Anda di halaman 1dari 138

Ang Paghahanap K ay

Sri Krsna
Ang M agandang Kato tohanan

Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj

A ng Pagha hanap k ay

Sri Krsna
Ang Magandang Katotohanan

Ang Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj

Sri Chaitanya Saraswat Math Nabadwip

A ng Pagh ahanap k ay

Sri Krsna
Ang Magandang Katotohanan
lila premna priyadhikyam madhuryam venu-rupayoh ity asadharanam proktam govindasya catustayam

Si Krsna ay may apat na angking katangian na talaga namang napakagaling -Tulad nang mga ginawa Niyang kamangha-manghang pag-aaliw, Ang pagkakaroon Niya nang mga kahanga-hangang kaibigan tulad ng mga gopis, na labis naman talagang malapit sa Kanyang kalooban, ang kanyang matamis na kariktan, at ang matamis na tunog ng Kanyang pluta. (Chaitanya-charitamrta, Madhya-lila 23.84)

Ang Paghahanap kay Sri Krsna: Ang Magandang Katotohanan ay tinipon mula sa mga impormal na pakikipag-usap kay Srila Sridhar Maharaj. Ang sumulat at nagsaayos ng aklat na ito bilang paglilingkod ay ginawa nina Sripad Bhakti Sudhir Goswami Maharaj at Mukunda Mala Vilas Dasa. Ang sinumang nais makipag-ugnayan ay maaaring sumulat sa: Secretariat Sri Chaitanya Saraswat Math Kolerganj, P.O. Nabadwip District of Nadia, West Bengal, India www.Scsmath.org. www.scsmath.//sri gaudiya darsan. O sa lokal na sangay nito: Sri Chaitanya Saraswat Math Philippines Sri Nama Hatta Center 66-D H. Ocampo St., Pook F. Amorsolo, Barangay U.P. Campus, Diliman, QC. 1101 E-mail: scsmathphilippines@yahoo.com

www.facebook.//scsmathphilippines
Libreng Download ng SCSMath Books sa Filipno: www.scribd.com//scsmathphilippines Karapatang Pag-aari 1983 Sri Chaitanya Saraswat Math, Nabadwip

Pag-aalay Ang pagsasalin sa Filipino nang Ang Paghahanap kay Sri Krsna: Ang Magandang Katotohanan ay pag-aalay nang mga Filipinong deboto sa lotus na paanan ng Kanyang Banal na Pagpapala, si Om Vishnupada Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj, bilang paggunita sa araw nang pagtatapos ng kanyang hayag na pag-aaliw sa mundong ito na ginanap nitong ika-6 ng Agosto, 2013. At inialay sa lotus na paanan nang Kasalukuyang Tagapangulo at Humaliling-Acharya, si Srila Bhakti Nirmal Acharya Maharaj, na Personal na Pinili at Hinirang ni Om Vishnupada Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj upang pamunuan ang misyon ng Sri Chaitanya Saraswat Math.

Om Vishnupad Srila Bhakti Nirmal Acharyadev Goswami Maharaj Ang Kasalukuyang Sevaite na Tagapangulo At Humaliling Acharya ng Sri Chaitanya Saraswat Math

Om Vishnupad Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj

Om Vishnupad Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami Maharaj

Om Vishnupada Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur Prabhupada

Om Vishnupad Srila Gaura Kisora dasa Babaji Maharaj

Om Vishnupad Srila Sachidananda Bhakti Vinoda Thakur

Om Vishnupada Srila Jagannatha dasa Babaji Maharaj

Ang Banal na Templo ng Sri Chaitanya Saraswat Math

Mga Nilalaman Paunang Salita Pambungad Panimula . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . a e i 1

1. Kamalayan kay Krsna: Kagandahan at Kariktan . 2. Ang mga Santo, mga Banal na Sulatin, at ang mga Gurus . . . 3. Fossilism laban sa Ebolusyun ng Buhay Ayon sa ating Karanasan . . 4. Ang Pinagmulan ng Kaluluwa . .

11

. . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . .

. . . . . . . . . . .

21 25 29 39 43 57 67 71 81 87 97

5. Kaalamang lagpas pa sa Kamatayan . 6. Ang Anim na Pilosopiya ng India 7. Higit pa sa Kristiyanismo . . . . .

8. Mga Antas ng Paniniwala sa Diyos

9. Ang Konseptong Krsna ng Paniniwala. 10. Ang Hare Krsna Mahamantra . .

11. Ang Serbisyo ng Banal na Pangalan . 12. Ang Nektar ng Banal na Pangalan 13. Ang Magandang Katotohanan . . .

Ang diwa ng pagkakanya-kanya na mortal na kaaway ng katotohananay palaging nagdudulot ng kalituhan sa isipan nang mga naghahanap ng katotohanan sa mga babasahing pang-relihiyon sa kanilang bansa dahil buong akala nila ang Di Mapag-Aalinlanganang Katotohanan ay naroroon lamang sa kanilang lumang banal na aklat. ---Srila Bhaktivinoda Thakur

Ang Kanyang Banal na Pagpapala Srila Sachidananda Bhakti Vinoda Thakur Ang Ikalabinsiyam na Siglong Tagapagtatag ng Kilusang Kamalayan para kay Krsna

Paunang Salita
Mahilig tayong magbasa nang mga aklat na hindi pa natin nababasa. Sabik tayong malaman kung anong klaseng impormasyon ang laman nito kaya lamang pagkatapos natin itong basahin tapos na rin ang mga pag-uusisa natin. Ang ganitong klaseng pag-aaral ay umiiral sa napakadaming bilang nang mga nagbabasa na magagaling din ayon sa kanilang paniniwala at sa paniniwala nang mga taong katulad din nila. Sa katunayan, karamihan sa mga nagbabasa ay pawang mga repositoryo o sisidlan lamang nang mga nangyari at pahayag ng ibang tao. At hindi ito isang uri ng pag-aaral. Kaya dapat, hindi lamang basa nang basa ang isang mag-aaral kundi nagiging malikhain din siya sa mga napupulot niyang ideya, at hindi upang walang saysay na nagmeme-morya lamang. Dapat ang mga mag-aaral, katulad ng satellites, ay nakapagpapaliwanag din tulad noong tinanggap nila ang naging paliwanag sa kanilang nabasa, at dapat ang nilalaman nitong katotohanan ay hindi ikinukulong sa ating isipan tulad sa ginagawang pagpapakulong ng isang mahistrado sa mga nagkasala.
a

Ang kaisipan ay progresibo. Kaya dapat ang kaisipan ng isang may-akda ay kailangang magkaroon nang pagbabago sa kanyang mambabasa sa anyo nang mga pagbabago o pagwawasto. Masasabing isang magaling na kritiko lamang ang isang tao kung maipapakita nito ang higit pang pagbabago ng isang matandang kaisipan; subalit kung itoy isang panunuligsa o pagbatikos lamang, itoy kaaway natin sa pagbabago o pag-asenso at gayun din nang ating kalikasan. Dahil ang pag-asenso o pag-unlad ay walang-alinlangang batas ng kalikasan, at sa pagtakbo ng panahon, kailangang mayroong mga pagbabago. Subalit ang ibig sabihin ng pagunlad ay higit pa o masmataas na pagsulong. Ang dalawang matinding kaaway ng pag-unlad ay ang mga mabababaw na kritiko at mga walang pakinabang na mambabasa. Silay ating nilalayuan at ating iniiwasan. Samantala ang tunay na kritiko, kapag nagpayo ay ganito, pag-ingatan ang anumang bagay na hawak na natin, at manindigan tayo sa kinatatayuan natin. Dahil kailanmay hindi nito sasabihin sa ating bumalik na lamang sa dati nating pinanggalingan, na kapag ginawa naman natin, alam niya, itoy walang saysay na pagpapakapagod at pagsasayang lamang ng mahalagang panahon natin. Sa halip, kanya pang ipag-uutos na ayusin na lang ang mga sarili natin mula sa kinatatayuan natin upang maturo niya kung saan tayo dapat dumaan. Ito rin ang isang katangian ng isang mabuting mag-aaral. Siya ay nagbabasa ng lumang aklat upang hanapin ang tamang kalagayan sa pagsulong ng kanyang kaisipan. At kailanmay hindi nito tatangkaing sunugin ang isang aklat dahil ang laman nitoy walang-saysay na kaisipan. Walang kaisipan ang masasabing walang-saysay. Dahil ang mga kaisipan o paniniwala ay mga pamamaraan upang makamit ang ating pakay. Ang isang mambabasa na tumutuligsa sa isang masamang kaisipan ay walang kaalaman kung papaano mapapabuti at maisasaayos ang isang masamang daan. Dahil ang isang kaisipan ay daan patungo sa kabila ding daan. Samakatuwid, makikita ng isang mambabasa na ang isang kaisipan, na kasalukuyang layon natin ngayon, ay magiging isang paraan para sa higit pang layunin bukas. Ang mga kaisipan o paniniwala ay dimaiiwasang magpapatuloy na parang mga walang katapusang serye ng pamamaraan at layun sa pag-usad ng sangkatauhan. Laging sinasabi ng mga dakilang repormista na silay naparito hindi upang sirain ang lumang batas, kundi ang tupadin ito. Tiniyak nina Valmiki, Vyasa, Plato, Hesus, Mohammed, Confucius, at ni Chaitanya Mahaprabhu ang katotohanang ito sa pamamagitan nang kanilang mga ipinahayag o ipinakita. Ganunpaman, maaaring sabihin sa atin ng ating mga kritiko na ang repormistang katulad ni Vyasa, kung hindi natin maipapaliwanag nang maayos, ay maaaring magdulot ng isang napakalaking kapahamakan sa libu-libong tao sa darating na panahon. Subalit mga mahal kong kritiko! Suriin ninyo ang mga kasaysayan ng ibang bansa sa nagdaang panahon! May nakita na ba kayong pilosopo at repormista na ganap na naunawaan ng kanyang mga kababayan? Ang popular na relihiyon ay ang pagkasindak sa Diyos, at hindi katulad nang mga itinurong dalisay na espirituwal na pag-ibig nina Plato, Vyasa, Hesus, at ni Chaitanya sa kanilang mga kababayan! Ibigay man natin sa mga ignorante at sa mga mangmang ang di mapag-aalinlanganang relihiyon sa pamamagitan nang mga paglalarawan o kaya ng mga simpleng pananalita, o turuan kaya sila sa pamamagitan ng mga aklat o mga talumpati, itoy kanilang mamasamain pa rin.
b

Madalas nating nasasabi, at lagi nating nadidinig na, ang Di mapag-aalinlanganang Katotohanan ay likas na may pagtingin sa tao, kaya hindi na natin kailangang turuan pa ang mga tao nang kautusan ng tunay na relihiyon, subalit itoy mapanlinlang na paniniwala. Maaari siguro sa mga etika o tuntunin ng moralidad o alpabeto ng relihiyon, subalit hindi sa pinakamataas na anyo ng pananalig, na nauunawaan lamang ng isang mataas na kaluluwa. Ang lahat ng mga matataas na kaalaman o katotohanan, bagamat likas na sa ating pagkatao, ay nagsisimula sa mga simpleng bagay. Ang isang relihiyon ay masasabing pinakamataas kung itoy nakapagbibigay nang pinaka-dalisay na paniniwala sa Diyos. Kung ganoon, papaano mauunawaan ng mga ignorante at mangmang ang di mapag-aalinlanganang relihiyon kung silay mananatiling mangmang? Kaya huwag na nating iskandaluhin pa ang Tagapagligtas ng Herusalem o kaya ang Tagapagligtas ng Nadia, dahil lamang sa mga naturang kasamaan. Ang kailangan natin ay mga Luthers, sa halip na mga kritiko, upang maitama ang mga kasamaang ito sa pamamagitan ng tamang interpretasyon nang mga orihinal na kautusan. Ang katotohanan katulad nang ibinigay ng Diyos kay Vyasa ay makakamit din natin kapag itoy taimtim nating hahangarin. Ang Katotohanan ay walang hangganan, Itoy eternal na dumadaloy at walang pagkasaid. Ang katotohanan ay naisisiwalat sa isang kaluluwa kung itoy kanyang pinananabikan. Ang kaluluwa nang mga dakilang mangangaral noong mga nagdaang panahon, na ngayoy espirituwal nang namumuhay, ay madalas nating naaalala mga pagsasaliksik natin at sila ang umaagapay sa pag-unlad natin. Kung kayat, tinulungan ni Narada si Vyasa na tumulong naman kay Brahma. Dahil, sa madaling salita, hindi lahat nang bagay ay nasa shastras natin, nasa aklat pangkaisipan natin, na dapat nating malaman mula sa walanghangganang Ama. Walang aklat ang hindi makikitaan nang mga mali. Ang paghahayag ng Diyos ay Di Mapag-aalinlanganang Katotohanan, subalit itoy bihirang natatamo at napapanatili sa natural nitong kalinisan. Ayon sa payo sa atin ng Srimad-Bhagavatam (11.14.3) ang katotohanan kapag inihayag itoy di mapag-aalinlanganan, subalit sa paglipas ng panahon, itoy nakukulayan nang katangian ng pagkatao nang tumatanggap, at sa pagtagal, itoy nagiging mali sa pagsasalinsalin ng mga kamay. Kung kayat ang kailangan natin ay mga bagong paghahayag upang mapanatili natin ang orihinal na kadalisayan ng katotohanan. Dahil dito, sinasabing kailangang maging maingat tayo sa pag-aaral nang mga matatandang babasahin, kahit sabihin pang itoy sinulat ng isang matalinong tao. Sa bagay na ito, tayo ay may ganap na kalayaan upang itakwil ang isang maling paniniwala, na hindi katanggap-tanggap para sa kapayapaan nang ating kalooban. Hindi naging matahimik ang kalooban ni Vyasa matapos nitong makuha ang nilalaman ng Vedas, na kanyang inayos upang maging Puranas, at sa mga sinulat nito sa Mahabharata. Hindi parin mapalagay ang kanyang kalooban sa kanyang mga pinaghirapan. Sabi ng kanyang kalooban, Huwag Vyasa! Hindi ka dapat makuntento sa mga maling paglalarawan mo nang katotohanan na ipinakita sa iyo nang mga pantas ng sinaunang panahon! Kumatok ka sa pintuan nang walang pagkasaid na imbakan ng katotohanan na pinagkukunang-yaman nang mga pantas. Humayo ka! Pumunta ka sa bukal ng katotohanan, kung saan ang lahat nang peregrino ay walang natatamong kabiguan. At ganito nga ang ginawa ni Vyasa at kanyang natamo din ang ninanaisnais nito. At ang payo niya sa atin ay ganito din.
c

Kung ganoon, ang kalayaan, ay dapat nating ituring na pinaka-mahalagang handog ng Diyos sa atin. Huwag nating hayaang pamunuan tayo nang mga taong namuhay at nagplano nung unang panahon. Isipin natin ang ating mga sarili at hanapin natin ang higit pang katotohanan, na hanggang ngayoy hindi parin natutuklasan. Ayon sa payo ng SrimadBhagavatam (11.21.23) ang diwa lamang ng Shastras ang kunin natin, at hindi ang mga pangungusap nito. Samakatuwid, ang Bhagavata ay isang malayang relihiyon, malinis na katotohanan, at di mapag-aalinlanganang pag-iibigan. Ang isa pang katangian nito ay ang pagiging progresibo. Walang dudang ang kalayaan ay ang ama nang lahat ng pagbabago. Ang banal na kalayaan ay ang sanhi ng sumusulong na pagunlad at pagsulong sa kawalang hangganan at walang katapusang pag-iibigan. Ang kalayaan kapag inabuso ay nagiging sanhi ng ating pagbagsak, at ang kalayaang ito na mataas at napakagandang handog ng Diyos sa atin ay marapat na pinag-iingatan ng isang Vaishnava. Ang diwa ng testamentong ito ay nagbibigay galang sa lahat nang dakilang repormista at mga guro na namuhay at namumuhay pa sa ibang bansa. Ang Vaishnava ay handang magbigay nang kanyang paggalang sa lahat ng tao anuman ang kanilang kalagayan sa buhay, sapagkat silay punung-puno ng enerhiya nang Diyos. Pagmasdan ninyo kung bakit pang sandaigdigan ang relihiyon ng Bhagavata. Itoy hindi para sa isang klase nang mga Hindu lamang, kundi itoy handog din para sa sangkatauhan, saanmang bansa sila ipinanganak, saanmang lipunan sila lumaki. Sa maikling salita, ang Vaisnavaismo ay ang Di Mapag-aalinlanganang Pag-iibigan na bumibigkis sa lahat ng tao tungo sa walang hangganan at walang kundisyung di mapagaalinlanganang Diyos. Harinawang walang katapusang manaig ang kapayapaan sa buong sandaigdigan sa pagpapatuloy ng kadalisayan nito sa pamamagitan ng mga pagpupunyagi ng mga magigiting na bayani sa darating na panahon, na tiyak na pagpapalain ayon sa pangako ng Bhagavata na may kapangyarihan mula sa Makapangyarihang Ama, ang Tagapaglikha, Tagapagpanatili, at ang Tagapuksa nang lahat ng bagay sa Langit at Lupa. ----Mula sa ibinigay na panayam sa wikang English noong 1869, sa Dinajpur, Kanlurang Bengal.

Ang Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Vedanta Swami Maharaj Prabhupada Ang Tagapagtatag at Acharya Ng International Society For Krsna Consciousness

PAMBUNGAD
Labis tayong mapalad dahil napakinggan natin ang Kanyang Banal na Pagpapala, si Om Vishnupad Paramahamsa Parivrajakacharyya Bhakti Raksak Sridhar Maharaj. Sa edad at mga karanasan, masmatanda siya sa akin. Mapalad akong nakasama siya magmula pa noong unang panahon, siguro mula pa noong 1930. At noong mga panahong iyon hindi pa siya nagsasannyasa, itoy basta na lamang umalis ng bahay. Nagpunta siya sa Allahabad upang mangaral, at sa kabutihang-palad doon kami nagkakilala. Maraming taon na nanirahan din sa bahay ko si Sridhar Maharaj, kaya madalas kaming nagkakausap noon. Mataas ang kanyang kaalaman kay Krsna na kapag inyong narinig maaari kayong himatayin. Sa kanya ako lagi humihingi ng mabuting payo, at ang payong iyon ay taimtim kong tinatanggap sapagkat sa simula pa lamang alam kong isa siyang dalisay at malinis na deboto ni Krsna. Kaya nga, gusto ko siyang makasama. Gusto nina Krsna at Prabhupada Srila Bhaktisiddhanta, na siya ang maghanda sa akin. Kami ay matalik na magkaibigan.
e

Noong bumagsak ang itinayong institusyon ng aming maestrong pang espirituwal, gusto ko sanang magtayo din noon nang isa pang institusyon at gawing pinuno si Sridhar Maharaj. Dahil nasabi sa akin mismo noon ni Srila Bhaktisiddhanta Saraswati Thakur, na si Sridhar Maharaj ang isa sa pinakamagaling na mangangaral ng kamalayan kay Krsna sa buong mundo, kaya nga gusto kong ilibot siya. Ito talaga ang taimtim kong hangarin. Subalit dahil sa hindi na nga niya kayang maglakbay pa sa buong mundo upang mangaral, siguro ang mga tao na lang sa mundo ang dapat na pumunta dito at pakinggan siya. Sa pagsulong ng ating espirituwal na buhay mahalagang lumapit tayo sa isang taong maytunay na espirituwal na buhay. Kaya kung talagang seryoso kayong mag-aral mula sa ilalim ng isang siksha-guru, o sa nagtuturong maestrong pang-espirituwal, ipinapayo kong doon kayo lumapit sa pinakamataas at may kakayahan sa lahat nang aking mga Kapatid sa Pananampalataya. Walang-iba kundi si B.R. Sridhar Maharaj. Dahil itinuturing kong sikshaguru ko din si Sridhar Maharaj, at kapag siya ay inyong nakasama tiyak na higit kayong pagpapalain.

Ang Kanilang Banal na Pagpapala sina Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva Goswami at Srila A.C. Bhakti Vedanta Swami Maharaj Prabhupada, na makikitang magkasama sa iisang Vyasasana, ang pinagpipitaganang upuan nang mga dakila at ekspertong deboto ng Krsna-bhakti. Ang larawang ito ay kuha mula sa pasinaya nang pagbubukas ng Sri Krsna Chandradoya Mandir ng Iskcon sa Mayapur kung saan si Srila Sridhar Maharaj ang pangunahing pandangal. At sa bandang dulong kaliwa ay si Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj na umasiste at umalalay sa pagtatagpong iyon.

Ang ating mga pinagpipitagan at dinadakilang Guru na minsay lumakad sa mundong ito upang pagpalain ang mga nakundisyung kaluluwa nang kamalayan kay Krsna, sina [mula sa kaniwa] si Srila Bhakti Raksak Sridhar Deva-Goswami Maharaj, Srila A.C. Bhakti Vedanta Swami Maharaj Prabhupad at Srila Bhakti Sundar Govinda Dev-Goswami Maharaj. [Ang larawang ito ay kuha mula sa itaas ng Nat-mandir ng Sri Chaitanya Saraswat Math matapos bumisita si Srila Swami Maharaj mula sa kanyang pangangaral sa Amerika].

Ang Kanyang Banal na Pagpapala Srila Bhakti Raksak Sridhar Dev-Goswami Maharaj, ang Tagapagtatag at Acharya ng Sri Chaitanya Saraswat Math

Panimula
Lahat tayoy naghahanap ng rasa, nang kasiyahan. Ang rasa ay nasa pinakamataas na kalagayan. At tayo, bilang tao, ang buhay natin ay umaasa sa maraming bagay, subalit ang rasa, ang kasiyahan, ay may super na buhay na sumasaklaw sa lahat. At Itoy may kata uhan. Siya ang ahkila rasamrta murtih: ang bukal nang lahat ng kasiyahan. Siya si Krsna. Ang rasa ay si Krsna. Tanging kay Krsna lamang matatagpuan ang lahat ng rasa. Dahil Siya ang pinakabukal nang lahat ng ibat-ibang uri ng rasa. Samakatuwid, likas na sa ating katauhan ang hanapin si Krsna.

Ganito ang sinasabi nang Brahma-sutra, Hanapin ninyo ang pinakasupremong kadahilanan ng mundong ito. Hanapin ninyo! Saan ba nagmula ang lahat ng bagay? Papaanong nilikha ang lahat ng ito? Nino? At sa bandang-huli, saan nagtutungo ang lahat nang namamatay? Ito ang tinatawag na brahma, espiritu, ang pinakapangunahing kapatagan na pinagmumulan nang lahat ng bagay, pinaglulugaran, at sa bandang huli ay pinapasukan. Nasan ba ang brahma? Ayon sa Brahma-sutra ang dapat nating hanapin ay ang pinakaultimong dahilan, ang pinakamalaki, na sumasakop sa lahat ng bagay. Subalit itoy pinalitan na ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, itoy pinalitan din ng Srimad-Bhagavatam nang krsnanusandhana: nang paghahanap kay si Krsna. Ang paghahanap sa brahma jijasa, sa espiritu, ay walang kabuluhan. Dahil itoy paglilikot lamang ng ating kaisipan, mga pagsasalamangka ng ating mga pangangatwiran. Kaya talikuran na ninyo ang bagay na ito. Ang simulan ninyo ay ang paghahanap kay Sri Krsna nang mapawi na ang pagka-uhaw ng inyong mga puso. Rasa jijasa, raso vai sah. Dahil kahit anong gawin ninyong pangangatwiran hindi kayo bibigyan nito nang kasiyahan. Dahil ang jana, ang karunungan, ay hindi nakakapawi ng uhaw, kaya sa halip na brahma-jijasa ang hinahanap ninyo, tanggapin ninyo ang krsnanusandhana at simulan ang paghahanap kay Sri Krsna. Nasan ba si Krsna? Ang tunay na pangangailangan natin ay mabibigyan lamang nang kasiyahan kapag tayo ay nakapaglingkod na kay Krsna; at wala nang iba. Ang gusto natin ay magkaroon ng kasiyahan ang kaloob-loobang hangarin ng mga puso natin. Wala tayong pakialam kung saanman tayo naroroon o kung sino pa ang kumukontrol sa atin, ang tanging nais lamang natin ay ang mapawi ang pagka-uhaw natin sa rasa, sa madhuryya, sa katamisan. Kaya huwag na tayong maghangad nang karunungan o kaalaman kung sino ang kumukontrol sa mundong ito; ang dapat nating hanapin ay rasa, ang anandam, ang kagandahan at kariktan. Itinuturo sa atin ni Sri Chaitanya Mahaprabhu at ng Srimad-Bhagavatam kung ano ang dapat nating ipagmakaawa, kung ano ang dapat nating ipagdasal, kung ano ang kailangan natin. Ganito ang itinuturo nila sa atin, Kung kayoy magmamakaawa, magmakaawa kayo kay Krsna, at hindi sa kung kanino man. Kaya, ang kapalaran nang mga Vaishnavas, ng mga mag-aaral ng Bhagavata at ng mga tagasunod ni Mahaprabhu, ay selyado na sa paghahanap kay Sri Krsna. Wala nang iba kundi si Krsna lamang. Ang sabi ng Vedas ay, srnvantu visve amrtasya putrah: O, kayong mga anak ng nektar, anak ng mala-nektar na karagatan: makinig kayo sa akin. Kayoy ipinanganak sa nektar; at ipinanganak upang tikman ang nektar, kaya huwag kayong maghanap ng iba pang kasiyahan maliban sa nektar. Kayo ay pansamantala lamang na naliligaw, kaya gumising kayo! Bumangon kayo! At hanapin ang nektar na ito, ang kasiyahang ito. Ang sabi ng Vedas, Om! Dahil ang ibig sabihin ng Om ay isang malaking Oo! Dahil ito ang hinahanap ninyo! Huwag kayong mawawalan ng pag-asa. Dahil ang sabi nang Vedas ang hinahanap natin ay totoong naroroon. Naroroon ang hinahanap ng mga puso natin, at dooy mapapawi ang ating pagkauhaw. Kaya huwag kayong matakot, huwag kayong maduduwag dahil tayoy nilalang tanging para dito lamang. Itoy nasa inyong mga pagkatao na. At walang sinuman ang makapagbibigay sa inyo ng kasiyahan. Kaya ihanda ninyo ang inyong mga sarili, dahil matapos ang mahabang panahong paghahanap ninyo, lubusan na ninyong matatanggap ang kaanyuan at katangian ng matagal nang
j

nawawalang nektar. Hala gumising kayo! Bumangon! At hanapin ang kapalarang ito na para sa inyo. Dahil itoy inyong karapatan. Ito ang yaman ng inyong kaluluwa. At itoy matatagpuan lamang sa loob ninyo. Wala kang bibilhin, wala ka din ibang gagawin maliban sa krsnanusandhana, ang Paghahanap kay Sri Krsna: Ang Magandang Katotohanan.

1
Ang Kamalayan kay Krsna Ay Pag-ibig at Kariktan
Sa pagpasok ng ika-dalawampung siglo, isang makatang taga Bengal, si Hemachandra, ang nooy nagsulat ng ganito, Napakaraming bansa ang pumapaimbulog sa katanyagan: ang lupaing ito, at ang lupaing iyontulad ng bansang Japan bagamat napakaliit lamang, tulad ng araw itoy pasikat na din. At tanging India na lamang ang matagal nang nahihimbing. Subalit noong binabanggit na ni Hemachandra ang nasa iba pang bahagi ng mundo, ganito ang kanyang nasabi, Matindi talaga ang Amerika sa kanyang pag-imbulog, buong mundo na atay gustong isubo. Kung humiyaw animoy palaging nakikipagdigmaan, kung kayat buong mundoy takot na takot. Masyadong mainit ang bansang Amerika pati na ang mundong nasa kalawakan ay gusto atang hablutin, at bigyan ito ng bagong hugis, ng bagong anyo. Ganito ang naging paglalarawan ni Hemachandra. Tulad din nito, naparito si Bhakti Vedanta Swami Maharaj upang itoy hubugin sa pamamagitan ng kamalayan kay Krsna. Ang sabi niya, Kailangang pumunta tayo sa lugar na iyon at baguhin natin ito nang kamalayan kay Krsna. Ano ba ang kamalayan kay Krsna? Ang ibig sabihin ng kamalayan kay Krsna ay pag-ibig at kariktan. Ang pangingibabaw nang tunay na pag-ibig at kagandahan; at hindi ang pagiging makasarili, ang pagiging mapagsamantala. Kadalasan, kapag nakakakita tayo ng magaganda, 1 gusto natin ito kaagad tikman, subalit ang totoo, ang kagandahan mismo ang bumighani sa atin, ang kagandahan ang amo natin, at ang kariktang ito ang prinsipyong kumukontrol sa lahat ng bagay. At ano naman ang pag-ibig? Ang pag-ibig ay nangangahulugan ng pasasakripisyo. Huwag nating isiping itoy para sa interes natin. Kung ganoon, at hindi tayo ang dapat makinabang, sino? Tayo ba? Hindi po. Dahil kabilang tayo sa grupo nang mga nagsasakripisyo: sa pinangingibabawang negatibong partido, doon sa partido ni Mahabhava. Ang batayang prinsipyo ng pag-ibig ay pagsasakripisyo, subalit kanino tayo dapat nagsasakripisyo? At sino ang dapat na makinabang nito? Pag-ibig ang dapat na makinabang. Lahat ay kailangang magbigay ng ambag sa pinaka-sentro, subalit walang sinuman ang maaaaring gumamit ng enerhiyang ito. Kaya, Mamatay upang mabuhay. Sa pamamagitan ng diwang ito magsama-sama tayo at kumilos para sa tunay na pag-iibigan at kariktan. Bandila ng Pag-iibigan At nang maging matagumpay sa mundong ito ang kagandahan. At ganun din ang pagiibigan. Ang kailangan lamang natin ay isakripisyo ang lahat ng bagay upang makita nating nagwawagayway sa buong mundo ang bandila ng banal na pag-iibigan, dahil ang pamamahagi ng isang katiting ng banal na pag-iibigang ito ay nakapagdudulot nang kapayapaan sa lahat ng panig. Tulad ng pakikipaghamok nang mga sundalo lahat ay kanilang inaalay, maging ang kanilang buhay para sa bayan para sa darating na panahon, ganon din an gating gawin isakripisyo din natin ang ating buhay at mg gawain upang makapagdulot din tayo ng tunay na kapayapaan sa lahat.
1

Sa Vrndaban, sa lupain ni Krsna, ang panuntunan ng pagsasakripisyo ay walang hangganang ginagawa. Ang mga deboto dooy nakahanda upang isakripisyo ang lahat ng bagay para lamang kay Krsna. Kaya kapag ang ganitong klaseng prinsipyo ng buhay ang naghari sa atin, ang kapayapaan ay awtomatiko din nating makakamtan. Ang kamalayan kay Krsna ay kailangang manaig sa ibang konsepto ng paniniwala. Dahil ang lahat ng iba pang konsepto ng paniniwala ay sumusunod lamang sa kamalayan kay Krsna. Ang ipinakitang huwaran sa Vrndaban, doon sa lupain ni Krsna, ay higit na masmataas kaysa sa lahat ng iba pang huwaran. Kapag ang konsepto ng lila ni Sri Chaitanya Mahaprabhu ay ikinumpara natin sa lahat ng iba pang konsepto ng paniniwala, makikita nating itoy higit na masmataas. Dahil narating na nang teistikong paniniwala ang pinaka-rurok. At ito na ang pinakamataas na hantungan, na dapat unti-unti din nating ipinapaliwanag sa lahat, pinag-iisipang maigi, pinapaniwalaan at ipinapangaral. Atomikong Kamatayan Dahil kung wala nito, anong klaseng kapalaran ang naghihintay sa mga ginagawa natin? Tanging kamatayan lamang ang naghihintay sa atin. Masyado ninyong ipinagmamalaki ang mala-siyentipikong sibilisasyong ito, subalit ang hindi ninyo alam tanging kamatayan lamang ang naghihintay sa inyo, atomikong kamatayan man ito o kaya natural na kamatayan. Hindi ninyo malalampasan ang kamatayan. Katulad ng sinabi ng isang makatang Englishman sa kanyang aklat:
Magtampisaw ka man sa labis na kapangyarihan, ibandera mo man ang iyong kahambugan, Ang kariktan nito at dulot na karangyaan, Ay paroroon din sa di maiiwasang kalagayan: Dahil ang mga landas ng kaluwalhatian ay pauwi din sa libingan ---Thomas Gray isang malungkot na tula para sa mga naulila ng namatay

Bakit ayaw ninyong lutasin itong pinakamatinding panganib. Hindi bat ang sabi ninyo kayoy magagaling na tao, na iginagalang pa sa lipunan, hindi bat ang pinaka-problema nang bawat atomo dito sa mundo ay itong kamatayan? Ano ba ang ginawa ninyo upang lutasin ang pinakamatinding panganib na ito na naghihintay sa atin upang lamunin tayong lahatlahat tayo kahit mga siyentista, insekto, o mikrobyo? Ano ba ang nabigay ninyong solusyon sa kamatayan? Ano ba ang naging hakbang ninyo upang malutas ang problema nang sandaigdigang ito? Puro lamang kayo pagsasamantala, kaya tuloy bumaba ang buhay nang mga tao dahil sa nakuha nilang reaksyon sa turo ninyo. Pinagsasamantalahan lamang ninyo ang ating kalikasan, kaya kayong lahat na nakinabang itoy tiyak na inyong pagbabayaran. Ang sabi ninyo, sa bawat kilos at galaw ay may katumbas na reaksyon. Hindi bat kayo pa ang nagsabi nito, subalit ano ang ginawa ninyo sa paglutas ng problemang ito? Palpak kayo, hindi bat ang sabi ninyo ay gaganda ang buhay ng tao, kung ganoon, bakit s a kapahamakan ninyo inilagay ang mundo. Ano itong ginawa ninyo? Sa halip na bigyan ninyo ito nang solusyon, iniwasan pa ninyo ang nakaambang panganib na ito, sayang lang ang buhay ninyo. Sa madaling salita, pinagtaksilan ninyo ang ating lipunan. Kaya kung talagang matapang kayo halikayo at itong harapin ninyo, lutasin ninyo ang tunay na suliraning ito, na karaniwang problema natin,
2

ang pinaka-mapanganib na suliranin; dahil kung ayaw ninyo, umalis na lang kayo at iwan na ito. Iwan na lang ninyo ito sa amin. Dahil patutunayan namin sa inyo na mayroon talagang perpektong mundo na punung-puno nang kaligayahan: (visvam purna sukhayate).

Isang sinaunang guhit ng larawan nang Panginoong Sri Chaitanya Mahaprabhu kasama ang Kanyang mga Kasamahan habang tinatalakay ang Srimad-Bhagavatam.

Sumisid sa Ilalim ng Realidad Subalit bago ninyo maintindihan ang bagay na ito, kailangang sumisid muna kayo ng malalim, hindi doon sa antas ng katawan at isipan, kundi doon sa antas ng kaluluwa. Sumisid kayo hanggang sa marating ninyo ang pinakailalim ng realidad na naroroon sa kaloob-looban natin. Ang bagay na itoy hindi nauutang, kundi sa pamamagitan ng kaluluwang nasa loob ng lahat ng bagay, na nasa loob din ng mga insekto at puno. Samakatuwid, kailangang iangat natin ang mga sarili natin sa kapatagan ng kaluluwa. Kailangang makawala tayo sa pagkakabihag ng dalawang ito, ang pisikal at mental na kulungan, upang lubusan na nating makilala ang mga sarili natin. Dahil doon ninyo matatagpuan ang susi, ang palatandaan ng isang maayos na mundo na masarap palang maging tirahan natin.
3

Naroroon sa lugar na iyon ang kasagutan; dahil naroroon ang maraming mahajanas, mga dakilang santo, mula sa ibat-ibang sekta ng relihiyon na nagbibigay nang kanilang aral, subalit ito naman ang aming masasabi, tanging India lamang, sa pamamagitan ng Bhagavad-gita at Srimad-Bhagavatam, ang nakapagbigay nang pinakamataas na konsepto o paniniwala tungkol sa espirituwal na mundo. Kaya, hinahamon namin kayo: hindi ito imahinasyon nang isipan; kundi isang praktikal na kaisipan. Hindi kami tumatakbo sa problema at sabihing, Naku, wala na pala talaga itong lunas. Dahil hindi kami kabilang sa grupong ibig lamang magkaroon nang magandang reputasyon at magkaroon nang mabuting pangalan. Ayaw naming mapabilang sa mga ganoong klaseng mapanlinlang na tao. Kaya halikayo at tignan ninyo kung papaano matatagpuan ang lupain ng realidad. Sa kampanyang ito, hindi kayo mapapagod, kaya halikayo at subukan ninyo ang programa namin; halikayo at tignan ninyo ito. Nasaan ba kayo? Sino ba kayo? Ano ba talaga ang tunay na lagay ng mundo? Matutunghayan natin sa lahat ng Banal na Aklat kagaya ng Koran, Bibliya, at Vedas ang isang pahiwatig at pag-asa tungkol sa buhay ng realidad, tungkol sa katotohanan. Sila bay nanloloko lamang? Masbilib pa ba kayo sa ibinigay nang mga materyalista? Itoy para lamang sa mga utu uto, kakaladkarin lamang kayo nila sa lupain ng pautang, kung saan ang Bawat kilos ay may katumbas na reaksyon. Kung ganoon, tama lamang pala na ilabas natin sa mundo ang isang sagradong sibilisasyon. Kailangang sundan natin ang itinurong landas ng mga dakilang santo at ng mga banal na aklat. At ito ang dapat nating gawin. At itoy hindi isang kabaliwan. Kaya halikayo, at itoy ipaliliwanag namin sa inyo. Sa pamamagitan ng isang matalinhagang halimbawa ibinigay ni Sri Chaitanya Mahaprabhu ang Kanyang solusyon. Ganito ang Kanyang sinabi, Alam Kong kayoy mahirap lamang, subalit nakikita Ko ang isang masayang solusyon sa inyong problema. Dahil mayroong nakabaon na kayamanan sa ilalim ng inyong bahay: hukayin ninyo. Huwag sa dakong katimugan, sa pamamaraan ng bigay-bawi ng karmma, dahil lahat ng gagawin ninyo sa dakong iyon ay magbibigay lamang sa inyo nang reaksyon at ito bibihag at gagambala sa inyo, mawawalan kayo nang pagkakataong makamit ang tamang solusyon. At kung doon naman kayo dadaan sa pakanlurang bahagi, sa sistema ng yoga, na nagmamanipula sa mga pino at di nakikitang lakas ng kalikasan upang marating ang isang supernatural na mistikong kapangyarihan, doon ay aakitin din kayo upang ilayo sa direksyon ng minimithing hangarin ninyo. Ang gawing ito sa maling direksyon ay magiging balakid sa inyong patutunguhan. Ang Multong Samadhi Kung pahilaga ka naman dadaan, doon sa bahagi nitong malawak na brahmasmi, sa impersonal na konsepto, doon sa maling interpretasyon ng lohikang Vedic, sa loob nang eternal na samadhi kayo mapupunta, doon ay lalamunin kayo nitong malawak na multong ito, at mawawala ang buong katauhan ninyo at sino sa palagay ninyo ang magtatamasa sa kayamanang makukuha ninyo? Kaya dapat tanging sa pakanlurang bahagi lamang kayo dumaan, sa pamamagitan ng debosyon, sa pamamagitan ng pagmamahalan, doon sa bahaging iyon madali ninyong matatagpuan ang inyong kayamanan. Dito nagmumula ang pagsikat ng araw, na
4

umiilaw sa ating landas. At ang liwanag na itoy hindi natin gawa; ang liwanag na itoy nagbuhat pa sa pinagmulan nang lahat ng liwanag: sa hayag na katotohanan. Itoy nagmul a pa sa lugar na di-abot ng ating kaisipan. At ang liwanag na ito ay ang hayag na kaalaman, ang bhakti, ang landas ng debosyon. Kaya tahakin ninyo ang landas na ito habang hinahanap ninyo ang kayamamang nasa loob ninyo, tiyak na madali ninyong makikita ang sarili ninyo, na tunay palang kahanga-hanga, ascaryavat pasyati kascid enam. Matapos ninyong matuklasan na kahanga-hanga pala ang mga sarili ninyo, mapapahiya kayo, at ganito ang masasabi ninyo, Bakit ko hinayaang mabighani ang sarili ko sa kariktan ng materyal na mundong ito? Ako pala ay isang kaluluwa. Papaanong ang isang katulad ko na kahanga-hanga at napakahalaga ay nabighani at nalagay sa ilusyon ni maya? Ang katahimikang nasa loob ko ay matagal na palang pinagpipitagan nang mga taong naging matibay sa espirituwal na pamumuhay, samantalang akoy dito naman napadako sa mortal at nakaririmatim at bulok na bagay. Papaano akong napunta dito? Kahanga-hanga nga ang katahimikang nasa kaloob-looban ko, subalit akoy nalinlang at sa kabila napunta. At magmula sa atma magtungo ka sa Paramatma, magmula sa kaluluwa magtungo ka sa Super na kaluluwa, at pagkatapos, magmula kay Vasudeva magtungo kay Narayan, at magmula naman kay Narayan magtungo ka naman kay Krsna, dito masasabi mong naging progresibo na talaga ang kaalaman mo sa pag-unawa sa Diyos at talaga pala itong siyentipiko; tunay nga pala talagang siyentipiko ito. Ang tawag dito ay vijana, siyentipikong kaalaman: janam te ham sa-vijanam idam vaksyamy aesatah yaj jatva neha bhuyo nyaj jatavyam avasisyate Ang sabi ni Krsna sa Bhavagad-gita (7.2), Arjjuna, ngayon hindi lamang mala-siyentipikong kaalaman ang ituturo Ko sa iyo kundi maging ang kapangyarihang taglay nito. Ang kaisipan, ang mga pandama natin, at ang kalakaran o pamamaraan ng kalikasan lahat silay pawang hindiatma, lahat silay materyal. Mayroong tuwiran at hindi tuwirang pamamaraan tungo sa realidad na ibig Kong ipaliwanag din sa iyo. Kaya makinig kang mabuti: janam te ham sa vijanam. Ano ang ibig sabihin nito? Naririto ang Aking katauhan at ang Aking kapangyarihan, at ang jiva, ang mga nilalang Kong buhay, ay Aking marhinal na kapangyarihan, silay nasa gitnang kapangyarihan na pumupuno sa lahat nitong materyal na mundo. Kaya kapag ang jiva-shakti, ang espirituwal na kapangyarihan, ay nawala, ang lahat ng bagay ay magiging parang isang bato, at sino sa palagay ninyo ang gusto pang magsamantala? Lahat ng tendensya nating mahilig makipag-away, maging ang damdaming tumutulak sa atin upang tayo ay magsamantala ay mawawala din kapag ang jiva, ang marhinal na kapangyarihan, ay nawala sa materyal na bagay. Lahat ay magiging patay. Dahil kaya lamang gumagalaw ang isang bagay ay dahil nasa sa loob nito ang kaluluwa. Ito ang dapat ninyong malaman, sa pamamagitan nang mala-siyentipikong pamamaraan. At itoy kaya naming ipaliwanag sa inyo sa pamamagitan ng mala-siyentipikong pamamaraan.

