Anda di halaman 1dari 33

Awit at Korido Nang dumating ang mga Kastila sa ating bayan, panitikan ang nagsilbing paraan upang madaling

mapalaganap at maipamulat ang Kristiyanismo sa mga katutubo. Upang matugunan naman ang kanilang hilig na mas maaliw. Pumasok ang mga anyong panitikan na tinatawag na awit at Korido. Naging kilala ang mga ito, at naging mainam natagapag-ugnay sa mga manunulat at mambabasa. Dahil dito, ipinalagay ng mga dayuhan na ang mga ito ay ligtas at nakakatuwang libangan. Ang awit at korido ay mga akdang nasa anyong patula. Ang sa saknong ng mga ito ay may natatanging bilang o sukat at may magkakasintunog o magkakatugmang mga pantig. Ang Korido ay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-puno ng kababalaghan. Ang awit namay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan at walang sangkap na kababalaghan. Sa kapanahunang ito seguro walang hihigit pa sa gawain ni Francisco "Balagtas" Baltazar. Siya marahil ang mga unang makata na nag-expose laban sa mga koloniyalistang kultura. Ang kaniyang subversive work ay sa anyong Florante at Laura. Ang Florante at Laura ay isang mahabang pasalaysay na tula na naglalaman ng mga mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgas censura dahil nagbalat-kayo na ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila. Ngunit sa mga totoong mambabasa ito'y may maraming tema una laban sa Kristiyanismo at pangalawa ang laban sa im espanya. Isa sa mga halimbawa ng korido ay ang Ibong Adarna. Binubuo ito ng 1,172 na saknong. Ito ay tumatalakay sa mga pangyayaring hindi kapani-paniwala ngunit napapalooban ng mga aral sa totoong buhay. Isinasaad din sa akdang ito kung sa papaanong paraan malalagpasan ang mga pagsubok na kalimita'y dumadaig sa tao. Bagamat kilala ang akda, hindi tiyak ang taong sumulat nito. Sinasabing ito ay nagpasalin-salin na lamang mula sa maraming taong nagsalaysay. Dahil dito, ang Ibong Adarna ay tinawag na sanaysaying-bayan. Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo: 1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit 2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa allegro, samantala ang awit ay may labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya allegro 3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa korido ang ikinawiwili ng mga mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob ditto Kategorya ng Awit at Korido Nakapaloob sa kategoryang ito ang iba't ibang uri ng awit at korido na nalathala sa Pilipinas. Karaniwang nakasaad ang lagom [summary] ng akda, ang halaga niyon sa panitikan, at ang mga kritikang lumabas hinggil sa naturan. Halina't makiisa sa pagbubuo ng nilalaman nito. Katangian ng awit at korido

Ang korido ay isang tulang panrelihiyon. Ang awit ay isang tulang nagsasaad ng kabayanihan. Mga Halimbawa ng Korido: Ibong Adarna, Don Juan Tioso, Don Juan Teoso, Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay, Mariang Alimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz, Prinsipe Florennio ni Ananias Zorilla, Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas Mga Halimbawa ng Awit:

Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares na Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz, Salita at Buhay ni Mariang Alimango, Prinsipe Igmidio at Prinsesa Clariana
Posted by chukoy at 6:10 PM No comments: Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to Facebook Labels: Awit at Korido, halimbawa ng awit at korido, Halimbawa ng Korido, Katangian ng awit at korido, Kategorya ng Awit at Korido, korido, Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido
Tuesday, July 2, 2013

Kasaysayan ng Tula
Kasaysayan Ng Tulang Pilipino Ang tulang Pilipino, sariling atin o hiram na panitikan. Ang kasaysayan ng tulang Pilipino ay nababahagi sa limang importanteng mga panahon. Una, ang Matandang Panahon. Ang panahong ito ay nagsimula noong unang pagdating ng mga Negrito o Aeta hanggang sa taong 1521. Pangalawa, ang Panahon ng mga Kastila na nagmula noong taong 1521 hanggang sa taong 1876. Pangatlo, ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat. Ito ay panahon ng himagsikan. Pang-apat, ang Panahon ng mga Amerikano na nag-umpisa noong taong 1898 hanggang sa pagkatapos ng panahon ng digmaan. At ang huli'y ang Panahong Patungo sa Pambansang Krisis. Ang Matandang Panahon Tulad ng maraming dayuhang kabihasnan ang panitikan ng Pilipinas ay nagmula sa mga magkakaibang lipon ng tao na may panahong pagkaka-agwat.na dumating. Ang mga unang tao na dumating sa Pilipinas ay ang mga Negrito o Aeta. Sumunod naman ang grupong Indones at mga Malay. Dahil dito ang sinaunang kabihasnan ay may sarili nang sistema ng pagsulat at pasalita. Ang unang ebidensiya na mayroon nang sariling panitikang pagsulat ang mga pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang taga-kanluran ay ang Baybayin na binubuo ng tatlong patinig at 14 na katinig. Ang mga simbolong ito ay nakasulat sa mga dahon at balat ng mga punong-kahoy na ang gamit naman sa pag-ukit ay ang mga matutulis na bato at kahoy din. Mayroon na ring panitikan na pasalita ang mga sinaunang tao. Ang panitikang pasalita ay may anyong panulaan, tuluyan, at dula. Ang panulaan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain at kasabihan, tanaga, tulang pambata, bulong, awiting bayan, at epiko. Ang mga ito'y nakasulat din ngunit ng dumating ang mga Kastila marami ang sinunog na mga literatura at saka dahil marami ang nakasulat sa mga kahoy at dahon ito ay natunaw pagkalipas ng maraming taon. Bagamat magkakaiba ang lengguaheng gamit ng mga sinaunang tao ang kanilang panitikan ay may iisang mensahe at layunin.

Ang Bugtong. Ang unang layunin ng bugtong ay magbigay kasiyahan sa mga tagapakinig at ng mga manlalaro. Kahit simple ang estraktura dito nasusukat ang talino at kaalaman tungkol sa bayan. Ang Salawikain at Kasabihan. Ang salawikain at ang kasabihan ay nagpapakita ng asal, moralidad, at pag-uunawa sa ating mga ninuno. Ang salawikain ay nagbibigay aral at ang kasabihan ay nagbibigay unawa sa mga pang-araw araw na gawain. Ang Tanaga. Ang tanaga ay naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. Ito ay may estrukturang apat na taludtod at pitong pantig sa iisang saknong. Ang Tulang Pambata. Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng ating mga ninuno. Ito rin ay nagpapahayag at nagpapa-alala sa mga maliligayang karanasan noong sila'y bata pa. Ang Bulong. Ang ating mga ninuno ay naniniwala rin sa mga di nakikitang espirito gaya ng mga lamang lupang espirito tulad ng mga duwende. Ang ating mga ninuno ay humihingi ng ng pasintabi at paumanhin sa mga ito upang hindi sila mapahamak sa mga masasamang pangyayari. Halimbawa: Tabi, tabi po, Ingkong Makikiraan po lamang. Bari-bari Apo Umisbo lang ti tao. (Ilokano) Ang Awiting-Bayan. Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may pinakamalawak na paksa at uri. Ang mga paksa nito'y nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon, at kabuhayan. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng ibat ibang uri nito, isa ang talindaw. Ang talindaw ay awit sa pamamangka. Ikalawa, ang Kundiman ito ay awit sa pag-ibig. Ikatlo, ang Kumintang ito ay awit sa pakikidigma. Ikaapat, ang Uyayi o Hele ito ay awit na pampatulog ng sanggol. Nabibilang rin dito ang Tigpasin, awit sa paggaod; ang Ihiman, awit sa pangkasal; ang Indulain, awit ng paglalakad sa lansangan at marami pang iba. Halimbawa: Talindaw Sagwan, tayoy sumagwan Ang buong kaya'y ibigay. Malakas ang hangin Baka tayo'y tanghaliin, Pagsagwa'y pagbutihin. Oyayi o Hele Matulog ka na, bunso, Ang ina mo ay malayo At hindi ka masundo, May putik, may balaho.

Ang Epiko. Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Ito ay tungkol sa mahiwagang pangyayari at kabayanihan ng isang mamamayan. Ang Panahon ng mga Kastila Ang Pilipino ay may sarili nang tula na mayaman sa uri, paksa, at estraktura bago pa dumating ang mga dayuhang Espanyol. Subalit nang dumating ang mga Espanyol ang tulang Pilipino ay nagkaroon ng maraming pagbabago at karagdagan lalo na sa uri at paksa. Noong nag-settle ang mga dayuhan sa ating bansa karamihan nila'y mga maimpluensiyang prayle. Ang mga prayleng ito ay hindi lang nagpe-preach kundi sila rin ay mga iskolar ng lengguaheng Espanyol kaya madali nilang nai-spread ang Kristianismo at ang kulturang espanyol. Ito ay posible dahil ang mga dayuhan ay nagpakitang tao sa pamamagitan ng pag sang ayon sa pagkatuto at pag-unawa sa ating mga katutubong kultura, baybayin, sining, pulitika,at panitikan. Nang mapailalim tayo sa kanilang mga kamay ang ating mga puso't isipan ay sumunod din. Dahil dito ang mga katutubong Pilipino o ang mga Indio na madaling silang tawagin ay madali na nilang nabago ang anyo ng mga katutubong tula. Ang mga pagbabago ay pagdaragdag sa mga paksang panrelihiyon, pangmoralidad, etika, panlibangan, pangwika, at pangromansa. Mga katangiang abundant na sa Europa. Ang mga uri namang dinagdag sa katutubong panulaan ay ang mgaTugma, Pasyon, Dalit, at ang Awit at Korido. Ang Tugma. Ang tugma ayon sa depinisyon ay ang huling saknong ng tulang ito ay magkakatugma. Actually, ang uring ito ay ginagamit na nang mga Indio noon ngunit ang mga Espanyol ay nagdagdag ng isa o marami pang saknong. At saka, ang dapat na nilalaman o paksa ay ayon sa bagong pananampalataya sa Panginoong HesuCristo. Halimbawa: Quintilla Umulan man sa bundoc houag sa dacong laot, aba si casampaloc nanao nang dico loob ualang bauonang comot. Ang Pasyon. Ang pasyon ay marahil ang pinaka-famous na anyong tula noong panahon ng ,mga Kastila dahil dito sinasalaysay ang buod ng buhay ng Panginoong HesuCristo. Ito ay ikinakanta at nagsasalaysay ng kaniyang buhay mula noong siyaa ipinanganak, dakpin, ipinako sa krus hanggang sa kaniyang muling pagkabuhay. Isang halimbawa ng pasyon sa isang saknong o taludtod: O Diyos sa kalangitan Hari ng Sangkalupaan Mabait, lubhang maalam At puno ng karunungan. Ang Dalit. Ang dalit gaya ng pasyon ay inaawit din nguanit ito'y nagsasalaysay sa buhay ni Birheng Maria. Dahil ang Birheng Maria ay simbolo ng kalinisan ng puri siya ay hinahandugan tuwing buwan ng Mayo. Ito ngayon ay tinatawag na flores de Mayo. Ang Awit at Korido. Ang mga tulang ito ay may paksang tungkol sa pangromansa. Ang Korido ay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-puno ng kababalaghan. Ang awit nama'y salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan at walang sangkap na kababalaghan. Sa kapanahunang ito seguro walang hihigit pa sa gawain ni Francisco "Balagtas" Baltazar. Siya marahil ang mga unang makata na nag-expose laban sa mga koloniyalistang kultura. Ang kaniyang subversive work ay sa anyong Florante at Laura. Ang Florante at Laura ay isang mahabang

