabasa ang La Vision - hindi ko kasi alam na meron palang ganito si Rizal -
na ipagbigay alam kay Rodriguez na ang pari'y dapat magsulat ng kanyang ka-bobohan upang
merong mapagtawanan ang mga tao! At dahil pa sa nabasa ko na rin dati pa ang Confessions
ni Augustine ('kakatwa din ito, dahil nagawang isulat ni Augustine ang malambot at ayaw
makisama n'yang tite bilang pilosopiya), ay lalong nagpasidhi ang aking pagtawa. Napaisip
tuloy ako: may katotohan kaya ang sulat ni Ambeth Ocampo na naging parokyano ng prosti si
Rizal sa paglalakbay nito sa Europa? Dahil kung si Augustine na halos isabuhay ang
konsensiya niya sa pagbabate at pagkikipag-talik sa mga babae, si Rizal pa kaya na napaka-
romantiko?
Tulad ni Rizal, binanatan din ni Dolores Manapat (ang alias ni Marcelo H. del Pilar) si Rodriguez
sa satire na Dasalan at Tuksuhan. Parang Parokya ni Edgar ang dating (Chikinini na lyrics sa
orihinal na Banal na Aso ng Yano), pinalitan ni Dolores ang lyrics sa mga iba't ibang dasal
Katoliko. Nariyan ang Amain Namin ("Amain naming sumasaconvento ka, sumpain ang ngalan
mo, malayo sa amin ang kasakiman mo, quitlin ang liig mo dito sa lupa para nang sa
langit…"), Aba Guinoong Baria ("Aba guinoong Baria nakapupuno ka nang alcancia…") at Ang
Mark Twain, Moliere, Pablo Neruda, The Brontes, Pauline Reage, George Orwell, Dr. Seuss,
Voltaire, Tikbalang.
B. Pseudonym.
D. Pangalan ba?
Kung A ang sagot mo puwede. Kung B, lalong puwede. At kung C nama'y SUPER-DUPER-
PUWEDE! Kung D, aba kailangan mo munang sagutin ang isa pang katanungan bago ka
Habang kumakain ako sa isang restaurant, may narinig akong dalawang profesor daw, na
nagpapataasan ng ihi. Mahaba-haba rin ang mga paksang pinag-talunan, hanggang dumating
Propesor Bangko: Did you know, na hindi talaga tao si Bob Ong?
Ang mundo ngayon ay nababalot ng kaguluhan, digmaan, kahirapan, gutom, epidemya at patuloy na
pagkasira ng kalikasan. Idagdag pa natin ang lumalalang kabulukan ng lahat ng mga gobyerno,
Kaliwa man o Kanan ang nasa pamunuan; ang drug addiction at gangsterimso laluna sa inyong hanay,
at ang halos walang katapusang kriminalidad, at iba pa.
Ang iba’t-ibang gobyerno, mula sa pinakaabante hanggang sa pinakaatrasadong mga bansa kasama
ang iba’t-ibang malalaking multilateral na mga institusyon gaya ng United Nations at iba’t-ibang Non-
Government Organizations (NGOs) habang nangangakong hanapan ng solusyon ang mga mabibigat
na problemang pinapasan ng sangkatauhan ay nagtuturuan kung sino ang may kasalanan sa
delubyong nangyayari ngayon.
Subalit marami pa rin ang nagtatanong at nababahala: May magandang kinabukasan pa ba ang
mundo sa ilalim ng kasalukuyang panlipunang sistema o hindi na mapigilang mawasak ito?
Kung mayroon mang pinaka-interesado na sagutin ang tanong na ito ay dapat kayong mga kabataan-
estudyante dahil nasa inyong mga balikat ang kinabukasan ng mundo. Sa ilalim ng sistemang
kapitalismo, kayo ang susunod na henerasyon ng mga sahurang alipin ng kapital. Kayo ang
magkakaroon ng panibagong mga pamilya at siguradung kayo mismo ang bubuhay at magpalaki sa
inyong mga anak.
Ang ugat sa mga problemang dinaranas ng sangkatauhan ngayon ay ang sistema ng sahurang pang-
aalipin, ang sistema ng tubo at kalakal sa pamilihan, ang sistema ng kompetisyon. Ang tawag dito ay
KAPITALISMO.
Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo imposibleng ‘uunlad’ pa ang isang bansa na hindi nito
pagsamantalahan ang ibang mga bansa. Ang ‘pag-unlad’ ng isang bansa ay bunga ng matinding
pagsasamantala sa kanyang mga manggagawa at/o sa mga manggagawa sa ibang mga bansa. Ang
‘pagdami’ ng may trabaho sa isang bansa ay may katumbas ng pagdami ng mga walang trabaho sa
ibang mga bansa.
Maling-mali ang mga Kaliwa sa kanilang paniniwala na kung maputol ang kontrol ng imperyalismong
Amerikano sa Pilipinas ay uunlad na ang ekonomiya ng bansa. Ang katotohanan, sa panahon ng
imperyalismo ang bawat bansa ay may imperyalistang katangian dahil ‘uunlad’ lamang ito kung
pagsamantalahan nito ang ibang mga bansa sa ilalim ng islogang ‘pagkapantay-pantay’ at ‘malayang
kompetisyon.’ Pangalawa, kung maputol man ang kontrol ng Amerika sa bansa, hindi malayong
papasok ang iba pang ganid at makapangyarihang imperyalista kakutsaba ang mga paksyon ng
burgesyang Pilipino o maging ang ilang maka-Kaliwang grupo upang kontrolin ang Pilipinas gaya ng
Tsina o Japan sa ngalan ng pagpapalaya sa bansa mula sa kuko ng imperyalistang Amerikano.
Ang tunay na kaaway ng mga manggagawa kabilang na kayong mga kabataan-estudyante ay hindi
lang isa o dalawang imperyalistang kapangyarihan kundi ang buong imperyalistang sistema. Ang
kalaban ng mga manggagawang Pilipino ay hindi lang ang mga dayuhang kapitalista kundi mismong
Ang uring manggagawa bilang internasyunal na uri ang tanging uri na may istorikal na misyon at
kapasidad na durugin ang kapitalismo sa buong daigdig. Siya lamang ang tanging rebolusyonaryong
uri sa ilalim ng kapitalistang kaayusan.
Kung hindi madurog ang dekadenteng kapitalistang sistema, asahan ninyo na ang inyong mga
pamilya sa hinaharap ay mas mahirap pa ang maranasan kaysa ngayon.
Subalit hindi madudurog ang kapitalismo at hindi maibagsak ang paghari ng mga kapitalista kung
patuloy tayong matali sa balangkas ng bansa, sa balangkas ng nasyunalismo at pagmamahal sa
bayan (ang mga ito ay matamis na salita lamang na ang ibig sabihin ay ipagtanggol ang pambansang
kapitalismo). Isang pandaigdigang sistema ang ating kalaban kaya kailangang pandaigdigan din ang
pagkakaisa. Kailangang magkaisa ang mga manggagawa sa buong mundo laban sa kapitalistang
panlipunang mga relasyon.
Dagdag pa, kailangang ganap na itakwil ang mga mistipikasyon at bitag na inihain ng burgesya para
ilihis ang pagkakaisa ng buong uring manggagawa — unyonismo, parlyamento at nasyunalismo. Ang
mga ito ay mga instrumento na ngayon ng kapital para gawing pambala ng kanyon ang uring
manggagawsa at kabataan sa nagtunggaliang mga paksyon ng burgesya sa bawat bansa.
Dalawa lamang ang sandata ng internasyunal na uring manggagawa para magapi ang kapitalismo :
PAGKAKAISA at KAMULATAN sa pandaigdigang saklaw. Pagkakaisa laban sa lahat ng paksyon ng
burgesya (administrasyon man o oposisyon). Pagkakaisa para palawakin ang mga pakikibaka at hindi
ikulong sa iilang pabrika o ilang linya ng industriya lamang. Kamulatan na walang maasahan sa
burges na estado, parlyamento at mga unyon; kamulatan na imposible na ang pakikibaka sa mga
reporma dahil wala ng kapasidad ang sistema na ibigay ang mga ito. Pagkakaisa at kamulatan para
ibagsak ang kapitalistang estado at lahat ng mga institusyon nito.