Ang Mapanlinlang na Lupain Naririto pa ang isang masmataas na konsepto tungkol naman sa isang maspinong mundo. Ang pinong mundong itoy totoo, samantalang ang lugar na ito na kinatatayuan ninyo, na inaakala ninyong totoo, ay hindi talaga totoo. ya nisa sarva-bhutanam tasyam jagarti samyami yasyam jagrati bhutani sa nisa pasyato muneh Ang tunay na interes nang buhay at maging ang tunay na katot ohanan ay tinutulugan mo lamang, samantalang mulat na mulat ka sa mapanlinlang na lupain. Samakatuwid kailangang ilagay natin ang mga sarili natin sa lupain ng katotohanan, at ipamahagi din natin ito sa iba. Kaya kapag tayo ay nangaral ganito ang dapat nating sabihin: Akoy taimtim na nananalig sa kamalayan kay Krsna at ditoy sobra ang saya ko. Di-ko sukat akalain nandito lamang pala ang kapalaran ko. Dahil noong itoy aking tikman labis-labis akong nasarapan, kaya ako naparito aking mga kaibigan, dahil nais kong ibigay din ito sa inyo. Halinat hubugin natin ang ating buhay na nakaayon sa mga prinsipyo ng kamalayan kay Krsna tulad ng mga itinuro sa atin ng ating maestrong pang-espirituwal. Kunin ninyo, nang magkaroon nang katuparan ang hangarin din ninyo sa buhay. Rasa, Kasiyahan, Ekstasi Sa pamamagitan ng paraang ito, dalhin natin silang lahat sa kamalayan sa Diyos, doon sa kamalayan kay Krsna. Ipakita natin sa kanila kung papaano sa bandang huli ang kamalayan sa Diyos ay sumasanib sa kamalayan kay Krsna. Dapat sa bawat hakbang ay maging mahusay tayo sa pagpapatunay, na si Krsna ang bukal ng lahat ng kasiyahan (akhila rasamrta murtih). Ano ba ang kamalayan kay Krsna? Itoy mala-siyentipikong naipaliwanag na ni Rupa Goswami. Ang rasa, ang kasiyahan, ay hindi maaaring iwasan o ipagwalang-bahala natin. Lahat tayoy naghahanap nang rasa. Ang bawat-isa sa atin, lahat ng yunit, maging ang pinakamaliit na yunit sa mundo ay naghahangad din ng rasa, ng kasiyahan, ng ekstasi, ng kalugud-lugod na kasiyahan, at ang lahat ng yugto ng rasa ay nasa katauhan ni Krsna. Ito ang isipin ninyong maigi. Ano ba ang rasa? Ano ba ang likas na katangian nito? Papaano natin ito maihahambing sa iba? Sa ganitong paraan, unti-unti, kailangang dalhin natin sila sa konsepto ni Krsna bilang PunungDiyos. Dahil ang bagay na itoy hindi isang alamat mula sa sinaunang banal na sulatin sa India. Si Krsna ay hindi alamat, kundi, Siya ang katotohanan. Kaya kailangang harapin natin ang buhay na kaganapang ito, ang buhay na katotohanang ito. Kailangang ipakita natin sa kanila kung bakit ang bagay na itoy dapat nilang pinaniniwalaan. Si Krsna ang katotohanan. Siya ang realidad, at ang realidad ay para sa Kanya. Subalit upang makarating kayo sa inyong patutunguhan, kailangang magbayad muna kayo. Kailangan muna kayong mamatay upang mabuhay, at mararamdaman ninyong hindi pala ito kalokohan. Ganito ang inyong mararamdaman habang tumataas kayo, bhakti pare
6

sanubhavo viraktir anyatra ca. Sa bawat hakbang, tatlong bagay ang inyong mararamdaman; kasiyahan, paglakas, at walang kagutuman. Ang inyong mga paglulunggati o pagnanasa ay mababawasan. Kadalasan ganito ang ating nararamdaman, Gusto ko nito, gusto ko nyan, lahat nang itoy gusto ko; subalit nananatiling wala parin tayong kasiyahan. Ngunit doon sa kamalayan kay Krsna, habang tumataas tayo, nawawala ang ating gutom, at ang mga bagay na akala ninyo noong una na nagbibigay sa inyo nang ginhawa ay awtomatiko nang nawawala. Nawawala na ang ganitong klaseng gawain; lahat silay mawawala na, at ang natural na pagkahilig ninyo sa espirituwal na gawain ay awtomatikong tumataas na, at nagiging mabilis na ang pagsulong ninyo. Mararamdaman ninyo ang tatlong bagay na ito, kaya halikayo at kunin ninyo ang mga sinasabi namin. Kaya sa paraang ito, gawin natin ang lahat-lahat, at hayaan natin ang resulta sa Panginoon. Mga Bunga ng Enerhiya Tayoy mga ahente lamang, ginagawa lamang natin ito dahil ito ang Kanyang ipinag uutos sa atin, samakatuwid dapat nating tandaan kung ano ang bhakti, ano ang tamang debosyon. Lahat ng gagawin ko, lahat ng kikitain ko ay hindi para sa akin; dahil akoy Kanyang ahente lamang. Kaya ang dapat talagang makinabang nito ay ang may-ari, ang aking maestro, si Krsna. Ito ang dapat nating ilagay sa ating isipan, dahil ito ang tamang bhakti. Dahil kung hindi, lahat nang gagawain natin ay magiging karmma-kanda lamang: naghihintay ng kabayaran, nag-aabang ng bunga. Ayaw kong tikman ang bunga ng aking karmma, dahil itoy para sa aking maestro lamang. Akoy Kanyang katulong, at Kanyang napag-utusan lamang. Akoy Kanyang alipin; ni walang pag-aari. Kaya wala akong karapatang tikman ang bunga nang aking mga ginawa kundi ang Supremong Panginoon lamang, ang maestro ng aking enerhiya, kaya lahat ng produkto nitoy dapat lamang na maipasa ko sa Kanya. At hindi natin ito dapat pinakikialaman habang dinadala sa Kanya. Ito ang tamang paninindigan ng bawat manggagawa. Upang maging isang tunay itong Bhakti. Hindi natin kailangan ng biyaya; kundi tanging Siya lamang ang ating kailangan. Kaya dapat nating ilagay sa ating isipan na tanging Siya lamang ang dapat makinabang. At kapag itoy ating nagawa maaaari na nating sabihing tunay nga Niya tayong mga deboto. Kaya dapat hindi tayo ang nakikinabang nito; dahil manggagawa lamang tayo at hindi natin pinag-iinteresan anuman ang maging bunga nito. Ang sabi ng Bhagavad-gita (2.27): karmany evadhikaras te ma phalesu kadacana ma karmma-phala-hetur bhur ma te sango stv akarmani Karapatan mong gawin ang iyong tungkulin, subalit wala kang karapatang tikman alinman sa bunga nito. Itoy isang matinding babala. Ang sabi ni Krsna, Huwag kang magkakamaling isiping dahil hindi ka makikinabang sa iyong gagawin ay hindi ka na kikilos dahil kapag ganito ang ginawa mo at hindi ka na kumilos at inisip mong nakaririmarim na sumpa ito, at wala kang pakinabang dito, ayaw mo nang magtrabaho. Kahit na ang isang di-makasariling gawain ay mababang klaseng gawain din. Kaya sa halip na ganito ang ating gawin, maka-diyos na gawain na lang ang ating gawin dahil mapapaligaya pa natin ang Supremong Panginoon. Dahil ganito
7

ang bhakti, ang debosyon. Ang bhakti ay may ibat-ibang grado o antas din: malaki ang kaibhan sa pagitan ng viddhi-bhakti at sa raga-bhakti, debosyun na may pag-aalinlangan pa, at sa debosyon na bukal na tumatagas sa ating kalooban. Autokrata, Mapag-hari, at Sinungaling Ang Diyos ay hindi tulad ng isang haring iniluluklok, kundi, Siya ay isa na talagang autokrata, dati nang diktador. Na maylubos na kapangyarihan pa. Ang magtrabaho para sa isang awtokrata ay maituturing na isang napakataas na konsepto ng pagsasakripisyo. Gaano ba dapat katindi ang kailangan nating tapang at pagmamalasakit upang makapag-trabaho sa isang autokrata, sa isang naghahari-harian, na sinungaling pa? Ang totoo, Siyay talagang ganito na. At ang ganitong pag-uugali ay hindi lamang pasumpung-sumpong, kundi itoy talagang likas na sa Kanya. Si Krsna ay autokrata, dahil lahat ng batas ay nagmula sa Kanya. At ang isang autokrata ay masmataas pa sa batas. Sa harapan nang maraming tao batas ang pinapairal; subalit para sa isang nag-iisa, hindi na ito kailangan. Si Krsna ay palaging naghahari-harian, subalit walangalinlangang Siyay mabuti din. Kaya kapag Siyay ating pinigilan, itoy kawalan sa mundo. Dapat ang kabutihan ay malayang nakakadaloy. Masama ba ito? Sino ang gustong tumututol nito? Dapat ang kabutihan ay malayang nakakaagos saanman niya nais pumunta. Kalabisan ba sa atin kapag sinabi nating di mapag-aalinlanganan ang kabutihan ng Diyos, kabawasan din ba sa atin kung Siyay isang autokrata, isang diktador? Sino ba sa palagay ninyo ang dapat na maging awtokrata, ang mga ignorante at baliw ba? Hindi. Ang di mapag-aalinlanganang kabutihan ay mayroong lubos na autokrasya. At walang batas ang maaaring magtali sa Kanyang mga kamay. Kapag nangyari ito, itoy kawalan parin sa atin. Si Krsna ay sinungaling, dahil nais Niyang hikayatin tayo at ipaunawa sa atin kung ano ang buong katotohanan. Nagsinungaling Siya upang unti-unti tayong maakit at mapalapit sa katotohanan. Dapat din natin tandaan ang Kanyang lubos na kabutihan, dahil lahat nang nanggaling sa Kanya ay pawang mabubuti. At ang depektoy nasa ating bahagi. Dahil tayo ang nanghihimasok. At hindi Siya. Ang mga ipinapakita Niyay Kanyang mga paglalaro lamang, Kanyang Lila. Kung ang lahat ng bagay ay Kanyang pag-aari, ito bay isang kasinungalingan? Noong sinabi Niyang, Magkaroon ng liwanag, hindi bat nagkaraoon nga ng liwanag: Magkaroon ng tubig, nagkaroon nga ng tubig. Kung mayroon Siyang ganoong klaseng kapangyarihan, ito bay isang pagsisinungaling? Kaya marapat lamang na isakripisyo natin ang mga sarili natin para kay Krsna, dahil Siya ang di mapag-aalinlanganang kabutihan, kagandahan, at pag-ibig. Ang kailangan dito ay masmataas na antas ng pananalig at pagiging di-makasarili. Kaya kapag tinanggap natin na ang kamalayan kay Krsna ang pinakamataas na mithiin natin sa buhay, higit na ibayong pagsasakripisyo ang kakailanganin natin, subalit ang pagsasakripisyong ito ay nangangahulugan ng buhay: Mamatay upang mabuhay. Ang pagsasakripisyo natin ay hindi magiging kawalan sa atin. Bagkus, higit pa tayong pagpapalain kapag ibinigay natin ang mga sarili natin. Kaya, tinatanggap natin ang kirttan, ang gawain ng pangangaral bilang pamamaraan sa ating layunin. Napakaraming mga pamamaraan ng kirttan kung papaano natin malalapitan ang mga kaluluwa sa mundong ito: itoy sa pamamagitan ng direktang pakikiharap sa kanila, sa pamamagitan ng mga aklat natin, at gayun din sa pagsasagawa nang sankirttan, nang sama8

samang pag-awit ng banal na pangalan. Kaya habang tumutulong tayo sa ibang tao, natutulungan din natin ang mga sarili natin: nagiging mabuti din ang ating kapalaran at sariling pananalig. Hindi lamang ibang tao ang natutulungan natin sa pamamagitan ng kirttan, kundi maging ang mga sarili natin ay eternal na nabibiyayaan din.

Ang Panginoong Sri Chaitanya Mahaprabhu, na si Sri Krsna mismo, na Pumanaog sa mundo upang pasimulan ang kilusang Sankirttan, ang pag-awit nang Hare Krsna Mahamantra.

Eternal na Puwang Sabi ni Krsna sa Bhagavad-gita (2.27), Gampanan mo ang iyong tungkulin, ma te sngo stv akarmani, at dahil sa ikaw ay kailangang maglingkod sa Akin, huwag na huwag mong isiping itoy ayaw mo nang gawin? Huwag mo nang hintaying maging masaklap pa ang reaksyon nito sa iyo, dahil ay tiyak na masasawi ka lamang. Huwag mong isiping ititigil mo na lang ang iyong gawain at mag-aaklas na lang. Huwag. Dahil itoy isang mapanganib na puwang. Huwag kang tatalon sa eternal na puwang na iyon, sa halip kumilos ka para sa Akin, at ikaw ay tiyak na magtatagumpay. Sabi nga ni Krsna, Iwan mo ang lahat ng uri ng gawain, at magpasailalim sa Akin, sarvva dharman parityajya mam ekam saranam vraja. Ito ang Aking katayuan: Ako ang iyong tagpangalaga, ang iyong kaibigan, at ang lahat-lahat ng bagay sa buhay mo. Sa Akin mo lamang matatagpuan ang katuparan ng hangarin mo sa buhay. Maniwala ka sa Akin Arjjuna. Ito ang tinitiyak Ko sa iyo at hindi kita nililinlang. Dahil ikaw ay Aking kaibigan--ito ang tandaan mo. man mana bhava mad bhakto mad-yaji mam namaskuru mam evaisyasi satyam te pratijane priyo si me Kapag Akoy palaging nasa isipan. Tiyak na makakapunta ka sa Akin. Ito ang ipinapangako Ko sa iyo, mahal kong kaibigan, totoo ang sinasabi Ko. Ako ang lahat ng bagay. Halikat subukan mo. Ako ang hantungan, ang kaganapan ng buhay, hindi lamang nang buhay mo, kundi nang lahat ng buhay. Kung titignan mo mula sa bahagi ng walang hangganan, ganito ang kalagayan Ko. Ito ang sinasabi Ko sa iyo dahil ikaw ay kaibigan Ko. Hindi kita lolokohin. Kaya Akoy iyong paniwalaan. Sumpa man. Ditoy walang kahihiyang nagsusumamo pa si Krsna. Nakikiusap na mapakinggan, para sa ating kapakinabangan. At itoy nakarekord sa Bhagavad-gita upang magsilbing gabay natin. At ang Panginoong Krsna ay pumanaog nga sa katauhan ni Sri Chaitanya Mahaprabhu upang ipangaral ang Kanyang sarili. Siyay pumanaog upang ialok ang Kanyang sarili kasama ang Kanyang mga eternal na kasamahan. Maging si Srimati Radharani, ang katauhan ng debosyon, ay dinala din Niya dito, at ganito ang Kanyang sinabi, Ipapakita Ko sa inyo kung papaano karikit at nakakabighani ang inyong kalagayan sa paglilingkod sa Akin, ipapakita Ko kung gaano kaganda at karangal ang ibinibigay na debosyon sa Akin nang Aking kabiyak. Kaya, sumama na kayo. At si Baladeva nga ay pumanaog din bilang si Nityananda upang mangalap, at ang Vrndaban ay pumanaog din at iniaalok ang Kanyang sarili bilang Nabadwip. Kaya, malaki ang ating pagkakautang sa mga nag-aalok, lalu na kay Krsna na bumaba pa dito at ipinakita kung gaano kaganda, kung gaano kadakila, at kung papaano nagsasakripisyo ang banal na pag-ibig.

10

2
Mga Santo Mga Banal na Aklat at mga Guru
Ang layunin sa pagpunta sa isang banal na lugar ay upang makausap sa lugar na iyon ang mga nakatirang banal na tao. Ang sumusunod ay isang talakayan sa pagitan nina Srila Sridhar Maharaj at ng tatlong mag-aaral na taga-Europa na nagsasaliksik nang katotohanan sa India.

Srila Sridhar Maharaj: Bakit kayo naparito sa India? Estudyante: Gusto po sana naming magpunta sa mga banal na pook tulad ng Nabadwip, Vrndaban, at Jagannath Puri. Ito po ang pangunahing dahilan kung bakit nandito po kami sa India. Srila Sridhar Maharaj: Papaano ninyo nalaman ang mga bagay na ito? May nabasa ba kayong libro? Estudyante: Opo, mga libro ni Srila Prabhupada. Srila Sridhar Maharaj: Anong libro? Estudyante: Bhagavad-gita po. Srila Sridhar Maharaj: Aah. Yung Bhagavad-gita As It Is ni Bhaktivedanta Swami Maharaj. Estudyante: Opo. Bhagavad-gita: Ikaw Mismo ang Gumamot sa Sarili Mo Srila SridharMaharaj: Maraming taon na ang nakakalipas, isang iskolar na Aleman ang nagpahayag noon ng kanyang isipan tungkol sa Bhagavad-gita, ayon sa kanya, ito na ang pinakamataas na literatura o babasahing pang-espirituwal. Ang punto niyay ganito, ayon sa payo ng Bhagavad-gita malinaw na sinasabi dito na hindi natin dapat baguhin ang nasa paligid natin kundi ang mga sarili natin, at iayon na lang natin ang mga sarili natin dito. Ito ang susi sa payo ng Bhagavad-gita: Ikaw mismo ang gumamot sa iyong sarili. Wala tayong sapat na kapangyarihan upang baguhin ang nasa paligid natin. Dahil ito ang kagustuhan ng Diyos. Lahat ng nasa paligid natin, maging ang lahat ng pinagsamang lakas na kumikilos sa labas natin, ay hindi natin kayang alisin. Dahil wala tayong kakayahan upang panghimasukan ang mga nasa paligid natin; magsasayang lamang tayo ng ating lakas. Sa halip, ang dapat na lang nating gawin ay baguhin ang mga sarili natin, nang sa ganoon, maiayon natin ang mga sarili natin sa mga nangyayari sa labas: ito ang susi sa tagumpay ng ating buhay. tat te nukampam susamiksamano.
11

May mga tungkulin tayong dapat gampanan, subalit ang mga resulta nitoy huwag nating pagnasaan; bahala na dito si Krsna. karmany evadhikaras te ma phalesu kadacana. Ibigay na lang natin ang ating ambag; dahil may gumagawa din nito, milyun-milyong iba pa ang nagbibigay din ng kanilang ambag, na siya namang lumilikha ng ating kapaligiran. Kaya, gawin lamang natin ang ating tungkulin, at tanggapin ang resulta nito bilang pinakamagaling, dahil ang Kalubusan ang may gawa nito. Maraming bagay ang nagaganap sa natin, subalit mahalagang tignan natin kung papaanong ang lahat ng itoy inaayos ng kalubusan at iniaakma sa mga sarili natin. Ang tanging responsibilidad lamang natin ay gawin ang mga tungkulin natin. At kailanmay huwag nating tangkaing baguhin ang mga nasa paligid natin; dahil kusa itong kikilos ayon sa kanyang paraan. Dahil wala tayong kapangyarihang itoy baguhin. Sa halip, ang sarili na lamang natin ang pagsikapan nating baguhin upang maging maayos ang pakikitungo natin sa mga nakapaligid sa atin. Huwag na tayong makialam kung anoman ang maging resulta nito. At kung sakaling ang mga inaasam-asam nating resulta ay hindi natin makuha, dapat bang mawalan tayo nang gana? Hindi po. Kailangang ipagpatuloy parin natin ang pagganap sa mga tungkulin natin. Lahat ng maaaaring maiambag ay kailangang ialay natin sa kalubusan, nang sa ganoon ang resulta ng mga ginawa natin ay mabigyan naman ng hugis ng kalubusan ayon sa Kanyang pamamaraan. Sabi nga ni Krsna, Kailanmay huwag kang maghangad ng anumang partikular na reaksyon sa mga ginawa mo. Subalit, kumilos ka. Huwag kang maging tamad. Ipagpatuloy mo ang tungkulin mo nang walang hinihintay na kaakibat na resulta. Estudyante: Kailangan po bang inaalala namin si Krsna habang itoy ginagawa namin? Srila Sridhar Maharaj: Oo. Hanggang sa magkaroon tayo nang kuneksyon kay Krsna at untiunti mapapansin nating mababait pala ang mga nasa paligid natin. Kaya kapag wala na tayong reaksyon sa dati nating ginawa, makikita nating ang bawat alon ay nagdadala ng mabuting balita sa atin. At kapag naglaho na ang pagiging makasarili natin, mamamalayan nating nasa kalagitnaan pala nang matatamis na pag-alon ang mga sarili natin. Kaya magmula ngayon kalimutan na natin ang mga pagkakamaling nagawa natin. Mahalagang gampanan na lang natin ang mga tungkulin natin at kailanmay huwag nating hintayin kung ano man ang maging resulta nito, ipasa na lang natin ito sa kalubusan. Ang Paglusaw sa ating Ego At balang-araw malulusaw din ang makasariling pag-iisip natin, at ang tunay na pagkatao natin, na kabilang sa daigdig ng kalubusan at nasa loob natin, ang sisibol at magigising, at makikita nating nasa loob pala ng matatamis na pag-alon ng kapaligirang ito ang mga sarili natin. Doon, lahat ng bagay ay pawang matatamis. Maging ang simoy ng hangin ay matamis, ang inumin ay matamis, ang mga puno ay matamis, lahat ng makikita natin ay pawang ubod ng tamis, matamis na matamis.

12

Ang talagang kalaban lang natin ay itong internal na ego natin, ang pagiging makasarili natin, at upang tuluyan nang malusaw ang ego na ito, kailangang gawin natin ang mga karapatdapat na gawain, subalit kailanmay huwag nating isiping dapat nakaayon ito sa gusto natin.

Ang literaturang Bhagavad-gita, na pinakamataas na babasahin sa mundo. Dito, ganito ang naging kautusan nang Panginoong Krsna kay Arjuna, Ikaw mismo ang makakagamot nang sarili mo.

Kaya kapag itong karmma yoga ang ginamit natin, di maglalayon, makikita nating naglalaho na ang maling ego natin, na mahilig sa mga kabaluktutan; hanggang sa paglutang naman ng malawak, at malapad na ego na nasa loob natin, at mapapansin ninyong mapayapa kayong nakapamumuhay sa loob ng sandaigdigang ito. Makikita natin ang mapayapang daigdig, at ang bumabalot na makasariling damdamin natin ay nawawala na rin. Ang sanhi nang mga karamdaman natin ay nasa loob natin at wala sa labas. Subalit sa pananaw ng isang paramahamsa Vaishnava, ang pinakamataas na klaseng santo, lahat ay nasa tamang kaayusan. Wala siyang nakikitang problema. Kaya kapag nakarating na kayo sa antas ng dibinidad o kabanalan, mapapansin ninyong lahat ng bagay ay nasa mabuting kaayusan at labis
13

na kaaya-aya at ubod ng tamis. Tanging ang maling ego lamang natin ang gumagawa ng kaguluhan sa atin, at dapat itoy nilulusaw na rin. Kaya huwag natin masyadong isipin ang mga nasa paligid natin, bagkus, mashanapin pa natin ang pagpapala nang Diyos sa mga bagay na dumarating sa atin, kahit na sabihing itoy isang kaaway pa. Dahil lahat ng bagay ay pawang pagpapala ng Panginoon, subalit ang problema, itoy hindi natin nakikita; at pawang kabaligtaran ang nakikita natin. May dumi ang mata natin. Ang totoo, lahat ng bagay ay sagrado at banal. Dahil lahat ng itoy pawang pagpapala ng Panginoon. Ang mata lamang natin ang may sakit. Lahat ay may karamdaman, kaya kapag gumaling na tayong lahat, makikita nating naririto pala tayo sa isang pinagpalang mundo. At tanging ang mga takip ng pagnananasa lamang ang lumilinlang sa atin upang ang mundong iyon ay hindi natin makita. At para sa isang tunay na estudyante ng debosyunal na pamantasan ang ganoong uri ng pakikitungo sa kapaligiran ay katanggap-tangap na landas sa pagtungo sa Panginoon. Kaya ilagay natin sa ating isipan, lahat ng itoy pawang kagustuhan ng Diyos. Kahit isang damo kung walang kapahintulutan ng Supremong Awtoridad ay hindi maaaring gumalaw. Dahil tanging Siya lamang ang may kontrol at nakakaalam ng lahat. Kaya isipin na lang natin na ang lahat ng nasa paligid natin ay nagdudulot nang kabutihan sa atin. At tayo lamang ang nagpapasama nito sa atin. Dahil ang ego natin ang dahilan nang lahat ng kasamaan natin. Mga Walang-hangganang Kasiyahan Ito ang Vaishnavaismo. Kaya kapag ito ang ginawa natin, di-magtatagal, gagaling din tayo sa karamdaman natin, at doon tayo malalagay sa kalagitnaan ng walang-hanggang kasiyahan. Ugali na nating sa labas ang ginagamot natin. Dahil laging ganito ang nasa isipan natin, Gusto ko, ako lang ang may-kontrol, at nagpapatakbo nito. Masmaligaya ako kapag gusto ko ang sinunod ninyo,. Subalit hindi dapat ganito ang maging damdamin natin. Tulad ng sinabi ni Mahaprabhu: trnad api sunicena taror api sahisnuna amanina manadena kirtaniyah sada harih Huwag nating kalabanin ang mga nasa paligid natin. At kung sakali namang hindi kanais-nais ang mga bagay na dumarating sa atin, itoy maluwag parin nating tanggapin, at dapat hindi tayo naaapektuhan nito. Kahit tayoy kanilang atakihin pa, hindi parin tayo dapat maging marahas; dapat sukdulang mapagtiis parin tayo. Lahat silay dapat pa rin nating igalang; subalit huwag nating asahang tayoy kanilang igagalang din. Sa pamamagitan ng paraang ito, hindi tayo mahihirapan sa pagpunta sa pinakamataas na hantungan: sa lupaing tinitirhan mismo ni Krsna. At ito ang pinaka-pangunahing antas ng buhay. Kaya sa panahong iyon, lahat ng bumabalot sa kaluluwa natin ay mawawala at mamamatay, at ang kaluluwang ito na nasa loob natin ay magigising at mapapansin niyang naglalaro siya sa isang matamis na alon, sumasayaw at nakikipagsaya sa mga tiga-Vrndaban, kasama si Krsna at ng Kanyang mga deboto. At ano naman ang Vrndaban? Itoy hindi isang alamat, o istoryang gawa-gawa lamang. Sa buong sandaigdigan, may isang lupain na pinakamalawak at
14

pinakamalaki sa lahat at punung-puno nang kagandahan, katamisan, at kasiyahan, at ang lahat ng itoy naroroon sa Vrndaban. Subalit kailangang sumisid muna tayo sa loob nitong kapatagan ng katotohanan. Dahil tayo ay inilutang nang ating ego sa ibabaw ng kaguluhan, kay maya, sa ilusyon. At dito tayo dinala nang ating mga haka-haka at pala-palagay at pag-iimbento, at paghahangad ng sariling kasiyahan, kaya dapat tuluyan na natin itong lusawin. Nang makalabas na ang ginintuang katauhan natin, at doon ay makikita nating nasa kapatagan pala tayo nang isang masayang kalagayan, kasama si Krsna sa loob ng Vrndaban. Ang sinasabing Taimtim na Hangarin ng ating mga Sarili ni Hegel Ayon sa mga naging pahayag ni Hegel, ito ang tinatawag na matinding paniniwala. Ang ibig sabihin ng matinding paniniwala itoy hanggang kamatayan nating pinaniniwalaan. Kaya dapat ang materyal na buhay na ito maging ang lahat ng materyal na pag-uugali natin ay dapat na nating iwan; kaya kung nais nating magkaroon nang tunay na buhay dapat ang paniniwalang itoy dalhin natin hanggang sa ating kamatayan. Ang maling ego natin ay dapat na nating iwan. Dahil mula nang isinilang tayo at napunta sa ibat-ibang uri ng buhay, sa hayop, sa puno, at iba pa., ibat-ibang materyal na pag-uugali din at asal ang ating nakuha, subalit ang pinong anyong ito, ay naimbak sa ating ego. Kaya nga ang ibig sabihin nang kamalayan kay Krsna ay lubusang paglusaw sa maling ego. Ang katauhang ito, na naroroon sa loob natin, na makasarili at nilikha lamang ang kalaban talaga natin. Samantalang ang tunay na katauhan natin ay kaawa-awang natatabunan ng maling ego. Dahil sa sobrang lalim nang pagkakabaon natin maging ang mga sarili natin ay hindi na rin natin nakilala. Kaya, katulad ng sinabi ni Hegel na isang pilosopong Aleman, mamatay upang mabuhay. Ang realidad ay para sa Kanya at itoy Kanyang gawa. Ang mundo ay nilikha hindi upang pagsilbihan ang mga makasariling hangarin natin; kundi, itoy may pang-sandaigdigang layunin, at tayoy kanyang bahagi at piraso lamang. Kaya marapat lamang na maging kaisa tayo sa kabuuan. Ang ganap na kabuuang ito ay si Krsna at Siyay sumasayaw, nakikipaglaro, at umaawit ayon sa Kanyang kagustuhan. Kaya dapat talaga tayong sumasali sa loob ng kanilang masayang sayawan. Kaya bang kontrolin nang mga katiting na tulad natin, ang walang-hangganan? At kaya din ba nating pagalawin ang lahat ng bagay ayon sa kapritso natin? Kaya kapag ganito na naging isipan natin, ito na ang pinaka-baluktot, pinaka karima-rimarim na bagay sa lahat nang naisip natin, at ito talaga ang naging sakit natin. Ito ang tunay na problema ng ating lipunan. At ang solusyon sa katanungang ito ang dapat nating itinatanong. Estudyante: Ibig po bang sabihin nito dapat ay agad-agad na naming bitiwan ang materyal na buhay? Srila Sridhar Maharaj: Hindi naman kaagad. Dapat unti-unti tayong tumataas, at itoy depende sa partikular na kalagayan natin. Kung masyado tayong naging mahilig sa makamundong buhay at agad-agad natin itong iniwan, malamang hindi natin matupad ang mga ipinangako natin; at maaari tayong muling bumagsak. Kaya, ayon sa personal na kakayahan
15

natin, unti-unti muna tayong susulong paitaas. Ito ang maaari muna nating gawin, subalit ganunpaman, kailangang kasabikan pa din natin ang pagbitaw sa lahat ng bagay at ilaan ang mga sarili natin tanging para sa pinakamataas na gawain. Subalit may mga taong buo ang kalooban, at silay nakahandang tumalon sa walang-katiyakan, dahil ganito ang umiiral sa kanilang isipan, bahala na sa akin si Krsna, sa ngalan ng Diyos akoy tatalon na. Si Krsna ay naroroon sa lahat ng bagay; akoy Kanyang kakandungin. Kaya sinumang sadya talagang tunay ang pagnanasa sa katotohanan ay maaari nang tumalon. Estudyante: May problema po ako. Sampung taon nang ginagawa ko po ito. Sa loob po ng sampung taon, hindi na po talaga ako kumakain ng karne, isda, at mga itlog. Inalis ko na po ang materyal na bagay---at hindi na rin po ako nananabik sa mga ganoong pagkain. Kaya lahat ng itoy iniwan ko na po. Ang problema, may isang bagay na gusto kong bitiwan subalit paulit -ulit ko namang ginagawa. Ito po ay ang ganja (marijuana). Srila Srila Sridhar Maharaj: Maliit na bagay lamang ito. Mayroong tatlong bagay na sadya talagang mahirap alisin: una ay babae, pangalawa ay pera, at ang pangatlo, ay ang magkaroon ng pangalan at maging tanyag. Ang tatlong ito ang talagang kalaban natin. Ang paggamit ng marijuana ay maliit na bagay lamang. Madali itong bitiwan. Subalit ang tatlong ito ang pangunahing hangarin ng bawat hayop, puno, ibon, tao, o kaya ng mga diyus-diyosan. Ang tatlong ito ay naroroon sa lahat ng bagay. Subalit ang pagkagumon sa droga at sa iba pang pabugsu-bugsong pag-uugali ay maliit na bagay lamang at itoy madaling nasusugpo. Katulad din ng unti-unting pagkagumon sa mga nakalalasing na inumin, dapat dahan-dahan din ang paglabas natin; unti-unti, at hindi agad-agad. Tulad noong patapos na ang Ikawalang Digmaang Pandaigdig, nabasa namin noon sa pahayagan tungkol kay Goering, ang heneral ni Hitler sa panghimpapawid, masyado itong nagumon sa pag-inum ng alak. Subalit noong makulong, hindi na ito muling nakatikim ng kahit anupamang klaseng alak. Hanggang sa itoy magkasakit, subalit ginamot parin siya hanggang sa gumaling. Pinainom siya nang gamot hanggang sa gumaling. Madami narin ang nagpupunta dito at sumasapi sa aming templo, subalit tumitikim pa din ng opyo, ngunit sa pagtagal ang bisyo nilay unti-unting nawala na din. Maraming mga tinaguriang saddhu ang humihitit din nang marijuana. Ayon sa kanila nakakatulong daw ito sa, konsentrasyon ng kanilang isipan, subalit itoy para sa ating materyal na kaisipan lamang. At ang totoo. ginugulo lamang nito ang pananalig natin, ang mga bagay na pinaniniwalaan natin. Kalaban ito ng ating paniniwala. Ang maaaring magdala lamang sa atin sa minimithing lugar natin ay itong pananalig, at hindi kailanman nang anupamang bagay na nakalalasing. Akala nang mga naliligaw na kaluluwa, ang marijuana, ang hashish, at marami pang ibang bagay ay nakakatulong sa ating meditasyon, sa mga pagninilay-nilay natin. Marahil nga sa ibang bagay, subalit itoy materyal o makamundo at pawang kabiguan lamang ang kayang ibigay sa panahon ng ating pangangailangan. Dahil hindi tayo kayang dalhin nito hanggang doon sa kaitaas-taasan. Sex, Droga, at Ginto Ayon sa naging payo sa atin ng Srimad Bhagavatam (1.17.38) dapat ang limang bagay na ito ang tinatalikuran na natin: ang dyutam, pagsusugal, o pagiging madiplomasya; ang panam, pag-inum ng anumang nakalalasing na bagay, kabilang na ang pag-inom ng tsaa, kape, nga-nga,
16

at lahat ng iba pa; ang striyah, ang labag sa batas at illegal na pambababae; ang suna o pagkatay o pagpatay, at ang pangangalakal ng ginto. Sa pangangalakal ng ginto nawawala ang interes natin sa tinatahak nating linya sa espirituwal. At ang limang ito ang labis na bumibighani sa atin. Kaya hindi natin maaaring sabihing ang pag-inum nang mga nakalalasing na inumin ay sadyang nakakatulong sa meditasyon natin sa transdedental, sabi nga ni Devarsi Narada, yamadibhir yoga-pathaih kama-lobha-hato muhuh: maging ang mga natamo natin sa meditasyon ay walang permanenteng bisa pa rin. Dahil tanging ang tunay na pananalig lamang sa linya ng purong debosyon ang maaaring makatulong sa atin. Ang Mga Santo ay Buhay na mga Banal na Aklat Estudyante: Kung ganoon, papaano po namin mapapalawak ang kamalayan namin kay Krsna? Srila Sridhar Maharaj: Papaano ba ninyo nalaman ang kamalayan kay Krsna? Estudyante: Sa pagbabasa po ng Bhagavad-gita. Srila Sridhar Maharaj: Ng Bhagavad-gita. Mula sa mga banal na aklat. At sino naman ang sumulat nito? Mga santo. Kaya, kapwa mahalaga para sa atin ang makasama ang mga santo at ang payo ng banal na aklat. Ang mga santo ay mga buhay na banal na aklat, at ang banal na aklat bagamat nakapagbibigay sa atin nang mga payo silay hindi natin nakakausap. Subalit sa santo, itoy maaari nating makausap, samantalang sa mga banal na aklat ang ibinibigay nilang biyaya ay nakapaloob sa kanilang payo. Kaya kapag ang mga banal na aklat at mga santo ay ating nakasama ang pinakasukdulan ng ating paniniwala ay ating mararating: saddhu shastra krpaya haya. Subalit ang mga santoy higit na makapangyarihan. Ang mga taong nabubuhay sa payo ng mga banal na aklat ay mga nabuhay na banal na aklat. Kaya kapag silay ating nakasama, at kanilang pinagpala, ang mga matataas na pinong karunungan at paniniwala ay ating matututunan. Kung nais nating makarating sa pinakasukdulang lugar na gusto nating puntahan huwag nating ipagpilitan ang mga pamamaraang gusto natin; dahil tanging pananalig lamang ang maaaring magdala sa atin. Napakalayo ng espirituwal na mundo, itoy lagpas pa sa ating paningin, lagpas pa sa mga naging karanasan natin, at lagpas pa maging sa kayang abutin ng ating isipan. Dahil ang naranasan ng ating mata, tainga, at isipan ay napakaliit at limitado lamang, subalit ang lugar na ito, ang transedental na lupaing itoy naaabot at napapasok lamang sa pamamagitan ng pananalig. Kaya kapag tinulungan tayo ng mga santo at nang mga banal na aklat magiging malago ang pananalig natin. Sila ang tutulong sa atin upang maunawaan natin na totoo pala ang espirituwal na mundo at hindi ang mundong ito. At sa panahong iyon, ang materyal na mundong itoy magiging gabi na para sa atin, at ang espirituwal na mundo namay magiging araw na sa atin. Sa kasalukuyan, ang eternal na daigdig ay kadiliman para sa atin, at tayo ay gising sa mortal na daigdig na ito. Sa ibang tao, ang araw nilay parang gabi at ang gabi nilay parang araw. Ang kamulatan nang mga santo ay nasa ibang bagay, samantalang nasa ibang lupain naman ang mga sinungaling. Ang mundo nilay magkahiwalay. Ang mundo ng mga siyentistay iba; kaysa mga magugulo. Ang araw ay nilay gabi sa iba. Ang nakita nina Einstein at Newton ay hindi nakita ng
17

mga ordinaryong tao, at ang nakita naman nang ordinaryong tao ay pinagwawalang-bahala naman ng mga matataas na tao. Kaya nga, kailangang gisingin natin ang interes natin tungkol sa kapatagang iyon, at ang gusto nang lupaing itoy huwag na nating pansinin. Ika-3 Digmaang Pandaigdig: Hayaan Hinyo ito Estudante: Maraming tao ang natatakot sa digmaang nukleyar. Ayon sa kanila itoy malapit na. Srila Sridhar Maharaj: Itoy isa lamang tuldok sa isang linya, isang linya sa isang kapatagan, isang kapatagan sa isang solidong tuntungan. Maraming ulit nang dumating at lumipas ang mga digmaan; maraming ulit nang ang araw, ang mundo, at ang solar system natin ay nawala, at muling lumabas. Tayo ay nasa kalagitnaan ng walang katapusang ganitong kaisipan. Ang digmaang nukleyar na ito ay isa lamang maliit na tuldok; ipagpalagay na nating itoy darating? Araw-araw at bawat sandali maraming namamatay; ang mundong ito ay mamamatay din, maging ang buong sangkatauhan ay mawawala din. Ganoon talaga. Kaya kailangang doon na tayo manirahan sa lugar na walang-hangganan; at hindi lamang para sa isang partikular na panahon o kalagayan. Kundi kailangang ihanda din natin ang mga sarili natin para sa eternal na biyaya natin, at hindi para sa isang panandaliang lunas lamang. Ang araw, ang buwan, at maging ang lahat ng planeta ay lumilitaw at naglalaho: silay namamatay, at muling nililikha. Tayoy nabubuhay sa loob ng ganoong kawalang-hangganan. At ang ganitong aspeto ng usapin ay sinasakop na ng relihiyon. Ganito ang ating paniniwala: hindi lamang ang katawang ito, kundi maging ang buong sangkatauhan, ang mga hayop, ang mga puno, ang buong mundo, at maging ang araw, lahat silay mawawala, at muling lilitaw. Nililikha, ginugunaw, nililikha, ginugunaw---lahat ng itoy walang katapusang nagaganap dahil sa mali nating paniniwala. At sa kabila nang lahat ng nito ay may isa pa palang mundo na eternal; at tayo ay inaanyayahang pumunta doon, upang manirahan sa kapatagang iyon, na kailanmay hindi pa pumasok sa bibig ng kamatayan, o sumasailalim sa pagbabago. Ganito ang nakasulat sa Bhagavad-gita (8.16): abrahma-bhuvanal lokah punar avartino rjuna mam upetya tu kaunteya punar janma na vidyate Maging ang Panginoong Brahma, ang mismong tagapaglikha, ay namamatay. Magmula sa Brahmaloka, ang pinakamataas na planeta dito sa materyal na mundong ito, ang buong materyal na kapangyarihan ay pumapailalim sa mga pagbabago. Subalit kung matatawid natin ang lugar ng maling-kamulatan at makapasok tayo sa lugar ng tamang kaalaman, dooy walang magaganap na mga paglikha at paggunaw. Dahil itoy eternal, at tayoy mga anak buhat sa lupaing iyon. Tanging ang mga katawan at isipan lamang natin ang anak ng lupaing ito na dumarating at nawawala, nililikha at namamatay. Kaya dapat talagang umalis na tayo sa mundong ito ng kamatayan.
18

Zona ng Nektar Ngayon tayo ay nandirito sa lugar na ito. Subalit ano ang dapat nating gawin? Pilitin nating makalikas sa mortal na lugar na ito. Ganito ang sinasabi sa atin ng mga santo, Umuwi kana kaibigan, umuwi na tayo sa ating tahanan. Bakit kailangang maghirap ka pa sa ibayong lupain? Ang espirituwal na mundo ay tunay; samantalang ang materyal na mundong itoy hindi: itoy lumalabas at nawawala, dumarating at umaalis, hindi bat katawa-tawa ito! Kaya magmula sa mundo ng katatawanan pumunta tayo sa katotohanan. Dito sa materyal na mundong ito, hindi lamang isang digmaan ang ating mararanasan, kundi maraming digmaan pa, digmaan ng digmaan, at marami pang digmaan. Subalit mayroong isang zona ng nektar, ang totoo tayo ay mga anak ng nektar na ito at hindi ito namamatay. srnvantu visve amrtasya putrah. Subalit tayo ay nalinlang lamang kaya tayo napapunta dito, subalit ang totoo, anak talaga tayo nang eternal na lupaing iyon, at doon ay walang ipinapanganak at walang namamatay. Kaya dapat bukal sa kalooban din natin itong puntahan. Ito ang ipinahayag ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, at nang Bhagavad-gita, nang Upanishads, at ang lahat ng itoy tiniyak din nang Srimad-Bhagavatam. At ito ang ating napakatamis na tahanan, kaya gawin natin ang lahat nang magagawa natin upang makabalik na tayo sa Diyos, at makabalik na tayo sa ating tahanan, at magsama narin tayo ng iba.

19

Mulat-sapul ay una nang namuhay ang Ekstasi, ang Kalugud-lugod na Pag-ibig at Kagandahan bago tayo nagkaisip at nabuhay. Ano ang halaga nang buhay kung wala itong patutunguhan. Subalit ang taong may isip at malay, alam niya kung ano ang mabuti; at ito ang maging masaya, ang makapiling ang Ekstasi.. Srila Sridhar Maharaj.

20

3
Ang Batayan ng Fossilism Kontra sa Pag-inog ng Buhay Ayon sa ating Karanasan
Ang kabanatang ito ay sipi mula sa pag-uusap nina Srila Sridhar Maharaj at nang isang neurophysiologist, si Dr. Daniel Murphey, Ph.D.

