Anda di halaman 1dari 2

Ang Pabula ng Daga at ng Leon

Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isangnatutulog naleon. Kanyang inaakyat anglikuran ng leon at pagdatingsa itaas aynagpapadausdos siyapaibaba.Sa katuwaan ay di niyanapansin na nagising angleon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isubo atkainin. Natakot atnagmakaawa ang daga. "Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sapagtulog mo. Wala akong masamang hangarin.Nakatuwaan ko lang namaglaro sa iyong likuran.Huwag mo akong kainin" sabing daga. Nabakas ng leon sa mukhang daga ang tunay napagmamakaawa. "Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag monggambalainang pagtulog ko," sabi ng leon. "Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo, "sagot ng daga. Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilalaang leon na nahuli sa loob ng lambat naginawang bitag ng mganangagaso sa kagubatan.Dali-daling inakyat ng dagaang puno at nginatngat anglubid na nakatali salambat. Agad naming naputol ang lubid a tbumagsak ang lambat kasamaang leon sa loob. Mabilis nabumaba ang daga at tinulungan ang leon nanakawala sa lambat. "Utang ko sa iyo ang akingbuhay," laking pasasalamatna sabi ng leon sakaibigang daga.

Mga aral ng pabula: Ang paghingi ng paumanhin sa kapwa ay sinusuklian ng pang-unawa .Ang pagunawa sa kapwa ay humahantong sa mabutingpagkakaibigan.Huwag maliitin ang kakayahan ng iyong kapwa.Hamak man ang isang tao ay maaari siyang makatulongng malaki o makagawa ngbagay na lubhang makabuluhan.

Ang Pabula ng Kabayo at ng Kalabaw


Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay .Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit. "Kaibigang kabayo, di hamakna mas mabigat ang pasankong gamit keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasaninmo yung iba?"pakiusap ng kalabaw. "Aba, yan ang ipinataw saiyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"anang kabayo na lalo pangbinilisan ang paglalakad." Parang awa mo na tulunganmo ako. Di ko na kakayaninang bigat ng dala ko. Nanghihina ako.Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang katawan ko,"pakiusap pa rin ng kalabaw. "Bahala ka sa buhay mo,"naiinis na sagot ng kabayo. Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya ay pumanaw. Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niyaang lahat ng gamit na pasan ng kalabawat inilipat sa kabayo nabahagya naming makalakad dahil sa nagging napakabigat ng kanyang mgadalahin. "Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sakanyang sarili. Mga aral ng pabula: Ang suliranin ng kapwa ay maaaring maging suliranin mo rin kung hindi mo siya tutulungan. Ang makasariling pag-uugali ay may katapat nakaparusahan. Ang mga pasanin natin sa buhay ay gagaan kung tayo ay magtutulungan.

Anda mungkin juga menyukai