Anda di halaman 1dari 3

ANG LIKAS NA MANGGAGAMOT: ISANG KRITISISMO NG 100,000 YEARS NI PATRICIA EUSTAQUIO

Sabi nila, nahihilom ng oras ang kahit ano mang sugat, higit pa sa kahit anupamang medisina. Oras ang pokus ng 100,000 years ni Eustaquio, isang kast ng namuong dagta na animoy irregular na bagong-minang mineral kapag tiningnan. Mala-rosas ang kulay nito na walang katingkad-tingkad. Bagaman may kakapalan ang mga indibwal na bloke, ang protrusyon nito ang siyang nagbibigay-balanse dito kaya hindi nito ganoon kabigat tingnan. Kilala si Eustaquio sa istilo niyang paggawa ng mga kurtadong pininturahang panel at pageeksperimento sa dagta bilang pampatigas sa mga installation niya ng kagamitang-pambahay, particular na ang kanyang mga ghost chairs na mistulang makakapal na telang korteng upuan at nakalutang sa ere. Parte ang 100,000 years ng eksibisyon na pinamagatang The Future That Was. Ayon mismo sa may-akda, ito ay base sa napanood niyang episodyo ng The Shock of the New ni Robert Hughes na inere sa BBC noong 1980 at may kaparehong titulo. Ang episodyong ito ay tungkol sa unti-unting pagkawala sa radar ng mga likhang sining na modernismo ang istilo, lalo na ang mga avant-garde. Ito ay diumanoy dahil sa komersiyalismo, kung saan ang mga likhang sining ay nagsisilbing palamuti lamang at parte ng kosmopolitan na istruktura tulad pananamit at mga gusali. Ang cast resin o namuong dagta ay paboritong gamitin ng mga gumagawa ng laruan dahil sa matipid itong gawin ng maramihan. Kaunti lang ilalabas na pera at kahit na hindi ganoon kamahal ang presyo nito sa merkado paisa-isa, dahil nga bultuhan nag paggawa nito, nagiging malaki pa rin ang naipapasok nitong pera sa mga kumpanya. Ito marahil ang dahilan kung bakit

ito ang kinasangkapan ni Eustaquio para maipahatid sa madla na wala na ang pagkasining ng avant-garde, na ito ay isa na lamang bagay na dinadaan-daanan na lamang dahil madali na lamang ito gawin at maangkin. Ayon sa diksyunaryo ng mga simbolo ni Jack Tresidder, ang simbolismo ng dagta ay imortalidad. Ito ay base sa popular na paniniwala na ang dagta ay ang walang-kamatayang espiritu ng mga punong matagal ang pamumuhay. Sa aking palagay, pinangalan ni Eustaquio ang kanyang likhang sining ng gayon dahil ang isang organikong dagta ay hindi ikokonsidera na nasa hustong gulang kapag hindi ito isandaang libong taon pataas. Kapag itoy ininom, walang-mintis at walang-habas, gaya ng isang beteranong dyanitor, nitong nililinis ang ating mga katawan. Ang dagta kasi ay normal na inilalabas ng mga puno sa kanilang normal na metabolismong pisyolohikal, at tuwing silay nasusugatan para papaghilumin ang mga ito. Dala-dala nito ang istandardadisadong likas na impormasyon, at ang isang tao ay hindi ito maaaring impluwensiyahan, burahin, o ireprogram. Salamat sa katangiang ito, tunay na natutupad ng dagta ang payak na misyon nito: ang magbigay-sigla at bumuhay, luminis, ibalik ang nawala, at magtanggol sa kapahamakan. At siyempre, ang pinakaimportante sa lahat, preserbasyon. Preserbasyon ang tonong itinakda ni Eustaquio sa likhang-sining na ito. Dualisitiko ang mensahe ng simpleng namuong dagta, na sa likod ng komersiyalismo, mananatili pa rin ang kasarinlan at nilalaman ng isang likhang sining dahil may tiwala siya sa likas na pagkaayos-ayos ng mga bagay-bagay. Naipakita sa cast niya ang kanyang paniniwalang ang lahat ng kawalan sa mundo ng likhang sining ay magbabalik at maghihilom sa takdang oras, abutin man ito ng isandaang libong taon.

IPINASA NI: Patricia simone a. dauz CLOD MARIAN YAMBAO

ipinasa kay: PROF.

Anda mungkin juga menyukai