Anda di halaman 1dari 30

UNANG MARKAHAN

PAALAM SA PAGKABATA
Salin ni Nazareno D. Bas Wala akong nakikitang pagbabago. Tulad nang nagdaang mga madaling-araw: ang ginaw, katahimikan, dilim- iyon din ang bumubuo ng daigdig ng aking kamalayan. Maraming bagay ang dapat mailarawan. Ngunit alam kong iisa lamang ang kahulugan ng mga iyon. Alam ko. Sa kabilang silid, sa kuwarto nina Nanay at Tatay, naririnig ko ang pigil na paghikbi. Umiiyak na naman si Nanay. Ang sunud-sunod na paghikbi ay tila pandagdag sa kalungkutan ng daigdig. Napabuntong-hininga ako. Umiiling-iling. Hanggang ngayon hindi ko pa nakikita ang tunay na dahilan ng damdaming iyon na matagal nang umalipin sa kanya. Walang malinaw sa aking isipan. Mula sa aking pagkamulat ang pagkainip ay kakambal ng aking buhay. Sa aking pag-iisa di ko maiwasan ang pangarap na magkaroon ng batang kapatid na nag-aangkin ng mabangong hininga at taglay ang ngiti ng isang anghel. Ngunit ang damdamin koy tila tigang na lupang pinagkaitan ng ulan. Maliwanag na ang silangan nang akoy bumangon. May bago na namang umaga. Ngunit ang tanawin sa bahay ay walang pagbabago. Tulad ng dati, nakikita ko si Nanay na nakaupo at nag-iisip sa may hagdanan. Nakatitig siya sa sampayan ng lambat ni Tatay. At madalas ang kanyang pagbubuntong-hininga. Matagal ko nang nakikita ang sampay na lambat. Ngunit hindi ko nakikitang itoy ginagamit ni Tatay. Noon ay walang halaga ito sa akin. Nagsimula ang pagpansin ko sa lambat noong itoy itinapon ni Nanay mga dalawang taon na ang nakakaraan. Galit na galit si Tatay sa ginawa ni Nanay. Pinagbuhatan ni Tatay ng kamay si Nanay. Pagkatapos ipinabalik kay Nanay ang lambat sa sampayan. Hanggang ngayon bay hindi ka pa nakakalimot, Tomas? Alam ng Diyos na wala akong kasalanan. Ang kanyang ginawa ang siya mong ginagawa tuwing ikaw ay darating sa madaling-araw. Ang kanyang amoy ay siya ring amoy na galing sa dagat. Magkatulad ang inyong ikinikilos. Sino ang hindi mag-aakala na siya ay hindi ikaw? Huli na nang malaman ko ang katotohanan. Huli na nang siya ay aking makilala. Totoong lumigaw siya sa akin. At mula noon ay alam mo iyon. Ikaw ang aking iniibig, Tomas. Kailan mo pa malilimutan ang nangyari? Tuluyang umiyak si Nanay. Umungol lamang si Tatay. Nanlilisik ang mga matang tumingin sa lambat at pagkatapos ay bumaling sa akin. May ibig sabihin ang tingin niyang nag-aapoy. Maliban sa takot na aking nararamdaman ay wala akong naintindihan sa pangyayaring iyon. Mula noon ay hindi na ginalaw ni Nanay ang lambat. Naluma na ito ngunit buong-buo pa rin sa aking paningin. Buong-buo pa rin sa paningin ni Nanay. Ano kaya ang misteryong napapaloob sa lambat na iyon? Alam kong alam ni Nanay ang hindi ko nalalaman. At kailangang malaman ko ito. May karapatan akong makaalam. Nilapitan ko si Nanay na malalim pa rin ang iniisip. Hinalikan ko ang kanyang kamay. May ibi akong itanong tungkol sa misteryo ng lambat. Ngunit nauntol ang ibig kong sabihin nang magpatuloy ang kanyang pagluha. Lakad na Celso, malapit nang dumating ang Tatay mo.

Sa labasan, sumalubong sa akin ang bagong araw. Tumingin ako. Maliwanag ang langit. Langit? May gumugulo sa aking kalooban. Kalawakan. Iyan ang sabi ng aking guro sa ikaapat na baitang ng primarya. Iyan ay hindi langit kundi hangganan lamang ng pananaw ng tao. Ang langit ay nasa tao. Hindi nakikita. Hindi nahihipo. Hindi naaabot. Naabot na kaya ni Nanay ang langit? Ano pa ang hinihintay mo, Celso? Ipinahid ko sa mukha ang suot kong sando. Humakbang pagkatapos. Maya-mayay tumakbo na ako ng matulin. Nasa dalampasigan ang mamamili ng isdang dala ng mga bangkang galing sa laot. Masasaya silang nagkukuwentuhan habang hinihintay ang mga mangingisda. Sumalampak ako sa buhangin, malapit sa kinauupuan ng dalawang lalaking may katandaan na. Sa laot ako nakatingin at pinagmamasdan ang galaw ng mga alon na pandagdag sa kagandahan ng kalikasan. Napalingon ako nang makarinig ng tugtog ng gitara mula sa di-kalayuang bahay-pawid. At sabay kong narinig ang malungkot na awiting nagsasaad ng kasawian sa pag-ibig. At muli na namang naantig ang aking damdamin. Habang pinakikinggan ko ang malungkot na kundimang umalingawngaw ang mahinang paguusap ng dalawang lalaki sa tabo ko. Naririyan na naman siya. Talagang pambihira ang kanyang pagmamahal. Naniniwala akong nagpapatuloy ang kanyang pangarap habang di pa namamatay ang babae sa kanyang buhay. Hindi nawawala ang kanyang pag-asa. Kung kailan natutupad ang kanyang pangarap Diyos lamang ang nakakaalam. Dinig na dinig ko ang mga kataga habang nagpapatuloy ang malungkot na kundimang naging bahagi na ng aking buhay. Tumayo ako at ibinaling ang paningin sa bahay-pawid sa lilim ng kaniyugan. Patuloy ang awitin. Humakbang ako ngunit biglang napatigil sa harap ng dalawang lalaking may katandaan na. Naalala ko ang sabi ni Tatay. Bawal pumunta sa bahay-pawid na iyon. Mahigpit ang utos ni Tatay. Nagbabanta ng parusa. Lumingon ako sa laot. Nasa malayo ang mga bangka ng mga mangingisda. Bumaling ako sa pinanggalingan ng awit na ngayoy gumaganda sa aking pandinig. At para akong hinihila. Nakalimutan ko ang ipinagbabawal ni Tatay. Mabilis ang aking paglakad at sa ilang saglit kaharap ko na ang taong naggigitara at umaawit. May luha sa kanyang mga mata. Tumitig siya sa akin. Inilapag ang gitara sa ibabaw ng papag na kinauupuan. Tumayo siya at dahan-dahang lumapit sa akin. Kinabahan ako. Umakma akong tumakbo ngunit nahawakan niya ang isa kong kamay. Nagpumiglas ako upang makawala sa kanyang pagyapos sa akin. Ngunit lalong humigpit ang kanyang pagyakap. Umiiyak ako. Ngumiti siya at pinahid ang aking mga luha.Hinimas ang aking ulo. Unti-unting lumuwag ang aking paghinga. Nararamdaman ko ang kanyang pagmamahal nang tumingin ako sa kanya. Muli niya akong niyapos. Dalawin mo akong palagi, ha? Hindi ako kumibo. Tinitigan ko siya. Ang kanyang mga mata, ang ilong, ang labi- lahat parang nakita ko na. Saan? Alam ko na, sa salamin. Talagang siya ang nakita ko sa salamin na nakasabit sa dingding ng aming bahay.

Napatingin ako sa dalampasigan nang marinig ko ang hiyawan. Nagdatingan na pala ang mga bangka at naguunahan ang mga mamimili ng isda. Nagmadali akong tumakbo upang salubungin ang Tatay. Malayo pa ako ng makita ko siyang nakatayo sa may dinaungan ng kanyang bangka. Natanawan niya ako. Masama ang titig niya sa akin. Galit. Kinabahan ako. Lapit rito, Celso! Malakas ang sigaw ni Tatay. Nanginginig akong lumapit. At bigla akong sinampal. Di ko gusto ang batang matigas ang ulo! Di lang sampal ang matitikman mo kapag umulit ka pa. Hala, kunin mo ang mga isda at sumunod ka kaagad sa akin. Habang naglalakad ay sinalat ko ang pisnging nakatikim ng sampal. Talagang mahirap intindihin si Tatay. Wala namang dahilan upang iwasan ko ang taong nasa bahay-pawid. Di naman dapat katakutan ang kanyang mukha at boses. Bakit kaya hinihigpitan ako ni Tatay? Matapos akong mag-almusal, nandoon na naman si Tatay sa sampayan ng lambat. Nakatabako at nagtatagpi ng punit na bahagi ng lambat. Alam kong aabutin siya ng tanghali bago matapos ang kanyang gawain,. Matapos makapananghali siyay matutulog. Pagkagising maghahapunan. At di pa man ganap ang gabi balik na naman sa dagat. Iyan ang buhay ni Tatay. At iyan ang bahagi ng aking buhay. Sa aking kinauupuan sa may bintana nakikita ko si Nanay na nakaupo sa may hagdanan. Tahimik at nakatingin na naman sa sampayan ng lambat. Luhaan na naman ang kanyang mga mata. At naalala ko ang pangyayari noong itinapon ni Nanay. Lahat may itinatagong kahulugan. At naalala ko ang nangyari kanina sa dalampasigan. Naalala ko iyong tao. Lumapit ako sa salamin sa dingding. Pinagmasdan ko ang aking sarili. Nakita ko sa aking isipan ang mukha ng tao. Unti-unting lumiwanag ang aking kamalayan. Biglang kumulo ang aking dugo habang iniisip ang nakasampay na lambat. Nagdilim ang aking paningin. Nadama kong inihahanap ko ng katarungan ang aking kalagayan. Nagpunta ako sa kisinaan. Hinanap ko ang itak ni Nanay na pangsibak ng kahoy. Bitbit ko ito at pinuntahan ang sampayan ng lambat. Pinagtataga ko ang lambat. Huwag, Celso! saway ni Nanay na nanginginig ang boses. Huwag! Naiiba sa aking pandinig ang pagsigaw ni Nanay. Pati si Tatay ay natigilan at nabigla sa aking ginawa ay hindi ko pinansin. Hinalibas ko ng itak ang lambat at saka lang ako tumigil nang itoy magkagutay-gutay na at nagkalat sa aking paanan. Celso! Nag-aapoy ang mga mata ni tatay na humarap sa akin. At sa unang pagkakataon ay hindi ko inalis ang aking tingin sa kanya. Nilabanan ko siya ng titigan. Di ako nagagalit kundi humihingi lamang ng pang-unawa. Ngunit bigla akong napatimbuwang nang matamaan ng malakas na suntok at napahiga sa pira-pirasong wasak na lambat. Nahihilo ako, parang ibig himatayin. Umiikot ang aking paningin. Parang may nakita akong anino si Tatay na sumusurot kay Nanay. Ngunit, Tomas, nagmamakaawa si Nanay. Wala siyang kasalanan. Maawa ka sa kaniya.

Pumanhik ka, Isidra! singhal ni Tatay. Pumanhik ka na habang akoy nakapagpipigil pa. Dahan-dahan akong bumangon at sumuray-suray na lumapit kay Tatay. Ngunit isang tadyak ang sumalubong sa akin. Napatihaya ako ngunit tinangka kong makatayo. Mabigat ang pakiramdam ko sa aking katawan at akoy gumapang. Ngunit sinabunutan ako ni Tatay at iningungod sa lupa ang aking mukha. Humihingal ako ngunit di ko makuhang umiyak. Nasasalat ko ang magkahalong dugo at pawis sa aking pisngi. Di ko pansin ang mga gasgas sa dalawang siko. Sa labis na panghihinay umusad ako nang umusad. Hanggang sa nangangatog kong mga bisig ay yumapos sa mga binti ni Tatay. Naramdaman ko ang panlalamig ng katawan at ako ay napahandusay sa kanyang paanan. Hindi ko na alam kung gaano katagal ang pagkawala ng aking malay. Naramdaman ko na lamang may maiinit na mga bisig na yumayakap sa akin. Kinusot ko ang aking mga mata. Sumalubong sa aking paningin ang maamong mukha ni Tatay. Pagsisisi. Pag-unawa. Lahat ay kasalungat sa dati niyang gawa. Lalong humigpit ang kanyang pagyakap at kinabig ang aking mukha sa kanyang dibdib sa tapat ng kanyang puso. Matagal.

Miliminas: Taong 0069 ni Nilo Par Pamonag salin ni Ruby V. GamboaAlcantara mula sa "Miliminas: Tuig 0069"
Miliminas, ito ang pangkat ng mga pulo na matatagpuan sa kalagitanaan ng Dagat Pasipiko bago pa nagkaroon ng malaking pagbaha. Ang pangkat na ito ng pulo ay binubuo ng higit sa 7,200 mga pulo. Ang Miliminas, ito ang tawag sa mga mamamayan ng nasabing kapuluan, ay katulad din natin ang mga balat at hitsura. Ang kanilang pananalita ay katulad rin sa atin. Ngunit dahilan sa nahuhuli sila sa sibilisasyon may mga pag-uugali sila at pagsasalita na kaiba rin sa atin. Mik ang tawag sa kanilang pera. At tawag nila sa isang taong mayroong isang milyong mik, o higit pa ay mikinaryo. Sa pagbibihis malaki ang pagkakaiba natin sa kanila . Ang kanilang tawag sa pormal na damit para sa mga babae ay ang katumbas sa atin ngayon na bathing suit at kamiseta at korto para sa lalaki. Para mapangalagaan ang kanilang moralidad sa pagbibihis, may batas silang ipinatutupad na hulihin ang sinumang magdaramit ng mahaba pa sa sa mini-skirt at micro-skirt. Ang upuan sa kanilang mga sasakyan ay nilalagyan ng kiluhan upang masukat ang timbang ng mga pasahero dahil ito ang pagbabatayan ng kanilang pamasahe. Ito ang tinatawag ng kanilang Public "Diservice Commission" na equality before the kilo. Tungkol naman sa pamamalakad ng trapiko ay may ordinansa sila na nagpaparusa sa mabagal magpatakbo. Ang kasalanan ng mabagal magpatakbo ay tinatawag na not overspeeding. Maayroon din silang serbisyo sa tubig na tinatawag na Nawasdak. Ang ahensyang ito ay may 3 uri ng tubo. Ang una ay nilalabasan ng Malinis na tubig; ang ikalawa ay nilalabasan ng Maruming tubing; at ang ikatlo, walang tubing kundi Hangin lamang. Nakapagtataka? Ito ang pag-uuri ng Quatwasdak; Ang gripo na may malinis na tubig ay mahal ang bayad at para sa mayaman lamang; ang may maruming tubig, para sa lahat ng marunong magtrabaho o kung mayaman naman, gustong magtrabaho; at ang pangatlo, para sa mga mahirap at ito ay walang bayad. Mayroon ding nagmomonopolyo ng kuryente. Ito ang Patay Electric Company. Tatlo rin ang uri ng serbisyo

