Anda di halaman 1dari 3

ANG SAMPUNG UTOS NG DIYOS

1. Ibigin mo ang Diyos ng lalo at higit sa lahat. 2. Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan. 3. Ipangilin mo ang araw ng Sabbath. 4. Galangin mo ang iyong ama at ina. 5. Huwag kang papatay. 6. Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa. 7. Huwag kang magnakaw. 8. Huwag kang magbibintang at huwag kang magsisinungaling. 9. Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari.

10. Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.

Ang Paliwanang
1. Ipinag-uutos ang pag-ibig sa Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya at pagsunod sa kanyang mga utos. 2. Ipinagbabawal ng Diyos ang panunumpa sa walang katotohanan, di makatwiran at dikailangan,at pagwiwika ng masama laban sa Diyos at sa mga santo o mga banal na bagay. 3. Ipinag-uutos ang pagsisimba sa ganitong mga araw. 4. Ipinag-uutos ng Diyos ang pagtalima, paggalang at pagtulong sa mga magulang. 5. Ipinagbabawal ang pagsugat o pananakit sa kapwa. 6. Ipinagbabawal ang pag-iisip, pagnanasa, pagsasalita at paggawa ng kahalayan lalo na sa hindi mo asawa. 7. Ipinagbabawal ang pagkuha at pagsira sa hindi mo pag-aari. 8. Ipinagbabawal ang pagbibintang ng di-makatwiran, ang paninirang-puri. 9. Ipinagbabawal ang pagnanasa sa hindi mo asawa. 10. Ipinagbabawal ang di-matuwid na paghahangad sa mga bagay na pag-aari bg iba, at ang pagkainggit sa kapwa.

Upang maipakita ng Diyos ang kanyang pagmamahal sa lahat, simula pa noong una, Siya ay nakipagtipan. Ang isang tanda ng pakikipagtipan ng Diyos ay ang Sampung Utos. Ang Sampung Utos ay hindi ginawa para pahirapan tayo kundi gabayan tayo sa kabanalan. Sa mga Utos Niya ay natutukoy natin kung ano ang alin, ang mabuti at masama.

Maaaring isipin natin na ang salitang utos ay patungkol sa Sampung Utos isang listahan ng Huwag Kanghindi lamang sinasabi sa atin ng Diyos kung ano ang hindi natin dapat gawin, kundi sinasabi rin Niya sa atin ang dapat nating gawin. Ang malaking inaasam Niya ay para sa ating walang-hanggang kaligayahan, kaya makatitiyak tayo na ang Kanyang mga utos ay hindi mga patakarang naghihigpit sa atin, kundi ang mga ito ay banal na patnubay para protektahan tayo mula sa kapahamakan at akayin tayo sa mas mabuting pamumuhay.

ANG DALAWANG DAKILANG UTOS


Ang ating pagsunod sa mga utos ng Diyos ay nagmumula sa ating hangaring ipakita ang ating pagmamahal sa Kanya, sa ating kapwa, at sa ating sarili. Habang narito si Jesucristo, tinanong siya ng isang lalaki, Alin baga ang dakilang utos sa kautusan? Sumagot si Jesus,
Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong pagiisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawang katulad ay ito, Iibigin mo ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili. Sa dalawang utos na itoy nauuwi ang buong kautusan, at ang mga propeta (Mateo 22:36-40).

Itinuturo sa atin ni Jesucristo sa iilang linyang ito na ang sentro ng lahat ng gagawin at hindi gagawin ay nakatuon sa pagmamahal sa Diyos at pagmamahal sa mga tao sa ating paligid. Habang pinag-iisipan natin ang tungkol sa mga utos na nakalista sa ibaba, makatutulong na isaalang-alang kung paano nauugnay ang bawat isa sa kanila sa dalawang napakahalagang utos na ito.

Ang pinaka-pamilyar na mga pamantayan ng Diyos, ang Sampung Utos ay mahalaga ngayon tulad noong ibigay ito kay Moises.

Matapos akayin ni Moises ang mga anak ni Israel mula sa pagkabihag, nagtungo siya sa ituktok ng Bundok Sinai at nakipag-usap sa Diyos. Pagbaba ni Moises mula sa bundok, dala niya ang Sampung Utos na inihayag sa kanya ng Panginoon na nakaukit sa malalaking tipak ng bato. Sinusunod natin ang mga utos na iyon ngayon, libu-libong taon na ang nakararaan.

Anda mungkin juga menyukai