Anda di halaman 1dari 2

Bawal Magbasa

ni Joseph T. Salazar Babae ang nagturo sa aming bayan kung paano bumasa. Buong yabang ko itong iniliham kay Chaya, isang kaibigang nananahan sa isang kubling bayan sa Gitnang Silangan kung saan ipinagbabawal ang pagbasa sa kababaihan. Aniyay malaking kabalintunaan sa kapal ng telang nakabalabal sa mga babae sa kanilang bayan, tanging mata na lamang ang nagagamit nila ng malaya, hindi pa sila nakababasa. Maghapon silang nakatunganga, minamasdan ang kubling balarila ng mga bagay sa paligid, upang maranasan kung paano kumatha at gumawa ng talinghaga. At wari bawal na pag-ibig, makikipagtalik sila sa papel at tinta sa dilim ng mga silid na nakapinid. Kaya huwag daw akong mag-alala, wika ni Chaya, kaunting panahon na lang at magiging katulad na rin nila ang mga babae sa aking bayan. Aniyay di makubli ng kanilang mga mata ang bagong mga katha at talinghaga sa kapaligirang kinamulatan na ngayon natututo na silang magtanong at magtaka. Minsan ipinagyabang ko kay Chaya na mga babae ang nagtuturong magbasa sa aming bayan, ako ang napahiya.

Marami mang libro ang nagkalat sa aming bayan, hindi ko maipapaliwanag kung bakit sa dakong ito ng mundo salat na salat ang tao sa katha at talinghaga. ***** Tulang hango sa Sambotani III. 2007 pp. 335 336.

Anda mungkin juga menyukai