nito sa publiko. Ito ang Light Service, Brownout Service at Blackout Service. Ang Light service ay nagbibigay ng ilaw sa araw at gabi. Ang Brownout service ay nagbibigay ng ilaw kung hindi mo kailangan at mawawala kung kailangan mo ang ilaw sa pagkain ng hapunan at pagbabasa kung gabi. Kung gusto mo lang ng pangdekorasyon, ang dapat mong ipakabit ay iyong Blackout service. Ang mga sidewalk sa kanilang lungsod ay higit na malalapad kaysa sa atin. Bakit nga ba? Ang dahilan ay sapagkat ang mga bazaar ang umuukupa ng mga sidewalk at ang mga nagtitinda ng sigarilyo at kung anuano ang siyang umuukupa ng mga kwartu-kwarto na kung sa atin ngayon ay mga bazaar. At sabihin pa, ang mga may-ari ng mga bazaar ang hinuhuli ng mga pulis sa kanilang pagtitinda sa mga sidewalk. Ang mga opisyal sa bansa na tumaba habang sila ay nasa serbisyo ay pinapatawan ng sala o akusasyon sa kanilang mga resolution, genuine na mga batas , at iba pa. Upang mapagkatiwalaan ang mataas na opisyal ng bansa, itinatag ang anti-genuine commission para sa paghuli ng mga nagpaparami ng pag-aari o tumatanggap ng mga lagay na genuine, tulad ng genuine na resolutions, genuine na pera, genuine na batas, at iba pa. Ang pinakamalaking tindahan ay tinatawag na Super Blackmarket. May pintura itong itim. Dito ipinagbibili ang mga bagay na ngayon ay ipinagbabawal tulad ng busil na sigarilyo, apyan, mga bagay na ninakaw, at mga ipinagbibiling pekeng bagay. Ang mga genuine na bagay ay ipinagbibili ng patago at tigkakaunti lamang dahil laging hinuhuli ng mga alagad ng katiwalian ang nagbebenta ng mga ito at kinukumpiska pa ang kanilang mga paninda. Katiwalian ang tawag nila sa kanilang batas, at ang nagpapatupad nito ay tinatawag nilang alagad ng katiwalian. Ang mga baril ng mga alagad ng katiwalian ay paltik. Dahil sa ang nag-aari ng lisensyadong baril ay hinuhuli at pinapatawan ng salang illegal possession of genuine firearm. Sa panahong ito ay uso rin ang kickback na kaunti lang ang ikinaiba sa ating tinatawag na kickback ngayon. Ang mga buwaya ng bansa (ito ang tawag sa mga mataas na opisyal sa pamahalaan) ay sinisipa sa likod para sa bawat gatas o milk na tanggaping suhol sa kanyang mga transaksyon. Ang mga buwaya ng bansa ay tumitigil sa pagpapasipa kapag makapal na ang kanilang likod dahil ito ang magiging isang batayan sa pagpili ng isang "Outstanding Buwaya of the Year". Dalawang klase ng batas ang ipinalabas ng kanilang batasan na tinatawag na "Circus of Miliminas". Ang isang batas ay para sa mayaman at ang isa ay para sa mahirap. Ang mga alagad ng bansa ay maliit lang ang sweldo pero malaki naman ang kanilang maaaring gastusing representasyon. Ang mga mamamayan ng Miliminas ay masyadong relihiyoso. Tatlo ang paborito nilang santo- ang mik (ang pera mismo), ang buwaya, at si Santasa, isang taong may sungay at buntot katulad ng tinatawag natin ngayong satanas. Ang pinakamalaking kasalanang magagawa ay ang hindi pagpatay, hindi pagtataksil sa asawa at hindi pag-angkin sa yaman ng iba, pagkaawa sa mga mahirap at hindi pagbibigay ng anumang hingin sa kanila ng mga buwaya ng bansa. Ang mga malaking transakyon ng pamahalaan ay pinagkakasunduan sa ilalim ng puno, at tinatawag nila itong shady transactions. Ang iba naman ay binubuo sa ilalim ng mesa ng mga opisyal ng pamahalaan. Dahil dito, ang mga mesa ay mataas para hindi mauntog ang ulo ng mga opisyal kapag sumusuot sila sa ilalim nito. Ang mga hues de pas natin ngayon ay tinatawag nila na hues de paupas. Parang nakakatawa, ano? Pero iyan ang katotohanan. At isa pang nakapagtataka, ang ginugwardyahan ay ang mga walang kasalanan. Bakit

ganoon ang pamamalakad ng hustisya rito? Iyan ang batas. At ang balak ay mapili ng hues de paupas kung sinu-sino sa mga mamamayan ang palaaway at eskandaloso at sino ang mababait. Pagkatapos ng bista at bumaba na ang hatol, ibinibilanggo ang mga walang sala upang ihiwalay sa maraming mga nakakalayang masasamang tao. Sabihin pa, malalaki ang bilangguan dito at kumpleto sa mga kasangkapan kaysa sa labas. Ang lahat ng bilanggo ay tinatawag na VIP (Very Important Prisoner). Kung tungkol sa sistema ng pagpili ng mga opisyal, ibang-iba sa atin. Simula pa lang ng kampanya, magkaharap na sa entablado ang magkakalaban sa pulitika. Nagbabatuhan ng putik. Sa atin ngayon ang mudslinging ay pasaring lamang sa mga talumpati samantalang sa kanila ay talagang ginagawa. Ang bawat kandidato ay dapat magsinungaling, magmura, mambato ng putik sa kalaban, mangako ng mga hindi matutupad, dahil kung hindi nya ito gagawin ay pawawalan ng bisa ang kanyang kandidatura ng komisyon ng kalokohan, ang ahensyang namamahala sa eleksyon. Sa araw ay namimili rin ang tao ng iboboto kahit na ang isinusulat sa balota ay hindi na nila pinag-iisipan. Ang inisip nila ay ang naipon na bala ng mga kandidato, at mga napatay ng kanilang mga kampon, at ang may pinakamaraming pera. Ang kanilang ibinoto ay tinatawag na ibinoto sa bala at hindi ibinoto sa balota. Ang mga pulitiko at ang kanilang mga kampon ay hindi natatakot mapatay at pumatay sa panahon ng kampanya at eleksyon dahilan sa kanilang paniniwalang ito ang magdadala sa kanilang kaluluwa sa impyerno kung saan mabubuhay sila nang maligaya kasama si Santasa, ang kanilang paboritong santo. Ang Eleksyon ay tuwing ikalawang taon. Kung gayon ay masasabi natin na madaling maubos ang mga mamamayan dito kung madali ang patayan sa panahon ng eleksyon. Subalit nababawi rin ito ng imbensyon ng isang bantog na baliw (ito ang tawag nila sa kanilang henyo) na nakabuo ng isang tabletang kung iinumin ng mag-asawa ay magkakaanak ang babae ng isang instant baby, na ipinagbubuntis sa loob lamang ng dalwampu't apat na oras. Napakadali ng pagpapalit-palit ng kapangyarihan sa MIliminas. Patuloy pa rin ang pag-iral ng mga bayang kontento na sa klase ng pamamalakad dito na sa panahon ngayon ay masasabing kabaligtaran ng mga pangyayari. Ipinagmamalaki pa ng matataas ang katungkulan sa pamahalaan ang pagsasamantala sa kabuhayan ng mga mamamayan. Ang bagong Milimino, ang mga bayaning gumagala sa kapuluan, sila ang magigiting na tumanggap ng mga papuri na maririnig mo sa bibig ng nakaraang administrasyon. At sinu ang kanilang pinagtutungkulan? Ang pinagtutungkulan nila ng papuri ay mga ismagler, mga namomorsyento, mga kickback artist, mga mayamang nag aapi sa mga mahirap, mga nang-aagaw ng lupa ng may lupa, mga alagad ng katiwalian na nang-aabuso sa mga mamamayan, mga hues de paupas at mga pislak(piskal) na hindi tumitingin sa kisalp ng espada ng katarungan at timbangan ng katotohanan kundi tumitingin sa kalansing ng pilak at timbangan ng malalakas at maykapangyarihan, mga walang ginagawa sa bayan kundi aksayahin ang kaban ng bansa na sa halip na gamitin ang kanilang katungkulan sa pagsisilbi sa publiko ay ginagamit pa ito sa pangangamkam ng yaman. Ang ilan sa mga alagad ng bayan na sa ngayon na masasabi nating gumagawa ng mabuti ay nagtatago, nahihiya dahil pinagtatawanan sila ng kanilang mga kasamahan. Hindi lang iyan, kinukutya pa sila, at kung mahuli ng kanilang hepe ay kinagagalitan pa at inaalis sa trabaho. May ilang kabataang malawak ang pagiisip na tumawag ng isang pulong kung saan ipinaliwanag nila ang kaibahan ng pamamahala na kanilang isinasagawa. Ang kanilang prinsipyo ay humingi ng isang klase ng paguugnayan ng mga namamahala at pinamamahalaan. Noong simula ay tinatawanan lamang sila ng mga pinuno. Ngunit ng lumaon ay madame na ang dumadalo sa kanilang pulong, bukod pa sa mga mahirap. Ipinagbawal ng pamahalaan ang pagdaraos ng pulong ng grupong ito ng mga kabataan na tinatawag nilang dungis ng lipunan. Ang simpatya ng mga mahirap ay nakuha ng mga kabataan. At ang pagbabawal sa kalayaan ng mga ito, at

nang lumaon ay pagpatay ng ilan sa kanila, ang naging dahilan ng pagkagalit ng mga mayaman at ng may katungkulan. Sumiklab ang isang rebulusyong lumaganap sa buong kapuluan ng Miliminas. Bilang parusa sa kanilang dyos na si Santasa, dumating ang isang malaking baha, nagkaroon ng malakas na paglindol hanggang sa pumutok ang isang malaking bulkan sa kailaliman ng dagat sa gitna ng kapuluan na siyang naging dahilan ng paglalaho ng Miliminas sa sanlibutan.

PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim (Sanaysay/Muslim) Salin mula sa Ingles ni Elvira B. Estravo Naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan kaya di kailangang binyagan upang ito ay maalis. Ganoon pa man, mayroon silang ilang seremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag napagislam. Pinaniniwalaang ito ay ang pagbibiyag ng mga Muslim. Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon na napapaloob sa pagislam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isang sanggol. Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isangpandita ang babasa ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Itoy ginagawa ipang ditoy ikintal na siyay ipinanganak na Muslim at ang unang salitang maririnig ay ang pangalan ni Allah. Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pegubad. Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mgamagulang ng kanduli, isang salu-salo bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Ditoy inaanyayahan ang mga kaibigan, kamag-anakan at pandita. Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan. Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing o baka. Ang hayop na itoy tinatawag na aqiqa, na ang ibig sabihiy paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat. Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng pangalan ng isang pandita pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol. Inilalagay sa isang mangkok na tubig ang pinutol na buhok. Ayon sa paniniwalang Maguindanao, pag lumutang ang buhok magiging maginhawa at matagumpay ang tatahaking buhay ng bata ngunit kapag itoy lumubog, siyay magdaranas ng paghihikakos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremonya ay di kinikilala ng Islam ngunit dahil bahagi ito ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang Maguindanawon. Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama ng seremonya ay ang paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kanin, dalawang nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang ginagawang ngipin. Nilalagyan din ang buaya ng manok na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw. Inihahanda ito ng isang matandang babaeng tinatawag nilang walian, isang katutubong hilot na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig. Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonya ang buaya. Ang ikatlo at huling seremonya ayang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa seremonyang ito ang pagtutuli. Tinatawag na pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang pag-aari. Ang pagislam ay ginagawa ng isang walian, na karaniwang isang matandang babae na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa araw ng Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim.

PANAMBITAN
ni Myrna Prado salin ni Ma Lilia F. Realubit ng Bakit kaya dito sa mundong ibabaw Marami sa taoy sa salapi silaw? Kaya kung isa kang kapus-kapalaran Wala kang pag-asang makyat sa lipunan.

Mga mahihirap lalong nasasadlak Mga mayayaman lalong umuunlad May kapangyarihan, hindi sumusulyap Mga utang-na-loob mula sa mahirap.

Kung may mga taong sadyang nadarapa Sa halip tulungan, tinutulak pa nga; Buong lakas silang dinudusta-dusta Upang itong hapdiy lalong managana. Nasaan, Diyos ko, ang sinasabi Mo Taoy pantay-pantay sa balat ng mundo? Kaming mga api ngayoy naririto Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito.

Sa araw na iyoy pinagsaluhan ta; Ang biyayang saglit, kung nababalik pa Ang ipapalit koy ang aking hininga. Bakit ba, mahal ko, kay-agang lumisan At iniwan akong sawing kapalaran Hindi mo ba talos, kabyak ka ng buhay At sa pagyaon moy para ring namatay? Marahil tinubos ka ni Bathala Upang sa isipay hindi ka tumanda; At ang larawan mo sa puso kot diwa Ay manatiling maganda at bata. Sa paraang ito, kung nagkaedad na Ang puting buhok koy di mo makikita: At ang larawan kong tandang-tanda mo pa, Yaong kabataan taglay na tuwina. At dahil nga rito, ang pagmamahalan Ay hanggang matapos ang kabataan; Itong alaala ay lalaging buhay, Lalaging sariwa sa kawalang, hanggan. Kaya, aking mahal, sa iyong pagpanaw Tayoy nagtagumpay sa dupok ng buhay; Ang ating pagsintang masidhit marangal Hindi mamamatay, walang katapusan. Ang kaugalian ng ninuno natin Isang taon akong magluluksa mandin; Ngunit ang puso koy sadyang maninimdim; Hanggang kalangitan tayoy magkapiling.

BABANG LUKSA
(Tula/Pampango) Salin ni Oliva P. Dantes ng PABANUA ni Diosdado Macapagal Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw Tila kahapon lang nang ikawy lumisan; Subalit sa akin ang tanging naiwan, Mga alaalang di-malilimutan. Kung akoy nasa pook na limit dalawin Naaalala ko ang ating paggiliw; Tuway dumadalaw sa aking paningin Kung nagunita kong tayoy magkapiling. Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay Na kung saan unang tayoy nag-ibigan; Sa bakurat bahay, sa lahat ng lugar, Itong kaluluway hinahanap ikaw. Sa matandang bahay napuno ng saya

IKALAWANG MARKAHAN
KAY ESTELLA ZEEHANDELAAR Salin ni Ruth Elynia S. Mabanglo Mula sa Mga Liham ng Isang Prinsesang Javanese
Japara, Mayo 25, 1899 Ibig na ibig kong makilala ng isang babaeng moderno iyong babaeng malaya, nakapagmamalakit makaakit ng aking loob! Iyong masaya, may tiwala sa sarili, masiglat maagap na hinaharap ang buhay, puno ng tuwa at sigasig, pinagsisikapan hindi lamang ang sariling kapakanan at kundi maging ang kabutihan ng buong sangkatauhan. Buong kasabikan kong sinasalubong ang pagdating ng bagong panahon; totoong sa pusot isip koy hindi ako nabibilang sa daigdig ng mga Indian, kundi sa piling ng aking mga puting kapatid na babae na tumatanaw sa malayong kanluran.