pasalaysay na tula na naglalaman ng mga mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgas censura dahil nagbalat-kayo na ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila. Ngunit sa mga totoong mambabasa ito'y may maraming tema una laban sa Kristiyanismo at pangalawa ang laban sa im espanya.periyalismong Ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat Maiksi man ang panahong ito ang mga tulang nasasailalim ay marahil pinaka-importanteng mga literary works. Dahil ang mga paksang ipinapahayag sa mga mambabasa ay mapa-free from koloniyalismong mentalidad, at I-expose ang mga problema buhat ng pagkasakop ng mga Indio sa mga Espanyol. Ang mg katangian ng mga paksa sa panahong ito ay naglalaman ng paksang makabayan, paglalarawan sa mga kapaligiran gawa ng mga dayuhang sumakop. Ang panahong ito ay nahahati sa dalawang maimpluensiyang grupo, pangpropaganda at panghimagsikan. Ang unang layunin ng propaganda ay naglalayong humihingi ng reporma na manggagaling sa mga Espanyol. Ang pinakakilalang propagandista ay ang ating bayabing si Dr. Jose Rizal. Si Dr. Rizal ay naghangad na mapasigla ang mga tao upang labanan ang mg sakitt ng lipunan at ang mga mabaluktoo na paghahari ng mga Kastila. Sinulat niya ang popular na tulang pinamagatang Mi Ultimo Adios. Dalawa pang pangunahing propagandista ay sina Graciano LopezJaena at si Antonio Luna. Nang hindi makamtan ng grupong Pangreporma ang kanilang layunin at demands sa Espanya at ng mga Kastilang namumuno sa Pilipinas nabuhay o kaya'y nabuo ang bagong kilusang Panghimagsikan. Ang kilusang Panghimagsikan ay naglalayong gumamit ng dahas upang makamtan na ng ating Inang Bayan ang hinihinging kalayaan sa mga Kastila at iba pang mga oppressors ng ating bayan. Ang pangunahing pinuno ng kilusang himagsikan ay si Andres Bonifacio. Ang Panahon ng mga Amerikano Ang panulaang Pilipino noong panahon ng mga amerikano ay ang makikitang paggamit ng tatlong wika. Ang wikang kastila, tagalog, at ingles. Ang mga Amerikano ay lumayon na bigyan ng kalayaan ang mga makata at manunulat tungkol sa mga paksang makabansa, demokrasya, relihiyon, sosyalidad, at pampulitika. Ang kinikilalang makata sa panahong ito ay si Jose Corazon de Jesus. Siya ay kilala rin sa pangalang Batute. Si Batute ay isa sa mga unang makata na gumamit at lumayo sa mga tradisyong anyo ng pagsusulat.Si Batute ay masasabing kampeon ng mga taong mabababa ang kalagayan sa pamayanan. Ang kaniyang mga gawain ay makabayan matimbang sa kaniyang isip and kapakanakan ng mga maliliit at ang kalayaan sa kamay ng mga dayuhan (Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino, p. 36). Ang mga tulang siya'y kinikilala ay ang Bayan Ko at Ang Pamana. Ang Panahong Patungo sa Pambansang Krisis Krisis sa pulitika ang pangunahing paksa sa panahong ito na buhat ng ating pagkakaloob sa mga Amerikano at ang pagpapatuloy na pag-angkin sa koloniyalismong mentalidad na minana natin sa mga Kastila. Ngunit ang mga pangunahing taga-panglaban ay ang mga kilusan ng mga kabataang mag-aaral. Sila ay nagbibigay kritisismo sa taong may pera at kapangyarihan tungkol sa kanilang pamamalakad ng gobyerno. Ang kanilang hinihingi ay reporma na mapabago ang lipunan dulot ng kapitalismo, imperyalismo, at piyudalismong paraan ng pamumuno. Si Amado Hernandez ang kinikilalang makata sa panahong ito at ang kaniyang tulang "Kung Tuyo

Posted by chukoy at 3:16 PM No comments: Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to Facebook Labels: anyo ng tula, elemento ng tula, halimbawa ng tula, kahulugan ng tula, Kasaysayan ng Tula,mga tula, tula
Friday, June 28, 2013

Awiting Bayan o Kantahing Bayan


Awiting Bayan Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may pinakamalawak na paksa at uri. Ang mga paksa nitoy nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon, at kabuhayan. Ito ay naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapaalala sa mga kabataan. Uri ng kantahing bayan 1. Talindaw - Ang talindaw ay awit sa pamamangka o pagsagwan 2. Kundiman - ito ay awit sa pag-ibig. 3. Kumintang - ito ay awit sa pakikidigma. 4. Uyayi o Hele - ito ay awit na pampatulog ng sanggol Nabibilang rin dito ang Tigpasin, awit sa paggaod; ang Ihiman, awit sa pangkasal; ang Indulain, awit ng paglalakad sa lansangan at marami pang iba. Mga halimbawa ng kantahing bayan Ako'y Kampupot Alembong Anak dalita Ang Dalagang Pilipina Ang tapis mo inday Bakya Mo Neneng Bayan ko Buhat Carinosa Dahil sa iyo Dalagang Pilipina Dungawin mo hirang Gaano ko Ikaw Kamahal Hahabol-habol Halina sa kabukiran Ikaw ang mahal ko Katakataka Kundiman ng lahi Lambingan Leron, Leron, Sinta Maalaala mo kaya

Madaling araw Mutya ng pasig Nasaan ka irog O maliwanag na buwan Pahiwatig Pakiusap Pamaypay ng maynila Pobreng alindahaw Sa gabing mapanglaw Sa Libis ng Nayon Sa lumang simbahan Sa Ugoy ng Duyan Sampaguita Sarung-Banggi Silayan Sinisinta kita Sit-si-rit-sit
Posted by chukoy at 1:30 AM No comments: Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to Facebook Labels: awiting bayan, Awiting Bayan o Kantahing Bayan, halimbawa ng awiting bayan, halimbawa ng kantahing bayan, kahulugan ng awiting bayan, kantahing bayan, uri ng awiting bayan
Tuesday, July 2, 2013

Tula
Ano ang tula? Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ang tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtud. Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong. Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin, gamit ng marikit na salita. Ang tula ay isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at mga paraan ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita. Samantalang ang ordinaryong pagsasalita at panulat ay inoorganisa sa mga pangungusap at mga talata, ang tula ay inoorganisa sa mga yunit na tinatawag na taludtod at saknong.

Kasaysayan Ng Tulang Pilipino Ang tulang Pilipino, sariling atin o hiram na panitikan. Ang kasaysayan ng tulang Pilipino ay nababahagi sa limang importanteng mga panahon. Una, ang Matandang Panahon. Ang panahong ito ay nagsimula noong unang pagdating ng mga Negrito o Aeta hanggang sa taong 1521. Pangalawa,

ang Panahon ng mga Kastila na nagmula noong taong 1521 hanggang sa taong 1876. Pangatlo, ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat. Ito ay panahon ng himagsikan. Pang-apat, ang Panahon ng mga Amerikano na nag-umpisa noong taong 1898 hanggang sa pagkatapos ng panahon ng digmaan. At ang huli'y ang Panahong Patungo sa Pambansang Krisis. Ang Matandang Panahon Tulad ng maraming dayuhang kabihasnan ang panitikan ng Pilipinas ay nagmula sa mga magkakaibang lipon ng tao na may panahong pagkaka-agwat.na dumating. Ang mga unang tao na dumating sa Pilipinas ay ang mga Negrito o Aeta. Sumunod naman ang grupong Indones at mga Malay. Dahil dito ang sinaunang kabihasnan ay may sarili nang sistema ng pagsulat at pasalita. Ang unang ebidensiya na mayroon nang sariling panitikang pagsulat ang mga pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang taga-kanluran ay ang Baybayin na binubuo ng tatlong patinig at 14 na katinig. Ang mga simbolong ito ay nakasulat sa mga dahon at balat ng mga punong-kahoy na ang gamit naman sa pag-ukit ay ang mga matutulis na bato at kahoy din. Mayroon na ring panitikan na pasalita ang mga sinaunang tao. Ang panitikang pasalita ay may anyong panulaan, tuluyan, at dula. Ang panulaan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain at kasabihan, tanaga, tulang pambata, bulong, awiting bayan, at epiko. Ang mga ito'y nakasulat din ngunit ng dumating ang mga Kastila marami ang sinunog na mga literatura at saka dahil marami ang nakasulat sa mga kahoy at dahon ito ay natunaw pagkalipas ng maraming taon. Bagamat magkakaiba ang lengguaheng gamit ng mga sinaunang tao ang kanilang panitikan ay may iisang mensahe at layunin. Ang Bugtong. Ang unang layunin ng bugtong ay magbigay kasiyahan sa mga tagapakinig at ng mga manlalaro. Kahit simple ang estraktura dito nasusukat ang talino at kaalaman tungkol sa bayan. Ang Salawikain at Kasabihan. Ang salawikain at ang kasabihan ay nagpapakita ng asal, moralidad, at pag-uunawa sa ating mga ninuno. Ang salawikain ay nagbibigay aral at ang kasabihan ay nagbibigay unawa sa mga pang-araw araw na gawain. Ang Tanaga. Ang tanaga ay naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. Ito ay may estrukturang apat na taludtod at pitong pantig sa iisang saknong. Ang Tulang Pambata. Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng ating mga ninuno. Ito rin ay nagpapahayag at nagpapa-alala sa mga maliligayang karanasan noong sila'y bata pa. Ang Bulong. Ang ating mga ninuno ay naniniwala rin sa mga di nakikitang espirito gaya ng mga lamang lupang espirito tulad ng mga duwende. Ang ating mga ninuno ay humihingi ng ng pasintabi at paumanhin sa mga ito upang hindi sila mapahamak sa mga masasamang pangyayari. Halimbawa: Tabi, tabi po, Ingkong Makikiraan po lamang. Bari-bari Apo Umisbo lang ti tao. (Ilokano) Ang Awiting-Bayan. Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may pinakamalawak na paksa at uri. Ang mga paksa nito'y nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon, at kabuhayan. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng ibat ibang uri nito, isa ang talindaw.

