Anda di halaman 1dari 3

ANG LOBO AT ANG KAMBING Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig.

Sinikap niya ang tumalon upang maka-ahong palabas, ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan. Noon dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo. "Marami bang tubig sa loob ng balon?" tanong nito sa lobo. "Oo, napakarami!" ang pagsisinungaling na sagot naman ng lobo. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman ngang siya'y niloko lamang ng lobo. "Ngayo'y pareho na tayong bilanggo ng balon na ito," ang sabi ng lobo. "Kung gusto mong makaalis dito, magtulungan tayo. Mayroon akong naisip na paraan kung papaano nating gagawin iyon." "Papaano?" Noon ipinatong ng lobo ang mga paa sa katawan ng kambing. "Ako muna ang lalabas. At kapag nakalabas na ako, at saka kita hahatakin palabas," pangako nito. "Sige," ang sabi naman ng kambing. Nakalabas nga ng balon ang lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon na ng kambing para tulungan nito'y agad iyong tumawa ng malakas. Pagkuwa'y sinabing, "Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko." Malungkot na naiwanan ang kambing sa malalim na balon.

Mga Tanong 1. Ano ang nahulog sa balon? 2. Sino yung lumapit sa balon? Bakit siya lumapit sa balon? 3. Si lobo ba ay nagsasabi ng totoo? O isa siyang sinungaling? Bakit?

4. Ilang beses si lobo nagsinungaling kay kambing? 5. Paano nakalabas si lobo sa balon?

6. Tinulungan ba ni lobo makalabas si kambing sa balon? 7. Ano kaya ang ginawa ni kambing matapos siyang maiwan sa malalim na balon? Iguhit sa loob ng kahon.

Basahin ang mga pangyayari at pagsunud-sunurin ito base sa nangyari sa kwento:

Dumating ang isang uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narining ang tinig ng lobo.

Nakaisip ng paraan si lobo para makaalis silang dalawa ni kambing sa balon.

Isang lobo ang nahulog sa balon na walang tubig. Hindi siya makaahon sa malalim na balon.

Ipinatong ni lobo ang kanyang paa sa katawan ni kambing upang makalabas ng balon. Pagkatapos ay ipinangako niya kay kambing na tutulungan niya ito makalabas.

Nagsinungaling si lobo kay kambing at sinabing maraming tubig sa balon. Kaya naman tumalon si kambing sa malalim na balon. Ngayon dalawa na silang bilanggo ng balon.

Subalit muling nagsinungaling si lobo kay kambing. Hindi niya tinulungan makalabas ng balon si kambing. Naiwang malungkot si kambing sa malalim na balon.

Anda mungkin juga menyukai