Sa teorya nang ebolusyon, o kung papaano nagkaroon nang buhay sa mundo, ibinigay ni Darwin ang fossilism bilang kanyang teorya. Samantalang ibinigay naman ng Vedanta ang pagkakaroon ng buhay ayon sa ating nasaksihan. Ayon sa teorya ni Darwin, ang buhay ng tao, ay nagmula sa materyal na bagay. Pawang materyal na bagay lamang noong una, at ng tumagal, ito ay nagkaroon na ng buhay, na ang ibig niyang sabihin ang kamalayan o kaisipan ay nagmula sa bato. Ito ang tinatawag na ebolusyon ni Darwin, subalit itoy ayon lamang sa kanyang palagay at hindi nakabatay sa ating nasasaksihan. Hindi ba dapat bago natin gamitin ang isang bagay ay alam na natin kung ano ang kahalagahan nito? Hindi bat kapag walang gamit ang i sang bagay itoy wala din halaga sa atin. Kung ganoon, masmahalaga pala sa lahat ang kahalagahan at gamit ng isang bagay kaysa basta pagiging bagay nito. Kung ganoon ang damdamin natin ay isa sa malakaragatang damdaming kinapapalooban natin. Samakatuwid, masnauna pala ang damdamin, ang paksang pinag-uusapan natin. Kaya pinong bagay muna ang nauna, ang damdamin natin, at pagkatapos ang mga bagay na may hitsura, mga bagay na ating nakikita na. Kaya noong pinakilos na ni Krsna ang isa Niyang kapangyarihan, sa anyo Niyang MahaVishnu, doon pa lamang kumilos at nagka-bunga ang Kanyang materyal na kapangyarihan[mayadhyaksena prakrtih suyate sa-caracaram]. Ang materyal na kapangyarihang itoy maaari lamang gumawa nang kung anu -anong bagay kapag itoy minandohan na ni Krsna o kaya ay ginamit Niya, sa Kanyang kaanyuan bilang si Maha-Vishnu. Ang una muna nitong naging produkto ay pangkalahatang ego. At mula sa pangkalahatang ego, doon nagsulputan ang napakaraming indibidwal na ego. Kaya ang mundong ito ay nagmula muna sa ego. At ang ego na ito kapag nadikit sa gawi nang kamangmangan, itoy nagkakaroon nang anyo. At kapag napadako naman sa gawi nang kabutihan, ito ay lumilikha ng araw at liwanag. At kapag ang maling ego na ito ay humalo naman sa tatlong kalagayan ng kalikasan, tulad sa isang tinidor, itoy lumilikha ng mga bagay na ating nakikita, at nararamdaman. Kaya, sa simula ay mga pinong bagay muna, hanggang sa itoy atin nang nakikita. Ang Multo ni Darwin Ito ang ebolusyong Vedantic, ebolusyon ng buhay ayon sa mga aral ng Vedanta. Subalit ayon sa teorya ni Darwin, nagmula daw sa makapal ang mga pinong bagay, magmula sa nakikita hanggang sa maging pino. Kaya sa ngayon, marami ang bilib na bilib sa teorya ni Darwin, na ang bato ay nakaka-likha pala ng buhay. Kaya lahat tayo nilamon na nang teoryang ito ng ebolusyon ni Darwin. Kung kayat hindi nila makita ang kahalagahan nang isang bagay na
21

maybuhay kaysa sa isang bato. Hindi bat masmadali para sa ating maybuhay an g maglabas ng bato kaysa ang bato maglabas ng buhay. Ang buhay ay higit na masmahalaga kaysa bato. Kaya, sa madaling salita, ang isang bagay na mahalaga ay kayang gumawa nang masmababa pa sa kaniya. Mga Ninunong Fossils Ayon sa palagay nang mga siyentipikong materyalista ang mga pinong bagay ay nagmula muna daw sa mga bagay na atin munang nakikita at nadadama. Baligtad. Hindi po ganito, itoy kabaligtaran. Dahil hindi galing sa fossils ang mga ninuno natin, kundi sa Diyos Ama tayo nanggaling. Ayon sa kanilang teorya fossils daw ang mga ninuno nila, At ito daw ang ama nating lahat. Ayon sa paniniwala ng mga siyentista paitaas ang paggalaw ng lahat ng bagay. Itoy mali. Paibaba. Dahil ito ang sabi nang Bhagavad-gita (15.1): urdhva-mulam adhah-sakham asvattham prahur avyayam chandamsi yasya parnani yas tam veda sa veda-vit Ang ugat ng puno ng materyal na mundong ito ay paitaas ang tubo, samantalang ang kanyang mga sanga namay paibaba. Ang dahon ng punong ito ay ang himnong Vedic. Ang sinumang makakaunawa sa punong ito, at maging ang pinagmulan nito, ay masasabing tunay ngang nakakaalam ng Vedas. Kaya, ayon sa kaalamang Vedic, ang lahat ng bagay ay gumagalaw mula sa itaas, paibaba, at hindi mula sa ibaba, paitaas. Ang isang bagay na materyal ay walang kakayahan upang lumikha ng kaluluwa; subalit ang konsepto tungkol sa materyal na bagay ay naroroon sa loob ng kaluluwa. Katulad ng isang eczema, na isang sakit. Ang mundo ay nabubuhay na parang isang eczema sa isang katawan. Ito ang kaalamang Vedantic. Kaya tiyak na isang kahanga-hangang milagro kapag makapagpalabas ng kaluluwa ang isang bato, subalit mas katanggap-tanggap para sa atin at hindi mahirap unawain na sa kaluluwa nagmula ang konsepto tungkol sa bato. Sa loob ng kaluluwa natin ay naroroon, ang napakaraming konsepto, at ang isa dito ay tungkol konsepto ng bato. Lahat ng itoy bunga nang pagkakaroon natin ng kamalayan. Kaya kapag sinabi nating kayang lumikha ng bato nang kaluluwa, o kamalayan, napakahirap itong arukin, katawa-tawa, at wala talaga sa katwiran. Sa halip, itoy nasa kabaligtaran, tulad ng teoryang Berkeley, na ang mundoy nasa ating isipan lamang, at hindi ang isipan ang nasa loob ng mundo. Tayo ay napunta sa materyal na mundong ito dahil lumihis tayo sa katotohanan. Kaya papaano at saan tayo unang lumihis, ito ang dapat nating isipin. Samakatuwid, kaya pala tayo naririto sa maling lugar na ito ay dahil lumihis tayo sa katotohanan. Kung ganoon, ang kamalayan pala ang lumikha nang lahat ng ito. Ang kamalayan ay walang hangganan, itoy eternal; samantalang ang mundong itoy hindi eternal. Itoy isa lamang pansamantalang produksyon, at ang pansamantalang bato ay hindi maaring maglabas nang isang eternal na kamalayan. Ang puro o dalisay na kamalayan ay isang eternal na paksa. nitya
22

sanatana. Itoy hindi produkto, kundi produktibo. Ang materyal na elemento katulad ng apoy at lupa ay nilikha lamang ng ether, subalit walang kakayahan ang lupa upang lumikha ng ether. Higit na mas maykakayahan ang pinong bagay, kaysa mga bagay na ating nakikita at nadadama. Pangalawa lamang ang mga bagay na ating nadadama at nakikita. Sa lahat, higit ang kahalagahan nang kaluluwa, ng atma. Dapat may buhay din ang pinagmulan nang lahat ng bagay, dapat may pag-iisip din ito; dapat itoy una munang umusbong sa bahagi ng isang may isipan at damdaming naghahangad. Ang kaluluwa ay pinagkalooban ng damdamin upang magkaroon nang hangarin, subalit ang batoy wala, walang plano, o kaya proyekto, wala kahit anupaman nito. Subalit may naka-disenyong plano at gamit para sa lahat ng bagay, at ito ang pinakamahalagang bagay. Ayon sa paniniwalang ito, ang katangian ng Kalubusan, ang orihinal na sustansya ay kailangan nating tantyahin. Dahil ang isang bagay na mayroong limitadong katangian at kakayahan ay hindi maaaring maging pinaka-ultimong sanhi at dahilan ng lahat. Tanging ang isang bagay na mayroong walang-katapusang katangian at kakayahan lamang ang maaaring ituring na siyang pinakadahilan nang lahat ng ito. At ang bagay na itoy maskatanggap-tanggap at kapanipaniwala. Ito ang dapat na matutunan din nang ating siyensya. Kaya, may nagsasabing unti-unti nang nagtatagpo ang siyensya at pilosopiya. Karmmic Boomerang Pinalalawak lamang ng materyal na siyensya ang sakop ng mortal na mundong ito. Kahit na paigtingin pa natin nang husto ang mga pagsasamantala natin hindi parin tayo matutulungan nito. Ang siyensya natiy nanghihiram lamang ng lakas, nanghuhuthot lamang sa kalikas an Kaya ayon kay Newton: Sa bawat kilos at galaw may katumbas na ganti. Ito ang dapat nating tatandaan. Ang lahat ng pag-aari natin ay walang halaga: tulad ng isang boomerang, itoy muling babalik din sa kawalan. Samakatuwid, ang mala-siyentipikong pag-unlad ay hindi pala talaga pag-unlad. Kundi pagsulong lamang sa maling direksyon. Ang totoo, ang pangunahing prinsipyo ng isang nilalang ay iligtas ang kanyang sarili. Ito ang unang prinsipyo, at dito tayo dapat magsimula. Ang sabi ng Upanishads, asato ma sad gamayo tamaso ma jyoti gamayo mrtyor ma amrta gamayo: Akoy isang mortal; gawin mo akong eternal. Akoy isang mangmang, punungpuno ng kawalang kaalaman; dalhin mo ako sa siyensya, doon sa karunungan. Akoy nalulungkot; dalhin mo ako sa kaluwalhatian. Kaya dapat nating simulan ang ating pagsasaliksik sa tatlong yugtong ito: kung papaano maililigtas ang mga sarili natin at gayun din ang mundo natin, kung papaano mapapawi ang kadiliman at nang magkaroon na nang liwanag, at kung papaano mapapawi ang kalungkutan at tikman ang nektar, ang tamis ng kawalanghangganan, kaalaman, at kaluwalhatian. sac-cid anandam, satyam, sivam, sundaram. Ang Paglamon ng Siyensya sa Kanyang Sarili Dapat ganito ang linya ng ating paghahanap; dahil lahat ng hinahanap natin ay mali. Kaya ang sinasabi nilang mala-siyentipikong pagsasaliksik ay isang walang-direksyong paghahanap. Itoy isang pagpapatiwakal lamang. Kaya hindi magtatagal malalaman din ng mga siyentistang ito na nagsasaliksik sa kapangyarihan ng atomo, na silay lalamunin din ng kanilang siyensya; sila din ang sisipsip sa kanilang dugo. At mabubuhay sa pagkain nang sarili nilang laman at laman nang kanilang mga kaibigan. Sa totoo lang, ang materyal na mala-siyentipikong
23

kaalaman ay hindi talaga maituturing na isang kaalaman. Kaya mahalagang ang dalisay at tunay na karunungang ito ang dapat nating matutuhan. Dito natin ituon ang lahat ng ating isipan, upang mawala na tayo sa kadiliman at magkaroon tayo ng liwanag, nang mapawi na ang ating mga kasawian at malagay tayo sa eternal na katahimikan. Ang ibig sabihin ng siyensya ay hindi pagpapalawak nang ating kapangyarihan upang higit pa tayong makapagsamantala, dahil batid nating itoy magdudulot lamang ng isang reaksyon sa atin. Dahil kapag pinalawig pa natin ang ating puwang para makapag-samantala tiyak na tayo ay mapagsasamantalahan din. Kaya ang isang pagkakasala kapag sinadya, itoy nagdudulot nang higit pang kaparusahan. Kaya, ang sinasabi nilang mala-siyentipikong pagunlad ay isang pagpapatiwakal din. At itoy malinaw na napatunayan na: dahil sa kasalukuyan bawat isa sa mga pangunahing bansa ng mundo ay kapwa nagbabanta nang kanilang sandatang bomba atomika, na pinakamataas na uri ng produkto nang mga siyentista. Bombang Neutron: Nakamamatay na Sinag Ano ba ang kaibahan sa pagitan ng bomba atomika at nang bombang neutron? Ang bombang neutron ay parang katulad ng isang sinag na nakamamatay, subalit hindi nito sinisira ang mga gusali. Sa bombang neutron: mga tao lamang ang namamatay, subalit ang mga kabahayan, ang mga gusali at lahat ng iba pa ay naiiwan. Naroroon pa rin ang higaan, ang mga muwebles at iba pang kasangkapan sa bahay, buhay lamang ang nawala, at naroroon ang mga bangkay na nabubulok. Ito ang isang epekto ng bombang neutron. Kaya ang mananalo sa digmaang ito siya ang magpapasasa nang lahat ng ito. Aalisin lang nila ang mga bangkay at pagkatapos pupunuin na nila ito nang sarili nilang tao. Ito ang kilos at reaksyon, sa kapatagan ng pagsasamantala. Samakatuwid, itoy isang nagpapatiwakal na sibilisasyon. Ang buong sibilisasyong ito ay bulok hanggang sa kailaliman. Kung pagsamantalahan nila ang kalikasan akala mo para sa kabutihan ng sanlibutan, subalit silay nagkakautang lamang sa kalikasan at itoy dapat nilang pagbayaran hanggang sa huling sentimo. At dahil wala silang paniniwala tungkol sa mga bagay na ito, hindi din sila makararanas nang anumang kaginhawahan. Pwersahan din silang pagbabayarin nang utang; at hindi sila patatawarin ng kalikasan. Ang ating kalikasan ay parang katulad sa isang computer, laging nagtutuos. Kaya, ang sibilisasyong ito ay kontra talaga sa pagkakaroon nang sibilisasyon. Lahat ay pawang bulok, nakakubli, nanlilinlang sa mundo. Ngunit ang patakaran natin ay kakaiba sa kanila: simpleng pamumuhay na may mataas na kaisipan. Kaya anoman ang maging kalagayan natin, itoy pagtiisan natin. Nandito na tayo, wala na tayong magagawa kundi ang gamitin na lang ang nalalabing panahon natin at lakas upang makawala tayo sa materyal na mundong ito.
----Mula sa talaan ng Pamatnugot: Pagkaraan nang maikling panahon matapos ang kanilang pag-uusap naging binyagang disipulo ni Srila Sridhar Maharaj si Dr. Murphey.

24

4
Ang Pinagmulan ng Kaluluwa
Noong unang panahon pa lamang ay tinanong na nang tao kung saan nagmula ang kaluluwa. Sa maikling kabanatang ito, sinagot ni Srila Sridhar Maharaj ang pinakamahalagang katanungang ito: Sino ako? Saan ako nagmula?

Papaano unang lumabas ang kaluluwa sa mundo? Noong napunta sa materyal na mundong ito ang kaluluwa, saan siya unang nalagay? Ito ang isang malawak na katanungan, na nangangailangan muna ng ilang mga pangunahing kaalaman. Dalawang klaseng jivas, kaluluwa, ang naririto sa mundo. Ang isang klase ay nagmula sa espirituwal na planetang Vaikuntha para sa nitya-lila, para sa eternal na paglilibang o ginagawang paglalaro ni Krsna. Samantalang ang isa ay dahil sa kanyang itinakdang pangangailangan. Ang mga di-mabilang na kaluluwang jiva, na mala-atomiko ang espirituwal na katauhan, at pare-pareho ang mga katangian, ay pawang nanggaling sa brahmajyoti, sa magkakatulad at pantay pantay na nasa kalagitnaang kapatagan. Ang tawag sa sinag ng transedental na katawan ng Panginoon ay brahmajyoti, at ang mala-lapis na sinag ng brahmajyoti ay itong mga jiva. Ang kaluluwang jiva ay isang atomo nang kanyang kaningningan, at ang brahmajyoti ay produkto naman nang mga di-mabilang na mala-atomong jiva. Ang brahmajyoti ay buhay at patuloy na lumalaki at dito lumalabas ang mga kaluluwa. At noong ang mga kaluluwang-jiva ay nasa loob pa lamang nitong brahmajyoti, ang katahimikan nilay nagambala at upang sila ay gumalaw. Kaya mula sa kalagayan nilang pantay-pantay at magkakapareho, bigla itong naiba. Mula sa isang pantay na magkakatulad na kamalayan, nagkaroon sila nang indibidwal na kamalayan. At dahil nagkamalay na ang mga jiva, ito ay pinagkalooban ng kalayaan. Kaya, magmula sa marhinal o kalagitnaang kalagayan dalawang bahagi ang maaari nilang puntahan sa bahagi ng pagsasamantala o kaya doon sa bahagi ng dedikasyon o pag-aalay ng debosyon. Krsna bhuli sei jiva anadi bahirmukha. Ang ibig sabihin ng anadi ay walang simula. Kaya kapag pinasok natin ang lupain ng pagsasamantala, pumapasok na tayo sa bahagi ng panahon, ng mundo at pag-iisip. At kapag nandito na tayo sa negatibong lupaing ito ng pangungutang at pagsasamantala, bawat kilos at galaw natin ay mayroon nang reaksyon. At gustuhin man nating maging maestro sa lupaing ito, ang totoo, tayo parin ang talo. Mapapansin nating ang mga tagapaglingkod ng Goloka at Vaikuntha ay nasa loob din nitong brahmanda, sila ay nasa loob din nitong materyal na sandaigdigan, subalit itoy kanilang lila lamang, kanilang paglilibang lamang. Silay nagmula pa sa mataas na kapatagan at pumanaog dito upang gampanan ang bahagi sa paglalaro nang Panginoon at pagkatapos muli na
25

silang bumabalik sa Goloka at Vaikuntha. Samantalang ang mga nagkasalang kaluluwa ay nagmula naman sa marhinal na kalagayan, sa loob ng brahmajyoti, at hindi sa Vaikuntha. Noong unang dumating sa materyal na mundo ang mga kaluluwang-jiva, sila ay nasa posisyong tulad kay Brahma, ang tagapaglikha. At pagkatapos, dahil sa kanilang karmma, sila ay nalagay sa katawan ng hayop tulad ng isang tigre, at nabalutan ng mala-tigreng pag-iisip din, o kaya sa katawan ng puno o halaman, at ganoon din, nandoon din sila sa loob ng ibat -ibang kaanyuan. At mula nang malagay sila sa ganitong kalagayan, ibat-ibang klaseng reaksyon ang kanilang nararanasan. Masyadong masalimuot ang bagay na ito; kaya hindi na natin kailangang malaman ang bawat detalye ng kasaysayan nang isang partikular na atomo. Ang gusto lamang natin ay ang mga pangkaraniwang bagay: kung papaano ang isang materyal na paniniwala ay nagmula sa dalisay na kamalayan. Mga Mala-electron na Kamalayan Ang mga bagay na materyal ay hindi maaaring mamuhay nang mag-isa at nakahiwalay sa espiritu. Sa loob ng brahmajyoti, tayong lahat ay pantay-pantay sa marhinal na kapangyarihan bilang di-mabilang na mga tuldok ng esapirituwal na sinag, bilang mala-electron na kamalayan. Ang ibig sabihin ng kamalayan ito ay pinagkalooban nang kalayaang pumili, dahil kung walang kalayaan, walang kamalayan. Ang isang mala-atomikong tuldok na kamalayan ay mayroong isang napakaliit na kalayaan din, at dahil sa maling paggamit nang kanilang kalayaan, ilan sa mga jivas ang napunta sa materyal na mundo at dito sila nakipagsapalaran. Dahil ayaw nilang pumailalim sa pinaka-supremong kapangyarihan; at ang gusto lamang nilay mangibabaw sa lahat ng bagay. Kaya, noong sumibol na sa kanila ang hangaring pumaibabaw, sa mundo ng pagsasamantala ditto pumasok ang mga jiva. Ganito ang nakasaad sa Bhagavad-gita: iccha-dvesa samutthena dvandva-mohena bharata sarvva-bhutani sammoham sarge yanti parantapa Habang bumababa sa materyal na mundo upang makihalo ang mga kaluluwang-jiva, hindi natin napapansin, dalawang klaseng usapin ang agad na gumigising sa mga jiva: at ito ay ang galit at paghahangad.. Sa umpisay, hindi natin namamalayan umuusbong na pala sa atin ang dalawang klaseng damdamin, ang kababaan ng loob at walang malasakit, itoy tulad sa pag-usbong ng isang halaman na sa umpisa ay dalawang dahon muna. At unti-unti ang dalawang ito ang umaakay sa atin upang pumailalim tayo sa materyal na mundong ito. At kapag nagretiro na ang kaluluwa sa daigdig ng pagsasamantala, itoy maaari nang bumalik sa dati niyang kalagayan sa brahmajyoti bilang isang espiritu. Subalit kapag ang isang kaluluwa, ay napunta sa gawain nang debosyon, hindi lamang siya hanggang brahmajyoti; kundi itoy kanyang nilalagpasan pa, hanggang sa makarating siya sa Vaikuntha.

26

Bakit naririto sa mundo ng pagsasamantala ang isang kaluluwa, at hindi sa mundo ng dedikasyon? Itoy dahil sa kanyang likas na katangian, kalayaang makapamili kung saan siya pupunta. May kalayaan sila kung saan nila gustong pumunta. Ganito din ang sinasabi nang Bhagavad-gita (5.14): na kartrtvam na karmani lokasya srjati prabhuh na karma-phala-samyogam svabhavas tu pravartate Kaluluwa mismo ang nagpapasya kung saan niya gustong pumunta at kung bakit naririto siya sa lupain ng pagsasamantala. Ang kaluluwa mismo ang siyang may gawa nito, dahil kung hindi, malamang ang Panginoon ang ating pananagutin at sisisihin sa mga pagdurusa natin. Subalit ayon kay Krsna, ang mga kaluluwa ay may likas na kalayaan kung saan nila gustong pumunta kung kayat dito nila piniling pasukin ang materyal na mundo. Ang kaluluwa ay may isip at malay, na ang ibig sabihin itoy may kalayaan. At dahil sa mala-atomiko ang kaluluwa, hindi perpekto at mahina lamang ang kanilang kalayaan. Kalayaan nila kung ano ang gusto nilang piliin, kaya ilan sa kanila ang napunta sa materyal na mundo, samantalang ang iba namay napapunta sa espirituwal na mundo. Kaya, ang mga kaluluwa talaga ang may pananagutan nito. Karapatang Magkamali Minsan, isang lider sa pulitika na taga-India, si Syamasundara Chakravartti, ang nagtanong noon sa aming maestrong pang-espirituwal, kay Srila Prabhupada Bhaktisiddhanta, Bakit pinagkalooban nang Panginoon ang mga jiva ng kalayaan? Sabi sa kanya ni Prabhupad, Nakikipaglaban ka para sa kalayaan. Hindi mo ba alam kung ano ang kahalagahan ng isang kalayaan? Kung wala tayong kalayaan, tayo ay parang isang bato lamang. Ang kalayaan ay nagbibigay sa atin ng pagkakataong gumawa nang tama o mali. Minsan, sinabi ni Gandhi sa mga awtoridad na British, nais naming magkaroon ng kalayaan. Subalit ang naging sagot nila ay, Wala pa kayong kakayahang humawak ng gobyerno. Kapag may kakayahan na kayo, ibibigay namin ito sa inyo. Sa bandang huli ganito ang sinabi ni Gandhi sa kanila, Nais naming magkaroon nang kalayaan, kalayaang magkamali din. Kaya, ang kalayaan ay hindi lamang nagbibigay ng karapatang gumawa nang tama; kundi kalayaang gumawa nang tama at mali. Magiging lubusan lamang ang ating kalayaan kapag ang ating damdamin ay nasa Di Mapag-aalinlanganang Katotohanan na. At dahil sa tayo ay katiting lamang, katiting din ang ating kalayaan. Maaari parin tayong magkamali. Una ang gusto natin ay mangibabaw, hanggang sa napapunta tayo sa mundo kung saan maaari tayong maghari-harian. At dahil sa ginawa nating ito, lahat ng iba pa ay nag-usbungan na rin. Kaya, nagkaroon nang ibat-ibang klase ng buhay, ibat-ibang uri ng nilalang, magmula sa mga diyos-diyosan pababa sa ibat-ibang uri ng puno at mga bato. At dito nanggaling ang ibat-ibang uri ng buhay na matatagpuan sa tubig, sa kalawakan, at maging sa hangin. Ang prinsipyong nagpapagalaw sa lahat ng ito ay kaluluwa, kaya ang lahat ng bagay ay nagmula sa kaluluwa.

27

Ang pinagpalang-araw kung saan iginawad ni Srila Sridhar Maharaj kay Srila Govinda Maharaj ang pamunuan nang kanyang misyon at bilang Acharya nang pinagpipitagang Sri Chaitanya Saraswat Math.

28

5
Karunungang Masmataas pa Sa Kamatayan
Ang karunungang masmataas pa sa kamatayan ay tamang karunungan. Ang materyal na kaalaman ay walang halaga, dahil hindi ito nagtatagal. Kaya ang dapat nating hanapin ay permanenteng kaalaman. Dahil ang tunay na karunungan ay matatag; may matibay na pundasyon, at ito ang itinuturo ng edukasyong Vedic. Ang ibig sabihin ng veda ay Alamin. Itoy wala man lang rimo o ibinigay na rason kung bakit dapat natin itong malaman, ni hindi din nito niliwanag kung bakit: basta ang sabiy Alamin. Sa espirituwal na lupain ay walang pagdududa, dahil walang nandadaya. Doon, lahat ng usapan ay pawang simple, direkta at tuwiranbasta ating alamin. Doon sa transedental na kapatagang iyon, lahat ay pawang malalapit at matatalik na magkakaibigan, at ang mga pagkatao nilay dalisay at walang bahid-dumi. Doon sa lugar na iyon ay walang mga paghihinala dahil walang nandadaya. Samantalang dito, dito sa kapatagan na walang pagkakaunawaan at puro pagdududa, lahat ng bagay ay atin munang sinusuri. Ngayon tayong lahat ay naririto at dito na naninirahan sa mapinsala at may dalang-sakit na lupain, kung saan bawat-isay pawang nanlilinlang. Ni isay walang dapat pagkatiwalan, dahil baka itoy magsamantala lamang. Subalit doon sa lugar na walang dayaan, lahat ng pag-uusap ay pawang napaka-simple at tapatan. Kaya, kapag naroroon na tayo sa lugar na iyon, walang rason upang tayo ay pumanaog pa dito at lisanin ang lugar na iyon. Ngayon, ang tanong, papaano natin makakamit ang karunugang ito na tunay, madaling unawain at hindi nanlilinlang? Ganito ang naging tugon ni Krsna sa Bhagavad-gita: tad viddhi pranipatena pariprasnena sevaya updeksyanti te janam janinas tattva darsinah Kung nais ninyong matutuhan ang karunungang masmataas pa sa kamatayan, itoy inyong tanggapin mula sa taong nakakaintindi nito, tanggapin mo siya bilang iyong maestrong pangespirituwal, tanggapin mo ang pasimulang aral sa kanya. Maging mapagkumbaba sa mga pagtatanong, at maglingkod sa kanya. Ang kaalamang itoy matutuhan mo dahil nakita na niya ang katotohanan. Super na Kaalaman Kaya dapat kapag lumalapit tayo sa lupain ng karunungan ialay natin ang mga sarili natin, dapat taimtim ang mga pagtatanong natin, at nakahanda tayong maglingkod. At sa pagdulog natin sa kapatagang iyon, dapat para tayong kanyang alipin. Dahil ang isang masmataas na karunungan kailanmay hindi maglilingkod sa masmababa pa sa kanya. Kaya kung talagang nais nating malaman ang perpektong kaalamang ito, kailangang paglingkuran
29

muna natin ang Supremong Panginoon. Upang tayo ay Kanyang magamit; at hindi Siya ang ating gagamitin. Maaaring sa mundong ito tayo ang nangingibabaw, subalit dapat ang super na kaalamang ito na nagmula pa sa kapatagang iyon ang siyang nangingibabaw. Kaya kung talagang gusto nating matutuhan ang masmataas na kaalamang iyon, ito ang dapat nating gawin. Kaya ang ibig sabihin nang pranipata ay, ikaw ay tapos na sa mundong ito; at hindi ka na naaakit at wala nang hangarin sa mundong ito. At sa parisprasna, dapat seryoso at mapagkumbaba ang ating mga pagtatanong at hindi nakikialagang pagtalo; dahil kapag ganun ang ginawa natin, ang perpektong kaalamang itoy hindi papanaog sa atin. Si Krsna ay hindi salat sa pangangailangan, Siya ay puspos sa lahat ng bagay, kaya ang pagpasok natin sa Kanyang lupain ay upang tumulong sa nais Niyang gawin. At hindi Siya maaaring maging sunud-sunuran sa atin, dahil katiting lamang tayo at maliit lamang ang kakayahan at salat pa sa kaalaman. Kaya huwag natin Siyang hawakan; at Siyay malalapitan lamang kapag handa na tayong magpahawak sa Kanya. Samakatuwid, kung talagang gusto nating matutuhan ang tunay na kaalaman, kailangang maging ganito muna tayo. Dahil ang karunungang ito ay supremo, at hindi maaaring maging sunud-sunuran sa makamundong konsepto, sa daigdig ng kamatayan. Dahil itoy saccid-ananda. Ang ibig sabihin ng sat ay hindi magugupo, hindi kayang talunin, ang cit naman ay kamalayan, at ang ananda ay kagandahan at kasiyahan. Kailangang matapos na ang mga paghihirap ko sa materyal na mundong ito, at kailangang mahanap ko kung saan ang tamang lugar na maaari akong mamuhay nang masaya. Kapag dumating na tayo sa ganitong kalagayan, kailangang hanapin natin ang taong tunay na sinugo na nagmula pa sa masmataas na mundo, siya ang dapat nating kunsultahin at tanungin kung papaano tayo makakaalis sa masamang lugar na ito. Ganito ang sinasabi nang SrimadBhagavatam (11.3.21): tasmad gurum prapadyeta jijasuh sreyah uttamam sabde pare ca nisnatam brahmany upasamasrayam Ano ba ang konsepto nang isang bagay na tunay at mabuti, papaano natin malalaman kung talagang sugo nga ito ng katotohanan? Dapat ang taong ito ay may kaalaman sa mga banal na aklat na nagmula pa sa masmataas na lupain, hindi lamang teorya ang kaalaman kundi praktikal na kaalaman din sa masmataas na katotohanan, at ito ang dapat puntahan ng mga taong tunay na nagsasaliksik, dahil ang itinuturong aral ng isang tunay na maestrong pang-espirituwal sa isang matapat na mag-aaral ay tunay na kaalaman.Ganito din ang sinasabi sa Mundaka Upanishad (1.2.12): tad-vijanartham sa gurum evabhigacchet samit panih srotriyam brahma nistham Kung nais nating matutuhan ang transedental na kaalaman, kailangang dumulog tayo sa isang tunay na maestrong pang-espirituwal na kabilang sa mga sinaunang nagsalin-salin at humaliling disipulo, at dapat ito ay may matatag na pananalig sa Di Mapag-aalinlanganang Katotohanan.
30

Sa talatang ito, ang ibig sabihin ng salitang tata ay, pagkatapos nito. Kapag dumating na tayo sa sukdulan ng ating damdamin, ganito na ang maririnig mong sinasabi natin, Hindi naman talaga naging masarap ang buhay ko sa mundong ito, lahat na lang nang nariritoy ipinapanganak, namamatay, tumatanda, at nagkakasakit. Kaya mabuti pang maghanap na lang ako ng isang masmabuting daigdig na maaari kong tirhan at disenteng makapamumuhay pa ako. Dahil dito sa mundong ito, bawat sandali, lahat ay nilalamon na lang ng kamatayan. Pagsilang, kamatayan, pagtanda, at pagkakasakitlahat ng ito ang nagpapahirap at pumipigil sa pinangarap ko. Ang gusto koy kakaibang bagay naman. Sa oras na iyon, ang taong itoy buong pagtitiwalang dumudulog na sa isang guru, at handa nang magsakripisyo, kahit na siyay magkagutum-gutom pa, at kahit dumanas pa nang matinding kahirapan. Ang bagay na itoy isang malayang usapan, walang pwersahan at walang-sapilitan. Kaya dapat sa pagdulog natin sa ating maestrong pang-espirituwal, sa ating gurudeva, nakahanda tayong magsakripisyo upang matutunan natin ang ibinibigay niyang aral, dahil batid nating ang bagay na itoy hindi kayang tumbasan nang anupamang klaseng kabayaran. Kaalaman sa Pamamagitan ng Tunog At ano naman ang kalagayan ng isang guru? Dapat ito ay may sapat na kaalaman sa mga banal na sulatin, sa mga sruti-shastra, sa mga kaalamang napapakinggan lamang, at natututuhan sa pamamagitan ng taimtim na pakikinig (srotriyam brahma nistham). Ang ibig sabihin ng brahma nistham ay, Ang taong may matatag na paniniwala sa Brahman, sa espiritu, at dapat ito ay may sapat na kaalaman tungkol sa kalagayan ng buong sandaigdigan. Ganito naman ang naging paliwanag nang Upanishads: yato va imani bhutani jayanti yena jatani jivanti yat prayanty abhisamvisanti tad brahma tad vijijasa (Taittiriya Upanishad 3.1) Mulat-sapul, lahat ng nilalang ay nasa sa pangangalaga nang Supremong Brahman. Kaya kapag lumilikha siya nang mundo, ang mga kaluluwang itoy kanyang kinukuha sa orihinal nilang kalagayahan, at kapag dumating na ang panahon upang itoy gunawin; lahat ay Kanya namang nilalamon. At matapos niya itong gawin, lahat ay muli na naman niyang inilalagay sa kandungan nang Kanyang walang-hangganang kapangyarihan, at kapag kanyang ginunaw, lahat ay muli na namang bumabalik at mamahinga sa Kanya. Ito ang ibinigay na katiyakan sa atin nang himnong Vedic. yasmin vijate sarvam evam vijatam bhavati yasmin prapte sarvam idam praptam bhavati Kapag Siyay ating nakilala, lahat ay ating malalamankaya kapag Siyay ating nakamit, lahat ay nakamit na rin natin.
31

Naririto tayo upang malaman kung ano ang Brahman, ang pinakamalaking prinsipyong sumasakop sa lahat, na kapag ating nakilala, lahat ay nakilala na rin. At itoy maaaring mangyayari; at hindi ito imposible. Tulad ng sabi nang Upanishads, Kung nais mong malaman ang anumang bagay, kilalanin mo ang kabuuan. At ano ang katangian ng kabuuan? Lahat ng bagay ay nagmula sa Kanya, lahat ay Kanyang kinakalinga at inaalagaan, at muli Niyang pinapasok sa Kanya. Ito ang Brahman; at ito ang dapat ninyong malaman. Kaya kapag ang lahat ng itoy inyo nang naunawaan, lahat ay malalahad sa inyo. Ang bagay na itoy naipaliwanag na din nang Srimad-Bhagavatam (4.31.14): yatha taror mula nisecanena trpyanti tat-skandha bhujopasakhah pranopaharac ca yathendriyanam tathaiva sarvarhanam acyutejya Katulad ng pagdilig sa halaman, ang ibinuhos na tubig ay sinisipsip ng ugat, at napakinabangan nang buong halaman, tulad din ng paglalagay natin nang pagkain sa sikmura, ang buong katawan ang nakikinabang, kaya kapag natutunan ninyo ang kaalaman tungkol kay Brahman, sa pinaka-ultimong dahilan ng lahat, lahat ng iba pay inyong mauunawaan. Ang tawag sa ganitong klaseng pananalig ay sraddha. Ganito ang sinasabi ng Vedanta-sutra, ang pinaka-diwa ng Vedas, athato brahma jijasa: Ngayong tapos na ninyong gawin ang sinasabi ng karmma-kanda ng Vedas ni Jaimini, ang gusto naman namin ngayon ay magtanong kayo nang tungkol sa Brahman. Dahil ito ang sabi nang Srimad-Bhagavatam (1.1.1) janmady asya yato nvayad itarathas carthesv abhijah svarat: Mga kaibigan, halikayot magtanong naman kayo ng tungkol sa pinaka-ultimong dahilan ng lahat, tungkol sa lahat ng ating nakikita, at nasa loob ng ating isipan. Dahil Siya ang pinakaultimong dahilan nang lahat ng bagay, tuwiran man o di-tuwiran. Tanging Siya lamang ang nakakaalam kung bakit nilikha at nananatili ang lahat ng bagay. At tanging Siya lamang din ang nakakaalam kung saan tayong lahat mapupunta. Tanging Siya lamang ang nakakaalamat wala nang iba pa. Arthesu abhijah svarat, na ang ibig sabihin, Siya lamang ang nakababatid ng kahulugan nang lahat ng pangyayari sa mundo at itoy hindi na Niya kailangang ipaliwanag pa sa atin. Dahil hindi Siya nasasakop nang anumang batas o ng kahit ano pa man. Siya ang kalubusan na may ganap na kalayaan. Mga Vedic na Paglalahad At paano natin nalaman ang lahat ng ito? Ang kaalamang itoy Kanyang ibinigay sa pamamagitan ng Vedas. Ang ibig sabihin ng Brahma ay Veda. Kaya, doon sa linya ng inspirasyon, o mga paglalahad, ang karunungang Vedic ay ipinasa sa unang nilalang, sa Panginoong Brahma, ang tagapaglikha ng mundo, [tene brahma hrda ya adi kavaye]. Ang ganitong klaseng karunungan at kaalaman ay hindi kayang unawain nang mga iskolar sa mundo. Kahit ang mahalaga at pangunahing puntong inilalahad nang kaalamang Vedic ay hindi parin
32

nila kayang sundan, tulad ng transpormasyon o pagkakaroon nang iba pang anyo ng isang bagay at pasalin-salin ng kaanyuan (muhyanti yat surayah). Dito ang tubig ay maaaring maging gas, at ang gas namay maaaring maging ether, ang lupa ay maaaring maging init: sa paraang ito natin nalalaman kung papaano nilikha ang mundo (tejo vari mrdam yatha vinimayo yatra tri-sargo mrsa), at dahil sa pag-iibang anyo ng kapangyarihan ng Panginoon, ang mundong itoy nalikha. Ang pag-iibang anyong ito ay nagaganap sa pamamagitan nang tatlong likas na kalagayan ng panahon, ang tamas, rajas, at sattva. Ang ibig sabihin ng tama ay matitigas na bagay at hindi gumagalaw. Ang raja ay enerhiya, samantalang ang sattva ay nangangahulugan ng espiritu, ito ay magaang na magaang, at ang ibig sabihin din ay karunungan. Kaya, sa pamamagitan ng mga pagbabagong anyong ito ang mundo ay nalikha. Doon sa lupain ng Panginoon, na naiilawan ng sinag ng Kanyang kaalaman, ay walang nagaganap na lokohan o di-pagkakaunawaan. (dhamna svena sada nirasta-kuhakam satyam param dhimahi). Samantalang dito, dahil sa maling pag-aakala tayo ay nalinlang. Pumasok tayo sa lupaing ito kung saan ang buong mundo ay punung-puno ng kamalian, mga bulaan at maling pag-aakala. Sa ngayon, tayo ay naririto sa mundo ni maya. Ma-ya, na ang ibig sabihin ay: Hindi dapat. Dahil ang nakikita ko ay iba. Ang Realidad ay Kanyang nilikha Tanging para sa Kanya Lamang Isavasyamlahat ay pawang sa Diyos lamang. Ito ang teorya ni Hegel: Siya ang maylikha nang realidad o katotohanan at ito ay tanging para sa Kanya lamang. Si Hegel ang nagtatag nang Pamantayan ng Realismo, at siya din ang nagsabi nito, Siya ang maylikha nang realidad at itoy para sa Kanya lamang. Na ang ibig sabihin ng Kanyang nilikha, Siya pa rin ang dahilan ng Kanyang katauhan; dahil walang lumilikha sa Kanya. At kung sakaling meron man, higit itong masmahalaga sa Kanya. Ang ibig sabihin naman ng para sa Kanya, ang Diyos ay nabubuhay lamang para sa Kanyang kasiyahan, at wala nang iba. Dahil ito ang nangingibabaw na katotohanan. Kaya, kapag sinabi nating pag-aari natin ang mga nasa paligid natin, o kaya ito ay pag-aari ng ating bansa, o ito ay para sa tao, ay maling palagay, kaya dahil sa kamaliang ito nagkaroon tayo nang reaksyon dito. Sa bawat pagkilos, ay may katumbas at katapat na reaksyon. Maaari akong kainin ng aking kinakain. Kaya doon sa Manu Samhita, ang ibig sabihin ng salitang mamsah ay karne. Kaya ang salitang mam ay Ako, at ang sah naman ay siya. Kung ganoon ang mamsah ay ako-siya. Na ang ibig sabihin siya ay maaari kong kainin, at akoy maaarin din niyang kainin. At dahil kinakain ko siya, ako ay maaari din niyang kainin. Ito ang nakailalim na kahulugan nitona ang bawat kilos o galaw, kahit ano pa ito, ay may kaakibat na ganti o reaksyon sa atin. At ang bagay na ito ay pinatotohanan nang Bhagavad-gita (3.9): yajarthat karmano nyatra loko yam karma-bandhanah tad-artham karma kaunteya mukta-sangah samacara

33

Lahat ng ginagawa mo maliban sa pagsasakripisyo kay Vishnu ay magsisilbing tanikala sa ikyo; kaya kumilos ka para sa Akin, at palayain mo ang sarili mo mula sa pagkakagapos sa aksyon at reaksyon nang mga ginawa mo. Kaya ayon sa Bhagavad-gita lahat nang ginawa mo, kahit ano pa ito, ay magkakaroon ng reaskyon sa iyo. Halimbawa, ginagamot mo ang isang pasyente. Bagamat sa palagay natin, ang bagay na ito ay mabuti, subalit sa totoo lang, ang gamot na ibinibigay mo ay galing sa mga pinatay na insekto, mga puno, mga ugat ng ibat-ibang klaseng halaman at tanim, at mula din sa ibat-ibang klaseng hayop. Maaaring sa palagay ninyo ang gawaing ito ay malinis at dalisay, subalit ang hindi ninyo alam ginagambala ninyo ang mga nasa paligid natin, at itoy pagbabayaran ninyo. Kaya, lahat nang ginagawa natin sa mundo ay hindi talaga tunay na mabuti. Tulad nang sinabi ni Kant, na isang pilosopong Aleman, ang isang gawain kung walang mabuting kalooban, ay hindi masasabing tunay ngang mabuti. Subalit ang masasabi lamang natin, dito sa materyal na mundong ito mahirap magkaroon nang mabuting kalooban. Ayon kay Kant, ang mabuting kalooban ay isang dalisay at malinis na bagay, subalit sa mundong itoy walang makikitang perpektong bagay, kaya nga palagi naming sinasabi, sa loob ng mundong itoy imposibleng magkaroon talaga nang mabuting kalooban, dahil tayo ay hilahod parin sa paglalakad sa putik ng maling pag-aakala. Ang dalisay at malinis na kaalaman ay nagmumula lamang sa itaas, na dapat nating tinatanggap at pinag-aaralan. At kapag ang ganoong uri ng kaalaman ay nasa ating kalooban na, ito ay tinatawag na sraddha, pananalig. Ang pananalig ay isang mabuting bagay din. Kaya ating paniwalaan na ang mga gawaing pang-kalubusan, kapag ating ginagawa, lahat ng tungkulin natin sa kapaligiran, anoman ito, ay agad nang nabibigyan nang katuparan. (krsna bhakti kaile sarva karma krta haya). Kaya kapag napaligaya natin si Krsna, ang buong sandaigidigan ay magiging maligaya, dahil ang mahal ni Krsna ay mahal din nang buong sandaigdigan (yasmin tuste jagat tustam prinite prinito jagat). Kapag diniligan natin ang pinaka-ugat ng isang halaman, ang lahat ng dahon at mga sanga nito ay nabibiyayaan, kaya sa pagtupad nang ating tungkulin sa Panginoong Krsna, lahat ng tungkulin at gawain natin ay awtomatikong nagagampanan na rin.