Ang talindaw ay awit sa pamamangka. Ikalawa, ang Kundiman ito ay awit sa pag-ibig. Ikatlo, ang Kumintang ito ay awit sa pakikidigma. Ikaapat, ang Uyayi o Hele ito ay awit na pampatulog ng sanggol. Nabibilang rin dito ang Tigpasin, awit sa paggaod; ang Ihiman, awit sa pangkasal; ang Indulain, awit ng paglalakad sa lansangan at marami pang iba. Halimbawa: Talindaw Sagwan, tayoy sumagwan Ang buong kaya'y ibigay. Malakas ang hangin Baka tayo'y tanghaliin, Pagsagwa'y pagbutihin. Oyayi o Hele Matulog ka na, bunso, Ang ina mo ay malayo At hindi ka masundo, May putik, may balaho.

Ang Epiko. Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Ito ay tungkol sa mahiwagang pangyayari at kabayanihan ng isang mamamayan. Ang Panahon ng mga Kastila Ang Pilipino ay may sarili nang tula na mayaman sa uri, paksa, at estraktura bago pa dumating ang mga dayuhang Espanyol. Subalit nang dumating ang mga Espanyol ang tulang Pilipino ay nagkaroon ng maraming pagbabago at karagdagan lalo na sa uri at paksa. Noong nag-settle ang mga dayuhan sa ating bansa karamihan nila'y mga maimpluensiyang prayle. Ang mga prayleng ito ay hindi lang nagpe-preach kundi sila rin ay mga iskolar ng lengguaheng Espanyol kaya madali nilang nai-spread ang Kristianismo at ang kulturang espanyol. Ito ay posible dahil ang mga dayuhan ay nagpakitang tao sa pamamagitan ng pag sang ayon sa pagkatuto at pag-unawa sa ating mga katutubong kultura, baybayin, sining, pulitika,at panitikan. Nang mapailalim tayo sa kanilang mga kamay ang ating mga puso't isipan ay sumunod din. Dahil dito ang mga katutubong Pilipino o ang mga Indio na madaling silang tawagin ay madali na nilang nabago ang anyo ng mga katutubong tula. Ang mga pagbabago ay pagdaragdag sa mga paksang panrelihiyon, pangmoralidad, etika, panlibangan, pangwika, at pangromansa. Mga katangiang abundant na sa Europa. Ang mga uri namang dinagdag sa katutubong panulaan ay ang mgaTugma, Pasyon, Dalit, at ang Awit at Korido. Ang Tugma. Ang tugma ayon sa depinisyon ay ang huling saknong ng tulang ito ay magkakatugma. Actually, ang uring ito ay ginagamit na nang mga Indio noon ngunit ang mga Espanyol ay nagdagdag ng isa o marami pang saknong. At saka, ang dapat na nilalaman o paksa ay ayon sa bagong pananampalataya sa Panginoong HesuCristo. Halimbawa: Quintilla Umulan man sa bundoc houag sa dacong laot,

aba si casampaloc nanao nang dico loob ualang bauonang comot. Ang Pasyon. Ang pasyon ay marahil ang pinaka-famous na anyong tula noong panahon ng ,mga Kastila dahil dito sinasalaysay ang buod ng buhay ng Panginoong HesuCristo. Ito ay ikinakanta at nagsasalaysay ng kaniyang buhay mula noong siyaa ipinanganak, dakpin, ipinako sa krus hanggang sa kaniyang muling pagkabuhay. Isang halimbawa ng pasyon sa isang saknong o taludtod: O Diyos sa kalangitan Hari ng Sangkalupaan Mabait, lubhang maalam At puno ng karunungan. Ang Dalit. Ang dalit gaya ng pasyon ay inaawit din nguanit ito'y nagsasalaysay sa buhay ni Birheng Maria. Dahil ang Birheng Maria ay simbolo ng kalinisan ng puri siya ay hinahandugan tuwing buwan ng Mayo. Ito ngayon ay tinatawag na flores de Mayo. Ang Awit at Korido. Ang mga tulang ito ay may paksang tungkol sa pangromansa. Ang Korido ay salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-puno ng kababalaghan. Ang awit nama'y salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan at walang sangkap na kababalaghan. Sa kapanahunang ito seguro walang hihigit pa sa gawain ni Francisco "Balagtas" Baltazar. Siya marahil ang mga unang makata na nag-expose laban sa mga koloniyalistang kultura. Ang kaniyang subversive work ay sa anyong Florante at Laura. Ang Florante at Laura ay isang mahabang pasalaysay na tula na naglalaman ng mga mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgas censura dahil nagbalat-kayo na ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila. Ngunit sa mga totoong mambabasa ito'y may maraming tema una laban sa Kristiyanismo at pangalawa ang laban sa im espanya.periyalismong Ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat Maiksi man ang panahong ito ang mga tulang nasasailalim ay marahil pinaka-importanteng mga literary works. Dahil ang mga paksang ipinapahayag sa mga mambabasa ay mapa-free from koloniyalismong mentalidad, at I-expose ang mga problema buhat ng pagkasakop ng mga Indio sa mga Espanyol. Ang mg katangian ng mga paksa sa panahong ito ay naglalaman ng paksang makabayan, paglalarawan sa mga kapaligiran gawa ng mga dayuhang sumakop. Ang panahong ito ay nahahati sa dalawang maimpluensiyang grupo, pangpropaganda at panghimagsikan. Ang unang layunin ng propaganda ay naglalayong humihingi ng reporma na manggagaling sa mga Espanyol. Ang pinakakilalang propagandista ay ang ating bayabing si Dr. Jose Rizal. Si Dr. Rizal ay naghangad na mapasigla ang mga tao upang labanan ang mg sakitt ng lipunan at ang mga mabaluktoo na paghahari ng mga Kastila. Sinulat niya ang popular na tulang pinamagatang Mi Ultimo Adios. Dalawa pang pangunahing propagandista ay sina Graciano LopezJaena at si Antonio Luna. Nang hindi makamtan ng grupong Pangreporma ang kanilang layunin at demands sa Espanya at ng mga Kastilang namumuno sa Pilipinas nabuhay o kaya'y nabuo ang bagong kilusang Panghimagsikan. Ang kilusang Panghimagsikan ay naglalayong gumamit ng dahas upang makamtan na ng ating Inang Bayan ang hinihinging kalayaan sa mga Kastila at iba pang mga oppressors ng ating bayan. Ang pangunahing pinuno ng kilusang himagsikan ay si Andres Bonifacio. Ang Panahon ng mga Amerikano

Ang panulaang Pilipino noong panahon ng mga amerikano ay ang makikitang paggamit ng tatlong wika. Ang wikang kastila, tagalog, at ingles. Ang mga Amerikano ay lumayon na bigyan ng kalayaan ang mga makata at manunulat tungkol sa mga paksang makabansa, demokrasya, relihiyon, sosyalidad, at pampulitika. Ang kinikilalang makata sa panahong ito ay si Jose Corazon de Jesus. Siya ay kilala rin sa pangalang Batute. Si Batute ay isa sa mga unang makata na gumamit at lumayo sa mga tradisyong anyo ng pagsusulat.Si Batute ay masasabing kampeon ng mga taong mabababa ang kalagayan sa pamayanan. Ang kaniyang mga gawain ay makabayan matimbang sa kaniyang isip and kapakanakan ng mga maliliit at ang kalayaan sa kamay ng mga dayuhan (Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino, p. 36). Ang mga tulang siya'y kinikilala ay ang Bayan Ko at Ang Pamana. Ang Panahong Patungo sa Pambansang Krisis Krisis sa pulitika ang pangunahing paksa sa panahong ito na buhat ng ating pagkakaloob sa mga Amerikano at ang pagpapatuloy na pag-angkin sa koloniyalismong mentalidad na minana natin sa mga Kastila. Ngunit ang mga pangunahing taga-panglaban ay ang mga kilusan ng mga kabataang mag-aaral. Sila ay nagbibigay kritisismo sa taong may pera at kapangyarihan tungkol sa kanilang pamamalakad ng gobyerno. Ang kanilang hinihingi ay reporma na mapabago ang lipunan dulot ng kapitalismo, imperyalismo, at piyudalismong paraan ng pamumuno. Si Amado Hernandez ang kinikilalang makata sa panahong ito at ang kaniyang tulang "Kung Tuyo

Mga Elemento ng Tula 1. Sukat 2. Saknong 3. Tugma 4. Kariktan 5. Talinhaga 6. Anyo 7. Tono/Indayog 8. Persona Sukat Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa. Halimbawa: isda is da ito ay may dalawang pantig is da ko sa Ma ri ve les 8 pantig Mga uri ng sukat 1. Wawaluhin Halimbawa: Isda ko sa Mariveles Nasa loob ang kaliskis 2. Lalabindalawahin

Halimbawa: Ang laki sa layaw karaniway hubad Sa bait at muni, sa hatol ay salat 3. Lalabing-animin Halimbawa: Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid 4. Lalabingwaluhin Halimbawa: Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay Saknong Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod). 2 linya - couplet 3 linya - tercet 4 linya - quatrain 5 linya quintet 6 linya - sestet 7 linya - septet 8 linya - octave Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula. Tugma Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga- ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog. Mga Uri ng Tugma 1. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig. Halimbawa: Mahirap sumaya Ang taong may sala Kapagka ang tao sa sayay nagawi Minsay nalilimot ang wastong ugali Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng isang saknong o dalawang magkasunod o salitan. Halimbawa: a a a a a i a i a a i i

2. Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig. a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa b, k, d, g, p, s, t Halimbawa: Malungkot balikan ang taong lumipas Nang siya sa sinta ay kinapos-palad b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa l, m, n, ng, r, w, y Halimbawa: Sapupo ang noo ng kaliwang kamay Ni hindi matingnan ang sikat ng araw Kariktan Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan. Talinghaga Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay. Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang talinghaga sa tula Anyo Porma ng tula. Tono/Indayog Diwa ng tula. Persona Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

Mga Anyo ng Tula Uri Ng Taludtod 1. Tradisyunal - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim na kahulugan . 2. Berso Blangko - tulang may sakto bagamat walang tugma 3. Malayang taludturan - tulang walang sukat at walang tugma. Ang anyo ng tulang ito ay siyang nanaluktok na anyong tula sa panahon ng paghingi ng pagbabago ng mga kabataan

