Anda di halaman 1dari 6

NINANAIS NG DIYOS ANG KALIGTASAN NG MGA KALULUWA

2Pe 3:9 KJVR (9) The Lord is not slack concerning his promise, as some men count slackness; but is longsuffering to us-ward, not willing that any should perish, but that all should come to repentance. 2Pe 3:9 ABAB (9) Hindi mabagal ang Panginoon tungkol sa kanyang pangako, na gaya ng kabagalang itinuturing ng iba, kundi matiyaga sa inyo, na hindi niya ibig na sinuman ay mapahamak, kundi ang lahat ay dumating sa pagsisisi. 2Pe 3:9 AMP (9) The Lord does not delay and is not tardy or slow about what He promises, according to some people's conception of slowness, but He is long-suffering (extraordinarily patient) toward you, not desiring that any should perish, but that all should turn to repentance. ANG SALOOBIN NG DIYOS PARA SA SANGKATAUHAN AY LUBOS NA MALINAW SA TALATANG ITO. ANO BA ANG SALOOBIN NG DIYOS PARA SA SANGKATAUHAN? INIIBIG NG DIYOS ANG SANGKATAUHAN AT NINANAIS NIYA NA ANG LAHAT AY MALIGTAS. 1. ANG MGA SALITANG "HINDI MABAGAL" AY MAY KAUGNAYAN SA PANGAKO NG IKALAWANG PAGDATING NG PANGINOON. 2Pe 3:3-4 ABAB (3) Una sa lahat, dapat ninyong malaman ito, na sa mga huling araw ay darating ang mga manlilibak, na manlilibak at lumalakad ayon sa kanilang sariling mga pagnanasa, (4) at magsasabi, "Nasaan ang pangako ng kanyang pagdating? Sapagkat, buhat pa nang mamatay ang ating mga ninuno, nananatili ang lahat ng mga bagay sa dati nilang kalagayan mula nang pasimula ng paglalang." ANG DIYOS AY "HINDI MABAGAL SA PAGTUPAD NG KANYANG MGA PANGAKO". MAAARING MUKHANG MABAGAL SIYA SA ATIN DAHIL SA PARAAN NG PAGSUKAT NATIN NG ORAS AY IBA PARA SA KANYA. 2Pe 3:8 ABAB (8) Subalit huwag ninyong kaliligtaan ang katotohanang ito, mga minamahal, ang isang araw sa Panginoon ay tulad ng sanlibong taon, at ang sanlibong taon ay tulad ng isang araw. Psa 90:4 ABAB (4) Sapagkat ang isang libong taon sa iyong paningin, ay parang kahapon lamang kapag ito'y nakalipas, o gaya ng isang gabing pagbabantay. 2. ANG SALITANG "MATIISIN" AY NANGANGAHULUGAN NG "PAMBIHIRANG KATIYAGAAN". ANG KAISIPAN NG MANUNULAT AY KUNG ANG KAHATULAN AY TILA MABAGAL O NAPAKATAGAL AY HINDI DAHIL ANG DIYOS AY NAKALIMOT O

AYAW TUPARIN ANG KANYANG SALITA, NGUNIT ITO AY DAHIL SA KANYANG MALALIM NA PAGMAMALASAKIT AT PAG-IBIG PARA SA SANGKATAUHAN NA NAWAWALA O HINDI LIGTAS. SIYA AY GUMAGAMIT NG LUBOS NA PASENSYA AT KANYANG PINAHAHABA ANG ARAW NG BIYAYA UPANG ANG LAHAT MGA NAWAWALA AY MAAARING MAGKAROON NG PAGKAKATAON NA MALIGTAS.