Ang Transedental na Tahanan ni Krsna Ang lahat ng bagay ay para kay Krsna. At tayo ay para sa Kanya lamang ( isavasyam idam sarvam). Ito ang tunay na karunungan, at ito ang tunay na kalagayan ng mundo. Ang pagsasamantala ay isang di-kumpleto at reaksyonaryung palagay na maaari tayong magkautang at kailangan nating pagbayaran sa darating na panahon. Maaari tayong mapapunta sa Satyaloka, sa pinakamataas na planeta ng materyal na sandaigidigang ito, subalit dahil sa pagiging mapagsamantala natin, magkakautang tayo, at ito ang magiging pabigat sa atin, hanggang sa bumagsak tayo. At sa pagbagsak natin, naroroon naman ang mga taong magsasamantala din sa atin at maniningil nang mga pagkakautang natin hanggang sa itoy lubusan na nating mabayaran. Hanggang sa mawala na ang bigat na pasan-pasan natin, at muli na naman tayong magiging magaang at pumapaitaas patungo na naman sa mataas na planeta. At sa pagtaas na naman natin, doon, tayo naman ang magsasamantala nang mga nasa ibaba sa atin. Kaya, itoy isang walang katapusang pagsasamantala at pagbabayad nang mga utang. Ito rin ang sinasabi nang Bhagavadgita. (8.16):
34

abrahma-bhuvanal lokah punar avartino rjuna mam upetya tu kaunteya punar janma na vidyante Lahat ng nilalang sa loob ng planeta ng materyal na mundong ito ay paulit-ulit na ipinapanganak at namamatay, subalit ang sinumang makakarating sa Aking tahanan, O ikaw na anak ni Kunti, ay hindi na muling ipapanganak pa. Kaya kapag naroroon na kayo, hindi na kayo muling babalik pa sa materyal na mundong ito (yad gatva na nivartante tad dhama paramam mama). Ang tahanan ni Krsna ay nirguna, transedental sa katangian. Kaya itindig natin ang konsepto ng isavasyam: na, lahat ng bagay, maging ang mga sarili natin, ay para lamang sa Supremong Panginoon. Lahat tayo ay Kanyang mga tagapaglingkod, at dapat ginagamit sa paglilingkod sa Kanya. Lahat ng ginagawa natin sa lupa ay magsisilbing tali upang igapos tayo sa materyal na mundong ito, maliban lamang kung itoy isang yaja, o pagsasakripisyo (yajarthat karmano nyatra loko yam karma-bandhanah). At ito ang utos ng Vedas, yajo vai visnu: Ang pagsasakripisyo ay tanging para kay Vishnu o kay Krsna lamang. Ganito din ang naging pahayag ng Bhagavad-gita (9.24), na sinabi ni Krsna, Tanging Ako lamang ang dapat tumikim nang lahat ng pagsasakripisyo ninyo. (aham hi sarva-yajanam bhokta ca prabhur eva ca). Ang pagsasakripisyo ay hindi para sa isang bansa, o para sa isang lipunan, o kaya ay para sa anupamang bagay. Ang pagsasakripisyo ay tanging para sa Supremong Panginoon lamang. Dahil tanging Siya lamang ang karapat-dapat tumanggap nang mga pagsasakripisyo natin. Kaya, kapag ang mga gawain natin ay naka-ugnay sa walanghangganan, ang mga pagkilos at galaw natin ay magiging malaya sa reaskyon nang mga nasa paligid natin. Ang karunungan kapag nakaugnay sa kalubusan, itoy nagiging malinis. At kapag ang kaalaman natin ay ganap na naging lubos na, ito ang maghahatid sa atin sa prema-bhakti, sa pagibig sa Diyos. Ang lahat ng bagay ay para kay Krsna. Tanging Siya lamang ang maaaring tumikim nang lahat ng bagay. Dahil Siya ang autokratang kalubusan, at Siya rin ang di mapagaalinlanganang kabutihan. Samantalang tayong lahat ay Kanyang mga alipin, at tanging para sa Kanyang kasiyahan lamang. Dapat ang ganitong kaalaman ay maabot natin. At sa linyang ito nabuo ang sistema ng gurukula, nang edukasyong Vedic. GuruItoy Masmabigat pa sa Himalayas Ang ibig sabihin ng guru ay mabigat. Ang guru ay taong pumapawi nang kadiliman, at itoy mabigat; at hindi kayang tibagin nang kahit anumang klaseng panukala. Dapat ito ay may matibay na paninindigan sa katotohanan na kahit alukin pa nang ibang kaalaman, o ng kahit anupamang panukala, ay hindi parin kayang tibagin sa kanyang paniniwala. At dapat matatag din ito sa kanyang paninindigan. May kakayahang tumulong sa mga laghu, sa mga taong magagaang; sa mga taong pinaglalaruan na animo ay mga manyika. Subalit ang guru kailanman ay hindi natitinag sa kanyang paninindigan. Matatag itong nakaupo sa kanyang upuan, na akala mo ay masmabigat pa sa Himalayas, at kayang humarap sa lahat nang panandaliang konsepto ng
35

karunungan, habang kaliwat-kanan niya itong dinudurog, at ang pangkalahatang katangian ng di mapag-aalinlanganang karunungan ay kaya niyang itindig. At dapat handa rin niyang ibigay ang kaalaman tungkol sa Brahman, sa Di Mapag-aalinlanganang Katotohanan, sa supremong kabuuan, at dapat kaya niyang burahin ang lahat ng maling paniniwala at dapat kaya din niyang itayo ang kaalaman sa kalubusan sa trono ng mga puso natin. Ganito ang konsepto ng guru-kula, ang sistemang Vedic na edukasyong noong sinaunang panahon sa India. Ang itinuturo sa sistemang Vedic na edukasyon ay tamang kaalaman; at hindi pangkalahating kaalaman lamang, kundi buong kaalaman, dahil ito ang magliligtas sa atin sa kapahamakan at magiging gabay natin tungo sa minimithing kalagayan. Sa panahong ito, ang karunungan ay ginagawang kalakal, ibinebenta, samantalang ang karunungang itoy hindi maaaring ipagbili. Ang intelektwal na kaalaman ay maaaring ilako sa palengke, subalit kailanman hindi ang karunungang ito, dahil itoy kaalaman tungkol sa kalubusan. Sa Vedic na kaalaman, ang buhay natin ay binibigyan nang katuparan, na kapag ating narating, hindi na tayo muling makakaramdam nang iba pang pangangailangan dahil ito na ang pinaka-sukdulan at pinakamataas na kaalaman. Noong dati, ang kaalamang ito ay itinuturo lamang sa loob nang paaralan ng guru-kula, ang sinaunang Vedic na paaralan. Ang ibig sabihin ng kaalamang Vedic ito ay hindi nagmula sa lugar ng maling pag-aakala, sa maling paniniwala, at sa maling paglalarawan nang mga kasaysayan. Sa mundo, ang mga aklat na naririto ay pawang punung-puno ng pansamantalang katotohahan at maling paniniwala. Marahil sa ngayon, ang mga aklat na itoy nakakatulong sa atin, subalit kapag lumipas na ang ilang panahon, itoy hindi na muling napapakinabangan; dahil lahat ng materyal na bagay at umiiral na batas sa mundo ay pansamantala lamang at hindi nagtatagal, dahil lahat ng bagay ay lumilipas at nagugunaw. Ang mundo ay magugunaw. Lahat ng bagay ay malulusaw, kaya kapag lahat ng itoy naging ether na, wala na tayong makikita, lahat ay magiging kasing-pino na ng hangin. Ni simoy ng hangin ay wala na, o makakaramdam tayo nang init, o kahit anupamang bagay. At matapos gunawin ang materyal na mundong ito, wala nang ibang matitira, kundi mga transedental na kaalaman na lamang. Ang Lupain ng Dedikasyon Doon sa Bhagavad-gita (15.6) ganito ang sinabi ni Krsna, Ang sinumang makararating sa Aking tahanan kailanmay hindi na muling babalik pa sa materyal na mundong ito, yad gatva na nivartante tad dhama paramam mama).Ang paggunaw nang materyal na mundo ay tiyak na matutuloy, kaya kung makakakuha ka nang visa papunta sa lupaing iyon, siguradong makakapasok ka, at doon sa lupaing iyon ay walang mang-aapi sa inyo. Kaya kapag ang araw, ang buwan, at lahat ng bituin ay pawang nagunaw na, ang eternal na katauhan mo, ang debosyunal na ego mo, ay ligtas sa Aking lupain. Ang materyal na mundo ay lupain ng pagsasamantala; samantalang ang espirituwal na mundoang lupain ng dedikasyon, ay kabaligtaran nito. Sa pagitan nang dalawang mundong ito ay ang lugar ng brahmajyoti: ang linyang naghihiwalay sa pagitan ng pagsasamantala at dedikasyon. Dito sa materyal na mundong ito, ang bawat yunit o bahagi ay nagsasamantala; samantalang doon sa lugar na iyon ay kabaligtaran. Lahat nang nasa lugar na iyon ay pawang naglilingkod kay Krsna, at wala silang ibang hangad, kundi ang gawin ang lahat ng kailangan sa
36

paglilingkod kay Krsna, na agad namang dumarating. Dito, lahat nang ginagawa ay nakasalalay sa kama, sa pagnanasa, kaya hindi maaaring mangyari sa ating lupain, ang tunay na paglilingkod.. Sa lupain ng dedikasyon ay walang nagaganap na pagsasamantala, dahil lahat ng yunit o bahagi ay nag-aalay. Sa ibaba naman ng lupain ng dedikasyon ay palaging may pag-aalinlangan, nangangamba at humahanga. Subalit doon sa pinakamataas na kalagayan, lahat ay awtomatikong nag-iibigan at likas na nagmamahalan: doon ang bawat pagkilos ay pag-ibig, na lalung umiigting at nagiging masmataimtim. At kamiy nabighani nang pag-ibig at kagandahan na matatagpuan lamang sa Goloka Vrindaban, sa supremong tahanan ni Krsna. Sa maikling pangungusap, ito ang aming napag-alaman sa pamamagitan ng pagpapala nang aming mga maestrong pangespirituwal. Labis labis kaming naakit sa paniniwalang ito na ibinigay sa amin nang aming gurudeva na mula pa sa mga banal na sulating Vedic, lalung-lalo na ang Srimad-Bhagavatam. Ang bagay na itoy naipaliwanag na mismo ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, nang Kanyang mga aral at naging gawain, at ang konseptong itoy naipaliwanag na nang Kanyang mga tagasunod, nang Anim na Goswamis ng Vrindaban.

37

Sri Hapaniya-dham. Ang mga pinagpipitaganang deboto ng Sri Chaitanya Saraswat Math na nagmula pa sa ibat-ibang panig ng mundo at nagtipun-tipon sa banal na lupain ng Hapaniya, ang bayang pinagsilangan ni Srila Sridhar Maharaj.

38

6
Anim na Pilosopiya ng India
Mayroong anim na umiiral na sinaunang pilosopiya sa India. Ang una ay itong pilosopiyang Vaisesika ni Kanadi Rishi: ang teorya tungkol sa atomo. Ayon sa kanya, lahat ng bagay ay gawa sa atomo. Dahil sa pagkakahalo-halo nang napakaraming ibat-ibang klaseng atomo lumabas ang ating mundo. Ang ibig sabihin ng Kana ay katiting na bahagi ng atomo. Ayon sa kanya, napakaraming atomo ang nagkataong naghalo-halo at lumikha ng mundong ito, ni walang rason, o dahilaan, kung bakit, walang ganito. At dahil sa kombinasyung ito, lumikha ito ng kung anu-anong bagay. Ito ang naging paliwanag ni Kanada: na ang mundo natin ay isang atomikong mundo. Isang kanta ang inawit noon ni Bhaktivinod Thakur, ang nagtatag nang kilusan para sa kamalayan kay Krsna noong ika-labingsiyam na siglo: kesava! tuya jagata bicitra. O aking Panginoong Krsna, napansin ko lahat ng bagay ay nasa loob ng Iyong mundo, bagamat silang lahat ay likas na magkakaiba, pare-pareho naman silang walang-hangganan. Kaya noong kami ay mawalay sa Inyo, naging malungkutin na kami. Dahil mula nang ipinanganak kami walang humpay din kaming nilamon ng mga pagdadalamhati hanggang sa aming kamatayan, sukdulan na ang paghihirap namin, at hindi na namin ito kaya. Nakita naming maraming sugo ang naguunahan upang tumulong sa amin: tulad nina Kapila, Patajali, Gautama, Kanada, Jaimini, Buddha, na pawang nagsasabi nang kanilang solusyon. Pagsusuri, Yoga, at Lohika Kaya noong dumating dito si Kapila dinala niya ang kanyang sistemang pilosopikal na Sankhya na sumusuri sa lahat ng bagay at ganito ang kanyang naging paliwanag, Suriin ninyong maigi kung bakit kayo naghihirap nang mapawi na ang lahat ng inyong paghihirap Yoga naman ang dala ni Patanjali, Hoy, mga jivatma! Halikayot naririto ang Paramatma! Ito ang papawi nang lahat ng problema natin sa mundo. Halikayo sa Paramatma, ditto sa pinaka-Super na Kaluluwa. Ganito ang kanyang naging rekumendasyon . Si Gautama naman ay dumating dala ang kanyang lohika, ang kanyang nyaya shastra: Iisa lamang ang Lumikha nang lahat ng ito, iisang Tagapaglikha, subalit wala Itong malasakit sa atin. Bagamat Siya nga ang lumikha sa mundong ito subalit nang matapos Niyang gawin, itoy Kanyang iniwan. Dapat sa loob ng mundong ito magaling kayong man gatwiran. Gandahan ninyo ang pagpapaliwanag ninyo ng maging maayos ang inyong buhay. Dahil tanging ito lamang ang makakatulong sa iyo. Dapat magaling kayo sa lohika, dahil sa paraang ito makokontrol ninyo ang lahat nang nasa paligid ninyo at tiyak na magiging maligaya kayo. Samantalang ganito naman ang naging pahayag ni Kanada: Nagkataon lamang na naghalo -halo ang mga atomo, kaya kapag ang mga atomong itoy nalusaw na, lahat ay wala na, wala nang matitira. Ano pa ang dapat mong isipin, wala ka nang dapat alalahanin. Kaya balewalain mo lamang ang mundong ito. Ano ba ang sinasabi nilang kapalaran? Walang ganito; huwag kang maniwala dito,
39

huwag mo itong pansinin. Dahil kapag naglaho na ang katawan natin wala nang matitira. Kaya hindi ka na dapat malungkot? Teoryang Atomiko at Karmma At doon naman sa pilosopiyang karmma-mimamsa, ganito ang naging pahayag ni Jaimini, Bagamat mayroon talagang Isang naglagay sa atin dito sa mundo, itoy dahil na rin sa ating karmma. Siya ay Inspektor lamang natin at wala tagala Siyang pakialam sa atin. Hinahayaan lang Niya tayong kumilos at bahala na ang karma natin, kung saanman nito tayo dalhin. Kaya, ito ang ipinapayo ko sa inyong gawin ninyo. Hayaan ninyong dumating sa buhay ninyo ang karmma at maging maligaya din kayo. Oo ngat hindi natin talaga maitatanggi; na ang karmma phala, ang resulta ng ating karmma, ay nauubos at nagwawakas din. Kaya dapat doon lang kayo sa karmma, sa mabuting karmma; huwag sa masamang karmma. Huwag mong intindihin kung maubos man ang iyong mabuting karmma; gumawa ka na lang muli ng mabuting karmma, dahil ang kabutihan nito ang magdadala sa inyo sa langit, at doon kayo magkakaroon nang masayang buhay. Ang pagiging mabait sa atin ng iba ay dala nang mabuting karma natin. Bagamat mayroon ngang Diyos, wala naman Siyang paki sa atin. Kaya anoman ang maging karmma natin, masama man ito o mabuti, wala Siyang magagawa kundi ang tumulong parin sa atin. At hindi na Siya makakaiwas pa dito. Lusawin Mo Ang Iyong Isipan----Buddha At ang isa pang klase ng pilosopiya ay kay Buddha na nagsasabing: Nang dahil sa kumbinasyon ng ibat-ibang bagay tayo ay nagkaroon nang malay at isipan. Kaya kapag nawala na at natunaw na ang ating malay at isipan, tiyak lahat ng itoy mawawala na, wala nang matitira. Kung ganoon, kailangan palang lusawin natin ang ating malay at isipan. At magpraktis din kayo ng ahimsa, at hindi din dapat kayo maging marahas o malupit sa kaninuman, at gawin din natin ang satya, ang pagiging tapat, at iba pang bagay. Mapapansin nating lahat ng pilosopong nabanggit ay kapwa tumutukoy sa renunsyasyon o pagtatakwil sa makamundong pamumuhay, at sa pagsasamantala (sa bhukti, mukti). Ibatibang pamamaraan ang kanilang inilalatag subalit nakaka-enganyong bitag upang bihagin ang mga kaluluwang jiva. Ang sabi nga ni Bhaktivinod Thakur ay, Subalit napag isip-isip ko lahat silay pawang nanlilinlang lamang. Iisa lamang ang naging paninindigan: silang lahat ay walang debosyun sa Inyo, ayaw nilang maglingkod sa Inyo. At doon lamang sila nagkakaisa. Kaya wala itong maidudulot na tunay na kabutihan. Silay nagkakaisa upang kontrahin ang debosyunal na paglilingkod sa Inyo at sa pamamayani Ninyo. At sa bandang huli, iiwan lamang nila tayo na nagkakagulo. Subalit sa dulo nang lahat ng ito, kapag ating pinagmasdan, nakikita kong silang lahat ay mga sugo Mo din itoy upang ihiwalay ng ibang kwarto ang lahat nang may malubhang karamdaman sa ibang pasyente na hindi naman maselan ang kalagayan, at itoy para sa kabutihan na rin nang mga pasyenteng hindi masyadong matindi ang karamdaman. At itoy para narin sa kabutihan ng iba. Kaya itoy upang ihiwalay ninyo ang mga taong wala na talagang pag asa. Kayo ang nagplano nang lahat ng ito, at naglalaro sa kumpas ng mga kamay Ninyo tulad sa ginagawa sa isang manyika. Kaya silang lahat ay mga sugo din Ninyo at naglilingkod din sa Inyo
40

subalit ibang paraan nga lamang, dahil walang bagay ang hindi sakop nang Inyong kapangyarihan. Sa pagwawakas, ganito ang sinabi pa ni Bhaktivinod Thakur, Paalam na sa kanilang lahat. Mula sa aking puso, ibinibigay ko ang aking mga paggalang sa lahat nang mga sugong ito mula sa malayo, dahil ang tanging puhunan ko sa aking buhay ay ang mga alikabok sa banal na paanan nang Iyong mga deboto. Dahil sa mga alikabok na iyon nagmumula ang lahat ng mabubuti kong kapalaran. Saanman naroroon ang mga alikabok na iyon ito ay aking hahanapin at ilalagay ko sa aking ulo. Sapat na ang lahat ng ito para sa akin.

41

Ang Panginoong Sri Krsna, ang Supremong Katauhan ng Diyos. Ang pinaka-sentro nang lahat ng kaakit-akit. Dahil ang Kanyang kariktan, kagandahan, at pag-ibig ay labis na kaakit-akit at ito ang umaakit sa atinat hindi pananakot, at pamimilit.

42

7
Higit pa sa Kristiyanismo
Sa sumusunod na pag-uusap, pinaghambing-hambing ni Srila Sridhar Maharaj ang mga teistikong paniniwala sa harapan ng mga mag-aaral na Kristiyano na taga America.

Kristiyano: Maaari po bang ipaliwanag ninyo sa amin kung ano po ang pananaw ng mga Vaishnava tungkol sa Kristiyanismo? Srila Guru Maharaj (Srila Sridhar Maharaj): Ang Kristiyanismo ay hindi kumpletong Vaishnavaismo; itoy hindi pa kumpleto, at nagsisimula pa lamang sa debosyunal na teismo, sa kanilang debosyon sa Diyos. Sa pisikal na aspeto nang paniniwala, makikita natin dito ang prinsipyo ng Mamatay upang mabuhay. Ayon sa mga Kristiyano ang ipinakita ni Hesus ay isang huwaran nang pagsasakripisyo ng sarili. Subalit para sa atin, ang teismo nitoy hindi parin kumpleto, at nagsisimula pa lamang. Ang konsepto nila tungkol sa Diyos ay hindi parin malinaw. Bagamat sinasabi nilang, tayo ay para sa Kanya lamang, subalit hanggang saan? At papaano natin ito gagawin, anong paraan? Lahat ng itoy hindi masyadong nabigyang linaw ng Kristiyanismo kaya malabo pa rin ito. Lahat nang itoy hindi parin malinaw, na parang nasa malayo pa. Wala pa itong anyo o hugis. Lubusan parin itong natatakpan, at ang layon ng paglilingkod natin ay hindi parin natin malinaw na nakikita. Bagamat naroroon na ang konsepto ng paglilingkod sa Diyos, at ang masiglang pananalig upang itoy ating makamit, at ang pundasyon nilay maganda rin, subalit ang istraktura, ang gusaling kinatitirikan nito ay hindi parin malinaw, itoy malabo pa rin, kaya nga hindi parin ito perpekto. Kristiyano: Sa Kristiyanismo ay may mga pagsuko din, at naglilingkod din sila sa Diyos, kaya lahat ng ginagawa nila ay kanilang inaalay din. Srila Sridhar Maharaj: Oo, itoy pangkaraniwan nang ginagawa. Subalit kanino ba tayo dapat sumuko? Kristiyano: Ayon po sa mga Kristiyano si Hesus lamang ang tanging daan. Srila Sridhar Maharaj: Oo, at ang kanyang paraan ay Mamatay upang mabuhay, at pagkatapos nito ay para maging ano tayo? Ano ang katuturan nito? Ano ang dapat nating gawin sa paglilingkod sa Panginoon. Dapat ay hindi lamang puro pagpapasalamat ang ginagawa natin sa pinakamataas na awtoridad, kundi dapat direkta din tayong naka-kunekta sa Kanya at siyentopor-siyentong naglilingkod araw-araw Ang pagpunta-punta natin sa simbahan minsan sa isang Linggo at magdasal nang, O Diyos ko, bigyan mo po kami nang aming makakain, ay hindi sapat. Kaya ang beinte-kuwatro oras na gawain, kada araw ay buong-araw na teismo: ang lubusang paglilingkod sa Kanya. At lahat nang iba pay mababa na sa kalagayan niya.
43

Sina Eba at Adan: Napilitang Maghirap Kristiyano: May mga ilang tradisyon sa Kristiyanismo ang halos katulad sa Kamalayan kay Krsna. Srila Sridhar Maharaj: Magkahawig lamang sila sa pundasyon. Sumasang-ayon kami sa paniniwalang lahat ay kailangang magsakripisyo para sa Diyos. Subalit sino ba Siya? At sino naman ako? At ano ba talaga ang relasyon namin? Kaya nga malabo ang ibinigay na konsepto sa atin ng Kristiyanismo. Ayon sa konsepto ng Kristiyanismo, noong sina Adan at Eba ay nasa piling pa ng Panginoon, wala silang problema sa buhay. Subalit noong tinikman nila ang prutas ng puno ng kaalaman, nagkaroon sila nang mga pag-aagam-agam sa sarili, at dahil dito, bumagsak sila, at naghirap na sa buhay. Ang ganitong bagay ay pangkalahatang ideya lamang sa relasyon natin sa Diyos, subalit kapag itoy ipinapaliwanag na natin, dapat ang mga katangian nang Diyos ay detalyado na nating ibinibigay, at sa pagdulog natin sa Kanya, ano ang dapat na maging relasyon natin sa Kanya, dito naging malabo ang paliwanag ng Kristiyanismo. Minsan may ilang paring Kristiyano ang nagsabi noon sa aming Guru Maharaj na ang madhuryya rasa [ang pangiging asawa ng Diyos] ay matatagpuan din sa Kristiyanismo. Dahil noong kalagitnaang panahon, nauso sa mga Kristiyano ang pagturing kay Kristo bilang kanilang asawa, at may ilang parabulang tumutukoy kay Hesu-Kristo bilang isang kabiyak. Kaya nasabi nilang ang madhuryya rasa, ang relasyon tulad sa isang nag-iibigan, ay matatagpuan din sa loob ng Kristiyanismo. Subalit ang sabi sa kanila ni Srila Prabhupada Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur, Yan ay para sa Kanyang Anak, sa Kanyang deboto; at hindi sa Diyos mismo. Dahil ang ibig sabihin ng anak ay guru, tagapagligtas. Ama, Anak, at Espiritu Ayon sa konsepto nila sa Diyos ito ay nabubuo sa Tatlong Tambalan, sa Trinidad: Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Marahil ang espiritu ang nasa pinakamataas na kalagayan. Kung ganoon, ang Kristiyanismo ay hanggang sa brahmavada nirvisesa lamang. Naiintindihan mo ba ako? Kristiyano: Opo. naipaliwanag na po ninyo dati na ang Brahman ay ang impersonal na aspeto ng katauhan ng Diyos. Srila Sridhar Maharaj: Ang Diyos Ama ay ang Diyos na tagapaglikha, samantalang ang Diyos Anak ay ang guru. At ang Diyos bilang Espiritu marahil ay Siya ang nasa pinaka-supremong kalagayan sa Kristianismo: higit pa sa konsepto ng Ama, at higit parin sa konsepto ng Anak. Kung ganoon, ang paniniwala nila ay nasa impersonal na Brahman. Minsan may nagsabi sa akin na may itinanghal na isang drama sa Germany, na kailangang ipakita ang anyo ng Diyos, ang ginawa nila naglagay sila nang isang katauhan sa mataas na bahagi ng balkon, na may mahabang balbas, at sa kanila ay nag-uutos. Ganito ang paglalarawan nila sa Diyos Ama. Akala nila ganito ang Diyos: Ang Diyos Amay matanda na at
44

maputi na ang buhok at mahaba pa ang balbas. Subalit kung sa bahagi ng rasa at ananda, sa ekstasi, sa kalugud-lugod at labis na kasiyahan, natin pagmamasdan ang aspeto ng Diyos, makikita nating nasa pinaka-sentro Siya nang lahat ng ibat-ibang klaseng pakikipagrelasyon, at ang isa rito ay ang pagiging anak ng Diyos, at ang pagiging asawa. Ang konsepto ng Diyos bilang ating Ama ay hindi kumpletong kaalaman, dahil ang mga magulang ay naglilingkod din. Dapat nasa gitna lamang Siya; at wala sa dulo. At dapat hindi lamang nakamasid sa kabuuan; sa konsepto ng kamalayan kay Krsna, ang Diyos nasa sentro. Sa lahat ng landas patungo sa Diyos, ang landas nang isang mangingibig ang pinakamataas sa lahat. At ang matinding pag-ibig na itoy dapat nating malaman, at dapat sa ganitong klaseng pakikipag-relasyon, ang Diyos ang nasa sentro. Anandam bhramano vidvan. Sa lahat, tanging ang ananda, ang labis na kasiyahan, ang pinakamahalagang bagay sa lahat ng ating natuklasan. At dapat ang may tangan nang lahat ng klaseng ananda ay kilalanin natin bilang pinakamataas na kalubusan dahil lahat ay kaya niyang akitin: at hindi dahil sa Kanyang kapangyarihan, at lakas, kundi dahil sa Kanyang kariktan. Sa lahat nang mga kaakit-akit tanging si Krsna ang nasa sentro. Ang kariktan nang Kanyang kagandahan ay labis-labis, at gayun din ang Kanyang pagibig; at kailanman hindi dahil sa pananakot at pamimilit. Ito ang konseptong Krsna ng Diyos. Kristiyano: Natatakot po ang mga Kristiyano na lumagpas pa kay Hesus, dahil pinag-iingat sila ni Hesus sa mga taong bulaan. Srila Sridhar Maharaj: Hindi mga Kristiyano ang tinutukoy ko dito; ang sinasabi ko ay tungkol kay Hesus, na siyang nagbigay nang panuntunan ng Kristiyanismo. Ang sinasabi ko ay ang mga prinsipyo ni Hesus. Dahil hulugan ang ibinigay nila sa atin, at itoy hindi talaga ganap na kaalaman. Sumasang-ayon kami sa matibay pundasyon ng kanilang teismo, sa kanilang paniniwala sa Diyos. Si Kristo ay ipinako dahil sinabi niyang, Ang lahat ng bagay ay pawang pag-aari ng aking Ama. At ang para kay Caesar ay para kay Caesar, at ang para sa Diyos ay para sa Diyos. Kaya, napakaganda ang kanilang pundasyon; itoy kapuri-puri, subalit unang bahagi pa lamang ito nang konsepto ng teismo, nang paniniwala sa Diyos. Sino ba ang aking Panginoon? Ano ba ang Kanyang katangian? Sino ba ako? Ano ba ang tunay na pagkatao ko, at ano ang kuneksyon ko sa Kanya? Ano ang dapat kong gawin upang tuluy-tuloy ko Siyang naiisip habang naglilingkod sa Kanya? Ang konsepto na tayo ay para sa Kanya ay sadya talagang kahanga-hanga, subalit dapat itong maging malinaw. Ang pinakamataas na kalagayan ay kailangan nating marating. Subalit ang lahat ng ito ay hindi natin nakikita sa Kristiyanismo. At tanging pagsasakripisyo lamang sa Panginoon ang ibinibigay, tama ito, dahil ito ang pangunahing pangangailangan ng kaluluwa. Ngunit pagkatapos nito, ano na? Sa bagay na itoy naging tahimik na sila. Lagpas pa kay Hesus Kristiyano: Dahil nga po natatakot silang lagpasan si Hesus. Srila Sridhar Maharaj: Oo, subalit ang pagpapala nang Diyos ay para sa lahat, at ito ay naguumapaw, dahil Siya ang pag-ibig, ang Diyos ay maaaring umupo sa ating kandungan at yumakap din sa atin. Kaya dito sa Vaishnavaismo, ang pamumukadkad nang ganitong klaseng
45

pagmamahalan ang makikita ninyo. Ngunit kung natatakot kayong tumaas pa sa mga aral ni Hesus, magiging sahajiyas lamang kayo (magiging mga mapagkunwari, magiging bulaan). Kaya dapat lahat ng bagay ay ating inaalay sa Panginoon at dapat maging matibay din ang paninindigan natin kahit na malagay pa tayo sa panganib. Dapat nakahanda tayong mamatay upang mabuhay. At ano ang buhay? Ito ang dapat nating malaman. Kaya kapag hindi tayo namatay, sa loob ng mundong, ang Diyos ay magiging parang laruan lamang natin, magiging sahajiyas tayo, puro pagkukunwari. Kaya marapat lamang na tawirin natin ang ibinigay na pasimulang aral sa atin ni Hesus. Kaya nga ganito ang kanyang ipinahayag, Nakahandang mamatay upang mabuhay. Napakahalagang makasama natin ang Panginoon, kaya dapat lahat ay handa din nating ialay sa Kanya. Lahat nang nakamit at narating natin sa materyal na mundong itoy pawang walang halaga; dahil lahat ng itoy lason. Kaya hindi tayo dapat naaakit nito. Dapat handa din nating iwan ang lahat, lahat ng hinahangad at minimithi natin, maging ang katawan natin, para sa Kanya. Ang Diyos ay dakila. Subalit papaano Siya naging dakila? At ano naman ako? Anong gagawin ko upang beinte-kwatro oras akong nakakapaglingkod sa Kanya, araw-araw? Sa bagay na itoy naging tahimik si Kristo. Sa yugtong itoy wala pa tayong natatanggap na partikular na programa mula sa mga Kristiyano, kaya naririto ang Vaishnavaismo upang gamutin ang puso natin, upang bigyan nang kasiyahan ang ating damdamin, anoman ito. Doon sa Vaishnavaismo ang uhaw natin ay mapapawi. Napakarami nating gusto sa buhay, batid man natin ito o hindi, subalit ang katuparan sa hinahangad nating ganap na kasiyahan ay naroroon lamang sa Vaishnavaismo. Hindi lamang mula sa malayo maaari nating ibigay ang ating pamimitagan sa Diyos, mandin Siya ay maaari din nating makapiling. Ang Vaishnavaismo ang nagbigay nang huwaran para sa isang mainit na pagmamahal sa Diyos, ito ang itinuro sa atin ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, ng Srimad Bhagavatam, at ng Vrindaban, ang lupain ni Krsna. Ang damdaming naghahangad nang materyal na bagay sa loob ng mundong ito ay hindi tunay; dahil naliligaw lamang ang ating isipan. Subalit ang ganitong damdamin, ang magkaroon nang hangarin ay natatagpuan din sa orihinal na mundo, dahil kung wala tayong ganitong damdamin, saan ito nanggaling? Saan nanggaling ang mga nararamdaman natin? Itoy matatagpuan din sa lumikha ng mundo, dahil lahat ng bagay ay nagmula kay Krsna. Kaya, ang bawat pagnanasa ng bawat atomo sa ating katawan, isipan, at kaluluwa ay doon lamang magiging masaya sa lugar ni Krsna. Ang kaalamang itoy galing sa Vaishnavaismo, kay Sri Chaitanya Mahaprabhu, sa Srimad Bhagavatam, at kay Krsna sa Bhagavad-gita. Bhagavad-gita: ang Kasaysayan at mga Aral Nito Kristiyano: Narinig ko na po ang Bhagavad-gita. Saan po ba ito nanggaling? Srila Guru Maharaj: Doon sa Bhagavad-gita, ganito ang sinabi ni Krsna kay Arjjuna, Ang mga sinasabi Ko sa iyo ay hindi na bago: dahil dati Ko na itong nasabi sa diyos-araw, kay Suryya, at ibinigay naman niya kay Manu, ang ama ng sangkatauhan. Sa paraang nito, ang kaalamang itoy pumanaog sa pamamagitan ng pagsasalin ng aral sa kanilang naging disipulo,
46

subalit sa paglipas ng panahon, itoy nawala. Kaya ang sinaunang kaalamang itoy inuulit Kong muli sa iyo. Ito naman ang tungkol sa karmma-yoga: Huwag mong intindihin ang resulta ng mga ginagawa mo, masama man ito o mabuti; basta ang mahalagay kailangang ipagpatuloy mo ito. Dito magiging panatag ang isipan mo. Kristiyano: Ano po ba ang hatid na mensahe ng Bhagavad-gita? Srila Guru Maharaj: Mayroong ibat-ibang yugto ng edukasyon sa Bhagavad-gita: ang bhaktiyoga, karmma-yoga, jana-yoga, astanga-yoga, napakaraming antas ng teismo o paniniwala sa Diyos, subalit ang puro at dalisay na debosyunal na teismo ay nagsisimula kung saan sinabi ni Krsna ang katagang, sarvva dharman parityajya: Iwan mo na ang lahat ng ginagawa mo, kahit ano pa ito, gawaing pang-relihiyon man o hindi, at ganap mo nang isuko ang sarili mo sa Akin. Huwag mong ipagpilitan kung anoman ang gusto mo sa Akin, kundi ang dapat mong itanong kung ano ang makabubuti sa iyo. At ano ang magagawa mo sa Akin? Kaya kapag lubusan mo nang isinuko ang iyong sarili sa Akin, ibibigay Ko din sa iyo ang sarili Ko. Bagamat lahat ng pamamaraang ito ay mahalaga o epektibo, dapat Ako lamang ang hangad mo. Dahil ito na ang pinaka-mataas na biyayang matatanggap mo: ang hangarin Ako, ang makuha Ako, ang mabuhay na kapiling Ako, at gawin ang lahat ng Aking sasabihin, ang pumasok sa loob nang Aking pamilya. Ito ang dapat na maging hangarin mo. At wala nang iba pa. Kaya kapag ang lahat ng ibat-ibang klaseng aral ng relihiyon ay iyong pinaghambing makikita mong ang pinakamataas na panloob na pangangailangan ay mabibigyan lamang nang kasiyahan kapag pumasok ka sa personal na buhay Ko. Kristiyano: Sa palagay po kasi ng mga Kristiyano, kung ibig nating maging matapat, kailangang sundin natin ang Bibliya. Dito literal po naming pinaniniwalaan ang mga salita ni Kristo. Srila Sridhar Maharaj: Oo, ayon sa iyong kakayahan, maaari kang magpalista at pumasok sa isang paaralan. May ilang tao ang nagiging Kristiyano, at kapag silay naghahanap pa, muli itong pupunta sa iba, at doon naman magtatanong, Ano ba ang Diyos? Gusto ko po Siyang makilala. Hinggil dito, isang halimbawa ang gusto kong ibigay: nooy mayroong isang Propesor Nixon na taga England. Nakipaglaban ito noong Unang Digmaang Pandaigdig, kakampi nang France. Habang nagpapalipad ito nang eroplano sa bahagi ng mga Aleman, tinamaan ang eroplano nito, at pabagsak na. Napansin niyang sa bahagi nang mga Aleman pabagsak ang kanyang eroplano. Ganito ang sinabi niya sa akin noong naka-usap ko siya dito sa India, Noong oras na iyon, nanalangin talaga ako nang husto, ang sabi ko, Kung mayroon mang Diyos, sanay iligtas Niya ako, ipinapangako ko kung mabubuhay ako sa pagbagsak nang aking eroplano, Siyay hahanapin ko. Ilalaan ko ang aking buhay sa paghahanap sa Kanya. Bumagsak nga ang kanyang eroplano, at noong magkamalay si Profesor Nixon, napansin niyang doon siya bumagsak sa panig ng mga French, at nasa ospital sa France. At nang oras na iyon, ganito ang pumasok sa kanyang isipan, Mayroon ngang Diyos! Narinig Niya ang aking
47

huling panalangin. At nang siyay gumaling, agad-agad itong nagpunta sa England upang kausapin ang ilang taga simbahan. Ganito ang kanyang sinabi, Hinahanap ko po ang Diyos, at ibig kong maglingkod sa Kanya beinte-kwatro oras araw-araw. Gusto ko po sana Siyang makita. Sabi ng mga Obospo: Magpunta ka sa India Maraming taga simbahan at ilang obisypo ang nakausap na niya subalit lahat sa bandang huli ay ganito ang naging payo, Kung gusto mong makaharap ang Diyos, doon ka magpunta sa India. Wala kaming ganitong proseso. Subalit doon sa India, narinig namin may ilang yogis ang internal na nakakasama nila ang Panginoon sa kanilang puso. Doon mo hanapin ang kapalaran mo. Kaya, naparito siya sa India, hanggang sa makausap niya ang Vice -Chancellor ng Lucknow University. At habang silay magkausap, nagkataong nakilala naman niya ang asawa nito, na isa palang Gaudiya Vaishnava, isang deboto ni Mahaprabhu. Labis siyang naakit sa mga naging payo nito sa kanya kaya tinanggap niya ito bilang kanyang guru. At sa bandang huli itoy nagsannyasa (isang kaayusan ng buhay na tumatalikod sa mga makamundong gawain), at ang naging pangalan niya ay Swami Krsna Prema. Nakapagtayo din ito nang isang templo dito sa India, at nangaral nang tungkol sa Bhagavata-dharmma, at kay Mahaprabhu. Pinag-aralan nito ang lahat ng uri ng relihiyon at kanyang ipinaghambing, magmula sa Kristiyanismo, hanggang sa Vaishnavaismo, sa handog ni Mahaprabhu na umakit sa kanya. Isang iskolar din na Aleman ang nagsabi nang, Sa lahat ng ibat-ibang konsepto ng relihiyon dito sa mundo, kailanman ang konsepto ng dalawamput apat na oras na paglilingkod sa Diyos (astakaliya-lila) ay hindi pa naibibigay. Napag-aralan ko na ang lahat nang teolohiyang pangrelihiyon, subalit wala kahit na isa sa kanila ang nakaisip nang dalawamput apat na oras na serbisyo sa Supremong Panginoon. At Srimad-Bhagavatam pa lamang ang nakapagbibigay nito. Ibinigay ni Rupa Goswami ang siyentipikong representasyon o paglalarawan ni Krsna nang: akhila-rasamrta-murtih. Si Krsna ang bukal nang lahat ng kasiyahan. Ang lahat nang nararamdamang nating kasiyahan, at maging ang mga hindi pa natin nararanasan ay na kay Krsna na at sa Kanya lamang matatagpuan ang malinis at dalisay na huwaran nito. Siya ay lubos na matalungin at ganap na maunawain. At tanging Siya lamang ang makapagbibigay sa atin ng kasiyahan. Kristiyano: May mga Kristiyanong ayaw nang lumabas sa Bibliya at ayaw din nila sa mga aral ng ibang paniniwala. Srila Sridhar Maharaj: Itoy depande din sa ating kakayahan, kung may sapat kang pera makakabili ka sa tindahan (sve sve dhikare ya nistha sa gunah parikirtitah). Sa isang tindahan, naroroon ang ibat-ibang klaseng paninda, kaya kapag bibili tayo dapat sapat ang dala nating pera. Ganun din ang sinasabi nang mga rishis, ng mga mangangalakal ng kaalaman, Wala nang hihigit pa dito. Ito na talaga ang pinakamataas. Tulad din sa sinabi ni Krsna sa Bhagavad-gita (3.35), sva dharme nidhanam sreyah para-dharmo bhayavahah: Huwag ka nang lalagpas dito, dapat hanggang dito ka na lamangbaka mapahamak ka. Dito ka lang; huwag ka nang lalayo pa.

48

Bakit madalas ganito ang sinasabi sa atin? Kahit sa paaralan natin ay ganito din ang sinasabi nang mga guro natin, Makinig kayong maigi. Nang maintindihan ninyo ang lahat ng ito, at dapat taus sa puso ninyo itong tanggapin upang maging kasiya-siya ang paglalakbay ninyo. Dahil baka pumasok sa puso ninyo ang sahajiyaismo, lahat nang gagawin moy magiging isang pagbabalatkayo. Sino ang nagsabi sa inyo na isang lukso lang ay nandoon na kaagad kayo sa ituktok ng burol? Imposible. Kailangan talagang lalakarin ninyo ito, at kapag ganito ang ginawa ninyo, dapat itoy taus sa puso ninyo. Babaybayin talaga ninyo ito, at dapat hindi kayo nandadaya habang nilalakbay ito. Ito ang naging babala sa atin sa bawat yugto ng ating buhay. Hanggang dito ka na lang muna, sa ngayon ito pa lamang ang kaya mo. Dito mo ituon ang isipan mo. Huwag kang maging pabaya o padalus-dalos sa pag-aaral mo. At dapat pinag-aaralan ninyo itong maigi, upang makarating naman kayo sa masmataas na yugto. Ito ang isang pamamaraan nang pagtuturo, hindi bat madalas nilang sabihin sa atin na ito na muna ang dapat nating pag-aralan. Ang isang titser kapag nagtuturo alam niya kung ano ang kakayahan ng kanyang tinuturuan. At madalas ganito ang kanyang sinasabi, Hanggang dito ka muna, huwag kang lalagpas dito. Hanggang dito ka na lang muna; kailangang maintindihin mo munang maiigi ang sinasabi dito, at kapag natapos ka na dito, iba naman ang pag-aralan mo. Kaya sa pamamagitan nito, sa bawat yugto, ang kaalaman o karunungan ay nalalahad. Kristiyano: Kaya pala mayroong ibat-ibang antas nang pag-aaral para sa ibat-ibang tao? Srila Sridhar Maharaj: Sa kanyang Tattva-sutra, ganito ang naging pahayag ni Bhaktivinod Thakur, matapos marinig ni Arjjuna ang Bhagavad-gita, itoy nakipaghamok pa din, subalit kung itoy si Uddhava, at ganito ang sinabi sa kanya ni Krsna, Iwan mo ang lahat ng bagay at sumuko sa Akin, malamang agad itong susundin ni Uddhava at lalayasan ang digmaang iyon. Subalit ang ginawi ni Arjjuna ay iba, matapos niyang marinig ang payo ni Krsna, subalit kung itoy si Uddhava malamang sumunod kaagad sa payo Nito. Matapos mapakinggan ni Arjjuna ang unang yugto nang mga naging pag-uutos ni Krsna, ganito ang sinabi ni Arjjuna kay Krsna sa Bhagavadgita (3.1-2): jyayasi cet karmanas te mata buddhir janardana tat kim karmani ghore mam niyojayasi kesava vyamisreneva vakyena buddhim mohayasiva me tad ekam vada niscitya yena sreyo ham apnuyam Ang sabi Mo, ang jana, ang karunungan, ay masmainam kaysa karmma, sa mga gawain. Kung ganoon, bakit gusto Mong makipaghamok parin ako sa kakila-kilabot na karmma (gawain) ng digmaang ito? At ganito ang naging tugon sa kanya ni Krsna, Sige ipagpatuloy mo ang gawain ng karmma: tapusin mo muna ang trabaho mong ito, at kapag ikaw ay natapos na pumunta ka naman sa antas ng jana, sa pagsasaliksik sa karunungan. Hindi napakadaling bagay ang lagpasan ang lahat nang gawain at makarating kaagad sa naiskarmya, ang maging malaya sa
49

karmma. Kaya tapusin mo muna ang kurso mo sa karmma; at makalaya kana sa karmma, at doon ay unti-unti kang magkaroon nang transedental na kaalaman at debosyun. Kaya, sinasabi Ko sa iyo, Kaya kailangang makipaglaban ka muna. Ang makipagdigmaan ay hindi nauukol para sa lahat ng tao. Kundi, itoy para sa iyo, para sa mga taong katulad mo. Kristiyano: Sa palagay po ninyo, ano po bang paniniwala sa Diyos ang dapat na sinusunod ng mga tao? Srila Guru Maharaj: Dapat ang kamalayan kay Krsna ang ipinapangaral sa lahat ng tao, dahil tumutugon ito sa panloob na pangangailangan ng tao. Samantalang ang gusto naman nang ibay manakit sa atin. Ang sabi nang mga komunista, Bawal ang mangaral nang relihiyon dito. Puro teorya lang yan; napapabayaan na ninyo ang mundong ito, magugulo at lilituin lamang ang isipan ninyo nito. Maghihirap lamang ang mga tao kapag naniwala sila sa inyo, kaya di namin kayo papayagan. Maaari itong mangyari. At maraming iba pa ang maaaring mangyari. Kaya kapag humaharap ka sa mga tao, at nangangaral, may mga lalapit din sa inyo, dahil may mga taong naghahanap talaga nang katugunan sa kanilang puso. Dadalhin sila nang kanilang mga panloob na pangangailangan sa sugo ng katotohanan. Noong nagpunta si Bhaktivedanta Swami Maharaj sa Kanluran at nangaral, marami ang sumanib sa kamalayan kay Krsna. Papaano ito nangyari? Ni hindi sila mga Gaudiya Vaishnavas, subalit lahat silay nakaramdam nang katiwasayan ng damdamin. Habang tayoy gumagala sa mundong ito, lahat tayoy nagkakaroon nang mga bagong karanasan, mga bagong linamnam. Ayon sa kanyang kamulatan, ang tao ay tumutugon sa panawagan nang isang mangangaral ayon sa kanyang hinahanap. At ganito ang kanyang matatagpuan, Ah, matapos ang mahabang panahon, nakikita ko na ang katuparan nang minimithi ng puso ko. Mayroon palang lugar na makapagbibigay sa akin nang mga pinapangarap ko. Ibig ko Siyang makasama at malaman ang tungkol sa lupain ng mga pangarap ko. At dahil dito, gusto nilang makasama ang mga deboto. Mga ibong magkakatulad ang pakpak sama-sama kung lumipad. Ayon sa kanilang mga panloob na panlasa, silay nagsasama-sama at ginagampanan ang kanilang gawain sa lugar na iyon, sa yugtong iyon, hanggang sa silay tumaas pa, hanggang makarating sa pinakamataas na kalagayan. Pagkaminsan sa buhay na ito ang paniniwala natin ay nagbabago at minsan ay tumataas pa, at ang iba naman, sa susunod na pagkakataon kapag muling ipinanganak na. Kristiyano: Subalit ang isang aral kapag masyado pong mataas, marami ang nawawalan nang loob. Srila Sridhar Maharaj: Maaari ngang sa ibang tao ay mataas ito at abot-kamay naman ng iba. Hindi ito napakataas para sa lahat, halimbawang ganun nga, bakit may mga taong naniniwala parin dito? Napakaraming tao ang nagiging Mohammedan o Muslim, nagiging Kristiyano, at Hindu. Hindi lahat ng Kristiyano noong ipinanganak ay talagang Kristiyano. Papaano unang naging Kristiyano ang maraming tao? Dahil umusbong mula sa puso nila ang paghahangad sa Kristiyanismo. Noong nagpunta sa bayang sinalangan ko dito sa Bengal si Achyutananda Swami, ang unang disipulo ni Bhaktivedanta Swami Maharaj, isang punung-maestro ang nagtanong sa kanya noon, Nandito lamang kami subalit binalewala namin ang halaga nang mga aral ni Sri
50

Chaitanya Mahaprabhu; bakit ikaw na mula pa sa isang napakalayong lugar, ay naririto at isinasakripisyo ang buhay sa paglilingkod kay Sri Chaitanya deva? Ganito ang naging sagot ni Achyutananda Swami, Brahmanda brahmite kona bhagyavan jiva: Ang kakayahang itoy nakuha natin sa pag-ikot-ikot natin sa ibat-ibang uri ng buhay sa mundo. Lumilibot tayo sa ibat-ibang lupain, sa ibat-ibang uri ng buhay, hanggang sa makalikom tayo ng ilang sukrtti, ng mabubuting kredito. Ang ajata sukrtti ay di sadya at wala sa isipang paglalaan ng ating enerhiya sa paglilingkod sa Panginoon, at dahil dito, nagkaroon tayo nang mabuting kapalaran. Kaya kapag lumaki pa nang husto ang ating sukrtti, itoy nagiging jata sukrtti, nagiging mabubuting gawain na sadya na nating ginagawa para sa ating Panginoon. Hanggang sa magkaroon tayo at mangibabaw ang ating sraddha, hanggang sa magkaroon tayo nang pananalig, ang naaakit na sa pangkalahatang katotohanan. Ang bagay na itoy maaaring umusbong sa kahit anumang antas n g buhay. Dahil kahit hayop ay maaaring maglingkod din kay Krsna. Dahil doon sa Vrndaban, makikita natin ang maraming nilalang: mga puno, mga hayop, at maging ang tubig ay nasa ganoong kalagayan, dahil sa kanilang kagustuhan. Bagamat tinanggap nila ang animoy materyal na kalagayan, silay eternal na nasa ganoong kalagayan dahil sa paglilingkod kay Krsna. Ang Daan ng Isang Peregrino Kristiyano: Mayroon pong isang aklat ang tinatawag na Ang Daan ng Isang Peregrino, ito poy tungkol sa isang Kristiyano na bumibigkas sa pangalan po ni Hesus sa kanyang pandasal na rosaryo. Srila Sridhar Maharaj: Ah oo, ang mga Katoliko ay gumagamit din ng rosaryo. May mga Kristiyanong bumibigkas din nang pangalan ni Kristo. Kristiyano: Pero ang binibigkas po nang taong ito ay pangalan ni Hesus, naging mabait din po ito, at itoy nakakaamdam din nang kalugud-lugod na kasiyahan, nang ekstasi, at nagiging matindi din ang pagmamahal nito kay Hesus. Srila Sridhar Maharaj: Kung ganoon, baka sakaling marating din niya ang kalagayan ni Hesus. Maaaring sa pagtatangka niyang maging perpekto, ay hanggang doon na lamang siya, eternal na kasa-kasama ni Hesus. Maaaring hanggang doon na lamang ito. Hanggang doon na lamang sa lugar na iyon dahil nakamit na nito ang kanyang ganap na kasiyahan. Ayon sa pagpapala ng Diyos, at dahil na rin sa matinding kagustuhan ng isang dakilang deboto ng Panginoon, maging doon sa impersonal na sinag ni Brahman ay maaari tayong magising sa ating pagkakahimbing at kumilos para sa debosyunal na paglilingkod. Kadalasan, napakahabang panahon silang nananatili sa pantay-pantay at walang pagkakaibang kalagayan, at masaya sa kanilang napuntahan; ganunpaman, kung ating titignan animo walang katapusan ang pamamalagi nila sa lugar na iyon, ang lugar na itoy hindi nasusukat kung gaano kalaki o kalawak. Mahabang panahong naroroon sila sa ganoong kalagayan, dumating man muli ang maraming paggunaw at paglikha nang mundo, at naroroon parin sa lugar na iyon, subalit anumang oras sila ay maaaring magising sa matagal na pagkakahimbing. Ang mundo ay matagal nang naririto, at napakaraming kaluluwa ang nagpapanhikan at nagbabaan sa sinag ni Brahman.
51

Kaya, maging sa gitna ng walang katapusang sinag ni Brahman, ay may kaluluwang lumalabas din dito. Kaya kung ang pinag-uusapan ay kawalang-hangganan, ang kalagayan ni Hesus ay masasabing eternal din, walang hangganan din, at maaaring dumating din ang panahon na maging isang Vaishnava din si Hesus. Maaari itong mangyari.

