Anda di halaman 1dari 4

IKAW AY MAHALAGA SA DIYOS Teksto: Awit 139:1-18

Psa 139:1-18 ABAB (1) O PANGINOON, siniyasat mo ako at nakilala mo ako. (2) Iyong nalalaman kapag ako'y umuupo at kapag ako'y tumatayo; nababatid mo ang aking pag-iisip mula sa malayo. (3) Iyong sinisiyasat ang aking landas at ang paghiga ko, at ang lahat kong mga lakad ay nalalaman mo. (4) Bago pa man magkaroon ng salita sa dila ko, O PANGINOON, lahat ng iyon ay alarn mo. (5) Iyong pinaligiran ako sa likuran at sa harapan, at ipinatong mo sa akin ang iyong kamay. (6) Ang gayong kaalaman ay lubhang kahanga-hanga para sa akin; ito ay matayog, hindi ko kayang abutin. (7) Saan ako pupunta mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas mula sa harapan mo? (8) Kung ako'y umakyat sa langit, ikaw ay naroon! Kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, ikaw ay naroon! (9) Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, at sa mga pinakadulong bahagi ng dagat ako'y tumira, (10) doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay, at hahawakan ako ng iyong kanang kamay. (11) Kung aking sabihin, "Takpan nawa ako ng dilim, at maging gabi ang liwanag na nakapalibot sa akin," (12) kahit ang kadiliman ay hindi madilim sa iyo, at ang gabi ay kasinliwanag ng araw; ang kadiliman at kaliwanagan ay magkatulad sa iyo. (13) Sapagkat hinubog mo ang aking mga nasa loob na bahagi, at sa bahay-bata ng aking ina ako'y iyong hinabi. (14) Ako'y magpapasalamat sa iyo sapagkat ang pagkagawa sa akin ay kakilakilabot at kamanghamangha. Ang iyong mga gawa ay kahangahanga; at iyon ay nalalamang mabuti ng aking kaluluwa. (15) Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo, nang ako'y lihim na ginagawa, mahusay na binuo sa kalaliman ng lupa. (16) Nakita ng iyong mga mata ang aking wala pang anyong sangkap; at sa iyong aklat bawat isa sa mga iyon ay nakasulat, ang mga araw na sa akin ay itinakda, nang wala pang anuman sa kanila. (17) Napakahalaga sa akin ng iyong mga pag-iisip, O Diyos! Napakalawak ng kabuuan ng mga iyon! (18) Kung aking bibilangin, ang mga iyon ay marami pa kaysa buhangin. Kapag ako'y nagigising, ako'y kasama mo pa rin.

Karagdagang Teksto: Jeremias 29:11; 1:05, Efeso 2:8-10


Jer 29:11 ABAB (11) Sapagkat nalalaman ko ang aking mga panukala para sa inyo, sabi ng PANGINOON, mga panukala para sa ikabubuti at hindi sa ikasasama, upang bigyan kayo ng kinabukasan at ng pag-asa. Jer 1:5 ABAB (5) "Bago kita inanyuan sa sinapupunan ay kilala na kita, at bago ka ipinanganak, ikaw ay aking itinalaga; hinirang kitang propeta sa mga bansa." Eph 2:8-10 ABAB (8) Sapagkat sa biyaya kayo'y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y hindi sa pamamagitan ng inyong sarili, ito'y kaloob ng Diyos; (9) hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinuman ay huwag magmalaki. (10) Sapagkat tayo'y kanyang pinakamahusay na gawa, na nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na inihanda ng Diyos nang una pa upang siya nating lakaran.

Layunin ng Mensahe: Matanim sa puso, isip ng mga mananampalataya na sila ay mahalaga sa mata ng Diyos at sa Kanyang mga layunin.

1. ANG DIYOS AY NAKIKILALA AKO (v 1-6) Katiyakan ng Kahalagahan ng Indibidwal (Pagkakakilanlan at Kahalagahan)
Psa 139:1-6 ABAB (1) O PANGINOON, siniyasat mo ako at nakilala mo ako. (2) Iyong nalalaman kapag ako'y umuupo at kapag ako'y tumatayo; nababatid mo ang aking pag-iisip mula sa malayo. (3) Iyong sinisiyasat ang aking landas at ang paghiga ko, at ang lahat kong mga lakad ay nalalaman mo. (4) Bago pa man magkaroon ng salita sa dila ko, O PANGINOON, lahat ng iyon ay alarn mo. (5) Iyong pinaligiran ako sa likuran at sa harapan, at ipinatong mo sa akin ang iyong kamay. (6) Ang gayong kaalaman ay lubhang kahanga-hanga para sa akin; ito ay matayog, hindi ko kayang abutin.

