Anda di halaman 1dari 13

BUOD NG LABAW DONGGON Epiko ng mga lambunao, bayan sa Iloilo Si Labaw ay isa sa tatlong anak nina Abyang Alunsina

at Buyung Panbari. Kakaiba si Labaw dahil nang ipinanganak ito, lumaki ito kaagad. Matalino, malakas at natuto agad itong magsalita. Nagpaalam si Labaw upang mapakasalan si Anggoy Ginbitan. Pinayagan siya nito at agad naman silang nakapagpakasal. Sunod naman, ay pinakasalan niya si Anggoy Doroonan. Mayroon na naman siyang nabalitaang isa pang magandang babae, si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata, na ninais niyang pakasalan ngunit nang dumating siya roon ay kasal na pala ito kay Buyung Saragnayan. Dahil hindi pumayag si Buyung sa pakiusap ni Labaw, naglaban sila nito. Nagtagal ang labanan. Parehong malakas si Buyung at Labaw. Nang mapagod si Labaw, tinali agad ito ni Buyung. Sinabit siya nang parang baboy sa ilalim ng kanilang bahay. Nang mabalitaan ito ng mga anak ni Labaw na sina Baranugan, anak ni Anggoy Doroonan, at Asu Mangga, anak ni Anggoy Ginbitinan, agad silang nagpaalam upang iligtas ang kanilang ama. Pinayagan sila at agad nagtungo kay Buyung. Nakipaglaban sila kay Buyung ngunit dahil sa angking lakas ni Buyung, nahirapan sila. Kaya naman, humingi sila ng tulong, una sa mga impakto ngunit hindi pa rin matalo-talo si Buyung, pangalawa naman, sa kanilang lola na si Abyang Alunsina. Ayon sa kanilang lola, matatalo lang si Buyung kapag pumatay sila ng isang baboy ramo. Agad naman nilang ginawa to at agad namatay si Buyung. Nang mahanap na nila Asu Mangga at Baranugan si Labaw ay nabaliw na ito. Ginamot ito ng kanyang mga asawa pag-uwi nila. Nang gumaling na si Labaw, inutusan niya ang kanyang mga anak na magpunta kung saan naroroon si Nagmalitong Yawa Sinagmaling Diwata dahil nabalitaan niya na mayroong dalawa pang kapatid na babae si Nagmalitong Yawa at nais niyang ipahanap ang mga ito. Agad namang umalis ang kanyang mga anak upang sundin ang utos niya.

BUOD ng Ibalon (Epiko ng Bikol) Si Baltog ay anak ni Haring Handiong na pinamumunuan ang Samar. Si Baltog ay isang mandirigmang manlalakbay na binaybay ang Samar hanggang makarating siyang Ibalon, matapos ang Gunaw o ang malaking baha. Doon nakasalamuha niya ang mga buwayang nagliliparan pati na rin ang mga higanteng baboy ramo. Siya ay isang malakas at makisig na mandirigma kung kayat walang tumagal na nilalang sa kanya. Lahat sila ay agad niyang napatay. Subalit mayroong katangi-tanging halimaw doon na hindi niya masupil. Ito ay ang ahas na may mukha ng babae na nagngangalang Oriol. Hindi niya ito mapasuko kung kayat humingi siya ng tulong sa kanyang ama. Kahit na dalawa na silang lumaban dito hindi pa rin nila ito magawang matalo. Sa kabutihang palad, si Oriol ay nakisanib puwersa sa magama at sinugpo lahat ng masasamang elemento. Nang masiguro ni Baltog na ligtas ng lipatan ang Ibalon ay pinalipat niya ang kaniang kaharian. Nagsilikas ang mga nasasakupan nila at namuno sa Bikol. (Ang epikong ito ay nasabing sinasalaysay ng isang manlalakbay na si Kadugnong. Ito rin daw ang kwento nang pagkakatuklas sa Bikol.)

