Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan ay ang
pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Subalit upang
maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan.[1] Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.[2] Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil
Etimolohiya
Nanggaling ang salitang panitikan mula sa ‘pang|titik|an’,
kung saan ikinabit ang unlaping pang- at hulaping -an sa ugat na titik. Ang may-bahid kanluraning salitang literatura ang isa pang katawagan para sa larangan ng panitikan. Nagmula ang salitang literatura sa salitang Latin - littera - na nangangahulugang "titik".[2]
Mga uri ng panitikan
Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang uri ng panitikan:
ang mga kathang-isip (Ingles: fiction) at ang mga hindi kathang-isip (Ingles: non-fiction) na mga sulatin at babasahin. Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang. Umiimbento sila ng mga kathang-isip na mga tauhan, pangyayari, sakuna, at pook na pinangyahrihan ng kuwento para sa kanilang mga prosang katulad ng mga nobela at maikling kuwento.[1]
Para sa pangalawang uri ng panitikan, bumabatay ang may-
akda sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang ang nakakainganyang kuwento. Kabilang sa mga hindi-bungang-isip na mga sulatin at babasahin ang mga talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay, at mga akdang pang-kasaysayan.[1]
Mga anyo ng panitikan
May dalawang pangunahing anyo ang panitikan:
1. tuluyan o prosa (Ingles: prose) - maluwang na
pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag. 2. patula o panulaan (Ingles: poetry) - pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang saknong.
Kahalagahan ng Panitikan
Marami ang humihingi sa akin ng tulong at nagtatanong
kung ano ba ang kahalagahan ng panitikan. Sa totoo lang wala kayong mahahanap na tamang sagot sa internet ukol dito, pero pwede kayong magtanong sa ibang tao at doon nyo makikita ang kahalagahan nito.
Para sa akin, ang panitikan ay mahalaga dahil ito ay
nagsisilbing salamin ng galing ng pinoy sa paglikha. Ito rin ang nagsisilbing sukatan kung gaano kayaman ang kultura ng isang bansa.
Kaugnayan ng Panitikan sa Kasaysayan
Malaki ang kontribusyon ng Panitikan sa Kasaysayan dahil
dito natin makikita kung ano ang buhay ng mga tao noon. Sa pamamagitan ng mga tula, Nobela, Kantahin, o talumpati natin nalalaman kung ano ang obserbasyon ng mga may- akda sa kanilang paligid at sa kanilang mga buhay.
ANg panitkan din ay nagsisilbing patunay sa mga pangyayari
sa nakaraan. Tulad ng mga sulatin ni Rizal na nagpapatunay sa kalupitan na sinapit ng mga Pilipino noong panahon ng kastila.