Kung pahihintulutan lamang ng mga batas ng aking bayan, wala akong ibig gawin kundi ang ipagkaloob ang sarili sa mga nagtratrabaho;t nagsisikap na bagong kababaihan ng Europe; subalit nakatali ako sa mga lumang tradisyong hindi maaaring suwayin. Balang araw maaaring lumuwag ang tali at kamiy pawalan, ngunit lubhang malayo pa ang panahong iyon. Alam ko, maaaring dumating iyon, ngunit baka pagkatapos pa ng tatlo o apat na hebenerasyon. Alam mo ba kung paano mahalin ang bago at batang panahong ito ng buong pusot kaluluwa kahit nakatali sa lahat ng batas, kaugalian at kumbensyon ng sariling bayan. Tuwirang sumasalungat sa kaunlarang hinahangad ko para sa aking mga kababayan ang lahat ng mga institusyon naming. Wala akong iniisip gabit araw kindi ang makagawa ng paraang malabanan ang mga lumang tradisyon naming. Alam kong para sa aking sariliy magagawa king iwasan o putulin ang mga ito, kaya lamang ay may mga buklod na matibay pa sa alinmang lumanag tradisyon na pumipigil sa akin; at ito ang pagmamahal na inuukol ko sa mga pinagkakautangan ko ng buhay, mga taong nararapat kong pasalamatan sa lahat ng bagay. May karapatan ba akong was akin ang puso ng mga taong walang naibigay sa akin kundi pagmamahal at kabutihan, mga taong nag-alaga sa akin ng buong pagsuyo? Ngunit hindi lamang tinig nito ang umaabot sa akin; ang malayo, marikit at bagong-silang na Europe ay nagtutulak sa aking maghangad ng pagbabago sa kasalukuyang kalagayan. Kahit noong musmos pa akoy may pang-akit na sa aking pandinig ang salitang emansipasyon; may isang naiibang kabuluhan ito, isang kahulugang hindi maaabot ng aking pang-unawa. Gumigising ito para sa hangarin ang pagsasarili at kalayaan- isang paghahangad na makatayong mag-isa. Ang puso koy sinusugatan ng mga kondisyong nakapaligid sa akin at sa iba, buong lungkot na pinag-aalab ang mithiin kong magising ang aking bayan. Patuloy na lumapit ang mga tinig na galing sa malayong lupain, umaabot sa akin, at sa kasiyahan ng ilang nagmamahal sa akin at sa kalungkutan ng iba, dala ntio ang binhing sumupling sa aking puso, nag-ugat, sukmibol hanggang sa lumakas at sumigla. Ngayoy kailangang sabihin ko ang ilang bagay ukol sa sarili upang magkakilala tayo. Panganay ako sa tatlong babaing anak ng Regent ng Japara. Akoy may anim na kapatid na lalki at babae. Ang lolo kong si Pangeran Ario Tjondronegoro ng Demak ay isang kilalang lider ng kilusang progresibo noong kapanahunan niya. Siya rin ang kaunaunahang regent ng gitnang Java na nagbukas ng pinto para sa mga panauhin mula sa ibayong dagat-ang sibilisasyong Kanluran. Lahat ng mga anak niyay may edukasyong European, at halos lahat ng iyon (na ang ilan ay patay na ngayon) ay umiibig o umibig sa kanlurang minana sa kanilang ama; at nagdulot naman ito sa mga anak nila ng uri ng pagpapalaking nagisnan nila mismo. Karamihan sa mga pinsan kot nakatatandang kapatid na lalaki ay nag-aral sa Hoogere-Burger School, sng pinakamataas na institusyon ng karunungang matatagpuan ditto sa India. Ang bunso sa tatlong nakatatandang kapatid kong lalakiy tatlong taon na ngayong nag-aaral sa Netherlands at naglilingkod din naman doon bilang sundalo ang dalawa pa. Samantala, kaming mga babaey bahagya nang magkaroon ng pagkakataong makapag-aral dahil na rin sa kahigpitan n gaming lumang tradisyon at kumbensyon. Labag sa aming kaugaliang pag-aralin ang mga babae, lalot kailangang lumabas ng bahay araw-araw para pumasok sa eskwela. Ipinagbabawal n gaming kaugalian na lumabas man lamang ng bahay ang babae. Hindi kami pinapayagang pumunta saan man, liban lamang kung sa paaralan, at ang tanginglugar na pagtuturong maipagmamalaki ng syudad naming na bukas sa mga babae ay ang libreng grammar school ng mga European. Nang tumuntong ako ng ikalabindalawang taonng gulang, ako ay itinali sa bahay-kinailangang ikahon ako. Ikinulong ako at pinagbawalang makipag-uganayan sa mundong nasa labas ng bahay, ang mundong hindi ko na makikita marahil liban kung kasama ko na ang mapapangasawang estranghero, isang di-kilalang lalaking pinili ng mga magulang ko, ang lalaking ipinagkasundo sa akin nang di ko namamalayan. Noong banding huli, nalaman kong tinangka ng mga kaibigan kong European na mabago ang pasyang ito ng mga magulang ko para sa akin, isang musmos pa na nagmamahal sa buhay, subalit wala silang nagawa. Hindi nahikayat ang mga magulang ko; nakulong ako nang tuluyan. Apat na mahahabang taon ang tinagal ko sa pagitan ng makapal na pader, at hindi ko nasilayan minsan man ang mundong nasa labas. Hindi ko alam kung paano ko pinalipas ang mga oras. Ang tanging kaligayahang naiwan sa akiy pagbabasa ng mga librong Dutch at ang pakikipagsulatan sa mga kaibigang Dutch na hindi naman ipinagbawal. Ito-ito lamang ang nagiisang liwanag na nagpakulay sa hungkag at kainip-inip na panahong iyon, na kung inalis pa sa akin ay lalo nang nagging kaawa-awa ang kalagayan ko. Lalo sigurong nawalan ng kabuluhan ang buhay

kot kaluluwa. Subalit dumating ang kaibigan kot tagapagligtas-ang Diwa ng panahon; umalingawngaw sa lahat ng dako ang mga yabag niya. Nayanig sa paglapit niya ang palalot matatag na balangkas ng mga lumang tradisyon. Nabuksan ang mga pintong mahigpit na nakasara, kusa ang iba, ang iba namay pilit at bahagya lamang ngunit bumukas pa rin at pinapasok ang mga di-inanyayahang panauhin. Sa wakes, nakita kong muli ang mundo sa labas nang akoy maglabing-anim na taon. Salamat sa Diyos! Malalabasan ko ang aking kulungan nang Malaya at hindi nakatali sa isang kung sinong bridegroom. At mabilis pang sumunod ang mga pangyayari nagpabalik sa aming mga babae ng mga nawala naming kalayaan. Nang sumunod na taon, sa oras ng pagtatalaga sa poder ng bata pang Prinsesa (bilang Reyna Wilhemina ng Netherland), opisyal na inihandog sa amin ng mga magulang naming an gaming kalayaan. Sa kaunaunahang pagkakataon sa aming buhay, pinyagan kaming umalis sa bayan naming at pumunta sa siyudad na pinadarausan ng pagdiriwang para sa okasyong iyon. Anong dakila tagumpay iyon! Ang maipakita ng mga kabataang babaeng tulang naming ang sarili sa labas, na imposibleng mangyari noon. Nasindak ang mundo nagging usap-usapan ang krimeng iyon na ditoy wala pang nakagagawa. Nagsaya an gaming mga kaibigang European, at para naman sa amin, walang reynang yayaman pa sa amin. Subalit hindi pa ako nasisiyahan. LAgi, ibig kong makarating sa malayo, mas malayo. Wala akong hangaring makapamista, o malibang. Hindi iyon ang dahilan ng paghahangad kong magkaroon ng kalayaan. Ibig kong malaya upang makatayo ng mag-isa, mag-aral, hindia para mapailalim sa sinuman, at higit sa lahat, hindi para pagasawahin nang sapilitan. Ngunit dapat tayong mag-asawa, dapat, dapat. Ang hindi pag-aasawa ang pinakamalaking kasalanang magagawa ng isang babaeng Muslim. Ito ang pinakamalaking maipagkakaloob ng isang katutubong babae sa kanyang pamilya. At ang pag-aasawa para sa amin-mababaw pa ngang ekspresyon ang sabihing miserable. At paano nga ba hindi magkakaganoon, kung tila ginawa lamang para sa lalaki ang mga batas, kung pabor para sa lalaki at hindi para sa babae ang batas at kumbensyon; kung ang lahat ng kaluwagay para sa kanya lang?

AANHIN NINO YAN?


Vilas Manwat Salin ni Luwalhati Bautista Si Nai Phan ay isa sa mga sikat sa kapitbahayan. Hindi dahil isa siyang mananayaw na ang paay singgaan ng saboy ng bituib; hindi rin dahil ginawa niyang bukod-tangi ang sarili sa larangan ng pulitika o panitikan. Marahil, ang kanyng talino sa pagsasangkap sa isang masarap na luto ng sinangag ang kanyang naging tuntungan sa kawalang-hanggan, pero kahit hindi naging katangi-tangi ang nalalaman niya sa pagluluto, magiging tanyag pa rin siya, dahil handa niyang pahintulutan ang kanyang mga parukyano sa walang limitasyong pangungutang. Mahilig siyang mamigay ng matamis sa mga bata nang hindi naghahanap ng pera. Mangyari pang dahilan ito lagi para magreklamo ang kanyang asawa, pero sasabihin niya: Ang dalawampung satang na halaga ng matamis ay hindi ipinahihirap ng pamilya. Pag ang Than Khun, isang mataas na opisyal na naninirahan sa may iskinita, ay gusto ng isang masarap na kape, sasabihin nito sa anak: Magdala ka rito ng kape mula sa tindahan ni Nai Phan. Marami siyang maglagay ng gatas; iisipin mong nag-aalaga siya ng baka para doon! Sa iskinita ding iyon ay naninirahan ang isang lasenggo na hilig nang lumitaw sa kainan at tumuklas ng mga berso mula sa kuwento nina KhunChang at Khun Phaen; makikinig si Nai Phan nang taimtim ang atensyon. Pagkatapos magpalabas, hihingi ang lasenggo ng isang libreng baso ng tsaang may yelo, na malugod namang ipagkakaloob ni Nai Phan, na may kasama pang doughnut para kumpleto.

Pag maulan, sasabihin ni Nai Phan sa mga estudyanteng dalagita: Mga binibini, nahihirapan na kayo sa pagtatampisaw sa putik. Mula ngayon, puwede nyong bitbitin ang inyong sapatos hanggang sa aking tindahan at doon nyo isuot. Lagi niyang binibigyan ang mga ito ng malinis na tubig para panghugas ng paa. Pero eksaktong ikawalo gabi-gabi, isasara niya ang kanyang tindahan. Sasabihin sa kanya ng mga kaibigan niya, Dapat kang magbukas at magsilbi sa gabi; diyan maganda ang negosyo, mas madali kang yayaman. Masayang tatawa si Nai Phan at sasabihin, Mas masarap matulog kaysa magpayaman nang mabilis. Ang sagot na itoy may pinupukaw sa puso ng mga nakakarinig na mas mayaman kaysa kay Nai Phan, pero hindi pa rin kuntento sa yaman nila, bagkus ay nagkukumagkag pang makapagpundar ng mas malaki pang kayamanan. Ang mga taong naninirahan sa iskinita, pauwi sa kani-kanilang bahay sa kalaliman ng gabi pagkaraan ng maghapong ginugol sa paghahabol ng pera, ay makatatanaw kay Nai Phan na nakahilig sa kanyang maliit na silyang de-tiklop, kuntentong nakikipag-usap sa asawa. At maiisip nila sa kanilang sarili: Ang saya-saya nilang tingnan, malaya sa paghahangad sa kayamanan. Mas mabuti pa sila sa amin. Isang gabi ay nagpunta sa sinehan ang kanyang asawa, at nag-iisa siNai Phan. Papadilim na at naghahanda na siyang magsara ng tindahan nang mabilis na pumasok ang isang kabataang lalaki. Anong maipaglilingkod ko sa inyo, sir?, tanong ni Nai Phan. Sa halip na sumagot, naglabas ng baril ang estranghero at itinapat iyon sa puso niya. Hindi ito maunawaan ni Nai Phan, pero nadarama niya na hindi maganda ang mga pangyayari. Iabot mo ang salapi mo, marahas na sabi ng kabataang lalaki. Lahat; kung anuman meron ka. Mukhang ang patayan ang uso sa mga panahong ito; nagbabarilan ang mga tao araw-araw. Pag pinatay kita, wala nang ispesyal don, at pag napatay mo ko, hindi na rin masyadong nakapagtataka, kaya bilisan mo na. Pag hindi ko nakuha ang salapi, patitikimin kita ng mga bala. Hindi nanginig si Nai Phan. Kalmante siyang nakatayo at sabi niya sa tinig na parang nakikipag-usap lang: Ibibigay ko sa yo ang pera, pero hindi dahil sa baril mo, ibibigay ko sa yo dahil mukhang kailangankailangan mo iyon. Baka nakasalalay ditoy buhay at kamatayan. Eto lahat ng perang meron ako ay nandito. Kunin mo na at umuwi ka na agad. Sinong nakakaalam? Siguroy may sakit ang iyong ina; siguroy maraming araw na siyang hindi tumikim ng pagkain. Bilisan mo; baka nga maraming taong naghihintay doon, iniisip kung mag-uuwi ka ng pera o hindi. Maraming buhay ang maaaring nakadepende sa pag-uwi mo na may dalang pera. Hindi ko sasabihin sa mga pulis. Mga siyam na raan ang cash dito; higit pa kunin mo na. Inilagay niya ang salapi sa mesa pero ang binatang holdaper ay tila hindi magkalakas-loob na hipuin iyon. Bakit hindi mo kunin? tanong ni Nai Phan. Tingnan mo, bakit kita lolokohin? Alam kong hirap na hirap ka. Hirap tayong lahat sa mga araw na ito. Hindi ako naniniwalang masama kang tao. Sino ang gustong maging magnanakaw kung maiiwasan niya? Maaari ding nagkaatake ang iyong ama at kailangan mo siyang alagaan. Dalhin mo sa kanya ang perang ito, pero huwag mong ubusin lahat sa gamot. Maniwala ka sa akin, magagamot ng doktor ang katawan, pero kailangan ng tao ang lunas pati sa kanyang isip at kaluluwa. Bumili ka ng ilang mababangong bulaklak, isang kuwintas ng bulaklak para sa iyong ina na mailalagay niya sa harap ng sagradong imahen sa bahay. Iyon ang ginagawa ko gabi-gabi. Hindi mo kailangang malaman kung ano ang kabanalan o kung saan ito nananahanan. Sapat na ang makadama ka ng kapayapaan sa iyong sarili. Iyon ang

langit. Ay! at itabi mo ang iyong baril giginhawa agad ang pakiramdam mo. Ang isang lalakig may dalang baril ay hindi nakakilala ng kapayapaan, ang puso niyay naghihirap sa takot at pag-aalinlangan, at sa amoy ng panganib. Hindi tayo liligaya habang ang ating mga kamay ay nagsisikip sa mga sandata. Inilagay ng kabataang lalaki ang baril sa kanyang bulsa, tulad ng isang masunuring bata. Itinaas niya ang mga kamay sa pagpupugay sa wai kay Nai Phan, na kilala sa kanyang sinangag at kape at pagbubukaspalad. Dapat na barilin ko ang aking sarili imbis na barilin ka, sabi ng kabataang lalaki. Huwag kang magsalita na parang baliw, sabi ng tagapamahala ng tindahan, habang iniaabot ang pera sa binata. Ito na lahat niyon. Dalhin mo, iyo nang lahat. Hindi ito pagbibigay na ginawa sa galit. Alam ko na puno ang mga bilangguan, pero hindi ng mga kriminal. Isa kang lalaking tulad ko, tulad ng ibang lalaki; kahit sinong lalaki, kahit isang ministro, ay ganyan din ang gagawin kung desperado. Naupo ang kabataang holdaper. Hindi pa kita nakita kailanman, at hindi pa ako nakakita kailanman ng gaya mo kung magsalita. Hindi ko kukunin ang pera mo, pero itinabi ko na ang aking baril. Ngayoy uuwi na ako sa aking ina na gaya ng sabi mo, umubo siya nang ilang ulit bago nagpatuloy. Masama akong anak. Lahat ng perang ibinigay sa akin ng aking inay inubos ko sa karera ng kabayo; yong kakaunting natiray inubos ko sa pag-inom. Lahat ng taoy nagkakamali. Ano ba ang buhay kundi magkakahalong eksperimento, pagkakamalit mga kabiguan? sabi ni Nai Phan. Hindi malakas ang katawan ko, alam mo, pagpapatuloy ng kabataang lalaki. Narinig mo ba ang ubo ko? Natatakot ako na mayron na akong T.B. Iyong ang dapat sa akin, sa palagay ko, dahil meron akong mga ginagawang masama Dapat talagang mamatay na ako agad-agad. Hindi ako dapat mabuhay, pasanin lang ako ng mundo. Salamat, at paalam. Hindi mo kailangang umalis agad. Dito ka muna sandali at mag-usap tayo. Gusto kitang makilala. Saan ka nakatira? Ano ang mga hilig mo? Ibig kong sabihin, ano ang mga pinaniniwalaan mo? Walang pag-asang umiling ang kabataan lalaki. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Saan ako maaaring pumunta? Ano ang mga pinaniniwalaan ko? Hindi ko alam. Mukhang wala nang ano pa man sa mundong ito na karapat-dapat paniwalaan. Naging isang miserableng nilikha na ako mula nang araw na akoy ipanganak; hindi nakapagtataka na hindi ko gusto ang aking mga kapwa-tao. Minsan, ang tingin koy pananagutan ng lahat ang mga kamalasan ko. Ayokong makisalamuha sa mga tao. Hindi ako nagtitiwala kahit kanino. Kinasusuklaman ko ang paraan ng pakikipag-usap ng tao sa isat isa, kung paano nila gugulin ang kanilang buhay, kung paano nila mahalin at purihin ang isat isa, kung paano sila tumawa at ngumiti. Tumango nang may pagkaunawa si Nai Phan. Lahat ng taoy ganon ang pakiramdam kung minsan. Kaya mo ba akong paniwalaan? Hindi ako interesado sa kahit ano. Sawang-sawa na ako sa lahat. Ang buong mundoy parang hungkag. Walang kahulugan, walang anupaman na mapapangapitan o maigagalang ng tao. Kung talagang gusto kong magtrabaho, sa palagay koy maaari akong humanap ng gawain. Pero nasusuklam akong makita ang sangkatauhan, ayokong tumanggap ng kahit na anong pabor mula sa kanila. Mananatili ako nang isang linggo sa isang trabaho, dalawang linggo, sa isa pahindi ako nagtatagal kahit saan. Nagbabasa ka ba ng libro?