(Jer. 1:05, Eph. 1:04, Mt. 10:29-31)


Jer 1:5 ABAB (5) "Bago kita inanyuan sa sinapupunan ay kilala na kita, at bago ka ipinanganak, ikaw ay aking itinalaga; hinirang kitang propeta sa mga bansa." Eph 1:3-4 ABAB (3) Purihin nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo, na siyang nagpapala sa atin kay Cristo ng bawat pagpapalang espirituwal sa sangkalangitan, (4) ayon sa pagkapili niya sa atin sa kanya bago itinatag ang sanlibutan, upang tayo'y maging banal at walang dungis sa harapan niya sa pag-ibig. Mat 10:29-31 ABAB (29) Hindi ba ipinagbibili ng isang kusing ang dalawang maya? Ngunit isa man sa kanila ay hindi nahuhulog sa lupa na hindi batid ng inyong Ama. (30) At maging ang mga buhok sa inyong ulo ay bilang na lahat. (31) Huwag nga kayong matakot; kayo ay higit na mahalaga kaysa maraming maya.

2. ANG DIYOS AY SUMASAAKIN O NANANAHAN SA AKIN (v 7-12) Katiyakan ng Presensya ng Diyos.


Psa 139:1-18 ABAB (7) Saan ako pupunta mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas mula sa harapan mo? (8) Kung ako'y umakyat sa langit, ikaw ay naroon! Kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, ikaw ay naroon! (9) Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, at sa mga pinakadulong bahagi ng dagat ako'y tumira, (10) doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay, at hahawakan ako ng iyong kanang kamay. (11) Kung aking sabihin, "Takpan nawa ako ng dilim, at maging gabi ang liwanag na nakapalibot sa akin," (12) kahit ang kadiliman ay hindi madilim sa iyo, at ang gabi ay kasinliwanag ng araw; ang kadiliman at kaliwanagan ay magkatulad sa iyo.

(Josue 01:05, Mat. 28:20, Juan 14:17)


Jos 1:5 ABAB (5) Walang sinumang tao ang magtatagumpay laban sa iyo sa lahat ng mga araw ng iyong buhay; kung paanong ako'y nakasama ni Moises, ako'y makakasama mo rin. Hindi kita iiwan ni pababayaan man. Mat 28:19-20 ABAB (19) Kaya't sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo, (20) at turuan silang sundin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo. At narito, ako'y kasama ninyong palagi, hanggang sa katapusan ng panahon." Joh 14:17 ABAB (17) Ito ang Espiritu ng katotohanan na hindi kayang tanggapin ng sanlibutan; sapagkat siya'y hindi nito nakikita o nakikilala man. Siya'y nakikilala ninyo, sapagkat siya'y nananatiling kasama ninyo at siya ay mapapasa inyo.

3. ANG DIYOS AY NILIKHA AKONG KAMANGHA-MANGHA (v.13-16) Katiyakan ng Plano/Layunin ng Diyos


Psa 139:13-16 ABAB (13) Sapagkat hinubog mo ang aking mga nasa loob na bahagi, at sa bahay-bata ng aking ina ako'y iyong hinabi. (14) Ako'y magpapasalamat sa iyo sapagkat ang pagkagawa sa akin ay kakilakilabot at kamanghamangha. Ang iyong mga gawa ay kahangahanga; at iyon ay nalalamang mabuti ng aking kaluluwa. (15) Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo, nang ako'y lihim na ginagawa, mahusay na binuo sa kalaliman ng lupa. (16) Nakita ng iyong mga mata ang aking wala pang anyong sangkap; at sa iyong aklat bawat isa sa mga iyon ay nakasulat, ang mga araw na sa akin ay itinakda, nang wala pang anuman sa kanila.

Panloob na Bahagi - personalidad, talento, mga regalo, kagustuhan, pagpipilian at pisikal na mga katangian. (1 Corinto 12:07)
1Co 12:7 ABAB (7) Subalit sa bawat isa ay ibinigay ang paghahayag ng Espiritu, upang pakinabangan ng lahat.

4. ANG DIYOS AY MAY KAHANGA-HANGANG LAYUNIN PARA SA AKIN (v 1718) - Katiyakan ng hanagarin ng Diyos
Psa 139:17-18 ABAB (17) Napakahalaga sa akin ng iyong mga pag-iisip, O Diyos! Napakalawak ng kabuuan ng mga iyon! (18) Kung aking bibilangin, ang mga iyon ay marami pa kaysa buhangin. Kapag ako'y nagigising, ako'y kasama mo pa rin.

(Juan 15:16, Efeso 2:10, Eccl. 3:11)


Joh 15:16 ABAB (16) Ako'y hindi ninyo pinili, ngunit kayo'y pinili ko, at itinalaga ko kayo upang kayo'y humayo at magbunga, at ang mga bunga ninyo'y mananatili, upang ang anumang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan ay ibigay niya sa inyo. Ecc 3:11 ABAB (11) Ginawa niya ang bawat bagay na maganda sa kapanahunan niyon; inilagay rin niya ang walang hanggan sa isipan ng tao, gayunma'y hindi niya malalaman ang ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas.

Pagtatapos na Hamon: 1. Pagtawag sa Altar para sa mga ang pakiramdam ay hindi sila katanggap-tangap at ng walang kahalagahan - PANALANGIN PARA SA KANILA: 2. Pagawain sila ng pagpasya upang tuklasin at ituloy ang layunin ng Diyos para sa kanilang buhay. "... nilalang kay Cristo Jesus para sa mabubuting gawa, na inihanda ng Diyos nang una pa upang siya nating lakaran." Efeso 2:10

Anda mungkin juga menyukai