Walang saysay ang mga pagkilos ng ilampung katao o mga protestang tipong riot para lamang sa
media projection. Ang kailangang mabuo ay ang malawakang pagkakasia ng uri at pakikibaka laban
sa estadong kapitalista at hindi para sa mga reporma.
May pag-asa pa ang kinabukasan ninyo; may pag-asa pa ang mundo. Ang pag-asa at kinabukasan
ninyo ay nasa mga kamay ng inyong uri — ang uring manggagawa. “Ang emansipasyon ng uring
manggagawa ay nasa kamay ng mga manggagawa mismo.”
Ngunit ang pag-asa ay hindi kusang darating. Kailangan itong ipaglaban. Kailangan ninyo, kasama
ang inyong uri ng isang rebolusyonaryong teorya na pinanday ng istorikal na karanasan ng inyong uri;
istorikal na karanasan na binastardo at punong-puno na ng mga distorsyong kagagawan ng mga
ideolohiya ng Kaliwa ng burgesya — Maoismo, Stalinismo, Trotskyismo, ‘Leninismo’ at Anarkismo. Ang
teoryang ito ay walang iba kundi ang rebolusyonaryong Marxismo.
INTERNASYONALISMO
Email address: internasyonalista@yahoo.com
Blog: http://internasyonalismo.blogsome.com
Link website: www.internationalism.org
http://felixrivas.wordpress.com/2007/10/24/kolonyal-na-patakaran-sa-edukasyon/
Alinsunod sa EO 210, simula Grade 1 ay ituturo ang Ingles bilang ikalawang lenggwahe.
Pero simula Grade 3 ay ito na ang siyang pangunahing wikang gagamitin sa pagtuturo ng
matematika at mga subject na may kinalaman sa agham at kalusugan, bukod sa pagtuturo
mismo ng English. Ito na rin ang gagamiting pangunahing wika sa pagtuturo sa lahat ng
hayskul, pribado man o pampubliko. Ibig sabihin, Ingles ang dapat umanong gamitin sa
di bababa sa 70% ng kabuuang panahon sa pagtuturo ng lahat ng aralin.
Sinasalamin ng CCLP ang patriyotikong pagtutol sa EO 210. Ayon sa CCLP, sasagka ito
sa kakayahang matuto ng mga mag-aaral. Tinukoy nito ang resulta ng mga pananaliksik
na ginawa ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization
(UNESCO) na nagpapakitang mas mabilis matutong magbasa, magkwenta at umunlad sa
pag-iisip ang mga bata kapag ang ginagamit sa pagtuturo ay ang kanilang wikang
kinagisnan.
[Ang artikulong ito'y muling ipinost sa aking sayt. Hindi lantad (anonymous) ang awtor
nito.]
http://qc.indymedia.org/news/2005/06/3560.php
Tapos na ang bakasyon. At sa buwang ito, milyon-milyong mga estudyante ang papasok
sa mga paaralan na animo’y mga pabrika ng susunod na henerasyon ng manggagawa.
Mula 2001 hanggang 2004, tumaas ang badyet sa edukasyon mula P97.5 Bilyon ay
naging P107.5 Bilyon. Pero hindi ito totoo. Ang tunay na halaga nito ay lumiliit dahil sa
bumabagsak na halaga ng piso bunga ng inflation o taun-taong pagtaas ng mga presyo. At
ngayong taon, ang badyet ng edukasyon ay nasa P103.6 Bilyon lamang.
Bukod dito, ang pondo sa edukasyon ay dapat sinusukat sa proporsyon nito sa gross
domestic product o GDP. At kung ito ang gagawin, ang badyet sa edukasyon ay lumiit
mula 2.9% noong 2001 ay naging 2.3% noong 2004. Ngayong 2005, ito ay nasa 3.1% ng
GDP.
Kulang na kulang ito batay sa istandard ng United Nations na nagsasabing ang isang
bansa ay dapat na maglaan ng 6% ng GDP para sa edukasyon. Nangungulelat ang
Pilipinas sa Southeast Asia dahil hindi ito tulad ng Malaysia na nagtutuon ng 7% ng GDP
para sa edukasyon.
Sa survey ng Senate Committee on Education, nasa 84% sa mga public school ang
walang tubig. 25% ang walang kisame. 55% ang walang kuryente, 45% at 43% sa mga
guro ang nagsabing nagdadala sila ng sariling mesa at silya sa klase.
Kalahati ng mga estudyante ay nasa “early shift”, mula 6:20 ng umaga hanggang 12:40
ng tanghali. Ang iba naman ay pumapasok nang 1:00 ng hapon hanggang 7:20 ng gabi.
Pero sa kabila ng ganitong sistema, mahigit 50 estudyante ang nasa bawat klase.
Ani Fornoles, “Kung susundin naming ang regular na oras ng iskedyul, sa dami ng aming
estudyante, malamang na uuwi ang mga estudyante ng 9:00 ng gabi”. Subalit walang
signipikanteng resulta ang sistemang ito sa mga estudyante. Aniya, “Ganun pa rin – hindi
naman gumaling ang mga bata. Nagbibigay kami ng libro pero pinaghahatian ito ng
dalawang estudyante. Kulang na kulang din kasi sa mga guro”.
Ayon kay Ramon Bacani noong 2003, education undersecretary for operations, may
1,000 dagdag na guro ang kailangan ng Caloocan pero “sa ngayong taon, walang badyet
ang national government para sa dagdag na guro”. Humingi sila ng tulong sa mga lokal
na pamahalaan para sa pagkuha ng dagdag na mga titser. “Pero 300 titser lamang ang
kayang tustusan ng munisipyo ng Caloocan,” ani Bacani.
Dapat dagdagan ang pondo sa edukasyon dahil karamihan sa ating kababayan ay umaasa
sa pampublikong pag-aaral kaysa sa pribadong mga paaralan, kung saan mas mataas ang
matrikula. Ngayong taon, tinatayang nasa 17.36 milyon ang enrollees ng mga public
elementary at public high school. Mahigit 2.23 milyon ang nasa mga pribadong
iskwelahan sa basic education.
Subalit hindi lang ang basic education ang kailangang paglaanan ng pondo ng gobyerno.
Dahil dumadami din ang umaalis sa mga pribadong kolehiyo para mag-aral sa mga State
colleges and university.
Sa ulat ng Commission on Higher Education (CHED), tumaas nang 2.4 milyon ang nag-
aaral sa kolehiyo para sa 2002-2003 mula sa 1.87 milyon noong 1994-1995. Sa bilang na
ito, dumami nang 415,972 ang nag-aaral sa mga pampublikong kolehiyo at unibersidad –
mula sa 399,623 ay naging 815,595.
Noong 1980, 10% lamang ng mga nasa kolehiyo ang nasa State Colleges and Universities
(SCUs). Noong 1994, ito ay naging 21%. Noong 2002, ito ay 34% ng kabuuang
Ganunpaman, kahit pa mas mura ang singil sa mga pampublikong paaralan, hindi rin sila
ligtas sa mga pagtaas sa matrikula na naganap sa nagdaang mga taon.
Noong 2003, ang pinakamataas na tuition fee increase sa mga State colleges and
universities ay naitala sa Philippine Normal University (PNU), kung saan tumaas nang
400 porsyento ang tuition fee. Ang per unit tumaas mula sa P10 ay naging P50.
Sa Central Luzon State University (CLSU), tataas ang tuition at iba pang singil nang
298%. Ang Aklan Polytechnic Institute ay magtataas nang 400% sa kanilang matrikula sa
loob ng apat na taon. Sa University of the Philippines (UP) – ang pangunahing State
university sa bansa, ang matrikula ay tumaas ng P300 kada unit mula sa P11 noong 1989.