Uri ng Tulang Tagalog 1. Tulang Liriko - Itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at pagninilay at hindi gaano ang mga panlabas na pangyayari at tagpo sa buhay o ang kalagayang kinaroroonan. Ang mga uri nito ay ang mga sumusunod: a. Awit Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati,

pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan. b. Soneto Ito ay tulangmay 14 na taludtod, hinggil sa damdamin at kaisipan, may malimaw na kabatiran sa likas na pagkatao. c. Oda Ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang panaghoy o ng iba pang masiglang damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong. d. Elehiya Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kayay tula ng pananangis lalo na sa paggunita sa isang yumao. Ang halimbawa ay tula ni Jose Corazon De Jesus na Isang Punong Kahoy. e. Dalit Ito ay mga awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen. 2. Tulang Pasalaysay - Naglalarawan ito ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na natatagpuan sa mga taludtod na nagsasaaysay ng isang kwento. a. Epiko o Tulang Bayani Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. Halimbawa nito ang epiko n mga Ilokano na Biag ni Lam-ang. b. Korido Ito ang tulang nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod. Karaniwang mahaba at may mahusay na banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. May himig mapanglaw at malimit na may paksang kababalaghan at maalamat at karamihan ay hiram sa paksang Europeo. Ang halimbawa nito ay Ibong Adarna. c. Awit Ito ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Higit na masigla ito kaysa korido. May malambing at marikit na pangungusap at nangangailangan ng malalim na kaisipan. Ang halimbawa nito ay ang tulang Florante at Laura. 3. Tulang Pandulaan - Sadyang ginawa ito upang itanghal. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kayay naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Patula ang usapan dito. Saklaw ng uring ito ang nga komedya, trahedya, melodramang tula, dulang parsa. 4. Tulang Patnigan - Tulang sagutan na itinatanghalng mga nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang patula. a. Balagtasan Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Itoy sa karangalan ni Francisco Balagtas Baltazar. b. Karagatan Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na libangang itinatanghal na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat. c. Duplo Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.
Posted by chukoy at 3:11 PM No comments: Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to Facebook Labels: anyo ng tula, elemento ng tula, halimbawa ng tula, kahulugan ng tula, mga tula, tula
Friday, July 12, 2013

Buod ng Ibong Adarna


Noong unang panahon sa malayong reyno ng Berbanya, mapayapa at masayang namumuhay ang mga mamamayan nito na di nakakakilala ng ligalig. Ito ay utang ng lahat

sa mabuting pamamalakad ng mabait na Haring Fernando at ng kanyang butihing maybahay na si Reyna Veleriana.Tatlong makikisig na binata ang kanilang mga anak na kapwa lugod ang mga kanilang puso. Isa sa kanila ang nakatadhanang magmana ng setro at korona ng kaharian ng Berbanya. Si Don Pedro ang panganay sa tatlo, at siya ay naniniguro na siya ang magiging tagapagmana ng korona. Malakas siya, matikas at kinagugulatan ng lahat sa paghawak ng espada. Sumunod sa panganay ay si Don Diego, ang binatang taring kung turingan, malilikot ang mga mata at tunay na mabilis sa mga dalaga. Siyay mahusay din sa espada. At ang bunso ay si Don Juan na bagamay mahiyain at may katangiang mababang-loob ay tunay na kaakit-akit at itinitibok ng puso ng mga kadalagahan sa buong sakop ng kaharian. Sino sa tatlo ang karapat-dapat na magmana ng trono? Iyan ang kaisipang bumabagabag sa kalooban ng matandang Haring Fernando. Sa labis na pag-iisip na iyon at dahil na din sa katandaan marahil ay naratay ang hari sa isang di maipaliwanag na pagkakasakit. Ipinatawag ang mga magagaling na manggagamot. Subalit hindi matuklasan ng mga dalubhasa ng reyno kung ano ang sanhi ng kanyang karamdaman. Nagdulot ito ng labis na pag-aalala sa reyna. Ang pagkakasakit ng hari ay ikinabahala ng labis ng buong kaharian. Itoy labis ding dinamdam ng bunsong anak na si Don Juan subalit hindi nina Don Pedro at Don Diego na waring ang pagkakasakit ng ama ay isang bagay na dapat agahan kundi man malaon nang kainipan. Nang gabing iyon, habang tinatangay ng nakahihibang na lagnat ang balisang hari sa kanyang himlayan ay isang waring panaginip ang kaniyang gunita. Isang pagkaganda-gandang diwata na mistulang sugo ng langit ang nanaog upang ihatid sa kanya ang balita sa magsisilbing lunas sa kaniyang karamdaman. Dahil hanggang ngayoy hindi pa napagpasiyahan ng hari kung sino ang magiging tagapagmana ng kaharian. Ang kaniyang karamdaman ay ibinigay sa hari upang matulungan siyang magpasiya. Dito nakasalalay ang kinabukasan ng kaharian ng Berbanya. Kung sinuman sa mga anak ng hari ang makakapagpagaling ay siyang karapatdapat na maging tagapagmana ng setro at korona. Sa Bundok ng Enkantadong Tabor ay namumugad ang Ibong Adarna, kung sino sa anak ng hari ang makakahuli at magdadala nito sa hari ay siya ang kaniyang pipiliin. Sa sandaling madala na ang ibon at marinig itong umawit, ang hari ay gagaling. Isinalaysay ng hari kay Reyna Valeriana ang panaginip na dumalaw sa kanya. Ito ay nagbigay ng ibayong pag-asa sa kanyang nanlulumong kalooban dahil sa karamdaman. At hindi nga nagtagal ay gumayak na si Don Pedro upang patunayan sa lahat na siya ang tunay na tagapagmana ng setro at korona. Ipinagbunyi ng buong lugod ng mga mamamayan ang paglisan ni Don Pedro upang hanapin ang Ibong Adarna. Ang lahat ay umaasang magtatagumpay ang prinsipe sa pagkuha ng lunas na magpapagaling sa minamahal nilang hari. Kung ilang araw na binagtas ni Don Pedro ang kasukalan ng gubat. Nagpapahinga lamang siya upang kumain at matulog sa paghahangad na makarating agad sa patutunguhan. Nang sapitin niya ang rumaragasang ilog ay lalo siyang nagsikap na iyon ay matawid. Sa kabilang pampang naroon ang Bundok Tabor na kanyang hinahanap. Inakyat niya ang matarik na daanan ng Bundok Tabor. Abot-abot ang kanyang hingal nang sapitin niya ang tuktok ng bundok. Kasalukuyang pinapawi niya ang matindi niyang gutom

nang may dumating na isang matanda at humihingi sa kanya ng pagkain. Hindi niya ito binigyan ng pagkain. Pinasok ni Don Pedro ang kakahuyan ng Bundok Tabor. Unti-unti nang lumatag ang kadiliman nang matanawan ni Don Pedro ang isang kakaibang puno. Lumalalim ang gabi at nabagot sa paghihintay ang prinsipe hanggang sa siya ay dalawin ng matinding antok. Nang sumapit ang hatinggabi ay nakatulog na si Don Pedro at hindi niya naulinigan ang pagaspas ng mga pakpak ng Ibong Adarna na patungo sa punong pinagkakanlungan niya. Dumapo ito sa sanga ng puno sa ibabaw ng tinutulugang lugar ni Don Pedro. Nang matiyak ng Ibong Adarna na natutulog si Don Pedro ay nagsimula itong umawit ng buong lambing. Makapitong ulit umawit ang Ibong Adarna at sa lambing ng mga awit ay humanda ang Ibong Adarna upang matulog subalit ito ay dumumi muna. At sa ilalim ng puno ay napatakan ng dumi ng ibon ang nahihimbing na prinsipe. Noon din ay naging bato si Don Pedro at buong tiwasay na natulog ang Ibong Adarna na parang walang nangyari. Lumipas ang marami pang mga araw, at sa palasyo ay ipinatawag naman ni Haring Fernando si Don Diego. Dinatnan ni Don Diego ang kanyang inang reyna at amang hari na naghihintay. Sinabi ni Haring Fernando na ilang araw nang wala si Don Pedro kaya siya ay nangangamba na baka hindi ito nagtagumpay kaya naman kay Don Diego na ngayon nakasalalay ang kanyang kaligtasan. Buong-puso naman na sumunod ang prinsipe sa hari. Naglakbay noon din si Don Diego. Sa kasamaang palad ay sinapit din niya ang nangyari kay Don Pedro at naging bato din. Nabigo na naman ang hari na magamot ang kanyang karamdaman. Si Don Juan ay labis na nag-aalala sa kanyang mga kapatid. Ipinasya niyang dumulog sa kanyang amang hari at nagpaalam na siya naman ang maglalakbay. Aalamin niya kung ano ang nanyari sa kanyang mga kapatid at para mahuli at maiuwi na din sa palasyo ang Ibong Adarna. Hindi nag-aksaya ng panahon si Don Juan. Noon din, matulin niyang binagtas ang madilim na kagubatan. Mula sa malagim na kagubatan ay walang gulat naman niyang tinawid ang rumaragasang ilog at sinapit niya ang kabilang pampang na walang anumang sakunang naganap. Kakain na lamang sana si Don Juan nang mapalingon siya sa may kakahuyan sa pagkarinig sa panaghoy ng isang nilalang na dumaraing. Likas na may busilak na kalooban si Don Juan kaya binigyan niya ito ng pagkain. Tinanong ng matanda kung ano ang sadya ni Don Juan. Sinabi niya ang dahilan ng kanyang paglalakbay, na hinahanap niya ang kanyang dalawang kapatid at ang Ibong Adarna, na siyang tanging lunas sa kanyang amang may karamdaman. Nang malaman ng matanda ang kanyang pakay, mahigpit na itong nagbilin: Bago mo pangahasan ang paghuli sa Ibong Adarna ay makipagkita ka muna sa ermitanyo na naninirahan sa isang kuweba sa Bundok ng Tabor. Ang pag-akyat sa Bundok Tabor ay agad sinimulan ni Don Juan. Nang sapitin niya ang tuktok ng bundok ay buong panggigilalas niyang nakita ang malaparaisong pangitain doon at ang punong may mga dahong pilak na kanyang sadya. Tunay siyang humanga sa kagandahang ibinihis ng kalikasan at sa luntiang kapaligirang kanyang pinagmamasdan. Kapagdakay hinanap niya ang kuweba ng ermitanyo na mahigpit na ibinilin ng matandang pulubi. Pinuntahan niya at magiliw siyang tinanggap ng matandang ermitanyo. Ipinaghain pa siya ng nito ng makakain. Namangha si Don Juan nang makita na ang inihain sa kanya ay siya ding tinapay na inilimos niya sa matandang pulubi. Paanong ang tinapay na

