Anda di halaman 1dari 6

Filipino III Proyekto para sa Ikalawang Markahan

Pagsusuri ng pelikulang Ang Babae sa Septic Tank

Ipinasa ni: Mia Shannon B. Abayon Ipinasa kay: Gng. Maria Cristina A. Del Rosario

Ang Babae sa Septic Tank

Itinatampok sina Eugene Domingo Kean Cipriano JM de Guzman Kai Cortez sa Direction ni Marlon Rivera at Sa Panulat ni Chris Martinez

Kwento/Nilalaman/Aral

Ang Babae sa Septic Tank ay pelikula kung saan inilalarawan o ikinukwento ang buhay ng tatlong filmmakers na naghahangad ng tagumpay sa larangan ng paggawa ng maipagmamalaking pelikula na makikilala sa buong mundo dahil nais nilang ipakita ang galing ng mga Pilipino sa paggawa ng mga worldclass na pelikula. Sina Kean Cipriano bilang Director Rainier, JM de Guzman bilang Producer Bingbong and Kai Cortez bilang Production Assistant Jocelyn ay ilan sa mga pangunahing tauhan sa pelikula. Naniniwala sila na ang kanilang istorya ang magpapanalo sa kanila at makikita mo rin na sila ay nagsusumikap upang maging maganda ang kalalabasan ng bawat hakbang na kanilang gagawin. Nais nilang gumawa ng pelikula na tatalakay sa kahirapan at sa kalagayan ng isang ina na si Mila na ang tagapagganap ay si Eugene Domingo. Si Mila at ang kaniyang pitong anak ay nakatira sa Payatas dumpsite kung saan damang dama ang kalunos-lunos na kalagayan ng kanyang pamilya. Upang makaraos mula sa labis na kahirapan nagpasya si Mila na ibenta ang kaniyang isang anak sa pedopilya Ang Pedophilia ay isang abnormal na kalagayan ng isang tao kung saan nakararamdam ng sekswal na attraction mula sa mga bata. Ang mga gumagawa ng pelikula na sina Rainier, Bingbong at Jocelyn ay pinag-uusapan kung papaano nila maisasagawa ang pelikula. Ilan sa mga pinagpilian nila ay pangkaraniwang o simpleng pelikula, makatotohanang pagganap kung saan ang mga tagapagganap ay mga totoong tao na galing sa lugar ng kahirapan, musical kung saan may pagkanta at pagsayaw, malateleserye na damang dama ang emosyon ng bawat eksena. Binisita rin nila ang dumpsite na sinasabing tagpuan at pagdarausan ng kanilang pelikula. Dahil sa sobrang pagkatuwa nila dahil sa labis na kagalakan, nakaligtaan na nila ang katotohanan at panganib na dala ng kanilang piniling paksa.

Ang aral na natutunan ko sa pelikulang ito ay Sa gitna ng kahirapan may pagsubok tayo na dapat harapin at lampasan dahil ang buhay ay hindi puro sarap at kasaganahan, sa halip ang totoong buhay dito sa ating mundo ay puno ng pagsubok na malalampasan natin kung tayo ay haharap ng matatag sa mga problemang ating nararanasan dahil sa katagalan magtuturo ito sa atin ng leksyon at pangaral para sa ikabubuti ng ating kapakanan.