Sa ibang mga pampublikong unibersidad, hindi tumaas ang matrikula ngunit lumobo ang
iba pang mga singil (na karaniwang tinatawag na “miscellaneous fees”). Sa Polytechnic
University of the Philippines (PUP), ang tuition ay nananatiling P12 kada unit. Pero ang
singil sa late enrolment ay tumaas, mula P10 ay naging P100. Nagkaroon din ng mga
bagong singil tulad ng shifting form, verification of grades per subject, re-admission fee
at singil sa pagbabago ng subject o iskedyul.
Sa UP, ang laboratory fee sa limang departamento at kolehiyo ay tumaas ng P600 mula
P50. Sa mga graduate school nito, ang tuition ay tumaas noong 2001, mula P300 kada
unit hanggang sa maksimum na P700.
Noong May 16, nag-utos ang Commission on Higher Education (CHED) na ang
karaniwang pagtaas ng tuition fee ay dapat na katumbas ng inflation rate o 8.4%. Ayon
kay Dr. Carlito Puno, acting chairman ng komisyon, “Mula ngayon, gagamitin na ng
CHED ang awtoridad nito para sa regulasyon ng tuition at iba pang singil sa mga
Mainam na mainam sana ang balak ng komisyon, kung ito ay totoong totoo. Pero sa
mismong partial report ng komisyon noong Mayo 17 – na inilabas isang araw matapos
ang deklarasyong kokontrolin nila ang matrikula – ang average na pagtaas ng matrikula
para sa academic year 2005 – 2006 ay nasa 11.58%! Kung sa pera, ang halaga ng pagtaas
ay nasa P37.80 kada unit. Sa 18 units na karaniwang kinukuha ng isang estudyante, ang
pagtaas na ito ay nagkakahalagang P680.4.
Ang tanong: paano kokontrolin ng CHED ang matrikula kung ang kanilang kautusan ay
inilabas lamang sa buwan ng Mayo, kung kailan natapos na ang proseso ng pagtatakda ng
matrikula? Karaniwang itinatakda ang matrikula sa buwan ng Pebrero hanggang Marso
bago magtapos ang isang academic year.
Simple lamang ang sagot. Dahil ang inilabas ng order ng CHED ay “pakitang-tao”
lamang. Dahil ang patakaran ng gobyerno kaugnay ng matrikula ay deregulasyon. Ibig
sabihin, binibigyang-laya ang mga kapitalistang-edukador na taon-taong itaas ang
kanilang mga singil dahil napakaluwag ng prosesong dadaanan nila bago magpataw ng
tuition fee increase.
http://www.bulatlat.com/news/4-6/4-6-edukasyon.html
May batas na ginawa pa noong panahon ni Marcos, ang PD 1177, na naglalaan ng prayoridad
sa pagbayad sa utang panlabas ng Pilipinas na kasalukuyan ay umaabot na ng 58 bilyong dolyar
(may balak pa ang rehimen ni Macapagal Arroyo na umutang ng panibago sa halaga ng $500
milyun ). Halimbawa sa ginawang badyet sa taong 2004, sa kabuuang P861 bilyong, P271.5
bilyon o 31.4% ang nireserba sa pambayad ng utang ng Pilipinas. Taon-taon lumalaki ang
tinatakdang pambayad ng utang panlabas ng Pilipinas; sa taong 2003 ito ay lumubo ng dagdag
pa ng P58 bilyon.
Hambingin naman ang badyet para sa militar na tumaas mula sa P42.5 bilyun noong 2003 tungo
sa P45 bilyun sa 2004 laban sa badyet sa lahat ng state colleges at universities (SCUs) na P15.68
bilyun lamang para sa taong 2004. Para sa PNP naman ang badyet sa taong 2004 ay P33 bilyun.
Kaya daw tinataasan ang badyet sa pagamit ng dahas ay para kalabanin ang mga “terorista” sa
Pilpinas sa sugo ni Uncle Sam. Sa kabuuan, ang porsiyento ng badyet ng Department of Defense
sa 2004 ay 5.21%, kalusugan (1.5%), pabahay (0.3%) at edukasyon (kasama na ang para sa
elementarya at sekundaryang baytang, kung saan mayroon tayong milyun-milyong estudyante )
ay 15.4%. (Mula sa Badyet ng Pamahalaan para sa Taong 2004 at manipesto ng Anak Bayan
Youth Party at iba pa, Dec. 10, 2003)
Nananatili din ang kababaan ng sahod ng mga 500,000 guro sa elementarya at sekundaryong
paaralang pambuliko mula P4,000 hanggang P6,000 bawat buwan (sa karaniwan) na take-home
pay pagkatapos ng mga deductions at bayad sa utang. (Datos ng Alliance of Concerned
Ayun din sa PESS: “The daunting medium-term challenge for Philippine education, therefore, is
how to preserve the quantitative gains of the past, improve equity and raise quality – and to
achieve all of these objectives during a period of limited or zero growth in the public budgetary
allocation to education as a whole.” (PESS, p. 11, italics dinagdag) Ang ibig sabihin ng WB-
ADB ay paano mapapairal ng gobyerno ng Pilipinas ang mahusay na pagtutupad nito sa
pagalaga sa interes ng imperyalismo sa harap ng pagtitipid sa edukasyon. Ang sagot – ikulaps
ang mga asignatura at tanggalin ang mga guro na di kailangan ng bisnes ng mga TNCs. Batay sa
ganitong layunin ang PESS ay nagsaad:
“Given lower-cost labor in the People’s Republic of China and some other Asian countries, and
rising labor costs at home reinforced by minimum wage regulations, the Philippines’ future
comparative advantage lies not in unskilled-labor production, but rather in low-end ‘high-tech’
areas, such as electronics manufacturing and tourist services, requiring at least a secondary
school education of reasonable quality.”(PESS, p.1)
Ipinapairal ng PESS ang teorya ng mga kapitalista na ang edukasyon ng isang bayan ay iaayun
sa “comparative advantage” nito sa mga kapitalistang bansa sa harap ng kumpitesyon ng ibang
bansa sa Pangatlong Daigdig. Kaya, kailangang gamitin ang Curriculum 2002 upang
Gusto kong talakayin sa puntong ito ang pagbabago ng kurikulum sa aking paaralan, ang
Unibersidad ng Pilipinas, ang tinatawag na Revised General Education Program (RGEP). Sa
ilalim ng RGEP ay di na kinakilangan kunin ng lahat ng mga estudyante sa UP ang mga
asignatura tulad ng History 1 (History of the Philippines) at Social ScienceII (Social and
Political Thought). Pinapaubaya sa mga estudyante sa partikular sa mga freshmen at sophomore
ang pagpili kung anong asignatura sa GE ang kanilang pag-aaralan. Siyempre, dahil ang mga
estudyante natin ay produkto ng isang sistema sa hayskul at elementarya (kasama dito ang mga
pribadong paaralan), kung saan ang pinapalaganap ay kultura ng kapitalismo, ang idibidualismo
at liberalismo na nakabatay sa pansariling interes, ang malamang kunin ng mga estudyante sa
ilalim ng RGEP ay mga asignaturang pagkakakitaan (kagaya ng mga computer course) o di kaya
madaling ipasa. Ang dating GE program ng UP na kinakailangang kunin ang mga asignatura na
nagpupukaw ng kamalayang nasyonalismo (History I) at nagtatalakay sa iba’t-ibang teoryang
panlipunan ay nahubog sa panahon na umigting ang nasyonalismo sa UP lalo na noong First
Quarter Storm. Ang dating GE na napanalunan ng mga estudyante at guro sa mahabang
pakikibaka upang gawing relebante ang edukasyon sa UP ay binuwag na noong nakaraang taon
(2003). Ang hangad namang ipribatize ang UP sa impluwensa ng WT0 at WB ay nakalahad sa
mga panukulang batas na House Bill 455 at Senate Bill 2587 na nakahain ngayon sa Kongreso
at mahigpit na tinututulan ng mga estudyante at guro ng aking pamantasan. Noong nakaraang
Oktubre, nabugbog ng mga pulis at militar at naaresto ang mga estudyante at guro ng UP na
nag-rali laban sa dalawang panukalang batas na ito sa harap ng Senado.
