Anda di halaman 1dari 1

Ang ekonomiks na pangsipnayan o ekonomiks na pangmatematika (Ingles: mathematical economics) ay ang paglalapat ng mga paraang pangmatematika upang kumatawan

ng mga teoriyang pang-ekonomiya at suriin ang mga suliraning hinaharap sa ekonomiks. Nagpapahintulot ito ng pormulasyon at paghango (deribasyon) ng susing mga ugnayan sa isang teoriya na mayroong linaw, pagkapanglahatan, kahigpitan, kapayakan. Ayon sa nakaugalian, ang nilalapat na mga paraan ay tumutukoy sa mga lampas sa payak na heometriya, katulad ng kalkulong diperensiyal at integral, mga diperensiya at mga ekwasyong diperensiyal, alhebra ng matris, at pagpoprogramang pangmatematika[1] at iba pang mga paraang pangkomputasyon.[2] Nagpapahintulot ang matematika sa mga ekonomista na makabuo ng makahulugan at masusubok na mga proposisyon o mungkahi hinggil sa maraming mga paksa na malawak ang nasasakupan at kumplikado na hindi pormal na maipapahayag nang sapat. Bilang karagdagan, ang wika ng matematika ay nagpapahintulot sa mga ekonomista upang makagawa ng malinaw, espesipiko, at positibong mga pag-aangkin hinggil sa mga paksang kontrobersiyal o matututulan na maaaring imposible kapag wala ang paggamit ng matematika.[3] Ang karamihan ng teoriyang ekonomika ay kasalukuyang ihinaharap sa pamamagitan ng mga modelong pang-ekonomiya na pangmatematika. isang pangkat ng inistiluhan at pinapayak na mga ugnayang pangmatematika na naglilinaw ng mga pagpapalagay at mga kahihinatnan

Anda mungkin juga menyukai