Buod ng Bidasari Note: Ang Bidasari ay isang epiko na sikat sa mga Muslim, ngunit hindi ito orihinal na kanila Ito ay nagmula sa mga Malay Sa Kembayat, masaya ang lahat sa balitang nagdadalantao ang sultana, nang biglang sumalakay si Garuda, isang higanteng ibon na salot sa kaharian. Dahil sa takot at pagkakagulo, napahiwalay ang sultan at sultana sa mag tao at inabutan ng panganganak ang sultana sa tabing-ilog. Sa pagmamadali, naiwan nila ang sanggol sa isang bangka. Di naglaon ay napulot ni Diyuhara ang sanggol at ini-uwi niya ito sa Indarapura. Pinangalanan niya ang sanggol na Bidasari at lumaki siya bilang isang magandang dalaga sa pagmamahal nila. Samantala, ang selosang sultana ng Indarapura na si Lila Sari ay alalang-alala na iwan siya ng asawa niyang si sultan Mongindra. Inutusan niya ang mga kawal niya na maghanap ng babaeng mas maganda sakanya. Ang kinuha ng mga kawal ay si Bidasari na sumama sa pag-aakala na gagawin siyang dama ng sultana. Pinakulong ng sultana si Bidasari, at sa tuwing wala ang sultan ay pinahihirapan niya ito. Sa sobrang paghihirap, sinabi na ni Bidasari kay Lila Sari na kung nais niyang mamatay na siya, kunin niya ang gintong isda sa hardin ni Diyuhara, isuot ito bilang kuwintas sa umaga at ibalik sa tubig sa gabi. Ginawa ito ni Lila Sari at hinayaan na niyang umuwi si Bidasari. Kapag suot ni Lila Sari ang isda, namamatay si Bidasari at binuburol sa isang palasyong pinatayo ni Diyuhara para sakanya. Kapag binalik naman ni Lila Sari ang isda sa tubig, nabubuhay ulit si Bidasari. Hindi nagtagal, natuklasan ito ni sultan Mongindra nang mapadpad siya sa kinalalagyan ni Bidasari habang siyay nangangaso. Binalikan niya ito muli ng sumunod na araw at naabutan niya ang pagbangon ni Bidasari nang gumabi na. Ipinagtapat ni Bidasari ang lahat ng nangyari at dahil dito, at pati na din sa labis na pagkabighani sa kagandahan ni Bidasari, pinakasalan siya ng sultan at siyang pinaupo sa tabi ng trono. Lumipas ang maraming taon at ang isang anak na lalaki ni Diyahara (na akala ni Bidasari ay tunay niyang kapatid) ay nagtungo sa Kembayat. Nakilala niya si Sinapati na napuna niyang kamukhang-

kamuka ni Bidasari. Si Sinapati ay pinasama ng ama niya sa Indarapura para alamin kung si Bidasari na nga ang nawawala niyang kapatid. Doon, ipinagtapat ni Diyuhara kung saan talaga niya nakuha si Bidasari at nakumpirma na nila na si Bidasari ay kapatid nga ni sinapati at isa siyang tunay na prinsesa sa Kembayat.

Buod ng Biag Ni Lam-Ang Ang mag-asawang Don Juan at Namongan ay naninirahan sa Nalbuan at kabuwanan noon ni Namongan. Umalis si Don Juan upang parusahan ang isang pangkat ng mga Igorote ngunit nagsilang na si Namongan ay hindi pa rin siya bumabalik. Pagkasilang pa lamang ng sanggol ay nakakasalita na ito at hiniling na Lam-Ang ang ipangalan sa kanya. Hindi nagtagal kinakitaan si Lam-Ang ng pambihirang lakas. Lumipas ang panahon at hinanap ni Lam-Ang ang kanyang ama at pinasyang sundan ito. Dahil sa kalayuan na ng kanyang nalakbay ay minabuti niyang magpahinga muna. Siya ay nanaginip na ang kanyang ama ay nasa malaking panganib. Nagmadali siya at umalis kaagad upang maligtas ang kanyang ama. Ngunit huli na ang lahat ng siya ay dumating. Nakita niyang nagdiriwang ang mga Igorote dahil sa pagkakapatay sa kanyang ama. Galit ang namayani kay Lam-Ang kaya naman pinaslang niya lahat ng Igoroteng kanyang nakita sa bayan na iyon upang ipaghiganti ang kanyang ama. Nang umiwi si Lam-Ang ay ipinatawag niya ang mga dalaga upang siya ay paliguan sa ilog Amburayan at sa kapal ng kanyang libag ay namatay lahat ng isda roon. Nabalitaan naman niya kaagad ang taglay na kagandahan ni Ines Kannoyan at kaagad niyang tinungo ang kinaroroonan nito kasama ang kanyang aso at tandang. Sa kanyang pagpunta sa tirahan ni Ines ay nakasalubong niya si Sumarang at sila ay nag-duwelo. Napaslang ni Lam-Ang si Sumarang.