Dati. Pero umayaw na ako. Ni hindi na ko nagbabasa ng diyaryo ngayon. Bakit pa? Alam na alam ko kung anong laman nila. Wala kundi barilan, nakawan, patayan! Binabago nila ang mga lugar at mga pangalan, pero ganut ganon din ang mga istorya. Hinimas ng kabataang lalaki ang kanyang baba at masusing naningkit ang mga mata kay Nai Phan. Suwerte mo na hindi ka nagpakita ng anumang takot o galit nang pagbantaan kita ng baril, tiyak na papatayin kita. Ang daigdig na itoy punung-puno ng mga lalaki na gustong magpakita ng galit, mga lalaking marurumi ang isip, na laging bumubulalas na nabubulok na raw ang sibilisasyon at moralidad. Hindi ako naniniwala na dahil lang daan-daan o libu-libo ang napasama, ganon na rin dapat gawin ng lahat ng tao. Alam ko na ngayon na hindi ako naparito dahil sa pera kundi para patunayan sa sarili ko na tama ang aking paniniwala. Naiisip ko lagi kahit pa nawawalan na ng pag-asa ang mundo at lumulubog na sa kailaliman, pinarumi at dinungisan ng kasalanan ng tao, may matitira pa rin kahit isang tao na hindi tao dahil lang ganon ang itsura niya, kundi isang tunay na taong nilalang. Alam niya kung paano magmahal ng iba, kung paano mapagwawagian ang paggalang ng ibang tao. Pero hindi ko ganap na pinanaligan iyon dahil wala pa kong nakitang ganon. Sa loob ng maraming taon ay iniisip ko: Sanay makakita ako ng isang tao na hindi pa naging buktot kasabay ng kabuktutan ng mundo, para mapaniwalaan ko na may natitira pang kabutihan, para magkaroon ako ng lakas para patuloy na mabuhay. Ngayoy nakatagpo ako ng isang taong ganon. Ibinigay mo sa akin ang lahat ng hinahangad ko. Wala ka nang dapat ibigay. Uuwi na ako ngayon. Mangyari pa, sa isip ko, hindi ko na kamumuhian uli ang daigdig. Natuklasan ko sa wakas ang uri ng buhay na gusto kong tuntunin. Mukhang naging mas masigla na ang estranghero. Tumindig na siya para umalis at pagkaraan, naalala niya, inilabas niya ang baril. Iniabot niya iyon sa may-ari ng tindahan. Sanay kunin mo ito. Hindi ko na ito kailangan. Iyan ang tatak ng mababangis. Sinumang lalaki na magdala ng baril ay walang awa o paggalang sa iba, wala siyang iginagalang kundi ang baril. Ang mga bandidoy maaaring mabuhay sa kanilang baril, pero ang buhay nilay laging gagambalain ng katotohanan na ang mga kaaway nilay maaaring sumalakay sa kanila nang wala silang kahandaan. Wala silang panahon para panoorin ang paglubog ng araw o para umawit. Pag ang taoy walang panahon para umawit, mabuti pang maging kuliglig na lang o ibong mynah. Ngumiti nang masaya ang holdaper, at kumakaway ng pamamaalam, idnugtong nito: Babalik ako para makita ka uli, pero huwag mo nang ipakikita uli sa akin ang baril. Yan ang kaaway ng isang malinis na buhay. Paalam. Nawala sa dilim ang estranghero. Yumuko si Nai Phan, ang may-ari ng tindahan, para bisitahin ang pinakabago niyang pag-aari. Iniisip niya na bukas ay ipagbibili niya iyon. Kailangang-kailangan niya ng bagong pansala ng kape.

SI KESA AT MORITO
Salin ni Lualhati Bautista Mula sa Rashomon atbp. Pang Kuwento Ni Ryunosuke Akutagawa S

UNANG BAHAGI: MONOLOGO NI MORITO Sa pagkakatingin sa buwan habang nag-iisip, naglalakad si Morito sa ibabaw ng mga lagas na dahon sa makalabas ng bakod ng kanyang bahay: Sumikat na ngayon ang buwan. Karaniwang hinihintay ko nang may pagkainip ang pagsikat ng buwan. Pero ngayong gabi, ang maliwanag na sikat ng buwan ay yanig na sumusindak sa akin. Kinikilabutan akong isipin

na ang gabing ito ay magwawasak sa aking kasalukuyang sarili at gagawin akong isang karumal-dumal na mamamatay-tao. Isipin na lang kapag ang mga kamay na itoy namula sa dugo! Anong kasumpa-sumpang nilalang ang magiging tingin ko sa aking sarili kapag nagkaganoon! Ang puso koy di mababagbag sa sakit kung papatay ako ng isang kaaway na kinasusuklaman ko, pero ngayong gabi ay kailangan kong patayin ang isang lalaking hindi ko kinasusuklaman. Matagal ko na siyang kilala. Kahit kamakailan ko lang nalaman ang kanyang pangalan, Wataru Saemonno-jo, mulat sapul pay kilala ko na ang kanyang magandang mukha. Nang matuklasan kong asawa siya ni Kesa, totoong sandali rin akong nag-apoy sa panibugho. Pero ngayon, ang panibugho ko'y napawi na, hindi nagiwan ng anumang bakas sa aking isip o puso. Kaya para sa aking karibal sa pag-ibig, wala akong pagkamuhi o masamang hangarin. Manapa, mabuti ang isipin ko para sa kanya. Nang sabihin sa akin ng tiya ko, si Komorogawa, kung paano niya pinagsikapan at pinagsakitang makuha ang puso ni Kesa, nakadama ako ng simpatiya sa kanya. Naunawaan ko, na sa buong hangarin niya na mapangasawa ito, pinaghirapan pa niyang matutong sumulat ng tula. Hindi ko maisip na ang simple at nakababagot na lalaking iyon ay sumusulat ng mga tula ng pag-ibig, at isang ngiti ang gumuguhit sa aking mga labi sa kabila ng damdamin ko. Hindi ito ngiti ng pag-uyam; naaantig ako sa pagkamasuyo ng isang lalaki na ginagawa ang lahat para makuha ang isang babae. Posible pa rin na ang kanyang masimbuyong pag-ibig ang nagtulak sa kanyang sambahin ang minamahal kong si Kesa ay nakapagdudulot sa akin ng kasiyahan. Pero mahal ko ba talaga si Kesa? Ang aming pag-iibigan ay maaaring paghiwalayin sa dalawang baitang, ang nakaraan at ang kasalukuyan. Minahal ko siya bago siya ikinasal kay Wataru, o iyon ang aking palagay. Pero ngayong tumitingin ako sa aking puso, nakikita ko na marami akong motibo. Ano ang gusto ko sa kanya? Siya ang klase ng babaeng kinadaramahan ko ng mga hangaring makalaman kahit noong mga panahong akoy wala pang bahid-dungis. Kung mapahihitulutan ang eksaheradong pahayag, ang pag-ibig ko sa kanyay hindi hihigit pa sa isang sentimental na bersyon ng motibong nagtulak kay Adan sa piling ni Eba. Malinaw ito sa mga pag-aalinlangan ko na patuloy siyang mahalin kung sakaling ang aking hangarin ay natupad. Bagamat nanatili siya sa isip ko sa sumunod na tatlong taon pagkaraang maputol ang aming ugnayan, hindi ko tiyakang masasabi na mahal ko siya. Sa kasunod na pakikipag-ugnayan ko sa kanya, ang pinakamalaking ipinagsisisi ko ay iyong hindi ko siya nakilala ng lubos. Pinarurusahan ng kawalang-kasiyahan, nahulog ako sa kasalukuyang relasyon, na gumugimbal sa akin, gayunman, alam kong mangyayari. Ngayoy itinatanong kong muli sa aking sarili, Mahal ko ba siya talaga? Nang makita ko uli siya tatlong taon pagkaraan, sa pagdiriwang na kaugnay ng pagkakayari ng Tulay ng Watanabe, ginawa ko ang lahat ng paraan para makita siya nang patago. Sa huliy nagtagumpay ako. Hindi lang ako nagtagumpay na makita siya, kundi inangkin ko pa ang kanyang katawan na gaya ng pinapangarap ko. Sa pagkakataong iyon, ang panghihinayang na di ko siya nakilala nang pisikal ay hindi ang tanging nangingibabaw sa akin. Nang maupo ako sa tabi niya sa nababanigang silid ng bahay ni Koromogawa, napansin ko na malaking bahagi ng aking panghihinayang ang naglaho na. Malamang na ang aking hangarin ay pinahina ng pangyayaring hindi na ako malinis. Pero ang pinakapangunahing dahilan ay hindi siya ang inaasahan kong magiging siya. Nang magkakaupo kaming magkaharap, natuklasan ko na hindi siya ang imahen ng malabantayog na kagandahang binuo ko sa isip sa nakaraang tatlong taon. Malayo siya sa idolong pinakaasam-asam ko sa aking puso. Ang kanyang mukha, na makapal na nakukulapulan ng matingkad na pulbos, ay pinaglahuan na ng malaking bahagi ng dating kasariwaan at makinis na panghalina. Sa ilalim ng mga mata niyay nakahugis ang nangingitim na guhit. Ang tanging hindi nagbago sa kanya ay ang kanyang malilinaw, bilog,maiitim na mga mata. Nang makita ko siya sa bagong paninging ito, nagimbal ako, at sa kabila ng aking damdamin ay di ko napigilang iiwas ang aking mga mata. Kung gayoy paano ko nagawang makipagtalik sa isang babaeng napakanipis ng pagkakabigkis ko? Unay itinulak ako ng kakatwang kagustuhan na mapangibabawan ang dating hangarin ng puso ko. Sa pagkakaupong magkaharap, binigyan niya ako ng isang eksaheradong kuwento ng kanyang pag-ibig sa kanyang asawa. Wala siyang iniwan kundi hungkag na alingawngaw sa aking tainga. Mayroon siyang hambog na ideya tungkol sa kanyang asawa, naisip ko. May hinala rin ako na maaaring itoy tulak ng kanyang kagustuhang huwag nang pagningasin pa ang aking pagnanasa. Kasabay nito, patindi nang patindi ang dating hangarin kong ihantad ang kanyang kasinungalingan. Bakit itinuturing ko iyong kasinungalingan? Kung sasabihin ninyo sa akin, minamahal kong mambabasa, na ang sariling kayabangan ko ang nagtulak sa

akin para maghinalang kasinungalingan ang kanyang pahayag, hindi ko maitatatwa ang inyong bintang. Anot anuman, pinaniniwalaan ko noon at pinaniniwalaan ko hanggang ngayon, na iyon ay kasinungalingan. Pero hindi ang hangaring makapanlupig ang tanging ngumangatngat sa akin nang mga sandaling iyon. Pinamumulahan akong banggitin ito- pinangingibabawan ako ng pagnanasa. Hindi iyon basta panghihinayang lang na hindi ko nakilala ang kanyang katawan. Iyon ay hamak na kalibugan mismo na ni hindi nangangailangan na ang kabilang panig ay maging ang babaeng iyon. Marahil ay walang lalaking umarkila ng babae sa isang bahay-putahan na magiging mas hamak pa sa akin nang mga sandaling iyon. Anot anuman, batay sa ganyang ibat ibang motibo, nagkaroon ako ng relasyon kay Kesa. O, manapa, inalisan ko siya ng dangal. Bilang pagbalik sa unang tanong na binitiwan ko, hindi ko na kailangang itanong pa ngayon sa aking sarili kung mahal ko siya. Nang matapos ang lahat, sapilitang ibinangon ko siya aking mga bisig- ang babaeng ito na umiiyak na ibinagsak ang kanyang sarili. At nagmukha siyang mas walang dangal kaysa sa akin. Ang kanyang nakasabog na buhok at nagpapawis na katawan, ang lahat ay indikasyon ng kapangitan ng kanyang isip at katawan. Hindi kamaliang sabihin na simula nang araw na iyon, sa puso koy nagkaroon ako ng bagong pagkamuhi sa kanya. At ngayong gabiy papatayin ko ang isang lalaking hindi ko kinamumuhian, para sa kapakanan ng babaeng hindi ko iniibig. Patayin natin si Wataru, bulong ko sa tainga ni Kesa. Baliw na nga ako para gawin ang napakagarapal na mungkahing iyon. Wala sa loob na inihiga ko sa tainga niya ang nakaraang hangarin ko na hamunin ng labanan si Wataru at pagwagian ang kanyang pag-ibig. Anot anuman, Patayin natin si Wataru, bulong ko, at tiyak na tiyak na bumulong ako nang nagtatagis ang mga ngipin, sa kabila ng aking damdamin. Kapag naaalala ko ngayon, hindi ko masasabi kung ano ang nag-udyok sa akin para gawin ang padalus-dalos na bagay na iyon. Ang tanging naiisip ko bilang paliwanag dito ay ginusto kong tagpian ang relasyon sa kasalukuyan, at habang tumitindi ang paghamak at pagkasuklam ko sa kanya, lalo kong kinaiinipan na mawasak ko ang kanyang dangal. Wala nang mas aangkop pa sa mga layuning ito kundi patayin ang asawang ipinangangalandakan niyang mahal niya, at makuha ang kanyang pagsang-ayon mula sa kanyang pagpapatumpik-tumpik. Kaya tulad sa isang lalaking binabangungot, nakapanaig ako sa kanya na maisakatuparan naming dalawa ang pagpatay na hindi ko gusto. Kung iyan ay hindi sapat para ipaliwanag ang aking motibo sa pagmumungkahing patayin si Wataru, wala nang paliwanag na dapat tangkain, maliban sa isang kapangyarihang banyaga sa mga mortal (marahil ay demonyo o diyablo) ang nagtataboy sa akin sa makasalanang daan. Nagpupumilit at paulit-ulit na ibinulong ko ang ganoot ganoon ding bagay sa tainga niya. Sa huliy nag-angat siya ng mukha at sinabi, Oo, dapat mo ngang patayin si Wataru. Hindi lamang ako nasorpresa sa biglang pagsang-ayon niya, kundi nakakita ako ng mahiwagang kinang sa kanyang mga mata na hindi ko napansin noon. Taksil na babae-iyon ang naging tingin ko sa kanya.Gumuhit sa nag-iinit na utak ko ang iglap na pagkabigo at paghihilakbot- at oo, pagkasuklam. Kung maaaari lang ay babawiin ko ang pangako ko noon din. Sa gayoy mapangangalanan ko siyang mang-aapid, at ang aking kunsensiyay makapagkakanlong sa makatwirang pagngingitngit. Pero hindi ko nagawa.Inaamin ko agad kong nakita na imposible iyon sa saglit na bigla siyang tumitig sa akin. Nagbago na ang kanyang anyo, na para bang nakita niya ang laman ng aking puso. Nahulog ako sa malungkot na kalagayanng pakikipagtipan para paslangin ang kanyang asawa dahil sa takot ko na paghigantihan niya ako kapag nabigo akong tuparin ang aking bahagi ko sa usapan. Ngayon, ang takot na itoy mahigpit at matatag na dumaklot sa akin. Magtawa kayo kung ibig ninyo, sa aking karuwagan. Ito ang gawa ng isang hindi nakaaalam kung gaano kahamak ang kanyang kalaguyo. Kapag hindi ko pinatay ang kanyang asawa, papatayin niya ako sa kahit na anong paraan. Kailangan kong patayin ang kanyang asawa at kung hindiy papatayin niya ako, desperadong naisip ko, sa pagkakatingin ko sa kanyang walang luha pero umiiyak na mga mata.Pagkatapos kong bitiwan ang aking pangako, hindi ba may nasilip akong ngiti sa kanyang bibig at biloy na gumuhit sa kanyang maputlang pisngi? Ay, dahil sa kasumpa-sumpang pangakong ito, idadagdag ko ang krimen na buktot na pagpaslang sa pinakamaitin na pusong maaaring maisip. Kung tatalikuran ko ang nakatakdang pakikipagtipan na magaganap ngayong gabi. Hindi, ipinagbabawal iyon ng aking pangako. Lagpas ito kaya kong batahin. Isa pa, natatakot ako sa kanyang paghihiganti. Totoong-totoo ito. Pero may iba pang nag-uudyok sa akin na gawin iyon. Ano ito? Ano ang malaking kapangyarihang iyon na nagbubunsod sa akin, sa duwag na ako, para patayin ang isang inosenteng lalaki? Hindi ko masasabi. Hindi ko masasabi. Pero posiblengHindi, hindi

