Anda di halaman 1dari 4

ANG TALAMBUHAY NI FERDINAND MAGELLAN

Si Ferdinand Magellan (1480 - 27 Abril 1521) Ferno de Magalhes sa Portuges, Fernando de Magallanes sa Kastila, Ferdinand Magellan sa Ingles) ay isang eksplorador na Portuges na naglayag para sa Kaharian ng Espanya. Siya ang kauna-unahang nakapaglayag mula sa Europa pakanluran tungo sa Asya, ang unang Europeo na nakatawid ng Karagatang Pasipiko, at ang namuno ng unang ekspedisyon para sa sirkumnabegasyon ng daigdig. Bagaman nasawi siya laban sa pwersa ni Lapu-Lapu sa pulo ng Mactan sa Pilipinas, labinwalo sa kanyang mga tripulante at isang barko ang nakabalik sa Espanya noong 1522, at natupad ang pangarap na paglibot sa buong mundo. BUHAY Isinilang si Magellan sa Portugal noong taong 1480. Naglingkod siya sa palasyo ng reyna noong kanyang kabataan, na naging daan upang malaman niya ang ginagawang mga ekspedisyon ng bansa upang makatuklas ng iba't ibang lugar at mga bagay. KARERA Noong taong 1505 unang nakapaglayag si Magellan para sa isang ekspedisyon bilang isang militar. Agad siyang nagkaroon ng malalim na interes sa karagatan at dahil na rin sa kanyang kagustuhang makapaglayag ay nadiskubre niya ang Spice Island, kung saan matatagpuan ang iba't ibang uri ng mga halaman at herbo. Dahil din dito ay nagkaroon siya ng teorya na maaari siyang makabalik sa naturang mga isla sa pamamagitan ng paglalayag ng diretso papunta rito. Ngunit bago niya maumpisahan ang nasabing plano ay kinakailangan niya ang pahintulot ng hari. Hindi nagustuhan ng hari ng Portugal ang kanyang ideya kaya napagpasyahan ni Magellan na lumipat sa Espanya. Dito ay inilapit niya ang kanyang mga ideya sa hari ng Espanya na si Carlos I.

PAGLALAYAG Nagsimulang maglayag si Magellan patungo sa Spice Islands noong ika-20 ng Setyembre 1519. Nasa ilalim ng kanyang pangangalaga at responsibilidad ang limang barko at dalawang daan at animnapu't limang mga tao. May dala siyang ilang mga bagay na maaaring gamitin upang ipagpalit sa mga sangkap na makikita nila sa Spice Islands at mga pagkain na kanilang makokonsumo sa loob ng dalawang taon. Nagkaroon naman ng hindi pagkakaunawan sa pagitan ni Magellan at ng ilang mga tauhan dahil naging masikreto ang una sa kanyang mga plano sa paglalayag. Noong ika-15 ng Disyembre 1519 ay dumaong ang mga barko ni Magellan sa Brazil. Naging maganda ang pagtanggap ng mga mamamayang naninirahan dito sa grupo ni Magellan. Makaraang makipagpalitan ng mga gamit at pagkain sa mga naninirahan sa Brazil ay nagpatuloy ang kanilang paglalayag upang hanapin ang Spice Islands. Noong ika-10 ng Enero 1520 ay may natagpuan siyang isang malawak na bahagi ng karagatan. Inutusan niya ang kanyang mga kasama na tingnan kung mayroon silang makikitang lagusan patungo sa Spice Islands ngunit bigo ang mga ito sa paghahanap. Nagpatuloy sila sa paglalayag hanggang sa makarating sa lugar na ngayon ay kilala bilang Port San Julian, kung saan matagumpay na natigil ang hidwaan sa pagitan ni Magellan at ng kanyang mga kasamahan. Noong ika-20 ng Oktubre 1520 ay nakakita sila ng isa pang parte ng karagatan, ngunit itinuring nila itong katulad ng mga nakaraan nilang nakita. Siniguro ni Magellan na tama ang kanilang mga ideya sa pamamagitan ng pagpapadala ng ilan pang mga tauhan upang tingnan ang nasabing lugar at bumalik sa mga barko pagkalipas ng limang araw. Habang wala ang ilan sa kanyang mga tauhan, nagkaroon ng isang malakas na pagbagyo at inisip ni Magellan na hindi malayong namatay na ang mga ito dahil sa hagupit ng bagyo. Ngunit pagkaraan ng limang araw ay bumalik ang kanyang mga tauhan, dala ang balita ng pagkakadiskubre sa isang lagusan. Lahat ng mga barko ay nagpatuloy sa paglalayag sa loob ng tatlumpu't walong araw ng may layong tatlong daan at apatnapu't apat na milya hanggang sa marating ang bagong dagat. Noong ika-28 ng Nobyembre ay nagsimulang maglayag si Magellan at kanyang mga kasamahan sa karagatang walang pangalan na kanyang tinawag na Pacific dahil sa mapayapang anyo nito. Noong ika-16 ng Marso 1521, dumaong ang grupo niya sa islang inaakala niyang ang Spice Islands, ngunit ang nasabing lugar ay ang Pilipinas. Naging maganda ang pagtanggap sa kanya at sa kanyang mga tauhan hanggang sa lumipat sila at naglayag patungo sa isa pang isla. Hindi naging maganda ang pagtanggap ng mga katutubo sa isla na ngayon ay kilala bilang Cebu sa pangkat ni Magellan at inatake sila ng may isang libo at limang daang mga katutubo. Nagkaroon ng paglalaban sa pagitan ni Magellan at pangkat ng mga katutubo at nauwi ito sa kanyang kamatayan noong ika-26 ng Abril 1521. SPICE ISLAND Bagama't wala na ang kanilang pinuno, ipinagpatuloy ng mga natitirang tauhan ni Magellan ang paglalayag patungo sa Spice Islands at naging matagumpay sila sa paghahanap dito. Binili nila ang lahat ng herbo at halaman na maaaari nilang magamit at sila'y bumalik sa Espanya. Noong ika-6 ng Setyembre 1522, isa na lamang sa orihinal na limang mga bapor ni Magellan ang nakabalik as Espanya at labing walong tao na lamang ang lulan nito.