Pagkakasunod-sunod ng pangyayari

Ang unang pangyayari sa pelikulang Ang Babae sa Septic Tank ay isinalarawan nila ang kwento ng nais nilang isapelikula na pinaniniwalaan nilang magpapanalo sa kanila sa Oscars. Ang sumunod na pangyayari ay ng eksena sa isang coffee shop kung saan pinag-uusapang nila ang director na si Arthur Poongbato na sa hindi inaasahan ay nakatagpo rin nila sa mismong coffee shop kung saan ay naroroon rin sila. Pinag-usapan ng mga filmmakers ang mga gusto nilang baguhin o ibahin para sa ikabubuti ng kanilang pelikula, kumbaga nag brainstorming sila para mas mapaganda ang pelikula dahil hindi sila pwedeng magkamali sa bawat proseso at hakbang ng paggawa. Pumili rin sila ng poster design para sa kanilang pelikula na ang pamagat ay Walang-wala. Pinag-isipan nila maigi kung sino ang gaganap na Mila. Pinagpilian nila sina Cherry Pie Picache at si Mercedes Cabral upang ipalit kay Eugene Domingo dahil nag aalinlangan sila sa kakayahan nito sa pagganap ng karakter ni Mila. Pati narin ang pagpili sa anak na ibebenta ni Mila. Ang unang plano ay batang babae ang ibebente ngunit kinuwestiyon iyon ng producer na si Bingbong dahil para sa kanya mas kontrobersiyal kung lalaki ang gaganap dahil mas may dating at mas pag-uusapan ng mga manunuod. Nagka-roon din ng konting pagtatalo sa pagitan ni Rainier at Bingbong dahil maraming gustong palitan si Rainier na ma ideya a pelikula kaya naisip ni Bingbong na mas maganda kung bumalik sila sa orihinal na plano kung saan isa itong docudrama na susundan nila ang buhay ng isang ina mula sa payatas na may kaparehong storya ng buhay kay Mila. Naisipan din nilang gawing musical ang kanilang pelikulang Walang-wala kaya itoy isinalarawan sa pamamagitan ng imahinasyon ni Jocelyn habang sila ay nasa biyahe. Nagkaroon ng mga kanta at sayaw imbis na diyalogo ang sinasabi ng mga tauhan. Ang sumunod na eksena pagkatapos ng musical ay ang pagbisita nila kay Eugene Domingo na gaganap bilang Mila. Nakumpirma nila na gusto ni Ms. Eugene ang karakter ni Mila at lalong lalo na ang istorya ng Walang-wala, tinawag rin niya itong brilliant kayat hindi na nagdalawang isip ang aktres na gampanan ang karakter ni Mila. Nagkaroon din ng suwestiyon si Ms.Eugene para sa ikagaganda ng pelikula. Naisip niya na lagyan ito ng narration upang mas magkaroon ng damdamin ang istorya.Nagpagtuunan ng pansin ni Ms. Eugene ang Septic Tank scene dahil hindi siya papayag na lumusob sa isang totoong septic tank, kaya nagkaroon sila ng kaunting problema ngunit nangako naman ang mga filmmakers na gagawan nila ng paraan ang hiling ng aktres.

Matapos nilang mapabilang si Eugene Domingo sa pelikula, mayroon pa silang huling pupuntahan sa araw na ito, walang iba kundi ang lokasyon na paggaganapan ng kanilang pelikula. Sila ay nagtungo sa Payatas dumpsite kung saan narooon ang realidad ng kahirapan sa lugar, kung saan madadama ang kaawa-awang situwasyon ng bawat residente sa lugar. Hindi nila alintana ang panganib na maaaring nilang sapitin sa lugar na iyon dahil masyado silang nagalak at natuwa sa kanilang nakita dahil naisip nila na perpekto ang lugar sa bawat anggulo na kanilang kukuhanan para sa pelikula. Palapit na nilang maisakatuparan ang mga plano para sa kanilang pelikula ng may mangyaring hindi nila inaasahan. Nakita na lamang nila ang kotse ni Bingbong na pinagtutulungan sirain ng mga walang pusong nilalang at hindi pa nakuntento sa ginawang pagsira, sa halip tinangay rin ng mga ito ang mga gamit na nasa loob ng kanilang kotse. Natapos ang buong araw na dapat sana ay matagumpay kung hindi sana nangyari ang masamang bagay na iyon. Ipinakita ang tila na pagsuko ng mga filmmakers dahil sa pagsubok na dumating sa araw na iyon. Sa huling parte ng Ang Babae sa Septic Tank, ipinakita ang aktuwal na pagkukuha ng isang eksena mula sa pelikulang Walang-wala, yun ay ang septic tank scene. Halatang pinagdidirihan ng mga tagapamahala sa pelikula ang tindi ng hindi kaaya-ayang amoy mula sa septic tank. Dahil sa labis na kagalakan ni Eugene Domingo sa eksenang iyon at naging hindi maingat sa bawat galaw, aksidente siyang nalaglag sa totoong septic tank na dapat sana ay gagawin ng kanyang kadobol. Doon na nagtapos ang pelikula habang si Eugene Domingo ay umaarte habang lubog ang kanyang katawan sa septic tank.