maaari. Pinandidirihan ko siya. Kinatatakutan ko siya.Kinasusuklaman ko siya. Pero gayunpaman, maaari ring dahil mahal ko siya. Si Morito, na patuloy sa paglalakad, ay hindi na nagsalita pa. Ang pag-awit ng isang balada ay pumailanlang sa gabi. Ang isipan ng tao ay nasa dilim, walang ilaw na makapagbigay-liwanag. Nagsisindi ito ng apoy ng makamundong paghahangad, upang humayo at lumitaw, sa loob lang ng isang iglap. IKALAWANG BAHAGI: MONOLOGO NI KESA Gabi, sa ilalim ng isang lampara, naka-tayo si Kesa, nakatalikod sa ilawan, nag-iisip nang malalim at kagat-kagat ang manggas ng kanyang kimono. Darating ba siya o hindi, ewan ko. Imposibleng hindi. Lumulubog na ang buwan, pero walang marinig kahit isang yabag, kaya maaaring nagbago ang isip niya. Kapag hindi siya dumating Araw-araw akong mabubuhay sa kahihiyan, tulad sa isang puta. Paano ako nalubog sa kahihiyan at kasamaan. Mawawalan ako ng dangal at tatapak-tapakan na lang, sa pagkakabilad ng kahihiyan ko. Gayunmay kakailanganin kong manahimik na parang pipi. Kapag nagkagayon ay dadalhin ko hanggang kabila ng libingan ang aking pagsisisi. Sigurado akong darating siya. Mula noong nakaraang araw, iyon na ang aking pananalig. Natatakot siya sa akin. Kinasusuklaman niya akot pinandidirihan,gayunpamay natatakot siya sa akin. Talaga, kung ang aasahan ko lang ay ang sarili ko, hindi ako makasisiguro sa kanya.Pero umaasa ako sa kanya. Umaasa ako sa kanyang pagkamasarili. Umaasa ako sa buktot na takot na pinipukaw ng pagkamakasarili sa kanya. Pero ngayong hindi ko na magawang umasa sa sarili ko, napakahamak ko nang nilalang! Hanggang noong tatlong taon na ang nakararaan ay may tiwala ako sa akong sarili, at higit sa lahat, sa aking kagandahan. Mas matapat kung sasabihin nating hanggang noong araw na iyon kaysa noong tatlong taon na nakararaan. Noong araw na iyong makita ko siya sa silid ng bahay ng aking tiya, isang sulyap sa kanyang mga mata at nakita ko ang aking kapangitan na nasasalamin sa kaniyang isip. Kinausap niya ako nang masuyo at mapagmahal, na akala moy walang problema. Pero paano pa maaaliw ang puso ng isang babae sa sandaling matuklasan niya ang kapangitan ng kanyang pagkatao? Nagimbal ako, nayanig, nagdalamhati. Di-hamak na mabuti pa ang nakasisindak na pagkabalisang dala ng paglalaho ng buwan na nakita ko sa aking kamusmusan sa mga bisig ng aking tagpag-alaga, kung ihahambing sa malamultong pagkalunos na nagpakulimlim sa isipan ko nang mga sandaling iyon. Naglahong lahat ng pangarap at pangitain sa aking puso. Ang kalungkutan ng isang maunos na madaling-araw ay tahimik na bumalot sa akin. Ngatal sa kalungkutan, sa huli ay isinuko ko ang aking katawan, na para na ring patay, sa mga bisig ng lalaking hindi ko iniibig sa mga bisig ng isang makamundong lalaki na nasusuklam at nandidiri sa akin. Hindi ko na ba makakaya ang aking kalungkutan mula nang buong linaw na maipamukha sa akin ang aking kapangitan? Sinikap ko bang mailibing ang lahat sa hibang na sandaling iyon na sumubsob ako sa kanyang dibdib? O itinutulak din ako ng kahiya-hiyang paghahangad lang na gay rin niya? Maisip ko lang iyon ay nilulukob na ako ng kahihiyan! Kahihiyan! Kahihiyan! Lalo na noong ilayo ko na ang aking sarili sa kanyang mga bisig, hiyanghiya ako. Ang pagka-inis at kalungkutan ay naghatid ng walang katapusang luhasa aking mga mata sa kabila ng pagsisikap ko na huwag umiyak. Hindi lamang ako nagdadalamhati sapagkat nawalan ako ng dangal, higit sa lahat ay nahihirapan akot nagdurusa dahil akoy pinadidirihang tulad sa isang asong ketongin na kinasusuklaman at pinarurusahan. Ano ang aking nagawa mula noon? Ang meron lang akoy ang pinakamalabong ala-ala niyon na para bang isa iyong bagay sa malayong nakalipas. Natatandaan ko lang ang kanyang mahabang tinig na bumubulong, Patayin natin si Wataru, at dumampi sa aking tainga ang kanyang bigote habang akoy humihikbi. Pagkarinig sa mga salitang ito, kakatwang nakadama ako ng sigla. Oo, sumigla akot lumiwanag na tulad ng sinag ng buwan, kung ang sinag ng buwan ay matatawag na maliwanag. Bakit hindi, hindi ba ako inaliw ng mga salitang ito? Ay, hindi ba ako hindi ba ang isang babaey isang nilalang na nakadarama ng kaligayahan sa pag-ibig ng isang lalaki sukdulang patayin niya ang sarili niyang asawa? Nagpatuloy ako sa pagluha sa loob nang may malungkot at masiglang pakiramdam na tulad sa sinag ng buwan. Kailan ako nangakong makipagtulungan sa pagpaslang sa aking asawa?

Noon lamang pumasok sa isip ko ang aking asawa. Matapat kong sinasabing noon lang. Hanggang sa mga oras na iyon, ang isip koy buung-buong nakatuon sa aking sarili at sa aking kahihiyan. Pagkaraay nakita ko ang larawan ng nakangiting mukha ng aking asawa. Malamang na nang sandaling maalala ko ang kanyang mukha, gumuhit sa isip ko ang plano. Nang mga sandaling iyon ay disidido na akong mamatay, at ikinagagalak ko ang aking desisyon. Pero nang huminto na ako sa pag-iyak, nang magtaas ako ng mukha, at tumingala sa kanyang mukha para matagpuan ang kapangitan kong nasasalamin doon, dama koy naglahong lahat ang aking kaligayahan. Ipinagunita nito sa akin ang kadiliman ng paglalaho ng buwan na nakita ko kasama ang aking tagapag-alaga. Iyon, tulad ng nangyari, ay iglap na nagpalaya sa lahat ng masamang ispiritung nagtatago sa ilalim ng aking kaligayahan. Dahil nga ba sa pagmamahal ko sa aking asawa kaya mamamatay ako para sa kanya? Hindi, kundi dahil lang sa resonableng pangangatuwirang ito, ibig kong pagbayaran ang pagkakasala kong pakikipagtalik sa iba. Dahil walang tapang na magpakamatay, nasa akin ang buktot na hangaring makapag-iwan ng magandang impresyon sa mga tao. Ang kabuktutan kong ito ay maaari na rin sigurong palampasin. Sa ilalim ng pagkukunwaring mamamatay ako sa aking asawa, hindi ba ako nagpaplanong ipaghiganti ang aking sarili laban sa pagkamuhi sa akin ng aking kalaguyo, sa kanyang pandidiri sa akin, sa kanyang buhong na pagnanasa? Pinatutunayan ito ng isang sulyap sa kanyang mukha na pumawi ng mahiwagang kislap na tulad sa mapulang liwanag ng buwan, at nagpalamig sa aking puso sa matinding pagdadalamhati. Mamamatay ako, hindi para sa aking asawa kundi para sa aking sarili. Mamamatay ako, para parusahan ang aking kalaguyo sa pananakit niya sa aking puso at para sa aking hinanakit sa pagdungis niya sa aking katawan. Ay, hindi lang ako walang karapatang mabuhay kundi wala ring karapatang mamatay. Pero ngayon, gaano kainam pang mamatay na lang kahit sa pinakakahiya-hiyang paraan, kaysa mabuhay. Nakangiti nang pilit, paulit-ulit kong ipinangako na papatayin namin ang aking asawa. Dahil matalas ang pakiramdam niya, marahil ay natunugan niya sa mga salita ko kung ano ang mangyayari kapag hindi niya tinupad ang kanyang pangako. Kaya mukhang imposible na pagkatapos niyang mangako ng ganoon ay aatrasan niya iyon. Tunog ba iyon ng hangin? Kapag naiisip ko na ang mga dinaramdam ko mula noong araw na iyon ay matatapos na sa wakas ngayong gabi, nakakahinga ako. Tiyak na ang bukas ay maghuhunos ng kanyang malamig na liwanag sa aking katawang walang ulo. Kapag nakita iyon ng aking asawa, siyay hindi, hindi ko siya naiisip. Mahala ko ng aking asawa. Pero wala akong lakas na gantihan ang kanyang pag-ibig. Isang lalaki lang ang maaari kong mahalin. At ang lalaki iyon ay darating ngayong gabi para patayin ako. Kahit ang gaserang itoy napakaliwanag para sa akin, akong pinahihirapan ng aking mangingibig. Hinipan ni Kesa ang ilawan. Hindi nagtagal at narinig ang mahinang tunog ng isang nabuksang kandado, at bumaha sa loob ang maputlang sinag ng buwan.

PLOP ! CLICK! (Dobu Kacchiri) Mga Tauhan: KOTO KIKUICHI ISANG NAGDARAAN KOTO : Isa akong Koto na nakatira sa pook na ito. Ngayon tatawagin ko si Kikuichi para konsultahin siya. Nariyan ba si Kikuichi? KIKUICHI : Nariyan na! KOTO : Nasaan ka? KIKUICHI : Heto na ko. KOTO : May mahalaga akong kailangan sa iyo. Dahil matagal na rin naman akong hindi nakalalabas ng bahay, ang daming oras na nakabitin sa kamay ko. Gusto kong magbiyahe at nang makapagmasid naman ng mga tanawin. Ano sa tingin mo? KIKUICHI : Sa totoo lang, imumungkahi ko nga sana sa iyo, Ekselenteng ideya.

KOTO : Ano pang hinihintay natin kung ganoon. Maghanda ka ng sake. KIKUICHI : Ngayon din. Nakahanda na ang bote ng sake. KOTO : Umalis na tayo agad. Halika na! KIKUICHI : Nakahanda na ako. KOTO : Ano sa palagay mo? Nagtatawanan na siguro ang mga taong makita ang dalawang paris natin na namamasyal at nagmamasid sa mga tanawin. Pero ang pagbibiyahe sa bagong lugar ang nakapagpapagaan ng pakiramdam bukod pa sa kasayahang nalalasap mo. KIKUICHI : Wala naman sa palagay kong mag-iisip na para tayong gago. Kaya, kapag nararamdamang mong gusto mong magbiyahe, dapat lang na ilang ulit tayong magbiyahe. Nakabubuti iyon sa inyo, Amo. KOTO : Nasa labas na tayo ng nayon. Marahil nasa gitna tayo ng bukirin. Ang lungkot dito. KIKUICHI : Nasa gitna nga tayo ng bukirin. KOTO : Kapag nasa kapatagan ako, parang lumalawak ang aking puso at gumagaan ang pakiramdam ko. KIKUICHI : Gaya ng sabi mo, kasiya-siya ang magbiyahe. KOTO : Makinig ka! Noon ko pa gustong sabihin sa iyo na hindi sa habambuhay ka na lamang umaawit ng mga maiikling awit o bumibigkas ng mga kuwento. Bakit di mo ensayuhin ang Labanan sa Heike, ang pamosong epiko? KIKUICHI : Gusto ko nga sanang hingin ang tulong mo tungkol diyan. Masuwerte na lang at ikaw mismo ang nagbukas tungkol diyan. Kung maituturo mo sa akin yan, tatanawin kong malaking utang-na-loob. KOTO : Ituturo ko kung ganoon. Wala rin lang tao sa paligid, bibigkasin ko sa iyo ang isang berso. KIKUICHI : Sadyang kay buti mo. Sige, makikinig ako. KOTO : Umabot sa krisis ang labanan sa Ichi no Tani, at nauwi sa isang malaking giyera. Natalo ang mga dakilang Hieke, at nagsisugod ang mga mandirigma ng Genjisilang sabik sa kabantugan. Parang mga trigong nagbagsakan sa harap ng mga armas-pandigma. Kalunus-lunos na pagdanak ng dug! Walang katapusang kaguluhan! Putol ang baba ng ilan, at ang iba namay talampakan. Sa gitna ng nakakukuliling mga daing at pananangis, pilit pinaglalapat ang kanilang mga sugatang talampakan sa duguang baba,ang sugatang baba sa duguang talampakan. Ay, kahabag-habag na tanawin! Tatlo o apat na raang mga mandirigma ang nagkalat sa kapatagan! KIKUICHI : Kagila-gilalas palang talaga ang epikong yan. Nagagalak akong marinig. KOTO : Halikat pumunta tayo doon sa malayu-layo pa. Sumunod ka sa kin! KIKUICHI : Sige lang, sumusunod ako. KOTO : Maraming bumibigkas ng Heike, pero wala akong alam na nakabibigkas ito nang mainam. Kaya kailangang pag-aralan mo itong mabuti. KIKUICHI : Iinsayuhin kong mabuti, at inaasahan kong tuturuan mo akong muli. KOTO Sakalit maitalaga ako sa posisyon ng Kengyo, gagawin kitang isang Koto. KIKUICHI : Napakabuti mo ngang talaga. KOTO : Ano yon? Nakakarinig ako ng alon ng tubig. Siguroy malapit tayo sa dagat. KIKUICHI : Oo nga, pakiramdam ko;y dagat nga yon. KOTO : Kailangan nating tawirin ito. Anong dapat nating gawin? KIKUICHI : Ano nga bang dapat nating gawin? NAGDARAAN: (Sa mga manonood) Dito lang ako nakatira. Dahil may lalakarin ako sa kabila ng bundok, kailangan kong magmadali. Ano itong nakikita ko? Dalawang bulag ang nagbabalak lumusong sa dagat. Paano kaya nila magagawa yon? TitigiI muna ako rito at panoorin sila pansumandali. KOTO : Halika! Maghagis ka ng bato para matantiya natin ang lalim ng dagat. KIKUICHI : Sige. Ayan, naghagis na ako. PLOP! KOTO : Malalim doon. KIKUICHI : Malalim na malalim doon. KOTO : Subukan mo sa ibang direksiyon. KIKUICHI : Sige. Ayan, naghagis ulit ako. CLICK! KOTO : Mababaw doon. KIKUICHI : Mukha ngang mababaw doon. KOTO : Kung gayon, lumakad na tayo nang painut-inot. Halika na!