Upang tunay na palayain ang kaisipan ng mga Pilipino sa mga maling kamalayan na
pinapalaganap ng mga kapitalista, nararapat pukawin muli ang diwa ng nasyonalismo sa ating
mga kabataan. Kailangan palaganapin ang maka-masa at siyentipikong pamamaraan ng pagaaral
ng ating kasaysayan at lipunan at itakwil ang mga teorya na nagpapanggap na siyentipiko na
kinakalat ng mga kapitalista kagaya ng ideyalistang pananaw na “ceteris paribus” sa economics.
Nararapat labanan din ng mga mulat na kabataan ang mga bahid ng pyudalismo sa ating kultura,
Maaring gawan ang isang rebolusyon kultura kung saan ang mga kabataan ay magiging
pangunahin at aktibong lalahok sa loob at labas ng mga paaralan. Nangangaliangang makilahok
ang mga kabataang na sinasandatahan ng magpalayang teorya ng dyalektikal at istorikal
materyalismo sa mga lugar kung saan naroroon ang batayang masa ng Pililpinas, sa mga
pagawaan at kanayunan. Ang katotohanan ng isang ideya ay nalalaman lamang sa praktika, kaya
kailangan lumabas ang mga estudylante sa kanilang mga klasroom at makisalamuha sa mga
organisasyon ng batayang uri, sa mga teach-in, fora, simpo, rali at live-in. Sa loob naman ng
mga kampus, mahalagang hikayatin ang mga ibang estudyante na nagiging biktima ng mga
maling ideya na sumali sa mga organisasyon na naglalayun makamit ang isang lipunang Pilipino
na nakabatay sa adhikain ng nasyonalismo, na may maka-masa at kritikal na pagiisip. Maaari
itong matupad sa mga paaralan sa pamamagitan ng paghawak sa mga dyaryo ng mga
progresibong estudyante o pagkuha sa mga liderato sa konseho ng mga estudyante.
Ang rebolusyong kultural na ito ay maaaring maging bagong sigwa ng dekada na ito sa hanay
ng mga aktibistang kabataan.. Ang rebolusyong kultural ay mabisang kasangkapan upang
mapabilis ang tagumpay ng kilusan ng mga mamayang Pilipino upang makamtan ang isang
may-kasarinlan at makatarugang lipunan. Ang kasalukuyang panahon ng ating bansa, kung
saaan milyun-milyung mga Pilipino ay nawawalan na ng pagaasa sa umiiral na sistema, ay
napakainam sa paglaganap ng rebolusyong kultural na ito na sasabay sa pakikibaka ng masa
upang buwagin ang mala-kolonyal at mala-pyudal na istruktura ng ating lipunan at magtatag ng
bagong sistema. Bulatlat.com
• Ang pagka-MakaDiyos
• Ang pagka-Makatao
• Ang pagka-Makakalikasan
• Ang pagka-Makabansa
• 1 Kasaysayan
o 1.1 Buhat sa Mehiko
o 1.2 Simula sa Pilipinas
• 2 Sa kasalukuyan
• 3 Tingnan din
• 4 Sanggunian
• 5 Kawing panlabas
Kasaysayan [baguhin]
Sa Pilipinas, nagumpisa ang tradisyon noong 1669, nang magsagawa ang mga pari ng
mga pangmadaling araw na misa para sa mga magsasakang nais dumalo ng misa tuwing
pasko ngunit hindi maaaring maiwan ang sakahan.[1] Idinaos ito tuwing Adbiyento bilang
paghahanda sa pagdating ng araw ng pagsisilang kay Hesus.[1] Kadalasan itong
isinasagawa tuwing hatinggabi, kaya't binansagang itong Simbang gabi ng mga Pilipino.
Hanggang ngayon, Ang mga Pilipino ay gumigising tuwing madaling araw para dumalo
Ilan sa mga nakasanayan ng mga Pilipino na may kaugnayan sa Simbang Gabi ang
pagtitinda ng mga nakaugaliang pagkain, tulad ng puto bungbong (kulay ube na gawa sa
malagkit, nilalagyan ng niyog at ng asukal na pula), bibingka (tinatawag ding putong
bibingka), suman sa pasko, suman sa ibos, pandesal, at mga inuming salabat, tsokolate,
tsaa, at kape[4], na itinitinda sa tapat ng simbahan para sa mga dumalo ng misa.[3][1] Sa
kalsada, matutunghayan ang pagsasabit ng mga makukulay na mga ilaw at mga parol sa
mga dungawan, sa mga pintuan, sa mga sanga ng puno, at sa mga kanto ng mga daanan.[1]
Pinatutugtog din ang mga musikang pamasko. Sa kabahayan ng mga pamilya,
nagkakaroon ng pagsasalong Notse Buena (binabaybay din ayon sa Kastilang Noche
Buena o "mabuting gabi") - partikular na sa huling araw ng pagnonobena, kung saan may
handang ring bibingka, puto bungbong, inuming salabat o tsokolate, keso-de-bola (bilog
na keso o bolang keso).[3][1]
Sa kasalukuyan [baguhin]
• Pasko sa Pilipinas
• Awiting Pamasko
1. ↑ 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 1.10 1.11 1.12 1.13 Simbang Gabi, Mass at Dawn, Mass of the
Gifts, SimbanggabiNYC.com
2. ↑ 2.0 2.1 "Simbang gabi". English, Leo James. Tagalog-English Dictionary (Talahulugang
Tagalog-Ingles). (1990).
3. ↑ 3.0 3.1 3.2 3.3 3.4 3.5 3.6 3.7 Simbang Gabi/Mass at Dawn, RCam.org
4. ↑ 4.0 4.1 4.2 4.3 4.4 Del Rosario M.M. Filipino Christmas Tradition - Simbang Gabi 85,
Hubpages.com
http://correctme.multiply.com/journal/item/30/ALTERNATIBONG_PULITIKA_SA_PIL
IPINAS
4. Sa aspetong pang-ugnayan:
Kabisoteng Edukasyon
http://plumaatpapel.wordpress.com/2008/10/12/kabisoteng-edukasyon/
Hinahamon niya tuloy, noon pa man, ang mga opisyal ng gobyerno at mga
edukador na may kolonyal na mentalidad na magbago ng mga patakaran at
paninindigan at huwag igiit na Ingles ang gamiting wikang panturo agad sa
elementarya, lalo na nga sa siyensiya at matematika. Ayon sa kanya, dapat na
magtayo ang Kagawaran ng Edukasyon sa ilang piling lugar sa bansa ng tinatawag
na “pilot schools” na wikang Filipino — katulong ang katutubong mga diyalekto —
Compiled by: April M. Bagon-Fealdan 2009 aprilbfaeldan@yahoo.com
ang gagamiting panturo sa mga mag-aaral sa elementarya, lalo na’t sa nabanggit na
dalawang araling akademiko. Batay sa kanyang pagsusuri, tinitiyak niyang
magiging mahusay ang resulta nito sa kabuuan.
Habang nasa kani-kanilang sariling wika ang edukasyon ng halos lahat ng bansa sa
mundo — Kastila sa Amerika Latina, Pranses sa Pransiya, Ruso sa Rusya, Nippon-
Go sa Japan, Fookien at Mandarin sa Tsina, Bahasa Indonesia sa Indonesia, Aleman
sa Alemanya, at marami pang halimbawang mababanggit — bukod tangi ngang
nasa banyagang wikang Ingles ang sistema ng edukasyon sa ating bansa.