ipinagkaloob niya sa ketongin ay naputa sa ermitanyo? Si Don Juan na din ang sumagot sa kanyang sarling katanungan. Sinabi sa kanya ng ermitanyo, Sapagkat naipamalas mo ang kabutihan ng kalooban ng mga sandaling sapitin mo ang pook na ito ay nakatalaga ako ngayon na tulungan kang mahuli ang Ibong Adarna. Ang Ibong Adarna ay isang engkantadong ibon na hindi mahuhuli ng gayun-gayon lamang. Mahiwaga ang kanyang awit at ang mapatakan ng kanyang dumi ay nagiging bato. Siya ay humahapon sa punong may mga pilak na dahon kung sumasapit na ang hatinggabi. At sinumang naghihintay sa kanya ay napipilitang makatulog sa pitong ulit na pag-awit sa ginagawa niya. Sa bawat awit niya ay nag-iiba ang anyo ng kanyang mga plumahe. wika ng ermitanyo. Binigyan siya ng ermitanyo ng pitong dayap. At mahigpit na ibinilin na: Sa bawat awitin ng Ibong Adarna ay susugatan mo ang iyong bisig at pipigaan ng dayap ang sugat upang sa kirot na mararamdaman ay hindi makatulog sa kabila ng malambing niyang awit. Pagkatapos ng pitong awit ay magbabawas ang Ibong Adarna bago matulog. Iwasan mong mapatakan ka noon kundi ay magiging bato ka. Ang taling gintong ito ang tanging mabisa upang siya ay talian. At isang bagay pa, sa sandaling mahuli mo na ang Ibong Adrana ay sumalok ka ng tubig sa bukal na malapit sa puno at ibuhos mo sa dalawang batong nasa ilalim ng puno upang bumalik ulit sa dating anyo ang dalawa mong kapatid, sabi ng ermitanyo bago umalis si Don Juan. Si Don Juan ay nagtungo sa kinatitirikan ng puno sa Bundok ng Tabor. Inabot siya doon ng hatinggabi sa paghihintay at di kawasay naulinigan niya ang pagaspas ng mga pakpak na hudyat na ang Ibong Adarna ay dumarating na upang humapon sa puno. Pagdapo sa sanga ay pitong ulit na umawit ang Ibong Adarna ng buong tamis at lambing at pitong ulit na nag-iba ng anyo ang kanyang plumahe. Pitong ulit din na sinugatan ni Don Juan ang kanyang bisig at pinigaan iyon ng dayap upang hindi makatulog sa lambing ng mga awiting iyon. Matapos dumumi ang Ibong Adarna ay natulog ito at agad namang inakyat ni Don Juan. Pagkatapos niyang mahuli ang Ibong Adarna, pumunta agad siya sa ilog upang kumuha ng tubig para ibuhos sa kanyang mga kapatid. Noon din ay nagbalik sa kanilang dating mga anyo sina Don Pedro at Don Diego. Gayon na lamang ang tuwa ni Don Juan nang muling makita ang kanyang mga kapatid. Ipinaliwanag ni Don Juan ang buong pangyayari sa dalawang kapatid at noon din ay pinagharian ang kanilang mga puso ng matinding inggit. Nang magbukang liwayway, tinungo nila Don Juan ang kuweba ng ermitanyo upang magpasalamat at magpaalam. Sila ay pinakain nito at ginamot din ang mga sugat ni Don Juan. Pagkapahinga, ay pinauwi na sila ng ermitanyo at pinayuhang walang manloloko o magtataksil isa man sa kanila.

Hindi sumunod sa ermitanyo ang dalawang prinsipe na si Don Pedro at si Don Diego. Si Don Juan ay walang awang pinagtulungang bugbugin ng magkapatid na pinaghaharian ng inggit at pag-iimbot. Nang makita nilang wala ng lakas at halos hindi na humihinga si Don Juan, kinuha nila ang Ibong Adarna. Iniwan ng dalawa ang inaasahan nilang mamamatay na si Don Juan at matulin silang nagbalik sa kaharian ng Berbanya. Isang mabunying pagsalubong ang inukol ng mamamayan ng reyno ng Berbanya sa dalawang animoy mga bayaning nagbalik. Ngunit pagdating nila doon ay lulugo-lugo na ang ibon at ayaw nitong umawit. Sinabi ng Ibong Adarna na aawit lamang siya sa harap ng tunay na nakahuli sa kanya, at ito ay si Don Juan na binugbog ng dalawang kapatid na prinsipe. Si Don Juan naman ay halos di makatayo sa kanyang kalagayan dahil sa natamo niyang matinding pambubugbog. Kayat siyay matimtim na nanalangin sa Birheng Maria upang siya ay tulungan. Parang tinugon naman ang kanyang panalangin, dahil may dumating na isang matanda at siya ay ginamot. Agad na umuwi sa kaharian si Don Juan sa pangambang hindi niya maabutang buhay ang kanyang amang hari. Pagdating ni Don Juan, noon din ay pumailanglang at napuno ang buong silid ng matamis at malambing na awitin ng Ibong Adarna. At sa pagawit na iyon ng Ibong Adarna, agad na gumaling ang karamdaman ni Haring Fernando. Nagpatawag ng isang pagpupulong ang hari sa konseho. Napagkaisahan na parusahan ang dalawang prinsipe sa pamamagitan ng pagtapon sa dalawa upang hindi na makasama ni Don Juan. Ngunit sa kabaitang taglay ni Don Juan ay hindi niya hinayaang maparusahan ang kanyang mga kapatid. Dahil sa Adarna, gumaling si Haring Fernando, kaya naman pinabantayan niya ang Ibong Adarna sa tatlo niyang anak. Kung sinuman ang magpapakawala nito ay mapaparusahan ng kamatayan. Sina Don Pedro at Don Diego ay likas na may kasamaang ugali. Isang gabi, nang si Don Juan ang nagbabantay ay tila nakatulog. Marahang lumapit si Don Pedro sa ibon at ito ay kanyang pinakawalan. Lumipad papalayo ang Ibong Adarna sa kaharian ng Berbanya. Nang magising si Don Juan ay laking pagtataka niya nang makitang wala na ang Ibong Adarna. Natakot si Don Juan dahil alam niyang mapaparusahan siya ng kamatayan. Napagpasiyahan ni Don Juan na umalis upang hanaping muli ang Ibong Adarna. Nang magising si Haring Fernando, nakita niyang wala na sa hawla ang Ibong Adarna. Tinanong niya sina Don Pedro at Don Diego kung sino ang nagpakawala sa Adarna. Ang isinagot ng dalawa ay si Don Juan. Akala ng dalawa ay naisahan na nila ang kanilang bunsong kapatid ngunit dahil sa nawawala si Don Juan, ay agad inutos ng amang hari sa kanila na hanapin si Don Juan. Nang natagpuan nila si Don Juan sa Bundok ng Armenia, napag-isip-isip nina Don Pedro at Don Diego na kung isasama nila ang kapatid kay Haring Fernando ay tiyak na malalaman nito ang totoong nangyari. Kaya naman kinumbinse nilang dalawa na

manirahan na lamang silang magkakapatid sa Bundok ng Armenia. Doon ay wariy wala silang lungkot na dinaranans. Kung wala sila sa batis, sila ay nasa bukid. Isang araw ng paglalakbay, nakakita sila ng balon. Gusto ni Don Juan na maabot ang ilalim ng balon. Dahil si Don Pedro ang panganay ay siya ang nangunang bumaba. Dahan-dahan siyang nagpatihog sa ilalim ng balon. May 30 dipa pa lamang ang lalim at habang inaabot ang kalaliman nito, binatak na niya ang lubid. Ito ang hudyat na siya ay hilahin na paitaas nina Don Diego at Don Juan. Sumunod naman si Don Diego, ngunit nakakatatlong dipa pa lamang ay umahon na siya. Si Don Juan naman ang sumubok magpatihulog sa balon. Narating niya ang pinakamababang bahagi ng balon at kinalag niya ang tali upang siya ay maglakad. Namangha siya sa pook na kanyang nakita at nabighani nang makita niya si Donya Juana. Iniligtas niya ito mula sa kamay ng higanteng nagbabantay dito. Hinikayat niyang umalis na si Donya Juana, ngunit nag-atubili itong umalis sa dahilan na hindi niya maiiwan ang kanyang bunsong kapatid na si Donya Leonora na hawak naman ng isang serpiyenteng mabagsik na may pitong ulo. Sa palasyo nagpunta sina Don Juan at Donya Juana. Namangha din si Don Juan sa kagandahan ni Donya Leonora. Natalo ni Don Juan ang serpiyente. Dahil sa pagmamadali ay naiwan ni Donya Leonora ang kanyang singsing na diyamante at ang nadala lang niya ay ang kanyang alagang hayop na lobo. Agad tinalian ni Don Juan sina Prinsesa Juana at Prinsesa Leonora para mai-akyat palabas ng balon. Hinila naman nina Don Pedro at Don Diego ang lubid pataas. Nagkagusto kaagad si Don Pedro kay Donya Leonora sa una pa lamang pagkakita dito. Paalis na sila nang maalala ni Donya Leonora ang naiwan niyang singsing na diyamante. Nagkusang-loob si Don Juan na kunin ang singsing. Muli siyang bumababa sa balon, ngunit sampung dipa pa lamang siyang nakakababa ay agad nang pinutol ni Don Pedro ang lubid. Nalungkot ng labis si Donya Leonora sa nangyari kay Don Juan. Nang sila ay aalis na, pinagbilinan niya ang kanyang alagang hayop na lobo na tulungan nito si Don Juan. Nakarating ng maayos sina Don Pedro, Don Diego, Donya Juana at Donya Leonora sa kaharian ng Berbanya. Ikinasal si Don Diego kay Donya Juana samantalang si Don Pedro naman ay nabigo ang pag-ibig kay Donya Leonora. Nakarating ang lobo sa kinaroroonan ni Don Juan at ginamot nito si Don Juan. Kinuha ni Don Juan ang singsing ni Donya Leonora at umuwi na ito pabalik ng Berbanya. Sa paglalakad ni Don Juan, siya ay napagod. Nagpahinga siya sa isang punongkahoy at nakatulog. Siya namang pagdating ng Ibong Adarna, dumapo sa puno at nagsimulang kumanta. Ayon sa kanyang kanta, si Juan ay naaalala ni Donya Leonora. Ngunit, mayroon pang mas maganda kay Donya Leonora. Ito ay si Donya Maria Blanca na anak ni Haring Salermo ng kaharian ng Delos Cristal. Si Donya Maria ay maipagkakapuri ni Don Juan sa kanyang amang Haring Fernando, sabi pa ng awit ng Ibong Adarna. Sa kaharian naman ng Berbanya ay nagdadalamhati si Donya Leonora sa tila patay na si Don Juan dahil sa tagal ng pagkakawala nito.