Dapat ay hindi lamang hanggang sa trangkahan tayo ng pintuan ni Kristo nakapasok, kundi maging doon sa kaloob-looban. Dahil siya ang nagsabi nang, Patay kung patay.

52

May Itataas pa ba si Hesus o Hanggang doon na lamang siya? Kristiyano: Sa palagay po ba ninyo ay alam ni Hesus na si Krsna ang Supremong Katauhan ng Diyos? Srila Sridhar Maharaj: Kapag malapitan na nating nakita ang kanyang kalooban, doon natin masasabi kung ano talaga ang takbo ng kanyang eternal na buhay, kung naabot na nga niya si Krsna. Kristiyano: Hindi ko parin po maunawaan. Srila Sridhar Maharaj: Si Hesus bat hanggang doon na lamang o maaari pa itong tumaas? Habambuhay na lamang ba siya doon sa kanyang pinuntahan, masigla ba ang kanyang buhay dito? Kristiyano: Ayon po sa mga Kristiyano siya po ay may lubos na kaalaman. Srila Sridhar Maharaj: Kaya nga, siya bay hanggang doon na lamang, doon na lamang mamalagi? Hanggang dyan na lamang ba talaga ang kalagayan ni Hesus? Sinabi ba nang mga Obispo na pinal na talaga ang kalagayan ni Hesus? Naging progresibo ba ang kanyang buhay? O baka naman siya lamang talaga ang pinagbabawalang tumaas? Kabilang ba siya sa masiglang mundo? O hanggang doon na lamang sa nakapirmis na mundo? Ito ang katangian nang walang hangganan. Bilang may-hangganan kaya ba nating tustusan ang walang-hangganan? Lalabas na katawa-tawa lamang tayo. At talaga namang magiging katawa-tawa tayo kapag ganito ang ginawa natin sa kalubusan. Bakit itinuturing na Di Mapag-aalinlanganang Katotohanan si Krsna? Dapat ang bagay na itoy unti-unti ninyong malaman, habang gamit ang mala-siyentipikong pamamaraan. Katulad nang ipinayo ko sa inyo, ipagpatuloy ninyo ang pagbabasa nang Sri Krsna Samhita at ng Brhad Bhagavatamrta. Isa-isa ninyong tignan dito ang masiglang pag-usbong nang teismo Reinkarnasyon---Itoy Paglipat Sa Ibang Katawan Kristiyano: Sa pagkakaintindi ko po, sa reinkarnasyon, ang kaluluwa ay maaaring pumasok sa masmababang uri ng buhay dahil sa nagawa nilang kasalanan. Subalit ano naman ang kabutihan nito kung ipapanganak siya bilang isang hayop na hindi naman niya naaalala? Srila Sridhar Maharaj: Minsan ang mga pasyente ay pinapatulog muna nang mga duktor bago gamutin. Minsan naman ang mga mandarambong ay agad na inilalagay sa kulungan at nilalagyan nang posas. Ang isang tao, kapag halimbawang sa lipunang kanyang ginagalawan ay masyado nang maligalig, itoy pinapasok sa kulungan. Kaya, minsan kailangang alisan muna ang kalayaan ng isang tao, upang hindi na ito makagambala nang iba. Ang isang kaluluwa kapag masyado nang madaming kasalanan, itoy pansamantala munang inaalisan ng kalayaan. Pinagdudusa muna sa nagawa nitong kasalanan, at pagkatapos, muli na naman siyang binibigyan nang kalayaan upang tahakin ang tamang landas. Habang ang isang lasenggo ay lasing, at nanggugulo
53

sa paligid, itoy ikinukulong. At kapag itoy nahimasmasan na, muli itong pinalalaya at pinauuwi at ito ay malaya na namang nakagagalaw sa labas. Kabilang sa Huwag Mong Gawin sa Kapwa Mo ay ang mga Hayop Kristiyano: Pangkaraniwang hindi po tanggap nang mga Kristiyano na may kaluluwa ang mga hayop. Srila Sridhar Maharaj: Ang konseptong itoy hindi naipaliwanag ni Hesus sa kanyang mga tagasunod. Dahil nakita niyang kinaugalian na nang kanyang mga disipulo ang pagkain nang karne ng hayop at isda, at sila ay ayaw niyang hiyain tungkol sa ganitong usapin. Ang gusto ni Hesus ay magsimula muna sila sa teistikong buhay, na may paniniwala sa Diyos, at kapag silay namulat na, ang usaping itoy unti-unti nang ibinibigay sa kanila. May buhay din ang ibang nilalang, tulad din sila nang tao, sa pag-inog ng kaluluwa sa buhay, naitapon sila sa ganoong klaseng kalagayan dahil sa kanilang karmma. Saanman mayroong buhay ay naroroon din sa loob nito ang kaluluwa. Itoy pangkaraniwan nang bagay, subalit nakita ni Hesus na hindi abot ng pang-unawa nang kanyang mga tagasunod ang mataas na kaalamang ito. Inisip niyang masmainam pa na magsimula na lamang ang mga ito sa paglilinang nang teistikong kaalaman, at unti-unting ibigay sa kanila ang aral na ito. Ito ang sinabi ni Hesus sa kanila, Huwag mong gawin ang ayaw mong mangyari sa iyo. Itoy mabuti din. Hindi lamang kaluluwa ang nasa sa loob natin; bagkus ang Diyos ay naroroon din, at maging sa lahat ng dako. Ang mga nilalang na nasa masmababang uri ng buhay ay nakararamdam din nang pighati at kasiyahan. Malinaw din nating nakikita sa mga hayop na kapag silay pinapatay, nakakaramdam din sila nang sakit. Kaya, silay may buhay din. Dahil nakakaramdam din sila nang sakit, at silay may malay din, dahil ang kaluluwa ay isang yunit ng dalisay at malinis na kamalayan. Subalit ang bagay na itoy hindi kayang abutin nang mga taong pinapangaralan ni Hesus. At hindi pa sila handa sa ganoong uri ng pagsasakripisyo. Kaya Kristiyanismo ang ibinigay ni Hesus sa mga ganoong klaseng tao. Ganunpaman, lahat ay naitadhana na sa atin nang pinaka-sentro ng lahat. May mga nangangailangan sa Kristiyanismo, at ganun din sa Islam. May sapat na lugar sa ating sandaigdigan para sa mga ganoong uri ng paniniwala. Itoy mahalaga, subalit depende sa kanilang kalagayan. Kung ganoon, ano ang kalagayan nang Di Mapag-aalinlanganang Katotohanan? Kaya habang lumalalim ang mga ginagawa nating pagsasaliksik, mapapadako tayo sa India. Dahil dito sa India, ang lahat ng klaseng relihiyon ay malawak na pinag-aaralan, lahat ng ibat-ibang klaseng relihiyon ay naririto. Maraming ibat-ibang konseptong toelohikal o paniniwala ang naririto sa India na kahit ang kalahati nitoy wala sa ibang panig ng mundo. Subalit sa bandang huli, ang Srimad Bhagavatam ang nagbigay nang pinakamataas na konsepto ng relihiyon. Papaano? Sa pamamagitan ng masusing pag-aaral at pagsunod dito. Kailangang pag-aralan ninyo ang Brhad Bhagavatamrta at ang modernong ayos nito, ang Sri Krsna Samhita ni Bhaktivinod Thakur.
54

Kristiyano: Nabasa ko na po ito. Srila Sridhar Maharaj: Subalit kailangang basahin mo pa rin ito nang maigi, at suriing mabuti. Dapat paulit-ulit mo itong basahin, hanggang sa maunawaan mo ang ibig sabihin nito at magkaroon ka nang kasiyahan, dahil lahat ng mga katanungan mo ay kaya nitong sagutin. Ipinapakita nang mga aklat na iyon ang ibat-ibang antas ng ating pakikipag-relasyon sa Diyos, at doon ay ipinapaliwanag kung papaano mula sa isang yugto ng teismo, ay pinipilit tayong pumaitaas pa sa masmataas na antas ng paniniwala.

55

Sri Rupanuga Acharya. Sa larawang ito, itinuturo ni Srila Sridhar Maharaj sa mga debotong tagaKanluran ang tunay na konsepto nang kamalayan kay Krsna.

56

8
Mga Antas ng Kamulatan Sa Diyos
Sa kanyang aklat na Brhad bhagavatamrta, pinaliwanag ni Srila Sanatana Goswami ang ibat-ibang antas tungkol sa transedental na kamulatan. Sa aklat na ito, habang binibisita nang dakilang paham,si Narada Muni, ang ibat-ibang lugar, tayo ay mamumulat sa suddha bhakti, sa dalisay na debosyunal na paglilingkod. Una muna niyang nakita ang karmma-misra bhakti, ang debosyunal na paglilingkod na may halong materyal na gawain. Tuwing sasapit ang panahon ng Kumbha-mela, milyun-milyong ermitanyo at deboto ang sama-samang nagtitipun-tipon upang magdiwang nang isang kapistahan. Isang mayamang brahmana na taga Allahabad, ang nooy masigasig sa pagtulong at gustong pagsilbihan ang naroroong ibat-ibang klaseng santo. At tuwing matatapos ito sa pagsasagawa nang pagsasakripisyo, umawit sila nang banal na pangalan ng Panginoon. Ang mga pagkilos at galaw nitong brahmana ay puro karmma-kandha, ganunpaman, napagsilbihan parin niya ang mga dumalong santo. At tuwing matatapos sila sa kanilang ginagawa, nama sankirttan naman, puro pag-awit naman nang banal na pangalan ng Panginoon ang kanilang ginagawa. Pinuntahan ito ni Narada Muni, anya, Dahil sa mga ginawa mo, labis kang pinagpala. Ito ang tamang paggamit nang kabuhayan at katayuan sa buhay. Dahil sa mga nagawa mong kabanalan, ikaw ay tiyak na pagpapalain. Subalit ganito ang naging sagot sa kanya ng brahmana, Bakit, ano po ba ang mga nagawa ko? Wala po itong halaga. Doon po kayo magpunta sa mapalad na Haring Indradyumna. Dahil namimigay siya nang tirang prasadam ng Panginoong Jagannath sa tao. Doon ay masmarangya ang ginagawa nilang pagsamba kay Narayan! Kaya doon po kayo dapat magpunta, dahil tiyak na magugustuhan ninyo ang kanyang debosyon. Pagkatapos nilang mag-usap, agad na pinuntahan naman si Narada Muni si Indradyumna Maharaj, nakita niya ang hari na marangya nga ang hinahanda sa pagsamba sa Panginoong Jagannath. At ito ay kanyang nilapitan, at nagwika, Mapalad ka sa mundong ito. Subalit sinagot siya nang hari, Ang mga ginagawa koy walang halaga, Narada. Kung gusto mo talagang makita kung ano talaga ang debosyunal na gawain, doon ka magpunta sa hari ng kalangitan, doon sa Panginoong Indra. Pinuntahan ni Narada Muni si Indradeva at kanyang pinuri, O Indra, labis kang pinagpala. Dahil ang Supremong Katauhan ng Diyos, si Vamanadev, ay naging kapatid mo. At dito sa Indraloka tuwing sasamba kayo kay Krsna animo ay isang malaking kapistahan. Sub alit ganito ang naging sagot sa kanya ni Indra, Bakit ganyan ka magsalita? Huwag ka naman ganyan? Akala mo lamang na may pagmamahal talaga ako kay Krsna? Alam nating lahat ng itoy Kanyang pag-aari, subalit dahil sa kalokohan ko, pinigilan ko Siya upang hindi Niya
57

makuha ang puno ng parijata sa langit. At hindi lamang ito, palagi kaming ginugulo nang asawa ko ng mga demonyo; kaya papaano mo sasabihing mabuti ang naging kapalaran ko? Mula kay Indra, nagpunta si Narada Muni sa Panginoong Brahma, doon sa tagapaglikha nang sandaigdigan. At noong matagpuan niya ang katauhan ng Vedas, agad niyang inawit ang kantang pumupuri sa Panginoong Brahma. Si Narada Muni, bukod sa pagiging anak nang Panginoong Brahma, ay kanyang disipulo din. Ganito ang kanyang sinabi noong nilapitan nito ang Panginoong Brahma,Labis-labis po ang inyong kadakilaan! Dahil sa inyo mismo ipinagkatiwala nang Panginoong Narayan ang pangangasiwa sa buong sandaigidigan, at Siya ay maaari pa ninyong lapitan upang kayo ay gabayan sa pangangasiwa nang buong sandaigdigan. At nakita din po namin sa ilang bahagi ng Vedas, na inaawit ang iyong kadakilaan. Kaya tunay ngang labis-labis kayong pinagpala! Medyo nainis ang Panginoong Brahma. At sa kanya ay nagsalita, Ano itong mga pinagsasabi mo Narada? Panay ang papuri mo na lalu lamang nagpapataas sa kahambugan ko, hindi bat nasabi Ko na sa iyo na wala talaga akong kwenta dahil Akoy isang kutung-lupa lamang na nilikha nang mga kamay ni Narayan? Masyado na akong naging abala sa mga gawain ko. Kaya pati sa debosyunal na gawain ay nawalan na rin ako nang panahon. Nilinlang Ako nang Aking Panginoon dahil ibinigay Niya sa akin ang ganitong tungkulin upang pangasiwaan ang buong sandaigdigan, dahil dito naubos na ang lahat nang panahon. Labis-labis talaga ang naging kamalasan Ko. Kaya sa halip na ako ang puntahan mo, doon ka magpunta kay Mahadeva, doon sa Panginoong Shiva. Dahil wala Itong pakialam sa mundo. Nagpakalayu-layo na ito nang husto, at ayaw nang makialam pa dito, at sa Panginoong Narayan na lamang nakatutok ang isipan nito. Deboto din Siya ng Panginoong Ramachandra, at labis din Itong naaakit sa banal na pangalan ng Panginoong Rama. Tinutulungan din siya nang kanyang asawa, si Parvvati-devi, sa Kanyang debosyunal na gawain, at ito ay maligayang-maligaya sa kanyang piling. At doon nga nagpunta si Narada Muni sa Shivaloka at habang papalapit, umawit ito nang papuri sa Panginoong Shiva, Ikaw ang maestro ng mundo. Ang mga kadakilaan Moy inaawit nang Vedas. Ikaw ang pinakamataas. Sa ganitong paraan, sinimulan ni Narada Muni ang papuri sa Panginoong Shiva, subalit medyo galit din Ito: Bakit ka nagsasalita nang ganito Narada? Totoong wala na talaga Akong pakialam sa mundong ito, ang gusto Koy magkaroon na lamang nang kaalaman at mag-penitensya. Dahil ito naman talaga ang gusto Ko. Maliit na bahagi lamang ang ginagawa Kong debosyunal na paglilingkod kay Narayan. Minsan pa nga dahil sa isang disipulo Ko, nalapastangan Ko pa Siya at dahil dito, Kamiy naglaban,! Hindi talaga Ako masaya sa ganitong kalagayan. Puro pagpepenitensya na lamang ang ginagawa Ko, puro kapangyarihan, puro perpeksyon sa mistikong yoga, at pagbabalewala sa mundo; puro iyan lang ang naging gawain Ko. Ito ang jana-misra bhakti, na bagamat isang debosyunal na gawain, ang mga itinuturong matataas na kaisipan dito ay puro imahinasyon at haka-haka lamang at wala itong kasiguruhan. Sa karmma-misra-bhakti, sa mga debosyunal na gawain na nahahaluan ng materyal na Gawain, ang huwaran nito ay Panginoong Brahma, samantalang sa jana-misra-bhakti, ang huwaran ay ipinakita nang Panginoong Shiva. Ang gusto Niyay magsarili din, at ang ginagawa Niyang paglilingkod sa Supremong Panginoong Narayan ay hindi din siyento-por-siyento.
58

Ang replica ng rebulto ng Panginoong Brahma [kaliwa], ang maylikha nang buong sandaigdigan at ang Panginoong Shiva [kanan], ang taga-gunaw nang buong sandaigdigan, na matatagpuan sa \Katimugang bahagi ng India.

Sabi nang Panginoong Shiva, Kung gusto mo talagang matikman ang suddha-bhakti, doon ka magpunta kay Prahlad Maharaj. Dahil sa kanya mo talaga makikita ang dalisay at purong debosyunal na paglilingkod. Kaya, mag-umpisa kay Prahlad Maharaj ang landas patungo sa suddha-bhakti, sa dalisay na debosyunal na paglilingkod, ditto na nagsimulang ituro ang debosyunal na paglilingkod. Dahil hindi naghintay nang kahit anumang kapalit ang lahat nang ginawang paglilingkod ni Prahlad Maharaj.
59

Ganito ang kanyang sinabi sa Srimad-Bhagavatam (7.10.4): nanyatha te khila-guro ghateta karunatmanah yas ta asisa asaste na sa bhrtyah sa vai vanik Ang sinumang nag-alay kay Narayan at naghanap nang kapalit, itoy hindi tagapaglingkod, kundi isang mangangalakal lamang. Dahil ang ibinibigay niya sa Panginoon ay may kapalit. Kaya, isang dalisay na deboto talaga si Prahlad Maharaj at ang mga tunay na deboto lamang ni Narayan ang may dalisay na debosyon. Ang Neutral na Pag-ibig sa Diyos Lahat nang ito na sadyang kakaiba sa loob ng debosyunal na mundo ay pawang nagmula kay Prahlad Maharaj. Ang kanyang debosyunal na paglilingkod ay nasa santa rasa, nasa sa neutral na kalagayan, nasa gitna, dito bagamat walang nakikitang aktuwal na paglilin gkod, ang pag-anib ni Prahlad Maharaj sa Panginoon ay perpekto niyang ginawa, dahil ganap siyang nanalig kay Narayan. Kahit na siyay malagay pa sa mahirap na kalagayan, kay Narayan parin siya, at taimtim parin niyang pinaniniwalaan, dahil para sa kanya, si Narayan lamang ang lahatlahat sa kanya, at kanyang maestro. Kung ganoon, si Prahlad Maharaj, maging ang apat na Kumaras, ang mga anak ng Panginoong Brahma, ay nasa kalagayan ng santa-rasa-bhakti, pawang nasa neutral na kalagayan nang pagmamahal sa Diyos. Si Prahlad Maharaj ay disipulo ni Narada Muni. Ganunpaman, para sa ating kapakinabangan, itoy nilapitan parin ni Narada Muni para sukatin at ihambing ang pamantayan ng kanyang debosyon sa Panginoon. Ganito ang sinabi ni Narada Muni noong nilapitan niya si Prahlad Maharaj, Akoy naparito upang makipagkita sa iyo, Prahlad, dahil nagustuhan ng Panginoong Shiva ang naging kalagayan mo. Tunay kang deboto ng Panginoong Krsna. Ikaw ay pinagpala! Naparito ako upang kamustahin ka. Sagot ni Prahlad Maharaj, Gurudev, ikaw ang lahat-lahat sa akin. Naparito po ba kayo upang akoy inyong subukan? Anoman meron ako ay dahil sa mga pagpapala mo. Ako poy ipinanganak sa pamilya ng mga demonyo, kaya may masamang ugali parin ako. Hindi po ba ninyo alam na sa gubat ng Naimisaranya, ay nakipaglaban ako sa Panginoong Vishnu? Pinagsisisihan ko na po ang bagay na ito, subalit ano ang magagawa? Siya ang naglagay sa akin dito. Bagamat hindi ko Siya tuwirang napagsilbihan, Siya ay nasa aking isipan. Sa palagay ko, Siya po ang lahat-lahat ng bagay, subalit hindi po ako naging mapalad na mapaglingkuran Siya. Ang totoo, si Hanuman talaga ang tunay na deboto. Siya talaga ang tunay na pinagpala! Lahat nang kanyang nakukuha ay isinusoli niya sa Panginoong Ramachandra. Naiinggit po ako sa kanyang kalagayan, subalit ano ang magagawa ko, dito ako inilagay nang Panginoon? Hindi ko po dapat pagdudahan ang naging pasya nang Diyos, dahil ito ang desisyon nang kalubusan. At dapat ito ay maluwag sa kalooban nating tanggapin. Kainggit-inggit talaga ang naging katayuan ni Hanuman. Masyadong naging malapit sila nang kanyang maestro, at ang mga ginawa niyang paglilingkod sa Panginoong Rama ay pawang napakadakila at kahanga-hanga.
60

Ang Imahen ni Hanuman, ang magiting na deboto at Panginoong Ramachandra.

matapat na tagapaglingkod nang

61

Hanuman ang Tagapalingkod ni Rama Mula doon, bumisita si Narada Muni kay Hanuman. Sa tirahan ni Hanuman, habang nagpapatugtog nang kanyang vina at inaawit ang mantram na: Rama Rama Rama Rama Rama. At noong marinig ni Hanuman ang pangalan ng kanyang maestro, ng Panginoong Rama, itoy dali-daling tumalon patungo sa direksyon nang pinanggagalingan nang tunog, at kahit na nasa himpapawid pa si Narada Muni, agad na niya itong niyakap. Sabi ni Hanuman, Oh, sino kang tumutulong sa akin upang marinig ko ang banal na pangalan ng Panginoong Rama? Matagal na akong nananabik na mapakinggan ang tunog ng pangalang Rama. Ikamamatay ko yata kapag hindi ko narinig ang pangalang Rama. Tumulo ang Kasiya-siyang luha sa kanilang mga mata. Nagtuloy si Narada Muni sa tahanan ni Hanuman, at sinimulan niyang purihin ang naging mabuting kapalaran ni Hanuman, Pinagpala ka, O Hanuman! Dahil nakapaglingkod ka sa Kanya, at naging malapit ang loob ninyo nang Panginoong Ramachandra; at tanging ang Panginoong Rama lamang ang iyong kinikilala at wala nang iba pa. Matindi ang mga ginawa mong paglilingkod sa Kanya, dahil dito, ginawa itong panuntunan para sa sanlibutan. Sagot ni Hanuman kay Narada, Oo lahat ng itoy dahil sa Kanyang pagpapala; wala naman talaga akong kwenta. Subalit narinig ko nandito ang Panginoong Ramachandra bilang Panginoong Krsna. Bagamat ayaw ko nang ibang inkarnasyon ng Panginoon maliban sa Panginoong Rama, narinig ko sa iba kung papaano si Krsna, na Panginoong Ramachandra din, ay naging malapit ang kalooban sa mga Pandavas. Masmapalad ang mga Pandavas dahil nakakasama nila ang Panginoon bilang isang matalik na kaibigan. Kaya, maskinikilala ko ang mabuting kapalaran nang mga Pandavas. Dahil dito, nagsimulang purihin ni Hanuman ang mga Pandavas dahil sa mabuti nitong kapalaran. Mga Pandavas, ang mga Mabubuting Kaibigan ni Krsna At pagkatapos nito, ay iniwan na ni Narada Muni si Hanuman, at itoy nagpunta sa mga Pandavas. Doon ay nakita niya si Yudhisthira Maharaj na nakaupo sa trono at agad niyang inawitan nang mga papuri para sa mga Pandavas. Ganito ang kanyang sinabi kay Yudhisthira Maharaj, Matalik pala kayong kaibigan ni Krsna! Higit kayong pinagpala! Sagot ni Yudhisthira Maharaj, Bakit mo nasabi ang mga bagay na ito Devarsi? Oo ngat di namin maitatanggi na malapit talaga kami kay Krsna, subalit ano naman ang naging kalagayan namin? Wala naman talaga kaming posisyon sa Kanya. Ang totoo, minsan, nag-aalala pa nga ako dahil kapag nalaman nang mga tao ang mga pinagdaanan namin, baka hindi na sila maglingkod kay Krsna. Baka isipin nila bago ka maging matalik na kaibigan ni Krsna, kailangang dumaan ka muna sa ibat-ibang klaseng pagsubok at peligro. Baka isipin nila kapag deboto ka na ni Krsna kailangang maghirap ka muna sa buhay. Kaya malamang, kapag ganito na ang naging pag-iisip ng mga tao, wala na talagang lalapit kay Krsna. Sagot ni Devarsi Narada, Aba, hindi, hindi naman. Hindi ganito ang nakikita ko. Ano ba ang ibig sabihin nang sinuong na panganib at kapahamakan nang mga Pandavas? Ano ba ang kahulugan nito? Ang ibig sabihin nito darating na si Krsna. Kaya kapag nalalagay na sa peligro ang buhay nang mga Pandavas, ang ibig sabihin nito parating na si Krsna upang iligtas kayo. Kaya nga ganito ang naging panalangin nang iyong ina:
62

vipadah santu tah sasvat tatra tatra jagad-guro bhavato darsanam yat syad apunar bhava-darsanam Balewala sa akin kung palaging nalalagay kami sa panganib: kahit pa akoy palagi niyang bisitahin. Wala akong pakialam, dahil ito ang naglalapit sa amin kay Krsna. Masgusto pa naming mapasok sa panganib dahil ito ang naglalapit sa amin kay Krsna. Ito ang naging bantog na pahayag nang iyong ina, si Kuntidevi. At ganito ang naging sagot ng mga Pandavas, na pinamumunuan ni Yuhisthira Maharaj, O ngat lagi kaming binibisita ni Krsna, at maging sa panahon ng mga pangangailangan namin, subalit higit na mapalad ang mga Yadus! Dahil palaging nandoon sa kanila ang Panginoong Krsna. Maligaya sila sa piling ng kanilang maestro, sa Panginoong Krsna, at walang-pakialam kung sinoman ang iba pang makapangyarihan sa mundo. Labis-labis silang pinagpala dahil lagi nilang kasa-kasama ang Panginoong Krsna. Kaya, nagpunta din si Narada Muni sa mga Yadus at sinimulan nito ang pag-awit nang mga kadakilaan ng mga Yadus. Sabi nila, Ano itong ginagawa mo, Devarsi Narada? Totoo ang sinasabi mo, si Krsna ay palaging nagpupunta sa amin, at tuwing malalagay kami sa panganib nandoon Siya upangh tumulong sa amin, ibig sabihin ba nitoy mahal namin Siya? Madalas kaming magsolo sa aming gawain, at Siya ay nababalewala namin. Subalit isa sa amin ang talagang paborito Niya, at itoy si Uddhava. Dahil lahat nang gustong gawin ni Krsna ay Kanyang isinasanggguni muna kay Uddhava, kahit itoy Kanyang lihim pa, palaging nandoon si Uddhava, at kahit ano pa ang mangyari palagi parin Silang magkasama ni Uddhava. Kaya maging kami ay naiinggit sa kapalaran ni Uddhava. Uddhava: Higit na Mahalaga kaysa kay Krsna At pagkatapos nito nagpunta si Narada kay Uddhava at ganito ang kanyang sinabi, Uddhava, ikaw ang pinaka-paboritong deboto ni Krsna. Dahil sa sinabi ni Krsna: na tatha me priyatama atma-yonir na sankarah na ca sankarsano na srir naivatma ca yatha bhavan O Uddhava! Ikaw pa rin ang lahat sa buhay Ko. Kahit ang mga debotong itoy sina Brahma, Siva, Sankarsan, o Laksmi pa. Labis-labis ang pagiging matalik na kaibigan ninyo ni Krsna, kung kayat mas naisip pa Niyang masmahalaga ang buhay mo kasya Kanyang buhay. Sabi ni Uddhava, Oo ngat nabanggit Niya ang mga bagay na ito, subalit itoy kasabihan lamang at marahil ay dala lamang nang Kanyang kabutihan. Magmula nang magpunta Siya Vrndaban, nag-iba na ang isip ko, akala ko ako lang ang tunay Niyang deboto. Lahat ng kahambugan koy nalusaw matapos kong makita ang naroroong deboto. Ang matinding klaseng paglilingkod ng mga deboto sa lugar na iyon, maging ang pag-ibig nila kay Krsna hindi mapapantayan, kailanman. O Devarsi, sa palagay mo saan ako dapat lumugar. Nabasa mo ba ang mga kataga kong ito? Itoy naitala sa Srimad Bhagavatam (10.47.61):
63

asam aho carana-renu-jusam aham syam vrndavane kim api gulma-latausadhinam ya dustyajam svajanam arya-patham ca hitva bhejur mukunda-padavim srutibhir vimrgyam Iniwan nang mga gopis ng Vrndaban ang kanilang mga asawa- anak, at gayun ang kanilang pamilya, na sabi nang ibay mahirap daw bitiwan, at maging ang mga prinsipyong kanilang pinaniniwalaan upang sumilong lamang sa lotus na paanan ni Krsna, na pinagdadasalan din mismo ng Vedas. O Sanay maipagkaloob din sa akin ang pagkakataon na maisilang kahit na isang damo sa Vrndavan, nang mailagay ko sa aking ulo ang mga alikabok mula sa lotus na paanan nang mga magigiting na mga debotong naroroon. Doon ko inilahad ang lahat lahat nang laman ng puso ko. Napagmasdan ko ang mga ipinakitang katangi-tanging pag-ibig kay Krsna nang mga dalagita sa Vrndaban, kaya hangad kong maipanganak din ako sa Vrndaban, kahit bilang isang damo man lamang, nang ganoon kahit papaano, madadampian ang ulo ko nang mga alikabok sa paa ng mga banal na dalagitang tagarito. Kaya, ano itong mga pinagsasabi mo Devarsi? Kung talagang ibig mong makita kung ano ang tunay na debosyon, ang tunay na sagradong pag-iibigan, doon ka magpunta sa Vrndaban. Huwag mo kaming ilagay sa kahihiyan, dahil sa mga sinasabi mong tunay ang debosyon namin kay Krsna; itoy isang malaking kalokohan, at walang basehan. Dahil nakita ko mismo sa Vrndaban ang tunay na mga deboto ng Panginoon. Sa paraang ito, pilit tayong inihahatid ni Sanatana Goswami sa landas na ito, sa pamamagitan ng pagpapakita sa atin ng unti-unting pagtaas ng debosyon kay Krsna. Si Prahlad Maharaj ay tinanggap natin bilang pinaka-basehan ng suddha-bhakti, ang simula nang dalisay na debosyunal na paglilingkod, sapagkat siya ay nasa santa-rasa, sa debosyunal na paglilingkod na nasa neutral na kalagayan. Sa bandang itaas nito ay ang dasya rasa, ang pag-ibig sa Diyos na handang magpakaalipin, katulad nang ipinakita ni Hanuman, at sa itaas pa nito ay ang sakhya rasa naman, ang kalagayan ng paglilingkod sa Diyos bilang isang magkaibigan. At ang bagay na ito ay binigyang halimbawa naman nang mga Pandavas. At ang kay Uddhava ay medyo sakhya, na mayhalong vatsalya, pag-ibig na nararamdaman nang isang magulang, at madhuryya, ang pag-iibigan nang magsang-irog. Sa ganitong paraan, mababakas natin ang progresibong pagunlad ng debosyon. Sa paraang ito, sumusulong tayo tungo sa Vrndaban, ang matinding pagtangkilik kay Krsna. Doon natin makikita ang pinakarurok ng debosyunal na paglilingkod. Sa naging paguusap nina Ramananda Raya at ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, makikita nating binabanggit ang debosyunal na paglilingkod ni Radharani na tiyak na masmataas pa kaysa sa mga gopis (tebhyas tah pasu-pala-pankaja-drsas tabhyo pi sa radhika). Ang diwa sa ginagawa nilang paglilingkod sa lugar na iyon ay hindi kayang sukatin at di-kayang ilarawan ng ating isipan. At noong naparito si Sri Chaitanya Mahaprabhu, ang ganoong klaseng kaisipan tungkol sa katotohanan ay Kanyang dala-dala din: at ito ang walang kundisyung pagsuko o pagpapasakop. Naparito Siya upang hanapin ang kapalarang ito na makapaglingkod sa katotohanan. At ang mga sarili natiy maituturing na higit na masmapalad kapag ang mga ganoong klaseng matataas na uri ng buhay ang din hinahanap natin.
64

Ang pinakamataas na kapalaran natin ay nasa pagsuko, nasa pagpapasakop nang mga sarili natin. Wala tayong dapat gawin kundi ang isuko ang mga sarili natin sa mga nakikita nating magaganda at mahahalangang bagay. Maipapakita lamang natin ang talagang pagkagiliw natin sa matataas na bagay kapag naipakita natin ang matinding pagpapailalim dito. Kaya, kung talagang matindi ang paniniwala natin sa katotohanang ito, ito ay makikita sa bigat nang pagsuko din natin.

65

Si Sri Krsna, ang Supremong Nangingibabaw na Katauhan ng Diyos at si Srimati Radharani, ang Pinangingibabawang Kabiyak ng Diyos.

66

9
Ang Konseptong Krsna ng Paniniwla
Ang pagsuko o pagpapasakop ay hindi ginagawa sa salita. Ang pagsuko ay hindi lamang pagsuko nang mga ari-arian, kundi ang maunawaan natin na ang lahat nang itoy hindi pala atin. Lahat nang itoy hindi sa iyo. Kahit sarili koy hindi ko parin pag-aari. Ang ibig sabihin ng pagsuko ay pag-aalay nang lahat ng bagay sa guru, at ang paglayo natin sa lahat ng masasamang kuneksyon, nang hindi na muli tayo nila ginagambala, at pagkatapos ay sasabihin nila sa ating, Ikaw ang amo ko, at pagkatapos parin nito ililigaw lamang pala nila tayo. Dapat ganito ang ating isipin, Lahat ay pawang pag-aari ng Panginoon at nang Kanyang sugo, ng guru. At ako ay walang anumang pag-aari. Ito ang dapat nating tatandaan, dahil ito ang makakatulong sa espirituwal na pagsulong natin. Dahil ito ang katotohanan. At ang katotohanang itoy dapat nating nauunawaan. Dahil pawang katotohanan lamang ang talagang gusto natin at lumaya sa maling paniniwala. Kaya, ibinabahagi nang tamang diksha, ng espirituwal na pasimula, ang sagradong karunungan na nagsasabing tayoy walang pag-aari; at hindi lamang iyon, kundi, lahat nang bagay ay pawang pag-aari ng Diyos, maging ang mga sarili natin. Ito ang konsepto ng diksha: Akoy Kanyang pag-aari; lahat ay Kanyang pag-aari. At akoy Kanyang alipin, at ang lahat nang itoy gamit para sa paglilingkod sa Kanya. Paraiso nang mga Baliw Ito ang realidad, subalit sa ngayon, tayo ay naghihirap sa ilalim ng di-makatotohanang daigdig. Tayo ay naninirahan sa paraiso ng mga baliw. Iwan natin ang paraisong ito nang mga 109 baliw at pumasok tayo sa tunay na paraiso. Kahit sabihing maliit lamang ang paniniwala natin sa katotohanan, dahil kapag nasilip na natin ang katangian ng di-mapapasubaliang kapaligiran ng kalubusan, kailanmay hindi na natin muling nanamnamin ang kahit anumang bagay sa mundong ito. At dahil natikman na natin ang tunay na lasa ng masmataas na katotohanan, hindi na tayo muling maaakit pa sa materyal na mundong ito. Mawawalan na tayo nang sigla sa paggawa nang mga tungkulin dito sa kinalulugdang mundong ito. Magiging balewala na ito sa atin. Sa ngayon, alam natin lahat nang klaseng kasiyahang natikman natin ay dudulot lamang ng masakit na reaksyon sa atin. Ang mga bagay na itoy alam na natin, subalit ang problema, hindi parin natin ito kayang iwan. Kaya nga ginagawa natin ang ating saddhana, ang ibat-ibang espirituwal na gawain, dahil hindi parin natin ganap na napuputol ang kuneksyon natin sa materyal na gawain.

67

Magkaganunman, wala din namang ibang paraan kundi ito lamang. Kaya kailangang dagdagan pa natin ang ating pakikipag-ugnayan sa positibong katotohanan, nang sa ganoon, ang mga pagnanasang ito, na magkaroon nang mga ari-arian ay unti-unting mawawala na at maging ang mga pananagutan din natin sa buhay. Bagamat paulit-ulit parin tayong nabibigo, ganunpaman, hindi tayo dapat tumigil. Paulit-ulit parin tayong magtatangka hanggang sa marating natin ang katotohanan, at kapag tayoy nabigo, ang puso natiy masasaktan dahil naiisip nating paulit-ulit tayong nagagapi nang mga nakapaligid na kaaway. Mga Kabuteng Kaisipan Subalit naroroon parin ang apoy ng kamalayan kay Krsna, at ang apoy na itoy hindi dapat napapawi. Dahil itoy kislap nang eternal na katotohanan. Kaya, dapat ang apoy na itoy nananatiling naglalagablab, at darating din ang araw, ang mga nakapaligid na kaaway natin ay mapapagod din. Isang araw makikita nating nabihag na pala ni Krsna ang buong puso natin, at ang ibay habang buhay nang nagpaalam; wala na sila para guluhin ang ating isipan. Makikita nating silay parang mga kabute; mula sa mental na lupain, at silang lahat ay wala na, pawang nangamatay na. Wala na silang lahat, at tanging si Krsna na lamang ang natitira sa puso natin. At sa oras na iyon, ang puso natin ay mapupuno nang puro Krsna, punung-puno ng paniniwala kay Krsna. Minsan ay sinabihan ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur ang isang disipulo nito noong panahon ng kanyang pasimulang binyag pa lamang sa Hare Krsna mantra, ang sabi niya, hayaan nating makadapo si Krsna sa puso natin tulad ng mga sundalong inihatid nang navy at lumatag sa dalampasigan. Unay isinasakay muna ang mga sundalo sa mga barko ng navy, at kapag nandoon na sila sa lupain, sagupaan na, at doon nila nasasakop ang isang bansa, tulad nang sinabi ni Julius Caesar, Veni vidi vici, Pinuntahan ko, nakita ko, kaya sinakop ko. Kaya, hayaan nating lumanding si Krsna sa puso natin. Hayaan nating maglaban-laban na sila. Ano ba ang sinasabi ng kamalayan kay Krsna, at ano naman ba ang sinasabi nang ibang konsepto? Magmula pa nang unang panahon ay ibinigay na nila ang kanilang mga pangako, ganito ang sabi nila, Ito ang ibibigay ko sa iyo, iyan din ibibigay ko sayo, kaya kapag pumasok na sa isang tao ang kamalayan kay Krsna, ganito ang sinasabi, Ito naman ang masasabi ko sa inyo: ang lahat ng itoy Akin, at nanghihimasok lamang kayo. Hanggang sa magkaroon ng labanan; at lahat nang mahihina ay tiyak na aatras, hanggang ang puso natin ay masasakop na nang kamalayan kay Krsna. Ganito talaga ang mangyayari. Kaya dapat tanging ang kamalayan lamang kay Krsna ang manaig sa puso natin. Ito ang dapat nating ipagpilitan, kaya dapat kahit katiting na tunay kamalayan kay Krsna hayaan nating makapasok ito sa puso natin, sa pamamagitan nang ating tainga, bahala na si Krsna kung ano pa ang dapat na kailangan. Kaya sinuman kayo, basta may kaunting pagtingin sa kamalayan kay Krsna, ay itiyak na magiging matagumpay sa espirituwal na buhay, ngayon o sa darating na bukas.