Nagkaroon tuloy ng nakasusukang pakahulugan ang mga elitista’t may kolonyal na
kaisipan na “hindi edukado” at “bobo” ang sinumang hindi marunong o mahina sa
Ingles at “nasisiraan na ng ulo.” ayon noon sa isang Max Soliven sa isang kolum
niya sa Manila Times (Pilipino In, English Out: Are We That Nutty?) kapag
niyakap natin ang sariling wika at pinabayaan ang Ingles.
“Kung susumahin,” ayon kay Dr. Prudente, “ang problema’y nasa sistema at
balangkas: elitista, kolonyal, maka-kapitalista, maka-pribadong mga paaralan.”
Binigyang-diin pa niya na sa dispalinghadong mga patakaran ng gobyerno, “hindi
na katakatakang talagang ayaw nilang paunlarin ang kalidad ng pamumuhay ng
masang sambayanan kabilang na ang pagkakaloob ng de kalidad na edukasyon.
Pinaglalaruan lamang nila ang mga maralita at iliterado, pinaaasa lamang kung
eleksiyon at, pagkatapos, kalilimutan na.” Ayon tuloy sa kanya, “sa ilalim ng
kasalukuyang sistema — at pababa nang pababa pa nga ang kalidad ng edukasyon
— halos wala nang pag-asa ang masang makaahon sa kinalulublubang burak,
nananatiling nagdaralita, habang namamayagpag sa kayamanan at glorya ang
mayayaman.”
Bukod sa mga nabanggit, puspusan din ang pagsisikap ng ordeng relihiyoso — lalo
na mula sa kampo ng Simbahan — sa pagtatayo at pagpapalawak ng kani-kanilang
mga paaralang sagad hanggang langit ang matrikula sa lahat ng antas ng
edukasyon. Mulang kindergarten hanggang kolehiyo, sabi nga, walang karapatang
mag-aral doon ang anak ng isang Juanang Basa at Pedrong Tigas (ibig sabihin ang
mga anak-anak ng karaniwang mga manggagawa, magsasaka’t mangingisda o
nabibilang sa hukbo ng mga walang-wala).
Dahil sa ganitong kalakaran, batay sa obserbasyon noon ni Dr. Prudente, hindi nga
malayong magsara at isapribado sa malapit na hinaharap ang maraming paaralang
pinatatakbo ng gobyerno sa kapinsalaan, higit sa lahat, ng maralitang mga
mamamayang walang kakayahang pag-aralin sa mandurugas na pribadong mga
paaralang pag-aari ng mga santo-santito at diyus-diyosan sa lipunan.
Sapagkat balintuna’t makadayuhan pa nga ang mga patakaran ng gobyerno hindi
lamang sa larangan ng edukasyon, kundi maging sa iba pang larangan, “lubhang
napapanahong sama-samang kumilos,” sabi ni Dr. Prudente, “ang lahat ng
makabayan, progresibo at demokratikong mga puwersang nagmamalasakit sa
pampublikong edukasyon para sa kapakanan ng masang sambayanan.” Sa punto
niya, “kinakailangang pagtuunan ng pansin at malalim na suriin ang kasalukuyan
at hinaharap pang mga problema ng pambayang edukasyon. Maaaring gawing
makabuluhang gabay ang nakaraang kasaysayan nito na hitik ng kapabayaan dahil
na rin sa mga elitista at may diwang kolonyal na lantarang kumukontrol sa
sistemang pampulitika at pang-ekonomiya ng bansa.”
(Kolum)
Ikaapat na Lektyur:
KRISIS NG KULTURANG PlLIPINO
Kasaysayan
Pinasinayaan ang CCP noong 1969 at nagsilbing tahanan ng mga sining sa
Filipinas. Nilikha ang CCP sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 30
na may layong itampok at panatilihin ang mga Filipinong sining at kultura.
Pormal itong binuksan noong 8 Setyembre 1969. Mula nang itatag ang
nasabing institusyon, sinikap na nitong isabuhay ang logo nitong
sumasagisag sa “katotohanan, kagandahan, at kabutihan” ang tatlo “K” na
gumagagad wari sa Katipunan nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto.
Nasa ilalim ng Opisina ng Pangulo ang CCP, at saklaw ng Pambansang
Komisyon para sa Kultura at mga Sining, alinsunod sa isinasaad ng
Kautusang Tagapagpaganap Bilang 80.
Itinatanghal ng CCP ang mga tagumpay sa sining ng Filipino; hinihikayat ang
paglikha ng orihinal na obrang inspirado ng tema at tradisyong Filipino; at
tumutulong na mailapit ang sining sa lahat ng sektor ng lipunan. Itinataguyod
din nito ang pagtatatag ng mga sentrong panrehiyon sa pakikipagtulungan sa
mga samahang lokal, at inililibot ang mga residenteng artista at iba pang
alagad ng sining mula sa mga rehiyon sa pamamagitan ng CCP Outreach
Program.
Ilang kompanya na kumakatawan sa iba't ibang sining ang nasa loob ng CCP.
Kabilang dito ang apat na residenteng kompanya sa sayaw: Ballet
Philippines, Philippine Ballet Theater, Bayanihan Philippine Folkloric Group, at
Ramon Obusan Folkloric Group. Samantala, ang Tanghalang Pilipino ang
residenteng kompanya sa teatro. Ang mga residenteng kompanya naman sa
Sanggunian
Opisyal na website ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas, na matatagpuan
sa CCP .
Cultural Center of the Philippines Brochure, 2007
Iba't ibang mga topics ang pokus ng programa pero ang audience nila ay mga ilaw
at haligi ng tahanan. Ang titulo naman ng palabas ay "Moms" dahil sinasalamin ng
mga hosts ng programa ang makabagong ina. Bukod sa pagiging mapagalaga,
ipinapakita rin ng Moms na ang mga ina ay matalino, malaya at tunay na ilaw ng
kanilang mga pamilya.
Sa pamamagitan ng mga celebrity guests, tinatalakay ng palabas ang mga topics na
gaya ng sex education para sa mga bata, kung paanong ang modern parenting, at
iba pang mga problema na kinakaharap ng mga ina sa pagpapalaki sa kanilang
mga anak. Hanggang ngayon ay women empowerment at pagbibigay pa rin ng
makabuluhang impormasyon ang pakay ng Moms bilang isang programa, para sa
modernong ina.
Ayon sa Koran, ang banal na aklat ng mga muslim, lahat ng babae at lalake ay
kinakailangang manamit ng karapatdapat sa publiko. Dahil dito, ang mga lalake
ay tinatakpan ang kanilang katawan mula tiyan hanggang tuhod, samantalang ang
mga babae naman ay tinatakpan ang buong katawan pwera mukha, kamay at paa.
Isa sa mga tradisyunal na telang ginagamit ng mga kababaihang muslim na
pantakip ng ulo ay ang Sahal.
Ngayon, mapaMuslim man o hindi, gumagamit na ang mga pinoy ng Sahal kahit
saan. Madalas makikita ang mga kababaihang suot ito na parang bandana kapag
pumupunta ng mga concert o gigs. Sa mga lalaki naman, nilalagay sa kanilang
mga leeg na parang “scarf” ang dating. Kaya’t pinapakita mo man ang iyong
pananampalataya sa pagiging muslim o di kaya’y gustong pumorma sa tagginaw
man o taginit, ang sahal ang bagong bandanang nababagay kahit san man.
1980s noong unang sumikat ang mga Jelly shoes. Ngayon ay muli itong makikita
sa mga pangunahing malls at maging sa mga bangketa.
Gawa ang jelly shoes sa mga jelly rubber na isang uri ng gomang PVC. Malajelly
ang halos kita nitong materyales at unang lumabas matapos ang World War II ng
magkaroon ng kakulangan sa balat sa Europa.
Ano nga ba ang panghatak ng jelly shoes at tinatangkilik ito uli?
Mura at nakakatuwa ang mga makukulay na disenyo nito kaya’t tamangtama para
sa mga bata. Ngunit marami na ring mga babae, dalaga man o may asawa ang
naengganyong magsuot nito dahil sa presyo, pagiging kumportableng suotin at
fashionable na disenyo.
