Anda di halaman 1dari 4

Mga Pagdulog Sa Panitikan

MORALISTIKO - sinusuri o tumatalakay sa pagpapahalagang ginamit. - pinahahalagaan ang moralidad, disiplina, at kaayusang nakapaloob sa akda.

- SOSYOLOHIKO - mahihinuha ang kalagayang panlipunan nang panahong kinatha ang panitikan.

SIKOLOHIKAL - makikita ang takbo ng isip ng may katha. - antas ng buhay, paninindigan,pinaniniwalaan, pinahahalagahan at mga tumatakbo sa isipan at kamalayan ng may akda.

FORMALISMO - pinagtutuunan ng pansin ang mga istraktura o pagkabuo. - kabisaan ng pagkakagamit ng matatalinghagang pahayag (sukat, tugma, kaisahan ng mga bahagi, teknik ng pagkakabuo ng akda.

IMAHISMO - umusbong noong 1900 - nagpapatalas ssa pandama ng mga mambabasa.

- larawang-diwa o imahe sa ikagaganda ng akda - mga salitang kapag binanggit sa akda ay nag-iiwan ng malinaw at tiyak na larawan sa isipan ng mambabasa. HUMANISMO - Ang tao ang sentro ng daigdig. - binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian ng tao sa maraming bagay.

MARXISMO - pinakikita ang pagtutunggali o paglalaban ng dalawang magkasalungat na puwersa. Halimbawa: Malakas at mahina, mayaman at mahirap, kapangyarihan at naapi

ARKETIPO - gumagamit ng modelo o huwaran upang masuri ang element ng akda. - Nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng akda sapagkat ang binibigyang-diin ditto ay mga simbolismong ginamit upang maipahatid ang pinakamensahe ng akda.

FEMINISMO

- Maaring tingnan ang imahen, pagpapakalarawan, posisyon at Gawain ng mga babae sa loob ng akda at maaing ilantad din ang nga de kahong mga imahen ngmga babae sa akda. - Layon nitong labanan ang anumang diskriminasyon, exploitation, at operasyon sa kababaihan. - Lualhati Bautista, Genoveve Edroza Matute, Elynia Ruth S. Mabanglo

EKSISTENSIYALISMO - Binibigyang-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwal, kilos at gawi ng tauhan. - Ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging indibidwal nito at sa gayon ay hindi maikahon sa lipunan.

KLASISISMO - Pinahahalagahan ang katwiran at pagsusuri. - Layon ay katotohanan, kabutihan, at kagandahan - Malinaw, marangal, payak, matimpi, obhetibo, magkakasunud-sunod at may hangganan.

ROMANTISISMO - Binibigyang-halaga ang indibidwalismo, rebolusyon, imahinasyon at likas. - Pagtakas mula sa realidad o katotohanan.

- Nagpapakita ng pagmamahal ng ato sa kanyang kapwa, bayan at iba pa. - Mga sanaysay na nagpapahayag ng mga kaisipan sa pamamaraang di tuwiran, maaring di kapani-paniwala o sa paraang nakakatawa ngunit kung itoy titignan ng mabutiay makikita nating may iba itong kahulugan at kaisipan. REALISMO - Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay nabuhay. - Pinapaksa ang kalagayn na nangyayari sa lipunan tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon. - Madals din itng naka pokus sa lipunan at gobyerno.
BY: FREDERICK ALDWIN H. MAMARIL

Anda mungkin juga menyukai