LABANAN SA MACTAN

Ang Labanan sa Mactan ay naganap sa Pilipinas noong Abril 27, 1521. Natalo ng hukbo ni Lapu-Lapu, datu ng Pulo ng Mactan ang mga Espanyol na sundalo sa pamumuno ng Portuges na kapitan at eksplorer na si Ferdinand Magellan. Napatay ng mga tribung sundalo si Magellan, na nagkaroon ng alitang pulitikal at pagkakaribal kasama si Lapu-Lapu. Noong Marso 16,1521(kalendaryong Kastila), natanaw ni Magellan ang mga kabundukan ng ngayong Samar habang nasa isang misyon upang hanapin ang pakanlurang ruta sa Mga kapuluang Moluccas para sa Espanya. Nang sumunod na araw, inutos ni Magellan na iangkla ang kanilang mga barko sa mga baybayin ng Kapuluang Homonhon. Doon ay kinaibigan niya sina Rajah Kulambuat Rajah Siagu na pinuno ng Limasawa na gumabay sa kanya sa Cebu. Ang hari ng Cebu na si Rajah Humabon at ang kanyang reyna ay binautismuhang Katoliko na kumukuha ng mga pangalang Carlos bilang parangal kay Haring Carlos ng Espanya at Juana bilang parangal sa ina ni Carlos. Upang alalahanin ang pangyayaring ito, ibinigay ni Magellan kay Juana ang Santo Nio bilang tanda ng bagong alyansa. Dahil sa impluwensiya ni Magellan kay Rajah Humabon, ang isang kautusan ay inutos ni Humabon para sa mga kalapit na hepe na ang bawat isa sa kanila ay magbibigay ng mga suplay ng pagkain sa mga barko at pagkatapos ay magkokonberte sa Kristiyanismo. Ang karamihan sa mga hepeng ito ay sumunod dito ngunit si Datu Lapu-Lapu na isa sa mga pangunahing hepe sa loob ng isla ng Mactan ang tanging tumutol. Tumangging tanggapin ni Lapu-Lapu ang kapangyarihan ni Rajah Humabon sa mga bagay na ito. Iminungkahi nina Rajah Humabon at Datu Zula kay Magellan na pumunta sa isla ng Mactan at pwersahin ang kanyang nasasakupan na si Datu Lapu-Lapu na sumunod sa kanyang mga kautusan. Nakita ni Magellan ang oportunidad na palakasin ang umiiral na pakikipagkaibigang ugnayan sa pinuno ng rehiyong Visaya at umayon na pasukuin ang mapanghimagsik na si LapuLapu. Ayon kayAntonio Pigafetta, tinangka ni Magellan na hikayatin si Lapu-Lapu na sumunod sa mga kautusan ni Rajah Humabon sa gabi bago ang labanan. Ayon kay Pigafetta, si Magellan ay nagpakilos ng mga 49 katao na may mga espada, kalasag, pana, at mga baril at naglayag para sa Mactan sa umaga ng Abril 28, 1521. Pagkatapos ay tinangka ni Magellan na takutin ang mga
3

ito sa pamamagitan ng pagsunog ng ilang mga kabahayan sa ngayong Buayangunit kilala noon na Bulaia. Ang pagsunog na ito ang nagpagalit kay Lapu-Lapu at kanyang mga mandirigma at umatake kay Magellan na nasugatan sa braso ng isang sibat at sa hita ng isang kampilan. Napanaigan ng mga mandirigma ni Lapu-Lapu si Magellan na sinaksak at tinaga ng mga sibat at espada. Nagawa nina Pigafetta at iba pa na makatakas. Ayon kay Pigafetta, ang ilan sa mga tao ni Magellan ay napatay sa labanan at ang ilang mga katutubong naging Kristiyano na tumulong sa kanila ay napatay ng mga mandirigma ni Lapu-Lapu. Walang opisyal na mga rekord ng bilang ng mga namatay ngunit binanggit ni Pigafetta ang hindi bababa sa 3 Kristiyanong sundalo kabilang si Magellan. Ang mga kaibigan ni Magellan na sina Raja Humabon at Datu Zula ay hindi sumali sa labanan dahil sa kautusan ni Magellan at nanood sila mula sa malayo. Inulat ni Pigafetta na nagpadala ng mensahe si Humabon na kung ibabalik ng mga mandirigma ang mga katawan ni Magellan at mga tripulante nito, sila ay bibigyan ng kasing daming kalakal na naisin nila. Ang tugon ni Lapu-Lapu ay "Hindi namin ibibigay ang katawan ng kapitan para sa lahat ng mga kayamanan ng mundo dahil ang kanyang katawan ay tropeo ng aming pagwawagi laban sa mga mananakop ng aming baybayin". Ang ilan sa mga sundalo na nakaligtas sa labanan at bumalik sa Cebu ay nilason sa pistang ibinigay ni Rajah Humabon. Si Magellan ay hinalinhan ni Juan Sebastin del Cano bilang komander ng ekspedisyon na nag-utos ng mabilis na paglisan matapos ang pagtatraydor ni Humabon. Si Del Cano at kanyang armada ay naglayag pakanluran at bumalik sa Espanya noong 1522 na bumubuo sa paglibot ng mundo.

Anda mungkin juga menyukai