Anda di halaman 1dari 2

FLORANTE AT LAURA Ikatlong Bahagi Pagkatapos magsalaysay ni Florante ng kanyang pinagdaanang buhay, nagpakilala naman ang Morong gerero

kay Florante na siya ay si Aladin,anak ni Sultan Ali-Adab ng Kaharian ng Persya. Isinalaysay naman niya ang kanyang buhay kay Florante. Ang ama ni Aladin ang dahilan ng kanyang kasawian sa buhay. Naging kaagaw niya ang sariling ama sa pag-ibig niya sa kasintahang si Flerida. Sa hangarin ng ama na mapasakamay niya si Flerida, hinatulan niya ang sariling anak na pugutan ng ulo sa salang pagpapabaya o pagtalikod sa hukbong sumakop sa Albanya dahil nabawi nga ni Florante ang kaharian. Nang dumating ang takdang - araw ng pagpugot, nagbago ang pasya ng sultan. Pinatawad niya si Aladin sa kondisyong di na siya makikita sa Persya. Hindi man niya gusto na lisanin ang Persya subalit mas gugustuhin pa niyang mamatay kaysa makita sa piling ng iba ang mahal niyang si Flerida at bago pa man niyang malimutan na ang ama niya ang kaagaw nito. Kaya umalis siya sa ng Persya at sa kagubatan ay nakarating hanggang sa matagpuan ang Kristiyanong si Florante. 347 Ang pagkabuhay moy yamang natalastas, 349 Magsama na kitang sa luhay maaganas, tantuin mo naman ngayon ang kausap; yamang pinag-isa ng masamang palad; ako ang Aladin s Persyang Syudad, sa gubat na itoy hintayin ang wakas anak ng balitang Sultang Ali-Adab. ng pagkabuhay tang nalipos ng hirap. 348 Sa pagbatis niring mapait na luha, ang pagkabuhay koy sukat mahalata Ay, ama ko! Bakit? Ay, Fleridang, tuwa! Katotong bayaang akoy mapayapa. 350 Aniyay Sa madlang gyerang dinaanan, Di ako naghirap ng pakikilaban Para nang bakahin ang pusong matibay Ni Fleridang irog na tinatangisan.

Inabot ng anim na taon ang pananatili sa kagubatan nina Florante at Aladin hanggang isang araw sa kanilang paglilibot sa kagubatan ay nakarinig sila ng tinig ng mga babae. Narinig ng dalawang gerero ang paguusap ng dalawa. Isinalaysay ng isang tinig na pupugutan sana ng ulo ang kanyang kasintahan kaya upang iligtas ang kasintahan ay nagmakaawa siya sa sultan. Napahinuhod niya ang sultan sa kondisyong pakakasal siya sa sultan. Pagkatapos pakawalan ang kasintahan, tumakas ang dalaga sa pamamagitan ng pagsusuot ng kasuutang gerero. Pilit niyang hinanap ang kanyang kasintahang prinsipe hanggang nakarating siya ng kagubatan. Dito sila nagtagpo ng binibining kausap na iniligtas niya sa kapahamakan. 361 Napakinggan nilay ganitong saysay 366 Pumanaw sa Persya ang irog kong buhay Nang aking matatap na papupugutan na hindi man kami nagkasalitaan Ang abang sinta kong nasa bilangguan tingni kung mayluha akong ibubukal Nagdapa sa yapak ng haring sukaban na maitutumbas sa dusa kong taglay! 362 Inihinging tawd ng luha at daing Ang kaniyang anak na mutya kot giliw; Ang sagot ay jundi kusa kong tatanggapin Ang pagsinta niyay di patatawarin. Ang di nabalinong matibay kong dibdib ng suyo ng hari, bala at paghibik, nanlambot na kusat humain sa sakit at nang mailigtas ang buhay ng ibig. 368 Isang hatinggabing kadilimay lubha lihim na naghugos ako sa bintana; walang kinasama kung hindi ang nasa, matunton ang sinta kung nasaang lupa. May ilan nang taong akong naglagalag na pinapalasyo ang bundok at gubat dumating nga ritoy kitay nailigtas sa masamang nasa niyong taong sukab.

364

369

Natiyak ng dalawang gerero na ang dalawang binibining nag-uusap ay ang kani-kanilang kasintahan. Naputol ang pagsaslaysay ni Flerida sapagkat lumabas sa kanilang pinagtataguan sina Florante at Aladin. Di mailarawan ang kaligayahan ng apat sa kanilang pagkikita sa gubat. Nagsalasay naman si Laura sa kanyang sinapit. Ipinaliwanag niya na ang lahat ng di magagandang nangyayari sa Kaharian ng Albanya ay kagagawan ni Adolfo. Dahil sa maruming pakana ni Konde Adolfo ay napaniwala niya ang bayan na gugutumin ng hari ang mga tao. Kayat nilusob ng mga mamamayan at ng mga sundalong kasabwat ng konde ang palasyo. Ang hari at ang buong konseho nito ay pinapugutan ng ulo at pagkatapos ay si Adolfo na ang umupong hari. 370 Salitay nahinto sa biglang pagdating 379 Itoy kay Adolfong kagagawang lahat ng Duke Florantet Prinsipeng Aladin; at nang magakagulo yaong bayang bulag; na magkakilala sa boses ng giliw sa ngalan ng hari ay isinambulat ang gawi ng pusoy di mapigil-pigil gayong ordeng mula sa dibdib na sukab. 377 Di kagins-ginsa palasyoy nakubkob ng magulong bayat baluting soldados; Oaraw na lubhang kakila-kilabot! Araw na sinumpa ng galit ng Diyos 380 Noon diy hinugot sa tronong luklukan ang ama kong hari at pinapugutan; may matuwid bagang nakapanlulumay sa sukab na pusot nagugulong bayan?