3. MAYROONG DALAWANG NAPAKAHALAGANG MGA SALITA NA ATING MAPAPANSIN - "SINUMAN" AT "LAHAT". ANG DALAWANG MGA SALITA SA LOOB NG KONTEKSTO NG BUONG TALATA AY NAGPAPAKITA SA ATIN SA SALOOBIN NG DIYOS TUNGO SA SANGKATAUHAN; INIHAHAYAG NIYA ANG KANYANG MATINDING PAGNANAIS PARA SA KALIGTASAN NG MGA KALULUWA. Joh 3:16 ABAB (16) Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya'y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. HINDI NIYA GUSTO NA ANG SINUMAN AY MAPAHAMAK O MAMATAY. ANG KANYANG PASENSYA AT PAGTITIS AY NAGPAPATUNAY NA MAAARI NAMAN NIYANG PUTULIN O LIPULIN ANG MGA MAKASALANAN PERO HINDI NIYA GINAGAWA. HINDI ITO NANGANGAHULUGAN NA WALANG-ISA MANG MAPAPAHAMAK; KUNDI, a. BAGKUS AY MAYROONG AAYAW O TATALIKOD SA KALIGTASAN Joh 5:37-40 ABAB (37) Ang Ama na nagsugo sa akin ay siyang nagpatotoo tungkol sa akin. Kailanma'y hindi ninyo narinig ang kanyang tinig, o hindi ninyo nakita ang kanyang anyo. (38) At walang salita niya na nananatili sa inyo sapagkat hindi kayo sumasampalataya sa kanyang sinugo. (39) Sinasaliksik ninyo ang mga kasulatan sapagkat iniisip ninyo na sa mga iyon ay mayroon kayong buhay na walang hanggan; at iyon ang nagpapatotoo tungkol sa akin. (40) Subalit ayaw ninyong lumapit sa akin upang kayo'y magkaroon ng buhay. b. ANG IBA AY HINDI BIBIGYANG PANSIN ANG KALIGTASAN Heb 2:1-5 ABAB (1) Kaya't dapat nating pag-ukulan ng higit pang pansin ang mga bagay na ating narinig, baka tayo'y matangay na papalayo. (2) Sapagkat kung ang salita na ipinahayag sa pamamagitan ng mga anghel ay may bisa, at ang bawat paglabag at pagsuway ay tumanggap ng kaukulang parusa, (3) paano nga tayo makakatakas, kung ating pababayaan ang ganito kadakilang kaligtasan? Ito ay ipinahayag noong una sa pamamagitan ng Panginoon, at pinatunayan sa atin ng mga nakarinig sa kanya,

(4) na pawang pinatotohanan din ng Diyos sa pamamagitan ng mga tanda at ng mga kababalaghan at iba't ibang himala at ng mga kaloob ng Espiritu Santo, na ipinamahagi ayon sa kanyang kalooban. (5) Sapagkat hindi ipinasakop ng Diyos sa mga anghel ang sanlibutang darating, na siya naming sinasabi, c. ANG KALULUWA NG IBA AY MAPAPAHAMAK Mar 8:36 ABAB (36) Sapagkat ano ang mapapakinabang ng tao na makamtan ang buong sanlibutan, at mapahamak ang kanyang buhay? d. ANG IBA AY HINDI SUSUNOD SA SALITA NG DIYOS 1Pe 4:17-18 ABAB (17) Sapagkat ito'y panahon upang simulan ang paghuhukom sa sambahayan ng Diyos; at kung magsimula sa atin, ano kaya ang wakas ng mga hindi sumusunod sa ebanghelyo ng Diyos? (18) At kung ang matuwid ay bahagya nang makaligtas, ano kaya ang mangyayari sa masasama at makasalanan? MAYROONG MGA HINDI MALILIGTAS, NGUNIT HINDI ITO NINANAIS NG DIYOS, ANG IBIG NIYA AY ANG LAHAT AY MALIGTAS. Eze 18:23 ABAB (23) Mayroon ba akong anumang kasiyahan sa kamatayan ng masama? sabi ng Panginoong DIYOS; at hindi ba mabuti na siya'y humiwalay sa kanyang lakad at mabuhay? Eze 33:11 ABAB (11) Sabihin mo sa kanila, Kung paanong buhay ako, sabi ng Panginoong DIYOS, wala akong kasiyahan sa kamatayan ng masama, kundi ang masama ay tumalikod sa kanyang lakad at mabuhay. Manumbalik kayo, manumbalik kayo mula sa inyong masasamang lakad; sapagkat bakit kayo mamamatay, O sambahayan ni Israel? 1Ti 2:1-4 ABAB (1) Una sa lahat, ay isinasamo ko na gawin ang mga paghiling, mga panalangin, mga pamamagitan, at mga pagpapasalamat patungkol sa lahat ng mga tao; (2) patungkol sa mga hari at sa lahat ng nasa mataas na katungkulan upang tayo'y mamuhay na tahimik at payapa sa buong kabanalan at paggalang. (3) Ito'y mabuti at kaaya-aya sa paningin ng Diyos na ating Tagapagligtas; (4) na nagnanais na ang lahat ng tao ay maligtas at makarating sa pagkakilala ng katotohanan. Isa 30:18 ABAB (18) Kaya't naghihintay ang PANGINOON, na maging mapagbiyaya sa inyo; kaya't siya'y babangon, upang magpakita ng habag sa inyo. Sapagkat ang PANGINOON ay Diyos ng katarungan; mapapalad ang lahat na naghihintay sa kanya. ANG MGA TANDA KUNG KAILAN MULING MAGBABALIK ANG PANGINOON