Kadalasang flat ang mga jelly shoes ngunit may ibang modelong may makapal
ngunit mababang takong. Tulad ng mga sandals at flip flops na uso rin ngayon,
bagay ito sa mga kaswal na kasuotan o yung mga pangarawaraw na bihis.
Para sa mga taong onthego palagi, tiyak na dadayuhin ninyo ang Amazing
Cones. Hindi lamang ice cream ang pambato ng bagong tindahan na ito kundi pati
iba’tibang klase ng mga pizza.
Sa Italya nagmula ang mga unang pizza na isineserve sa cone. Isa itong
makabagong paraan na pumatok sa maraming Europeo dahil na rin sa madali itong
kainin kahit pa nga naglalakad ka. Hindi ito nakaligtas sa Pinoy entrepreneur na si
Dondi Onate habang namamasyal sa Europe. Ito ang nagmotiba sa kanyang
buksan ang unang Amazing Cones sa Pilipinas.
Bukod sa madaling hawakan at kainin ay sulit na sulit ang isang pizza sa Amazing
Cones. Mas mabigat at malaman ito kaysa sa ordinaryong pan pizza. Marami ring
flavors ito na pagpipilian kayat tiyak na hindi magsasawa ang mga tatangkilik dito.
Dahil sa kahusayan sa pagkanta, kakaibang swerte at sa YouTube, naabot ni
Charice Pempengco ang pangarap ng karamihan sa Pilipinong mangaawit ang
magperform sa international audience.
Disyembre nang nakaraang taon nang lumabas si Charice Pempengco sa
programang Ellen. Pinakita ni Charice ang kanyang angking galing nang kanyang
kinanta sa harap ng mga nagpapalakpakang Amerikano ang awiting "And I Am
Telling You I´m Not Going" at "I Will Always Love You."
Unang nasilayan ang boses ni Charice sa singiing contest ng ABSCBN na "Little
Big Sta" na kung saan nakamit niya ang Third Place. Isang Youtuber naman ang
Nakita naman ng Ten Songs Production, isang recording company na nakabase sa
Sweden, ang YouTube video na ito at siyang inimbitahan si Charice upang
pumunta sa Sweden upang magrecord ng album.
Samantala, nakita naman ng isang broadcasting System sa Seoul, South Korea ang
pagkanta ni Charice ng "And I Am Telling You I´m Not Going" sa YouTube rin
kaya't inimbitahan nito si Charice sa sikat na programa sa Korea na Star King.
Marami ulit ang napabilib ni Charice sa kanyang boses kaya't nilagay ng mga
nakapanood ang episode na ito sa YouTube Ang programang ito ang nakita ni
Ellen DeGeneres at siyang nagtulak sa Amerikanang host/komedyante na gawing
panauhin si Charice sa kanyang programa.
Dahil dito, regular na ring nakikita si Charice sa mga lokal na programa at
iniimbitahan na rin siya ng mga lokal na mangaawit tulad ni Martin Nievera para
maging panauhin sa kanyang concert. Ngayon, hindi lang sa ibang bansa sikat sa
Charice Pempengco, sikat na rin siya sa kanyang sariling bansang Pilipinas.
Nabuo noong 1994 at nakilala sa pangalang “Cheese”, ang Queso ang pinakasikat
at pinakamaingay na bandang Pinoy ngayon. Binubuo ng pitong myembro, ang
Queso ay napagdaan na ang bawat pagsubok ng paggawa ng musikang hindi man
matanggap ng masa nung una, ay ngayo’y isa sa mga hinahangaan at inaabangan.
Mula nang nilabas ang unang selftitled album na “Cheese” sa ilalim ng Warner
Music Philippines noong 1998, nasundan ito ng “Pilipinas” album nang 2001 at
ang independent album na “Queso” noong 2006. Sa gitna ng pagtugtog ng Queso
sa Luzon, Visayas at Mindanao, naimbitahan rin sila tumugtog sa 2000 Pusan
Rock Festival sa Korea at nanalo bilang representative ng Pilipinas para sa “World
Battle of the Bands (WBOB)” sa Hong Kong. Hindi man sila nanalo sa WBOB,
nanatili pa ring matunog ang pangalan ng Queso hindi lang sa sarili nilang bansa,
pati na rin sa buong mundo.
Ang Queso ay binubuo ni Tuts Calinawan(bass), 8 Toleran (guitars), Enzo
Ruidera(guitars), Bboy Garcia (turntables), Robert Dela Cruz (drums), CJ
Olaguera (percussions) at Ian Tayao (vocals). Naging parte rin ng Queso si RT de
Ano (turntables) Paolo Rosal (drums) sa Queso at nananataling mabuting kaibigan
Sa ngayon, lingolingo pa rin tumutugtog ang Queso sa iba’t ibang bar sa Manila at
probinsiya. Mabibili ang mga CDs, tshirts at ang “Buhay Queso” DVD sa mga
record stores at sa banda mismo.
Para sa “mga daga”, ang tawag sa fans ng banda, mananatiling isang inspirasyon
ang Queso sa paggawa ng kakaibang Pinoy na tunog na pwedeng ipagmalaki sa
buong mundo. Sa mga nagaabang na susunod na album ng Queso, wag magalala
dahil kasalukuyang gumagawa ng bagong musika ang grupo at mananatili sa
eksena ng musikang lokal at internasyonal.
Ang bandang Sugarfree ay maihahalintulad sa musika nila – simple pero may
ibubuga. Sabay sa ritmong masarap pakinggan ay ang malalim na liriko. Tamang
Unang nakilala ang Sugarfree sa mga awiting Telepono at Mariposa mula sa debut
album nilang “Sa Wakas”ngunit higit silang natandaan sa mga awiting “Hari ng
Sablay” at “Makita Kang Muli” na ginamit sa teleseryeng “Panday.”
Kinabibilangan nina Ebe Dancel, Jal Taguibao at Kaka Quisumbing, ang trio ng
Sugarfree ay walong taon ng aktibo sa industriya ng musika at nakagawa ng
tatlong tagumpay na album. Nagkamit na rin sila ng iba’tibang karangalan mula
sa NU Rock Awards at Awit Awards.
Sa kabila ng kabikabilang prediksyon na hindi na panahon ng mga banda sa
Pilipinas ay nagawa ng Sugarfree na patuloy na mamayagpag. Noong nakaraang
taon lamang ay itinanghal ng banda ang una nilang major concert kung saan
panauhin nila ang tanyag na Manila Symphony Orchestra.
Klasipikado bilang isang World Heritage City, ang Vigan ay matatagpuan sa Ilocos
Sur. Karamihan ng bumibisita dito ay namamangha sa matandang arkitektura nito
at oldworld na ambiance ng lugar. Ang pagtapak sa Vigan City ay maihahambing
sa isang pagatras sa panahon, sa mga taon na ang Pilipinas ay nasa ilalim pa ng
bansang Espanya.
Ayon sa isang 2000 census, ang Vigan ay may populasyon na 45,143 people sa
9,193 na mga kabahayan. Si Elpidio Quirino, ang panganim na presidente ng
Pilipinas, ay nanirahan din sa Vigan.
Ang mga cobblestoned na kalsada at mga calesa na nakapalibot sa plaza ay
pandagdag sa ganda ng kakaibang lugar na ito. Maaari ding magtour sa palibot ng
Vigan upang makita ang mga lumang bahay at mga simbahan, bukod sa iba't ibang
mga museum na hitik na hitik sa kasaysayan ng nakaraan.
Nagsimulang ilathala ang Pugad Baboy noong 1988 sa pahayagang Inquirer.
Konsepto ito ng arkitektong si Pol Medina Jr. tungkol sa isang komunidad na
tinitirhan ng mga matatabang tao. Iba’tibang pamilya ang nakatira dito ngunit ang
pinakapopular na karakter ay hindi tao kundi ang asong si Polgas.