Pag-iilaw

Ang masasabi ko sa ginamit nilang pag-iilaw ay pangkaraniwan para sa pinili nilang lokasyon. Sa pangkalahatan, maganda ang kinalabasan dahil tumutugma ang pag-iilaw sa bawat eksena. May napansin lamang ako na may parte na kung saan ay dumidilim at tila nakulangan ng ilaw. Ung parte na iyon ay nasa loob ng bahay. Mas mabuti sana kung mas maliwanag ang eksena dahil masaya sila at kumakanta. Sa aking opinion mas maganda kung mas maipapakita ng maliwanag ang pagsasalosalo ng pamilya para mas dama ang bawat pangyayari. Bukod doon wala na akong iba pang komento ukol sa pag-iilaw pero ang napansin ko sa unang bahagi ng kwento medyo magulo ang pagkakakuha ng kamera yun yung tinatawag nila na shaky. Para sa akin hindi maganda yung ganung effects kasi magulo siya tignan at medyo nakakaapekto rin ito sa pag-iilaw dahil hindi gaano natuunan ng pansin ang sentro kung saan talaga ang sakop ng inyong paksa.

Pagdidirehe
Naging maayos ang padidirehe ng director na si Marlon Rivera dahil kahit na indie film ang pelikula nila hindi nila pinadama sa mga manunuod ang pagiging simple ng kanilang pelikula, sa

halip ipinadama nila ang galing sa pag-arte ng mga tauhan lalong lalo na ung iniwan nilang pakiramdam para sa mga manunuod. Hindi nila alintana ang kakulangan sa badyet dahil pag sinabing indie film maliit lamang ang binibigay na pang gastos dahil baguhan lamang ang director at ang mga ibang kasapi sa pelikula.Naging maparaan sila at ang mahalaga ay ipinamulat nila sa kakaibang paraan ang kahirapan. Sa paraan kung saan mapapatawa at mapapahalagahan ng bawat manunuod ang pelikula. Naging kakaiba itong Ang Babae sa Septic Tank at bago para sa paningin ng mga manunuod, lalong lalo na sa paningin ng pangkaraniwang Pilipino.

Diyalogo

Malinaw ang pagbigkas ng diyalogo pati narin ang nilalaman nito. Naiparating naman ng mga tauhan ang mga mensahe na nais nila iparating sa mga manunuod. May pagkakataon nga lang na nagsasambit sila ng mga salitang masasama o hindi kaaya-aya sa pandinig ng ibang tao. Siguro ginawa ito ng director upang mas gawing makarealidad ang bawat situwasyon na kabilang sa eksena. Ang dating saakin ng palabas na ito ay parang nanunuod ka ng paggawa ng pelikula ngunit isang pelikula na ang pinapanuod mo. Ngayon, nalaman ko na kaya pala may mga ibang pelikula na hindi nasusunod ang orihinal na diyalogo dahil habang ipinoproseso ang pelikula nagbabago ang mga ideya at konsepto ng mga filmmakers kaya hindi maiiwasang magbago ang diyalogo at ang orihinal na storya.