Samantala, si Don Juan ay limang buwan nang naglalakbay. Sa kanyang paglalakbay ay nakita niya ang isang ermitanyo na hanggang baywang ang balbas. Binigyan ni Don Juan ang matanda ng kapirasong damit. Nagulat ang ermitanyo pagkakita sa damit, sabay sinabi nitong, Hesus na Panginoon ko, isang galak ko na itong pagkakita sa baro Mo. Ipinaliwanag ni Don Juan sa ermitanyo kung anong dahilan at siya naparoon sa lugar na iyon. Ayon sa kanya, hinahanap niya ang kaharian ng Delos Cristal, ngunit wala naman nakakaalam kung saan ito. Sinabi ng ermitanyo na magpunta siya sa ikapitong bundok na kinaroroonan ng isang matandang ermitanyo at doo'y magtanong. Nang makarating na siya sa matandang ermitanyo, tinanong niya kung saan makikita ang kaharian ng Delos Cristal. Ngunit hindi din alam nito kung saan matatagpuan iyon. Kayat tinanong ng ermitanyo ang kanyang mga alagang ibon at isang agila. Sinabi ng agila kung saan matatagpuan ang kaharian. Laking tuwa ni Don Juan dahil makikita na niya ang kaharian ng Delos Cristal at higit sa lahat si Donya Maria Blanca na may higit na kagandahan. Sumakay si Juan sa likod ng agila at sila ay lumipad na. Narating nila ang kaharian ng Delos Cristal. Sinabi ng agila kay Juan na huwag kakalimutan ang kanyang bilin: Mamayang ika-apat, ang tatlong prinsesa ay maliligo at nakadamit na kalapati. Ikaw ay magtago at huwag magpapakita. Pagkasabi ng kanyang habilin, lumipad na ang agila. Iniwan na sa kaharian ng Delos Cristal si Juan. Dumating nga ang tatlong prinsesa sa oras na binanggit ng agila. Ang kagandahan ni Donya Maria ay talagang kaakit-akit. Sabay-sabay na naligo ang tatlong prinsesa. Habang naliligo, lumabas ang kapilyuhan ni Don Juan at tinago ang damit ni Donya Maria. Pagkaraan ng ilang sandali, natapos na sa paliligo ang tatlong prinsesa. At nagsimula nang magbihis ngunit hindi makita ni Donya Maria ang kanyang damit, kaya siya nagalit. Pagkaraan ng ilang sandali, lumabas na si Don Juan, sabay lumuhod sa harap ni Donya Maria. Kaagad sinabi ni Juan ang kanyang pag-ibig kay Maria. Pinatayo siya ni Donya Maria Juan at marahang sinabihan ito na tingnan niyang mabuti ang mga batong nakabakod sa palasyo. Ang mga iyon ay mga taong naengkanto ng kanyang ama : mga prinsipe, kabalyero at konde. Naging bato sila dahil hindi sila nakatupad sa iniatas ng kanyang amang hari. Sinabi ni Maria kay Juan, Mamayang ika-lima, ang aking ama ay magigising at ikaw ay makikita. Kapag tinanong ka kung ano ang sadya mo dito. Sabihin mong hihingin mo ang kamay ng isa sa mga prinsesa. Kapag niyaya kang pumanik sa palasyo ay tumanggi ka sapagkat mamamatay ka. Kung ikaw ay magpapatuloy, kahit na ano ang ipagawa sa iyo ng aking ama ay tanggapin mo. Ako ang bahala!

Pagkaalis ng prinsesa, nagising si Haring Salermo. Kaagad ngang nakita si Juan. Kinumbida ng hari si Juan na pumanik sa palasyo ngunit gaya ng ibinilin ni Donya Maria,

tumanggi si Juan. Sinabi ni Don Juan na nais niyang hingin ang kamay ng isa sa mga prinsesa at nakahanda siyang sundin ang anumang iutos ng hari. Kaya naman tinawag ni Haring Salermo ang isang utusan at nagpakuha ng isang salop ng trigo. Binigyan niya ng isang mahigpit na pagsubok si Juan. Inutusan niyang tibagin ni Don Juan ang bundok at patagin iyon. Pagkatapos ay isabog ang trigo. Sa gabi ding iyon ay anihin at gawing tinapay. Ang tinapay na magagawa ay kailangang nasa hapagkainan na niya pagdating ng umaga. Pagkakuha ni Juan ng trigo, agad siyang umuwi. Hinintay ni Donya Maria na makatulog ng mahimbing ang lahat. Nagtungo siya sa bahay ng potrero na siyang pook tipanan nila ni Juan. Kaagad na sinabi ni Juan kay Maria ang ipinagagawa ng hari. At gaya ng naipangako ni Maria kay Juan na siya ang bahala sa lahat ng iutos ng kanyang ama, agad na naisakatuparan ang lahat ng hiling ni Haring Salermo. Si Haring Salermo ay nagtataglay ng kapangyarihan ng mahika negra samantalang si Donya Maria ay mahika blanka ang taglay. Daig niya ang kapangyarihan ng kanyang amang hari. Nagulat si Haring Salermo nang makita niya kinabukasan ang mainit na tinapay sa ibabaw ng kanyang mesa. Ipinatawag niya si Don Juan. Ipinakita ni Haring Salermo ang isang prasko na mayroong 12 negrito. Ipinaliwanag ng hari na kanyang pakakawalan ang mga negrito sa karagatan. Ang mga pinakawalang mga negrito ay kailangang niyang hulihing isa-isa hanggang kinabukasan. Sa isip-isip ng hari, mahihirapan si Don Juan. Ngunit hindi naman kinabahan si Juan sapagkat alam niyang hindi siya pababayaan ni Donya Maria. Nang gabi ding iyon ay muling nagpunta si Donya Maria sa bahay ng potrero. Ipinagtapat ni Juan ang ikalawang pagsubok ng hari. Nagpunta silang dalawa sa dagat at tinawag ni Maria ang lahat ng mga negrito na magbalik sa loob ng prasko. Kinabukasan, natupad ang kagustuhan ni Haring Salermo. Ipinatawag niyang muli si Don Juan upang bigyan muli ng mahirap na pagsubok. Sinabi ng hari kay Don Juan na ang bundok na nakikita niya ay kailangang ilagay sa gitna ng dagat. Pagkatapos ay gawing kastilyo at bukas din ng umaga ay kailangang makita ng hari. Kailangang lagyan din ni Juan ng tuwid na daanan magmula sa palasyo hanggang kastilyo. Tumango na lamang si Juan. Lahat ng pinag-utos ng hari ay ginawa ni Donya Maria. Pagkagising ng hari ay agad niyang tiningnan ang kastilyo. Laking pagtataka ng hari kung saan kinukuha ni Don Juan ang kanyang kapangyarihan. Noon lamang siya natalo. Kinabukasan, naglahong parang bula ang kastilyong ginawa. Kaya naman ipinatawag muli ni Haring Salermo si Don Juan. Nabanggit ni Haring Salermo na sa pamamasyal ay nahulog niya ang kanyang singsing sa dagat. Kailangang makuha iyon ni Don Juan. Ang tanging paraang ginawa nina Maria at Juan ay tadtarin ang katawan ni Maria. Ang mga parte ng katawan na tinadtad ay naging mga isda na hahanap sa singsing ni Haring Salermo. Malinaw na inihabilin ni Maria kay Juan na magbantay sa kanyang pagbalik at huwag itong matutulog. Ngunit nakatulog si Juan. Kaya walang kumuha ng

singsing sa iniabot ni Maria. Umahon si Donya Maria na ang katawan ay patang-pata. Natauhan si Don Juan sa kanyang pagkakamali. Sa kabila ng nagawang pagkukulang ni Juan, mahal pa rin siya ni Donya Maria at hindi pa rin nito matitiis na siya'y hatulan ng kanyang ama. Muling inulit ni Don Juan ang pagtadtad sa katawan ni Donya Maria, subalit sa ikalawang pagkakataon ay hindi niya namalayang may tumalsik na daliri ni Donya Maria. Kaya sa kabila ng naging tagumpay ni Donya Maria na kunin ang diyamanteng singsing, ang pagmamadaling iyon ni Don Juan sa pagtadtad ay nagdulot ng isang napakalaking pagkakamali. Nang umahon si Donya Maria at maging taong muli, kulang ng dulo ang kanyang isang daliri. Kinabukasan, nadukot ng hari ang singsing sa ilalim ng kanyang unan gaya ng kanyang kagustuhan. Subalit hindi pa rin lubos na nasiyahan si Haring Salermo na naibalik sa kanya ang singsing na diyamante. Muli niyang ipinatawag si Don Juan para muling utusan. Ako'y may kabayong sadyang ilap at kay lupit, nais kong siya'y paamuhin mo. ang utos ng hari kay Don Juan. Sa unang pagkakataon ay nagulumihan si Donya Maria nang malaman ang bagong pinag-uutos ng kanyang ama kay Don Juan. Sinabi niya na ang kabayong kailangang paamuhin ni Juan ay walang iba kundi si Haring Salermo rin na nagbabalatkayong kabayo. Kaya naman, tinuruan na lamang niya si Don Juan kung paano mapapa-amo ang kanyang amang nagbabalatkayong kabayo. Ginawa ni Don Juan ang lahat ng paraang sinabi ni Donya Maria upang mapaamo ang mabagsik na kabayo. Mahigpit ang hawak niya sa renda upang hindi tuluyang makalipad ito habang patuloy na nakapreno ang kabayo sa tulong naman ni Donya Maria. Kinaumagahan ay ipinatawag ni Haring Salermo si Don Juan. Masasakit ang katawan ng hari pero panahon na upang ipagkaloob niya ang isang anak sa prinsipe. Ang sabi ng hari kay Don Juan ay: Yamang naisakatuparan mo ang lahat nang inutos ko, mamili ka ngayon sa aking tatlong anak. Sinamahan ng hari si Don Juan sa tatlong kuwartong magkakatabi at sadyang may tablang inilapat na may butas na tanging hintuturo lamang ng bawat bawat prinsesa ang makikita ni Don Juan at hindi ang kagandahan ng mga ito. Agad namang pinili ni Don Juan ang kamay ni Donya Maria, na may palatandaan ng kanyang naging malaking pagkakamali. Nagalit ang hari sa dahilang si Donya Maria ay ang kanyang paboritong anak. Kaya naman, binalak niyang ipatapon si Don Juan sa Inglatera para sa kapatid nito siya ipakasal. Pero mabilis na nagtanan si Donya Maria at Don Juan. Dahil sa galit ng hari, isinumpa niya si Donya Maria, Ikaw nawa ay malimutan ni Don Juan. Ikaw ay kanyang pababayaan at pakakasal siya sa iba. Sumpang naulinigan ni Donya Maria kaya't labis ang kanyang pag-aalala nang magpasya si Don Juan na iwanan muna siya para magtungo sa palasyo. Kaya naman mahigpit siyang nagbilin na huwag titingin at lalapit si Don Juan sa sinumang babae sa palasyo upang hindi siya magawang limutin nito. Hindi na nakita ni Haring Salermo ang katuparan ng kanyang sumpa. Siya ay nagkasakit dahil sa matinding dalamhati na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. At nagbalik nga ng kaharian ng Berbanya si Don Juan upang hingin ang bendisyon ng amang hari. Ang sabik at matagal nang naghihintay na si Donya Leonora ay lumapit kay

Juan. Dahil dito, iglap at nakalimot si Don Juan sa kanyang binitiwang pangako kay Donya Maria, isang katuparan ng sumpa ni Haring Salermo. Hindi nagtagal ay itinakda ang kasal nina Don Juan at Donya Leonora. Samantala, natuklasan na ni Donya Maria ang kataksilan ni Don Juan dahil sa gagawing pagpapakasal sa ibang prinsesa. Nag-alimpuyo sa galit ang kanyang dibdib. Lulan ng karosang ginto, nagpanggap na emperatriz si Donya Maria upang dumalo sa kasal nina Don Juan at Donya Leonora. Nang dumating si Donya Maria na naka-bihis emperatriz, namangha ang lahat. Maganda ang gayak ni Maria at litaw ang kanyang kagandahan. Ang pakay niya ay pigilin ang pag-iisang dibdib ng dalawa. Malugod na tinanggap ni Haring Fernando ang pagdalo ng emperatriz. Subalit hindi nakilala ni Don Juan na ang emperatriz ay walang iba kundi si Donya Maria. Nakiusap si Donya Maria sa hari na bago ikasal sina Don Juan at Donya Leonora ay magdaos muna ng munting palabas sa harap ng lahat. Sa pamamagitan ng dula-dulaan ay nagawang isalaysay ng mga negrito at negrita ang lahat ng pinagdaanang hirap ni Don Juan sa mga pagsubok na ibinigay ni Haring Salermo. Pinalo ng negrita ang negrito at tinanong kung naaalala nito ang mga ginawang pagtulong ni Donya Maria sa kanya sa kaharian ni Haring Salermo na kanyang ama. Sa tuwing papalo ang negrita ay hindi nasasaktan ang negrito kundi ay si Don Juan. Kaya naman, unti-unting nagbalik ang mga alaalang nangyari sa kanila ni Donya Maria. Noon din ay pinatotohanan ni Don Juan na ang lahat ng nasaksihang duladulaan ng mga negrito at negrita sa palasyo ay pawang mga katotohanan.