Pagkarating na pagkarating ni Lam-Ang sa tirahan ni Ines ay inutusan niya ang kanyang mga alaga na mapansin siya ng dilag. Tumilaok ang tandang at nasira ang bahay. Ngunit tumahol naman ang aso at nabuo naming muli. Dahil dito nakita siya ng dalaga. Ipinahayag ni Lam-Ang ang kanyang pakay at ipinakita sa mga magulang ni Ines ang kanyang pambihirang kayamanan. Hindi nagtagal ay ikinasal na sina Ines at Lam-Ang. At nakaugalian na ng mga kalalakihan na sa tuwing pagkatapos ng kasal ay sumisisid sila sa ilog upang manghuli ng raring. Ngunit nangamba si Lam-Ang na baka siya ay makain ng berkahanat nagkatotoo nga ang kanyang hinala. Nagdalamhati si Ines sa pagkamatay ng kanyang asawa. Tinawag ng tandang ang isang maninisid at sinabing tipunin ang mga buto ni LamAng. At dahil sa kanyang mahiwagang asot tandang ay nabuhay siyang muli.

Tulalang (BUOD) Nagtungong gubat upang manguha ng rattan si Tulalang nang may lumapit na matanda at sinabi na huwag na silang mag-alala at hindi na sila magugutom kailanman. Pagkalipas ng panahon, nanirahan sila sa isang torohan o palasyo. Inilagay nila ang kapatid na babae sa pinakailaliman na bahagi ng pitong patong na basket na nakasabit sa kuwarto ni Tulalang. Ang dalaga ay may kapangyarihan magpalit ng hugis na naisin niya. Gadaliri lamang ang laki nito. Sinalakay ni Agio ang kaharian ni Tulalang. Nagtulong-tulungan ang magkakapatid na sila Tulalang, Mangampitan at Minalisin sa pagsugpo kay Agio. Nang matamaan ng sibaat si Agio, bumalik ito sa dati nitong anyo na pulubi at makalipas ang ilang sandali naging makisig na binata ang pulubi. Natutulog sa ilalim ng punongkahoy si Tulalang nang may isang uwak na dumumi sa kanyang mukha. Ipinagbigay alam na may

darating na isang napakalaking higanteng kumakain ng tao at sinabi din kung saan ito matatagpuan. Sinabi ng isang matandang babae ang tungkol sa higante at bihag nitong dalaga. Nailigtas ni Tulalang ang babae sa higante. Inalok si Tulalang na ito magpakasal ngunit tumanggi. Nang malaman ng babae na wala na silang hari, pumayag na rin ito magpakasal kay Tulalang. Tulalang bago magpakasal. Kulaman at kinuha ang kapatid na babae. Bagyo ang kapatid na babae. ng kamay. Umuwi si Nalaman niya na sinalakay muli ang Iniligtas niya ito at