68

Si Krsna ay isang Magnanakaw Kahit maglagay pa tayo nang matataas na pader sa lahat ng sulok nang ating buhay tiyak na makakapasok pa rin sa atin ang kamalayan kay Krsna, kaya dapat nating tandaan si Krsna ay isang magnanakaw, at ang magnanakaw kailanmay hindi iniimbita upang pumasok ng bahay. Hindi rin ito pinaghahandaan ng pagkain sa kanyang pagdating. Manloloob Ito hanggat gusto Niya, at ito ang magiging kasiyahan natin. Pasalamat tayo dahil naging magnanakaw si Krsna, kaya kahit na magtayo pa nang matataas na pader si maya, hindi parin nito kayang pigilan ang pagpasok nang kamalayan kay Krsna. Si Krsna ay isang magnanakaw, kaya lihim Itong papasok sa atin. Minsan ang isang deboto ay nawawalan din nang loob, at ganito ang nasa kanyang isipan, nasa loob ng tahanan ko ang mga kalaban ko; mismong mga kamag-anak ko ang kalaban ko. Nawawalan na ako nang pag-asa. Minsan ay nasisiraan na din tayo ng loob, subalit kailanman huwag nating iwan ang kamalayan kay Krsna. Dahil hanggang dulo ay kaya tayong ipaglaban ni Krsna, at sa pagdating nang takdang panahon, masasakop din Niya ito. At ang iba pang bagay, kahit na matinding nagtatago at protektado ng puso natin, ay kailangang umalis din. Silang lahat na nasa loob ng puso natin ay kailangang lumayas na. Dahil sasakupin na ito ni Krsna. Lahat nang itoy sasakupin na ni Krsna. Ang mga di-mahalaga at ang mga kasakimang nararamdaman nang puso natin ay mga dayo lamang. Animoy mga kabute lamang. Parang mga lumabas na kabute, na biglang nagsusulputan; at wala itong matibay na ugat. At hindi talaga nakabaun sa lupa. Akala natin lahat ng nakatago sa loob nang puso natin ay mahalaga at kapaki-pakinabang, at tinuturing na nating bahagi na ng ating buhay, subalit kapag ang kamalayan kay Krsna ay pumasok na sa atin, lahat ng itoy lulutang tulad ng mga kabute. Sa bagay, lahat naman silay mga kabute talaga; walang matibay na paninindigan, walang lalim sa kinakapitang lupa. At hanggang doon lamang sa ibabaw. Ang lahat ng materyal na pagnanasa natin ay nakalutang lamang sa ibabaw. Kahit lahat nang nasa loob at labas ng ating buhay, hindi malalim ang pagkakabaun. Tanging ang kamalayan lamang kay Krsna ang maybuhay, kahit saanpamang lugar, maging sa loob ng ating buhay. Kaya, isang araw maglalaho din ang mga kabuteng ito. Dahil ito ang sinasabi nang Srimad-Bhagavatam (2.8.5): pravistah karma-randhrena svanam bhava-saroruham dhunoti samalam krsnah salilasya yatha sarat Kapag pumapasok sa loob ng puso natin si Krsna Siya ay dadaan sa ating tainga. Ang lotus ng puso natin ay Kanyang bibihagin upang Kanyang unti-unting lilinisin maging ang ibatibang duming nasa loob natin. Katulad sa panahon ng taglagas, lahat ng tubig ay nagiging malinis at dalisay, tulad din nito, kapag pinasok ni Krsna ang mga puso natin, lahat nang duming nasa loob natin ay unti-unti niyang aalisin, upang habambuhay na Siyang makapanirahan dito.

69

Ang Hare Krsna Mahamantra ay nasa lahat ng Puranas, at Upanishad, ito ang yuga-dharma para sa panahong ito. Ito ay para sa lahat, anoman ang katayuan at kalagayan sa buhay. Kahit sino ay maaaring tumanggap nito, karapat-dapat man kayo o hindi. Ang tanging kundisyon upang ito ay mapasainyo ay sa pamamagitan ng sraddha, pananalig, lamang. Srila Sridhar Maharaj.

70

10
Ang Hare Krsna Mantra
Bago tayo umusal nang banal na pangalan ni Krsna, kailangang bigkasin muna natin ang Pancha-tattva mantra: Sri Krsna-Chaitanya, Prabhu Nityananda Sri Advaita, Gadadhar, Srivasadi Gaura-bhakta-vrnda Ang Pancha-tattva, ang limang pangunahing katangian ng Di-Mapag-aalinlanganang Katotohanan, ay naparito upang ibigay ang Hare Krsna maha-mantra sa mga nagkasalang deboto nang panahong ito, silang lima ang pangkalahatang representasyon ng ating guru. Sila ang tumutulong sa atin upang makapasok tayo sa lupain ni Krsna at doon din sa kapatagan ni Sri Chaitanya Mahaprabhu. Matapos nating usalin ang Pancha-tattva mantra, tayo ay maaari nang magdasal sa ating japa-mala, sa ating rosaryong pandasal, ng mahamantra: Hare Krsna Hare Krsna Krsna Krsna Hare Hare Hare Rama Hare Rama Rama Rama Hare Hare At habang binibigkas natin sa rosaryong pandasal ang banal na pangalan, dapat ang pandasal na ito ay nasa loob ng isang buslo na gawa sa tela, at ang hintuturong daliri natin, na kadalasang itinuturing na di-mabuti, ay hindi dapat sumasayad o dumadampi sa pandasal natin, at nananatiling palaging nasa labas ng buslo. Kadalasan ang ginagamit sa pagbibilang sa ating pandasal ay itong ating hinlalaki at panggitnang daliri. Lahat ay kailangang umusal nang labinganim na ulit na paikot, tulad nang sinabi ni Bhaktivedanta Swami Maharaj, subalit sa kagipitang kalagayan, dapat kahit apat na paikot lamang, dahil kailangan talaga nating manalangin; at hindi natin dapat ginugutom ang ating mala. Sa pagbibilang, doon tayo magsimula sa malaking butil hanggang sa paliit, at muling bumalik sa ganoong linya din. Ang tawag sa pinakamalaking butil sa gitna ay Bundok Sumeru. Huwag tayong lumagpas dito. Ang harinama maha-mantra na ito ay nasa Upanishads, at naroroon din sa Agni Purana at sa Brahmanda Purana. Ayon sa Kalisantarana Upanishad, ito na ang pinakamataas na mantra sa lahat, at ang sabi naman ng matatalinong-tao, ang mantra ay isang pamamaraan nang pagpupugay; at hindi tayo dapat nagsasabi nang anumang kahilingan. Ang Hare Krsna maha71

mantra ay ang yuga dharmma nama, ang pamamaraan sa pag-unawa sa Diyos, lalu na para sa panahong ito ng Kali-yuga. Ang maha-mantra ay nasa lahat ng Puranas, at dooy madalas na nababanggit. Ang mantra na ito ay maaaring bigkasin ng malakas, pausal, o kaya sa isipan lamang. Ito ang bigay sa atin ni Mahaprabhu, para sa lahat ng bumagsak na kaluluwa. Itoy para sa lahat, sa mga karapat-dapat at hindi karapat-dapat. At ang tanging kundisyon upang itoy ating makamit ay sa pamamagitan ng ating pananalig, sraddha mahamantra. Sinasabi sa Padma Purana na mayroong sampung uri ng pagkakasala na dapat nating iwasan habang bumibigkas tayo nang Hare Krsna maha-mantra. At ang pag-iwas din natin sa apat na uri ng namabhasa, ang pag-usal nang wala sa kalooban, dahil ito ang humahadlang sa atin upang hindi tayo makapasok sa lupain ng pagpapala. Ang epekto ng ganitong klaseng panalangin ay kalayaan lamang, kalayaan sa materyal na impluwensya. Ang pag-usbong nang dalawang uri ng maling pagbigkas na ito ay nagmula sa ating damdamin, sa pagiging mapagsamantala at pagwawalang-bahala sa mundo. Kaya dapat ang pagbigkas ng pangalan ay ginagawa bilang paglilingkod habang ang sampung uri ng pagkakasala ay atin namang iniiwasan. Ang Abusuhin ang mga Santo Ang unang pagkakasala ay paglapastangan o pagmamalabis sa mga deboto na sugo sa pagpapalaganap nang kadakilaan at kagitingan ng Supremong Panginoong Krsna. Dahil kapag inabuso at hiniya natin ang Kanyang mga ahente, ang pangalan ay hindi masisiyahan. At tanging ang mga deboto lamang ni Krsna ang tunay na santo, dahil ang hangad nilay eternal na mamuhay lamang. At ang mga taong sumasamba sa mga diyus-dyusan na pawang pang-sarili lamang ang iniisip ay hindi natin dapat itinuturing na mga deboto. Ang ibig sabihin ng santo ay mga Vaishnava, sila ang tunay na deboto ng Panginoon. At lahat ng iba pa, tulad ng mga taong sumasamba sa mga diyus-diyosan ay hindi natin dapat itinuturing na mga santo. At dapat pa nga sila ay ating iniiwasan. Ang mga santo ay mga taong walang ambisyun sa buhay, kundi ang makapaglingkod lamang nang buong pagmamahal sa Supremong Panginoon. Kaya tanging ang mga ahente ng eternal na katotohanan lamang, mga sugo nang di-mapag-aalinlanganang kabutihan, ang maaari nating ituring na mga santo. At silay hindi natin dapat inaabuso. Pagsamba sa mga Diyus-diyosan Ang ikalawang pagkakasala ay tungkol naman sa paniniwala natin sa mga diyusdiyosan, tulad kina Shiva, Shakti, sa diyos-araw, at sa iba pa. Hindi natin sila dapat ituring na katulad o mashigit pa kay Vishnu, o kay Krsna. Silang lahat ay nasa ilalim nang kapangyarihan ni Krsna, at higit na masmababa pa sa Kanya. Silay mga utusan lamang ng Supremong Panginoong Krsna, at lahat nang ginagawa nilay mga pagsunod lamang sa ipinag-utos Niya sa kanila ni Krsna. At kailanmay hindi sila kapantay o higit pa kay Krsna.

72

Ang malugod at kasiya-siyang pag-awit nang Hare Krsna Mahamantra na pinasimulan nang Panginoong Sri Chaitanya Mahaprabhu kasama ang Kanyang mga kasamahan.

Guru: Kasingbuti nang Diyos Ang ikatlong pagkakasala ay ang pagturing sa guru bilang isang tao. Bagamat ang guru kung ating titignan ay tulad sa isang tao, ganunman, dahil sa malinis na hangarin nating makita ang Diyos, ang Panginoon ay pumanaog at humarap sa atin bilang guru, upang pawiin ang pagkauhaw natin sa katotohanan. Kaya pagmasdan natin ang ating guru bilang ahente ng Panginoon. Karaniwan nang sinasabing ang guru ay hindi dapat itinuturing na mortal na nilalalang, dahil noong naghangad tayo na marating ang Kalubusan, siya ay naparito upang tumulong sa atin. Lahat ng nangyayari ay batid nang Diyos, kung kayat kumikilos Siya sa pamamagitan ng isang partikular na ahente na kumakatawan naman sa Kanya, na naparito upang tanggapin tayo at dalhin sa masmataas na lupain. Ayon sa pahayag nang mga banal na kasulatan, ang guru ay kinatawan ng Kalubusan, dahil walang ibang maaaring magpakilala sa Diyos, kundi, ang Kanyang sarili lamang at wala ng iba. Ang katauhan ng Diyos ay makikita natin sa ating gurudeva. Ang Diyos ay naparito upang ibigay ang Kanyang sarili sa atin. Kadalasan ay mga mortal na palatandaan ang nakikita
73

natin sa katawan ng ating espirituwal na maestro, subalit dapat ang ganitong pananaw ay kailangang lagpasan natin. Ang tubig ng Ganges kung ating pagmamasdan ay sadyang napakarumi, subalit ang maruming tubig na itoy kaya tayong linisin kapag tayo ay nadampian. Sa materyal na pananaw, ang mga Imahen ng Diyos ay gawa sa kahoy, sa bato, sa lupa, at iba pa, subalit itoy dahil sa marumi pa ang ating pananaw. Huwag nating isiping Itoy gawa lamang sa materyal na bagay. Dahil naroroon si Krsna, at minsan pa nga nakikita Itong kasa-kasamang naglalakad at nakikipag-usap sa mga debotong may matataas na kamulatan. Kaya huwag nating isiping Siya ay gawa lamang sa materyal na bagay. Kaya kapag nasa harapan tayo nang ating Imahen, huwag nating isiping Siyay pinagmamasdan natin, kundi Siya ang nakatingin sa atin. Dahil naroroon Siya sa lupain na sumasakop sa lahat; at kasama ako sa Kanyang nasasakupan. Higit tayong pinagpala dahil sa Kanyang sulyap tayo ay nagiging malinis. Ganito ang dapat nating maging pananaw. Si Krsna ay pinaslang ng isang mangangaso sa gubat; subalit para sa mga taong walang Diyos, ang ganitong klaseng pangyayari ay pangkaraniwan lamang, subalit ang totooy hindi. Si Sita ay tinangay ni Ravana. Lahat ng itoy palabas lamang, ilusyon lamang. Dahil ang katotohanan ay naroroon sa itaas, nasa transedental na lupain. Kaya, ayon sa mga bihasang transedentalista at nang shastra, tignan natin ang ating gurudeva na higit pa sa nakikita nating taglay niyang mortal na palatandaan. Ang sabi ni Krsna: acaryam mam vijaniyan navamanyeta karhichit na martya-buddhyasuyeta sarva-devamayo guruh Ako Ito, ang iyong acharya. Kaya huwag mong isiping isang ordinaryong tao lamang ang guru mo. Ang bawat himaymay at bahagi nang sarili Ko ay naroroon mismo at naninirahan sa puso ng iyong gurudeva, upang magbigay nang biyaya sa kanyang disipulo. Ang Lapastanganin ang mga Banal na Kasulatan Ang ikaapat na pagkakasala ay shastra ninda; ang paglapastangan sa shastra, sa mga banal na sulatin. Ang tinutukoy dito ay mga banal na sulatin na pumupuri sa kagitingan at karangalan lamang ni Krsna; at hindi nang iba. Kaya huwag nating lapastanganin ang mga banal na sulating ito na nagtuturo nang tungkol sa Diyos at sa Kanyang mga deboto, na nagtuturo naman sa atin nang eternal na kabutihan. Ang Banal na Pangalan ay Diyos na Pumaloob sa Tunog Ang ikalimang pagkakasala ay ang magbigay nang ibang interpretasyon sa banal na pangalan ni Krsna sa pamamagitan ng paghahanap nang ibang kahulugan sa diksyunaryo, sa balarila, at sa gramatika, para sa mga kakaibang kahulugan ng pangalan. Ang pangalan ay transedental. Ang diksyunaryo, balarila, at iba pang aklat na nagtuturo ng materyal na kaalaman ay walang kakayahan upang sumukat o magbigay nang kahulugan sa banal na pangalan ng Diyos. Ang transedental na tunog sa loob ng pangalan ay higit na masmataas [ sabda brahma] kaysa naririnig nating materyal na tunog. Ang pangalan ay ang Supremong Katauhan mismo na
74

malayang nagpasya upang pumanaog dito. Kaya hindi maaaring ihiwalay ang Kanyang sarili sa Kanyang pangalan dahil Ito ay naroroon sa tunog ng Kanyang pangalan. Ang vaikuntha sabda, ang transedental na tunog, ay kakaiba sa lahat nang napakinggan nating materyal na tunog na likha ng ating dila at mga labi. Sa larangan ng medisina, ang mga gamot na pinapatak kung ating titignan animo ay magkakatulad, subalit alam natin na pinakamahalaga sa lahat ang nakapaloob na bisa sa loob ng isang gamot. Itoy parang ganito din. Ang ordinaryong tunog ng banal na pangalan, at ang tumataginting na tunog Nito mula sa isang dalisay na deboto ay nasa magkaibang kapatagan. Magkaiba ang taglay na bisa nilang dalawa. Ang banal na pangalan ay nanggaling sa espirituwal na mundo na pumanaog dito upang ipahayag ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagsayaw sa ating dila. Ang transedental na tunog ng banal na pangalan ay hindi maaaring ihiwalay sa taong kumakatawan sa kanya. Ang ikaanim na pagkakasala ay ang isiping ang mga kadakilaan ng banal na pangalan ni Krsna ay gawa-gawa lamang. Ang Bumigkas nang Banal na Pangalan at Muling Magkasala ay Isang Pagtitiwakal Ang ikapitong pagkakasala ay ang magkasala sa banal na pangalan. Ayon sa naging pahayag nang mga banal na sulatin, ang isang pangalan ng Diyos ay maysapat na kakayahan upang linisin ang lahat ng ating kasalanan, kaya kung magdadasal tayo nang banal na pangalan, subalit tuluy-tuloy parin tayong gumagawa ng kasalanan, itoy isan g malaking kasalanan, lalu na kapag inisip nating isang bigkas lang ng banal na pangalan, lahat ng kasalanan natiy agad nang mawawala, subalit yun ang kanilang akala, dahil wala doon ang pangalan. Hindi Siya tulad ng ibang bagay na maaari nating gamitin; dahil masmataas pa Siya kay maya. At wala doon ang tunay na pangalan. Kaya huwag nating sabihing, Kahit anoy maaari ko nang gawin, tutal kaya naman akong linisin nang banal na pangalan. Kaya nasasaad sa mga banal na sulatin, na kapag itoy ipinagpatuloy parin nating gawin, tayo ay parang nagpakamatay na din. Sa Lahat ang Hare Krsna ang Pinaka-Supremo sa Paglilinis Ang ikawalong pagkakasala ay kapag itinulad natin ang pag-usal o pagbigkas nang mga banal na pangalan sa ibang mabubuting gawain, kagaya ng pagpepenitensya, pagpunta sa mga banal na lugar, pagbibigay ng limos o abuloy, paglilingkod sa bayan, at marami pang iba. Ang mababang pagtingin sa banal na pangalan ng Panginoon, ay isang pagkakasala, dahil ang banal na pangalan ng Panginoon ay mismong kalubusan, samantalang ang ibay, tulad sa mga nabanggit, maliit na bahagi lamang, at walang kakayahan upang mag-isang manindigan. Dito sa loob ng materyal na mundo, ang ibang paraan ay bahagyang nakakatulong lamang; subalit sa pangalan, ang Panginoon mismo ang ipinamimigay. Kaya, sa lahat nang ibat-ibang klaseng paraan ng paglinis sa mga kasalanan, ang pag-awit o pag-usal sa banal na pangalan ay walang katulad. Dahil ito na ang pinaka-supremo at di-mapapantayan. Ipinagbabawal na Ibigay sa mga Walang Pananalig Ang ikasiyam na pagkakasala. Ang pangalan ay hindi natin dapat basta ipinamimigay sa mga taong hindi naman talaga karapat-dapat, sa mga taong walang pananalig sa pagbigkas ng
75

banal na pangalan. Dahil kapag sila ay ating pinilit, may masamang mangyayari sa atin. At ang isa pa, kung hindi naman talaga kayo nakakaramdam nang anumang inspirasyon, huwag na rin kayong tumanggap ng disipulo at magbigay ng harinama, ng pasimulang binyag. At kapag ang pagbibigay ng pangalan sa magiging disipulo ninyoy ginawa ninyong parang isang negosyo, ito ay magiging pagkakasala. Kaya kapag ang pangalan, sa kasakimang gusto nating maging guru, ay kung kani-kanino natin ibinibigay, itoy itinuturing na pagkakasala. Kaya kung wala din naman kayong kapahintulutan mula sa itaas, at nais lamang ninyong maging guru sa hangaring maging sikat at magkaroon ng magandang pangalan, huwag na ninyo itong gawin dahil itoy isang malaking kasalanan. Pabalik sa Diyos Ang ikasampung pagkakasala ay ang sobrang pagka-adik o pagkahilig sa isang partikular na bagay, tulad nang masyadong pagkalinga sa katawan at sa angking-yaman. Itoy tulad sa isang bangka na nakababa ang angkla, na kahit anong sagwan ang ating gawin, hindi parin tayo makalayo, hanggang doon parin tayo sa ating pwesto at nagpapaikut-ikot. Kaya ang dapat nating gawin, iangat muna natin ang angkla ng ating bangka, at nang tayo ay makalayo na. Kaya, huwag nating iangkla ang mga sarili natin sa isang partikular na bagay. Kailangang ibukas lamang natin ang mga sarili natin. At hayaan nating ang pangalan ang magbago sa sistema ng ating kaisipan, kaya kailangang buksan lamang natin ang mga sarili natin at huwag tayong magisip nang masama kung saanman tayo dalhin ng pangalan. Kaya kapag ang mga pagbabagong ito ay ating iniwasan o kaya binalewala at nanatili parin tayo sa kasalukuyang kalagayan sa buhay, ang imbitahin Siya, at pagkatapos ay ating babalewalain lamang, iay pagkakasala na sa pangalan.. Ang pangalan ay hindi na iba sa atin: Siya talaga ang kaibigan natin. At dapat nating pagkatiwalaan. Kaya kapag lubos na nating naunawaan kung ano talaga ang banal na pangalan ni Krsna, at lubos pala ang dala Nitong kabutihan, lubos ang kagandahan, at lubos na kaakit-akit, malalagay tayo sa napakasarap at ka-giliw giliw na kalagayan. At ang pinaka-rurok nang ating buhay ay ating mararating sa pamamagitan nang pag-awit o pagbigkas sa pangalan ni Krsna at ito ang maghahatid sa atin upang makabalik tayo sa Diyos, sa ating tahanan, at hindi sa kung saan-saang bansa lamang. Buong kagiliwan at pagmamahal nating tanggapin ang pangalan. Dahil tanging ito lamang ang pakay ng ating pag-ibig. Siya ay isang kaibigan, at hindi kalaban. Siya ang magdadala sa atin sa ating tahanan; at hindi sa ibang bansa. Ito ang masarap nating tahanan, at Siya ang ating matamis na tagapangalaga. Kaya sa pamamagitan ng ganitong diwa, ipagpatuloy natin ang ating pag-awit at pagbigkas sa banal na pangalan ni Krsna. Ito ang sampung pagkakasala na dapat nating iwasan kapag bumibigkas tayo nang Hare Krsna maha-mantra: Hare Krsna Hare Krsna Krsna Krsna Hare Hare Hare Rama Hare Rama Rama Rama Hare Hare
76

Namabhasa: Ang Bukang Liwayway na Pangalan Sa pagbigkas sa banal na pangalan, mayroong apat na uri din ng namabhasa. Ang ibig sabihin ng namabhasa ay malabong kuneksyon sa banal na pangalan. Ang namabhasa ay hindi pagkakasala subalit itoy wala din sa tema ng paglilingkod, at naroroon lamang sa pagitan nilang dalawa. Itoy nakabase sa pagtalikod sa materyal na gawain, subalit ang ganitong klaseng gawain, ang renunsyasyon ng mundo ay kailangang itapon din natin at dapat pa nga ay maging masigasig tayo sa paglilingkod sa pangalan, na ating kaibigan at maestro. Ang namabhasa ay maaari nating hatiin sa apat na katangian. Ang una ay sanketyam: ang di-tuwirang pagbigkas, na tumutukoy sa ibang bagay, katulad sa kaso ni Ajamila. Si Ajamila ay anak ng isang brahmana. Minsan, itoy nagkaroon nang relasyon sa isang babaeng kaladkarin hanggang sa maging pusakal na magnanakaw, lasenggo at kung anu-anong masasamang bagay ang ginagawa. Hanggang sa dumating na ang nakatakdang panahon, ang pagdating nang kanyang kamatayan. At noong itoy nakahiga at nagdedeliryo, biglang nakita ni Ajamila ang tatlong mensahero ng kamatayan na talaga namang nakakatakot ang mukha, may dala silang lubid na pantali sa leeg at gusto na siyang kaladkarin. Sobra-sobrang takot ang kanyang naramdaman. Subalit bago ito mangyari, naroroon din ang kanyang anak na si Narayan at naglalaro, sigaw ito nang sigaw at humihingi ng tulong, Narayan! Subalit habang itoy kanyang tinatawag ito ang sumagi sa kanyang isipan, Papaano niya ako matutulungan, e siya ay bata lamang? Ano ang kaya niyang gawin sa kamay ng mga halimaw na ito? Wala. Ganunpaman, dahil ka-pangalan ng kanyang anak ang banal na pangalan, Ang Panginoong Narayan ang sumagi sa kanyang isipan. Dahil sa sobrang takot, matapat niyang tinawag ang Panginoong Narayan, at apat na ahente kaagad ang dumating mula sa Vaikuntha. Mahinahon at malumanay nilang kinausap ang mga Yamaduttas, ang mga mensahero ng kamatayan: Sino po ba kayo? Bakit po kayo naparito? Ngayon na po ang huling araw ni Ajamila, kaya naparito po kami. Ang taong itoy labis na makasalanan, pinapunta kami dito nang aming hari, si Yamaraj, ang Panginoon ng kamatayan, upang dalhin siya at parusahan. Alam po ba ninyo kung ano ang ibig sabihin ng dharmma, tungkulin? Oo naman, alam namin. Kung ganoon bakit kayo naririto? Masyado nang malaki ang nagawa nitong kasalanan. Hindi po ba ninyo narinig na binigkas niya ang pangalan ni Narayan? Oo narinig namin. E ano ngayon? Noong nabubuhay pa ang taong ito puro kasalanan ang kanyang ginawa, ang ibig ba ninyong sabihin sa isang pangalan lang ni Narayan la hat nang itoy balewala na? Abay hindi ito maaari.
77

Aah, sa palagay namin ay hindi pa talaga kayo napagsabihan ng inyong maestro. Totoong noong binanggit ni Ajamila ang pangalan ni Narayan, nagbago na po kaagad ang kanyang kalagayan. Hindi na po siya hawak nang inyong maestro. Bakit po, hindi ba niya ito itinuro sa inyo? Hindi, hindi. Hindi namin alam ang bagay na ito. Kung ganoon, bumalik po kayo, at siya ang tanungin nyo. Pinakawalan nila si Ajamila. Dahil sa tindig at kamaharlikahan nang mga mensahero ni Vishnu, nahihintakutang tumalilis kaagad ang mga Yamaduttas. Sabi ni Ajamila, Simula ngayon matututo na ako? Ito ang namabhasa. Ang malabo o di-malinaw na kuneksyon sa banal na pangalan. Itoy bunsod hindi dahil sa pananalig, o sa utos ng guru, kundi dahil sa pagkaka-usal lamang ni Ajamila nang banal na pangalan ni Narayan. Wala talaga siyang planong umusal ng pangalan, kundi itoy aksidenteng sumagi lamang sa kanyang isipan. Ganunpaman, bunga narin ng nagawa niyang kabutihan sa buhay, siyay iniligtas nang namabhasa. At pagkatapos nitoy biglang nagising si Ajamila; lahat nang ginawa niyang kasamaan ay kanya nang natatandaan subalit naisip niyang magbabago na. At pagkatapos nitoy nagpasya siyang magtungo na lang sa Hardwar, kahit kamag-anak wala itong pinagbilinan, kahit sino pa sa kanyang pamilya o kaibigan. At sa lugar na iyon ay matagal itong umusal nang pangalan ni Narayan. At noong dumating na ang takdang panahon, nakita niyang pumapanaog mula sa kalangitan ang apat na Vishnuduttas, sakay nang isang sagradong karuwahe at isinakay na siya upang magtungo na sa espirituwal na lupain ng Vaikuntha. Gawin sa biro ang pag-usal Ang parihasya ay isa pang uri ng namabhasa. Ang ibig sabihin ng parihasya ay pabirong pagbigkas sa pangalan. Minsan kapag tayo ay nagbibiruan ganito ang nasasabi natin, Ow, si Krsna ba talaga ang dinadasalan mo? Minsan kapag nasa kalye ang mga debotong Hare Krsna may mga nagbibiro at nagtatawa, at ganito ang kanilang sinasabi, Hare Krsna, kaya kung ang pag-usal nila ng banal na pangalan ay dahil sa kreditong naimpok nila noong gumawa sila ng mabuti, itoy maaaring maging isang namabhasa. At ang kaya lamang ibigay nang ganitong klaseng pagbigkas ng banal na pangalan ay mukti, kalayaan lamang, at hindi ang pagkakataon na makapasok sa larangan ng banal na paglilingkod. Ang Paggamit sa Pangalan ni Krsna bilang Koda Ang isa pang uri ng namabhasa ay itong stobha: ang paggamit sa pangalan subalit iba naman ang intensyon. Minsan, ang salitang Narayan, o Krsna ay ginagamit para sa isang teknikal na kahulugan, o kaya ginagamit bilang koda. Dati, ganito ang ginawa noon ni Jiva Goswami sa kanyang aklat na balarilang Sanskrit, ang Harinamarta-vyakaran. Sa pagpalo nang tyempo sa
78

pagtugtog ng mrdanga, ang ginagamit nating salita ay gaura nitai, gaura nitai itoy upang lumabas ang ibat-ibang klase ng tunog, subalit itoy namabhasa din. Di-Tuwirang Pagbigkas sa Pangalan Ang isa pang uri ng namabhasa ay itong hela: ang hela ay wala sa isipang pagbigkas ng banal na pangalan. Minsan kapag bumabangon tayo sa umaga, wala sa isipang nasasabi nating Hare Krsna. Ganito ang nasasabi natin dahil minsan ito ay bunga nang ating katamaran. At maaari itong maging isang namabhasa. Maaaring iligtas tayo nito sa kasalukuyang kalagayan natin, subalit hindi upang makapasok tayo sa loob ng Vaikuntha. Dahil debosyunal na paglilingkod lamang ang nakakagawa nito. Isang muslim ang nooy sinuwag ng isang baboy ramo, at napasigaw, Ha ram! na ang ibig sabihin, huwag, masama yan! subalit dahil sa kanyang sukrtti, mga naimpok na kredito dahil sa ginawang mabubuting gawain, ang sinabi niyay naging namabhasa, at dahil sa pagbigkas niya nang banal na pangalan ng Panginoong Rama, kanyang nakamit ang kalayaan. Kapag ang nagawa natiy namabhasa, mukti lamang ang kaya nitong ibigay, at hindi ang pagkakataong tayo ay makapaglingkod. Kapag ang isipan natin ay punung-puno na nang damdaming makapaglingkod, tayo ay itataas nito sa isang maspino at mataas na kalagayan, bukod ditoy wala na. Kaya kapag ang pagbigkas natin sa banal na pangalan ay nahaluan na nang pagtalikod sa lipunan o kaya nagawi sa pagsasamantala, ang minimithi natiy hindi na natin makukuha. Ang pagbigkas sa banal na pangalan ng Diyos ay kailangang isinasagawa sa pamamagitan ng taus-pusong paglilingkod (sevonmukhe hi jivadau). Ano ba ang ating layunin? Ang ibig natin ay makapaglingkod sa Panginoon: Mamatay para mabuhay. Ang ibig natin ay malinis na buhay na punung-puno ng pagsasakripisyo sa buhay; ang ibig natin ay isang mapagbigay na buhay. Ang ibig natin ay mamuhay katulad nang mga taong hindi sumisipsip, kundi nagbibigay, at nagpapaluwal pa. Ang ibig natin ay sibilisadong buhay doon sa lupain ng masmataas na sibilisasyon, kung saan lahat ay pawang nagbibigayan, puro palabas, at walang kumakabig. Doon, ang Diyos ay nasa sentro, lahat silay masayang nagsasama-sama. Likas silang mga sagrado, mga banal. At ang ibig sabihin ng kabanalan ay dedikasyon tungo sa pinakasentro ng lahat ng pagkakaisa, doon sa mabuting kalubusan. Kaya sa pamamagitan ng diwang ito, bigkasin natin ang banal na pangalan, at dapat lahat ng kilos at galaw natin ay para sa debosyun lamang natin kay Krsna. Kaya tahakin natin ang positibong linya ng paglilingkod kay Vishnu, sa mga Vaishnava, kay Krsna at sa Kanyang mga deboto, at sa pamamagitan ng ganitong klaseng pag-uugali bigkasin natin ang banal na pangalan ni Krsna.

79

Ayon sa naging tagubilin sa amin ni Srila Prabhupada Bhakti Siddhanta Saraswati, nang aming Banal na Maestro, ang japa-mala natin ay hindi dapat ginugutom, malika upabasa na, at madalas ang sabi niya sa amin hanggat maaari mangaral kami. Srila Sridhar Maharaj.

80

11
Ang Serbisyo Ng Banal na Pangalan
Estudyante: May isa po akong katanungan tungkol sa pagbigkas nang Hare Krsna mantra sa ating rosaryong pandasal, (japa-mala). Ako po ay naatasan nang aking maestrong pangespirituwal na mangaral, kaya minsan, sa dami nang aking ginagawa, sa halip na sa japa-mala nakatuon ang aking isipan, ang pumapasok sa isipan ko ay ang mga gawaing iniatang sa akin. Srila Sridhara Maharaj: Binigyangdiin noon ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur na ang kirttan ay hindi lamang malakas na pag-awit ng banal na pangalan, kundi ang mangaral din. Ipinaliwanag noon ni Jiva Goswami ang kahulugan ng sankirttan, bahibhir militva yat kirtanam tad eva sankirtanam: Kapag nagsama-sama ang maraming tao upang purihin ang Supremong Panginoong Krsna, ang tawag dito ay sankirttana. Si Sri Chaitanya Mahaprabhu ay naparito at ipinakilala ang sankirttana. Dito sa panahong ito ng Kali, kapag ang banal na pangalan ng Panginoon ay sama-samang inaawit, itoy pinagpapala (sango sakti kalau yuge). Mayroong kaibahan sa pagitan ng misyon ng pangangaral ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur, at sa mga tinatawag na bhajan nang mga sahajiyas, ng mga huwad. Minsan isang Kapatid ko noon sa Pananampalataya ang pinagalitan ng aming Guru Maharaj. Mabuting tao din ito, kaya lamang ang gusto niyay puro nama bhajan lamang. Ayaw niya nang ibang serbisyo, at ang gusto ay bumigkas lamang ng pangalan ni Krsna sa kanyang pandasal na rosaryo. Noong mga panahong iyon, ako pa ang humahawak sa templo namin sa Delhi, matalik kaming magkaibigan, minsan sumulat ako kay Prabhupada: Kung pahihintulutan po ninyo ako, gusto ko po sanang isama ang Kapatid kong ito sa Pananampalataya sa gawain ng pangangaral dito sa templo natin sa Delhi. Ang sulat na iyon ni Srila Prabhupada ay nasa akin pa hanggang ngayon. Ganito ang naging sagot niya sa akin, Kung mahahatak mo siya upang matulungan ka niya sa pangangaral, ito lang ang masasabi ko, ikaw ay tunay nga niyang kaibigan. Dahil hindi ko kinikilala na isang krsnanusilanam, o tamang paglinang ng kamalayan kay Krsna, ang kanyang pag-upo upo sa gubat ng Balihati para lamang umusal at magdasal. Ang Pangangaral ay Isang Pakikipaghamok Kaya, ang ibig sabihin ng kirttan ay pangangaral, sravanam, kirtanam. Hindi lamang malakas na pag-awit ang ibig sabihin ng kirttan, kundi pangangaral din. At ang pangangaral ay nangangahulugan nang isang pakikipaglaban sa kabilang partido. Ang kirttan ay isang pakikipaghamok. Ang kirttan ay lumilikha nang isang sagradong taginting na lalaban sa lahat ng iba pang ordinaryong taginting na pino at magaspang na lumulutang-lutang dito sa mundong ito. Kaya nga ang sabi sa amin ni Prabhupada hindi natin dapat gutumin ang ating rosaryong pandasal na tulasi. Ang sabi niya, kahit na isang beses isang araw lang ay maglingkod ka sa pamamagitan nang pag-usal ng Hare Krsna sa mga pandasal na rosaryo natin. Ang eksaktong
81

sinabi niya ay, malika upabasa na: Hindi dapat magutom ang mga rosaryong pandasal natin. At ang pangkaraniwan niyang bilin ay mangaral hanggat maaari. Minsan ay nakausap ko ang isang malaking espirituwal na lider sa Templo ng Udipi sa Madras. Ganito ang sabi niya sa akin noon, Minsan ay nangangaral din ako tungkol kay Madhvacharya at sa kultong bhakti, subalit wala akong panahon sa saddhana, (mga reglamento sa espirituwal na gawain katulad ng japa, gayatri mantra, mga pag-aaral ng mga banal na sulatin, at marami pang iba). Ditoy sinuportahan ko siya. Dahil sabi sa amin ng aming guru maharaj ang hari-katha, ang pangangaral nang tungkol kay Krsna ay kasing halaga din ng saddhana. At higit pa itong maybuhay. Ang pangangaral ay higit na mahalaga. Dahil kapag nangangaral tayo, doon nakatuon ang isipan natin. Samantalang, kapag umuusal naman tayo sa ating pandasal na japa, minsan lumilipad ang ating isipan. At dapat kapag nagsasalita tayo nang tungkol kay Krsna, doon nakatuong ang ating isipan. Dahil kung hindi, mali ang sasabihin natin. Kaya dapat, kapag nagsasalita tayo nang tungkol kay Krsna, ang isipan natin ay nakatuon din kay Krsna. Maging sa pagsusulat, dapat ay higit na maging maingat tayo sa ating sinusulat kaysa mga sinasabi tungkol kay Krsna. Kaya, ang pagsusulat ay matatawag na kirttana din. At higit na maigting ang paglinang sa kamalayan kay Krsna kapag tayo ay nagsusulat nang tungkol kay Krsna. Deklara ng Gaudiya Math: Digmaan laban kay Maya Kaya, ang misyon ng pangangaral ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur, ang Gaudiya Math, ay nagdeklara nang lubusang pakikipagdigmaan laban kay maya, laban sa ilusyon, at maging sa lahat nang iba pang konsepto ng relihiyon. At ang kapangyarihan natin ay mula sa Srimad Bhagavatam at kay Sri Chaitanya Mahaprabhu. Ang pinaka-supremong hantungan ng bawat kaluluwa ay banal na pag-ibig. Ang kagandahan at pag-ibig ang pinakasummum bonum, ang pinakamataas na hantungan; ito ang pinaka-ultimong prinsipyong kumokontrol, at hindi lakas o anumang kapangyarihan. At ang kagandahan at pag-ibig ay makikita nating nasa pinakamataas na kalagayan, doon kay Krsna, sa Vrndaban. Ang pinakaultimong konsepto tungkol sa Di Mapasusubaliang Katotohanan ay magandang katotohanan at sagradong pag-iibigan. At kaalinsabay din nito, dapat malinaw nating nauunawaan ang pagitan ng pagnanasa at pag-iibigan. Hindi tayo dapat na magkamali dito. Ang pinaka-rurok ng dedikasyon ay ipinakita sa pamamagitan ng pagmamahalan nang mamamayan ng Vraja. Kaya, ang pangangaral (sankirttan) at hindi pagrorosaryo sa ating mga pandasal (japa), ang tunay na serbisyo kay Krsna. Subalit dahil nangako tayo, at dahil narin sa ipinag-uutos ito ni Mahaprabhu at ng ating gurudeva, kailangang umusal tayo ng banal na pangalan sa ating rosaryong pandasal; dahil itoy tungkulin natin. Sabi nga sa amin ng aming guru maharaj, Hindi dapat magutom ang ating japa, ang ating pandasal. Kaya, kapag nangangaral tayo, walang-dudang sinusunod din natin ang kautusan ni Mahaprabhu. Bagamat sinabi sa amin nang aming guru maharaj na umusal nang isangdaang libong pangalan, o mga animnaput-apat na ulit paikot araw-araw sa aming mga pandasal, itoy kasabihan lamang. Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang diwa ng paglilingkod. Walang nagsabi sa atin na nagdadasal ang mga gopis gamit ang pandasal na tulasi, subalit naroroon sila sa pinakamataas na kalagayan, naglilingkod kay Krsna sa Vrndaban.
82

Inihayag ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur ang kanyang ganap na pakikidigma laban kay maya, sa ilusyon, at sa lahat ng iba pang konsepto ng relihiyon sa mundo gamit ang dalisay at purong konsepto nang kamalayan kay Krsna.