Sa wakas hindi rin nabigo ang sobrang pagkakagusto ni Don Pedro kay Donya Leonora dahil silang dalawa din ang tuluyang nagpakasal. Si Don Juan naman ang nagpakasal kay Donya Maria. Hiniling nila na kay Don Pedro na lamang ibigay ang trono sa kadahilanang sila ni Don Juan at Donya Maria ay nakatakdang pagharian ang monarka ng Delos Cristal. Kaya pagkatapos ng kasalan ay umuwi na sila sa kaharian ng Delos Cristal. Nagkaroon ng isang pista para ipagdiwang ang pagluwalhati sa Bathala. Kalakip na rin ang dalangin para sa mga yumaong kapatid at magulang ni Donya Maria. At ang mga na-engkantong mga prinsipe, kabalyero at konde ay inalisan na ni Donya Maria ng sumpa. At ang lihim na pinaka-iingatan ng mga magulang ni Donya Maria ay kanya ring inilantad na. Nagbalik sa pagiging leon at tigre ang mga utusan at nagsilantaran ang mga tunay na tao na nagtatagong kasangkapan sa loob ng palasyo. Itinanghal na hari at reyna si Don Juan at Donya Maria sa kaharian ng Delos Cristal. Siyam na araw ang ginanap na pista. Di magkamayaw sa kasiyahan ang mga taong-bayan. Sa bagong pamamahala ni Don Juan ay tanging kaayusan ng kaharian ang hinahangad. At dahil sa kanilang mabuting pamumuno sa kaharian, sila ay lalong minahal ng taong bayan. Ang salaysay at hiwagang nakabalot sa dalawang reyno ay maligayang winakasan ng malamyos na awitin ng Ibong Adarna.
Posted by chukoy at 3:32 AM No comments: Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to Facebook Labels: buod ng bawat kabanata ng ibong adarna, Buod ng Ibong Adarna, ibong adarna, kwento ng ibong adarna, maikling Buod ng Ibong Adarna
Tuesday, July 2, 2013

Mga Anyo ng Tula


Mga Anyo ng Tula Uri Ng Taludtod 1. Tradisyunal - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim na kahulugan . 2. Berso Blangko - tulang may sakto bagamat walang tugma 3. Malayang taludturan - tulang walang sukat at walang tugma. Ang anyo ng tulang ito ay siyang nanaluktok na anyong tula sa panahon ng paghingi ng pagbabago ng mga kabataan

Uri ng Tulang Tagalog 1. Tulang Liriko - Itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at pagninilay at hindi gaano ang mga panlabas na pangyayari at tagpo sa buhay o ang kalagayang kinaroroonan. Ang mga uri nito ay ang mga sumusunod: a. Awit Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan. b. Soneto Ito ay tulangmay 14 na taludtod, hinggil sa damdamin at kaisipan, may malimaw na kabatiran sa likas na pagkatao. c. Oda Ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang panaghoy o ng iba pang masiglang damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong. d. Elehiya Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kayay tula ng pananangis lalo na sa paggunita sa isang yumao. Ang halimbawa ay tula ni Jose Corazon De Jesus na Isang Punong Kahoy. e. Dalit Ito ay mga awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen. 2. Tulang Pasalaysay - Naglalarawan ito ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na natatagpuan sa mga taludtod na nagsasaaysay ng isang kwento. a. Epiko o Tulang Bayani Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. Halimbawa nito ang epiko n mga Ilokano na Biag ni Lam-ang. b. Korido Ito ang tulang nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod. Karaniwang mahaba at may mahusay na banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. May himig mapanglaw at malimit na may paksang kababalaghan at maalamat at karamihan ay hiram sa paksang Europeo. Ang halimbawa nito ay Ibong Adarna. c. Awit Ito ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Higit na masigla ito kaysa korido. May malambing at marikit na pangungusap at nangangailangan ng malalim na kaisipan. Ang halimbawa nito ay ang tulang Florante at Laura. 3. Tulang Pandulaan - Sadyang ginawa ito upang itanghal. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang madula na maaaring makatulad ng, o dili kayay naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Patula ang usapan dito. Saklaw ng uring ito ang nga komedya, trahedya, melodramang tula, dulang parsa.

4. Tulang Patnigan - Tulang sagutan na itinatanghalng mga nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang patula. a. Balagtasan Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang pagtatalunan. Itoy sa karangalan ni Francisco Balagtas Baltazar. b. Karagatan Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa tinatawag na libangang itinatanghal na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat. c. Duplo Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain at mga kasabihan.
Posted by chukoy at 3:19 PM No comments: Email ThisBlogThis!Share to TwitterShare to Facebook Labels: anyo ng tula, elemento ng tula, halimbawa ng tula, kahulugan ng tula, Mga Anyo ng Tula,mga tula, mga uri ng taludtod, taludtod, tula
Friday, July 5, 2013

Mi Ultimo Adios - Dr. Jose Rizal


Ang Mi ltimo adis o Huling Paalam ay isang tulang likha ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal. Isinalin ang orihinal na nasusulat sa wikang Kastila sa mga pangunahing wika ng daigdig tulad ng Ingles, Pranses, Aleman, Italyano, Nippongo, Malayo, at marami pang iba. Gayon din, naisalin din ito sa ibat ibang wikain sa Pilipinas, tulad ng Tagalog, Ilokano, Kapampangan, Pangasinan, Bikol, Sugbuanon, Hiligaynon, at iba pa. Kasaysayan ng Tula Hindi matiyak kung kailan isinulat ni Jose Rizal ang kahuli-hulihan ang tulang ito. Ayon sa tradisyunal na paniniwala, sinasabing isinulat ito ni Rizal ng gabi ng bisperas ng pagbaril sa kanya, Disyembre 29, 1896. Ngunit ayon sa mga tala, si Rizal ay maraming ginawa noong mga huling araw ng kanyang buhay. Marami siyang tinanggap na bisita: ang kanyang mga kapatid, ang asawang si Josephine Bracken at ang mga prayleng humihimok sa kanya na isagawa ang pagbawi o retraksyon. Sinasabi pang ibinigay niya ito sa kapatid niyang si Trinidad na dumalaw sa kanya noong hapon ng Disyembre 29. Samakatuwid ay hindi niya isinulat ang tula kinagabihan ng bisperas at mismo noong araw ng kanyang pagbaril. Hindi pinangalanan ni Rizal ang tula. Bunga ito ng kaliitan ng papel na kanyang pinagsulatan na may sukat lamang na 15-1/2 sentimetro at 9-1/2 sentimetro ayon kay Mauro Garcia. Nawalan ng sapat na espasyo ang papel kaya't ito'y hindi na nalapatan pa ng pamagat bukod sa kailangan talagang liitan ni Rizal ang pagsusulat niya sa tulang may 14 na saknong na nasusulat sa wikang Kastila. Si Mariano Ponce ang kauna-unahang naglagay ng pamagat sa tula na tinawag na "Mi Ultimo Pensamiento" nang iyo'y kanyang ilathala sa Hong Kong noong Enero 1897. Sa tulong ni Jose Maria Basa ay ipinakalat ni Ponce ang tula at ipinamigay sa mga kababayan at kakilala ang mga sipi nito. Si Padre Mariano Dacanay ang naglapat ng Mi ltimo adis bilang pamagat ng nasabing tula noong ito'y kanyang matanggap at mabasa habang siya'y nakakulong sa

Bilibid, Maynila. Ang kanyang ginawang paglalapat ay inilathala sa pahayagang "La Independencia" noong Setyembre 1898. Ang orihinal na sipi ng tula na ibinigay ni Rizal sa kapatid niyang si Trinidad ay napapunta naman kay Josephine Bracken. Dinala ni Josephine ang tula ng magpunta siya sa Hong Kong. Nang mamatay si Josephine ay nawala ang orihinal na kopya. Ito'y hinanap ng Pamahalaan ng Pilipinas at natagpuan sa isang taong tagaroon na humingi ng kaukulang bayad (1000 piso) upang ibigay niya ito sa pamahalaan. Nagbayad nga ang pamahalaan at ito ay naibalik sa Pilipinas. Naisalin ang tula sa kauna-unahang pagkakataon sa Kapampangan ni Monico Mercado noong Enero 1897 at ang sa Tagalog naman ay si Andres Bonifacio. Ilan naman sa mga tanyag na salin ng tulang ito sa wikang Tagalog ay isinagawa nina Pascual H. Poblete at Julian Balmaceda. Sa mga dayuhang wika naman, una itong nasalin sa Aleman samantalang may mahigit na 25 salin ang tulang ito sa Ingles. Noong taong 1899, habang nagaganap ang Digmaang Pilipino-Amerikano ay pinaguusapan sa Kongreso ng Amerika kung makatwiran bang sakupin ang Pilipinas. May nagpanukalang dapat upang mabigyan ng edukasyon ang mga "barbarong" Pilipino. May isang kinatawan ang tumutol at binasa ang Huling Paalam ni Jose Rizal (salin sa wikang Ingles ni Charles Derbyshire na pinamagatang "My Last Farewell") upang patunayang hindi barbaro ang mga Pilipino (dahil sa galing ng pagkakasulat ng tula) at lalong hindi dapat sakupin ang Pilipinas. HULING PAALAM ni Dr. Jose P. Rizal This is a Tagalog translation by Andres Bonifacio of the poem Mi ltimo Adios (My Last Farewell) originally written in Spanish by Filipino national hero Jose Rizal. Huling Paalam Pinipintuho kong Bayan ay paalam, Lupang iniirog ng sikat ng araw, mutyang mahalaga sa dagat Silangan, kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw. Masayang sa iyo'y aking idudulot ang lanta kong buhay na lubhang malungkot; maging maringal man at labis ang alindog sa kagalingan mo ay akin ding handog. Sa pakikidigma at pamimiyapis ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip, walang agam-agam, maluwag sa dibdib, matamis sa puso at di ikahahapis. Saan man mautas ay di kailangan, cipres o laurel, lirio ma'y patungan pakikipaghamok, at ang bibitayan, yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.