nakalimutan ang pangakong magpapakasal. Nadakip ng grupo ni Inaya ni Bagyo na magpakasal ang babae sa kanya ngunit ito ay tumanggi kaya naman ito ay nilaslasan Nagbalat kayo si Tulalang bilang isang batang lalaki at naging alila. Itinakas niya ang kapatid na babae. Naghinala si Bagyo na si Tulalang ang batang lalaki kaya naman muli nitong sinalakay ang Kulaman. Bago umalis huminga muna si Bagyo at ang kanyang mga tauhan sa isang bote at isinabit ito sa loob ng palasyo. Nang maglaban ang dalawang pangkat, napansin ni Tulalang na sa bawat napapatay na kaaway ay dalawa ang pumapalit. Nagpanggap bilang kulasisi si Tulalang at nakuha ang bote na pinag-iwanan ng mga kaluluwa ng hari at kawal nito. Napilitang sumuko ang hari at mga tauhan nito dahil tinakot na babasagin ito. Nagtagumpay si Tulalang. Sinabi niya na ang sarimbar na galing sa langit ay darating upang sila ay kunin. Nagdala ng balita ang hangin na isang baboy ramo ang sasalakay sa Kulaman at isang bigante ang haharang sa sarimbar patungong langit. Napatay si Tulalang ang baboy ramo at higante. Tanghaliang tapat nang bumababa ang sarimbar. Sumakay ang mga tao dito. Ang mga kapatid ni Tulalang at ang mga mamamayan ay naging maligaya sa kalangitan at nagtamo ng buhay na walang hanggang.

Epiko ng Mindanaw

Indarapatra at Sulayman Ang pamumuhay ng mga tao sa Mindanaw ay ginambala ng apat na halimaw. Ang una ay si Kurita na maraming paa. Pangalawa ay si Tarabusaw na may mikha ng tao na nakatira sa Bundok Matutum. Ang ikatlo ay si Pah, isang ibon na nakatira sa bundok ng Bita, labis ang linaw ng mata, kukong ubod ng tulis, at pakpak na malaki. Ang pangapat ay isang ibon na may pitong ulo na namiminsala sa bundok ng Kurayan. Ikinabahala ito ng Haring Indarapatra kaya naman ipinatawag niya ang kapatid na si Prinsiper Sulayman upang sugpuin ang mga halimaw. Binigyan niya ang kapatid ng singsing at espada bilang armas sa pakikipaglaban. Isinabit naman ng Hari ang isang halaman sa durungawan na magsasaad kung ang Prinsipe ay nagtagumpay o nasawi. Tumalima sa utos ng kapatid si Prinsipe Sulayman at tinunton ang tinitirhan ng mga halimaw. Isa isa niya ito kinalaban at natalo niya ang unang dalawa. Nilipad ngayon ng prinsipe ang bundok ng Bita upang hanapin si Pah. Nang makita ito ay kaagad niyang tinaga ang pakpak ngunit sa kanya rin ito bumagsak. Siya ay bumaon sa lupa at nalibing ng buhay. Nabatid ng Hari ang kasawian ng Prinsipe dahil sa nalagas ang halaman sa durungawan. Sumugod noon din ang Hari sa kinamatayan ng kapatid at natagpuan ang piping katawan nito. Nahabag ang Bathala at binigay sa kanya ang tubig na lunas. Ibinuhos niya ang tubig sa bangkay at himalang nabuhay si Prinsipe Sulayman. Pinauwi ni Haring Indarapatra ang kapatid at siya na ang naghanap sa ikaapat na halimaw. Nang magkaharap ang dalawa ay naglaban sila at ang Hari ang nagwagi. Binati ang Hari ng isang magandang Diwata na nagpasalamat sa ginawang pagliligtas sa mga mamamayan laban sa mga halimaw. Nabihag ng kagandahan ng Diwata ang Hari at sila'y nagpakasal. Si Haring Insarapatra ay hindi na bumalik sa kanyang kaharian at doon na siya namuhay sa pook na kinatagpuan niya sa babaeng pinili niyang makasama habambihay.

Ba ntug a n Si Bantugan ay isang malakas at matapang na prinsipe. Nakatira siya sa kahariang Bumbaran ksama ng kanyang kapatid na si Haring Madali. Ang hari ay nagselos sa kanyang kapatid dahil sikat si Prinsipe Bantugan sa buong kaharian. Dahil dito pinagbawalan niya ang kanyang mga alipin na kausapin o mga usapin tungkol sa Prinsipe.