KIKUICHI : Pero amo, teka muna sandali. KOTO : Bakit? KIKUICHI : Bubuhatin ko na kayo sa likod ko. KOTO : Naku, hindi na kailangan. Basta sumunod ka sa akin. KIKUICHI : Pero kaya nga ako naririto para pagsilbihan kayo. Para na rin sa kabutihan ng aking kaluluwa. Hayaan niyo ng buhatin ko kayo. KOTO : Hindi, huwag na. Dahil hindi ka rin nakakakita, baka maaksidente pa tayo. Maghawakan na lang tayo sa isat isa saka lumakad nang painut-inot. KIKUICHI : Pero ito ang pagkakataon ko para makatulong sa inyo. Kailangang mabuhat ko kayo sa aking likuran. KOTO : O sige, sige. Dahil mapilit ka, papayag akong buhatin mo ako. Pero kailangang maghanda na muna tayo. Ihanda mo na rin ang sarili mo. KIKUICHI : Salamat, nakahanda na ako. NAGDARAAN: Mautak ang mga bulag na yon. Sinusubukan nila ang lalim ng dagat sa pamamagitan ng paghahagis ng bato. Masuwerte talaga akong aso. Ako ang magpapabuhat patawid sa dagat. (Papatong siya sa likod ni KIKUICHI). KIKUICHI : Humawak kayong mabuti. Ngayon sisimulan ko nang magpainut-inot sa dagat. Sana naman hindi masyadong malalim. Ayan nakarating na ako sa kabila. Nagawa ko ito nang walang kahirap-hirap, at natutuwa akot wala ring disgrasya. NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Hindi ko inaasahan ang suwerteng ito. Tuwang-tuwa ako. KOTO : Ano Kikuichi? Nakahanda ka na ba? Walang sumasagot? Hindi ko ito maintindihan. Ki-ku-i-chi! Na-saan ka? KIKUICHI : Na-ri-to a-ko! KOTO : Bakit di mo pa ako buhatin patawid? KIKUICHI : Pero kabubuhat ko lang sa inyo. KOTO : Kabubuhat lang sa akin? Pero naghahanda pa lang ako. Hindi mo pa ako nabubuhat. Ang hayop na yon mag-isa palang tumawid. KIKUICHI : (Magmamadaling tumawid sa pinaggalingan) Kailan kayo tumawidna muli rito Amo? KOTO : Kailan? Abat walanghiya tong taong ito. Umaayaw na yata. Madali kat buhatin mo na ako agad. KIKUICHI : Hindi ko maintindihan ito. Di bale, tatawid na lang uli ako. Kumapit na kayo sa likod ko. KOTO : Huwag kang magalaw. KIKUICHI : Lalakad na ako nang painut-inot. Mukhang napakalalim dito. KOTO : Basta mag-iingat ka at huwag kang masyadong magalaw. KIKUICHI : Opo, opo. Ang lalim naman nito! Naku, tulungan ninyo ako, saklolo! NAGDARAAN: Nakakaaliw pagmasdan ang kawawang mga bulag! KOTO : Nakakapanggalit itong nangyayari sa atin. Basang-basa na ako. Kaya nga ba tumanggi na akong pabuhat sa iyo noong una pa. KIKUICHI : Ipagpaumanhin ninyo. Patutuyin ko kayo. Talaga namang nag-iingat ako, pero natalisod ako. Patawarin ninyo ako. KOTO : Nauunawaan kong aksidente ang nangyari, at wala tayong magagawa roon. May nangyari ba sa sake? KIKUICHI : Anong sabi nyo? Ah, ang bote ng sake. Heto, hindi nadisgrasya. KOTO : Giniginaw na ko. Tagayan mo ako. KIKUICHI : Sige po. NAGDARAAN: Abat may isa pa pala akong suwerte. Akong iinom noon. KIKUICHI : Nagtatagay na po ako. Glug, glug! KOTO : Tama na yan. Mawawala rin ang ginaw ko pag nainom ko na ito. KIKUICHI : Sigurado, Amo. NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Ang sarap nito! KOTO : Ano na, Kikuichi? Bakit di mo ako tinatagayan? KIKUICHI : Pero katatagay ko lang pot binigay ko sa inyo. KOTO : Iyon din ang akala ko, pero wala ni isang patak ang baso ko.

KIKUICHI : Talagang hindi ko maintindihan ito. Magtatagay uli ako Heto, pupunuin ko na ang baso. KOTO : Sige, bilisan mo. KIKUICHI : Eto na. Glug, glug! NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Abat may kasunod pa! Walang kasinsarap ang sakeng ito! KOTO : Tama na yan. Uminom ka rin nang kaunti. KIKUICHI : Puwede po ba? Salamat sa kabaitan ninyo. Napakasarap ng sake, di po ba? KOTO : O, bakit hindi mo pa ako tinatagayan? KIKUICHI : Pero katatagay ko lamang po ng isang punung baso para sa inyo. KOTO : Akala ko nga, pero ni isang patak, wala pa rin ang baso ko. Kamuhi-muhi kang tarantado ka. Ni isang patak di mo man lang ako pinatikim, kasi sinosolo mong pag-inom. KIKUICHI : Naku, hindi ganyang magsalita ang amo ko. Bakit ko naman sosolohin ito nang hindi inuuna ang amo ko? Mali ang akusasyon ninyo sa akin. Nakadalawa na po kayong tagay. KOTO : Abat talaga bang ginagalit mo ko? Hindi ka lang gago, dinadaya mo ko at pinalalabas na iniinom kong tinatagay mo nang di mo alam. Tagayan mo ako ulit. KIKUICHI : Gusto ko po sana. Pero, ipagpaumanhin ninyo! Wala na pong natira. KOTO : Ano? Ni isang patak wala nang natira? NAGDARAAN: (Sa mga manonood). Talagang nakakaaliw ito. Pag-aawayin ko sila. Bang! Bangg! KOTO : Aray,aray ko! Abat sobra na ito. Matapos mo akong agawan ng inumin, ngayon naman may gana ka pang bugbugin ako. KIKUICHI : Anong sabi ninyo? Bugbugin? KOTO : Sinaktan mo na ako, ulol! KIKUICHI : Itinatabi ko lang po ang bote ng sake. Ni hindi nakaturo sa direksiyon ninyo ang mga kamay ko. KOTO : A, hindi pala? At sino pang mananakit sa akin, aber? Sino, sabi? KIKUICHI : Aray, aray ko po! Inaakusahan nyo na nga ako ng kung anu-anong hindi ko naman ginagawa, ngayon naman sinasaktan nyo pa ako. Bakit binubugbog ninyo ang isang walang kasalanang katulad ko? KOTO : Abat ni hindi nga nakatutok sa iyo ang mga kamay ko. KIKUICHI : Hindi nakatutok? Sinong nanakit sa akin? Magsalita kayo,sino pa? KOTO : Aray, aray ko! Kikuichi, ano ba? Bakit mo ba ako sinasaktan? KIKUICHI : Nasa binti ko ang mga kamay ko. KOTO : Nasa binti mo? Kaninong mga kamay ang sumuntok sa akin? KIKUICHI : Aray, tama na! Huwag ninyong abusuhin ang inosenteng tulad ko. Amo. KOTO : Ano? Abusuhin? KIKUICHI : Ano pa nga bang ginagawa ninyo? KOTO : Ni hindi nga dumadapo ang mga kamay ko sa iyo. KIKUICHI : Di dumadapo? Kung gayoy sinong nanununtok sa akin? KOTO : Aray, ano ka ba? KIKUICHI : Aray ko po, tama na! NAGDARAAN: Nakakatuwa talaga ito. Paiikutin ko sila sa ibat ibang pakana. Pero, teka! Abat tinutuluyan na nilang magsuntukan.Delikado pa ang manatili pa rito. Kailangang makaalis na ako habang may araw pa. KOTO : Nauubos nang pasensiya ko. Hindi kita patatakasin lintik ka! Kikuichi : Bakit ako sinasaktan? SILANG DALAWA: A-a-ray. KIKUICHI : Ikinahihiya ko kayo Amo. Hawak ko na kayo ngayon. Nagpapanggap lang pala kayong mabait. Santo-santito! KOTO : Huwag, sandali lang! Matapos mo akong bugbugin, tatakbuhan mo ako. Wala bang ibang tao rito? Hulihin nyo siya, hulihin nyo! Huwag nyo siyang patatakasin!

ANG AMA
Salin Ni M. R. Avena

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isa lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi. Ang

pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsay iniuuwi ng ama malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kanyang parte ang lahat kahit itoy sansubo lang ng masarap na pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit. Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos, at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nilay masayang nakiupo sa kanila at kumain ng kaunti. Pero hindi na naulit ang masayang okasyong iyon, at ngayoy hindi na nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunayay ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyoy umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila pag-uwi sa gabi ang ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tale sa mga daliri nito. Kung umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at ang mga batay magsisiksikan, takot na anomang ingay na gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga, kayat mahihiya iyong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa, at malakas na bulalas at pag-ungol mula sa kanilang ama, at silay magtatanong kung ano ang ginagawa nito. Kapag umuuwi ang ama na mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahilay si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga paste, gayong paulit-ulit siyang pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyang halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, o namamaluktot ng paghiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang pasensiya sa kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses; pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at itoy nakakabulahaw na sisigaw, at kung hindi pa iyon himinto, itoy tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon nang buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan. Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla dahil nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitna ng isang mahabang halinghing at di mapatahan ng dalawang pinakamatandang bata gayong binalaan nilang papaluin ito. Walang anu-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig na tubig. Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo, doon sa tabi ng gulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting bata ay dumating upang makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay doble ang kanilang pakikiramay, dahil alam nilang nawalan ito ng trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay sa mga palad ng ama na di-kawasa,

puno ng awa sa sarili, ay nagsimulang humagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan ay madaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabait na tao, na noon diy nagdesisyong kunin siya uli, para sa kapakanan ng kanyang asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes na sa lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin. Ngayoy naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahong pagkamatay ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kayat madalamhati siyang nagtatawag, Kaawaawa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak! Nakita niya ito sa kanyang libingan sa tabi ng gulod payat, maputla at napakaliit at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang ibay lumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, Maaaring lasenggo nga siya at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata. Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at saka tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amo sa asawa (na kiming iniabot naman nito agad sa kanya, tulad ng nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastahin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kaya ito pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan. Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer. Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong malaking supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyon bay kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. Mayroong supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit. Nagtalo ang mga bata kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalakiy biskwit; nakakita na siyang maraming kahong tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, yong katulad ng minsay ibinigay sa kanila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malaking bahay na pinaglalabhan ng Nanay. Ang kambal ay nagkasya sa pandidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang laman niyon. Kayat nagtalo at nanghula ang mga bata, takot na hipuin ang yaman na walang senyas mula sa ama. Inip nilang lumabas ito ng kanyang kuwarto. Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala sa mata ang yaman na sa wariy kanila na sana, nagbulungan ang dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. Tingnan natin kung saan siya pupunta. Nagpumilit na sumama ang kambal, at ang apat ay sumunod nang malayu-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa bahay, pero ngayoy nasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna. Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ang puntod na kanyang hinintuan. Lumuhod ito at dinukot ang mga laman ng supot na dahan-gahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita, Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sanay tanggapin mo. Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak, habang nagmamasis sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit anomang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama. Naiwan itong nakaluhod kahit bumagsak na ang ulan. Pagkuway umalis ito, naninikit sa katawan ang basang kamisadentro. Sa isang iglap, ang kangina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa kanilang nailigtas, nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang di nila mararanasang muli.

