Anda di halaman 1dari 5

ANG TALAM BUHAY NI DR.

JOSE RIZAL
Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G. Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo. Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Bian, Laguna. Nakapag tapos siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng ibat ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa Paris at Heidelberg. Ang kanyang dalawang nobela Noli Me Tangere at El Filibusterismo. naglalahad ng mga pangaabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng Kastila. Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan tinawag ito na La Liga Filipina. Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura. Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran. Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio. Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila. Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang Mi Ultimo Adios (Ang Huling Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan. Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay Luneta).

TUNGKOL SA KATAMARAN NG MGA PALIPINO AYON KAY DR. JOSE RIZAL


(Ang matutunghayan ay isang lagom sa Tagalog ng sanaysay na Sobre de la Indolencia de los Filipinos, na nalathala sa La Solidaridad mula noong Hulyo 15 hanggang Setyembre 15, 1890. Ang sanaysay na itoy isinulat ni Rizal sa ikalawang pagtungo niya sa Europa. Isinulat niya ito bilang tugon sa paulit-ulit na upasala sa mga Pilipino na silay mga tamad. Ang upasalang itoy hindi tinutulan ni Jose Rizal sa kaniyang sanaysay. Manapay inamin nga niya ang pag-aangkin ng katamaran ng kaniyang mga kababayan. At sa pag-amin niyang iyan ay nagbigay siya ng mga matuwid kung bakit ang mga Pilipino ay masasabi ngang tamad. Narito ang kaniyang mga matuwid. Ang pangunahing sanhi ay ang mainit na singaw ng panahon. Kahit na ang mga banyagang nandarayuhan sa Pilipinas buhat sa mga bayang malamig ang klima ay nagiging tamad pagdating dito at ayaw humawak ng mabibigat na gawain. Sa bayang mainit ang panahon, kahit hindi kumilos ang isang tao, siyay pinagpapawisan at hindi mapalagay. Wika pa ni Rizal: Ang mga Europeong naninirahan sa Pilipinas ay nangangailangan pa ng mga tagapaypay at tagahugot ng sapatos, at hindi nagsisipaglakad kundi laging lulan ng kanilang karwahe, gayong masasarap ang kanilang kinakain at ginhawa ang kanilang kabuhayan. Silay malaya, ang bunga ng kanilang mga pagsisikap ay para sa kanilang sarili, may pag-asa sa kinabukasan, at iginagalang ng madla. Ang abang katutubo, ang tamad na katutubo ay kulang sa pagkain, walang inaasahan sa araw ng bukas, ang bunga ng kanilang pagod ay sa iba napupunta, at kinukuha sila sa paggawang sapilitan. Sinasabing ang mga Europeo ay nahihirapan sa mga bayang mainit ang singaw ng panahon palibhasay hindi sila hirati sa gayong klima, kayat karampatan lamang na dulutan sila ng balanang makapagpapaginhawa sa kanilang kalagayan. Datapuwat ang wika nga ni Rizal, ang isang taoy maaaring mabuhay kahit saan kung sisikapin lamang niyang ibagay ang kanyang sarili sa hinihingi ng pangangailangan. Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil din sa kagagawan ng mga Kastila. Ang mga Pilipino, nang bago dumating ang mga Kastila ay ginhawa sa kanilang kabuhayan, nakikipagkalakalan sila sa Tsina at iba pang mga bansa, at hinaharap nila ang pagsasaka, pagmamanukan, paghabi ng damit at iba pa. Kayat mapagkikilalang nang wala pa rito ang mga Kastila, ang mga Pilipino bagaman ang mga pangangailangan nilay hindi naman marami, ay hindi mga mapagpabayang gaya ngayon. Ang lahat ng industriya at pati na ang pagsasaka ay napabayaan sapagkat ang mga Pilipinoy hindi makapagtanggol laban sa pananalakay ng mga mandarambong buhat sa Mindanaw at Sulu. Paanoy ayaw pahintulutang makapag-ingat ng mga baril at iba pang sandata ang mga Pilipinong naiiwan sa bayan habang ang ibay wala at kasama sa mga pandarayuhang walang kabuluhan. Nang panahon ng Kastilay maraming digma at kaguluhan sa loob ng bayan at maraming ipinapapatay. Isinalaysay ni Rizal ang nangyari sa isang pulong malapit sa Sebu, na halos nawalan ng tao sapagkat madaling nangabihag ng mga piratang buhat sa Sulu palibhasay walang sukat maipananggol sa sarili.

Pag-ibig sa tinubuang lupa ni andres bonifacio

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Andres Bonifacio Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa, Aling pag-ibig pa? Wala na nga wala. Walang mahalagang hindi inihandog Ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop. Dugo, yaman, dunong, katiisat pagod: Buhay may abuting magkalagot-lagot Ang nakaraang panahon ng aliw Ang inaasahang araw na darating Ng pagkatimawa ng mga alipin Liban pa sa bayan saan tatanghalin? Sa aba ng abang mawalay sa bayan Gunita may laging sakbibi ng lumbay Walang alaalang inaasam-asam Kundi ang makita lupang tinubuan. Kayong nalagasan ng bungat bulaklak Kahoy niyaring buhay na nilantat sukat Ng bala-balakit makapal na hirap Muling manariwat sa bayay lumiyag Ipakahandog-handog ang buong pag-ibig Hanggang sa may dugoy ubusing itigis Kung sa pagtatanggol buhay ang kapalit Itoy kapalaran at tunay na langit Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa Aling pag-ibig pa wala na nga wala Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa

TANAGA ANG MAIKLING KWENTO


1. Mga nangyari: Binomba ang Pearl Harbor Nasakop ang Pilipinas mula 1941- 1945 Pinagbawal ang mga magasin na Ingles Nabuksan ang lingguhang Liwayway 2. Pagbomba Sa Pearl Harbor Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa3. panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa4. Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha. Naging maunlad ang larangan ng maikling5. kwento noong panahon ng Hapon. Tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Filipino. Kinilala ang mga manunulat na babaeng6. Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na maka-feministang maiklingkwento. Narciso Reyes Lupang Tinubuan7. Liwayway Arceo- Uhaw ang Tigang na Lupa NVM Gonzales- Lunsod, Nayon at Dagat-Dagatan 8. Mga Manunulat ng Maikling Kwento Brigido Batungbakal Macario Pineda Serafin Guinigundo Liwayway Arceo Narciso Ramos NVM Gonzales Alicia Lopez Lim Ligaya Perez Gloria Guzman, atbp. 9. Tema ng mga Akda: Pag-ibig sa bayan Kagandahan ng buhay sa lalawigan Relasyon ng mga magulang sa anak Pagmamahal sa kapwa. Pamumuhay na dinaranas ng mga10. tao sa lungsod: ng kasalatan ng pagkain, damit, hanapbuhay, paglalakbay at pakikisama sa kapwa. Isa pang uri ng tulang lumabas noon ay11. ang "tanaga. Ngunit Dahil sa kakapusan ng papel, lumabas sa panahong ito ang napakaiksing tulang ito na tinatawag na "haiku.

Haiku in Tagalog - Mga Halimbawa

1 Baliw sa haiku Tuloy lang sa pagbuo Hanggang maluko. 2 Gabing madilim, Kulay ay inilihim, Kundi ang itim. 3 Masamang tao Darating ang wakas mo Sa impiyerno. 4 Magdasal ngayon Sa ating PANGINOON Upang maglaon. 5 PANGINOON ko Patawarin mo ako Akoy iwasto.

Anda mungkin juga menyukai