Nalungkot si Bantugan, at nagpasya na umalis sa kanyang kaharian at pumunta sa ibang lugar. Sa kasamang palad namatay ang Prinsipe sa hagdanan ng kabilang kaharian. Nalaman ni Haring Madali ang nagyari sa kanyang kapatid, nagsisi ang Hari sa kanyang ginawa kaya pinagpasya niya na kunin ang kaluluwa ng Prinsipe sa langit. Nagwagi ang Hari at nabuhay ulit ang Prinsipe. Ang nalaman ng kaaway nilang kaharian ang pagkamatay ng Prinsipe, at inisip na salakayin ang kaharian. Hindi nila narinig ang pagkabuhay ng Prinsipe kaya hindi sila nagtagumpay. Ang mga relihiyosong paniniwalang mga Ifugao ay naipapakita samga mitolohiya nila kung saan maymga diyos at diyosa na kaugnay nahigit sa karaniwan tao'y, kanilangmga ninuno at ang mga pwersa ngk a l i k a s a n . A n g I f u g a o s , t a b i m u l a sa pagiging makadiyos, aysumasamba rin sa kalikasan at sakanilang mga ninuno. R itwal: Ang mga invocations, na palaging sinasamahan ngmga hayop at nag-aalok ng pag-inom ng alak, ay sinadyaupang "lagyan"o ibribe ang mga diyos at manalo ngkanilang mga pabor.Ang mga tao ay naniniwala na dahilang ilang mga diyos ay sanhi ng pagkakasakit, ang sakit aymaaari lamang mapagaling sa pamamagitan ng pagkakaroon ng iba pang mga deities na mamamagitan parasa mga hindi balido, gayon paggawa ito kailangan upangnag-aalok ng sakripisyo sa ilang mga gods nababahala.Si Liddum ay itinuturing bilang ang punong tagapamagitan sa pagitan ng tao at ang iba pang mga diyos.Ang eksaktong panalangin ay sinasabi ng mombaki at ang bilang ng mga chickens o pigs na maging sacrificed (atmamaya tiyan, siyempre, sa pamamagitan ng mganaroroon) ay malinaw na tinukoy sa Ifugao tradisyon. Hudhud ni Aliguyon ISANG ARAW nuong Unang Panahon, sa nayon ng Hannanga, isang sanggol nalalaki ang isinilang sa magasawang Amtalao at Dumulao. Ang pangalan niya ayAliguyon. Siya ay matalino at masipag matuto ng ibat ibang bagay. Katunayan, angnapag-aralan niyang mahahalaga mula sa mga kasaysayan at pangaral ng kanyangama ay marami. Natuto siya kung paano makipag-bakbakan nang mahusay, atpaano umawit ng mga mahiwagang gayuma (encantos, magic spells). Kaya kahitnuong bata pa, tiningala na siya bilang pinuno, at hanga ang mga tao sa kanya.Nang mag-binata si Aliguyon, ipinasiya niyang sagupain si Panga-iwan, ang kaawayng kanyang ama, sa nayon ng Daligdigan. Subalit ang sumagot sa kanyang hamon(reto, challenge) ay hindi si Panga-iwan. Ang humarap sa kanya ay ang mabangis naanak nito, si Pumbakhayon, marunong ng hiwaga at bihasa rin sa bakbakan tulad niAliguyon.Hindi naaling, pinukol ni Aliguyon ng sibat si

