Anda di halaman 1dari 1

Ipagdiriwang ng Palawan ang kanyang ika-107 anibersaryo ng pagkakatatag nito sa Hunyo 23, 2009.

Ang isang linggong selebrasyon na mag-uumpisa sa Hunyo 16 ay tinawag na Baragatan Festival. Mahalaga ang araw na ito para sa mga Palaweo mula sa ibat ibang munisipalidad na magkakaiba ang relihiyon, kultura at katayuan sa buhay. Karaniwan, ipinapalabas sa Baragatan Festival ang namanang kultura ng mga Palaweo sa pamamagitan ng trade shows, exhibits at cultural presentations. At, ang ibig sabihin ng Bar agatan sa literal na salita ay pagtitipon, na galing naman sa salitang Cuyunon na bagat na ibig sabihin ay pagkikita. Inaasahan na sa taong ito, ipalalabas na naman ang kasaysayan, kultura, agrikultura, investments at trade potentials sa pagdiriwang na pinamagatan Baragatan sa Palawan. Ang Baragatan ay magbibigay ng pagkakataon sa lahat ng sekta at grupo upang ipakita ang kanilang ibat ibang kultura, makulay na pamumuhay, kagalingan at kasanayan. Upang mapangalagaan ang kultura ng mga Cuyunon, itinalag a ang Hunyo 16 bilang Araw ng Cuyunon, kung saan, makikita ang sari-saring aktibidad na nagpapamalas ng kanilang talino at kahusayan maging ng mayamang kultura ng Cuyunon. Bago pa man dumating ang ibat ibang dayuhan mula sa mga lalawigan ng bansa, ang C uyuno ang dominanteng grupo sa Palawan na may sariling wika, sariling pamumuhay at kasaysayan. Ang wikang Cuyuno ang ginamit ni Judy Ann Santos (aktres) sa kanyang pelikulang Ploning na kinuha sa Isla ng Cuyo. Tuwing sasapit ang Hunyo, ang mga residente mula sa ibat ibang munisipalidad ay dumarayo sa Puerto Prinsesa. Dito, ipinapalabas ang sari-saring kultura at ito ang nagbigay-daan upang magkaroon ng taunang selebrasyon. Dahil ang kahulugan ng Baragatan ay pagtitipon, ang pagdiriwang ay naging tagpuan ng mga tao, kultura, tradisyon, kagalingan at kahusayan ng mga Palaweo mula sa mayamang kalikasan. Bukod dito, magkakaroon din ng libreng workshop kaugnay ng tamang paggawa ng tipano (bamboo flute) at ang pagluluto ng Lutong Atenamen, isang paboritong pagkain ng mga Cuyunon tulad ng bandi (sweet cashew nuts), buti-buti (popped rice) at combo (fried banana). Magkakaroon din ng Cuyunon Night, kung saan, ipapalabas ang mga sayaw at mga sining tulad ng erekay, sayaw, comedya at pinundo-pundo. Ang naturang mga sining ay popular noong panahon ng Kastila. Ang kasaysayan ng Palawan ay masusundan makaraan ang 22,000 taon base sa nadiskubreng buto ng tao sa Tabon Cave sa munisipalidad ng Quezon, bagamat hindi malaman ang pinagmulan ng mga cave dweller, pinaniniwalaan ng anthropologists na ang mga ito ay galing sa Borneo. Ilang bersyon ang pinagmulan ng pangalan ng Palawan. Ang isa ay sa salitang Tsino na Pa -Lao-Yu na ibig sabihin ay Land of Beautiful Harbors. Paniwala naman ng iba ay mula sa salitang Indian na ibig sabihin ng Palawan ay teritorya. Ngunit, ang pinakasikat ay ang salitang Paragua sa Espanyol na ibig sabihin ay korteng payong.

Anda mungkin juga menyukai