Anda di halaman 1dari 2

AKO AT IKAW AKOY nalulungkot, masakit ang nararamdaman AKOY nawawala, hindi alam pupuntahan AKOY naapi, wala

akong patutunguhan AKOY hiyang-hiya punong puno ng kasalanan AKOY isang bulag, wala akong kinabukasan AKOy isang baldado, wala akong kakayanan AKO ay may sakit lahat sila akoy iniwan AKO ay pulubi, sino ang paglilimusan? AKO ay ulila, walang nagmamagulang AKOY nag-iisa, walang kumakaibigan AKOY lunod sa bisyo, pag-asay di masilayan AKOY laging gutom, sikmura ay kumakalam AKO ay mayabang, umaangat sa tinatapakan AKOY nagmamarunong, ngunit akoy laging mangmang AKOY mapanghusga, kahit di napatunayan AKO ang magaling, lagi ninyong palakpakan AKO ay nagmahal, ngunit kapalit ay kabiguan AKO ay nagalit, paghihiganti ang nasa isipan AKO ay nagnanakaw, hindi nahihiya kahit kaylan AKOY pumapatay, wala akong pakialam Ngunit nang makilala at aking natagpuan Nag-iisang Panginoon, Hesus na Makapangyarihan Binago Niya ang lahat, at sa bawat kong hakbang Walang itataas, isisigaw kundi IKAW!

IKAW ang nagbigay, ng buhay na walang hanggan IKAW ang nagpala, kahit kaylan hindi nagkulang IKAW ang nagturong ako ay magpatawad IKAW ang gumabay kung paano ako magmamahal IKAW ang mabuti, nagbigay ng karangalan IKAW ang tumimbang, dahil sa Yo hindi na kulang IKAW ang katotohanang, lagi kong nilalakaran IKAW ang katuwirang, lagi kong sinusundan IKAW ang nagbusog, sa sikmura kong kumakalam IKAW ang nagpainom, sa uhaw na lalamunan IKAW ang kasama ko kapag akoy nahihirapan IKAW ang nag-alaga, naging tunay kong magulang IKAW ang luminis, sa aking maruming katawan IKAW ang nagpagaling, nagdulot sa kin kalakasan IKAW ang nag-ahon, sa aking kinasadlakan IKAW ang nagdala, sa akin sa kaliwanagan IKAW ang nagtanggol, tangi kong sinasandalan IKAW ang nagtindig, nagparanas ng kapayapaan IKAW ang nagligtas sa takda kong kapahamakan IKAW lang, O JESUS, IKAW lang ang inaasahan