Pumbakhayon. Kasing bilis ng kidlat,umiktad si Pumbakhayon upang iwasan ang sibat at, kagila-gilalas, sinalo sa hanginang sibat ng isa niyang kamay! Wala pang isang kurap ng mata, binaligtad niPumbakhayon ang sibat at hinagis pabalik kay Aliguyon. Umiwas din si Aliguyon atsinalo rin ng isang kamay sa hangin ang humahagibis na sibat. Binaliktad din niyaat ipinukol uli kay Pumbakhayon. Pabalik-balik at walang tigil, naghagisan at nagsaluhan ng sibat siAliguyon at Pumbakhayon hanggang umabot ng 3 taon, hindi pa rintumigil ang bakbakan, at walang nagpakita ng pagod o pagsuko. Subalit sabangis at dahas ng kanilang paghahamok, kapwa sila humanga sa giting athusay ng kalaban, at pagkaraan ng 3 taong bakbakan, natuto silangigalang ang isat isa.Biglang bigla, tumigil sina Aliguyon at Pumbakhayon at nahinto, sa wakas,ang bakbakan. Nag-usap at nagkasundo sila ng payapa (paz, peace) ngkanilang nayon ng Hannanga at Daligdigan. Buong lugod na sumang-ayonlahat ng tao sa 2 nayon, at ipinagdiwang nila ang kampihan ng 2 bayani.Sa paglawak ng katahimikan, umunlad ang 2 nayon. Naging matalik namagkaibigan sina Aliguyon at Pumbakhayon. Nang sapat na ang gulang niAliguyon, pinili niyang asawa si Bugan, ang batang-batang kapatid nababae ni Pumbakhayon. Inalagaan niya sa bahay si Bugan hangganglumaki itong napaka-gandang dalaga.Ang pilining asawa naman ni Pumbakhayon ay ang kapatid na babae niAliguyon, si Aginaya. Ang 2 familia nila ay yumaman at iginalang ng lahatsa Ifugao Alim Noong unang panahon, ang mga tao ay may masagana, maligaya, at tahimik napamumuhay. Ang daigdig ay pawang kapatagan ang mamamalas maliban sadalawang bundok, ang bundok Amuyaw sa silangan at bundok Kalawitan saKanluran. Doon sila naninirahan sa pagitan ng dalawang bundok na ito. Walangmga suliranin ang mga tao tungkol sa kabuhayan. Ang mga pagkain ay nasa paligidlamang nila. Mga biyas ng kawayan ang kanilang pinagsasaingan. Malalaki rin angbutil ng kanilang bigas.Ang kanilang inumin ay nanggagaling sa katas ng tubo na kung tawagin ay bayak.Kung nais nila ng ulam na isda ay sumasalok lamang sila sapa at ilog. Maamo angusa at baboy-ramo, kaya madaling hulihin kung nais nilang kumain nito. Anupatkahit na ano ang maisipan nilang pagkain ay mayroon at sagana.Subalit dumating sa kanilang buhay ang isang napakalungkot na pangyayari.Nagkaroon ng tagtuyot. Hindi man lamang pumapatak ang ulan. Namatay anglahat ng mga halaman at mga hayop. Nangamatay rin ang lang tao sa uhaw atgutom. Naisip ng iba na hukayin ang tubig.

Dahil sa lakas ng pagbalong ng tubig aymay mga namatay. Nagdiwang din ang mga tao kahit may nangamatay, sapagkatsila ay may tubig na. Subalit hindi naghinto ang patuloy na pagbalong ng tubighanggang sa mangalunod ang lahat ng mga tao maliban sa magkapatid na Wigan atBugan. Ang lalaki, si Wigan ay napadpad sa bundok ng Amuyaw at ang babae, siBugan, ay ipinadpad ng baha sa bundok ng Kalawitan. Sa wakas ay humupa rin ang baha. Si Bugan ay nakapapaningas ng apoy at itoy nakita niWigan. Sumampa si Wigan sa bundok Kalawitan at nagkita silang magkapatid. Naglakbay silasa ibat ibang pook upang maghanap ng mga tao subalit wala silang natagpuang isa man.Nagtayo si Wigan ng isang kubo at dito niya iniwan si Bugan at siyay nagpatuloy pang muli sapaghahanap. Sa wakas ay napagtanto niyang sila lamang magkapatid ang natira sa daigdig.Lumipas ang panahon at naramdaman ni Bugan na siyay nagdadalang-tao. Dala ng kahihiyansa sarili ay naisip niyang magpatiwakal subalit hinadlangan siya ng kanilang Bathala, siMakanungan.Ikinasal silang magkapatid at sinabing itoy hindi kasalanan sapagkat iyon Iamang ang paraanupang dumaming muli ang tao sa daigdig.Nagkaanak sila ng siyam apat na babae at Iimang lalaki. Ikinasal ang apat na babae sa unangapat na lalaki kayat ang huling lalaki o bunso ay walang naging asawa. Ang ngalan ng bunsongito ay Igon.Sumapit ang panahong nagkaroon ng tagtuyot. Wala silang makain. Naisip nilang dumulog kayMakanungan. Bilang handog sa Bathala ay nanghuli si Wigan ng isang daga at inihandog saBathala. Nang hindi sila kaawaan ng Bathala ay iginapos si Igon at pinatay upang ihandog nanaman sa Bathalang Makanungan. Nilunasan ni Makanungan ang tagtuyot at dumalo pa sakanilang handaan subalit laban sa kanyang kalooban ang ginawa nila kay Igon. Dahil daw saginawa nilang iyon kay Igon ay parurusahan sila, ang angkan nila ay magkakahiwalay. Angmagkakapatid na mag-asawa ay magtutungo sa hilaga, sa timog, sa silangan, at sa kanluran. Atsa pagkakataong silay magkatagpu-tagpo ay mag-aaway at magpapatayan sila. Ito raw angsumpa ni Makanungan na tumalab sapagkat kahit ngayon, ang magkakapatid, mag-aama,magpipinsan, o magkakamag-anak ay nagpapatayan. (Halaw mula sa Tuwaang Epikong Manobo) Ipinagtapat ni Tuwaang ang ipinag-uutos sa kanya ng hangin sa kanyang tiyahin sa ina. Ito ay tungkol sa dapat niyang pagdalo sa kasal ng Mutya ng Monawon.