Mat 24:3-8 ABAB (3) Samantalang siya'y nakaupo sa Bundok ng mga Olibo, lumapit sa kanya nang sarilinan ang mga alagad, na nagsasabi, "Sabihin mo sa amin, kailan mangyayari ang mga bagay na ito at ano ang tanda ng iyong pagdating, at ng katapusan ng panahon? (4) Sumagot si Jesus at sinabi sa kanila, "Mag-ingat kayo na huwag kayong mailigaw ng sinuman. (5) Sapagkat marami ang darating sa aking pangalan, na nagsasabi, 'Ako ang Cristo' at ililigaw nila ang marami. (6) At makakarinig kayo ng mga digmaan at ng mga bali-balita ng mga digmaan. Mag-ingat kayo na huwag kayong mangamba, sapagkat kailangang mangyari ito, subalit hindi pa ito ang wakas. (7) Sapagkat maglalaban ang bansa sa bansa, at ang kaharian laban sa kaharian. Magkakaroon ng taggutom at mga lindol sa iba't ibang dako. (8) Ngunit ang lahat ng mga ito ay pasimula lamang ng matinding paghihirap. ANO BA ANG SINASABI NI PEDRO TUNGKOL SA ARAW NA ITO NG PANGINOON 2Pe 3:10-13 ABAB (10) Ngunit darating ang araw ng Panginoon na gaya ng isang magnanakaw, at ang kalangitan ay maglalaho kasabay ng malakas na ingay at ang mga sangkap ay matutupok sa apoy at ang lupa at ang mga gawang naroon ay masusunog. (11) Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mawawasak nang ganito, ano ngang uri ng pagkatao ang nararapat sa inyo sa banal na pamumuhay at pagiging maka-Diyos, (12) na hinihintay at pinagmamadali ang pagdating ng araw ng Diyos, sapagkat ang kalangitan na nagliliyab ay matutupok, at ang mga sangkap ay matutunaw sa init! (13) Ngunit, ayon sa kanyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, kung saan ang katuwiran ay naninirahan. ANO BA ANG SINASABI SA LUMANG TIPAN PATUNGKOL SA ARAW NG PANGINOON Isa 13:9-10 ABAB (9) Tingnan ninyo, ang araw ng PANGINOON ay dumarating, mabagsik, na may poot at mabangis na galit; upang gawing wasak ang lupa, at upang lipulin mula roon ang mga makasalanan niyon. (10) Sapagkat ang mga bituin ng langit at ang mga buntala nito, ay hindi magbibigay ng kanilang liwanag; ang araw ay magdidilim sa kanyang pagsikat, at hindi ibibigay ng buwan ang kanyang liwanag. Joe 2:1-2 ABAB (1) Hipan ninyo ang trumpeta sa Zion, patunugin ninyo ang hudyat sa aking banal na bundok! Manginig ang lahat ng naninirahan sa lupain, sapagkat ang araw ng PANGINOON ay dumarating, ito'y malapit na; (2) isang araw ng kadiliman at pagkulimlim, araw ng mga ulap at makapal na dilim! Gaya ng bukang-liwayway na kumakalat sa mga bundok, isang dakila at makapangyarihang hukbo ang dumarating; hindi nagkaroon kailanman ng gaya nila, ni magkakaroon pa man pagkatapos nila, hanggang sa mga taon ng maraming salinlahi. Zep 1:14-18 ABAB