Tagpuan
Ang unang tagpuan na ipinakita sa pelikula ay ginanap sa isang Coffee Shop kung saan nag salin-salin ang kanilang mga ideya para sa ikagaganda ng pelikulang kanilang ginagawa. Ang tagpuan ng ginagawa nilang pelikula na pinamagatang Walang-wala ay sa Payatas Dumpsite kung saan maipapakita ang kalunos-lunos na kalagayan ng kahirapan. Pati sa magulong kalye ng Maynila kung saan matatagpuan ang gusali na tinitirahan ng pedophile na si Mr. Smithberger. Mayroon ding mga eksena na kinunan sa sasakyan, habang naglalakbay sila. May eksena rin mula sa bahay ni Eugene Domingo. Dahil nangyari ang kaawa-awang pagsira at pagnanakaw sa kanyang kotse kaya mayroon ding ipinakitang eksena sa himpilan ng pulis. Ang pinakahuling tagpuan ay ang pagkuha nila sa septic tank scene. Napahanga ako sa tapang nila na pumili ang ganoong klase ng pelikula kung saan ang tagpuan ay magulo, marumi, mabaho at malapit sa kapahamakan. Hindi nila alintana ang maaaring idulot sa kanila ng papunta sa mga ganoong klase ng lugar. Mas mahalaga sa kanilang na magawa ng maganda at maayos ang pelikula para maipahatid ang damdamin na naroroon sa lugar upang mas madama ang kahirapan na naroroon sa tagpuang kanilang pinili.

Pagkakaganap
Si JM de Guzman bilang Producer Bingbong ay natural ang kanyang pagkakaganap at malinis ang kaniyang pag-aarte. Malinaw siya kung magsalita pati ang paglalabas niya ng emosyon sy natural na natural para sa kanyang role. Nakakatuwa dahil magaling talaga siya at nahasa na ang kanyang talent a pag-arte. Sa eksenang sinisira ang kaniyang kotse, damang dama ko ang tindi ng emosyon na nanggagaling sa kanya. Para sa akin tamang-tama ang pagkakaganap niya kumbaga, walang labis walang kulang kundi sakto lang. Si Kean Cipriano as Director Rainier naman ay medyo nakulangan ako sa pagganap niya. May mga pagkakataon na kulang sa emosyon ang kaniyang arte. Yun ay sa pananaw ko lamang. Pero kung pagbabasehan sa pangkalahatan, maayos naman ang kaniyang pagganap pero mas gusto ko yung karakter ni JM de Guzman kesa sa kanya. Si Kai Cortez bilang Production Assistant Jocelyn ay may pagkamisteryoso ang karakter dahil hindi siya nagsasalita ng kahit na ano sa buong pelikula. Ang tanging narinig ko lamang sa kanya ay ang pagtawa at pag-iyak.Idinaan niya lang sa pag-arte kahit wala siyang diyalogo. Ang pinakanagningning sa pagkakaganap ay si Eugene Domingo. Napakapropesyonal at napakagaling ng kanyang pag-arte. Isa siyang magaling na versatile actress. Kaya niyang gampanan lahat ng klase ng pag-arte, mapa comedy, drama, normal etc. Napabilib at napahanga talaga ako sa husay niya sa pag-arte. Hindi maipagkakaila ang dami ng gantimpala niya sa larangan ng pelikula.

Musika

Ang musika na napansin ko sa pelikula maliban sa mga sound effects ay yung mga orihinal na kanta galing sa musical scene. Isa na doon ay pinamagatang Walang mawawala sa taong Walang-wala na tumatalakay sa hirap at gutom na dinadanas ng mga residente na nakatira sa Payatas Dumpsite. Natuwa at napasaya naman ako ng kantang Sabaw na tumatalakay sa sabaw ng instant noodles na tanging maihahain ni Mila para sa kanyang pitong supling. Ang Wag mo akong tignan ay kanta ni Mila para sa kanyang anak na kanyang ibebenta na kung tumingin ito sa kaniyang mga mata ay tila alam nito ang gagawin ni Mila. Ang mga sumunod na kanta ay naging sagutan at pag-uusap ni Mila at ni Mr. Smithburger. Ang huling awitin naman ay Sanay malimutan na kanta ni Mila para sa kanyang anak dahil ayaw niyang maalala nito ang ginawa niya dahil alam niyang hindi siya nito mapapatawad.

Anda mungkin juga menyukai