Tuwaang, huwag ka nang pumunta, pigil ng kanyang tiyahin. Nararamdaman kong hindi ka mapapabuti roon. Nagmatigas ang determinadong si Tuwaang. Tiniyak niya sa kanyang tiyang na kaya niya ang kanyang sarili. Masidhi ang pagnanais niyang Makita ng kagandahan ng dalaga ng Monawon. Naghanda si Tuwaang at tumulak na sa pagdalo sa kasal. Isinakbit niya ang hugis-pusong buslo na maaaring mkapagpakidlat, ginamit ang kupya at baluti ba gawa pa ng mga diyosa, at dinala ang isang mahabang espada at punyal, maging ang kanyang lkalasag at sibat. Narating ni Tuwaang ang kapatagan ng Kawkawangan sa pamamagitan ng talim ng kidlat. Nang nagpapahinga na siya roon ay nakarinig siya ng huni ng ibong gungutan. Tinangka niyang hulihin ang ibon ngunit, nakita niya ang matatalim na tari ng ibon. Nagsalita ang Gungutan at sinabi nito kay Lam-ang na dahil sa panaginip kaya niya nalaman ang pagdating ng binata, na gusto niyang samahan . Isinama nga ni Tuwaang ang gungutan sa pupuntahang kasalan.Pumailanlang ang dalwa sa himpapawid sa pamamagitan ng paggalaw ng kanilang mga balikat. Pagdating sa Monawon, pinatuloy si Tuwaang sa bulwagan kung saan naupo siya sa isang ginintuang upuan, habang nakadapo sa isang haliging kahoy ang gungutan. Kasabay ng isang nakahahalinang tugtugin at hilera ng mga namumulaklak na puno, dumating ang Binata ng Panayangan. Dumating din ang iba pang magigiting ang Binata ng Liwanon at ang Binata ng Pagsikat ng Araw. Samantalang ang ikakasal na Binata ng Sakadna ay dumating kasama ang isandaang tadasunod. Sa kanyang pagdatal, buong pagyayabang na inutusan niya ang may-ari ng kabahayan na linisin ang bulwagan ng mga dumki, bilang pasaring sa mga katulad ni Tuwaang na dumating nang hindi naanyayahan. Bilang pagtugon, sinabi ni Tuwaang na may mga pulang dahon o mga tunay na bayani sa kabahayan. Ang ilang paunang ritwal ay isinagawa muna bago inumpisahan ang seremonya ng kasal. Sa huli ay isa-isa nang inialay ang savakan, mga mamahaling kagamitan at pagkain na pag-aari ng babaeng ikakasal na babayaran ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal. Hanggang ang dalawang pinakamamahaling savakan na lamang ang natira. Katumbas ng isang lumang agong na may sampung palamuti at siyam na nakaumbok na singsing ang isa sa mga natirang savakan. Ang ikalawa naman ay matutumbasan lamang ng isang gitarang ginto at isang plautang ginto. Inamin ng Binata ng Sakadna na hindi na niya kayang tubusin ang matirang mga kagamitan. Sinagip ni Tuwaang ang lalaking ikakasal mula sa kahiya-hiyang kalagayan.Nakapagpalabas siya ng isang mas lumang agong na