Direchong Viaje ng Tren tungong Vrndaban Kaya, malaki ang maitutulong sa atin ng krsna nama patungo sa Vrndaban. Naroroon ang kahalagahan nito. Katulad ng isang mabilis na tren, walang hintuang dadalhin tayo nang banal na pangalan ni Krsna sa ating patutunguhan. Kapag ang pagbigkas natin sa banal na pangalan ay walang kaakibat na anumang kahilingan, Bigyan mo ako nito, pahingi niyan, itoy parang
83

isang espesyal na tren na walang hintong tatakbo patungo sa Vrndaban. Dahil doon sa Vrndaban ay wala kang makikitang anumang dumi ng karmma at jana. Simple lamang ang iniisip nang mga deboto sa Vrndaban, Si Krsna lamang ang tanging gusto ko. Ewan ko kung ano ang mabuti at masama. Basta ang gusto ko ay si Krsna lamang. Estudyante: Ano po ba ang sabi sa inyo nang inyong guru maharaj, ilang ulit daw po ba ang dapat usalin nang kanyang mga disipulo sa kanilang rosaryong-pandasal sa araw-araw? May tinakda po ba siyang bilang? Srila Sridhar Maharaj: Kadalasan ang sabi niya bumigkas nang mga dalawamput-limang libong pangalan, mga labing anim na ulit ito sa ating rosaryong-pandasal, at ito ay araw-araw na ginagawa, o kung hindi naman, kahit apat na paikot lamang bilang pinakamababang bilang. Kung wala kayong masyadong ginagawa, maaari kayong umusal nang isangdaang libong pangalan, mga animnaput-apat na ulit paikot sa ating pandasal. Estudyante: Sa palagay po ba ninyo ay maaaring bigyan din nang pasimulang-binyag ni Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur ang deboto na kaya lamang bumigkas nang apat na ulit arawaraw? Kalidad at Hindi Dami ng Bilang Srila Sridhar Maharaj: Walang ganito. Bilang pormalidad, dapat tayong magbilang, subalit dapat wala itong takda kung ilan ang bilang. Ang nais lamang niya ay maging maigting ang ating gawain sa paglilingkod sa Panginoon, sa ilalim ng pangangasiwa nang isang Vaishnava, dahil serbisyo ang pinakamahalaga sa lahat, paglilingkod. Dahil walang nagsabi na kapag dinamihan natin ang bilang nang ating pagdadasal, agad tayong makakarating sa ang ating patutunguhan; ang rurok ng tagumpay ay atin lamang mararating kapag mataas na ang kalidad o katangian ng ating mga panalangin. Matatagpuan natin sa mga banal na sulatin ang ibat-ibang salawikain at ibat-ibang pamamaraan upang higit nating maunawaan ang banal na pangalan, subalit isang pinakamahalagang kaisipan ang ibinigay sa atin ni Srila Rupa Goswami. Isang sipi ang kanyang binanggit mula sa Padma Purana: atah sri krsna namadi na bhaved grahyam indriyaih. Ang mga pandama natin, ang katawan natin at mental na kaisipan, ay walang kakayahan upang pumunta sa transedental na lugar. Ang pangalan ay hindi materyal (aprakrta), Itoy hindi tulad sa mga materyal na bagay na may limitasyon (vainkutha). Itoy mula pa ibang planeta. Kaya, walang anumang bagay na tungkol kay Krsna, sa Kanyang pangalan, porma, mga katangian, o mga naging aliwan ang maaaring dampian nang ating pisikal at mental na pandama. Subalit sa sandaling handa na tayong maglingkod, ayon sa Kanyang kagustuhan, Malaya Siyang papanaog sa atin. At doon pa lamang maaaring bigkasin ng ating dila ang pangalan ni Krsna. Dahil kung hindi, tanging ang pisikal na tunog lamang nang mga letra ng pangalan ang masasambit natin. Ang ating dila, mga kamay, pisikal na tunog, ang lahat ng materyal na bagay na ito ay hindi maaaring makalapit kay Krsna. Kailangang may pumapagitna upang makakunekta ang materyal na katawan natin sa bagay na lagpas-materyal. At ang kuneksyong ito ay ang taimtim na damdamin nating makapaglingkod kay Krsna, ang bigyan Siya nang kasiyahan. Hindi iilaw ang isang bumbilya kapag walang kuryente. Itoy iilaw lamang kapag naka-kunekta na sa kuryente. Kaya, ang pangalan ni Krsna ay maaaring naroroon at sinasambit nang ating dila, naririnig ng
84

ating tainga, naroroon sa ating isipan, sa mga sinusulat natin, subalit kailangang magkaroon muna tayo nang kuneksyon mula sa Vaikuntha patungo sa materyal na mundong ito. At ang kuneksyong ito ay ang debosyunal na paglilingkod, na kumikilos at gumagalaw. Tanging ito lamang ang paraan upang makaugnay ang pisikal na katangian natin sa Vaikuntha at sa Vrndaban. Pagpapaputok nang mga Blankong Mantras Si Krsna ay magpapakita lamang ayon sa Kanyang kagustuhan. Siyay bababa sa inyong dila, at kapag Siya ay naroroon na doon pa lamang ninyo maaaring bigkasin ang Kanyang pangalan. Kapag nagpaputok tayo ng baril subalit blangko ang lamang bala, malakas na putok lamang ang maririnig natin, dahil wala talaga itong bala. Tulad din nito, ang pag-awit o pag-usal sa pangalan ni Krsna na walang kaakibat na pagseserbisyo sa Kanya ay hanggang tunog lamang, hanggang dila lamang. Itoy tulad din ng pagpapaputok ng blankong bala. Dapat kapag binibigkas natin ang pangalan ni Krsna, ito ay may kaakibat na damdaming makapaglingkod sa Kanya, damdaming bigyan Siya nang kasiyahan. Dahil kung hindi, ang likhang tunog nito ay huwad. Itoy huwad at panggagaya lamang, nambubulabog lamang. Dahil ang banal na pangalan ay hindi maaaring damhin nang ating mga pandama. Itoy lagpas-isipan at transedental. Ang isang ordinaryong tunog sa materyal na mundong ito ay hindi maaaring maging pangalan ni Krsna. Hindi madidinig ng ating tainga ang pangalan kung ang taga-pamagitnang ito, ang ating damdamin na makapaglingkod sa Kanya, ay wala. Kailangang pumagitna muna sa pagitan ni Krsna at ng ating tainga patungo sa ating isipan ang taimtim na damamdaming magbigay ng kasiyahan sa mga kagustuhan ni Krsna. Nang sa ganooy pumasok sa ating tainga ang pangalan ni Krsna at ilahad sa atin ang Kanyang kaanyuan, mga katangian, mga naging aliwan. Ang banal na pangalan ay hindi pisikal, itoy aprakrta, transedental, lagpas-materyal. Tanging sa pamamagitan lamang ng ating damdaming makapaglingkod itoy papanaog sa materyal na mundong ito. Masbinigyangdiin ng aming guru maharaj ang paglinang nang damdaming makapaglingkod sa Kanya. Dahil kung hindi, ang lahat ng itoy magiging pawang huwad lamang, magiging imitasyon lamang. At sasabihin sa atin ng mga tao, Aah, wala dyan si Krsna. Ang mga taong itoy ipokrito lamang. Puro ingay at pagsayaw -sayaw lang, wala sa kanila ang espiritu ng paglilingkod. At tanging sa pamamagitan lamang ng paglilingkod direkta nating makokontak si Krsna. Ang punto dito ay kung papaano natin maaabot ang diwa ng paglilingkod, ang vaishnava seva. Ang mga vaishnava ay naglilingkod, at ito ang dapat nating matutuhan sa kanila, ang mga pamamaraan kung papaano natin mararating ang damdaming makapaglingkod. Kaya ang mga pamamaraang ito, kung papaano natin maibibigay ang ating mga sarili ay ating matututuhan sa ilalim ng isang deboto. Dito, mahalaga ang mga pagpapakasakit at dedikasyon ng mga sarili natin. Dahil ang positibong bagay na itoy nakukuha lamang sa isang deboto. Sa simula, kapag binigyan natin ng papel at panulat ang mga bata, itoy kanilang nasasayang lamang, kaya sa halip na lapis, bato na lang muna, at doon sa lupa unang nagsasanay sa pagsulat. Kaya, sa simula, kailangang magpraktis muna tayo kung papaano magkaroon nang damdaming makapaglingkod, at maging ugali ang maglingkod. Ang mga bagay na itoy likas talaga nating yaman, at ito ang magiging kasiyahan natin.
85

Kaya kapag handa na talaga kayong maglingkod, isang dalisay na deboto ang tutulong sa inyo. Ayon sa kasabihan, ang taong maramot kahit basura ipinagdadamot. At ang sabi sa mga ganitong klaseng tao, sa mga mararamot, Matutuo kang mamigay kahit abo, turuan mo ang mga kamay mo. Kaya, ang diwa ng paglilingkod ay isang napakataas na bagay. Kaya sanayin nating ibigay ang mga sarili natin sa paglilingkod kay Krsna. Huwag tayong mangamba dahil baka hindi natin marating ang pinakamataas na porma ng paglilingkod sa namabjahan, sa pagsamba sa banal na pangalan. Hindi dapat maging ganito ang ating isipan, bakit ba ako pinagwawalis dito sa templo? Maaari naman itong gawin nang ibang tao. Huwag kayong matakot. Mahalagang magkaroon tayo ng pag-uugaling maglingkod. Ditoy kailangan ang pagpapakasakit, ang pag-aalay nang sarili at ang paglimot sa kapakanan ng ating sarili. Sinasabing si Socrates daw ang isang halimbawa ng paglimot sa kapakanan ng sarili at si Hesu-Kristo ang halimbawa naman ng pagsasakripisyo. Para kanino? Para sa Supremo. At ditoy kailangan natin ang positibong kuneksyon sa isang deboto. Sa ilalim ng kanyang tagubilin tayo ay makikipag-ugnayan sa kapatagan ng paglilingkod. Dahil sa pamamagitan lamang ng kanyang pagpapala o tulong makakapunta tayo sa transedental na kapatagan. Kaya, ayon sa aming guru maharaj, si Srila Bhakti Siddhanta Saraswati Thakur, inilatag niya ang siyamnapung porsiyento sa paglinang nang pag-uugaling makapaglingkod para sa ating pangangaral, at ito ang dapat nating maging layunin, kahit maging ano pa ang kalagayan natin.

86

12
Ang Nektar Ng Banal na Pangalan
Hindi lamang tunog nang banal na pangalan ni Krsna ang mahalaga, kundi maging ang Kanyang tamang kahulugan, ang sustansyang Kanyang nilalaman, ang diwa ng Kanyang tunog. Sa nama-aparadha, sa makasalanang pagbigkas ng pangalan, tanging ang pisikal na aspeto lamang ng banal na pangalan ang nakaharap, at hindi kailanman ang tunay na pangalan. Dahil ang tunay na pangalan ay espirituwal. Namaksara bahiraya batu nama kabu naya: ang tunog ng letra sa pangalan kailanmay hindi tunay na pangalan. Ang bagay na itoy naipaliwanag na sa Prema-vivarta ni Jagadananda Pandita, itoy isang aklat na punung-puno nang pilosopikal na paniniwala tungkol sa kamalayan kay Krsna. Itoy inilathala at iniayos ni Bhaktivinoda Thakur. Doon ninyo makikita ang talatang ito: namaskara bahiraya batu nama kabu naya, na ang ibig sabihin, huwag nating isiping si Krsna na agad ang nadidinig natin sa tunog ng Kanyang pangalan. Kahit doon sa namabhasa, sa bukang liwayway ng pagbigkas sa banal na pangalan ni Krsna bago dumating sa dalisay at walang pagkakasalang pagbigkas, bagamat naririnig natin ang tunog ng pangalan ni Krsna, ang sustansyang nasa loob nitoy wala. Mukti lamang ang kayang ibigay nang namabhasa, kalayaan mula sa negatibong bahagi, kalayaan mula sa materyal na mundong ito. Dahil dito sa materyal na bahaging ito, wala tayong makikitang kahit anumang bakas nang partisipasyon sa positibong bahagi, doon sa espirituwal na mundo. Dahil wala dito ang banal na pangalan. Ang banal na pangalan ni Krsna ay isang positibong bagay, kaya kung nais natin talaga nang banal na pangalan, kailangang pumasok muna tayo sa loob ng positibong daigdig. Samakatuwid, papaano natin madadampian ang pangalan kung tayo ay naririto sa negatibong bahagi? Dahil ang sabi, kalayaan lamang ang kayang ibigay nang namabhasa, at hindi partisipasyon sa lupain ng debosyon. Kung ganoon, wala pala sa namabhasa, ang tunay na pangalan ni Krsna. Ang mga Hiyas ng Vedas Hindi lahat ay sumasamba sa banal na pangalan, kundi may mga ilang partikular na grupo lamang ng kaluluwang naging malaya na. Ganito ang sinulat ni Srila Rupa Goswami sa kanyang Namastakam (1): nikhila-sruti-mauli ratna mala dyuti nirajita-pada-pankajanta ayi mukta-kulair upasyamanam pritas tvam hari-nam samsrayami
87

Larawan ni Srila Rupa Goswami na ginuhit noong ikalabing-anim na siglo. Ayon sa paglalarawan nang Sri Chaitanya-charitamrta, Siya ang eksaktong replica nang katauhan ni Sri Chaitanya Mahaprabhu. Siya ang may-akda nang mahigit sa isandaang libong talata tungkol sa mga naging tagubilin ni Mahaprabhu.

88

O Banal na Pangalan! Ang dulo ng mga daliri Mo sa Lotus Mong paa ay eternal na sinasamba nang nagniningningang sinag mula sa mga hiyas na kabanata ng Upanishads, ang taluktok nang mga hiyas ng Vedas. Ikaw ay eternal na sinasamba at inaawitan nang mga magigiting at malayang kaluluwang tulad nina Narada at Sukadeva Goswami. O Hari nama! Lubusan lamang akong makakasilong sa Iyo kapag naging malinis na ang sarili ko at wala nang kasalanan. Ayon kay Rupa Goswami napakaraming malayang kaluluwa ang sumasamba sa banal na pangalan ni Krsna, at nag-aalay nang kanilang mga paggalang. Ayon sa kanyang paliwanag, maaaring wala sa mga ordinaryong banal na aklat ang mga kadakilaan ng banal na pangalan, subalit kapag ang lahat ng itoy inyong pinag-aralan, makikita din ninyo sa loob nang mga banal na aklat na ito ang pinaka-diwa ng banal na pangalan. Ang kaalamang itoy maaaring hindi abot nang mga ordinaryong tao, subalit may mga taong sadya talagang nakakakuha ng Kanyang tunay na sustansya, ang tunay na layunin nang napakalawak at makapal na sulatin, dahil nakikita nila sa kabuuan ang mga kadakilaan nang banal na pangalan sa lahat ng pangunahing banal na aklat na Vedic. Mala-gubat naTunog Ang mga bagay tungkol sa banal na pangalan ni Krsna ay nakapaloob at ipinapahiwatig sa mga pangunahing koda ng sruti, sa Vedas. Ang ibig sabihin ng sruti ay sabda: ito ang mga bagay na ating naririnig, itoy isang anyo ng tunog na nagmula pa sa itaas ng hayag na katotohanan. Ayon sa Vedas, ang supremong realidad ay maaari lamang nating marating sa pamamagitan ng tunog. Maliban sa paraang itoy isa nang pagpapatiwakal. Kaya kung ang katotohanan ay hindi natin maaaring makamit sa pamamagitan ng tunog, anong silbi nang kahalagahan ng Vedas na isa lamang paglalarawan nang mga pinagsama-samang tunog? Samakatuwid, kapag nasundan na natin ang bakas ng Kanyang tunay na katangian, makikita din natin ang sinasabi ng pangunahing Vedas na ang Panginoon ay ating mararating sa pamamagitan ng paglilinang ng tunog na ito. Samakatuwid, ang bagay na itoy mauunawaan lamang natin sa pamamagitan ng tunog (sabda pramanam). At tanging sa pamamagitan lamang ng tunog maaari tayong ihatid sa katotohanan. Ito ang sabi sa atin ng Vedas, dahil kung hindi, ang tunog ay magiging parang mga mala-gubat na kalipunan lamang nang mga walang-silbing tunog. Ang sruti ay mga bagay na maaaring makamit sa pamamagitan ng ating tainga, at ang tunog na ito ay ang di mapag-aalinlanganang kalubusan. Ang mga srutis ay naparito upang sabihin sa atin na tanging sa pamamagitan lamang ng tunog maaari nating marating ang pinakamataas na layunin ng buhay. Ganito ang sinasabi sa atin ng mga pangunahing koda (sutras) ng sruti: nikhila sruti mauli ratna mala. Ang ibig sabihin ng mauli ay mga pangunahing banal na aklat. Silay katulad ng napakaraming hiyas o mga ikinukwintas na alahas. Dahil sa kanilang kaningningan, ang lotus na paanan ng banal na pangalan ay nahayag. Tulad nang kapag tayo ay nag-a arati, sa pag-aalay natin nang lampara, malinaw nating naipapakita sa mga ordinaryong-tao ang Imahen ng Panginoon, at ganun din ang mga pangunahing srutis, tinutulungan din nila tayo sa ating paniniwala: na tanging sa pamamagitan lamang ng tunog maaari nating makapiling ang Supremong Panginoon. Ayon kay Rupa Goswami kung susuriin nating mabuti ang mga kahulugan nito, mapapansin nating ipinapakita pala nang pangunahing srutis ang lotus na paanan ng banal na
89

pangalan, katulad ng pagsasagawa nang arati, na ipinapakita nang lampara ang pigura ng Panginoon. Lahat tayo, kadalasan ay may pangkalahatang konsepto tungkol sa mga Imahen, subalit sa tulong ng isang lampara, makikita natin ang isang partikular na konsepto ng ibatibang bahagi ng katawan ng Panginoon. Katulad din nito, ipinapakita ng pangunahing srutis, sa pamamagitan ng kanilang liwanag, ang masmababang bahagi ng banal na pangalan ni Krsna. Sila ang nagiging gabay natin at tumutulong sa atin upang maunawaan ang kahit kaliit-liitang bahagi ng Kanyang banal na pangalan, mula sa konseptong nagsasabing ang pangalan ang siyang lahat-lahat, na isang di-malinaw na konsepto ng paniniwala. Ayon kay Rupa Goswami, lahat nang tunay na malayang tao ay nakapaligid sa banal na pangalan ni Krsna, nag-aalay ng kanilang mga papuri at sa Kanyay sumasamba. At ganito ang kanyang naging mga panalangin, Sa pamamagitan ng kaisipang ito, akoy sumisilong sa banal na pangalan ni Krsna. Napakahirap talagang unawain ang tunay na kahulugan ng Vedas. May mga taong nagsasabing, Hindi naman sinasabi sa Vedas ang pag-awit o pag-usal nang Hare Krsna ah. Minsan pa nga ang pangalang Krsna ay tumutukoy sa pangalan ng isang demonyo. Kaya, bakit kailangang magdasal o umusal pa tayo nang pangalan ni Krsna? Ganito ang makikita nating talata sa Vedas (sa Chandogya Upanishad 8.13.1): syamac chavalam prapadye savalac chyamam prapadye Sa tulong nang itim (syama) mauunawaan natin ang paglilingkod ng puti (savala); sa tulong naman ng puti (savala), mauunawaan din natin ang paglilingkod ng itim (syama). Ano ang kahulugan ng talatang ito? Ayon sa paliwanag nang mga Acharyas natin ang kalubusan ay mauunawaan lamang natin sa pamamagitan ng tulong ng lakas at sa may tangan nitong lakas. Ang ibig sabihin ng syama ay Krsna, na ang ibig sabihin ay maitim, at savala, maputi, na nangangahulugang si Radharani. Kaya, sa tulong ni Radha, makakamit natin ang serbisyong Krsna, at sa tulong naman ni Krsna, ating makakamit ang serbisyo ni Radharani. Ang Diyos sa pamamagitan ng isang Tunog Kaya, ayon kay Rupa Goswami, ang mababaw na pag-aaral ng Vedas ay mauuwi lamang sa ating kasawian. Subalit kung itoy ating gagawin sa pamamagitan ng positibong isipan, sa pamamagitan ng pagpapala nang mga saddhus, ng mga acharyas, at ng mga mahajanas, mapapansin nating tayoy nagagabayan pala nang mga pangunahing srutis tungo sa konsepto ng paniniwalang ang layon ng lahat ng Vedic na tunog ay nasa pinakasentrong tunog na ito: walangiba kundi sa banal na pangalan ni Krsna. Napakaraming bahagi sa Vedas ang naririto upang maghatid sa atin ng balita tungkol sa lupain ng kalubusan, subalit dapat may tinutukoy itong sentro. Kaya, ang mga pangunahing tunog ay katulad ng mga sulo na nagbibigay liwanag, nagpapakita sa pinaka-sentro ng tunog na kumakatawan sa supremong kabuuan, at itoy si Krsna. Napakaraming malayang kaluluwa ang nasa paligid nito, nag-aalay nang kanilang paggalang sa pangalan ni Krsna, ang pinaka-sentrong tunog na pinagmumulan nang lahat ng mantra ng Vedas, at nagbibigay ng kahulugan sa aspeto ng tunog nang pinaka-sentrong kalubusan. Ito ang naging pahayag ni Rupa Goswami.
90

Ang lahat ng sangay ng Vedas ay pawang mga tunog, at napakaraming tunog na nagmula sa pinaka-sentro. Subalit iisa lamang ang kanilang itinuturo. Para sa mga taong may tunay na pananaw, wala silang ibang naririnig sa Vedas kundi doon sa itinuturong pinakabukal ng tunog, Sige! Doon kayo tumakbo sa gawing iyon! Lahat ay nandoon na at doon lamang ninyo makikita. Lahat tayoy bahagyang kumakatawan sa napakaraming bagay subalit tayong lahat ay may kinikilalang sentro, nag-iisang bukal na pinanggagalingan nang lahat ng ito. Doon kayo pumunta dahil naroroon sa gawing iyon ang tunog na makapagpapaligaya sa inyo at naroroon sa lugar na iyon ang iba pang aspeto ng tunog at doon ninyo ito malalaman. Ang pinakamahalaga sa lahat ay ang banal na pangalan ni Krsna; ang pangalan Niyay hindi kakaiba sa Kanyang sarili. Dahil Itoy kumakatawan sa kabuuan. Sabi nga ni Rupa Goswami, O Banal na Pangalan, ako poy sumisilong sa ilalim nang Iyong lotus na Paanan. Ikaw ang pinaka-malaki, pinaka-sentrong tunog na nagdidikit sa lahat ng iba pang tunog sa mga hayag na banal na aklat. At ganito naman ang naging pahayag ni Sanatana Goswami, ang maestrong pangespirituwal ni Rupa Goswami: jayati jayati namananda rupam murarer viramita nija dharma dhyana pujyadhi yatna katham api sakrdattam muktidam praninam yat paramamrtam ekam jivanam bhusanam me Maging matagumpay sana ang kalugud-lugod na kasiyahan sa kanyang paglilingkod sa sagradong pangalan. Kung ang tunog na itoy mapapasa-atin lamang, nama rupam murareh, ang lahat ng iba pang gawain natin ay agad nang mapaparalisa; lahat ng iba pang gawain ay mawawalan nang saysay. Kaya kapag ang paglilingkod sa sagradong pangalan ni Krsna ay ating narating, lahat ng iba pang gawain ay mababalewala nang lahat. Ang dharmma ay gawain ng mga karmmis, nang mga materyalistang manggagawa. Ang ibig sabihin naman ng dhyana ay pagreretiro sa materyal na mundong ito at pagsasagawa ng meditasyon o saloobing pagninilay-nilay, ang pagtuklas sa panloob na mundo. Kaya kapag ang dalawang gawaing itoy nakaramdam na nang kalugud-lugod na kasiyahan upang makapaglingkod sa banal na pangalan, itoy agad nang hihinto at napaparalisa. Sa sekta nang mga Ramanuja ang sinasamba nila sa Vaikuntha ay sina Laksmi-Narayan at ito ay ginagawa nila sa paraan ng kasaganahan at pagpipitagan. At dahil sa kalugud-lugod na nadaramang kasiyahan bunsod ng banal na pangalan, ang ganitong gawain ay agad na natitigil na. Kaya sinumang makakatanggap nang tunay na pagpapala ng sagradong pangalan ni Krsna ay ganap na magreretiro sa lahat nang aspeto ng pagbabago nang ibat -ibang uri ng pananampalatayang nabanggit, tulad ng varnasrama dharmma, o mga gawain sa lipunan, ng dhyana, mga pagninilay-nilay nang mga janis (ng mga taong mahilig makipagsapalaran) at mga yogis, at ganun din sa gawain ng puja, ang marangyang pagsamba tulad nang ginagawa nila sa Vaikuntha, matapos tayong maging malaya sa materyal na kabuhayan, na umaakit sa mga tagasunod sa sampradaya ni Ramanuja. Kaya doon tayo mismo dadalhin nang banal na pangalan sa Goloka, doon mismo sa lugar ni Krsna, kung saan sa lugar na iyon, ganap nating inireretiro o
91

ipinagpapahinga ang mga sarili natin sa lahat nang nabanggit na gawain nang ating sagradong kabuhayan. Wala na tayong gawain, bagamat itoy isang gawain din para kay Krsna. Ang ginagawa nating meditasyon at mga pagbabakasakali, at maging ang pagsasagawa ng puja, ang marangyang pagsamba at marangal na pagpipitagan ay kailangan nang bitawan. Lahat ng itoy ipatitigil na nang banal na pangalan, at doon ay mararanasan natin ang labis na katamisan sa pagusal o pag-awit sa banal na pangalan ni Krsna, kaya lahat ng iba pang gawain ay magiging balewala na sa atin. Kapag talagang nasa atin na ang tunay na aspeto ng tunog na ito ng kalubusan, ang lahat nang iba pang kaaya-ayang gawain at mga pagsisikap ay ganap na mapaparalisa na. At hindi na natin muling gagawin. Dahil tanging ang pag-usal nang pangalan na lamang ang magiging gawain natin. At pagkatapos, ang ibang gawain, kung tayo man ay Kanyang (ng banal na pangalan) pahihintulutan ay maaari nating gawin. Ganito ang kapangyarihan ng (Kanyang) pangalan, itoy may mataas na kapangyarihan na kayang bumighani sa atin at pumigil sa lahat ng iba pang sangay ng gawain. Nais kong Magkaroon nang Milyun-Milyong Tainga! Doon sa mga sinulat ni Rupa Goswami makikita natin ang talatang ito: tunde tandavani ratim vitanute tundavali-labdhaye karna-kroda kadambini ghatayate karnarbhudebhyah sprham cetah prangana-sangini vijayate sarvendriyanam krtim no jane janita kiyabdhir amrtaih krsneti varna-dvayi Kapag ang banal na pangalan ni Krsna ay pumanaog at binihag ang ating dila at mga labi, itoy matibay Niyang hahawakan at Kanyang ipapa-awit ang banal na pangalan na para bagang ang labi at dilay nababaliw sa pag-awit at pag-usal nang banal na pangalan. At sa paraang ito, kapag ang kapangyarihan ng banal na pangalan ay pumapanaog na, mararamdaman ninyong hindi pala sapat ang isang dila at isang bibig sa pag-awit ng Kanyang banal na pangalan; dapat ay milyunmilyong bibig upang Itoy tikman. At pagkatapos, ang banal na pangalan ni Krsna ay buong pwersang papasok at dadaloy na sa ating tainga na bibihag naman sa atin, at mamamalayan ninyong hindi pala sapat ang dalawang tainga natin; dahil ang gusto ninyoy magkaroon na kaagad nang milyun-milyong tainga upang mapakinggan ang matamis na pagdaloy ng kalubusan na pumapasok na sa ating tainga. At sa oras na iyon, maiisip ninyong hindi pala sapat ang dalawang tainga; kaya ang gusto natin ay magkaroon na nang milyun-milyong tainga. Ang nektar ng banal na pangalan ay rumaragasa, tumutulak papaloob sa ating tainga na parang baha na pumapasok sa puso natin. Itoy sadyang napakatamis, kaya kapag ang puso ninyoy Kanya nang nabihag, ang sentro nang lahat ng ating pandama, lahat ay mapaparalisa. Anuman ang hawakan ng matamis na mananalakay na Itoy Kanya agad nabibihag, dahil sa tindi nang Kanyang pagdating, lah at ay atin nang makakalimutan. Ganito ang sinulat ni Rupa Goswami, Hindi ko alam, hindi ko masabi, hindi ko din masabi ang labis na nektar na taglay nang banal na pangalan ni Krsna. Labis-labis ang katamisan sa dalawang pantig ng Kanyang pangalan, at lubhang napakataas ang uri ng Kanyang katamisan. At dahil sa Kanyang katamisan labis Siyang naging mapusok sa pagpasok kaya agad Nitong nabibihag ang lahat ng bagay. Ang talatang itoy inyong matatagpuan sa Vidagdha Madhava na sinulat ni Srila Rupa Goswami.
92

Sa kanyang aklat na Saranagati, ipinaliwanag ni Srila Bhaktivinoda Thakur ang Namastakam, ang walong panalangin sa pagpupugay sa banal na pangalan ni Krsna, itoy sinulat ni Rupa Goswami. Ang ginawa niyang paglalarawan sa lahat ng ito ay sobra talagang napakaganda. Ganito ang kanyang sinulat, Ang puso koy tulad ng isang disyerto, sobra ang nararamdamang init dahil sa matinding sikat ng araw. Ito ang kalagayan ng aking isipan. At aking napansin lahat ng mortal na bagay ay hindi ako kayang bigyan nang kasiyahan dahil puro kamatayan lamang ang naibibigay. At hindi lamang isa o dalawa, kundi libu-libong mga pagnanasang dulot lamang ay kamatayan ang nasa sa loob ng aking isipan. Dahil dito, ang kaloob-loobang bahagi ng isipan koy palaging nagliliyab. Ito ang aking kalagayan. Ganun pa man, sa pagpapala sa akin ng saddhu at ng guru, ang banal na pangalan ni Krsna kasama ang walang kamatayang aspeto Nito ay pumasok sa butas ng aking tainga hanggang sa umabot sa kapatagan ng aking puso. At doon, sa pamamagitan ng kakaibang pagasang ibinibigay nang kalubusan, ang pagiging walang-hangganan, ang buhay ko ay nagkaroon na nang kabuluhan, dahil dinampian Nito ang puso ko nang dala Niyang bagong klaseng nektar. Ang Ekstasi ng Banal naPangalan Ginising ako nang tunog na ito dahil sa ibinibigay Niyang bagong pag-asa. At mula sa puso ko, Siya ay nagpumilit nang pumasok sa aking dila. Hindi po lumabas ang tunog na ito dahil sa sarili kong pagsisikap, kundi una muna itong lumabas sa puso ng isang santo at naglagos sa aking tainga, at pumasok na rin sa puso ko, at pwersahang lumabas sa aking dila, at nagsimulang sumayaw. Ito ang tunay na banal na pangalan. Itoy nanggaling sa itaas. At hindi Siya nilikha nang anumang materyal kagaya nang ating dila. Dahil nagmula Ito sa itaas. At sa pamamagitan nang sugo ng kalubusan, Itoy pumasok sa aking tainga patungo sa loob ng puso ko. At magmula sa puso ko, matapos Nitong kolektahin ang pagkakaisa ng aking damdamin, ang banal na pangalan ni Krsna ay pwersahang nagpakita na sa aking dila, at doon na nagsimulang sumayaw. At Itoy matinding namalagi sa dulo ng aking dila, at ang matamis na tunog na Itoy nagsimula nang sumayaw. Dito inilalarawan ang tunay na epekto ng sagradong pangalan. Kaya kung itoy buhay at tunay na pangalan, kayo ay mabubulunan, manginginig ang inyong buong katawan, hindi kayo makakatayo dahil manginginig ang tuhod ninyo. At minsan, mapapaluha kayo nang husto, tuluytuloy at parang wala nang katapusan, at ang mga balahibo sa katawan mo ay magtitindigan. At minsan naman, magbagago ang kulay ninyo, mawawalan kayo nang ulirat o malay. Matutumba kayo at manginginig ang buong katawan na para bagang inaatake ng epilepsy, sinusumpong at di-alam kung napapaano. Kung ating pagmamasdan, makikita nating parang maraming dinaranas na kahirapan ang ating katawan at isipan, subalit yun pala, ang tunay na puso natiy nag uumapaw na sa isang partikular na kakaibang uri ng isang di-maipaliwanag na matamis na inumin.

93

Mala-Nektar na Karagatan Pagkaminsan ay maiisip mong, Nasa loob na pala ako nang isang mala-nektar na karagatan. Nasa kaloob-loobang bahagi na pala nang mala-nektar na likido. Mag-isa lamang ako. Hindi ko alam kung saang lugar na ako. Nasasaan na kaya ako? Ano na ba ang lugar na ito? Bakit ako naririto? Parang mababaliw na ata ako. O talagang nabaliw na? Ewan ko, wala parin akong natatandaan, ang aking kamalayan, ang aking katauhan, nasaan na ang lahat ng ito? Sino ba ako? Lubusan akong binago nang isang bagay na hindi ko alam kung ano. Para akong isang manyika sa kamay ng isang malakas na pwersa, subalit labis-labis naman ang ipinakitang pagmamahal sa akin. Hindi ko mawari kung papaano ako dinala ng aking pananalig sa loob nitong napakalawak, at di ko mawaring kapaligiran, na kailanmay hindi ko pa napupuntahan. Ah, hindi ko napansin tuluyan na pala Niya akong nabihag. Ang buong katauhan ko, ang labas at loob nito, ay binihag na nang husto nitong napakatamis na may tangan nang kapangyarihan. Wala akong magawa kundi ang masila nitong matamis na makapangyarihan. Hindi ko alam kung papaano ko ito ilalarawan. Noong unay naparito ako upang sumilong lamang sa Kanya at tanggapin Siya bilang tagapangalaga ko; subalit ngayon, akoy walang sawang Kanyang sinisiil na at tangan tangan nang Kanyang mga kamay. Subalit naramdaman ko ang lahat ng itoy sobrang napakasarap, at kailanmay hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko. Ano ba ang bagay na ito? Hindi ako makalaban. Lubusan na talaga Niya akong nabihag. Bahala na, dahil hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking kapalaran. Hindi ako makaalpas. Tuluyan na talagang nabihag ang sarili ko ng isang matamis na kaibigan; at akoy wala nang kalayaan. Wala na akong nakikitang ibang paraan kundi ang sa Kanyay sumuko na lamang. Hindi ko mailarawan kung ano ang tunay kong kalagayan. Ang napansin ko lamang Siya pala ay isang autokrata, may tangan nang lahat ng kapangyarihan. Anuman ang gustuhin agad Niyang nagagawa. At dahil wala naman talaga akong kakayahang lumaban, akoy susuko na lamang. Lahat ng gusto Niyay aking sasang-ayunan na lamang. Dahil kung hindi, ano ang magagawa ko upang itoy pigilan? Wala, dahil wala din naman talaga akong magagawa. Minsan ay nakita ko ang malapot na katamisan ng Kanyang pangalan tulad sa pamumukadkad nang isang bulaklak, at mula ditoy dumadaloy ang isang napakaganda at ubod tamis na katas. Ang banal na pangalan ay naglalaman nang ibat -ibang anyo ng katamisan na tuluy-tuloy na dumadaloy sa Kanya, na nagpapakita nang kahanga-hangang paglalarawan sa Kanyang sarili. Minsan kakaibang uri ng kulay at hugis ang Kanyang ipinapakita, at bigla namang nawawala. Ipinakita Niya sa aking mga mata ang napakaraming ibat-ibang maririkit na kaanyuan, at sapilitang pinasusuko sa paanan ng altar na ito. At ang Kanyang katauhan tulad ng nasa Vrndaban ay Kanyang ipinakita. At ako ay Kanya nang dinala sa Vraja lila, kay Radharani. Napansin kong nasa gitna pala ako nang Kanyang kakaiba, ubod-tamis at mapagmahal na kasangkapan. At ito ang Kanyang sinabi sa akin, Pagmasdan mo! Lahat nang naririto ay pawang naggagandahan. Ito ang tahanan mo. At hindi ito imahinasyon, kundi konkretong
94

katotohanan. Mapapansin mong ang buong kapaligiran ay lubhang napaka-amo at napakatamis. Kaya dito kana manirahan. Nakita kong ibat-ibang klaseng paraan, ibat-ibang rasa, ang Kanyang ginagamit sa pakikisalamuha sa mga kasamahan. Napansin kong nagkaroon na pala akong ibang katawan mula sa dati kong katawan, at may permanente nang lugar upang makapaglingkod sa Kanya. Napansin kong mayroon na rin pala akong kabuhayan dito. At sa wakas, napag-alaman kong lahat nang nakaraan ko sa buhay at naging karanasan, ay pawang naglaho nang lahat. At ito ang totoo: naririto ang tunay na buhay ko. Ito ang tumpak, at ang nakaraan ay puro pagkukunwari lamang, at ang buhay na iyon ay naglaho nang lahat. At pagkatapos nito, napansin kong ang pagbigkas o pag-awit sa banal na pangalan ay nagbibigay pala sa akin nang bagong lakas ng kalooban, bagong pag-asa, at ng bagong pagkakataon. Kaya anoman ang ating hilingin, maging anuman ang ating panloob na pangangailangan, itoy pupunuan ng pangalan. Kaya kapag tinanggap natin ang pangalan, ang lahat ng ating nakapaloob na pangangailangan ay mabibigyan na nang katuparan. Dahil ito ay eternal, walang-hangganan, at ito ang pinaka-puro sa lahat ng puro, at itoy punung-puno ng ekstasi, mga dalisay na kalugud-lugod na kasiyahan. Ngayon, napag-alaman kong ganap na pala Niya akong naakit. Ngayon, ito na ang aking pinakamimithi, pinakahahangad: na sana habambuhay nang maglaho sa mundo ang anumang bagay na lumalaban sa matamis na pangalang Ito. Kung may kokontra man sa matamis na buhay na ito, sanay maglaho na rin, at kung maaari lamang, iaalay ko ang buhay ko upang tuluyan nang mawala ito sa mundo. At buong layang maging masaya na ang lahat ng tao sa mundo. Dahil wala nang hahadlang sa katuparan ng ating buhay. Na hindi kayang pantayan ninoman. Kaya, maaari na kayong lahat magpunta dito, at kung maaari, iaalay ko ang buhay ko upang tuluyan nang matapos ang sinumang gustong lumaban pa dito, at nang maging maayos at mapayapa na ang lahat ng ito, wala nang panganib, at nang makamit na nila itong matamis at tahimik na buhay. Ito ang naging pahayag ni Srila Bhaktivinod Thakur, sa huling awit sa kanyang aklat na Saranagati (Pagsuko).

95

Ang Kanilang Banal na Pagpapala, sila Sridhar Maharaj at Srila Bhakti Promode Puri Maharaj. Marami sa mga naging disipulo ni Srila Prabhupada Bhakti Siddhanta Saraswati, mula nang siya ay pumanaw, ang dumulog at sumangguni kay Srila Sridhar Maharaj. Na ayon sa kanila dahil sa mataas na kaalaman sa kamalayan kay Krsna. At bukod pa dito, siya ang naging-sannyasa-guru nang karamihan sa kanila dahil batid nilang sa kanya ipinasa ni Srila Saraswati Thakur ang pangangalaga nang Rupanuga-sampradaya.

96

13
Ang Magandang Katotohanan
Si Ramananda Raya ay may asawa, subalit ang pagkakakilala sa kanya ni Sri Chaitanya Mahaprabhu ito ay maestro ng kanyang isipan, dahil matindi nitong nakokontrol ang kanyang damdamin. Isang paring brahmana noon na ang pangalan ay Pradyumna Misra ang minsay nagpunta kay Mahaprabhu at sa Kanya ay nagtanong, Nais ko po sanang marinig mula sa mga labi Ninyo ang mga bagay tungkol kay Krsna. Sagot ni Mahaprabhu, Wala po Akong alam tungkol kay Krsna, si Ramananda Raya po ang nakakaalam. Doon po kayo sa kanya magpunta dahil tanging siya lamang po ang nakakaalam ng tungkol kay Krsna. Sabihin po ninyong Ako ang nagpapunta sa inyo, sa palagay Koy haharapin niya kayo. Medyo atubili pa noon si Pradyumna Misra, subalit nagpunta pa rin ito at mga ilang sandaling nagmasid kay Ramananda Raya, at muling bumalik at nag-ulat kay Mahaprabhu. Tinanong siya ni Mahaprabhu, May natutunan po ba kayo kay Ramananda nang tungkol kay Krsna? Wala po. Sagot sa kanya ni Pradyumna Misra. Ha, bakit naman? Pinuntahan ko po siya at nakita ko ang ginagawa niya, na para sa akin, hindi po katanggap-tanggap. Maigi ko po siyang pinagmasdan noon, at pagkatapos ay bumalik po ako agad dito. Bakit, ano po ba ang nakita ninyo? Sagot ni Pradyumna Misra, Nakita kong nagtuturo nang sayaw si Ramananda Raya sa ilang kabataang babae! Kadalasan mga batang babaeng deboto ang naglilingkod sa Imahen ng Jagannath, kilala sila sa tawag na devadasis. Hindi sila nag-aasawa, at minsan, hindi din mabuti ang pagkatao nila. Ganito ang nakita noon ni Pradyumna Misra kay Ramananda Raya na nagtuturo noon nang sayaw sa mga deva-dasis na para sa kanya ay hindi katanggap-tanggap. Noon ay ipinapakita ni Ramananda Raya ang paraan kung papaano humarap sa Imahen ng Jagannatha at kung papaano din kumanta at sumayaw. Itinuturo din niya kung paano ang tamang pagkilos, at kung papaano sila dapat maging-kaakit-akit. At dahil nga sa mga pagsasanay na ito, minsan ay nahahawakan ni Ramananda Raya ang maseselang bahagi nang kanilang katawan. Kaya ganoon ang naging sumbong ni Pradyumna Misra kay Mahaprabhu, Kaya noong makita ko ang mga pinaggagawa ni Ramananda, nawalan na po ako ng respeto sa kanya, matagal din pong pinagmasdan ko kung ano ang ginagawa niya, at dahil nga po sa nakita ko, umalis na lang po ako. Maestro ng Kanyang Damdamin Ganito ang naging tugon sa kanya ni Mahaprabhu, Huwag mong maliitin ang kakayahan ni Ramananda Raya. Siya ay maestro ng kanyang damdamin. Wala kang makikitang kahit katiting na kalokohan sa kanya. Mas nagugulo pa nga ang isipan Ko, subalit itong si Ramananda Raya ay hindi. Mayroong isang antas sa buhay na hindi na talaga kayo makakaramdam nang anumang kamunduhan, subalit sinoman sa atin ay wala pang tuwirang nakaranas nito, ayon sa mga banal na aklat, may mga taong nakarating na talaga sa antas na ito.
97

Ganito din ang nakasaad sa talata ng Srimad Bhagavatam (10.33.39): vikriditam vraja-vadhubhir idam ca visnoh sraddhanvito nusrnuyad atha varnayed yah bhaktim param bhagavati pratilabhya kamam hrd-rogam asv apahinoty acirena dhirah Ang pag-iibigan ng Panginoong Krsna at nang mga gopis tulad ng inilalarawan nang mga dalisay na deboto ng Panginoon, ay higit pa sa materyal na kamunduhan, at kapag ang bagay na ito ay buong tibay ninyong pinaniwalaan, hindi magtatagal mawawala din ang nararamdaman ninyong kamunduhan at ang banal na pag-ibig ni Krsna ay maaari na ninyong makamtan. May mga taong bagamat kung ating titignan ay ganito ang ginagawa subalit ang puso nilay iba ang nararamdaman. May mga taong sadya talagang ganito ang pagkatao, at ang isa dito ay si Ramananda Raya. Kakaunti lamang ang mga Ramanandas; iisa lamang ang Ramananda na umabot na sa ganoong klaseng antas ng kamulatan dahil may malawak itong kaalaman sa ganitong klaseng uri ng kaisipan at kaalaman na mahalaga sa paglilingkod kay Krsna at sa mga gopis. Ang puso ni Ramanada Raya ay lubusan na talagang nakalaan para sa simulain ni Krsna; at wala na talagang interes para sa sariling kalagayan. At ang ganitong klaseng tao ay palaging nasa kamalayan kay Krsna, kaya lahat nang gawin niyay para lamang sa kasiyahan ni Krsna, at hindi natin siya dapat pinag-iisipan nang masama. Kaya kailangang bumalik ka sa kanya. Nababaliw kay Krsna At muli ngang bumalik si Pradyumna Misra kay Ramananda Raya, at sa wakas nag-usap din silang dalawa, Naku, pasensya kana noong isang araw, noong unang punta mo rito, hindi man lang kita naharap. Alam kong babalik ka dahil gusto mong marinig sa akin ang mga bagay tungkol kay Krsna. Ang swerte ko naman! Noong umagang iyon ay nagsimula nang magsalita si Ramananda Raya, dumating na ang hapon, ganun pa din ang kanyang ginagawa, parang baliw parin itong nagsasalita ng tungkol kay Krsna. Tuluyan na talaga nitong nakalimutan ang kumain, maging ang pagligo, at iba pang bagay. Para itong baliw sa walang katapusang kwento nang tungkol kay Krsna. At sa bandang huliy sumapit na nga ang gabi, noong unay dalawang ulit na siyang pinuntahan nang kanyang katulong, hanggang sa ikatlong ulit na itong tinatawag upang maligo, at kumain ng kanyang hapunan, at ganun na nga, tinapos din niya ang usapan at siyay nagpaalam. At pagkatapos, bumalik si Pradyumna Misra kay Mahaprabhu, at nagwika nang ganito, Opo, nakausap ko na po si Ramananda Raya, napuno po nang husto ang puso ko nang mga bagay tungkol kay Krsna. Napakinggan na rin noon ni Mahaprabhu si Ramananda Raya, at ganito ang Kanyang nasabi, Alam ni Ramananda kung ano si Krsna. Ang mga itinuro Ko kina Rupa at Sanatana, ay galing sa kanya. Ayon sa pagkakaalam natin, kay Ishvara Puri tumanggap ng panimulang binyag, diksha si Mahaprabhu; at sa gawain ng pangangaral, kay Kesava Bharati naman Niya tinanggap ang sannyasa, ang kaayusan ng mga taong tumatalikod sa lipunan; at ang raga-marga naman, ang daan papasok sa loob nang transedental na aliwan ni Krsna sa Vrndaban, ay kay Ramananda Raya Niya kinuha. Subalit kailanmay hindi sumagi sa isipan nina Ishvara Puri,
98

Keshava Bharati, at Ramananda Raya na silay guru ni Sri Chaitanya Mahaprabhu. Ganunpaman, nakita nating ibinigay parin ni Mahaprabhu kay Ramananda Raya ang Kanyang paggalang. Binabanggit sa Chaitanya Charitamrta (Madhya 8.204) na ang sinumang bukal sa kaloobang nais pumasok sa loob ng walang-katapusang debosyun sa mga pag-aaliw ni Krsna sa Vraja, ay kailangang pumailalim muna sa pangangalaga nang isang matalik at malapit na alalay na nasa antas ng pag-aasawahan, sa madhurya rasa (sakhi vina ei lilaya anyera nahi gati). Dahil ang mga ganoong klaseng tao ay mga maestro sa ganoong kalagayan. Ang buong bodega ng madhurya lila ay nasa pangangalaga nang mga ganitong alalay. At tanging sila lamang ang maaaring mamahagi nito sa iba. Doon sa madhurya rasa, makikita nating ang guru ay nasa kaanyuan at espiritu ng isang sakhi, na katulong ni Radharani (guru rupa sakhi). At si Ramananda Raya ay si Visakha-sakhi, ang kanang-kamay at personal na alalay ni Srimati Radharani. Ibinigay ni Sri Chaitanya Mahaprabhu ang isang pahiwatig sa kahalagahan ng isang malapit na alalay ni Srimati Radharani noong sinabi niya kay Ramananda Raya ang katagang kiba vipra, kiba nyasi sudra kene naya, yei krsna-tattva vetta sei guru haya: Bakit atubili kang turuan Ako? Marami Akong natututuhan sa iyo. Bihasa ka sa mga usaping tungkol kay Krsna, kaya isa kang guru; kaya nga ang mga bagay na ito ay pinapakinggan Ko sa iyo. Sinuman ang maging maestro ng bodega nang krsna-lila, at makapagpapalaganap nitowalang-kaduda dudang ang taong ito ay isang guru. Ang bantog na pag-uusap na ito sa pagitan nina Ramananda Raya at ni Sri Chaitanya Mahaprabhu ay naganap sa tabing-ilog ng Godavari. Ang pangalang Godavari ay mahalaga, dahil itoy tumutukoy sa isang lugar kung saan ibinigay ang pinakamataas na espirituwal na kasiyahan. Dito mismo sa tabing ilog na ito ng Godavari inihayag ang ganap na pagpapakilos nang lahat ng mga pandama natin: Huwag mong balewalain ang iyong mga pandama. Kapag ang diwa ng pagsasamantala at pagtalikod sa materyal na gawain ay binitiwan mo na, ang ganap na kasiyahan ng buhay mo ay makikita mo sa panig ni Krsna. Dahil ang dalawang nabanggit na pag-uugali, ang humaharang sa atin upang hindi tayo makalapit kay Krsna; kaya nga dapat lahat nang pandama natin ay kailangang gamitin sa tamang paraan upang makalapit tayo kay Krsna. Ito ang naging usapan noon sa tabing ilog ng Godavari. Ang Pinaka-Ultimong Layunin ng Buhay Doon sa bantog na usapan nila ni Ramananda Raya, noong dumulog sa kanya si Sri Chaitanya Mahaprabhu, ang unang ginamit ni Sri Chaitanya Mahaprabhu ay ang pamamaraan ng dalisay na debosyunal na paglilingkod na karaniwan nang ginagawa. Ang bagay na itoy nairekord sa Madhya-lila ng Chaitanya Charitamrta (8.51-313). Ang naging katanungan Niya noon kay Ramananda Raya ay ganito, prabhu kahe,--pade sloka sadhyera nirnaya: Ano ba ang ultimong layunin ng buhay? Ang gusto Ko, sana hindi lamang puro pahayag mo ang maririnig Ko, kundi, sana maglabas ka din nang ebidensya mula sa mga banal na aklat. Itoy sinagot ni Ramananda Raya ng ganito: raya kahe,-svadharmacarane visnubhakti haya. Gawin mo ang tungkulin mo, nang walang inaantay na kabayaran. Ang ibig sabihin ng sva dharma ay varnasrama dharma, ang ibat-ibang posisyon para sa ibat-ibang klaseng tao sa loob ng itinataguyod na Vedic na panlipunan. Dahil sa ating karma, tayo ay
99

nalagay sa ganitong kalagayan sa buhay. Kung ganoon, anoman ang maging kalagayan natin sa buhay, gawin parin natin ang mga nakaatang na tungkulin natin subalit itoy ating gawin sa isang kundisyun: hindi tayo dapat umasa sa anumang kabayaran. Kapag ang mga gawaing ito sa loob ng varnasrama dharma ay natupad natin, nang walang anumang materyal na hangarin, ang Vishnu-bhakti, ang debosyon sa Diyos ay ating mararating. Dahil ito ang sabi sa atin nang Visnu Purana (3.8.9): varnasramacaravata purusena parah puman visnur aradhyate pantha nanyat tat-tosa-karanam Ang tanging paraan upang mapaligaya ang Panginoong Vishnu, ang Supremong Katauhan ng Diyos, ay sa pamamagitan ng maayos na pagsunod sa mga gawaing inilaan sa atin ng sistemang panlipunan nang varna at ng asrama. Dito, ayon kay Ramananda Raya, ang vishnubhakti, ang ultimong destinasyon ng ating buhay ay nasa pagsunod sa Panginoon na Siyang nagpapalaganap nang lahat ng bagay, at ito ang pakay at pinaka-ultimong hantungan ng ating buhay. Ganito ang konseptong Vasudeva: ang lahat ng bagay ay nasa Kanya, at Siyay nasa lahat ng dako. Ayon kay Ramananda Raya, sa halip na puro sarili natin ang iniisip natin, dapat ang pagkalahatang interes ang yakapin at tanggapin natin, hanggang sa makarating tayo sa antas ng kamalayang Vishnu: sa vishnu-bhakti. Ang layon ng ating buhay ay nasa pagpapailalim sa kapangyarihan ni Vishnu, sa internal na espiritung nasa lahat ng bagay. Dapat palagi tayong nakakunekta sa Kanya at praktikal na namumuhay sa ganoong kalagayan; at hindi hanggang pangarap lamang, kundi doon tayo sa isang espirituwal na buhay na umaayon sa isang masmalalim, at higit na maspinong kapatagan.

