Anda di halaman 1dari 1

Dalawang Magkaibang Bagay

Ang buhay nga nama’y tila isang sugal


Kung saan pag-asa’y agad nasasakdal
Di pa man nasasalat ng iyong mga kamay
Siyang mawawasi’t aagawan ng malay

Buhay ay ibinigay ng Panginoon


Upang gamiti’t ‘wag maitaboy paroon
Marahil nga’y may laya sa pamimili
Ngunit kabutihan siyang ‘wag iwawaksi

Buhay at sugal ay hindi magkawangis


Na madadaan lamang sa swerte’t bilis
Buhay ay isang mahabang paglalakbay
Na humihingi ng isang pusong matibay

Anda mungkin juga menyukai