Sa mahigit dalawampung kumpilasyon ng seryeng Pugad Baboy ay nasaksihan ng
mga mambabasa ang maraming karakter na ginampanan ni Polgas. Naging deep
penetration agent ito, nag malaUndertaker, Sigmund Freud, Wolverine at iba pa.
Ito rin ang sinasabing higit na nagkakarakterisa sa mayakdang si Medina.
Sa kasikatan ng seryeng ito ay ginawa rin itong programa sa telebisyon at
nagkaroon ng mga damit at laruang hango sa mga karakter dito.
Habang patuloy si Medina sa paggawa ng Pugad Baboy ay asahan ang
katatawanang may kabuluhan na mas masarap basahin dahil inilalarawan nito ang
mga Pilipino sa kasalukuyang panahon.
Ang ibig sabihin ng Bayanihan ay ang samasamang pagkakaisa sa ilalim ng isang
layunin. Galing ang salitang ito sa isang tradisyon ng mga Pilipino na kung saan
samasamang tutulong ang mga tao upang buhatin ang buong bahay ng isang
pamilya at tulungan ito lumipat papunta sa isang lugar.
Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng paglagay ng mga "bamboo poles" sa ilalim ng
bahay kubo upang makagawa ng matatag na balangkas upang madaling mabuhat
ang buong bahay. Ang mga kalalakihan naman ay nakapwesto sa magkabilang
dulo ng mga "bamboo poles."
Ang tradisyon na Bayanihan ay sinusundan ng isang maliit na pyesta na
pinamumunuan ng pamilyang tinulungan ng mga tao. Ito ay ginagawa ng pamilya
bilang pasasalamat.
Nilarawan ng National Artist na si Carlos "Botong" Francisco ang tradisyong ito.
Lumikha rin si Joselito E. Barcelona ng larawan na pinapakita ang Bayanihan na
nakagawian na ng mga Pilipino.
Napakalaki na ng naging kontribusyon ni Lisa MacujaElizalde sa mundo ng arte
at kultura dito sa Pilipinas.
Dating nabansagang "Ballerina of the People", kilala si Lisa MacujaElizalde
bilang isang tanyag na Prima Ballerina dito sa Pilipinas at sa ibang bansa. Kasama
sa mga patimpalak na ginawad sa kanya sa kanyang mahabang karera bilang
ballerina at artist ang Order of International Friendship (na ginawad ni Russian
President Vladimir Putin noong 2001), Ten Outstanding Young Persons of the
World (1997), at ang Special Prize for Artistry by the House of Diaghilev (1992).
Siya rin ang kaunaunahang Pilipina na ballerina na naguwi ng laureate prize at
Kahangahanga ang naging karera ni Lisa dahil na din sa mga tanyag na guro at
paaralan ng sayaw kung saan siya ay nagaral. Naging scholar siya ng USSR
Ministry of Culture at nakapasok ng Vaganova Choreographic Institute (na ngayon
ay tinatawag nang Academy of Russian Ballet) sa Saint Petersburg noong 1982, at
doon ay nahasa siya sa pagsayaw at natuto mula sa dating former Kirov ballerina
na si Tatiana A. Udalenkova.
Matapos niyang magtapos bilang pinakamagaling sa kanyang klase ay naging
kaunaunahan siyang foreigner na naimbitahan upang sumali sa Kirov Ballet
isang kilala at batikan na 260taong gulang na institusyon ng sayaw. Mula dito'y
sunodsunod na ang mga naging tagumpay niya.
Dahil na rin sa pagmamahal niya sa pagsayaw at sa kanyang bansa, naging aktibo
si Lisa MacujaElizalde sa mga lokal na pangkulturang mga proyeko. Sa
kasalukuyan, siya ang tumatayong Artistic Director ng Ballet Manila. Siya rin ang
kasalukuyang Vice Chairperson ng Philippine UNESCO National Commission.
Plano ng popular na pari na magpatayo ng isang marangyang shrine alay sa
Birheng Maria sa Montemaria sa Batangas, ang probinsyang kinalakhan niya.
Tinatayang matatapos ang proyekto sa limang hektaryang lupain na ito sa loob ng
limang taon.
Una ng naitatag dito ang puting stage kung saan nagmisa si Father Suarez noong
2006. Noong Enero 2007 naman isang mataas na estatwa ng Birheng Maria ang
inilagak . Bukod sa estatwa ay nasa plano rin ang pagkakaroon ng mga kapilya,
rosary garden, kolumbaryo, retreat at lodging houses at ang kawangis ng Tahanan
ng Birheng Maria.
Ang multimilyong shrine na ito ay pinuntahan na ng daandaang mga deboto lalo
pa at aprubado ng Simbahang Katoliko ang panggagamot ni Father Suarez.
Ang “Kulam” ay ang Pinoy Black magic, samantalang ang “mangkukulam”
naman ay ang katumbas ng mga witch sa ibang bansa at ang “mambabarang” ay
warlocks. Gumagana nga ba ang mga sumpa ng mangkukulam?
Gaya ng mga witch, ang mangkukulam ay gumagawa ng mga potion, nagbibigkas
ng mga sumpa at gumagamit ng manika para gantihan o bigyan ng masamang
tadhana o sakit ang isang tao. Sa panahon ngayon, maraming nababalitang mga
mangkukulam ang nagpapabayad para gumawa ng sumpa.
Kapag nabiktima ng mangkukulam ang isang tao sa pamamagitan ng manika,
lahat ng gawin ng mangkukulam sa manikang ito ay mangyayari rin sa taong iyon.
Minsan nga’y ito pa ang nagiging dahilan ng kanilang pagkamatay. Dahil dito,
maraming tao, lalo na sa mga probinsya, ang humihingi ng tulong sa mga
mangkukulam para makaganti sa isang tao.
Magisa man gumawa ang mga mangkukulam ng kanilang “voodoo”, kadalasan
daw ay nabibilang sila sa isang kulto. Ang pagiging mangkukulam daw ay
pinapasa ng mga magulang at mga naunang henerasyon. Kapag malapit na daw
Madami man nagsasabing hindi totoo ang kulam, napakadaming pangyayari at
kuwentong nagkalat tungkol sa mga hindi maipaliwanag na nangyayari sa isang
taong pinagdududahang kinukulam. Dahil dito, naniniwala ka man sa kulam o
hindi, mabuti nang maging mabait ka sa kapwa para walang magtangkang
magpakulam sa ‘yo.
Meditasyon: Kapangyarihan ng
Katawan at Pag-iisip
Ang meditasyon ay kakaibang antas ng pagiisip kung saan ang isang tao ay
matindi ang konsentrasyon sa isang bagay o layunin. Ito ay pinaniniwalaan ng
marami na nakakabuti sa ating pangkalahatang kalusugan.
Sa panahon ng mental o pisikal na istres, maraming mga tao ang umaasa sa
Maraming pagaaral ang nagpapakita ng mabuting epekto ng meditasyon sa
kalusugan ng isang indibidwal, at hindi lamang ito sa pisikal na aspeto. Bukod sa
pagtanggal ng istres, ginagamit din ang meditasyon para makarekober sa
depresyon at lungkot. Naghahatid din ito ng mabuting pakiramdam, mga ideya sa
paglikha at masayang disposisyon. Sa patuloy na praktis sa meditasyon, maramng
nagsasabing pati ang ispiritwal na aspeto ng kanilang buhay ay gumanda. Kasama
dito ang positibong tingin sa lahat ng aspeto ng buhay at ang pagiging handa at
matibay sa mga pagsubok na haharapin.
Ang Animismo
Ang paniniwala sa animismo ay paniniwala na ang mga hayop, bagay, gulay at tao
ay may kaluluwa. Madalas na makikita ang paniniwala sa animismo sa mga
kulturang "huntergatherer." Karaniwan ay itinuturing ang tao bilang kapantay ng
mga hayop, halaman at iba pang puwersa ng kalikasan kaya't mahalaga na ang
lahat ng ito ay ituring ng may respeto at paggalang.