Debosyon na Mayhalong Makasariling Hangarin Ang naging tugon ni Sri Chaitanya Mahaprabhu ay, Itoy mababaw; laliman mo pa. Bagamat maaari nating isiping dito talaga nagsisimula ang teistikong buhay, ang bumitaw sa isang espesyal, at lokal na layunin, at kumilos para sa isang masmalawakang layunin, tulad nang mga ipinag-uutos at mga programang ipinatutupad sa atin ng Vedas at ng Upanishads. Subalit ganito parin ang naging katugunan ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, Mababaw lamang ito; laliman mo pa. At pagkatapos, ganito naman ang sinabi ni Ramananda Raya, krsne karmarpanasarvasadhya-sara: Ang kabuuan nang lahat ng perpeksyon ay nasa pag-aalay ng resulta nang mga ginawa natin kay Krsna. Sa varnasrama dharmma, ang ginagawa ng mga tao ay pangkaraniwan nang puro mga panlabas lamang, pawang pansarili at ang bunga ng kanilang pinaghirapan ay gusto nilang palaging tinitikman at ayaw nang bitawan. Subalit kahit itoy kanila parin bitiwan, wala parin silang direktang kamalayan kay Vishnu o kay Krsna. Dahil sumasamba sila sa tulad ni Durga, na isang diyus-diyosan, at ang sraddha, ang seremonya sa mga patay, ay patuloy parin nilang ginagawa at iba pang gawaing pang-relihiyon. Bagamat ang ganitong bagay ay hindi talaga tuwirang paglilingkod sa Panginoon, subalit sa dulo nito, itoy nakaugnay parin kay Vishnu.
100

Maaaring ang mga ganitong bagay ay hindi nila alam, subalit ganun parin, nakaugnay parin ito kay Vishnu. Ito ang pangkalahatang konsepto ng paniniwala sa varnasrama, subalit ang sabi ni Ramananda, higit na masmabuti ang magkaroon muna tayo nang tuwiran o direktang kamalayan kay Krsna na kumikilala sa Kanyang kapangyarihan. At dapat ang resulta ng lahat nang gagawin natin sa loob ng panlipunang sistema ng varnasrama ay ibinibigay natin kay Krsna. Kaya kapag lahat ng pisikal, sosyal, nasyunal at espirituwal na gawain natin ay nasa kamalayan na kay Krsna, ang kasiyahan sa minimithi natin sa buhay ay ating mararating. Subalit ang naging tugon sa kanya ni Sri Chaitanya Mahaprabhu ay, Mababaw parin ito; laliman mo pa. At pagkatapos, isang bagong liwanag ang inihayag naman ni Ramananda Raya, habang sinasambit ang isang talata mula sa Bhagavad-gita (18.66): sarva-dharmman parityajya mam ekam saranam vraja, Bitiwan mo ang lahat ng gawain, at pagkatapos sumuko ka sa Akin. Dapat alam na natin kung ano talaga ang partikular na gusto natin sa buhay; at huwag nating tignan ang ang mga gawain sa loob ng varnasrama. Huwag natin masyadong bigyan ng importansya ang porma, kung ano ang katayuan natin sa buhay habang kumikilos tayo: na ang ibig sabihin, kahit hari pa kayo, brahmana, o kaya isang intelektwal, o ordinaryong manggagawa lamang, ang mga ganitong klaseng posisyon ay hindi mahalaga. At ang ganitong klaseng kaisipan, Akoy ganito, at ikaw ay ganyan lang, ay walang-halaga. Kung ganoon, hindi tayo dapat mahumaling sa estadong kinatatayuan natin sa buhay. Dahil hindi ito permanenteng kalagayan. Maaaring iwan ng isang hari ang kanyang kaharian at mamuhay bilang isang brahmana, o kaya bitiwan nito at talikuran ang lahat ng kanyang ari-arian at mamuhay na payak at nasa kahirapan. Maaaring bitiwan din ng isang sudra ang kanyang gawain sa buhay at mamuhay bilang isang pulubi, at magdasal na lamang ng pangalan ni Krsna. Maaaring iwan din ng isang brahmana ang kanyang mga pagsasakripisyo at mamalimos na lamang ito. Kaya, ano ba talaga ang layunin natin sa buhay, ito ang dapat nating malaman; at hindi ang pormang kinatatayuan natin o estadong kinalalagyan natin habang gumaganap tayo nang tungkulin sa loob ng varnasrama. Dapat ialay natin ang mga sarili natin tanging para sa layunin ng Panginoon lamang, habang binabalewala natin ang mga ari-arian at tungkuling hawak natin. Karunungan at Debosyon Sabi ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, Mababaw pa din; sige laliman mo pamasmalalim pa. At pagkatapos, ipinaliwanag naman ni Ramananda Raya ang jnana-misra-bhakti, ang debosyunal na paglilingkod na may dagdag na karunungan, noong kanyang banggitin ang isang sipi mula sa Bhagavad-gita (18.54) kung saan ganito ang sinabi ni Krsna: brahma-bhutah prasannatma na socati na kanksati samah sarvesu bhutesu mad-bhaktim labhate param Kapag narating na natin ang antas ng kamulatan na masmataas pa ang ating espirituwal na katauhan sa lahat ng materyal, ang materyal na mundong ito ay hindi na nagiging kaakit-akit pa sa atin. At para sa atin, kahit ano pa ang mangyari sa materyal na mundong itoy wala na tayong
101

pakialam. Dahil batid nating tayo ay isang espiritu; at ang interes natin ay naroroon lamang sa daigdig ng mga kaluluwa, at wala na tayong pakialam pa sa materyal na mundong ito, umani man ito nang papuri ito o masadlak sa kamalian. Ang isipan natin ay unti-unti nang nagiging mapayapa dahil alam nating tayoy isang kaluluwa at walang pakialam sa anumang materyal. At tayo magiging isang atmarama na: magiging kuntento na sa buhay, at hindi na muling malulumbay, o kaya maghahangad pa nang kahit anomang bagay. At sa palagay kaya ninyo kapag may nawala sa inyo, malulungkot pa kaya kayo? Hindi na po. Dahil magiging ganito na ang laman ng isipan ninyo, Lahat ng itoy wala nang halaga sa akin; dahil lahat ng itoy pawang materyal na bagay lamang. At kahit na magkaroon pa kayo nang materyal na yaman, hindi narin kayo magagalak, dahil alam ninyong itoy materyal na bagay lamang; walang halaga at hindi talaga kailangan. Dahil sa malinis at dalisay na layuning makapaglingkod, ang buhay ng ganitong klaseng tao ay wala nang kamunduhan, at ang kaluluwa niyay maaari nang mani rahan sa espirituwal na kapatagan. At maaari na talaga siyang magsimula sa tunay na debosyunal na paglilingkod. At kapag kayo ay nandirito na sa ganitong klaseng espirituwal na kalagayan, ibibigay sa inyo ang pagkakataon upang gawin ang isang masmataas na uri ng paglilingkod. Subalit sabi ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, Itoy mababaw pa din. Ang mga ganitong klaseng tao ay nasa bingit pa din nang debosyunal na paglilingkod; dahil wala pa itong masyadong damdamin para sa debosyon. At hindi pa nakakapasok sa lupain ng bhakti; itoy nandoon pa lamang sa bandang bukana at naghihintay sa kalagitnaang kalagayan, sila ay nasa bandang pintuan pa lamang. Halos abot-kamay na nila ang bhakti, subalit kapos pa rin. Bagamat lahat ng negatibong enerhiya niyay wala na, naroroon parin siya sa b andang pintuan; at hindi pa talaga tuwirang nakakapasok. At nasa sa kanya kung nais niyang pumasok o ayaw pa niya. Sa lugar na iyon, bagamat naroroon parin siya sa trangkahan ng pintuan, lahat ng dumarating sa kanya ay pawang puro at dalisay na. Higit pa sa Espiritu Lumalim ka pa At pagkatapos ay ganito naman ang sinabi ni Ramananda Raya, jane prayasam udapasya namanta eva: Napakahirap tawirin ang kariktan sa pagkakaroon ng karunungan. Dahil palaging ganito ang pumapasok sa ating isipan, Ang gusto ko, bago ko gawin ang isang bagay alam ko kung ano ang mapapala ko. Masyado tayong sigurista at palaging nagsususpetsa. Ang gusto natiy manubok muna; bago natin ilagak ang ating puhunan. Itoy dahil masyadong malakas ang ating ego, ang ating Ako, na palaging nagsusuma kung magkano ang dapat kitain o ikalulugi natin. Palaging ganito na lamang ang laman nang ating isipan, Ako ang maestro. Hawak ko ang susi, kaya dapat ako ang mauna, at hindi kayo, at ako lang muna ang dapat na makaalam nito. At alam ko kung ano ang mabuti sa akin. Kaya ang buong akala natin, ang mga sarili natin ang maestro, at hindi alila, hindi katulong, kaya dapat una muna tayong nakakaalam nito. Kaya kung nais talaga nating pumasok sa loob ng lupain ng Panginoon dapat ang mga ganitong klaseng kaisipan, na palagi tayong nanggugulang, ay ating iwan na, dahil lahat nang nasa lugar na iyon ay higit na mas-superyor pa sa atin. Hindi dahil sa inisip lang nating amo tayo ay sila na ang dapat makiusap sa atin? Walang sinoman sa mga tagaroon ang makikiusap sa atin, kahit ipangalandakan nating maestro-amo nila tayo. Walang sinoman sa lugar na iyon manghihikayat sa atin at magsasabing, Halika, at wala kang gagastusin dito; masmalaki pa ang
102

kikitain mo dito. Hindi dapat ganito ang isipan natin, Iba ako sa kanila, kaya hindi ako dapat mawalan. Dapat ay taas-noo ako dito, Walang ganito sa lugar na iyon. Pupunta tayo sa dakong iyon upang maging alipin, at hindi upang maging maestro. Ganitong klaseng kaisipan ang kailangan doon: ang palaging iniyuyukod ang ating ulo. At hindi tayo taas noong nangingibabaw sa lahat ng bagay, dahil lahat ng nasa lugar na iyon ay pawang mas-superyor ang katangian sa atin. Banal na Pagpapakaalipin Kaya, kapag pumasok tayo sa loob ng transedental na lupaing iyon, lahat ng naroroon, ang lupa, tubig, hangin, at lahat nang makikita natin ay pawang gawa sa masmataas na materyales kaysa sa atin. Silang lahat ay mga guru natin, at mga disipulo nila tayo. Silang lahat ay maestro, at tayo ang kanilang alipin; lahat nang naroroon sa lupaing ating papasukin ay mga maestro natin. At kailangan nating magpailalim; ito ang dapat na maging tunay na katangian natin. Kaya lahat ng nais nilang ipagawa ay dapat nating sundin. Doon hindi na natin kailangan ng utak. Dahil walang paglalagyan ang utak natin; sila ang masmay-utak. Sa lugar na iyon, hindi natin kailangan ng utak; kamay lamang ang kailangan. Doon, ang kailangan nilay mga trabahador. Dahil may sapat na utak ang mga tagaroon. At nasa sa atin na kung gusto talaga nating pumasok sa loob ng lupaing iyon. Ang lupaing iyon ay lupain ng pagpapaka-alipin. Kaya, marapat lamang na kasuklaman na natin ang mga utak natin, dahil kapag pumasok tayo sa lugar na iyon puso lamang ang dapat nating dalhin. At ganito ang dapat nating isipin, Akoy tulad sa isang lamok na walang-kwenta, tulad ng sinabi ng Panginoong Brahma noong bumisita ito sa Panginoong Krsna sa Dvaraka. At dapat kapag ginagawa natin ang ganitong bagay ay hindi pansamantala lamang; na matapos gawin ang trabaho gusto pang bumalik sa lugar na ito. Hindi dapat ganito. Dapat ang ganitong kalagayan, ang pagpapaka-alipin sa kalubusan, ay habambuhay na nating ginagampanan. Bagamat ganito ang magiging kalagayan natin sa kalubusan, matututo parin tayo nang tungkol sa kamalayan kay Krsna: kung anong klaseng kabutihan ang maaaring idulot nito sa atin, at kung gaano ito kadakila, kung anong klaseng tulong ang maaaring ibigay nito sa atin. Hahayaan nila tayong gawin ang ating pariprasna: ang matapat na pagtatanong o pagsasaliksik. Doon sa transedental na lupain, lahat ng naroroon ay pawang mga kaibigan natin. Naroroon sila upang tumulong sa atin, upang higit nating maunawaan kung bakit lubha talagang napakaganda ng debosyunal na paglilingkod, at kung bakit ang kamalayan kay Krsna ang siyang pinakamagandang anyo ng buhay. Doon ay pinapahalagahan nila ang mga mithiin natin at malinis na layunin; at hindi ang panlabas na kalagayan natin, ang pagiging alipin. Ang tinitignan nang mga tagapangalap doon ay ang malinis nating layunin, at hindi ang kasalukuyang kalagayan at kakayahan natin. Bagamat sa lugar na iyon ay para tayong alipin, ang resulta nang mga ginagawa natin ay magiging kabaligtaran. At kapag ang pagpapasakop at pagpapaka-alipin ay naging katanggaptanggap na sa atin, kung ganoon, Siya na kailanmay hindi pa nasasakop ay atin nang masasakop. Tutulungan tayo ng mga kaibigan natin, darating din ang mga saddhus upang ipaunawa sa atin kung bakit kailangan nating maging alipin, at kung bakit mahal na mahal ni Krsna ang Kanyang mga alipin. Si Krsna ang maestro ng mga alipin, at pagkaminsan, ibig din Niyang maging alipin ng Kanyang mga alipin (gopi-bhartuh pada-kamalayor dasa-dasanudasah). Ito ang susi sa
103

tagumpay, at ang pinakamataas na pagpapalang ito ay maaari nating makamit sa pamamagitan ng mga ganitong isipan, ang pagpapaka-alipin. Ganito ang naging sagot ni Sri Chaitanya Mahaprabhu kay Ramananda Raya, Oo, totoo ang sinabi mo. Ang di-nasasakop ay maaaring makubkob nang pagsuko. Siyay maaari na nating bihagin. Ang bagay na itoy tanggap Ko bilang pasimulang palapag ng banal na pag-iibigan: na hanggat ibinibigay natin ang mga sarili natin, tayo ay Kanya namang pinagpapala. Hanggat ibinibigay natin ang mga sarili natin, lahat ng mga pangangailangan natin ay tutustusan naman nang di-masasakop na kalubusan. Sabi ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, Itoy tanggap Ko bilang simula ng suddha-bhakti, ang dalisay na debosyunal na paglilingkod. Subalit ang gusto Koy laliman mo pa. Siyensa ng Rasa Sa naging paliwanag ni Ramananda Raya, mula sa pagpapaka-alipin, pangkaraniwan nang dito nagsisimula ang pag-usbong nang puro at dalisay na debosyunal na paglilingkod. Noong una, itoy nasa magaspang na kalagayan muna, at nang maging magulang na, itoy nagka hugis at naging santa na, at doon na inilalagay sa neutral na kalagayan; hanggang sa maging dasya, magawi na sa paglilingkod; at pagkatapos sa sakhya naman, sa pakikipag-kaibigan; sa vatsalya; sa pagmamahal na ibinibigay nang isang magulang, at sa madhurya rasa, sa pagiibigan ng magsing-irog. Doon sa santa rasa, nistha ang umiiral doon, ang ganap na pagsunod sa paniniwala natin: at ganito ang magiging isipan natin: Ayoko nang umalis sa loob ng kamalayang ito, sa palagay ko, dito na lang ako sa ilalim nang katotohanang ito. Kaya magmula sa neutral na kalagayan, ito ay nagiging dasya rasa na, nais na nating maglingkod na. Ang isang deboto, matapos niyang ipakita sa Pinaka-supremong Awtoridad ang kanyang katapatan, masusumpungan niyang ayaw niya nang paupo-upo lamang, ang gusto niyay magamit siya nang Panginoon. Naghihintay nang utos mula sa Panginoon, at nananalangin upang bigyan siya nang pagkakataong makapaglingkod. Kaya kapag naging malalim na ang kamulatan nang isang deboto at hangad na niyang magamit nang Panginoon, ang tawag dito ay dasya rasa, debosyon sa tema ng paglilingkod. At mayroong sakhya rasa din: ang debosyunal na paglilingkod sa tema ng pagiging magkakaibigan. Ang Diyos Bilang Isang Kaibigan Sa dasya rasa, kapag ang pagtitiwala sa gawain ng paglilingkod ay ating idinagdag, ang katangian nitoy tumataas na. Kadalasan ang mga matatandang katulong na tapat talagang naglilingkod ay pinagkakatiwalaan na nang mga lihim, kaya kapag ang mga paglilingkod natin ay nadagdagan na nang mga pagtitiwala, itoy nagiging sakhya rasa na, nagiging kaibigan na tayo nang Panginoon habang naglilingkod sa Kanya. Noong unay nistha muna, ang ganap na pagpapailalim at pagsunod sa mga kautusang ipinagagawa sa atin, hanggang sa umiral sa atin ang kagustuhang magamit ng Panginoon para sa Kanyang kasiyahan, at pagkatapos, kapag tayo ay kanila nang pinagkatiwalaan, kahit lihim na gawain ay ipinapagawa na din sa atin, at sa yugtong iyon, doon nagiging kaibigan na natin ang Panginoon, at itoy nauuwi sa sakhya rasa. Doon sa Vaikuntha, de-numero ang pagsisilbi sa Panginoong Narayan, at tanging santa rasa, dasya rasa lamang, at kalahati ng sakhya rasa ang makikita. Doon ay wala pang ganap na
104

pagtitiwala. Kaya kapag ang mga sarili natiy naging malapit na sa Supremong Panginoon, ang pagkasindak natin sa Kanya, ang mga paggalang natin, ang Kanyang karingalan, kadakilaan, karangyaan, pangamba natin sa Kanyalahat ng itoy naglalaho na. Sa panahong iyon, unti-unti iba na ang sinasamba natin. Kaya magmula sa Vaikuntha, maaakit na tayo sa Ayodhya, sa banal na lupain ng Panginoong Ramachandra, kung saan matatagpuan ang neutralidad, paglilingkod, at pagiging magkaibigan kay Vibhisan at kay Sugriva. Dooy mababakas din natin ang vatsalya rasa, ang pagmamahal ng isang magulang sa Diyos. Ang Diyos Anak Doon sa Vatsalya rasa, ibang klase ang ibinigay na tiwala sa kanila, dahil akala ng mga tagapalingkod dito, silay ipinoste sa lugar na iyon dahil sila ang nangangalaga at pumuprotekta sa kanilang sinasamba. Ang pagmamahal nang anak sa magulang ay masasabing isang serbisyo din. Bagamat kung ating pagmamasdan ang mga magulang ang nakikita nating maestro sa kalagayang ito, na kumokontrol sa Panginoon bilang anak nila, na pagkaminsan ay kumakastigo at nagpaparusa pa sa Kanya, subalit itoy isang panlabas na kaanyuan lamang. Kung ating papasukin at sisisirin ang lalim ng kanilang mga pagseserbisyo, makikita natin ang isang walangkatulad na kakaibang uri ng pagmamahalan. Bagamat sa ibabaw, kanilang pinaparusahan at pinapagalitan ang Panginoon; subalit sa ilalim nito, silay punung-puno ng pagpapahalaga sa kanilang pinagseserbisyohan. Ang vatsalya rasa, o ang pagmamahal nang isang magulang sa Diyos, ay isang kakaibang uri ng sagradong pag-iibigan. Doon naman sa Ayodhya ay makikita natin ang isang napakagaang na uri ng vatsalya, kung kaya itoy halos hindi na napapansin. Mathura: Ang Konseptong Krsna Sa pamamagitan ng isang lundag tinalon ni Rupa Goswami ang Mathura mula Vaikuntha. Doon sa kanyang Upadeshamrta (9), kanyang sinulat: Vaikunthaj janito vara madhu-puri tatrapi rasotsavad. Ang Mathura ay masmataas sa Vaikuntha sapagkat doon nagpakita ang Panginoong Krsna. Sa kabuuan, malinaw na ipinakita sa lugar na iyon ang lahat ng bagay. Makikita natin sa Mathura ang konseptong Krsna ng Diyos. Sa pamamagitan ng isang lundag siyay nagpunta sa konseptong Krsna mula sa Vaikuntha, at si Sanatana Goswami naman ang nagpuno sa nasa pagitan ng dalawang lugar na ito. Doon sa kanyang aklat na Brhad-bhagavatamrta, kanyang sinabi na papunta sa Mathura ay madadaanan ang lugar ng Ayodhya, ang espirituwal na kaharian ng Panginoong Rama, naroroon din sa lugar na ito ng Ayodhya ang sakhya at vatsalya rasa. Subalit si Rupa Goswami ay agad na pumunta sa Mathura. Ganito ang kanyang sinabi, Halinakayo sa Mathura; dahil sa lugar na ito, malinaw na ipinapakita sa atin nang Panginoon kung papaano gawin ang sakhya at vatsalya rasa. At Siya din ang nagsabi na mayroong sankhya rasa din dito. Doon sa lugar na iyon ng Mathura, ang mga debotong naroroon ay nakikipaglaro kay Krsna, minsan makikita mo silang sumasampa pa sa balikat ni Krsna, at minsan pa ngay nasasampal pa nila. Bagamat makikitang nakikihalubilo si Krsna sa kanila, ang mga puso ng mga debotong ito ay punung-puno naman nang kakaibang uri ng damdamin upang makapaglingkod sila. Ito ang kanilang panuntunan, at ginagawa nilang pamantayan: lahat sila ay nakahanda upang ibigay kahit ilang libong ulit ang kanilang buhay bunutin lang kahit tinik na tumusok sa Kanyang talampakan. Handa nilang isakripisyo kahit ilang libong ulit ang kanilang buhay sa kaunting kasiyahan nang kanilang kaibigan. Itinuturing nilang ilang libung ulit Itong
105

masmahalaga pa kaysa sa kanilang buhay. Maging doon sa vatsalya rasa, ang pamantayan ay magkatulad din: kahit bahagyang interes, handa din nilang ibigay, kahit ilang milyung ulit pa, ang kanilang buhay para sa kanilang sinasamba. Ganitong klase ang kanilang pagmamahal. At pagkatapos, mula sa vatsalya, itoy tumungo sa pag-iibigan nang magsing-irog (madhuryya rasa), ang komprehensibong rasa na sumasaklaw sa lahat ng rasa kabilang na ang pagsunod (santa-nistha), paglilingkod (dasya), pagtitiwala nang isang kaibigan (sakhya), at pagmamahal ng magulang (vatsalya rasa). Subalit ang kabuuang dedikasyon nang bawat atomo ng ating buhay para sa kasiyahan ni Krsna ay doon lamang matatagpuan sa madhurya rasa, dahil ang rasa na ito ang sumasaklaw sa lahat ng iba pang rasas. Ang Tamis ng Pag-iibigan At ang madhurya rasa ay higit na masmasigla kung itoy nakakubli sa anyo ng parakiya, o nasa bawal na pag-iibigan. Doon sa parakiya rasa, handang isakripisyo nang mga gopis ang lahat-lahat para lamang sa paglilingkod kay Krsna. Dalawa ang anyo ng parakiya rasa: ang isa ay, walang kasiguruhang magtatagpo; na maaaring maganap o hindi. Kaya, dahil bibihira ang Kanilang pagtatagpo, itoy higit na nagiging matamis. Mayroon pang isang uri ng parakiya rasa: nasabi sa atin na hindi masarap para kay Krsna ang isang ordinaryong pagkain, ngunit kung itoy nakaw, para sa Kanya masmasarap itong kainin. Kung masusundan natin ang sining na ito, itoy maaaring ituring din na isang parakiya rasa. Naloko Ko sila, nakuha Ko ang gusto Ko. Ninakawan Ko sila. Ang ganitong uri ng postura ay higit na nagiging masmalasa para sa nagsasalita. At sa bahagi naman nang mga nag-aalay, lahat ay handa nilang ipakipagsapalaran: ang kanilang mabuting pangalan, ang lipunang kanilang kinabibilangan, ang kanilang kinabukasan, at maging ang mga ipinag-uutos ng mga banal na aklat. Ang lahat ng itoy handa nilang isakripisyo, katulad ng minsan, noong kami ay nasa Madras, nagbigay nang pera ang Hari ng Jaipur upang makapagpatayo kami ng templo. Ipinadala noon ang pera sa aming punungtanggapan sa Calcutta. Sa kabuuang 5,000 rupees, 1,000 rupees muna ang ibinigay, bilang pasimula muna sa pagpapagawa ng templo at nagpadala kami nang mga manggagawa doon. Doon kami ipinadala ni Madhava Maharaj sa Madras, at doon namin napag-alaman na pupuntahan daw kami ng Hari. At bilang katunayan na talagang may ginagawa kami, nagdagdag kami sa mga ipinatayo namin, upang sabihin sa kanyang, Wala na po kaming pera, lahat po nang mga ipinadala ninyoy nagastos na namin. At para maipakita sa kanya ang lahat ng ito, umutang muna kami ng mga materyales maipakita lang nagpapatayo talaga kami ng templo. Ito ang isinulat namin sa aming guru maharaj, medyo atubili pa kami dahil iniisip namin baka kami ay kanyang pagalitan: Bakit kayo umutang? At sa halip na ganoon ang kanyang sinabi, kami ay kanya pang pinuri: Isinakripisyo ninyo ang inyong kinabukasan sa paglilingkod kay Krsna. Nagkautang kayo, na dapat ninyong bayaran, ang masasabi ko lamang, isinanla na ninyo ang inyong kinabukasan para sa paglilingkod kay Krsna. Mamalimos kayo upang itoy inyong mabayaran, ito ay isang uri ng pagseserbisyo na may kaakibat na pakikipagsapalaran sa kinabukasan. Batid nang mga gopis na ang mga kinabukasan nilay nalalagay lamang sa alanganin: Sinuway namin ang utos ng mga matatanda at nang mga ipinag-uutos ng Vedas; ang mga pinaggagawa namin ay hindi aprubado nang lipunan, o maging nang mga aklat na pang106

relihiyon. Madilim ang aming kinabukasan. Subalit magkaganun man ang kanilang kalagayan, hindi parin nila mapigilang maglingkod kay Krsna. Kaya, Vaikunthaj janito vara madhu-puri tatrapi rsotsavad. Ang ibig sabihin ng janito ay vatsalya rasa at madhurya rasa sa Vrndaban: radha-kundam ihapi gokula-pateh. Kahit doon sa Madhurya rasa, tatlong grupo ang ipinapakita: ang Vrndaban sa kabuuan, ang mga piling grupo sa Govardhana, at ang pinakamataas na grupo na nasa Radha-kunda. Ang lahat ng itoy ipinakita sa usapan sa pagitan nina Ramananda Raya at ni Sri Chaitanya Mahaprabhu.

Ang Panginoong Sri Krsna, ang mismong kalugud-lugod na kasiyahan at si Srimati Radharani, ang katauhan naman nang ekstatikong Pag-ibig sa Diyos.

107

Radha: Ang Reyna ng mga Gopis At pagkaraan nito, muling sinabi ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, Sige laliman mo pa. At pagkatapos, sinimulang ipaliwanag naman ni Ramananda Raya ang isang uri ng serbisyong ibinibigay ni Radharani sa Madhurya rasa. Dahil ang ibinibigay Niyang debosyunal na paglilingkod ay masasabing higit na masmataas pa kaysa sa lahat ng ibang gopis. Radham adhaya hrdaye tatyaja vraja sundarih (Gita-govinda 3.1---Jayadeva Goswami). Kahit balewalain pa natin ang lahat ng ibat-ibang grupo ng gopis basta huwag lamang ang isang ito: si Srimati Radharani. Bakit? Anong klaseng serbisyo ba ang ibinibigay Niya? At si Krsna, ang Orihinal na Katauhan ng Diyos (svayam rupa) ay palaging naroroon lamang sa tabi ni Radharani. At ang Krsna na nasa ibang gopis, na tinatawag na prabhava prakasa, na isang pangunahing pinalawak o pinadaming bahagi ni Krsna; ay hindi svayam rupa, hindi orihinal na anyo ni Krsna. Ganito ang katayuan ni Srimati Radharani. Kaya kailangang ipakita natin ang ating mataas na pagpupugay sa pinakamataas na pamantayan ng debosyunal na paglilingkod. Radha-Krsna: Ang Magkawalay na Pagsasama At pagkatapos nitoy isang katanungan ang ibinigay ni Sri Chaitanya Mahaprabhu: Mayroon ka pa bang naiisip na mashigit pa sa bagay na ito? Ganito ang naging sagot sa Kanya ni Ramananda Raya, Ang sabi Mo po sa akin ay lakipan ko ng mga siniping talata ang lahat nang sasabihin ko, subalit sa pagkakataong ito, hindi ko po ito magagawa. Ganunpaman, may nararamdaman po ako, kung Inyo pong mamarapatin, nasi ko po sana itong sabihin. At kapag daka, isang awitin ang nilikha noon ni Ramananda Raya. Ganito ang kanyang pasimula sa awiting ito, Hindi ko alam kung ang bagay na itoy magiging masarap sa Iyong pandinig, subalit sa palagay ko ay mayroong isang yugto na masmataas pa kaysa sa pagtatagpo nina Radha at Govinda. May isang antas kung saan Silang dalawa, ang negatibo at ang positibo ay nagsama, nagsanib, walang malinaw kung sino ang nangingibabaw, at kapwa Sila naghahanapan sa bawat isa, walang paikalam sa kalagayan ng Kanilang mga sarili. Ang paghahanap na itoy napakatindi at napakalakas. Waring masmataas na uri ng pag-iibigan: ang magkawalay na pagsasama. Naging matindi ang paghahanap nina Radha at Govinda sa bawat-isa kung kayat hindi Nila kapwa namamalayang magkasama na pala Sila. Minsan ay ganito ang naging karanasan ni Radharani na kahit kasama Niya si Krsna ay natatakot Itong baka mawala pa sa Kanya; minsan pa nga sa tindi ng kanyang pangamba, inakala Nitong nawala na nga talaga si Krsna. Bagamat talagang magkasama na Silang dalawa, subalit ang pangambang baka magkawalay pa Sila ay higit na nakapagdudulot ng sobrang kirot, katulad ng pag-aalala ng isang ina sa kanyang anak (anista-sankini bandhu-hrdayani bhavanti hi). Ang isang ina kapag malayo sa kanyang anak ay ganito ang iniisip, Naku, nasaan na kaya ang aking anaknangangamba na ako baka naman naaksidente na iyon? Ang ganitong uri ng pagkakawalay ay sintomas ng matinding pagmamahal. Ang ginawang awiting ito ni Ramananda Raya ay nagpapahiwatig tungkol sa banal na pagpapakita ni Sri Chaitanya Mahaprabhu kung saan sina Radha at Govinda ay kapwa nagsama, na para bagang di Nila namamalayan na magkasama na pala Sila. Kapwa Sila naghahanapan sa isat-isa, nag-uumapaw din ang damdamin ni Krsna kay Radharani, at sa tindi nang Kanilang pagyayakapan, kapwa Sila nawala sa sarili. At pagkatapos nito, inilagay ni Sri Chaitanya Mahaprabhu ang Kanyang palad sa bibig ni Ramananda Raya, at Itoy nagwika sa kanya, Tama
108

na. Rasa-raja maha bhavadui eka rupa. Ang pinaka-bukal nang lahat-lahat ng kasiyahan ay si Krsna, at si Srimati Radharani naman ang katauhan ng kalugud-lugod na kasiyahan ng pag-ibig sa Diyos. Ang dalawang anyong ito ay pinagsama sa katauhan ni Sri Chaitanya Mahaprabhu. Rasaraja: Ang Ekstasi Mismo Sumagot si Sri Chaitanya Mahaprabhu, Ah, dahil sa ikaw ay siyento -por-siyentong deboto, saanmang dako mo ilagay ang iyong paningin si Krsna parin ang iyong nakikita; at wala nang iba pa. Saanmang dako mo ituon ang iyong paningin ang kinagigiliwan mo parin ang iyong napapansin. Sagot naman ni Ramananda Raya, Panginoon ko, huwag Mo po akong linlangin. Kayoy naparito dahil sa Inyong habag para linisin ang masamang taong ito, at kung Ikaw ay magiging parang politiko, hindi po ito bagay sa Inyo. Hindi ko po pakikinggan ang mga sinasabi Mo; nais kong makita ang tunay na anyo Ninyo. Sino po ba Kayo? At kapag daka nagwika si Mahaprabhu, Dahil sa iyong pagmamahal at debosyon, lahat ay iyong nalalaman; wala talagang makaliligtas sa mapagmahal mong paningin. Premajana-cchurita-bhakti-vilocanena. At pagkatapos, inihayag ni Mahaprabhu ang Kanyang sarili: Hindi Ako ang nakikita mong malagintong kaanyuang Ito. Dahil Itoy nadadampian nang kulay ni Radharani. At sino ba ang hinahawakan at niyayakap ni Radharani? Walang ibang hinahawakan si Radharani kundi tanging si Krsna lamang. Kaya, ngayoy alam mo na kung sino talaga Ako: Ako si Rasaraja ang katauhan mismo ng ekstasi, at si Mahabhavaang tanging nakatitikim lamang nang pinakamataas na rasa. Masdan mo kung papaano Ito pinagsama! Kapagdakay nawalan ng malay si Ramananda Raya at itoy plakdang bumagsak sa sahig. Hindi nito nakayanang pagmasdan ang kanyang nakita. At sa pamamagitan ng haplos nang kamay ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, si Ramananda ay muling nagkamalay. Nanumbalik ang kanyang ulirat at ang nakita lamang niya sa kanyang harapan ay isang sannyasi na nakaupo sa sahig. Matapos ang ilang sandali, sinabi ni Mahaprabhu, Manatili ka dito Ramananda, dahil Ako ay aalis. At pagkatapos nito, muling nakapag-usap pa din sina Ramananda Raya at Sri Chaitanya Mahaprabhu. Ganito ang sinabi ni Mahaprabhu, Ramananda, hanggat Akoy nabubuhay, nais Kong makasama ka. Sagot naman ni Ramananda, Opo, akoy sisilong sa Banal na Lotus Mong Paanan at ditoy maninirahan hanggang sa akoy nabubuhay. At di nga nagtagal kinausap ni Ramanada Raya ang Hari ng Orissa upang magretiro sa kanyang pwesto bilang Gobernador ng Madras at itoy nagpunta sa Jagannatha Puri. Sa loob ng dalawang taon, si Sri Chaitanya Mahaprabhu ay nagpagala-gala sa mga banal na lugar ng Timog at Kanlurang bahagi ng India at sa bandang huliy muling bumalik sa Puri. At doon muli Silang nagkita. Transedental na Kabaliwan Pagkaraan nito, umalis si Mahaprabhu papunta ng Vrndaban at dumaan sa Bengal. Anim na taon ang nakaraan, at kamuntik nang iwan ni Advaita Prabhu si Mahaprabhu, sa pagsasabi nang ganito, Natapos na ang ating mga paglilibang sa pagpapakilala ng pag -awit nang Hare Krsna. At sa loob nang labingdalawang taon patuloy na ipinakita ni Mahaprabhu ang damdamin ni Radharani, ang Kanyang krsna-prema, ang mala-ekstatikong pag-ibig kay Krsna. Noong mga
109

panahong iyon, sina Svarupa Damodara at Ramananda Raya, na sina Lalita at Visakha, ang mga pangunahing alalay na gopi ni Radharani, ang laging kasa-kasama ni Mahaprabhu. Doon ay ipinakita ni Mahaprabhu ang mga mahahalaga at malalalim na damdamin ng Banal na pagmamahalan. Ang matinding pag-iibigang ito kailanmay hindi pa nakita sa kasaysayan ng mundo, o nakasulat kaya sa alinman sa mga banal na aklat. Tanging si Radharani lamang ang nakapagpakita nito at nang lumaon ay si Sri Chaitanya Mahaprabhu naman. Ipinakita din ni Mahaprabhu sa Kanyang mga gawain, kung ano ang mga bagay na ito, kung papaano ginawang parang isang manyikang laruan, ng Krsna-prema, ng pag-ibig kay Krsna ang isang tao. Minsan ang Kanyang mga binti at mga kamay ay nasa loob nang Kanyang katawan, pagkaminsan naman ang Kanyang mga galamay ay magkakahiwalay at ang Kanyang transedental na katawan ay humahaba. Pagkaminsan naman, ang buong katawan Nito ay nagiging maputi, habang walang-malay Itong nakahandusay, halos wala nang hininga na animo ay wala na talagang buhay. Sa pangyayaring ito, ipinakita ni Mahaprabhu ang napakaraming mga kahanga-hangang sintomas nang kalugud-lugod na kasiyahan, ng ekstasi. Ipinaliwanag ni Svarupa Damodara, ang personal na kalihim ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, sa kanyang talambuhay, ang kahulugan nang pagpapakita ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, ang bagay na itoy nakatala naman sa Chaitanya-charitamrta ni Kaviraja Goswami. Ganito ang kanyang sinulat: radha-krsna-pranaya-vikrtir hladini saktir asmad ekatmanav api bhuvi pura deha-bhedam gatau tau caitanyakhyam prakatam adhuna tad-dvayam caikyam aptam radha-bhava-dyuti-suvalitam naumi krsna-svarupam Minsan sina Radha at Krsna ay nagsasanib at naghahalo; pagkaminsan namay magkakahiwalay. Magkahiwalay Sila sa Dvapara-yuga, subalit pinagsama sa Kali-yuga bilang si Sri Chaitanya Mahaprabhu. Silay kapwa eternal na larawan ng iisang Di Mapag-aalinlanganang Katotohanan. Ang panahon ng tag-init, tag-lagas, tag-lamig, at tag-sibol ay tuluy-tuloy na paikot-ikot lamang; walang makapagsabi kung nauna talaga ang tag-init at sumunod lamang ang tag-lamig. Kaya, ang mga naging aliwan nina Sri Radha at ni Krsna ay eternal na nangyayari din talaga. Noong unang panahon, sina Radha at Krsna ay magkawalay at nagpakita nang Kani-Kanilang aliwan; at muli, ang lakas at ang may-ari ng lakas, ay nagsama at mahigpit na nagyakapan bilang si Sri Chaitanya Mahaprabhu. Ang nangingibabaw at ang pinangingibabawang kabiyak ay naghalo, at nagkaroon nang isang kakaibang kalugud-lugod na damdamin. Si Krsna ay nagapi nang Kanyang kapangyarihan, at hinahanap Niya mismo ang Kanyang sarili: krsnasya atmanusandhana. Si Krsna ang naghahanap mismo kay Sri Krsna, ang Magandang Realidad. Dahil sa impluwensiya ni Radharani kay Krsna Itoy naging isang deboto, at hinahanap Nito ang Kanyang sarili. Tinikman Nito mismo ang katamisan nang Kanyang sarili at Itoy nabaliw. Itoy buhay na katamisan; hindi patay o kaya ay nakapirmis lang, kundi Itoy isang dinamiko o masiglang kalugud-lugod na kasiyahanmaybuhay na katamisan. Kanyang tinikman ang Kanyang sarili, ang katauhan ng kasiyahan, ang kalugud-lugod na kasiyahan, at kagandahan, at Itoy baliw na nagsasayaw, at ang Kanyang kirttan ay nangangahulugan ng pamamahagi nang kalugud-lugod na kasiyahang ito sa iba. Ang pinaka-ultimong katamisan, o ang ananda, ay isang bagay na walang katulad na kasiyahan, matinding nagpapahayag at tumitikim nang
110

Kanyang sarili. Si Sri Chaitanya Mahaprabhu ay aking inilarawan sa Prema Dhama Deva Stotram atma-siddha-sava lila-purna-saukhya-laksanam svanubhava-matta-nrtya-kirtanatma-vantanam advayaika-laksya-purna-tattva-tat-paratparam prema-dhama-devam-eva naumi gaura-sundaram Dapat ang pinakamataas na konsepto ng Di Mapag-aalinlanganang Katotohanan ay pinakamataas na anyo din ng ananda, ekstasi, ng kalugud-lugod na kasiyahan. At si Mahaprabhu kapag nagsasayaw ibig sabihin nito Siya ay punung-puno nang kalugud-lugod na kasiyahan, at ang Kanyang kirttan ay pamamaraan upang ang rasa ay maipamahagi naman Niya sa iba. Kaya kung talagang ibig nating malaman sa pamamagitan ng mala-siyentipikong pamamaraan kung sino talaga si Mahaprabhu, hindi natin maiiwasang makitang Siya pala ang Pinaka-ultimong Katotohanan. Naging baliw sa pagtikim ng sarili Nitong panloob na nektar, at ang Kanyang mga pagsasayaw ay dulot nang Kanyang transedental na ekstasi. At ang Kanyang pag-awit, ay pamamahagi nito sa iba. Kaya, kung pag-aaralan ninyong mabuti ang pagkatao ni Sri Chaitanya Mahaprabhu, hindi natin maiiwasang isiping Siya pala ang Supremong Di Mapag-aalinlangang Katotohanan, ang lahat-lahat nang ito, at pinakamagaling sa lahat nang mga naipahayag na.

111

Anda mungkin juga menyukai