Binalaan ni Adolfo si Laura na kung hindi siya pakakasal sa kanya ay ipapatay niya ito. Humingi ng palugit si Laura kay Adolfo ng limang buwan. Lihim na pinadalhan ng kalatas ni Laura si Florante na noon ay nasa Etolya. Nanindigan na lamang si Laura na kung sakaling hindi dumating si Florante bago matapos ang palugit ay magpapakamatay siya. Gayunman ang liham ni Laura ay naunahan ng liham na ipinadala naman ni Adolfo na kunway galing sa hari at pinauuwing mag-isa si Florante. Nag-alala si Adolfo nang dumating si Florante na may mga kasama kaya binihag niya ito at ipinatapon sa gubat. 382 Umakyat sa trono ang kondeng malupit 384 Limang buwan singkad ang ningning at pinagbalaan ako nang mahogpit, taning na kung di tumanggap sa haing pag-ibig ang kanyang sintay bago ko tanggapin; dusting kamatayay aking masasapit. ngunit ipinasyang tunay sa panimdim ang magpatiwakal kundi ka dumating. 383 Sa pagnanasa kong siyay magantihan at sulatan kita sa Etolyang Bayan, 386 Sa takot sa iyo niyong palamara pinilit ang pusong huwag ipamalay kung ikawy magabalik na may hukbong sa lilo ang aking kaayawat suklam dala nang mag-isang muwi ay pinadalhan ka ng may selyong sulat sa haring pirma Si Menandro naman pala ang nakatanggap ng liham ni Laura na para kay Florante. Dali-daling nilusob ni Menandro ang Albanya nang malaman ang kalagayan ni Laura. Nagapi ni Menadro ang hukbo ni Adolfo at sa takot ni Adolfo na mapatay tumakas ito tangay si Laura patungong gubat. Pagsasamantalahan sana ni Adolfo si Laura nang dumating doon sa gubat si Flerida. Isang palaso galing sa busog ni Flerida ang tumapos kay Adolfo. 387 Matanto ko itoy sa malaking lumbay gayak na ang puso na magpatiwakal ay siyang pagdating ni Menandro naman, kinubkob ng hukbo ang Albanyang Bayan. Nang walang magawa ang Konde Adolfo ay kusang tumawag ng kapuwa lilo; dumating ang gabi umalis sa reyno at akoy dinalang gapos sa kabayo. 390 Kapagdting dito akoy dinadahas at ibig ilugso ang puri kong ingat; manay isang tunod na kung saan buhat, pumako sa dibdib ni Adolfong sukab. Sagot ni Flerida: Nang ditoy sumapit ay may napakinggang binibining boses ang pakiramdam koy binigyang- sakit, nahambal ang aking mahabaging dibdib.

389

391

Dumating si Menandro sa gubat kasama ng kanyang buong hukbo upang tugisin si Adolfo. Gayon na lamang ang kanyang tuwa nang makita ang katotong si Florante kasama pa si Laura. Isinama ni Florante sina Aladin at Flerida sa pagbabalik sa Albanya at pumayag na mabinyagan at maging Kristiyano. Pagkamatay ni Sultan Ali-Adab saka pa lamang bumalik sina Aladin at Flerida sa Persya. Ipinagbunyi ng buong hukbo ang bagong hari ng Albanya, si Florante; nanumbalik ang katahimikan sa kaharian. Si Florante ay hindi hayok na pinuno at sa halip katulad ng ama ay salamin ng kabutihan. Ikinasal sina Florante at Laura, Aladin at Flerida. Silay namuhay nang maligaya sa kani-kanilang kaharian. 393 Di pa napapatid itong pangungusap, 395 Dinala sa reynong ipinagdiriwang Si Menandroy siyang pagdating sa gubat sampu ni Aladit ni Fleridang hirang, dalay ehersitot si Adolfong hanap, kapuwa tumatanggap na mangabinyagan; nakitay katoto laking tuwat galak! magkakasing sintay naraos nakasal. 394 Yaong ehersitong mula sa Etolya ang unang nawika sa gayong ligaya: Biba si Floranteng HAri sa Albanya Mabuhay, mabuhay ang Prinsesa Laura. 398 Kaya ngay nagtaas ang kamay sa langit, sa pasasalamat sa bayang tangkilik; ang harit ang reynay walang naiisip kundi ang magsabog ng awa sa kabig.

399 Nagkasama silang lubhang mahinusay hanggang sa nasapit ang payapang bayan Tigil, aking Musat kusa kang lumagay Sa yapak ni Selyat dalhin yaring Ay! Ay!

Anda mungkin juga menyukai