Anda di halaman 1dari 2

Alamat ng CUBAO (Quezon City)

May dalawang batang naglalaro ng tumbang preso sa kalsada. Pareho silang makulit at halos maghapon silang naglalaro sa kalye. Hindi sila tumutulong sa mga gawain sa bahay at madalas ay sinasaway ang mga magulang nila. Kahit sa ordinaryong araw, pagkatapos pumasok sa paaralan, nasa kalye pa rin ang dalawa upang maglaro ng tumbang preso. Madalas magalit ang kanilang mga magulang ngunit paulit ulit pa rin ang pagsuway nila. Isang araw habang ang magkaibigan ay naglalaro ng tumbang preso, may dumaan na isang magboboteng kuba! Dahil nga pilyo at salbahe ang magkaibigan, pinagtawanan nila ito ng malakas. Sa halip na lata ang batuhin nila sa larong tumbang preso, ang kawawang magboboteng kuba ang binato nila. Nasaktan at nainsulto ang magboboteng kuba. Nagalit ito at saka hinabol ng hinabol ang magkaibigan. Galit na galit ito kaya iniwan nya ang kanyang mga kalakal at kahit saan tumakbo ang magkaibigan, sunundan nya ang mga ito. Palibhasa mataba ang isa sa dalawang magkaibigan, nahuhuli ito sa pagtakbo at mabilis mapagod. Kahit na medyo mabagal ang pagtakbo ng kuba, sigurado ang matabang bata na maaabutan sya. Sa takot niyang maabutan sya ng magboboteng kuba, sumuot sya sa isang maliit na eskinita at nagtago dito. Samantala, may isang dalubhasa sa pagsusulat ng mga kasaysayan ng mga lugar at napadaan kung saan nagtatago yung matabang salbaheng bata. Nakita nya ito na takot na takot, namumutla at halos utal utal na nagsasalita. Tinanong ng dalubhasa kung anong lugar ang kanilang kinalalagyan dahil may ginagawa syang pag aaral sa lugar na iyon.

Takot na takot at malakas na sumagot ng KUBA 0! KUBA O! Paulit ulit nyang sinisigaw ang KUBA O! habang tumatakbong papalayo si Taba. Nagataka si Dalubhasa at ang dinig nya sa sinisigaw ng bata ay CUBAO, na syang akala nyang sagot sa tanong nya kyng ano ang pangalan ng lugar na kinalalagyan nila. Bagamat nagtataka, nagpatuloy na lamang si Dalubhasa sa kanyang pagsusulat at pinangalanan nya ang lugar na ito ng CUBAO. Magmula din noon, hindi na nakita pa ang magkaibigan na naglalaro ng tumbang preso ang labas ng bahay sa lugar nila. Buong pagtataka ng kanilang magulang ang pagbabago sa ugali ng magkaibigan. Naging matulungin sila sa bahay at marunong na silang gumalang at magbigay respeto sa kapwa tao. At higit sa lahat, naging masunuring anak ang magkaibigan sa kanilang mga magulang. Ang CUBAO ay matatagpuan sa EDSA kung saan may maraming pangunahin establisimentong (business establishment). Dito matatagpuan ang Araneta Coliseum kung saan madalas ganapan ng mga mahalaga at makasaysayang pagtitipon gaya ng mga patimpalak pang Ms Universe, boksing pang international, Konsyerto ng mga sikat na lokal at banyagang mang awit.