Anda di halaman 1dari 1

Nasa Una ang Pagsisi

Sa kadiliman na ito ako nasasadlak


Walang makinitang ginhawa, wala ni galak
Anupa’t ako itong siyang nagsisi ngayon
Kung di ko naman mawari kung ‘san paroroon

Nariyan sila nung panahong ako’y masaya pa


Ngunit di naglaon, ako’y biglang napaluha
Halos mapiga bawat ugat ng aking mata
Sa pagsigaw ng poot sa aking mga tainga

Bakit nga ba ako pa itong Iyong binuhay


Sa mundong walang kinagisnang sigla at kulay
Ako ba’y ibinigay upang maging problema?
Dapat sana’y una pa lang sila’y nagsisi na!

Anda mungkin juga menyukai