Ako'y mamamatay, ngayong namamalas na sa Silanganan ay namamanaag yaong maligayang araw na sisikat sa likod ng luksang nagtabing na ulap. Ang kulay na pula kung kinakailangan na maitina sa iyong liwayway, dugo ko'y isaboy at siyang ikikinang ng kislap ng iyong maningning na ilaw. Ang aking adhika sapul magkaisip noong kasalukuyang bata pang maliit, ay ang tanghaling ka at minsang masilip sa dagat Silangan hiyas na marikit. Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal, taas na ang noo't walang kapootan, walang bakas kunot ng kapighatian gabahid man dungis niyong kahihiyan. Sa kabuhayan ko ang laging gunita maningas na aking ninanasa-nasa ay guminhawa ka ang hiyas ng diwa paghingang papanaw ngayong biglang-bigla. Ikaw'y guminhawa laking kagandahang akoy malugmok, at ikaw ay matanghal, hininga'y malagot, mabuhay ka lamang bangkay ko'y maisilong sa iyong Kalangitan. Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas sa malagong damo mahinhing bulaklak, sa mga labi mo'y mangyayaring ilapat, sa kaluluwa ko halik ay igawad. At sa aking noo nawa'y iparamdam, sa lamig ng lupa ng aking libingan, ang init ng iyong paghingang dalisay at simoy ng iyong paggiliw na tunay. Bayaang ang buwan sa aki'y ititig ang liwanag niyang lamlam at tahimik, liwayway bayaang sa aki'y ihatid magalaw na sinag at hanging hagibis. Kung sakasakaling bumabang humantong sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon, doon ay bayaan humuning hinahon at dalitin niya payapang panahon.

Bayaan ang ningas ng sikat ng araw ula'y pasingawin noong kainitan, magbalik sa langit ng buong dalisay kalakip ng aking pagdaing na hiyaw. Bayaang sino man sa katotong giliw tangisang maagang sa buhay pagkitil; kung tungkol sa akin ay may manalangin idalangin, Bayan, yaring pagkahimbing. Idalanging lahat yaong nangamatay, Nangag-tiis hirap na walang kapantay; mga ina naming walang kapalaran na inihihibik ay kapighatian. Ang mga balo't pinapangulila, ang mga bilanggong nagsisipagdusa; dalanginin namang kanilang makita ang kalayaan mong ikagiginhawa. At kung ang madilim na gabing mapanglaw ay lumaganap na doon sa libinga't tanging mga patay ang nangaglalamay, huwag bagabagin ang katahimikan. Ang kanyang hiwagay huwag gambalain; kaipala'y marinig doon ang taginting, tunog ng gitara't salterio'y magsaliw, ako, Bayan yao't kita'y aawitan. Kung ang libingan ko'y limot na ng lahat at wala ng kurus at batong mabakas, bayaang linangin ng taong masipag, lupa'y asarolin at kahuyay ikalat. Ang mga buto ko ay bago matunaw, mauwi sa wala at kusang maparam, alabok na iyong latag ay bayaang siya ang babalang doo'y makipisan. Kung magkagayon ma'y, alintanahin na ako sa limot iyong ihabilin, pagka't himpapawid at ang panganorin, mga lansangan mo'y aking lilibutin. Matining na tunog ako sa dinig mo,

ilaw, mga kulay, masamyong pabango, ang ugong at awit, paghibik ko sa iyo, pag-asang dalisay ng pananalig ko. Bayang iniirog, sakit niyaring hirap, Katagalugan kong pinakaliliyag, dinggin mo ang aking pagpapahimakas; diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat. Ako'y patutungo sa walang busabos, walang umiinis at berdugong hayop; pananalig doo'y di nakasasalot, si Bathala lamang dooy haring lubos. Paalam, magulang at mga kapatid kapilas ng aking kaluluwa't dibdib mga kaibigan, bata pang maliit, sa aking tahanan di na masisilip. Pag-papasalamat at napahinga rin, paalam estranherang kasuyo ko't aliw, paalam sa inyo, mga ginigiliw; mamatay ay siyang pagkakagupiling! (The Spanish poem was translated into Tagalog by the Filipino revolutionary hero Andres Bonifacio.)

Mi ltimo Adios (Spanish vesion of Huling Paalam) Adios, Patria adorada, region del sol querida, Perla del Mar de Oriente, nuestro perdido eden, A darte voy alegre, la triste, mustia vida; Y fuera mas brillante, mas fresca mas florida, Tambien por ti la diera, la diera por tu bien. En campos de batalla, luchado, con delirio, Otros te dan sus vidas, sin dudas, sin pesar. El sitio nada importa: cipres, laurel o lirio, Cadalso o campo abierto combate o cruel martirio, Lo mismo es si lo piden la Patria y el hogar. Yo muero, cuando veo que el cielo se colora Y al fin anuncia el dia, tras lobrero capuz; Si grana necesitas, para tenir tu aurora, Vierte la sangre mia, derrama laen buen hora, Y dorela un reflejo de su naciente luz!

Mis suenos, cuando apenas muchado adolescente, Mis suenos cuando joven, ya lleno de vigor, Fueron el verte un dia, joya del mar de Oriente, Secos los negros ojos, alta la tersa frente, Sin ceno, sin arrugas, sin manches de rubor. Ensueno de mi vida, mi ardiente vivo anhelo, Salud! te grita el alma, que pronto va a partir; Salud! ah, que es hermoso caer por darte vuelo, Morir por darte vida, morir bajo tu cielo, Y en tu encantada tierra la eternidad dormir! Si sobre mi sepulcro vieres brotar, un dia, Entre la espesa yerba sencilla humilde flor, Acercala a tus labios y besa al alma mia, Y sienta yo en mi frente, bajo la tumba fria, De tu ternura el soplo, de tu halito el calor. Deja a la luna verme, con luz tranquila y suave, Deja que el elba envie su resplandor fugas; Deja gemir al viento, con su murmullo grave; Y si desciende y posa sobre mi cruz un ave, Deja que el ave entone su cantico de paz. Deja que el sol, ardiendo, las lluvias evapore, Y al cielo tornen puras, con mi clamor en pos; Deja que un ser amigo mi fin temprano llore; Y en las serenas tardes, cunado por mi alguien ore, Ora tambien, oh Patria, por mi descanso a Dios. Ora por todos cuantos murieron sin ventura; Por cuantos padecieron tormentos sin igual; Por nuestras pobres madres, que gimen su amargura; Por huerfanos y viudas, por presos entortura; Y ora por ti, que veas tu redencion final. Y cunado, en noche oscura, se envuela el cementerio, Y solos solo muertos queden velando alli, No turbes su reposo, no turbes el misterio; Tal ves acordes oigas de citara o salterio; Soy yo, querida Patria, yo que te canto a ti. Y cuando ya mi tumba, de todas olvidada, No tenga cruz ni piedra que marquen su lugar, Deja que la are el hombre, la esparza con la azada, Y mis cenizas, antes que vuelvan a la nada, El polvo de tu alfombra que vayan a formar.

Entonces nada importa me pongas en olvido, Tu atmosfera, tu espacio, tus valles cruzare; Vibrante y limpia nota sere para tu oido; Aroma, luz, colores, rumor, canto, gemido, Constante repitiendo la esencia de mi fe. Mi Patria idolatrada, dolor de mis dolores, Querida Filipinas, oye el postrer adois. Ahi, te dejo todo: mis padres, mis amores. Voy donde no hay esclavos, verdugos ni opresores; Donde la fe no mata, donde el que reina es Dios. Adios, padres y hermanos, trozos del alma mia, Amigos de la infrancia, en el perdido hogar; Dal gracias, que descanso del fatigoso dia; Adios, dulce extranjera, mi aliga, mi alegria; Adios, queridos seres. Morir es descansar.

My Last Farewell (English version of Huling Paalam or Mi Ultimo Adis) Farewell, my adored Land, region of the sun caressed, Pearl of the Orient Sea, our Eden lost, With gladness I give you my Life, sad and repressed; And were it more brilliant, more fresh and at its best, I would still give it to you for your welfare at most. On the fields of battle, in the fury of fight, Others give you their lives without pain or hesitancy, The place does not matter: cypress laurel, lily white, Scaffold, open field, conflict or martyrdom's site, It is the same if asked by home and Country. I die as I see tints on the sky b'gin to show And at last announce the day, after a gloomy night; If you need a hue to dye your matutinal glow, Pour my blood and at the right moment spread it so, And gild it with a reflection of your nascent light! My dreams, when scarcely a lad adolescent, My dreams when already a youth, full of vigor to attain, Were to see you, gem of the sea of the Orient, Your dark eyes dry, smooth brow held to a high plane Without frown, without wrinkles and of shame without stain.

My life's fancy, my ardent, passionate desire, Hail! Cries out the soul to you, that will soon part from thee; Hail! How sweet 'tis to fall that fullness you may acquire; To die to give you life, 'neath your skies to expire, And in your mystic land to sleep through eternity! If over my tomb some day, you would see blow, A simple humble flow'r amidst thick grasses, Bring it up to your lips and kiss my soul so, And under the cold tomb, I may feel on my brow, Warmth of your breath, a whiff of your tenderness. Let the moon with soft, gentle light me descry, Let the dawn send forth its fleeting, brilliant light, In murmurs grave allow the wind to sigh, And should a bird descend on my cross and alight, Let the bird intone a song of peace o'er my site. Let the burning sun the raindrops vaporize And with my clamor behind return pure to the sky; Let a friend shed tears over my early demise; And on quiet afternoons when one prays for me on high, Pray too, oh, my Motherland, that in God may rest I. Pray thee for all the hapless who have died, For all those who unequalled torments have undergone; For our poor mothers who in bitterness have cried; For orphans, widows and captives to tortures were shied, And pray too that you may see you own redemption. And when the dark night wraps the cemet'ry And only the dead to vigil there are left alone, Don't disturb their repose, don't disturb the mystery: If you hear the sounds of cithern or psaltery, It is I, dear Country, who, a song t'you intone. And when my grave by all is no more remembered, With neither cross nor stone to mark its place, Let it be plowed by man, with spade let it be scattered And my ashes ere to nothingness are restored, Let them turn to dust to cover your earthly space. Then it doesn't matter that you should forget me: Your atmosphere, your skies, your vales I'll sweep; Vibrant and clear note to your ears I shall be: Aroma, light, hues, murmur, song, moanings deep, Constantly repeating the essence of the faith I keep.

My idolized Country, for whom I most gravely pine, Dear Philippines, to my last goodbye, oh, harken There I leave all: my parents, loves of mine, I'll go where there are no slaves, tyrants or hangmen Where faith does not kill and where God alone does reign. Farewell, parents, brothers, beloved by me, Friends of my childhood, in the home distressed; Give thanks that now I rest from the wearisome day; Farewell, sweet stranger, my friend, who brightened my way; Farewell, to all I love. To die is to rest.