IKATLONG MARKAHAN
ANG PAGHUHUKOM
Isinalin ni Lualhati Bautista

Ang panahon ng tag-ulan, nang malamig at preskong panahon na tumutulong sa mga puno para magsibol ng mga bagong dahon at humuhugas sa mga karumihan, ay hindi pa natatapos. Pagtuloy sa pagdating ang mga araw at gabi, kahit sa anong panahon Ang pagdaraan ng mga araw ay sumaksi sa pagpapahid ni Fak ng balsamo sa kanyang mga sugat para mabawasan ang pamamaga sa kanyang mukha at ibsan ang sakit na nadarama ng kanyang loob. Habang dumaraan angmga araw, ang mga sariwang sugat ay natuyo, nag-iwan ng mahabang pilat sa ibabaw ng kanyang kaliwang kilay. Ang mga araw at gabi'y patuloy na dumarating kay Fak Pero ang mga dumaraang mga araw at gabi ay hindi na makapagsasauli sa apat na ngiping nawawala sa bibig ni Fak, katulad ding hindi na niyon mapipigil ang kamay ni Fak sa pag-abot sa bote ng alak at pagdadala roon sa kanyang bibig. Kaya ang dumaraang mga araw at gabi ay sumaksi sa walang humpay na pag-inom ni Fak sa mga oras na siya'y gising. Ang pambubugbog na tinanggap ni Fak ng gabing iyon ay hindi lang nagiwan ng sakit sa kanyang katawan kundi nag-iwan din ng tatak sa kanyangisipan. Sa loob ay nakadarama siya ng galit at pangangailangang makapaghiganti, at nag-iisip pa nga siya ng paraan kung paano niyabubuweltahin ang mga nanakit sa kanya. Natatandaan niya nang malinaw nadalawa sa tatlong taong sumalakay sa kanya ng gabing iyon ay sina Thid Tiengat Tid Song. Kailangang makahanap siya ng paraan para ipatikim sa dalawang taong iyon ang sakit at kirot na dinaranas niya. Gusto niyang puntahan ang mga ito sa bahay nila at suntukin sa mukha o magdala ng kutsilyo at saksakin sila hanggang sa magmakaawa ang mga ito na huwag niyang patayin. Paminsan-minsan, napapanaginipan niya na nakaupo daw siya sa dibdib ni Thid Tieng at walang humpay na pinagsusuntok ito at paggising niya, damdam niya'y nagawa niya talaga ang nagawa niya sa panaginip at umahon ang kasiyahan sa loob. Gayunman, sa pagdaraan ng mga araw, naglubag ang kagustuhan niyang makapaghiganti at unti-unti ay mabagal silang napawi ng tuluyan. Marahil ay dahil hindi si Fak ang likas na ganoong tipo ng tao. Isa siyang tao na ang gusto'y kapayapaan, na takot makipag-away at walang sapat na akalupitan parapumatay. Naisip niyang ireport sa pulisya ang nangyari pero natatakot naman nabalikan siya at salakaying muli ng pamilya ng dalawa, at hindi na matatapos agad ang gulo. Nang iwan na siyang lubos ng hangarinniyang makapaghiganti, naisip na lang niya: "Kalimutan mo na iyon!" Minsa'y ang sarili pa nga ang sinisisi niya sa pagsasabing hindi niya dapat pinukol ng niyog ang bata. Gayunman ay naiwan nang wasak ang kanyang isip, tulad sa isang pirasong salamin na binasag at paulit-ulit na dinurog. Lahat ng nangyari'y lumikha ng ganap na pagbabago kay Fak, at kahit nagawa niyang hamigin ang sarili'y hindi na siya magiging tulad pa rin ng dati, at mahabang-mahabang panahon bago niya maibalik ang sarili sa normal. Ang buhay niya'y kontrolado ngayon ng takot. Hindi na siyamakapangahas na lumabas ng bahay niya sa gabi at hindi na kailanman nagtungo sa bahay ni Lung Khai, maliban na lang sa kalagitnaan ng araw o saaraw ng Sabado't Linggo. Tuwing makakarinig siya ng kaluskos ng taonglumalakad sa kanyang likuran, itutulak siya ng takot na lumingon at tumingin. Minsa'y wala namang kahit ano doon. Kung naglalakad siya nang wala sa loob at narinig niya ang ihip ng hangin sa mga puno, lulundag ito sa takot ang puso niya at bibilis ang kanyang kaba. Wala siyang magagawa kundi mapako sa kinatatayuan at pawisan. Sobra ang kanyang nerbiyos na minsa'y di niya mapaghiwalay ang realidad ng nangyari sa kanyang mga takot at panaginip. Natakot siya sa dilim, natakot sa malalakas na ingay at sa mga ingay nanagpapaalala sa kanya sa mga tunog na naririnig niya nang gabing iyon, atantimanong sumayad ang takipsilim ay mabilis niyang aabutin ang bote parauminom

hanggang sa makatulog Ang balita ng pambubugbog kay Fak ay agad-agad na kumalat sa nayon at hindi nagtagal ay iyon na lang ang nasa labi ng mga tao, at sa ayos ay walana iyong katapusan. Gayunman, walang bumabanggit ng tungkol sa mga taong may kagagawan ng pagkalagas ng mga ngipin ni Fak ay walang nag-abalang mag-imbestiga o magsampa ng reklamo laban sa mga taong sumalakay sa kanya. Nag-ipun-ipon ang mga tao sa nayon para pag-usapan ang nangyari ng gabing iyon.Isang grupo ng mga tao ang nag-usap tungkol sa iba't ibang dahilan na humangga sa pangyayari at lahat sila'y nagkaisa na inabot lang ni Fak ang dapatsa kanya. Bagama't sila'y walang aktibong kinalaman sa usapin, naisip din nila iyon at ngayo'y pinag-uusapan nila iyon nang may kasiyahan "Sayang at hindi na siya namatay." "Mabuti nga sa kanya." "Mas kasalanan pang pumatay ng aso kaysa pumatay ng isang kagaya niya." "Ang pesteng gaya ng isang 'yon! Bakit kailangang maawa sa kanya ang kahit sino?" May iba pa, na siyang nakararami, na hindi interesado sa nangyari kayFak. Nabubuhay sila nang walang pakialam at hindi sila nag-aabal sa problemang iba. Kapag nababanggit ang nangyari, nakikinig sila nang walang interes at hindi nagsasabi ng anumang opinyon. Wala silang ipinakikitang awa o simpatiya kay Fak kaugnay ng mga nangyayari at wala silang hangaring mapasangkot. Iisang bagay lang ang laman ng isip ng grupo ng mga taong ito "Wala akong pakialam." May isa pang grupo ng tao na may makataong pakiramdam at nakakadama ng awa sa taong pinagsamantalahan o naging biktima ng pang-aapi. Pero sa nayong ito ay hindi ito marami niyon. Ilan sa kanila'y lihim nanaaawa kay Fak sa pagkakabugbog dito, bagama't hindi pa nila tinatanaggap ang katotohanan na hindi nito inaasawa ang sarili niyang madrasta. Para sa mga taong iyon, magkaibang bagay ang dalawang istorya. Gayunman, wala sa kanilang may lakas ng loob para tumulong kay Fak. Natatakot sila na sila mismo'y maging sentro ng mga tingin ng mga tao. Kaya kinimkim na lang nilaang kanilang awa sa kanilang sarili at tahimik na ipinasya na hindi dapat ginawang mga sumalakay kay Fak ang ginawa nila. Sa grupo ng mga taong ito, si Saproe Khai lang ang nangangahas namagbaba ng sarili at tumulong kay Fak. May mga gabing pumupunta siya sabahay nito para tumulong sa pag-aalaga dito at gamutin ang mga tinamo nitongsugat, tulad sa isang ama na nagmaamlasakit sa kanyang anak "Ay sobra talaga ang ginawa nila ngayon sa 'yo, ano?" Ito ang mga unang sinabi niya ng makita niya si Fak kinabukasan ng gabing iyon. Hindi sumagot si Fak, ngumiti lang isang bunging ngiti. Marahil ay dahil masyadong masakit ang bibig niya kaya ayaw na niyang magsalita, at isapa, wala siyang masasabi, kundi ngumiti Lahat ng naganap ng gabing iyon ay naging dahilan para lalo pang magkulong sa sarili niya si Fak hanggang sa maging mas tahimik pa siya sa dati, na tulad ng isang pipi May sapat na ideya si Mai Somsong sa nangyari kay Fak. Nagawa niyang hulaan sa pamamagitan ng mga pasa ng mga hiwa at sugat na madali naming makita. Kaya hindi niyang iniwasang sumunod sa mga ipinaguutos ni Fak natulad ng pagsasaing o pagbili ng alak, at sinikap din niyang huwag gaanong lumapit at abalahin ito, maliban sa kalaliman ng gabi, kapag nakatulog na si Fak sa kalasingan, ikakabit na niya ang

kanyang kulambo at maghihintay siyang nakabantay. Kapag hindi na ito bumubiling o kumikilos, gagapang na siys sa loob ng kulambo nito Patuloy nang ginampanan ni Fak ang mga katungkulan niya bilang dyanitor ng eskuwela hanggang sa katapusan ng buwan (Agosto), at nang matanggap niya ang huling suweldo niya, itinabi niya iyon nang buo at hindi bumawas ng kaunti man para iwan sa prinsipal dahil naisip niya na ganitong wala na siyang pagkukunan ng suweldo na makukuhanan niya ng maitatabi, ang mangyayari na lang ay magwiwidro siya sa prinsipal. Kailangan niyang tipirin ngayon ang pera niya at bawasan ang paggasta sa mga bagay na di kailangan, at ang mga bagay na hindi kailangan para kay Fak ay anag tatlong beses na pagkain araw-araw. Hindi niya kailangang alalahaning masyado ang tungkol sapagkain dahil alam niya na makakakuha siya lagi sa templo ng sapat para ibusog sa sarili kahit isa, kundi man tatlong kainan isang araw. Mas nag-aalala siya kayMai Somsong na hindi na makakain nang sapat araw-araw. Kalagitnaan ng Setyembre Ang istorya tungkol kay Fak ay nag-umpisang mahawi sa labi ng bawatisa at hindi nagtagal ay hindi na iyon pinag-uusapan ng mga tao. Ang tanging bagay na lang na interesadong pag-usapan ng mga tao ngayon ay angelektrisidad na ikinakabit na sa nayon. Kahit hindi sa ano pa man, maski paano'y nakatulong iyon para mamatay ang usapan tungkol kay Fak at sa kanyang madrasta Lahat ng tao sa nayon ay pursigidong makatulong sa mga trabahador sapaglalagay sa lugar sa mga kongkretong poste para mas mabilis na matapos ang trabaho. Nakahanda silang lahat na magsakripisyo ng lakas at salapi para sa kapakanan ng kumportableng kinabukasan at modernisasyon ng nayon. May mga taong nangangarap nang makapag-ari ng telebisyon,refrigerator, o bentilador. Hindi na nila alalahanin ngayon ang pagsisindi ng gasera na hindi pa makapagbigay ng sapat na liwanag para ilawan ang kanilang paligid. Hindi magtatagal at sa halip ay magkakaroon sila ng mahahabang tubong fluorescent para magbigay-liwanag sa kanilang tahanan. Magagawa niyong ilawan ang buong bahay, at sa kalaliman ng gabi, kung kailangan nilang magpunta sa banyo, hindi nila kailangang mag-abala pa na magsindi ng gasera at magbitbit niyon papunta sa labas. Wala silang dapat gawin kundi pindutin ang bukasan at ang buong bahay ay magliliwanag at iglap na matataboy ang kadiliman sa banyo. At pagdating naman sa pagpaplantsa ng mga damit, hindi na nila kailangang magpabaga pa ng uling sa mabigat na plantsang bakal nagaya ng ginagawa nila ngayon. Hindi na sila mamumutol ng mga dahon ng saging para ilagay sa plantsa at hindi na nila kailangang tiisin ang nakayayamot na ingay ng nasusunog na dahon. Hindi na sila magbubuhat ng mabigat naplantsa at maliligo sa pawis bago matapos ang pamamalantsa nila. Sa pamamagitan ng bagong plantsa, wala silang tanging dapat gawin kundi isaksakito at hintaying mag-init at, gayundin, magiging singgaan lang iyon ng pag-aangat sa isang balahibo. Nagkuwentuhan at nag-usap-usap ang mga tao tungkol sa pagsasaing at pagluluto ng isda, at wika nila'y hindi na sila maniningkayad ngayon sa harap ng apoy sa loob ng kalahating oras o higit pa, na mawawala ngayon ang kanilang pag-aalala na baka masunog o lumata ang sinaing, na hindi na sila mag-aaksayang oras at magagamit pa nila sa ibang gawain. Sa bagong de-koryenteng ricecooker, wala silang gagawin kundi isaksak iyon, I-set ang orasan at iwan na, at pag handa na ang kanin, bahala na iyong kusang mamatay. Hindi na sila ngayon mauupo sa harap ng mainit na kalan, nagbabantay at nagpapaypay ng apoy,naggagatong ng kahoy, etsetera. Pag mayroon na silang refrigerator, makakagawa na sila ng sarili nilang yelo at magkakaroon ng malamig na tubig na pamatid-uhaw kahit kailan nila gusto. Makakapag-imbak sila ng gulay at karne at magkakaroon ng sariwang pagkain sa lahat ng oras. Hindi na sila mag-iimbak ng pagkain sa palayok para mawala lang ang lasa ng baka o baboy na tulad ng kaso ngayon Ang mga bagay na ito ang mga pangarap at usapan ng buong nayon

Hindi nagtagal at lahat ng iyon ay naging katotohanan at ang buong nayon ay nagliwanag Hindi natutuwa si Fak tungkol sa pagkakakabit ng kuryente at wala siyang nadaramang inggit o panibugho sa iba. Lahat ng mga oras na gising siya'y nauubos sa bote ng alak at ngayong wala na siyang responsibilidad ng pagtatrabaho, ganap nang malaya ang lahat ng araw niya. Hindi Hindi ginamit ni Fak ang mga libreng oras niya sa paghuhukay o pagtulong sa pagtitindig ngmga poste ng ilaw gaya ding hindi niya ginamit ang mga libreng oras niya para magpunta sa kabayanan at tumingin ng mga dekuryenteng gamit na tulad ngginagawa ng iba. At hindi siya nakadama ng bugso ng tuwa at nagtatakbo para mag-usyoso nang makita niya ang mga taong may dalang bentilador, rice cooker, oiba pang de-kuryenteng gamit mula sa mini-bus ni Ai Kleeio na kararating langmula sa kabayanan. Karamihan sa mga de-koryenteng gamit ay aalisin sa kahonat ididispley sa tindahan ni Pa Chua at maiipon ang pulutong ng mga tao paramagusyoso, at alam ng lahat kung sino ang bumili ng ano. Paminsan-minsan,ang delivery van ng tindahan ng mga de-kuryenteng gamit mula sa bayan ay maghahatid ng mga refrigerator at telebisyon, o kaya'y darating ang tauhangmagkakabit ng antena ng t.v. Ito'y lagi ng tumatawag ng malaking interes at magkukulumpon ang mga tao para mag-usyoso. Sa bawat pagkakataon naidineliber ang isang gamit sa bahay ng isang tao, isang prusisyon ng mga tao ang susunod sa sasakyan at manonood sa ginagawa. Kung set ng telebisyon, mananatili roon ang mga tao hanggang sa lumitaw ang palabas sa screen. "Hindi kasing linaw ang palabas sa telebisyon sa bahay ng prinsipal, pero mas maganda ang set kaysa sa bahay ng Kamnan," kanya-kanya silang sabi ng opinyon depende sa sarili nilang palagay. Hindi interesado si Fak alinman dito at hindi kailanman nakisali sa prusisyon ng mga tagasunod. Nasisiyahan na lang siya na hindi na siya gaanongpinapansin ng mga tao na gaya ng dati. Ginagamit pa rin niya ang kanyang maliit na ilawang-langis para ilawan ang kanyang bahay at nanatiling kuntento sa kanyang lumang lutuan ng kanin at bumabagsak nang kalan, at ang hanging umiihip sa loob ng kubo niya ay sapat na para siya mapreskuhan. Natitighaw pa rin ang kanyang pagkauhaw ng tubig-ulan na inimbak niya sa bariles sa tabi ng kanayang dampa at maligaya na siyang manatili sa ganitong pamumuhay. Napakatamad niya para matuwa at hindi niya maintindihan kung ano ang nakakatuwa. Walang bagay sa buhay niya nakarapat-dapat pagtindigan ng pag-asa at ang tanging bagay na naghahatid sa kanya ng tuwa ay ang pagpunta sa paradahan upang bumili ng alak Hindi na nag-aabala si Fak na alagaan ang kanyang sarili. Hinayaan naniyang dumumi ang kanyang katawan at hindi na tumitingin pa sa salamin para alamin ang kanyang hitsura. Nag-umpisa siyang mangamoy at nagpatuloy ang pagsama ng hitsura niya sa bawat araw na magdaan. Hindi niya namamalayanang mga pagbabagong nagaganap sa kanya at hindi niya napapansin angmanilaw-nilaw na mantsang lumilitaw sa katawan niya o ang paninilaw ng puti ng kanyang mata. Ang tanging alam niya ay ang pangyayari na pag hindi siya nakainom agad pagkagising niya, hindi siya magkakaroon ng lakas na harapin ang maghapon. Kahit tangkain niyang angatin ang tabo ng tubig para hilamusan ang kanyang mukha, talagang ni wala siyang lakas para gawin iyon. Manginginig ang kanyang kamay at makakadama siya ng pagkainis. Napakalaking abala niyon para sa kanya at hindi niya magawang iangat ang kahit ano maliban sa bote ngalak, at tuwing tutungga siya mula sa bote, nadarama niyang bumabalik ang kanyang lakas. Alam niyang sumasakit ang kanyang gilagid tuwing ngunguya siya ng pagkain, at napansin niayng nag-uumpisang mamanas ang kanyang mga paa, pero ikatuwiran niya na ito'y bunga ng labis paglakad niya at iyon naman ay gagaling din. Kapuri-puri ang asal ni Mai Somsong. Ang buhay niya sa piling ni Fak aysimple lang at hindi palahingi. Nagpatuloy siyang mabuhay sa dating istilo niya at kuntento na ang kayamanang iniipon niya sa kubo ay