(14) Ang dakilang araw ng PANGINOON ay malapit na, malapit na at napakabilis na dumarating, ang tinig ng araw ng PANGINOON ang makapangyarihang tao ay sumisigaw nang may kapaitan roon. (15) Ang araw na iyon ay araw ng pagkapoot, araw ng kaguluhan at kahapisan, araw ng pagkawasak at pagkasira, araw ng kadiliman at kalumbayan, araw ng mga ulap at makapal na kadiliman, (16) araw ng tunog ng tambuli at ng hudyat ng digmaan, laban sa mga lunsod na may muog, at laban sa mataas na kuta. (17) At aking dadalhan ng kahapisan ang mga tao, upang sila'y lumakad na parang mga bulag, sapagkat sila'y nagkasala laban sa PANGINOON; at ang kanilang dugo ay ibubuhos na parang alabok, at ang kanilang laman ay parang dumi. (18) Kahit ang kanilang pilak o ang kanilang ginto man ay hindi makakapagligtas sa kanila sa araw ng poot ng PANGINOON. Sa apoy ng kanyang naninibughong poot ang buong lupa ay matutupok; sapagkat isang ganap at biglang paglipol ang kanyang gagawin, sa lahat ng naninirahan sa daigdig. Joe 2:30-31 ABAB (30) 'At ako'y magbibigay ng mga tanda sa langit at sa lupa, dugo, apoy, at mga haliging usok. (31) Ang araw ay magiging kadiliman, at ang buwan ay magiging dugo, bago dumating ang dakila at kakilakilabot na araw ng PANGINOON. Isa 13:10-13 ABAB (10) Sapagkat ang mga bituin ng langit at ang mga buntala nito, ay hindi magbibigay ng kanilang liwanag; ang araw ay magdidilim sa kanyang pagsikat, at hindi ibibigay ng buwan ang kanyang liwanag. (11) Aking parurusahan ang sanlibutan dahil sa kanilang kasamaan, at ang masasama dahil sa kanilang kabuktutan; at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo, at aking ibababa ang kapalaluan ng malulupit. (12) Aking gagawin na mas bihira ang mga tao kaysa dalisay na ginto, at ang sangkatauhan kaysa ginto ng Ofir. (13) Kaya't aking yayanigin ang kalangitan, at ang lupa ay yayanigin mula sa kanyang dako, sa poot ng PANGINOON ng mga hukbo, at sa araw ng kanyang mabangis na galit. ANO PO BA ANG GAGAWIN SA ATIN NG PANGINOON SA ORAS NG KANYANG PAGBABALIK? 1Co 15:50-52 ABAB (50) Mga kapatid, sinasabi ko ito: ang laman at dugo ay hindi magmamana ng kaharian ng Diyos; ni ang may pagkasira ay magmamana ng walang pagkasira. (51) Makinig kayo, sasabihin ko sa inyo ang isang hiwaga. Hindi tayong lahat ay mamamatay, ngunit tayong lahat ay babaguhin, (52) sa isang saglit, sa isang kisap-mata, sa huling pagtunog ng trumpeta, sapagkat ang trumpeta ay tutunog at ang mga patay ay mabubuhay na walang pagkasira at tayo'y babaguhin. Mat 24:27-31 ABAB (27) Sapagkat gaya ng kidlat na nanggagaling sa silangan at nagliliwanag hanggang sa kanluran, gayundin naman ang pagdating ng Anak ng Tao. (28) Kung saan naroon ang bangkay, ay doon magkakatipon ang mga buwitre.

(29) "At pagkatapos ng paghihirap sa mga panahong iyon ay magdidilim ang araw, at ang buwan ay hindi magbibigay ng kanyang liwanag, at mahuhulog ang mga bituin mula sa langit, at yayanigin ang mga kapangyarihan sa langit. (30) Pagkatapos ay lilitaw ang tanda ng Anak ng Tao sa langit, at tatangis ang lahat ng mga lipi sa lupa, at makikita nila ang Anak ng Tao na dumarating na nasa mga ulap ng langit na may kapangyarihan at dakilang kaluwalhatian. (31) Isusugo niya ang kanyang mga anghel na may malakas na tunog ng trumpeta at kanilang titipunin ang kanyang mga hinirang mula sa apat na hangin, mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila. Act 1:8-11 ABAB (8) Ngunit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo; at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at Samaria, at hanggang sa kadulu-duluhang bahagi ng lupa." (9) Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, habang sila'y nakatingin, dinala siya sa itaas at siya'y ikinubli ng ulap sa kanilang mga paningin. (10) Samantalang nakatitig sila sa langit at siya'y papalayo, biglang may dalawang lalaki ang tumayo sa tabi nila na may puting damit, (11) na nagsabi, "Kayong mga lalaking taga-Galilea, bakit kayo'y nakatayong tumitingin sa langit? Itong si Jesus, na dinala sa langit mula sa inyo ay darating na gaya rin ng inyong nakitang pagpunta niya sa langit." 1Th 4:13-18 ABAB (13) Mga kapatid, nais naming malaman ninyo ang tungkol sa mga natutulog upang kayo'y huwag malungkot, na gaya ng iba na walang pag-asa. (14) Sapagkat kung tayo'y sumasampalatayang si Jesus ay namatay at muling binuhay ay gayundin naman, sa pamamagitan ni Jesus, ang mga natutulog ay dadalhin ng Diyos na kasama niya. (15) Sapagkat ito'y sinasabi namin sa inyo sa pamamagitan ng salita ng Panginoon, na tayong nabubuhay, na natitira hanggang sa pagdating ng Panginoon, ay hindi mauuna sa anumang paraan sa mga natutulog. (16) Sapagkat ang Panginoon mismo ang bababa mula sa langit na may sigaw, may tinig ng arkanghel, at may trumpeta ng Diyos, at ang mga namatay kay Cristo ay babangon muna. (17) Pagkatapos, tayong nabubuhay na natitira ay aagawing kasama nila sa mga ulap, upang salubungin ang Panginoon sa papawirin; at sa gayon ay makakapiling natin ang Panginoon magpakailanman. (18) Kaya't mag-aliwan kayo sa isa't isa ng mga salitang ito.

Anda mungkin juga menyukai