Sa animismo, ang tao ay bahagi ng kalikasan at hindi mas mataas, superyor o
hiwalay dito.
Ngayon, ang ilan sa mga naniniwala sa animismo ay matatagpuan sa mga bansang
Congo, Zambia, Bangladesh, Indonesia, Laos, Hapon, Canada at Pilipinas.
Ang konseptong ito ay makikita at masusing ipinaliwanag ni Barge Ramos isang
fashion designer na kilala sa kanyang gawang mga Barong Tagalog sa kanyang
libro, Pinoy Dressing: Weaving Culture into Fashion.
Ayon kay Ramos, posibleng sumunod sa makabago at pinakauso na kasuotan
ngunit maging Pinoy na Pinoy pa rin ang dating nito. Naniniwala si Ramos na ang
mga damit ng Pilipino ay kailangang ipinagmamalaki ang kasaysayan at kultura.
Sinulat niya ang paniniwala niyang ito sa isang kolum sa pahayagang Malaya mula
19901995.
Ang ilan sa mga sinulat nya sa kolum na iyon ay siyang pinagsamasama sa "coffee
table book" na eto na siyang dumedetalye kung paano nahugis ng kasaysayan ang
paraan ng pananamit, paniniwala at tradisyon ng mga Pilipino.
Ang halimbawa ni Ramos ay ang Barong Tagalog na siyang pinilit na pinapasuot
sa mga Pilipinong ilustrado noong panahon ng mga Kastila. Ang dahilan nito ay
upang malaman ng mga Kastila kung may tinatagong armas o sandata ang mga
Pilipino noon na siyang madaling makita dahil sa nipis ng tela ng Barong Tagalog.
I. MGA LAYUNIN
II. PAKSA
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
2. Pagganyak
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
2. Pagtatalakayan
3. Paglalahat
4. Paglalapat
5. Pagpapahalaga
IV. PAGTATAYA
V. KARAGDAGANG GAWAIN
I. MGA LAYUNIN
II. PAKSA
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
2. Pagganyak
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
2. Pagtatalakayan
Itanong:
• Anong kaugaliang Pilipino ang nakikita dito.
Kailangan bang baguhin ito? Ipaliwanag.
- “Mañana habit”
- Bahala na ang Diyos
3. Paglalahat
4. Paglalapat
5. Pagpapahalaga
IV. PAGTATAYA
_______ 5. Gaya-gaya
V. KARAGDAGANG GAWAIN
www.rockczar.com
MIGUEL Q. RAPATAN
Tagapangulo ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino 2005-2006.
Propesor sa Departamento ng Komunikasyon sa De La Salle
University. Sa pamamagitan ng Fulbright Grants, tinapos niya
ang kanyang M.A. Communication (Documentary Film) sa
Stanford University at Doctorate sa Communication, Computing
and Technology in Education sa Teacher’s College ng Columbia
University (New York). Si Dr. Mike ang naging editor,
manunulat, at director ng di iilang mga documentary at pang-
BUTCH FRANCISCO
Tagapangulo, MPP, 1989-91. Nagtapos ng Creative Writing
(screenwriting) sa Harvard University noong 1998.
Kasalukuyang miyembro ng Cinema Evaluation Board at host ng
Star Talk ng GMA. Nagrebyu ng mga pelikula tuwing Biyernes sa
Butch Review, isang segment ng Cristy per Minute ng ABS-CBN.
Naging host ng Showbiz Lingo sa ABS-CBN tuwing Linggo.
Nagkolum sa People’s Journal at Times Journal. Nagsulat ng
mga rebyu at panayam sa Philippine Daily Inquirer. Kolumnista
sa The Philippine Star. Dating managing editor ng TV Times,
Parade Magazine at We Forum at kolumnista at editor sa
Malaya. Naging media director ng Film Academy of the
Philippines. Nakapaglathala ng mga rebyu at artikulo sa
Panorama at Sunday Magazine. Nagtapos ng Journalism sa
Unibersidad ng Sto. Tomas. Hurado sa Gawad Telebisyon ng
Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ( CCP ), 1987 at 1989, sa
Metro Manila Film Festival mula 1990 hanggang 1993, sa
Catholic Mass Media Awards 1990-91, CCP Short Film and Video
MARIO A. HERNANDO
Tagapangulo ng MPP noong 2001-2002, 1985-86 at 1992-
94. Editor ng Weekend Malaya. Dating Managing Editor ng
pahayagang Malaya at Sunday Magazine ng Malaya. Kasapi sa
Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) .
Special lecturer sa film sa Faculty of Arts and Letters sa UST.
Nagrebyu ng mga pelikula sa Movie Magazine, isang programa
sa television na naging Channel S, sa loob ng pitong taon.
Naging co-host ng Stars and Spies (naging S.S.S.), isang
primetime talk show ng IBC 13, Hollywood Manila sa PTV4,
Pamana ni Brocka sa PTV4, Tele-Vi sa PTV4, Editor ng isang
aklat ang Lino Brocka: The Artist and His Times (nilimbag ng
CCP, 1993). Kinatawan ang Pilipinas sa International Film
Festival of Tashkent sa USSR noong 1988, International Film
Festival of India sa Calcutta noong Enero 1990, Telluride at New
York Film Festival sa Amerika noong 1991, ASEAN Film Week sa
Singapore noong 1994, Focus on Asia 1996, Fukuoka
International Film Festival, at 1999 Chicago International
Festival. Kinatawan din ang Pilipinas sa International Visitor
Program ng United States Information Service sa pitong lungsod
sa Estados Unidos noong 1991. Hinirang na hurado ng FAMAS
noong 1974, Catholic Mass Media Awards mula 1976-1980,
Short Film Festival ng Experimental Cinema of the Philippines,
Film and Video Festival ng CCP, Gawad CCP para sa Telebisyon,
at Metro Manila Film Festival. May akda ng lathalaing nilimbag
sa apat na libro sa pelikula at mass media.
BIENVENIDOLUMBERA
Tagapangulo ng MPP, 1977-78, 1980-81. Ginawaran ng
Ramon Magsaysay Award noong 1993, ng Gawad CCP para sa
Sining (cultural research) noong 1991, at CCP Centennial Honor
for Arts noong 1999. Dating director ng UP Film Center,
propesor ng Panitikang Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas, at
dating editor ng Sagisag at Diliman Review. Nagtapos ng M.A.
at Ph. D sa Comparative Literature sa Indiana University.
ROLANDO B. TOLENTINO
Associate Professor sa Departamento ng Pelikula at
Awdyobiswal na Komunikasyon, Kolehiyo ng Pangmadlang
Komunikasyon, Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Acting
Director ng U.P. Film Institute. Nagkamit ng Ph. D. sa Film,
LITO B. ZULUETA
Pinuno, Literary Arts Committee, National Commission for
Culture & the Arts. Miyembro, Technical Panel on the
Humanities, Commission on Higher Education. Tagapangulo,
MPP, 2004-2005. Peryodista at editor. Nagtapos ng A.B.
Journalism sa Faculty of Arts and Letters ng Unibersidad ng Sto.
Tomas. Naging Associate Editor ng Manila Chronicle kung saan
siya nagwagi ng Best Editorial noong 1993 sa Journalism
Awards ng Manila Rotary Club. Ang kanyang mga review at
kritisismo ay regular na lumalabas sa Philippine Daily Inquirer
(PDI) at Metro Magazine. Sumulat ng mga dokumentaryong
pangtelebisyon tulad ng Revolucion, ang natatanging
dokumentaryo ng ABS-CBN para sa sentenaryo ng kalataan ng
Pilipinas noong 1998. Siya ang katulong ng director ng UST
Creative Writing Center. Tagapayo ng The Varsitarian, opisyal na
pahayagan ng mga Tomasino at Special Lecturer. Sa PDI, siya’y
isang patnugot at editorial writer.