ibinigay sa ikakasal upang itumbas sa savakan sa pamamagitan ng kanyang mahiwagang hininga. Ito ay tinanggap naman ngmga kaanak ng Mutya ng Monawon. Nakapagpalitaw din ng isang gitarang ginto at plautang ginto si Tuwaang. Pagkatapos ng mga semonyang ito ay hiniling nang lumabas mula sa kanyang silid ang Dalaga ng Monawon upang Hainan ang mga panauhin ng nganga. Inutusan ng dalaga ang sisidlan ng nganga upang magsilbi sa lahat at piliin ang kanyang mapapangasawa. Mula sa sisidlan ay tatalon ang isang buto ng nganga sa bibig ng tatapatang panauhin. Sumunod ang sisidlan at mula rito ay dalawang buto ng nganga ang tumalon sa bibig ng Binata ng Sakadna. Pagtapat ng mahiwagang sisidlan kay Tuwaang, ito ay tumigil. Hindi na ito tuminag kahit tinangkang itaboy ito ni Tuwaang. Dahil ditto ay nagpasya ang Mutya ng Monawon na sa tabi ni Tuwaang umupo. Talagang napahiya ang BInata ng Sakadna sa mga nangyari. Lumabas ito sa bulwagan at hinamon sa isang labanan hanggang kamatayan si Tuwaang. Tinanggap ni Tuwaang ang hamon ngunit pinigilan muna siya ng babaing ikakasal upang masuklayan ang kanyang buhok bago makipaglaban. Naarok ni Tuwaang ang pagmamahal at paghanga sa mga mata ng dala habang sinusuklayan siya nito at binabalaang mag-ingat sapagkat ang Binata ng Sakadna ay hindi patas lumaban. Tiyak ang pangako ni Tuwaang na mag-iingat siya para sa binibini bago siya lumabas ng bulwagan upang harapin sa laban ang Binata ng Sadkana. Isandaang lalaki ang kasama ng Binata ng Sadkanan samantalang ang gungutan lamang ang tanging kasama ni Tuwaang. NGunit lumaban siya nang buong giting at pagkatapos ng isang maikling pagtutunggali ay natalo niya at ng mahiwagang ibon ang siyamnaput apat na lalaki. Madali rin nilang natalo ang anim pang natirang nakatayo. Si Tuwaang na lamang at ang Binata ng Sakadna ang naghahamok. Sang malakas na hampas ang inilatay ng katunggali kay Tuwaang at itoy tumilapon at humampas sa isang malaking bato. Napulbos ang bato at nagkandatumba ang mga punong kinatalsikan ni Tuwaang dahil sa lakas ng pwers ng kanyang pagkakatilapon. Sinunggaban ni Tuwaang ang kanyang kaaway at buong lakas niya itong inihagis nang paibaba. Dahil sa matinding pagkakahagis ni Tuwaang, lumubog sa ilalim ng lupa ang Binata ng Sakadna.Gayunpamay mulingnakabawi ito at lumitaw upang muling harapin sa Tuwaang sa pamamagitan ng isang malakas na tulak na nagpabaon kay Tuwaang sa ilalim ng lupa, kung saan nakaabot siya kay Tuwaha, ang diyos ngmga lamang-lupa.

Mula kay Tuwaha, nabatid ni Tuwaang ang lihim upang magapi niya ang kanyang kaaway. Pag-ahon ni Tuwaang sa ibabaw ng lupa upang muling makipaglaban, winasak niya ang plautang ginto doon lihim na itinago ng Binata ng Sakadna ang kanyang buhay . Dahil doon, nasawi ang buhay ng Binata ng Skadna. Kasama ng gungutan, iniuwi ni Tuwaang ang mutya ng Monawon sa Kuaman at doon sila namuhay at naghari magpakailanman.

Anda mungkin juga menyukai