nadagdagan na at patuloy na nadaragdagan sa bawat araw. Mga basag na pinggan, mga bunging tasa, may lamat na baso, bao ng niyog, bulaklak na papel, basyong lata, at iba pa. Itinatabing lahat iyon ni Fak sa kubo nang walang pag-aalala na itatapon iyon ni Fak gaya na dati. Hindi lamang nadagdagan ang kanyang kayamanan, kundi nadagdagan pa ang panahon niya para maupo at hangaan ang mga iyon. Araw at gabi ay mauupo siya roon at masusing eeksaminin ang mga ito mula sa paningin ng isang eksperto, sa paraan na sinusuri ng isang propesyunal na kolektor ang halaga ng isang bagay sa kanyang koleksiyon. Kapag nangyayari na masyadong natatamad si Fak para intindihin ang pagkain niya, siya mismo ang pupunta at kukuha niyon sa mga batang templo. Minsa'y aalis siyang maraming dala, minsa'y kaunti lang, depende sa kung ano ang ibigay sa kanya ng mga katulong para siya mabuhay. Ang mga gabi niya'y hindi na balisa na tulad noong mga araw na hindi siya puwedeng mahiga sa tabi ni Fak at yakapin ito sa kalaliman ng gabi. Kahit pa kailanma'y hindi ibinili ni Fak ng bagong damit si Nang, hindi iyon problema para sa babae. Maaari pa naman niyang isuot ang kanyang mga lumang damit, sa kabila ng pangyayaring marurumi at punit na ang mga iyon at naglalantad sa isang pirasong hita dito at doon. Walang pumapansin sa kanya. Naliligo pa rin siya araw-araw, nagsusuklay ng kanyang buhok at humuhuni ng kanyang awit pagsayad ng gabi Kahit naninirahan silang magkasama sa iisang bubong, ang kanilang buhay ay nasa magkalayong daigdig. Para kay Mai Somsong, oras na nakakain na siya ng almusal ay lalabas na siya upang maghanap ng kayamanan, minsa'y umaalis siya ng bahay bago pa man magising si Fak. Hahanapin niya ang kanyang kayamanan sa lahat ng sulok na pagdalhan sa kanya ng kanyang mga paa. Minsa'y titindig siya roon at tititig sa mga poste ng komunikasyon na kasalukuyang itinatayo at mangunguhang mga piraso ng kawad ng kuryente at kapag nakalikom na siya ng sapat nadami ng piraso ay babalik na siya sa bahay. Walang pumapansin sa kanya habang pagala-gala siya sa maghapon. Kapag napagod na siya sa kalalakad, magpapahinga siya sa entablado ng maliit na open theater. Kapag nagutom siya, lalabas na siya uli. Sa gabi, hihintayin niyang makatulog si Fak sa kalasingan. Sa mga huling sandali bago ito maidlip, maririnig niya itong bumubulung-bulong, "Umalis ka dito layas! kinasusuklaman kita! magpapa-ordina ako. Ibig kong magpa-ordina. Ikaw ang dahilan kaya sige, umalis ka rito." Ganoon lagi gabi-gabi. May mga gabing maririnig din ang musika ng chanting. Oras na makatulog naang lalaki, ikakabit na ni Nang ang kulambo at gagapang sa loob upang matulog sa tabi ni Fak. Pagdating ng umaga, mabilis siyang lalabas bago ito magising Malamang ay hindi naiintindihan ang ibg sabihin ni Fak pag sinasabi nito, "Umalis ka ikaw umalis ka dito" Patuloy na nanatili doon si Nang at walang ipinakikitang intensiyon na umalis. O marahil ay iniisip ni Nang na nagsasalitalang ng ganoon si Fak dahil lasing ito kaya hindi niya pinapansin ang pang-aabuso ng lalaki. O maaari din namang dahil wala siyang ideya kung saan siya pupunta. Ang buhay ni Nang ay nakatagpo na ng puwang sa nayong ito at sa ayos ay tila dito siya nakatalagang manatili. Sino ang makagsasabi Hindi pumatak ang ulan sa loob ng maraming araw, samakatuwid ay tapos na ang panahon ng tag-ulan. Ang pagkawala ng ulan ay proseso ng kalikasan na hindi mapipigil ninuman o maiiwasang mangyari. Dumaan ito nang matahimik at halos hindi napapansin. Lahat ng bagong kuti sa templo ay kumpleto na ngayon at ang natitira nalang ay maliliit na trabahong magagawa ng mga trabahador. Mga isa-dalawangaraw na lang para sila matapos nang husto. Ang komite ng mga sibilyan ay nagdaos ng pulong para itakda ang araw ng pag-aalay ng mga robang Kathin at disidido sila na maging araw din iyon ng paggunita sa pagkayari ng mga bagong kuti

Anim na araw pagkaraang matapos ang Pansah, dumating ang grupo ng Kathin sakay ng tren mula sa Bangkok. Napuno ang paligid ng templo sanangakaparadang sasakyan at pulu-pulutong na mga kabataan mula sa Bangkok ang malayang gumala sa lugar. Nakisali sa pulutong ang mga tao sa nayon at nagdagdag ng kisaw at kaabalahan, at nakisali sa merit making ceremony sapagtatanghal ng Kathin. Madaling makilala ang mga taong lokal at mga bisita mula sa siyudad. Nakisali ang lahat at tumulong nang husto sa isa't isa. Pagkaraang makumpleto ang pang-relihiyong pormalidad at mabilang na ng komite ang mgaalay na salapi, isang kinatawan mula sa bangko sa kabayanan ang dumating para kunin ang pera at ligtas na ideposito sa bangko. Bago gumabi ay nag-umpisa nang mag-uwian ang grupo mula sa Bangkok. Ilan sa kanila'y medyo lasing na at nag-umpisang tumugtog ng mahahabang tambol at cymbal na nauwisa kantahan at sayawan na nagpasigla sa bawat isa. Natanggap na nila angkanilang merito, nagliliwanag ang kanilang mga mukha at maaari na silang magsiuwi nang buong kasiyahan.Nang gabing iyon ay isang pelikula ang ipinalabas sa templo. Ito'y bilangp agdiriwang sa pagkayari ng mga batong kuti at sa presentasyon ng Kathin at,gayundin, para bigyan ang mga taganayon ng pagkakataong makapagpahingang maghapong paggawa. Pero ang mga tao'y hindi na kasinsabik na gaya noong mga nakaraan. Sabi ng ilan sa kanila: "Mas masarap pang mahiga sa bahay at manood ng telebisyon." Nag-enjoy nang husto si Fak nang araw na iyon. Gumala siya sanasasakupan ng templo at malayang nakisalamuha sa lahat. Manaka-naka'y nagpupukol siya ng tingin sa mga kabataang lalaki na nakaupo sa bus at tumutugtog sa mahahabang tambol hanggang sa lumapit na nga siya sa mga ito para makipag-inuman. Nang maging kasinlasing na siya ng mga ito, inimbita siyang mga itong sumayaw. Bagama't hindi siya dating sumasayaw, sumayaw siya sa tiyempo ng mahabang tambol. Umawit siya at sumayaw nang buong maghapon, wala kahit kaunting pakialam na pinagtitinginan siya ng iba, o kahit katawa-tawa na ang itsura niya. Ginugol ni Mai Somsong ang maghapon sa paggala nang walang direksiyon sa lahat ng lugar. Suot niya ang paborito niyang blusa na pulang bulaklakin, na ang kulay ay kupas na ngayon, at hindi pa sapat iyon, may mga punit na sa bandang likod. Walang ganap na makapagsasabi kung gaano siya kaligaya, pero naglagay siya ng pulang bulaklak ng gumamela sa likod ng kaliwang tainga niya. Gumala siya't nakisalamuha sa mga babae sa nayon at nang dumating ang oras ng paghahanda ng tanghalian, gumala siya sa kusina at nanood sa preparasyon ng pagkain. Napahiya ang mga babae sa nayon sa pagtanghod niya at tinangka ng mga ito na siya'y ipagtabuyan, pero sabi ng mgakabataang babaing taga-Bangkok ay dapat talaga silang humanap ng pagkaingmaibibigay sa kanya. Awang-awa ang mga ito sa kanya kaya walang naglakas-loob na tumanggi. Naglunoy si Mai Somsong sa atensiyong inuukol sa kanya ngmga kabataang babae at punung-puno ng interes na pinanood niya nang kuninng mga babae ang kanilang tubo ng lipistik at pintahan ang kanilang mga labi pagkatapos kumain. Nainteres siyang mabuti sa matingkad na pulang kulay ng lipistik, at itinuro niya iyon at sabi niya, "Bigyan mo ako ng isa." Sa harap nggimbal na mga mata ng mga babaing taga-nayon, na lubhang napahiya sa inasal ni Mai Somsong, isang kabataang babaing taga-Bangkok ang nag-abot kay Nang ng tubo ng lipistik. "Ay, huwag mong ibigay sa kanya. Medyo luka-luka iyan." "Di bale. Marami naman ako." Ang kabataang babae, na ang labi'y napipintahan ng pula, ay ngumiti sa kanila ng matamis. Sinambot ni Mai Somsong ang tubo ng lipistik at nagmamadaling umuwisa bahay bago iyon bawiin ng taong nagbigay sa

kanya. Nang makauwi,namalagi na sa bahay si Nang at ayaw nang lumabas uli. Nang gabing iyon, sinuman kina Fak o Mai Somsong ay hindi na nanood na palabas. Si Fak ay natatakot lumabas sa dilim at si Mai Somsong ay natatakot pa rin na kailanganin niyang isauli ang lipistik, kaya hindi nangahas na lumabas. Ang mga bagong kuti, na nakahilera sa magkabilang gilid ng lupa ng templo, ay napakaganda. Itinayo sila sa tradisyunal na istilong Thai at dalawangpalapag ang itaas. Sa gitna ay an kogedor at ang itaas ay ang bulwagangdasalan. Paglatag ng dilim, ang templo ay naiilawan ng de-koryenteng liwanag. Regular na naglilitawan ang mga antena ng telebisyon sa bubong ng mga bahay ng mga taong may kauting pera. Para sa mga taong nangangarap pa lang ng telebisyon, kailangan nilang pumunta at makipanood sa bahay ng kanilangkapitbahay o kaibigan. Ang modernisasyon na dumating sa nayon, hindi nagtagal ay nagging ordinaryong bagay na lang dahil kinasanayan na iyon ng mga tao at ang tuwang naghari noong unang ikinabit ang koryente ay namatay na. Gusto ng ilan sa kanila'y itaboy nang tuluyan si Fak sa nayon dahil wala namang pakinabang ang sinuman sa pagiging narito nito, liban sa nagagamit nila ito bilang masamang halimbawa kapag tinuturuan nila angmga bata. Ang tanging bagay na pumipigil sa kanila'y si Luang Pho na tumatangging ipagtabuyan si Fak, dahil doon ito nanirahan sa lupa ng templo. Kasabay ng pagkakaroon ng interes kay Fak, tumitingkad ang pagiging abnormal ng kundisyon ng lalaki. Lalo pang nanilaw ang kanyang balat na parabang pinulbusan niya niya ang sarili ng tumeric, at iba't ibang bahagi ng kanyang katawan ang tinubuan ng mga pasa at namumulanamemerdeng mga marka. Ang sakong niya ay lubhang namaga na para bang namemeligro na iyong pumutok, at bagama't ang katawan niya'y patpatin at tuyo, malaki't namamagaang kanyang tiyan, ang nagbibigay sa kanya ng itsura ng isang buntis na babae.Nag-aalsahan ang mga ugat sa kanyang tiyan, at, hindi pa yata sapat iyon,lumaylay at lumaki ang kanyang mga suso na tulad sa isang nagdadalaga.Kinukutya siya ng ilang tao sa pamamagitan ng pagsasabing, "Lumalaki ang suso ni Ai Fak at siya ay buntis. Hindi magtatagal at manganganak na iyan." Sa bipa ng iba'y nabuntis siya ni Ee Somsong. Sabi naman ng iba'y napalitan angkanyang katawan ng katawan ng isang babae dahil inasawa niya ang asawa ngkanyang ama. "Karma. Nakakarma siya sa harap mismo ng ating mga mata." Sa nagdaang panahon si Fak ay ginagamit bilang magandang halimbawang isang mabuting kabataan sa nayon, pangangaralin ng mga magulang ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng pagsasabing, "Bakit hindi kayo tumulad kay Fak?" At ngayon, si Fak ay minsan pang ginagamit na halimbawa upang ipakitana hindi na kailangang maghintay pa muna ng kamatayan para tanggapin ang resulta ng masasamang gawa o para mahulog sa impiyerno. Tumatanggap na siya ng kaparusahan ngayon, dito sa buhay na ito. "Gawin n'yong halimbawa si Ai Fak." Hindi ganap na tamang sabihin na si Fak ay lubos na walang silbi sanayon, dahil, manaka-naka kapag nagloloko ang mga bata o ayaw magpakatino, tatakutin sila ng kanilang mga ina sa pamamagitan ng pagsasabing, "Pag hindika huminto sa kaiiyak, darating si Ai Fak para kunin at isama sa kanya."

Pag narinig na nila ito, hihinto na agad sa pag-iyak ang mga bata at uupo roon nang walang kilos sa matinding takot. Ilan sa mga batang lalaki na nakakakita ng kasiyahan sa panunudyo at kapilyuhan ang nagsasamantala nang husto sa hitsura ni Fak para magkatuwaan sila. Tutuksuhin nila at tutudyuin si Fak hanggang sa habulin sila nito at sikaping hulihin. Pero walang paraan para mahuli ng mataba at tamad na katawan ni Fak ang mga bata. Pag nanunudyo, ang isinigaw nila, " Ai Fak, lasenggo, pinaghuhubad niya ang asawa niya!" " Ai Fak, lasenggo, pinaghuhubad niya ang asawa niya!" magpapalakpakan ang iba pang mga bata sa paligid at didilaan si Fak at ngingiwian pag dumaan ito sa tapat nila. Oras na nagalit na si Fak at hinabol na sila, magtatakbuhan na ang mga ito at kakalimutan na ang kanilang mga kaibigan. Bahala na ang isa't isa sa sarili nilang kaligtasan.Tinangka ni Lung Khai na patigilin siya sa pag-inom, pero huli na. Hindi titigil si Fak at ni hindi niya iniisip ang posibilidad ng pagtigil. Pinayuhan siya ni Lung Khai na pumunta sa kabayanan at magpatingin doktor, pero ganito lag ang isinasagot ni Fak, "Ayos lang ako. Wala akong sakit." At ayon sa pagkaunawa ni Fak sa salitang "Ayos," ayos si Fak at magpapatuloy na ganoon, kahit papalapit na ang panahon ng taglamig. Ang totoo, sa ganang mga taganayon, hindi talaga istorbo ang panahon ng taglamig, dahil ang panahon ay hindi singlamig ng ibig ipakahulugan niyon.Lumalamig lang nang kaunti ang panahon at nagiging mas maginhawa.

Anda mungkin juga menyukai